Chapter 12 - Chapter 10

Nakarating na kami sa bahay ng mga Cerecedo. Kahit clue less ako sa mangyayari o kung ano ang sinasabi ni Jerome na right time na para gawin ngayon. Hindi naman ako kasi matanong. Willing akong siya mismo ang mag open-up sa akin kapag handa na siya ikwento.

Dumiretso kami sa sala ng Mansion. Naabutan ko naglalaro pa ng x-box sila Jhonley at Jossette sa salas. Medyo nagulat pa nga sila sa pagdating namin. Agad na dinaluhan ng dalawang bata si Edge para isali sa pag-lalaro.

"Jhonley nasaan si Kuya Jay mo?"- Jerome

"Nasa taas lang kuya. Bababa na din po siguro yun."- Jhonley

"Sige."- Jerome

Nakatayo si Jerome sa harap ng malaking glass window at nakapamewang. Mukhang malalim ang iniisip nito.

"Ok ka lang ba Hon?"- Tisha

"Oo naman Honey ko. Don't worry about me."- Jerome

"Sige, puntahan ko lang si Edge."- Tisha

Nacucurious tuloy ako sa pag-uusapan nila. Nakasalubong ko naman si Aaron. Kakababa lang niya ng 2nd floor. Mukhang kakagising lang niya. Antukin ba talaga tong batang to o tamad lang talaga magpunta sa salas ng bahay nila.

"Hello Ate Tisha, Good afternoon po. Napabisita po ata kayo? Nandyan rin po si Edge at Kuya Jerome?"- Aaron

"Oo.May bonding ata yung mga magkakababata e. Kaya pinapunta kami at inimbitahan ni Jay. Bakit parang gulat ka na dumating kami? Di ba nabanggit ni Jay na dadating kami sa inyo ni Jhonley. Mukha kasing nagtataka din si Jhonley na bigla kaming nandito."- Tisha

"Hmm. Wala po e. Di po niya nabanggit sa amin na pupunta po kayo dito ngayon. (Kibit balikat pa niya)"- Aaron

"Aaah sige. Nandyan ba si Manang or nakaday off?"- Tisha

"Wala po e. Nagpaalam po si Manang na uuwi muna po siya ng probinsya. Namimiss niya na daw po kasi ang anak niya. Kaya 1 week po siyang mawawala. Puro order tuloy kami dito.(napakamot pa ito sa ulo.)"- Aaron

"Sige ako na lang magluluto. Samahan mo na lang ako sa supermarket para makapamalengke. Magluluto ako ng sinigang na baboy at fried chicken."- Tisha

"Sige po ate Tisha. Pero liligo lang po ako saglit.Pakiantay na lang po ako sa sala."- Aaron

"Sige."- Tisha

Papunta ako sa sala ng mapadaan ako sa may guest room. Sarado ito pero maririnig mo ang bulungan ng mga tao na nasa loob. Ayaw ko man sanang makinig. Pero curiosity kills me.

3rd Person

Ito lang ang susi para hindi tayo maipagkasundo sa mga taong hindi naman natin gusto. Kailangan natin tong gawin. Tutal malapit din naman ang pamilya natin. Ayaw kong makasal sa taong hindi ko naman gusto. Kaya itong dalawang to ang ilalagay natin sa kasunduang ito. Maiintindihan din nila ito sa tamang panahon. Tsaka gusto naman natin talaga natin tong mangyari mula pa noon.

"Ano kaya yun? Nang maramdaman ko na parang lalabas na sila ay agad akong tumakbo sa salas at umupo sa sofa. Patay malisya ako ng naglabasan sila mula sa silid. Nakangiti pa ang mga ito. Tumabi naman sa akin si Jerome. Nandoon din si Dylan at Jino sa kabilang upuan at nakatayo naman si Jay.

"Oh? Mukhang nakarami kayo ng kwentuhan at ang sasaya ninyo. (Baling ko sa mga mukha nila.) Nasaan na pala si Edge Hon?"- Tisha

"Nasa kwarto ni Jhonley kasama si Jossette at Jhonley. Pinaakyat ko muna."- Jerome

"Naparami nga kami ng kwento. Paminsan minsan na lang din kasi kami nagkakasama."- Jay

"Hindi na kami nakokompleto. Hindi kasi ininvite ni Jay si Lean."- Jino

"Busy si Jin e. May art class siya. Medyo madami daw nag enrol ngayon kaya busy siya."- Jay

"Aalis pala kami ni Aaron. Magpapasama ako sa kanya sa sa supermarket. Mamimili kamj for lunch. Since wala kasi si Manang. Ako muna ang magluluto today."-Tisha

"Woooow. Ano ba Menu mo Tish? "- Dylan

"I cook sinigang na baboy and fried chicken today."- Tisha

Pababa naman si Aaron mula sa hagdan. Tipikal na nakavarsity short at t-shirt na v-neck at rubber shoes ito.

"Tara na Ate Tisha.Oh nandyan pala kayo Kuya Jino at Kuya Dylan. Kaya pala nasa taas si Jossette."-Aaron

"Magtaxi na kayo Aaron. Di ka pwedeng magdrive. Wala ka pang lisensya."- Jay

Hinalikan ako sa pisngi ni Jerome at bumulong.

"Ingat kayo Hon. H'wag titingin sa iba."- Jerome

"Sira. Mamalengke lang kami ano ka ba? "- Tisha

Pumara kami ng Taxi at sumakay. Papuntang supermarket. Napapaisip ako ano kaya ang pinag-usapan nila. Ang awkward naman kung kay Aaron ko tatanungin. Mukhang di rin kasi niya alam ang mga nangyayari. Hayaan ko na lang nga na magkusang ikanta sakin ng asawa ko ang mga iyon.

Vote and comments are deeply appreciated. Thank you!

- Ban Kira