Nakaraan
Lumipas ang weekends. Isang linggo na naman para sa pag-aaral.
Di naman ako matalino pero sinusubukan kong makapasa sa lahat ng subjects ko.
1 year na lang ay pagraduate na ako sa college. Another achievement will unlock soon. Pero mas magiging masaya ako kung makuha ko din ang taong nais kong mahalin at makasama sa habang panahon.
Pinangarap sa akin lahat ng to ng mga parents ko. I've been taking this course para na din sa business namin.
Pero paulit ulit kong nililinaw ang sarili ko. Paano kung dumating ako sa dalawang pamimiliang, gusto ko parehong piliin.
Pero dahil isa lang ang kailangan kong piliin, kailangan kong iwan ang isa.
Paano na lang kung ang choices ko ay sa pagitan ng pangarap ko at ng mga magulang ko at ang sarili kong kaligayahan.
Ano ang isusuko ko at ano ang ilalaban ko?
Gaano na ba ako sigurado sa gagawin ko? Hindi pa pwede suklian niya na lang ang pag-ibig ko. Di ba pwede ako na lang. Kami na lang habangbuhay.
I was driving right now. Papunta ako sa Red Room Organization galing akong University, didiretso ako dito kasi namimiss ko na talaga ang mga bata lalo na si Kael.
This organization created 5 years ago until now patuloy pa rin itong ginagawa ng parents ko. Organization ito ng mga batang iniwan na ng mga parents nila. My mom and dad created this para sa advocacy na rin nila sa mga street children.
Sa akin na ito pinahandle ni Dad simula nung nagcollege na ako. Di ko rin alam bakit ba napakalapit at attouch na attouch ako sa mga batang iniwan at inabando na ng mga magulang nila. Feeling ko there was a side of my life na relate sa story nila.
Kael is my favorite here. 8 years old si Kael, narescue siya sa gyera sa Mindanao ng organization namin. Namatay ang tatay niya sa gyera at yung nanay naman niya namatay sa panggagahasa.
I was about to park my car sa tabi ng building ng organization namin. Pero nakita ko si Lean papunta sa isang mental hospital na katabi lang ng building.
Sa pagkakantanda ko di naman to yung hospital na pinagdalhan niya sa akin kay Khinkhin. Pero bakit siya nandito. Isa pa nung pinuntahan namin si Khinkhin, di ko rin naman masyado nakita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa amin.
Pinagsawalang bahala ko lang ito. Dahil baka for second opinions naman ang pakay niya dito. Pinark ko na lang ang kotse ko.
Naglakad ako agad papasok sa entrada ng building. Sumalubong agad sa akin si Mader Tessa at Ate Vivian. Sila yung mga katiwala namin dito sa charity namin.
"Goodmorning Ma'am Tisha."- Ate Vivian
"Goodmorning anak, biglaan ata ang pagbisita mo dito. Friday pa naman ang visiting day mo diba."- Mader Tessa
"Goodmorning to the both of you. Namiss ko kasi ang mga bata pati si Kael."- Tisha
"Oo tamang tama miss ka na rin nila. Maupo ka muna dito Tisha, ipapatawag ko ang mga bata at magpapahanda ako ng meryenda."- Ate Vivian
Iniiga sa akin ni Mader Tessa ang pinaka visitors place ng org.
"Mader Tessa ngayon ko lang napansin na Mental Hospital pala ang katabi ng building natin. Hindi ba yun nakakaapekto sa mga bata?"- Tisha
Nakaupo kami ng magkatapat ni Mader Tessa.
"Hindi naman Tisha. Wala naman nagiging problema. Isa pa nauna ang building natin dito. Siya yung 2 years agong construction side dyan. Mental Hospital pala yung itatayo. Pero as far as now wala naman nagiging problema sa parehong building. "- Mader Tessa
Maya maya ay dumating na si Ate Vivian kasama ang mga bata pati na rin ang meryendang ginawa niya.
Nakipagkamustahan lang ako sa mga bata at tinanong kung ano ang gusto nilang gift sa darating na pasko. Nagpicture kami at mamaya ay tinawag ko si Kael.
"Kael? Gusto mo bang sa bahay ka na lang tumira kasama ni Kuya EA? "- Tisha
"Wala pong problema Ate Tisha. Hindi niyo ba sinama si Kuya EA."- Kael
"Hindi siya nakasama kasi may klase pa siya. H'wag kang mag-alala ipapaayos ko agad kay Ate Vivian at Mader Tessa ang mga papeles mo."- Tisha
"Salamat po Ate Tisha. Mabait na ay maganda pa. "- Tisha
Nakipag apir pa ako sa kanya at nagpaalam na ito sa akin para maglaro.
Kinausap ko si Ate Viv at Mader Tessa tungkol don. Once na maapprove ni Dad at Mom ay aayusin daw nila ang papel.
Nagpaalam na din ako para makauwi na rin.
Excited na ako para sa paglipat ni Kael sa amin.
Mukha lang ako bitch pero may good side di naman ako.
- Tisha