Hindi ako nakatulog dahil ilang araw akong nagpraktis ng sword play ng patago at ngayung araw ay pupunta na kami sa palasyo para mag-aral
"Arggh, ang sakit ng tiyan ko, mas malala pa ito sa entrances exam" isip ko dahil simula ngayun dun na kami titira hanggang sa matapos na kaming mag-aral
Kaya isinuot ko na ang uniform na ibinigay samin ng palasyo kulay white and light blue siya sa baba is may feather the sa kamy ay parang may armor at may mga nakalaylay sa likod pang digmaan ang style niya
"Hayssst, buwiset napakaraming layer ng kimono" isip ko kasi 3 na layer ang suot ko
Ng matapos na akong mag-ayus ay tinali ko buhok and then all set na ang espada ay itinago ko sa mga bagahe ko
Paglabas ko ay nagiintay sakin ang buong pamilya ko at namangha sila sa itsura ko dahil ang uniform ay bagay na bagay sakin
"Wow!!, napaka gwapo mo minsheng bagay na bagay sayo ang suot mo" sabi naman ni ateh Li mie
"Hahaha, manang mana ka talaga sakin"sigaw ni mama
"Huwaaaahhh, minsheng mamimiss ka naman "iyak na sabi ni kuya chen na akala mo ngayun na lang magkita
"Tu...tumahimik ka nga makikita naman natin si minsheng sa palasyo eh" sabi ni kuya feng habang may luha sa mata niya
"Tumahimik nga kayo, aalis ang kapatid niyo tapos naiyak kayo" sabi ni papa pero namumula ang mata niya
"Hahaha, sino kaya umiyak kagabi " sabi ni mama sabay tawa naming lahat
"Galingan mo minsheng " sabi naman sakin ni kuya chen
"Ah, wag kayong mag-alala, hindi ko kayo bibiguin " sabi ko
Ng mga ilang minuto ay dumating na ang karwahe na kung saan si yang jie ay kasama dun
"Hoy!!, anong ginagawa mo dito ha" sabi ni kuya feng
"Hmm, nandito ako para magpaalam kay meinu" diretso niyang sabi sabay lapit sakin at may inabot
"Yan Mystic Knot pangpasuwerte " sabi niya kaya kinuha ako iyun
"Maraming salamat "sabi ko sabay ngiti ng biglang pumagitna si kuya chen
"Lumayo ka sa kapatid ko" madiin na sabi ni kuya chen habang may black aura na naman ang nalabas sa kanya
"Pfft, para silang bata" isip ko
"Wag mo na lang pansinin yang dalawa" sabi ni kuya feng
"Minsheng ito oh" bigay niya sakin ang isang kuwintas na black jade na may nakaukit na dragon
"Proprotektahan ka nito " sabi ni Mama na may takot at lungkot sa mata niya
"Gusto kong yakapin kayo pero bawal kaya hayaan niyo kahit isang ngiti ko maibsan lang ang nararamdaman mo aking ina" Isip ko kaya ngumiti ako at
"Maraming salamat " isang simpleng salita lang ang lumabas sa bibig ko, napakarami kong gustong sabihin pero iyun lang ang gusto kong iparating sa inyo at nakita ko ang ngiti rin nila sakin kaya nagpaalam na ako at sumakay na sa karwahe
"Gusto kong umiyak, ayaw kong pumunta pero alang-ala sa kanila kailangan kong magtiis para sa ganun maprotektahan ko sila kahit sa maliit na bagay lang" Isip ko habang nakahawak sa black jade na binigay sakin ni mama
Ilang oras rin ako nasa karwahe at pagbukas ko ng kurtina ay bumungad sakin ang napakaraming karwahe parang isang prosisyon at ang mga tao ay nanonood kaya agad kong sinara ang kurtina
"Wht the f*ck kinakabahan na ako" sabi ko dahil naramdaman ko ang bilis ng pintig ng puso ko kaya dinabog ko ang dibdib ko para sa ganun ay himinahon na ako
"Re...relax minsheng, inhale , exhale" Isip ko at dahan dahan na akong kumalma hangang sa tumigil na ang karwahe
"Te..teka bakit tumigil ha?" Tanong ko
Pero walang sumagot hanggang sa nakarinig ako ng boses
"Maaari na kayong lumabas ng iyong karwahe " pagkasabi niya nun ay lumabas na ako at nakita ko ang maraming lalaki na kaparehas ng suot ko
Kaya sinundan ko sila kung saan sila pupunta, bawat hakbang ko ang malakas na kabog sa dibdib ko
"Naiihi ako, natatae ako, ang sama ng tiyan ko" Isip ko dahil na rin sa kaba ko
Ng may biglang tumapik sa balikat ko
Isang lalaking matangkad sakin medyo, may itsuta siya at mukang master ng martial arts
"Hmm, diba ikaw yung sakitin na si minsheng" cold na tanong niya
"Huh?, sino toh??? "
"Oo nga ako nga"sabi ko
"kung ganun pinayagan ka na pumunta dito, di mo ba alam na sobrang hirap mag-aral sa palasyo baka hindi kayanin ng katawan mo" sabi niya parang nanlalait
"Mukang naghahanap siya ng away ha at ako ang una niyang tinarget kasi mahina ako pero mas mabuti kung low profile muna ako, I'm not the protagonist so I let you off " isip ko habang nakatingin ng walang emosyon na ikinagulat naman niya
"Oo nga eh pero makakaya ko naman yan diba" sabi ko ng nakangiti at nakita kong nailang siya kaya nagpaalam siya at lumayo sakin
Ng tumigil sila ay may isang taong nagsalita na maari mong matanaw kahit na sa malayo kasi nakatungtong siya sa isang malakong bato
"Nandito na ang lahat kaya magpapaliwanag na ako " sabi ng isang lalaking kulay black ang suot niya may dala siyang talaan at nakasuot siya ng pang eunuch
" Ako nga pala si Wei,ngayun ay mag-aaral na kayo sa palasyo, dito matuto kayo ng mga kailangan niyong matutunan , maari kayo maging heneral o ministro o mangngangamot nasa inyo na kung ano ang gusto niyong posisyon sa palasyo , pero ngayun ay magsisimula pa lang kayo ay tuturuan kayo lahat ng dapat niyo malaman, kaya ihanda niyo na ang sarili niyo ang bawat isa sa inyo ay maaring tumaas ang rangko at maari kayong mabigyan ng kayaman at kapangyarihan " paliwanag niya
"Pweh, ang dami mong satsat alam ko kung bakit niyo ginawa toh " isip ko
"Kung ganun sasabihin ko na ang nga bawal, una bawal kayong lumabas ng palasyo kailangan ay magpaalam muna kayo, pangalawa kailangan niyong sumunod sa lahat ng utos ng mga Guro niyo, pangatlo tuwing gabi ay bawal kayong lumabas, pang-apat bawal kayong magnakaw ng kahit na ano....." paliwanag ni Wei
Nagtaggal siya sa pagsasalit ng 3 oras halos jasa 100 na ang bawal
"Grabe siguro pati pagtae bawal at paghinga" Isip ko nakita kong marami ng nababangot
"Kapag nilabag kayo kahit isa ang parusa ay hahatawin ng 60 beses " sabi niya at lahat ay nagbulungan hanggang sa may naglakas loob na magsalita
"Ibig sabihin kamatayan ang abot namin kapag di kami sumunod"sabi ng isang lalaking mukang matalino
"Tsk, tsk, tsk, hindi ka dapat nagtatanong common senses lang gamitin mo ,karamihan sa nagtatanong ay minsan napaparusahan bilang example na rin " Isip ko
"Hmm, oo tama ka at nasa panuntunan na bawal magtanong habang di nagsasabi ang nagsasalita " cold na sabi niya kaya nakaramdam ng takot ang lalaki kaya tumakbo siya palalabas ng gate pero hinabol siya ng mga kawal
"Parang awa niyo na, hindi na mauulit!!! ", pagmamakaawa niya pero ang mga tao ay takot na tumigin sa kanya
"Dalhin siya at bigyan ng 60 na hataw" pagkasabi niya nun ay kinaladkad siya ng mga kawal
"Parang awa niyo na ayoko mamatay!!tulong!! tulungan niyo ako parang awa niyo na!!" Sigaw niya habang kinakaladkad siya ng mga tao pero walang tumulong sa kanya kasi pagtumulong sila ay maaring ganun rin ang sapitin nila
"Ngayun ay alam niyo na hindi ito isang laro kaya kung gusto niyo mabuhay ay sumunod kayo at huwag labagin ang mga bawal" sabi niya
"Sabi ko na, kung ganun para kaming nakakulong sa hawla ng lion na kung saan isang pagkakamali ay kamatayan ang abot namin " Isip ko sabay naka tikom ang kamao ko dahil sa galit.
Ng matapos ang aksidente ay dinala kami sa mga kwarto namin sa loob ng isang kwarto ay isang tao maliit siya pero sakto lang para sa isang tao. Nasa loob na ako ng kwarto ko, binigyan kami ng 1 araw upang maging pamilyar sa buong paligid ng palasyo pero inayos ko muna ang buo kong kwarto naglagay ako ng secret box na kung saan dun nakalagay ang espada ko upang di makita
Ng matapos na ako ay may kumatok at pagbukas ko ay yung lalaking umakbay sakin kasama ang isang lalaking maamo ang itsura niya na namumula ang mata halatang umiyak
"Hmm, hay pasok anong maipaglilingkod ko " tanong ko
"Wa...wala gusto lang namin makipagkilala" sabi ng lalaking may maamong muka
"Ganun ba upo muna kayo" sabi ko
"Ako nga pala si minsheng paunang pagpapakilala ko"
"Ako si Jiang " sabi ng lalaking namumula ang mata
"Ako si Qing Yuan " sabi naman ng lalaking nakilala ko kanina
"Hmm, may tanong ako bakit namumula yang mata mo?" tanong ko sabay iyak niya
"Huwaaahh, ka...kasi" pautal utal ba sabi niya kaya kumuha ako ng panyo at ibinigay ko sa kanya
"Haysst yung kinuha kasi kanina ay kaibigan niya" iritang paliwanag ni Qing Yuan
"Hmmm, ganun ba, ano bang pangalan ng lalaki na iyun" tanong ko
"Huh??,Haoran ba..bakit??" Sabi ni jiang habang pinupunasan niya ang luha niya
"Hmmm, haoran?? Parang narinig ko na iyun, wait siya ang kanang kamay ng MC ha" isip ko
"Kung ganun silang dalawa ay extra lang rin kagaya ko " dagdag ko sabay buntong hininga
"Huwag kang mag-alala sigurado akong ayus lang siya " sabi ko sabay ngiti
Na ipinagtaka naman nila
"Huh??, paano ka nakakasiguro" sabi ni jiang na may kislap sa mata niya
"Hmm, sa tingin niyo papatay kaagad ang hari, sigurado akong paparusahan siya pero hindi papatayin kasi makakasira yun sa imahe niya " paliwanag ko na ikinaluwag naman ni jiang habang si Qing yuan ay nagtataka parin
"Hay, diba kaibigan mo siya, habang di mo pa nakikita ang resulta wag mong susukuan " sabi ko ng nakangiti
"En, tama ka di ako susuko aantayin kong bumalik si haoran" masayang sabi niya
"Maraming salamat minsheng" sabi niya
"Sheng na lang tawag niyo sakin " sabi ko na ikinatuwa naman ni jiang
"Sakin kahit Jia na lang " sabi niya at tumigin kami kay Qing yuan
"Haysst, Yuan na lang" nahihiyang sabi niya
"Pfft, tsundere "isip ko
Nagkwentuhan kaming tatlo at anak pala si Jia ng isang Minister at si Yuan naman ng heneral bale childhood friend silang tatlo kasama si Haoran na anak ng isang mataas na rango ng Minister
Bago dumilim ay agad na umalis ang dalawa kasi bawal yun, kaya natira na lang ako dito sa kwarto ko kaya inihanda ko na ang sarili ko kaso bukas ay mahirap ang mangyayari
At maaga akong natulog dahil na rin sa pagod
WEI POV
"Kamahalan nagawa ko na po ang pinapagawa niyo " sabi ko sabay kowtow sa kanya
"Magaling , balita ko may pinarusahan ka daw" seryosong tanong niya
Kaya nagkowtow kaagad ako sa harap niya
"Opo kamahalan, bilang babala na rin sa mga estudyante " sabi ko habang nanginginig ang katawan ko sa takot
"Kung ganun nasaan siya?"
"Nasa Chéngfá shì po siya" mabilis ko na sagot
"Hay, kung ganun itigil niyo ang pagpaparusa sa kanya at dalhin sa isang sect dahil sigurado akong pagnamatay siya ay masisira ang imahe ko" paliwanag yan
"Masusunod kamahalan" sabi ko sabay alis na kaagad ako
__________________________
*******************
[Author's Pov]
• Guys maraming salamat sa lahat sana nagustuhan niyo ang story
Don't forget to give me star
Once again thank you very much
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Words and Picture"

= Mystic Knot

= black jade with dragon

= their Uniform
▪︎ Chéngfá shì = Penalty Room