Sabado ngayon, walang pasok sa trabaho ang asawa ko.
Nandito din si Jossette at Jhonley. Kalaro nila si Edge. Samantalang kami naman ni Jerome ay nasa kusina. Katulong ko si Ella sa pagluluto ng lunch at nagkakape naman si Jerome.
Nang biglang tumakbo palapit sa amin si Edge.
"Mommy! Daddy! Ate Ella!, ate Jossette and Tito Jhonley are fighting."- Edge
Agad naman kaming pumunta sa sala para puntahan sila Jhonley at Jossette.
Naabutan naming nagtatalo ang dalawa. Sanay na kaming ganito ang dalawang yun.
Mula bata pa ay ganyan na ang inaatupag nila. Maglalaro sila pagkatapos ay mag-aaway.
"Jhonley ano bang nangyayari?"tawag ni Jerome sa kanya.
"Si Jossette kasi kuya. Lagi niya akong natatalo sa chain reaction. Naiinis ako sa kanya."- Jhonley
"Alam mo Kuya Jerome hindi lang matanggap ni Jhonley na bulok siya sa chain reaction." Nakapamewang pa ito na nakataas ang kilay.
"Hindi kita magugustuhan paglaki ko. Bleeeh :P"- Jhonley
"Kala mo naman magkakagusto ako sayo." mataray na tugon ni Jossette.
"Kayo talagang dalawa. Alam niyo bang sinumbong kayo ni Edge sa akin. Gusto mo bang ipatawag ko si Kuya Jino mo?"- Jerome
"Hindi po kuya"- naninikbi niyang sabi.
Ngunit nanatili pa rin siyang nakatingin kay Jhonley
Samantalang tinuon naman ni Jerome ang atensyon sa nakataas na kilay na si Jhonley.
"Ikaw naman Jhonley, gusto mo bang ipadala na kita sa New Zealand?"- Jerome
"Hindi po kuya."
"Magbati kayong dalawa"- Jerome
Pilit na nagshake hands ang dalawa.
"Mabuti pa ipaghahanda ko na lang kayo ng meryenda."- Tisha
Nagpatuloy sa paglalaro ang mga bata. Habang ako naman, napagdesisyunan kong gumawa ng egg sandwich, hotdogs at juice na available sa aming ref.
Inihain ko ito sa sala. Mabilis na naming nilantakan iyon.
Pasado alas kwatro ng sunduin ni Jino at Jay sina Jossette at Jhonley.
Naikwento pa ni Jerome ang pag-aaway ng dalawa. Narinig ko pa ang sinabi ni Jino na labis na pinagtaka ko.
"Pre, paano yun, bata pa nga lang sila nag-aaway na sila. Paano pa kaya pag nagsama na sila sa isang bahay."
Habang naiiling at natatawa na lang si Jerome.
"Well, wala na silang magagawa"- Jay
Palitan ko silang tiningnan. Nalilito ako sa kanilang lahat.