Nag-iisip na ako ng paraan ngayon kung paano ko aaminin kay Jerome ang tungkol kay Edge.
Mas minabuti ko munang makipagkita kay Dad. Para na ding mas kumpirmahin ang legitimacy ng DNA Result na nabanggit ni Mommy.
Dad calling.....
Nakailang ring bago niya sagutin. Nangangati na ang panga ko ng mga oras na yun.
"Hello dad?"- Tisha
"Yes my dear daughter." malambing niyang sagot.
"Gusto ko pong makipagkita sa inyo ngayon?!" Diininan ko pa ang salitang ngayon.
Humalakhak muna ito bago sumagot. Mukhang alam niya ang dahilan ng pagngingitngit ko.
"No problem Tisha. Drop to my office anytime"- Dad
Matapos nun ay binaba ko na ang telepono. Nakataas ang kilay ko dahil sa magkahalong emosyon. Naiinis ako at kinakabahan sa mga nangyayari.
Tinawag ko agad si Ella para bantayan muna si Edge.
"Ella bantayan mo muna si Edge. Wala pa naman si Kuya Jerome mo. Mamaya pang gabi ang uwi niya. May importante lang akong pupuntahan."- Tisha
"Opo ate Tisha."- Ella
Hinatid pa ako sa gate ni Ella.
"Ella h'wag na h'wag kang magpapasok ng hindi mo kilala."- Tisha
She nodded.
Umalis na ako. Ginamit ko ang kotse ko.
Pasado alas dyes imedya ng makarating ako sa office ni Dad sa Makati.
Dirediretso akong pumasok. Hindi ko na pinansin ang mga bumabati sa aking empliyado ni Daddy sa kompanya.
Nag- elivator ako dahil 7th floor pa ang office ni Dad. Nangingitngit na ang labi ko sa pagmamadali.
Salubong ang kilay ko ng pumasok ako sa opisina. Hindi ko na nga nagawang kumatok pa. Mukhang hindi naman siya nagulat sa pagpasok ko. Siguro dahil inaasahan niya na rin ang pagdating ko.
"Dad? What that DNA Result thingy na nabanggit sa akin ni Mommy! Masyado niyo na ho pinahihimasukan ang buhay namin!" Inis na direktang tanong ko.
"Maghinay hinay ka nga my dear daughter." Natatawang sagot nito.
Inilabas niya mula sa drawer ng table niya ang isang brown envelope.
"Here, tingnan mo at basahin mo ang nasa loob. Para maging malinaw sayo ang lahat."- Dad
Inabot ko ito at mabilis na binuksan. Authentic ang hospital na pinanggalingan nito. Pati Doctor na nakapirma dito ay kilalang kilala ko. Nanginginig ang buo kong katawan ng makita at mabasa ako ang resulta.
HINNNNDIII TO MAAAARI DAD!ANAK KO SI EDGE. " habol hininga kong sagot sa kanya.
"Mukha bang magsisinungaling ang resulta Tisha. Kilala mo naman ang Doctor na sumuri niyan. Bibigyan kita ng apat na b'wan para paghandaang aminin ito sa asawa mo."- Dad
"Pero Dad. It's not about me and Jerome. It's about my son. Pupuntahan ko ang Doctor na gumawa nito. Alam kong pinaplano mo lang na paghiwalayin kami ni Jerome. Ginagamit mo lang si Edge."- Iritadong sagot ko
"Hindi ko ito pinalano. Kailangan mo nang malaman ito. Dahil ako ang nagplanong palitan ang bata. Oo, ayaw ko sa asawa mo. Dahil isa siyang Cerecedo. Pero anak kita mo naman ako pa ang gumawa ng paraan para pagdungtungin kayo. Binili ko si Edge para kahit papaano ay may linyang namamagitan sa inyo. Pero darating talaga ang panahon na kailangan ng ibunyag ang sekreto."- mahinahon niyang sabi.
"Paano ang anak ko? Paano si Jerome? Pinaghirapan ko lahat to. Sigurado akong pag nalaman niya to kakasuklaman niya ako. Mawawala na naman siya sa akin." Mangiyak ngiyak kong sabi.
"Anak, handa naman namin kayong tanggapin ni Edge. Kung sakaling iwan kayo ni Jerome. Di mo siya masisisi kung kasuklaman ka man niya. Si Edge ang nagdugtong kaya minahal ka niya ngayon at kapag nalaman niyang hindi niyo naman si Edge. Magbabago yun. 4 months after pupunta na kami ng Australia ng Mommy mo. May choice kang sumama samin"- Dad
Naiwan akong tulala sa office niya. Lumabas na ito dahil may business meeting pa daw siya.
Nakarating ako sa bahay namin ng di ko namalayan.
Nadatnan kong pinapakain ni Ella si Edge. Hindi ako nagpahalata na mukha akong problemado. Pilit ko silang nginitian at hinalikan sa pisngi si Edge.
Hanggang hindi niya kinikwento ang tungkol sa pinag-usapan nila tungkol kay Jhonley ay mananatili rin munang tikom ang aking bibig ng tungkol kay Edge" bulong ko sa aking sarili.