Chapter 4 - Chapter 3

Kumalat na ang balita ng hari sa buong bayan, maraming natutuwa at maraming nagagalit pero wala silang nagagawa kundi sundin ang utos ng hari

"Haysst, nakakabagot na ilang araw na  lang at pupunta na ako sa palasyo para mag-aral " isip ko habang ngayun ay babad ako sa kakabasa

"Akala ko makakatakas na ako sa pag-aaral pati ba naman dito " sabi ko

Ng mahina ng biglang bumukas ang pinto ay bumungad sakin si ateh Li mei

At nagmadali siyang pumasok at niyakap niya ako

"Huwaaahh, bakit ka pumayag ha?" Iyak na sabi ni ateh Li mie

"A..anong sasabihin ko!!!!, di ako magaling magcomfort " isip ko

"Di mo ba alam na napaka delikado sa loob ng palasyo ,isang mali lang ay maaari ka ng bawian ng buhay"  iyak na sabi ni ateh Li mie

"Alas, alam ko ateh pero utos ito ng hari kaya wag kang mag-alala sisiguraduhin kong di ako magkakamali at magiingat ako, kasi kahit ito lang ang magagawa ko para pamilya sa atin kaya gagawin ko lahat ng makakaya ko " sabi ko habang nakahawak sa kamay ni ateh

"Huwaah, tama nga sila lumalaki kana nga, pero pag di mo na kaya, Handa kaming lumaban dahil nandito kami sa tabi mo di ka nag-iisa minsheng" pagkasabi nun ni ateh Li mie ay niyakap niya ako dun nakaramdam ako ng sobrang sobrang pagmamahal

Nagkwentuhan kami ni ateh at nagtawanan, kung ano ano ang kinuwento niya sakin nung baby ako kung saan ay kinaiinggitan pala ako noon ng dalawa kong kuya pero ng di nagtaggal ay na Capture ko sila dahil sobrang cute ko daw noon kaya yun palagi daw nila akong inaalagaan

"Grabe brocon nga silang dalawa" isip ko

"Hahaha, hindi ko namalayan na gabi na pala" masayang sabi ni ateh dahil sinundo na siya ng asawa niya mismo

Kaya inihatid ko na silang dalawa sa labasan

"Minsheng, magiingat ka at galingan mo " sabi ni ateh habang pinipilit na ngumiti

"En, huwag kang mag-alala sigurado akong di ako papatalo"sabi ng nakangiti na ikinaluwag naman ng itsura niya

Pagkasabi ko nun ay umalis na sila, Pinag masdan ko silang umalis hanggang sa di ko na sila natanaw

"Alas, mukang kailangan kong magbasa ulit" isip ko ng mapansin ko ang naggagandahang ilaw sa kalsada na para bang may pagdiriwang kaya dahil na rin sa ganda kaya naglakad ako papunra sa mga ilaw

May narinig akong music at may nakita akong mga nagkukumpulan na tao kaya pumunta ako dun para tignan ng makita ko isang magandang babae ang nagsasayaw sa gitna kasabay ng musika

Para siya isang angel ang katawan ay hour glass ang itsura, ang mata niya ay nagiging kulay red at ang itim na itim niya na buhok na bumagay sa puti  niyang balat.

"Napaka ganda niya talaga " rinig ko ba sabi ng isa

"Oo tama ka wala ng tatalo sa kanya" bigkas naman ng isa

"Paumanhin po ngaunit ano po ba ang pangalab ng babaeng yan?" Singit ko dahil curious nga ako

"Ah, bago ka lang ba dito?" Tanong ng isa

"Ah eh, opo" sabi ko

"Hindi nila ako kilala sigurado akong nakakulang ako sa bahay" isip ko

"Ang pangalan niya ay Hong Xie Hua isa siyang mananayaw na kilala dito sa lugar na ito dahil sa sobrang ganda niya " sabi naman ng isa

"Pero kilala rin siya dahil ang sabi siya ay asawa ng hari " sabi nmn ng isa

"Tama ka , ang sabi sabi siya daw ay kasing timbang ng dating asawa niya na namatay noon " mahinang sabi ng isa

"Hmmm, Hong Xie Hua, wala siya libro dahil kabisado ko lahat ng character sa unbeatable king at kung di ko siya matandaan ay maraming fans ang magdadrawing ng character niya since napakaganda niya" isip ko habang nag-iisip ako ay nakaramdam ako ng mga matang nakatingin sakin kaya kinalabutan ako

"Si...sino kaya ang nakatingin sakin"  isip ko habang natingin sa palagid ng mapansin kong ang nakatingin sakin ay yung mismong nagsasayaw na si Hong xie hua

"Ahh, ang creppy, nacapture ba siya ng cute kong muka "mahina kong sabi ng mapansin kong naging kulay red ang mata ng babae na unting unting lumalapit sakin

"F*ck  death flag!!!!"  Isip ko kaya agad akong umalis sa lugar na iyun

Habang natakbo ako ay nagtago ako sa isang loob ng bilihin ng mga damit

"Siguradong di na niya ako mahahanap dito" isip ko

"Pweh, kailangan kong mag-ingat sa babaeng iyun sa hinaharap, sigurado akong magkikita kami sa palasyo, palagi namang ganun ang takbo ng story eh " isip ko habang naghahabol ng hininga

"Hay, nakakapagod ang sakit ng likod ko grabe napagod kaagad ako " sabi ko ng mahina ng biglang may humawak sa balikat ko pagtingin ko si kuya chen at may kasama siyang isang lalaking matipuno

"Minsheng!!, anong ginagawa mo dito sa labas ha??? Bakit pawis na pawis ka??" Nag-aalalang tanong ni kuya chen

"Ah, ehh nageensayo lang ako " sabi ko sabay naguunat unat na nakita kong tumawa yung kasama niya sa likod pero si kuya chen ay kumikislap ang mata niya sa tuwa

"F*ck nakakahiya " isip ko habang namumula na ako dahil sa hiya

"Napaka sipag mo talaga minsheng kaya mahal na mahal ka namin eh" sabi ni kuya sabay yakap sakin

"Hahaha, di ko akalain makikita ko ang prinsesa niyo ng malapitan " singit naman ng isa kaya lumapit siya sakin at kinuha ang kamay ko sabay hinalikan niya iyun na ikina galit ni kuya chen kaya pumagitna siya samin

Samantalan akong nasa kawalan

"Huh?? Anong nangyari???" Isip ko

"YING PIE ANONG GINAWA MO!" Sabi ni kuya chen sabay may itim na aura ang lumabas sa kanya pero siya relax lang

"Pfft, wala lang naman bumati lang ako sa prinsesa" sabi niya sabay smirk

"Pagbati eh bakit mo pa hinalikan ang kamay ni minsheng namin" sabi niya sabay hawak pataas sa kuwelyo niya

"Ahh, f*ck ano bang nangyayari??? Bakit niya yun ginawa eh, para sa babae yun ginagawa eh"  isip ko sabay kinilabutan ako

"Huminahon ka Chen ganun talaga kami bumati sa mga babae" pagpapaliwanag niya kaya bigla na lang nawala ang itim ba aura kay kuya chen

"Huwag mo ng uulitin niyon ,pag inulit mo tatanggalin ko yang nguso mo " babala ni kuya chen habang may hawak na espada

"Hahaha " sabay tawa ni yang pie

"A....ano may gusto lang sana akong linawin" sabi ko kaya lumapit sakin si yang pie

"Ano yun binibini" sabi niya ng nakangiti ng mabuti

"Ah, eh... diba kanina mo pa sinasabi prinsesa at binibini " sabi ko

"Ah, ayaw mo bang ganun ang itawag ko sayo" takang tanong niya

"Yeah, kasi di ako babae lalaki ako" sabi ko at nagkaroon na katahimikan sa paligid

"Hmm, di nga pero muka kang babae" isip niya

"Kung ganun Meinu na lang tawag ko sayo" sabi niya na mas ikinagalit ni kuya chen

"Grrr, lumayo ka sa kapatid ko " sabi niya sabay yakap sakin

"Eh, kahit isang yakap lang meinu naman" sabi ni Ying Pie sabay pout

"What the...ano ba ang nangyayari???"  Isip ko

Ilang minuto rin nag away ang dalawa buti na lang at may nagsalita

"May bibilhin ba kayo?" Sabi nito

"Ah, oo sakto nandito kana rin minsheng mamili tayo ng dadalhin mo ng damit" sabi ni kuya chen sabay tulak sakin papaloob ng tindahan ng damit

Napakaraming damit sa loob pero ang umagawa sakin ng pansin ay isang pulang damit na may red na paruparu sa ibaba na nakaburda kaya napakaganda at panglalaki ang itsura ng damit na ito.

"Pulang paru-paru??" Isip ko

"Gusto mo yan minsheng??" Tanong sakin ni kuya chen

"Ah..ehh medyo "nahihiya kong sagot

"Hmm, gusto kong bilhin toh" sabi kaagad ni kuya chen

"Hahaha meinu, sigurado akong bagay yan sayo" masayang sabi ni ying pie sabay hawak sa balikat ko na tinabig naman ni kuya chen

"Dito maari mo pong isukat" sabi niya at dinala niya ako sa isang fitting room

Na may salamin sa loob kaya ng sinuot ko ang damit ay tinali ko na rin ng isang tali ang buhok ko

"Wow, ang gwapo ko average ba talaga ang itsura ko " sabi ko habang manghang manghang sa itsura ko kaya lumabas ako at nakita kong napatulala ang dalawa pati narin ang mga nasa loob ng store

"Waaaahhh, na...nakakahiya wag niyo akong tignan ng ganyan!!!! Gusto kong maglaho ng parang bula" Sigaw ko sa isip ko

"Na...." sabi ni kuya chen habang nanginginig

"Huh?ku...kuya???"

"Na....napaka ganda mo talaga" sabi niya sabay yakap ulit sakin

"Nakakamangha sobrang gando mo talaga meinu" sabi ni ying pie

"Ganda???diba dapat gwapo???" Isip hanggang sa nakarinig ako ng bulong bulunggan

"Ang galing bagay na bagy sa kanya yung damit na yan" sabi ng isa

"Oo nga grabe umiibig na yata ako"sabi naman ng isa habang namumula ang muka niya

"Te...teka umiibig bro,lalaki ka hindi tayo talo"  sabi ko sa isip ko

Ng biglang may isang tela ang lumipad at tumakip sa muka ka

"Te..teka ano toh" sabi ko habang tinatanggal yung tela na nasa muka ko

"Hmm, pwede ko bang mabili yang damit na yang suot mo" sabi ng isang boses na babae

"Te...teka boses babae saglit.. hindi kaya" sabi ko habang kumakabog ng mabilis ang puso ko at dahan dahan kong inialis ang tela na nasa muka ko

At bumungad sakin ang babaeng tinatakbuhan ko si Hong xie hua

"F*ckkk, ang death flaggg!!!" Sigaw ko sa isip ko

"Re....relax lang minsheng relax... sa mga ganitong bagay kailangan kong maging mapagkumbaba dahil asawa siya ng hari " isip ko kaya magsasalita na sana ako ng biglang magsalita si kuya chen

"Pasensya na binibini pero nauna ang kapatid ko dito sa damit na ito kaya kung maari ay iba na lang ang bilhin mo " magalang nasabi ni kuya chen

"Oo nga miss nauna na si mienu namin magsuot " pahabol naman ni ying pie

"Mienu?" Mahinang sabi ni hong xie

"PAPAANO NA!!! SIGURADO AKONG PUPUTULAN KAMI NGAYUN NG ULO!!" Sigaw ko sa loob ko

"Sigurado akong di kilala ni kuya chen itong babae na ito dahil palagi siyang nasa labanan, kasama na rin tong lalaki na ito " isip ko kaya magsasalita ulit ako ng biglang

"Ahem, binibini kung gusto mo ang damit na yan ay meron pa kami sa loob na pangbabae dahil ang damit na iyan ay panglalaki " paliwanag naman ng may ari ng damit

"Hmm, kung ganun dalhin mo sakin at bibilhin ko" cold na sabi niya sabay tingin sakin ng mainam

"Huwaaaahh!!! Tulong bakit?? Ano bang nagawa kong kasalanan???" Isip habang pinagpapawisan na ako ng todo

"Ah, kuya magpapalit na ako ha" sabi ko kaya pumasok kaagad ako sa fitting room para magtago at magpalit

"Ang damit na ito magkaparehas kami ng babaeng iyun sigurado magkakaroon ng chismis kapag nakita kaming parehas ng susuotin " Isip ko kaya paglabas ko ay nandun parin yung babae at nakatingin sakin ng walang emotion na mas ikinatayo ng balahibo ko

"Ah, eh kuya mas mabuti kung iyung blue na lang ang bibilhin mas bagay sakin at mas gusto ko ang kulay"  sabi ko na ipinagtaka ng dalawa

"Akala ko ba gusto mo yan" takang tanong ni kuya chen

"Ah, eh hindi naman pero mas gusto ko ang kulay blue na kasing kulay ng binili mo saking damit " sabi ko na ikinakislap ng mata ni kuya chen habang si Hong xie ay cold na ang tingin sakin

"Ang lamig ng atmosphere gusto ko ng umalis dito" sabi ko dahil nararamdaman ko ang malamig na titig sakin ng babae

"Diba blue talaga bagay sayo, " sabi ni kuya chen at binili namin yung blue na damit

"Pero meinu mas gusto ko red para sayo eh" sabi ni Ying Pie sabay pout

"Kung gusto mo nun edi ikaw mag suot "sabi naman ni kuya chen

"Tara umuwi na tayo at malalim na ang gabi" sabi ni kuya

At tumanggo lang ako pero bago kami umalis ay narinig kong may ibinulong yung babae

"Meinu...." pabulong niyang sabi at umalis na ako

_______________________

***************

[Author's Pov]

• guys, maraming salamat sa lahat ng nagbabasa ng story, don't forget to give me a star

Thank you very muchh

▪︎Meinu = beauty