Chapter 17 - Chapter 15

Pasado alas otso na ng gabi ng makarating si Jerome sa bahay mula sa kanyang trabaho. Sinalubong ko ito ng halik.

"Kumain ka na ba? Gusto mo ba ipaghain kita o di kaya ipagtimpla ng kape"- Tisha

"Hindi na. Tumabi ka na lang sa akin dito sa sofa. Para namumugto ang iyong mata. Umiyak ka ba?"- nag-aalala niyang tugon.

"Ha? Namumugto? Ako umiyak? Hindi ah. Siguro ay dahil sa inilagay ko ito face mask. Kakatanggal ko lang kasi. " pagdadahilan ko.

"Ah ganun ba. Halika ka nga dito. Nasaan na ba si Edge?"- Jerome

Lumapit ako sa kanya at tumabi.

"Kasama na ni Ella sa kwarto. Natutulog na siguro."- Tisha

Niyakap niya ako ng pagkakahigpit. Medyo nagulat pa nga ako sa ginawa niya.

"Sobrang miss na kita asawa ko. Ngayon ko lang kasi narealize ang worth mo. Ang tanga ko kasi dati. Sobrang dami kong pagkukulang sayo."Tugon niya habang nakayakap sa akin.

Napangiti na lang ako. Hindi ako sanay na ganito siya. Pero mukhang bumabawi nga siya sa sakit na dinulot niya sa akin dati. Nakakabura ng problema.

Lumapit ang mukha niya sa akin at hinalikan ako.

Nagtagal ang aming halikan.

He kissed me passionate. Yung ramdam mong mahal na mahal ka niya. He gently pushed his lips into mine. I feel relieved.

Huminto lang kami ng maalala kong baka bumaba si Ella at makita kami sa ganung ayos.

He smiled widely.

"I love you so much my wife."

"I love you so much too my husband. I've been waiting to this scenario for so long. And now it's happened. I'm so happy." I response with gladly smile.

"It's too late to realized that I'm lucky to have you. You are my treasure and my milestone. The sweetest Honey of mine."- Jerome

"Thank you so much for coming into my life."- Tisha

Pumasok na kami sa kwarto. Magkaholding hands pa kaming pumasok na animoy highschool couple.

Napangiti na lang ako kasi mukhang ayaw niya talaga bitawan.

"Paano ka magshoshower niyan" sabay nguso ko sa kamay niyang parang ayaw na ata binatawan ang kamay ko.

Tumawa siya. Nasisilip ko tuloy ang magaganda niyang ngipin.

"Oo nga ano. Bibitawan ko muna tong kamay mo ngayon dahil magshoshower ako. Pero lagi mong tatandaan. I will be your Pilot that drive you crazy with my love. "- he widely smiled at me.

"Ang cheezy mo Mr. Pilot"- Natatawa kong sagot.

Pumasok siya sa shower.

Humiga naman ako sa kama habang inaantay siya.

Apat na b'wan pa naman yun. Tsaka ko na iisipin ang problema. Ang mahalaga masaya ako. Ieenjoy ko muna to. Ang saya pala talaga masuklian ang pagmamahal mo.

Rinig na rinig ko ang kabog ng dibdib ko. Hihimatayin ata ako sa kilig ngayon sa asawa ko. Nais ko nang ibaon yun lahat sa limot.

Mahal niya na ako. Di na mababago yun. Siguro naman ay maiintindihan niya yon. Pero pag-iisipan ko muna ang mga hakbang ko.

Kagat labi akong nakahiga sa aming kama. Nangingiti ngiti ako habang yakap yakap ko ang unan ko.

Bigla namang lumabas si Jerome mula sa shower room.

"Ngiting-ngiti yata ang asawa ko." natatawang sabi niya.

"Ikaw kasi Hon ang cheesy mo kasi. "Tugon ko.

"Mahal ka naman."- Jerome

"Mahal din kita."- Tugon ko.