Nakaraan
Dumaan ang mga araw mula nung nangyari ang pagcoconfess ko kay Jerome. Halos ipagtulakan na naman niya ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin ang tungkol sa napag-usapan namin ni Lean.
Naglalakad ako sa papunta sa soccer field. Nakapwesto ito sa may likod ng gymnasium ng University namin. Kapag wala namang tournaments, walang masyadong tao na pumupunta dito or else wala talagang tao. Madalas akong tumambay dito. Kasi tahimik nga ang atmosphere dito. Umupo ako ng pa indian sit sa may damuhan. Wala ngayon ang dalawa kong kaibigan dahil may nga personal na pinuntahan.
Naisipan kong magbasa ng bagong manga na binili ko. Di naman ako masyadong mahilig dito. Natuwa lang talaga ako bilihin kahapon. Nasa ikatlong pahina na ako ng may narinig akong boses ng dalawang lalaki na tila nagtatalo sa likod ng pader ng gymnasium.
Noong una ay hinayaan ko na lang sila. Dahil hindi naman ako ang tipo ng tao na mahilig makialam sa buhay o away ng iba. Pero narinig ko bigla ang pagbanggit ng pangalan ko ng isang lalaki. Kaya nacurious akong tingnan kung sino ang dalawang yun.
Nagtago ako sa isang malaking bato. Upang magkubli. Nanglaki ang mga mata ko ng makita na ang magkapatid na Cerecedo pala ang nagtatalo. Si Jay Kyle at Jerome! Kaya mas lalo kong nilapit ang tainga ko para marinig sila.
"Shet kuya, para kang tanga. Hindi mo ba mapagbigyan ang kapatid mo! Alam mo ako naman ang naunang makakilala kay Jin. Ahas ka kasi Kuya."- Jay
"Wala sa una yun Jay. Malinaw na ako ang gusto ni Lean at hindi ikaw."- Jerome
"Bullshit Bro. Nandyan naman si Madrid ah. Mayaman yun at maganda. Wala ka nang magawa kung hindi mang-agaw. Lahat na lang inagaw mo sa akin."- Jay
"Wala akong inaagaw sayo gago. Kasalanan ko bang ako ang nagugustuhan ng mga gusto mo. Tsaka tutal nagagandahan ka din naman kay Madrid edi sayo na yung hinayupak na yun."- Jerome
"Alam mo gago ka talaga kuya. Simula nung bata pa tayo ikaw ang magaling sa mata ng lahat. Ikaw ang bida bida, kahit sa mata ng mga magulang natin. Pati ba naman sa babaeng mahal ko. Ikaw pa ring hayup ka."- Jay
"Bakit? Kasalanan ko bang hayop ka na isa kang tarantando? Wala ka nang ginawa kundi ang makipagbasag ulo. Ito tatandaan mo. Wala akong pakealam sa mana ng pamilya natin. Sayo na lahat ng parte ko. Basta sisiguraduhin kong mapapunta sa akin si Lean!!"- Jerome
Biglang sinuntok sa mukha ni Jay si Jerome. Napatakbo ako sa kanila para pigilan pa siya.
"Hayop ka kuya. Kalimutan mo nang magkapatid tayo!"- Jay
"TAAAAMAAAAAH NAAAAA."- Tisha
Hindi nun nakalaban si Jerome dahil sa mata siya tinamaan ni Jay. Sanay na sanay kasi si Jay sa pakikipag-away. Kaya alam na alam nito kung saan dapat tamaan.
"Oy Madrid, masyado kang pakialamera."- Jay
Tumingin sa akin ng masama si Jerome.
"Bakit ka nanditong punyeta ka?! Hindi ikaw ang pinag-aawayan namin! Umalis ka na!! Alis!"- Jerome
"Pe-pero?"- Tisha
"Kung ayaw mong umalis! Sige magsama kayo niyang ahas kong kapatid."- Jerome
Sabay talikod nito at pinunasan ang dugo sa labi.
Nabaling naman ang atensyon ko kay Jay na nagngingitngit ang mga ngipin sa galit.
"HAYOPPP KA JEROME! Dapat di na kita naging kapatid. Bwisit ka!"-Jay
Aalis na sana ako ng bigla niya akong tawagin.
"Hoy ikaw Madrid! Gawin mo lahat ng paraan para makuha si Kuya. Para maging akin si Jin."- Jay
Tapos nun ay tinalikuran niya na ako. Gagaling talaga tumalikod ng mga Cerecedo kahit kinakausap mo pa.
-
Sobrang gusto-gusto talaga ng magkapatid na yun si Lean. Paano kaya kung malaman nila na si Lean ay ibang tao. Paano kaya kung malaman na hindi si Lean ang naging kababata nila at ang babaeng pinag-aagawan nila. Kundi si KhinKhin.
Gagawin ko lahat ng paraan para magustuha ako ni Jerome. Sa kahit papaanong paraan kukunin ko siya.
Nanindigan ako na gagawin ko lahat. Wala na akong pakialam kung makasakit pa ako ng iba.
Hinabol ko si Jay na patuloy na naglalakad palabas ng Soccer Field.
"Jay!"- Tisha
Humarap ito sa akin ng walang emosyon.
"Bakit Madrid? Close ba tayo?"- Jay
"Ah hindi! Pero may gusto sana akong sabihin sayo."- Tisha
"Hmm. Problema mo?"- Jay
"Bakit kaya di na lang talaga tayo magtulungan? Pareho naman tayong magbebenifits kung sakali."- Tisha
"Ayaw ko, may paninindigan ako sa lahat ng bagay. Kukunin ko ang bagay na gusto ko sa maayos na pamamaraan. H'wag mo akong idamay sa madumi mong sistema Atisha Jewell Madrid."- Jay
Hindi na ako nakaalma ng magpatuloy ito sa pag-alis. Maigting talaga ang prinsipyo ng isang yun. Kung ayaw niya makipagtulungan sa akin ay ako na mismo ang gagawa ng paraan.
Lumabas na din ako ng soccer field at sumakay sa akin BMW. Tinahak ko ang botique na pagmamay-ari ng tita ni Nicole. Naisipan kong bumili ng mga new edition fashion dress dito. Habang bumabyahe ay binubuo ko ang plano ko.
I smirked.
Oplan seducing Jerome Klint Cerecedo! Let's the battle begin!