Pabalik na kami ng penthouse naming mag-asawa galing sa Mansion ng mga Cerecedo. Karga karga ko si Edge habang himbing na himbing sa pagkakatulog. Tahimik naman na nagmamaneho si Jerome. Di ko na lang muna inungkat ang tungkol sa pinag-usapan nila. Alam ko naman kasi na magkwekwento din ito. Ayaw din kasi niya ang pinapangunahan siya. Well, siguro may mga ganun talagang attitudes ang mga tao. Pinagmasdan ko na lang ang mukha ni Edge. Napakagwapo ng batang ito. Kung titingnan mo ay kamukhang kamukha ng mga Cerecedo. Kaya nawaglit na naman sa isipan ko ang sinabi ni Daddy. Napailing na lang ako. Malabo yung mangyari. Anak namin si Edge.
"Honey, daan muna tayo ng Mcdo. Don na lang ako magdrive thru. Since tulog na si Edgiee."- Jerome
"Sige, walang problema Hon. Sa bahay na lang natin kainin para di din hassle."- Tisha
Pagkadating namin sa bahay ay agad kong binaba si Edge sa kanyang kama. Mabilis din naming nilantakan ang Chicken Fillet na inorder namin sa Mcdo. Nagprisinta ako na ako na ang magliligpit ng kinainan.
Nagshower naman si Jerome. Matapos ko iligpit ay pumasok ako sa aming Master Bedroom. Naghahanap ako ng bagong kobre kama. Para mapalitan sana ang aming bedsheet. Bigla kong napansin mula sa aparador ang isang kahon. Natatandaan ko pa ang kahong ito. Ito ang kahon na nilagyan ko ng chocolates para kay Jerome nun. Natatandaan ko na si Lean ang nagdala nito. Di ko akalain na tinago niya ito. Sa pagkakatanda ko ayaw niya itong dalahin man lang. Napangiti na lang ako dahil tinago niya pala ito. Dahil sa kyuryusidad ay binuksan ko ito. Napanganga na lang ako dahil nandun lahat ng niregalo ko sa kanya mula pa nung una. Kinilig ako ng mga sandaling iyon. Naappreciate niya pala. Nasaan na kaya ang sulat ko? Wala kasi ito sa kahon. Baka tinapon niya ito dahil sa galit sa akin.
Mabilis kong tinago ang kahon at kinuha ang navy blue na bed sheet. Sakto namang palabas na si Jerome galing shower.
Nilatag ko itong mabilis at nagpaalam na ako naman ang magshoshower.
Matapos ko magahower ay tumabi na ako kay Jerome na nakahiga sa kama habang nanonood ng TV.
Agad naman akong niyakap nito at inilapit ang aking mukha sa kanyang dibdib.
"Napagod ka ba Hon? Pahinga ka na. Kung curious ka man sa pinag-usapan namin. H'wag kang mag-alala hindi ito tungkol sa atin. Tungkol ito sa mga kapatid ko. Pasensya na Hon, pero hindi pa ako pwedeng magkwento sayo. Malalaman mo din ito sa tamang panahon."- Jerome
"Sige hihintayin naman kitang magkwento.Goodnight hon."-Tisha
"Goodnight. (Hinalikan niya ako ng dampi sa labi).)"- Jerome
Magkayakap kaming nagising. Lunes ng umaga ngayon. Maaga ang flight ni Jerome kaya heto ako ngayon at pinagluluto siya ng almusal. Nagluto ako ng sinangag, hotdog at itlog. Pinagtimpla ko na din siya ng kape.
Agad na dinaluhan ni Jerome ang inihanda kong pagkain. Alas 8 ang flight niya. Alas 6 pa lamang ng umaga ngayon. Sinabayan ko na siyang kumain habang tulog pa si Edge.
"Hon, ayaw mo ba talaga na kumuha ako ng kasambahay dito? Para naman di ka na masyadong napapagod"- Jerome
"Hindi naman ako napapagod. Tsaka diba sabi ko sayo. Mas gusto ko na ako ang nag-aasikaso sayo at kay Edge"-Tisha
"Kahit na. Atleast sana may kasama ka dito pag may flight ako. Gusto mo bang kunin ko yung anak ni Aling Berta. Masipag ang batang yon tsaka mabait pa. Atleast man lang may makasama ka sa bahay."- Jerome
"Sige. Ikaw bahala. Para din may makakwentuhan ako dito."- Tisha
Tinapos niya na ang pagkain. Nagpaalam na ito sa akin na maliligo at maghahanda para pumasok sa trabaho.
Nakatanggap ako ng text galing kay Papa.
From Daddy:
Tisha, nandyan ba sa bahay ang asawa mo?
Bakit naman kaya niya tinanong? Bigla akong kinabahan. Sasabihin niya na kaya sa asawa ko. Totoo ba talaga yun?
Erase! Erase!
Nagreply na lang ako.
To Daddy:
Paalis na po siya Dad. Bakit po?
Kinakabahan ako sa mga susunod na reply niya sa akin.
From Daddy:
Sige. Pupuntahan kita dyan. 10am.
To Daddy:
Ok sige po.
Sent.
Kinakabahan ako. Halos di ako mapakali. Bakit na naman kaya?
Sakto naman bumaba si Jerome. Bihis na siya. Dala na din niya ang gamit niya. Walang kahit sinong babae ang hindi mabibighani sa kagaya ng asawa ko. Kaya napakaswerte ko talaga.
Lakad pabalik balik ang ginagawa ko ng maabutan niya ako. Nagulat pa nga ako ng bigla niya akong tinawag.
"Hon, tinext ko na si Aling Berta. Pupunta na daw ang anak niya. Ano bang nangyayari sayo at pabalik balik kang naglalakad? May problema ba?"- Jerome
"Wa- ah- ah- wal-wala hon. Sumakit lang ang tyan ko. Napadami yata ako ng kain. Pwede bang sabihin mo sa anak ni Aling Berta na mamaya nang hapon pumunta dito."- Tisha
"Ah sige. Naglagay ka na ba ng ointment? Gusto mo ba ipatawag ko ang Family Doctor?"- Jerome
"Ah hindi, ok na ako. Pupuntahan ko na sa kwarto si Edge. Antayin mo kaming makababa bago ka umalis."- Tisha
Nagmamadali kung tinungo si Edge. Gising na ito. Kaya kinarga ko agad pababa.
"Nandyan na kami hon."- Tisha
Pagkababa namin ay nakaabutan ko siyang nakaupo.
"Hmmp. Ok ka na ba talaga? Para ka kasing balisa."- Jerome
"Oo ok na ako Hon."- Tisha
"Sige aalis na ako. Mag-iingat kayo."- Jerome
Hinalikan niya ako sa labi at tinap ang noo ni Edge. Agad naman kumaway bilang paalam si Edge sa kanyang Daddy.
Pasado alas nuwebe imedya na ng umaga. Kakatapos ko lang pakainin at paliguan si Edge. Umupo ako sa sofa ng sala. Patuloy ang kabog ng aking dibdib.
Biglang nagring ang cellphone ko.
Daddy calling....
Nataranta akong sinagot ang cellphone.
"Hello Daddy."-Tisha
"Hello, I'm on my way."- Daddy
Walang paalam nitong binababa ang cellphone.
Binuksan ko ang TV at nilagay sa Cartoon Network ang channel para malibang si Edge.
Maya maya ay may nagdoorbell. Patakbo ko itong pinuntahan. Hindi nga ako nagkamali. Si Dad nga ang dumating. Binuksan ko ito agad agad.
"Goodmorning my daughter."- Tisha
"Goodmorning po dad."
Nagmano naman ako at kinuha ko si Edge upang magmano din. Nagtaka naman ako bakit hindi niya pinigilang magmano si Edge. Eh siya nga itong nagdeclare na di namin anak si Edge. Isa pa diba ay asiwa siya dito dahil sa asawa ko. Nakakalito naman.
Niyaya ko si Daddy na umupo muna sa sala. Pinagtimpla ko siya ng kape at ginawa ng bacon sandwich. Nang madala ko ito sa kanya ay umupo ako sa katapat niyang upuan.
"Anak, alam ko nagtataka ka kung bakit ako biglang nagpunta dito?"- Daddy
"Opo dad. Nagulat nga po ako ng tumawag kayo e."- Tisha
Inabot niya sa akin ang isang sulat. Hindi ako maaaring magkamali. Ito ang sulat na binigay ko noon kay Jerome. Paano ito napunta sa kanya?
"Paano ho ito napunta sa inyo?"- Tisha
"Malalaman mo din sa tamang panahon anak.Malapit na ang iyong 23 Birthday. Nung ipanganak mo si Edge nasa labingwalong gulang ka noon. Hindi mo ito naicelebrate. Gusto kong icelebrate mo ito sa ngayong birthday mo."- Daddy
"Hindi na ho importante yun kung nacelebrate ko pa ang 18th debut ko. Ang mahalaga ho masaya ako ngayon sa buhay ko."- Tisha
"Sa birthday mo bubuksan ang sobreng iyan. Nandyan ang sagot sa mga tanong mo. Alam ko curious ka na sa laman niyan anak. Pero sana this time sundin mo si Daddy. Sa birthday mo iyan dapat buksan. Huwag mo rin babanggitin kay Jerome na binigay ko yan sa iyo ngayon."- Daddy
"Dad?! Nalilito ako, ano bang nangyayari? Bakit kailangan sa birthday ko pa ito mabuksan. Ito ang sagot sa mga pira pirasong nakaraan."- Tisha
"Sumunod ka na lang. Para din naman ito sayo iyo at sa pamilya mo. Isa pa, papadalahan ko ng regalo dito ang aking grandson. (Sabay tap nito sa noo ni Edge.)- Dad
Ang gulo naman. Di ko na maintindihan si Dad. Pero para hindi mas lalong maging magulo. Hihintayin ko ang birthday ko para buksan ito. Tatlong buwan pa ang gugugilin noon. Pero handa akong maghintay. Isa pa takot pa ako sa dapat kong malaman.
Vote and comments are highly appreciated. Thank you!
- Ban.Kira