Nakaraan
Kasama ko si Nicole at George. Papasok kami sa 1st subject namin sa Accounting.
Nagmamadali kami sa paglalakad dahil hindi pwedeng malate kami. Matandang dalaga ang prof namin dito. Kaya masyadong istrikto pagdating sa Attendance.
Umupo kami sa bandang likuran. Kahit anong pagpupumilit kong pakinggan ang lesson ni Ms. Cabral hindi yon pumapasok sa utak ko. Patuloy pa rin naglalaro sa utak ko ang mukha ni Jerome.
Napapasimangot ako t'wing maalala ko ang pambubusted niya sa akin. Pero fight fight pa rin.
Di ko namalayan na kanina pa pala ako tinatawag ni Ms. Cabral at halos lahat na ng mga kaklase ay natingin sa akin.
Napaigtad ako ng matauhan ako sa mga nangyayari.
"Ms Madrid! " pasigaw na tawag ni Maam Cabral
"Ay! Yes po Ma'am?"lutang na sagot ko.
Nagtawanan naman ang mga kaklase ko.
"Lutang ka na naman Ms. Madrid. Kindly answer the equation on the board."- Ms Cabral
"Ano bang iniisip mo baks?" Bulong sa akin ni George.
Tumayo ako para sagutan ang equation sa board.
Medyo natagalan pero nairaos ko din.
Class dismissed.
Papunta kami sa canteen. Nakita kong kasama ni Jerome si Lean. Nakaupo sila sa dulong table ng cafeteria. Maya-maya ay dumating si Jay. Pumunta ito sa direksyon nila.
"Jin? tawag nito kay Lean.
Napatingin sa kanya ang dalawa.
Tumayo naman si Jerome.
"Anong ginagawa dito ng magaling kong kapatid?"- Jerome
"Ano bang pakialam mo my brother? Hindi naman ikaw ang pinunta ko dito!"- Jay
"By the way. Meet me later after class, at the parking lot."- Jay
Hindi na nakasagot pa si Lean ng biglang tumalikod at umalis na si Jay.
May sinabi si Jerome kay Lean na hindi na namin narinig dahil pabulong niya itong sinabi.
Paparating naman sa loob ng cafeteria si Errol. Kinawayan ito ni Nicole. Kaya agad naman itong tumalima sa direksyon namin.
"Hello Goodmorning Accountants. Bati nito."
Ngiting-ngiti naman ang loka lokang Nicole. Mukha namang naweirduhan si George dito.
"Upo ka dito Errol. It's my treat"- Nicole
Aayaw pa sana si Errol pero agad ko itong sinigundahan.
"EA, Don't worry. Kaibigan ka din naman namin. Tsaka di ka na iba."- Tisha
Umupo na din ito. Umorder kami ng lasagna at milktea. Pare-pareho kami ng inoorder.
EA yung tawag ko kay Errol kasi Errol Allen yung fulname niya. Nakatira siya sa rental house ng family namin. Scholar siya ni Dad. He's good in everything. Kung may salita na dapat idescribe sa personality niya yun ay ang word na "genuine". Salat nga sa buhay si Errol aka EA pero napakabait niya talaga.
Isa siya naging close ko sa mga scholar ni Dad. We've been closed since our childhood days. Hindi na ako magtataka kung bakit parang laging nagpapacute tong kaibigan kong si Nicole.
Kung tutuusin, my dad wants EA for me. But my heart is belong to Jerome Klint Cerecedo.
After we ate, nagpaalam na si EA sa amin may klase pa kasi siya.
I was about to leave ng mapansin ko si Marco. Matagal na siyang may gusto sa akin. Kinukulit niya akong makipagdate sa kanya.
Hinarangan niya kaming tatlo sa daanan palabas ng cafeteria.
"Hey Tisha babe, we meet again. Destiny talaga tayo. Magdate na kasi tayo. " napakamanyak ng tingin niya sa akin.
Hinawakan ako nito sa bewang.
"Ano ba Marco! Bitawan mo nga ako. Di ako makikipagdate sayo."-.nagpupumiglas ng sigaw ko sa kanya.
"Hoy, ikaw Marco, bakla ka talaga ng taon. Umalis ka nga"- George
Mukhang hindi papaawat si Marco. Dumating pa ang ibang katropa nito. Halos macorner kami.
Nakatingin na ang lahat sa amin sa Cafeteria. Nagulat ako ng biglang lumapit sa amin si Jerome.
"Hoy, kayong lahat gusto niyo bang ipatanggal ko kayo dito sa school. Ikaw Marco, kapag ayaw sayo h'wag mong pilitin. Kaya ko kayong ipaspell dito. You know the power of Cerecedo's. " malitanya niyang tugon habang naniningkit pa ang kanyang mga mata.
"May araw ka din sakin Cerecedo, masyado kang pakilamero!"- Marco
Wala itong nagawa kundi umalis kasama ang batalyon niyang tropa.
"Hoy Madrid baka naman masyado kang nag-assume. Pinagtanggol kita dahil responsibility ko yun bilang Student Council." - Jerome
He smirked then leave.
Naiwan akong tulala habang akay akay ako ng dalawa kong kaibigan.