Ilang araw na rin simula na nangyari yun kaya at ako eto nagbabasa, minsan pasimple rin akong nag didrills exercise upang sa ganun ay lumakas ang katawan ko.
Pero di parin mawala sa isip ko ang itsura ng babaeng iyun , tuwing naaalala ko kinikilabutan ako
"Hay, 3 araw kailangan kong ihanda at magfocus sa pagaaral " isip ko at biglang may sumagi sa isip ko
"Papano kung hindi kami, mag-aaral ang sabi ni kuya ay tuturuan kami ng martial arts" isip ko kaya ibinababa ko ang libro at pumunta ako sa training hall namin at nakita kong nag eensayo si kuya feng kaya naisipan ko na tignan ko lang ang mga galaw niya
"Kung ganun kailangan ko palang palakasin ang braso ko at hita ko " Isip ko kaya umalis ako pabalik sa kwarto ko at nagsulat ako ng mga plano para palakasin ako ng katawan ko
"Hindi sapat ang exercise drill na ginagawa ko kailangan kong matutong humawak ng espada" mahina kong sabi pero wala akong espada at di naman ako pinapapasok sa training hall baka daw masugatan ako dun
"Ah, alam ko na sa blacksmith sigurado akong meron yun dito " isip ko kaya nagbihis ako ng simple, nagdala ng saktong pera at dahan dahang umalis
Ng makalabas na ako ay hinanap ko ang blacksmith pero di ko makita at dahil rin sa pagod kaya umupo muna ako sa gilid ng puno dahil rin sa sinag ng araw
"Hayy, napakainit sobra" sabi ko sabay paypay ng kamay ko ng biglang lumamig ang paligid
"Te...teka bakit lumamig ha??? " isip ko
Pero di ko na lang pinansin dahil nawala yung init na naramdaman ko kanina
"Hayyyy, ang sarap napakalamig parang may aircon" sabi ko at tumigin ako sa paligid pero walang tao pero sigurado akong may tumulong sakin kaya
"Kung sino ka man maraming salamat" sabi ko sabay ngiti
Makalaan ng ilang minuto ay nagpasalamat ako at umalis na para sa ganun maghanap ako ng blacksmith ng may nakita akong isang tindahan na puno ng espada
"Sa wakas at nakita ko na rin!!!" Sigaw ko at pagpasok ko ay gumuho ang mundo ko dahil nandun ulit yung babae na si Hong xie hua
"F*ck death flagggg!!!!" Sigaw ko sa isip ko
Kaya umarte na lang ako ng di ko nakita siya at tumigin ako sa mga espada
"Wow, cool grabe ang tutulis at ang gaganda nilang lahat" mahina kong sabi
"Owww, anong klaseng espada ang hanap niyo " tanong sakin ng lalaki na nakasuot ng simpleng damit na may bandana sa ulo niya
"Kla...klaseng espada??? Ano ba ang klaseng espada ang alam ko lang espada eh" isip ko habang pinagpapawisan na ako
"Ah, ehh yun..." di ko na ituloy ang sinasabi ko ng biglang magsalita yung babae
"Zhǎng jiàn, yan ang hinanap niya" cold na sabi ng babae
Kaya tumango na lang ako
"D*mn anong Zhǎng jiàn huh???" Isip ko
"Ahh, masusunod maghintay lang kayo at dadalhin ko ang hinahanap niyo" sabi sabay alis kaya kaming dalawa na lang sa loob ng store
"F*ck ang awkward ng atmosphere, anong sasabihin ko!!!!!" Sabi ko habang pinagpapawisan ng todo at mabilis ang tibok ng puso ko
"A...ano..."pagsisimula at tumingin siya sakin ng walang emosiyon na mas ikinatakot ko
"Ma..maraming salamat sa totoo lang di ko alam kung ano yung bibilhin ko eh " sabi ko sabay kamot ng ulo ko pero siya ay tahimik lang na nakatingin sakin
Kaya mas pinagpawisan pa ako
"Zhǎng jiàn, ibig sabihin ay mahabang espada bagay yan sa maliit at mahinang katawan, magaan lang siya kaya tingin ko kaya mo itong hawakan" cold na sabi niya sakin
"Ah, ganun maraming salamat talaga" sabi ko sabay ngiti na ikina gulat naman ng babae
"Pero bakit bibili ang isang katulad mo na mahina ang pangangatawan ng ganyang bagay?" Sabi niya sabay lapit sakin kaya umatras ako
"Ah, syempre para na rin maipagtanggol ko ang sarili ko " paliwanag ko na ikinakunot naman ng noo niya
"Bakit sino ang mananakit sayo? Pagtatakang tanong niya
"Damnn, nakakainis ano toh interview, kinakailangan maayus ang sagot ko para ligtas ang buhay ko at pamilya ko" isip ko
"Ah, eh hindi kasi diba yung inutos ng hari na alam mo na"mahina kong sabi
"Tapos?"cold niyang sabi
"eh, kasi balita ko tuturuan rin kami ng martial arts at paghawak rin ng espada kaya gusto kong magpraktis kasi sigurado akong mahuhuli ako dahil sa hina ng katawan ko" paliwanag ko habang nakatingin sa baba at pagtingin ko sa kanya ay nakatingin siya sakin ng seryoso
"Ah,ganun ba " cold na sabi niya
"At isang tanong na lang bakit ka tumatakbo sakin?" Pagkasabi niya nun ay parang hinagisan ako ng bomba kumbaga head shot ang tira niya.
"F*ck!! Alam niya!!! masyado bang obvious ako!!! Papano na??ano ang ipapaliwanag ko !!!" Isip ko habang pawis na pawis na ako sobra
"Ah, eh kasi yung sa...." sabi ko ng biglang pinutol niya
"Hay, alam ko na " sabi niya sabay lumapit siya sakin ng mabuti
"Dahil asawa ako ng hari diba?" Bulong niya sa tenga ko, para akong kinidlatan ng ilang beses dahil sa gulat na rin kaya
"Huwaaahh!!, patawad na, parang awa mo na gusto ko pang mabuhay, magkaroon ng asawa at pati narin makasama ko ang pamilya ko ng matagal " iyak na sabi ko habang nakakapit sa binte niya mayamaya ay nakarinig ako ng tawa
"Pfft, hahaha di ko akalain na ganyan ang tingin mo sakin kaya ka pala tumatakbo sakin" sabi niya habang natawa siya
"Ah eh??? Ano bakit ganun ang sabi sakin ng mga lalaki ???" Sabi ko sabay tayo
"Hahaha, haka haka lang iyun at di yun totoo, dahil una hindi ako asawa ng hari at pangalawa ay isang mananayaw lang ako para sa hari " paliwanag niya
"Di nga totoo ba yan?" Tanong ko habang may mga luha sa mata ko
"Hahaha, oo totoo iyun " sabay punas ng mga luha ko sa mata ko
"Kung ganun humihingi ako ng tawad dahil naniwala kaagad ako " paliwanag ko
"Kung ganun hindi kana tatakbo pagnakita mo ako" tanong niya ng seryoso
"Hahaha , oo tama ka "sabi ko sabay ngiti sa kanya
"Siya nga pala ako pala si Hong xie hua at ikaw si meinu?? "Sabi niya
"Ah, eh hindi mali minsheng ang pangalan ko" sabi ko na nahihiya sa kanya
"Pero meinu ang tawag sayo ng isang kasama mo?" Tanong niya
"Ahhh, sigurado yung kay yang pei na tawag niya sakin kaya pala ilang ulit niya binanggit ang meinu na salita" Isip ko habang nakatingin sa kanya
"Ah eh kasi yun yung tawag sakin ni yang pei ehh" sabi ko at nakita kong naging cold ang itsura niya ulit kaya
"pero minsheng o sheng na lang tawag mo sakin " dagdag ko na ikinatuwa naman niya
"Bakit ganun ang itsura niya mas lalo tuloy akong kinakabahan" isip ko
Biglang dumating ang may ari ng may dalang iba't ibang espada
"Ayan, na po mamili na niyo kung ano ang gusto mo" sabi niya kaya ako ay lumapit tinignan ko muna ng itsura
"Hmm, magaganda nga yung pinakita niya sakin pero simple lang ang kailangan ko" isip ko
"Wala na ba kayong iba yung ordinaryo lang sabi ko" sabi ko
"Hmm meron kung ganun pumasok ka at dito ka mamili " sabi niya kaya sumunod naman kaming dalawa
"Ah, siya nga pala ano pala ang hinahanap mo dito?" Tanong naman ng lalaki kay Hong xie hua na walang emosiyon ang muka
"Ganun rin katulad niya" cold niya sabi
Nakita kong medyo natakot ang lalaki sa kanya
"Ahh, ganun ba " tipid niyang sagot
Ng makarating kami sa isang pinto at pagbukas niya ay puno ito ng espada, armor at iba pa
"Yan ,mamili na lang kayo, maiwan ko muna kayo diyan at tawagin niyo na lang ko pag may napili ba kayo" nagmamadaling sabi niya sabay alis
"Mukang takot na takot siya kay Hong xie hua " isip ko
"Kung ganun anong bibilhin mo?" Cold na sabi niya
"Ah, eh di ko pa alam mamimili muna ako" sabi ko sabay tingin sa buong paligid pagkita ko ay nakita ko ang naggagandahang espada pero simple lang gusto ko ng may biglang akong nakita
Kaya nilapitan ko ito at pag kita ko ay isang simpleng espada lang ang hawakan ay black at napakakintab nito
Kaya hinawakan ko ito at napaka gaan niya
"Oh, well nakalimutan ko na malakas pala ako" isip ko
"Hmmm, magaling kang pumili " sabi ni Hong xie ng nakatingin ng mabuti sa espada
"Ah, hindi gusto ko lang ay simple lang yun lang" sabi ko
"Ganun ba"tipid niyang sagot at siya ay lumayo upang kumuha ng gamit niya
"Medyo masungit siya" isip ko kaya kinuha na ang espada kasama ang scabbard nito may ukit na paru-paru na pula
"Bakit ganun halos paru-paru na pula ang nakikita ko, sinasamahan ba ako ng kamalasan" isip ko
Pumasok na ang may ari at binili ko ang simpleng espada ko samantala si
Hong xie ay kumuha ng pulang espada na may paru-paru rin sa scabbard niya
"Coincidences" isip ko
Ng nabili ko na ay magpapaalam na ako sa kanya para umuwi na ng biglang hinawakan niya ang damit ko
"A...ano pa kaya kailangan niya?" Isip ko
"Hmm, ihahatid na kita"cold niyang sabi sabay naglakad siya sa harapan ko
"Te...teka baliktad na dapat ako ang maghatid sa kanya kasi babae siya, pero pag tumanggi ako pakiramdam ko may mangyayaring masama" isip ko
"Sa..salamat " sabi ko at tumango lang siya
Habang kami ay naglalakad napadaan kami sa isang pamilya na kumakain ng tanghulu at nakita kong nakatingin siya dun ng may lungkot sa mata niya kaya pasikreto akong bumili ng tanghulu para sa kanya
"Ahem ,ito oh gusto mo" sabi ko ng nakangiti sa kanya sabay abot ng tanghulu
"Huh?" Sabi niya
"Hahaha, muka kasing gusto mong kumain kaya binilhan na kita, bayad ko na rin yan sa pagtulong mo sakin at paghatid sa bahay ko" sabi ko ng masayang tono at nakita kong nag smirk siya kaya bigla na lang ako kinabahan
"Pakiramdam ko, nakuha ko ang death flag" isip ko
Naglakad kaming dalawa habang nakain at nakwekwentuhan, nalaman ko na di pala siya nakakatakot bagkus ay di niya lang alam kung paano siya magrereact sa isang sitwasyon kaya minsan ay walang emosyon ang muka niya
"Hay, mabuti naman akala ko kasi nababagot ka lang eh " sabi ko
"Hindi" tipid na sagot
"Pero masaya ako na nalaman ko " sabi ko na ikinagulat niya
"Kasi kung di mo sinabi sigurado akong matatakot parin ako sayo" isip ko
Nasa tapat na kami ng bahay ko
"Maraming salamat sa paghatid at ito ang unang beses sa buhay na nakipag kwentuhan ako ng ganun katagal " sabi ko sabay ngiti
Nakita kong ngumiti siya pero di naman masyadong kita
"Kung ganun hanggang sa muli at galingan mo" sabi niya
"Hehee, syempre"sabi ko naman at umalis na si Hong xie
"Mukang nawala na ang death flag ko sa kanya" Isip ko pero deep inside of me pakiramdam ko ay mas lalo lang ako lumapit kay kamatayan, I don't know why pero pinagkibit balikat ko na lang iyun
Unknown POV
"Kamahalan saan na naman kayo nagpunta napakaraming trabaho sa palasyo lalo na malapit ng mag-aral dito ang nga anak ng Ministro" sabi ko habang sinusundan ko si Haring Bingwen
"Ahhh, ikaw na muna bahala diyan medyo pagod lang ako " sabi naman niya
"Ano ako ilang araw ka ng lumalabas ng palasyo ano bang ginagawa mo sa labas "tanong ko
"Hmm, may nakita lang akong isang kakaibang Kuneho " sabi niya sabay smirk at umilaw ng pula ang mata
"Huh??, ibig sabihin may nakita na naman siyang paglalaruan, hay.. kawawa naman sino kaya ang napakamalas na tao na iyon" isip ko dahil lahat ng mga taong nagugustuhan ni Haring Bingwen, kapag nagsasawa na siya ay pinapatay niya kaagad
"Hay, pero wag mong kalimutan ang mga plano natin " sabi ko
"Huwag kang mag-alala sisiguraduhin kong magtatagumpay tayo" sabi niya
Sabay ngiti ng nakakaloko
"Sisiguraduhin kong mabubuhay siya"
_____________________________
*******************
[Author's Pov]
• Guys, maraming salamat sa pagbabasa ng story, sana ay nagustuhan niyo ang story
Huwag kalimutan ng bigyan ako ng kahit isang Star lang
Once again Thank Very Muchhh
"WORDS"
▪︎ Zhǎng jiàn = Long Sword
▪︎ Tunghulu = traditional Northern Chinese snack of candied