Pasado alas-kwatro ng dumating ang anak ni Aling Berta na si Ella. Nasa labingwalong gulang pa lang si Ella.
"Gusto mo ba ipaghain kita ng meryenda?"- Tisha
"Nako Ma'am h'wag na po. Ako nga po ang dapat naghahanda sa inyo."- Ella
"Ano ka ba? Ok lang yun, tsaka wag mo na akong tawaging Ma'am. Ate. Oo ate na lang itawag mo sakin. Ate Tisha."- Tisha
"Sige po Ate Tisha."-Ella
"Pwede bang pakibantayan mo muna si Edge. Maggogrocery lang ako. Mabait naman si Edge."- Tisha
"Opo naman wala pong problema."- Ella
Lumapit naman agad si Edge kay Ella. Medyo kilala niya ito dahil kapitbahay namin ang pamilya ni Ella. Nagpaalam na akong umalis.
Gusto ko din kasing makipagkita ngayon kay Mommy. Tinext ko ito bago ako lumabas ng bahay. Napagkasunduan naming magkita sa Mcdo.
Pumara ako ng taxi para makarating sa Mcdo.
Pagpasok ko ay agad kong nakita si Mama na nakaupo sa left side. Mukhang kanina niya pa ako inaantay. Medyo natraffic kasi ako kanina.
"Ma!"- Tisha (at kumaway ako sa kanya.
Nakita naman niya ako agad at ngumiti. Dirediretso akong umupo at nagmano sa kanya.
Nagpaalam ako na oorder lamang ako. Umorder ako ng 2 chicken, rice, at Mcfloat. Dinala ko ito sa aming table at umupo ulit.
"Anak, kamusta ka na ba? Bakit hindi mo kasama si Edge?"- Mommy
"Ok naman po ako mama. May Yaya na po kasi Edge. Kinuha kasing yaya ni Jerome si Ella yung anak ni Aling Berta. Kaya may mapag-iiwanan na ako sa kanya."- Tisha
"Tingnan mo nga naman ano. Ang bilis ng panahon. Ibang-iba na talaga ang turing sayo ni Jerome. Pakiramdaman ko ay mahal na mahal ka na niya."-Mommy
"Natutuwa nga po ako sa kanya ngayon. Halos araw-araw tumatalon ang puso ko sa ligaya dahil dito umabot ang relasyo namin."- Tisha
"Masaya naman ako para sayo. Pero anak paano ang tungkol kay Edge? Nasabi mo na ba sa asawa mo?"- Mommy
"Ho? Hin-hin-hindi pa po Mommy. Hindi naman kasi ako 100% ay naniniwala kay Daddy. How come? Halos kamukhang kamukha ng mga Cerecedo si Edge. Kakatwa namang isipin diba. Wala pa namang matibay na ebidensya si Daddy na nagpapatunay sa akin na hindi namin anak si Edge."- Tisha
"Anak merong ebidensya ang Daddy mo. Hawak niya ang DNA Result niyo ng anak niyo. Ginamit ng Daddy mo ang dugo niya, dahil kung ikaw ang ina ng bata ay lalabas na siya din ang lolo nun at magtutugma ito, at ang toothbrush ni Edge ng minsang bumisita siya sa inyo makaraang araw."- Mommy
"Nagjojoke ka lang mommy (sabay halakhak ng nakakaloko) Anong DNA? Hindi na namin kailangan non. Mag-ina kami, anak namin si Edge."- Tisha
"Pero anak-"- Mommy
Pinutol ko na ang sinasabi ni Mommy.
"Aalis na ho ako, marami pa pala akong gagawin. Maggogrocery pa ho pala ako. Wala ho akong ganang pag-usapan ang mga kalokohang yan."- Tisha
Nagpaalam na ako at lumabas ng Mcdo. Iniisip ko pa rin kung paano nga kaya kung sinasampal na ako ng katotohanan pero hindi ko lang paniwalaan. Pero paano ang wangis ni Edge sa mga Cerecedo. Litong lito ako nun kaya pumara ako ng Taxi ng hindi pa man lang ako nakakapaggrocery.
Nasampal ko ang noo ko ng maalalang dapat nga pala ay mamimili ako. Pumasok na lang ako ng bahay ng makababa ako sa taxi. Umoorder na lamang ako online para ideliver na lang nila sa bahay. Balisa pa din ako. Kailangan kong makita ang DNA Result na sinasabi ni Mommy.
Naabutan ko naman na pinapatulog ni Ella si Edge. Kaya ng makita niya ako ay agad siyang tumalima.
"Nandyan ka na pala Ate, nasaan po ang mga pinamili niyo para maayos ko na po ito."- Ella
"Ah-eh ano, hindi ako nakapamili kasi mahaba ang pila. Tama, oo mahaba ang pila kaya nagpadeliver na lang ako.Antayin na lang nating dumating."- Tisha
"Ah sige po. (Tumango tango pa ito."- Ella
Makalipas ang kinse minuto ay dumating din ang grocery delivery. Inayos ito ni Ella at nagpaalam ako sa kanya na matutulog muna ako sa tabi ni Edge. Magluto na lang siya ng pananghaliang gusto niya.
Pagpasok ko sa kwarto ay mahimbing na mahimbing ang tulog ni Edge. Pinasadahan ko ng tingin ang mukha nito. Napakaamo para kanyang ama. Paano kung hindi ka nga sa akin anak? Bulong ko sa sarili ko.
Kaya naman pala willing na willing si Daddy sa kanya nung nakaraang araw ay may iba pala itong sadya sa aming bahay.
Nalulungkot ako sa ganun. Pero sana panaginip na lang ito at ng magising na ako sa masilamuot na bangungot. Pinilit kong ipikit ang aking mga mata.
Ngunit tila siya muna ang ayaw pumikit. Maraming tanong na naglalaro sa aking isipan. Bakit na kay Daddy ang sulat ko kay Jerome 5 years ago? Gaano ba katotoo ang DNA Result na yon? Ang sakit isipin. Sumasakit ang sintido ko tuwing naglalaro isa isa ang mga tanong na yun sa isip ko.
Lumabas na lang ako sa kwarto nakita ko si Ella na nagluluto ng adobong manok.
"Ella? Kumain ba si Edge kanina? Bungad ko sa kanya
"Opo Ate. Pinakain ko po ng kanin, hotdog at gatas bago siya nakatulog sa pagod sa paglalaro."- Ella
"Sige, mabuti naman pala kung ganun. Nag-aaral ka pa ba?"-Tisha
"Hindi na po Ate. Tumigil po ako dahil uunahin daw po muna mag-aral ang tatlo ko pang nakakabatang kapatid."- Ella
"Hmmp. Pero gusto mo pang mag-aral?"- Tisha
"Opo naman. Kung may pagkakataon nga lang."- Ella
"Hayaan mo at magrerequest ako sa Scholarship Organization ng mga Madrid."- Tisha
"Salamat po Ate. Tuwang-tuwa nitong wika
Winaglit ko muna sandali ang problema. Wala din namang mangyayari kung iisipin ko ito ng buo.
Ano man ang mangyari? Paghahandaan ko ito. Dahil kahit ano namang mangyari kailangan ko itong sabihin kay Jerome sa tamang panahon.
Votes and comments are highly appreciated. Thank you!
- Ban Kira