Chereads / I'm a STRAIGHT your Highness (Tagalog) / Chapter 12 - Chapter 11:Competition part 2 ( Beast)

Chapter 12 - Chapter 11:Competition part 2 ( Beast)

SHENG POV

Napuno ng galit at poot ang puso ko ngayun halos di ako makagalaw at nararamdaman ko ang hapdi sa kamay ko dahil bumaon ang mga kuko dahil sa diin ng tikom ng kuko ko pero bumalik ako sa huwisiyo ng narinig kong umubo si Jia kaya lumapit na ako

"Sheng magbigay ka ng Qi kay Jia" utos ni Masrer Shui

"En" sabi ko sabay bigay ng Qi sa kanya

"Masyadong maraming dugo " sabi ni Master Qian

"Wait master may elixir ako dito "sabi ko sabay bigay kay master Qiang at ipinainom niya yun kay Jia kaya unting unting tumitigil ang pagdaloy ng dugo

"Maayus na siya kailangan ko na lang, gamutin ang sugat niya" sabi ni Master Qiang na nakapag pagaang sa muka nila Yuan, Chaunli at Master Shui

"Hay, mabuti naman " mahinang sabi ko

"Ako na bahala sa kanya"sabi ni Master Qiang

Naantala ang Kompetisiyon namin pero itinuloy parin ang sususnod na round

"Ang mga nakapasok ay sina Yuan, Sheng,Zhang,Chuanli, Liam at Zian" sabi ni Eunuch Wei

"Ang unang maglalaban ay sina Sheng at Liam" dagdag niya

"Alas, ako na " sabi ko at aakyat na sana ako ng stage ng biglang hinila ni Yuan ang damit ko

"Huh??,bakit??" Takang tanong ko

"Ah,eh....Ga....lingan mo.." sabi ni Yuan na namumula ang Muka niya

"Pfft,hahahaha " tawa kong malakas

"Huwag kang TUMAWA!!!" sigaw sakin ni Yuan habang pulang pula na ang muka dahil sa hiya

"Hahaha, Oo at maraming salamat" sabi ko sabay ngiti sa kanya kaya umakyat na ako ng stage

Bingwen Pov

"Hindi ko akalain na napakarami palang magagaling na bata sa Martial arts " sabi naman ni Kiddra

"Tama ka pero sa tingin mo sino ang pinakamagaling sa kanila?" Tanong ni Hu-wen kay Ning

"Hmmm, hindi ko alam" tipid na sagot nito

"Bakit naman hindi " tanong ni Yupie

"Habang hindi pa tapos ang paliksahan di ko masasabi kong sino ang pinaka magaling " sabi ni Master Ning

"Hmm ganun ba " sabi naman ni Yupie

"Nagsisimula na pala " sabi ni Ministro

Wang Lei

"Oo, ang lakas pala ng anak mo" sabi naman ng kakilala niyang ministro pero nakita ko ang pagtataka sa muka niya

"Huh?" Takang tanong niya

"Mabilis niyang tinalo si Rong " sabi ni Master Ning

"Ginawa niya yun??" Tanong niya

"Hahaha, oo malakas ang anak mo unang kita ko pa lang sa kanya " sabi ulit ni Master Ning

"Ang unang maglalaban ay sina Sheng at Liam"banggit ni Eunuch Wei

"Oh ,ayan na yung anak mo " sabi ng isang Ministro

" Shenggg" mahinang bigkas niya na may pag-aalala sa muka niya

"Haysst, di ba niya kayang pagkatiwalaan ang sarili niyang anak" isip ko habang nakatingin kay Minsheng na seryoso ang muka

"MINSHENG HUWAG MO AKONG BIBIGUIN" Mahina kong bigkas sabay ngiti

Sheng Pov

Nasa stage na ako at nakita kong seryoso si Liam

"Mukang di niya ako minamaliit" isip ko

"Sana maging maganda ang laban natin" seryosong sabi ni Liam

"Oo, tama ka" sabi ko naman at tumunong na ang Gong hudyat na magsisimula na kami

Kaya tumakbo papalapit sakin si Liam at sabay hampas sakin ng 2 niyang Falchion kaya tumalon ako ng mataas upang iwasan iyun pagkatalon ko ay sinipa ko siya sa muka kaya tumalsik siya pero agad umatake sakin at hinataw niya ako ng isang Falchion kaya ginamit ko ang longsword ko upang harangin yun ngunit di ko nakita ang Isa pa niyang sandata kaya nasugatan ako sa tagiliran ko at umatras ako habang hawak ang sugat ko

"Tsk, mukang magaling siya sa pakikipaglaban at mabilis rin siya" Isip ko

Kaya tumayo ako at huminga ng ayus sabay hinawakan ko ng mahigpit ang sandata ko at pumikit

Liam Pov

Nasugatan ko sa tagiliran si minsheng pero agad siyang umatras at tumayo sabay pumikit

"Huh?, bakit siya nakapikit??" Isip ko

"Pero pagkakataon ko ito" sabi ko kaya umatake ako gamit ang Falchion ko pero nagulat ako ng biglang nagbago ang ihip ng hangin dahil nasangga ni Ryuu ang sandata ko gamit ang Espada niya at mas ikinagulat ko ang walang emosiyon niyang mata

" AKO NAMAN " sabi niya sabay biglang may apoy na lumabas sa espada niya na sobrang init

"Kung ganun cultivator ka rin pala" sabi ko

Kaya agad na sinipa ako ni Ryuu na may kasamang apoy kaya napatalsik ako at ginamit niya ang bahagi ng sandata niya na hindi matalas tinira niya ako sa tiyan kaya napatalsik ako papalabas ng stage

Nagsigawan ang lahat

"Ang nanalo ay si Minsheng para sa ikalawang laban!!!" Sigaw ni Eunuch Wei

Ryuu Pov

Masakit ang mga sugat ko kaya dahan dahan akong bumaba ng stages

"Fuck!!!, sobrang sakit" isip ko habang iniinda ang mga sugat sa katawan ko

At biglang inalalayan ako ni Chaunli

"A...ayus ka lang ba ha??" Tanong niya sakin habang hawak hawak ang braso ko

"Oo, huwag kang mag-alala ayus lang ako"sabi ko at pumunta sa tabi ko si Master Shui

"Hmm, hindi na masama " sabi nito sabay pitik sa noo ko

"Hehehe, syempre ako pa" sabi ko sabay ngiti na sinuklian naman niya ako ng ngiti

At nakitang kong natapos ng gamutin ni Master Qian si Jia na sa tabi niya si Yuan kaya pumunta ako sa tabi ni Jia

"Jia ayus kana ba ha??" Pag-aalala kong tanong

"EN, me..medyo ok na ako" sabi niya ng mahinang boses

"Kailangan na lang niya ng pahinga" sabi ni Master Qian kaya napabuntong hininga ako

"Ikaw???, ang sugat mo??" Tanong sakin ni Yuan

"Ah, ito??? Ayus lang malayo ito sa bituka" sabi ko pero sa totoo gusto kong umiyak sa sobrang sakit

"Anong malayo ha??" Sagot ni Master Qian kaya agad may ibinigay siya saking pill like healing pills kaya agad kong nilunun ito and then bigla kong naramdaman na nawala konti ang sakit sa katawan ko

"Maraming salamat Master Qian" sabi ko

"Alas, huwag kang magpasalamat sigurado akong magliliyab sa galit ang mga kuya mo pagnalaman nilang nasugatan ka" sabi naman nito habang iniimagine ko kung ano ang kayang gawin nila

"Hahaha, tama siya" isip ko

"Ngayun para sa ikalawang laban si Zhang at Zian" sabi ni Eunuch Wei

"Sigurado akong mahihirapan ka" sabi ni Liam habang iniinda ang sakit sa katawan

"Tama ka" tipid nitong saad tsaka pumunta sa stage

At nakita kong agad na pumunta si Zhang sa stage rin makikita mo sa itsura niya ang pagkabangot dahil yata sa tagal

"Bilisan na natin at nababagot na ako" sabi ni Zhang habang humihikab na nagpakunot naman ng noo ni Zian

"Napaka yabang talaga!!" Saad ni Chaunli

"Turuan mo ng Leksiyon yan Zian!!" Sigaw Liam na nagpangiti naman kay Zhang

Kaya inilabas lahat ni Zian ang lakas niya sa unang pag atake niya ay gumamit siya ng hundred Sword na kung saang  napakaraming espada ang umatake kay Zhang kaya agad na iniwasan ito ni zhang pero dahil din sa dami kaya nagkaroon siya ng sugat sa tiyan,muka, braso at tagiliran

"Wow, ang galing niya na master niya agad yan" sabi ni Chaunli

"Tama ka sa abilidad at espiritual isa na siyang ganap na middle stage kaya madali lang niya matatalo si Zhang" sabi ni Yuan

"Pero kung sa Karanasan at physical na lakas ang panalo ay si Zhang kaya ang laban na ito walang duda si Zhang ang panalo" sabi ko na mas ikinagulat ng iba

"Paano mo naman nasabi yun ha!!,hindi porket.." hindi naituloy ni Liam ang sinasabi niya ng putulin ko

"Bihasa na si Zhang  sa pakikipag laban at kung tutuusin hindi pa siya naggamit ng kahit na anong Espiritual" pagkasabi ko nun ay kinabahan ang lahat

"Kung ganun" sabi ni Chaunli

"Ahh, hindi pa natin nakikita ang tunay na lakas ni Zhang" sabi ko at nakaramdam ako ng takot sa paligid at biglang nagbago ang atmosphere ng stage isang nakakarakot na Qi ang bumalot sa buong paligid kaya ang ibang estudyante ay natumba, makikita ko rin sa itsura nila Master ang takot pero nung tignan ko si Bingwen ay relax na relax lang siya

"Alas, pag Mc ka talaga walang kinatatakutan" Isip ko habang nakatingin kay bingwen ng biglang nagtama ang paningin namin kaya umiwas kaagad ako ng tingin

"Fuck!!!, nakakatakot!!" Isip ko sabay dahan dahan na tumingin ulit ako sa kanya at nakita kong nagsmirk siya sakin kaya biglang tumayo ang balahibo ko sa katawan

"Arhh, mukang nakikita ko na si kamatayan" isip ko ng biglang may sumabog sa stages at pagkita ko ay nakahiga sa lapag si Zian puno ng dugo at si Zhang na nakatayo na hawak ang isang katana niya na may dugo

"Ang nanalo ay si Zhang" sigaw ni Eunuch Wei

"Zian!!!!" Sigaw ni Liam na agad na lumapit kay Zian kasama na rin si Master Qian

"A...anong nangyari" bulong ko at biglang sumulpot sa harapan ko si Zhang

"Paano ba yan tumupad ako ikaw naman kuneho" sabi nito sa nakakatakot na boses habang nakangiti ng nakakaloko

"Ah, huwag kang mag-alala di kita bibiguin " sabi ko naman habang naka smirk  at nakarinig ako ng bulong bulungan sa paligid kaya umalis kaagad sa harap ko si Zhang

Nakita kong nakatingin sakin si Yuan at Jia ng may pag-aalala sa muka nila kaya lumapit ako sa kanila

"A..anong pinagusapan niyo??" Takang tanong ni Jia

"Ah, wala yun, pero kamusta na si Zian" pagiiba ko ng usapan

" ayus lang siya di naman masyadong malalim ang sugat niya " sabi ni Chaunli

"Alas, mabuti naman" bulong ko pero nakita kong nakatingin sakin si Yuan ng seryoso

"Huh??, boy may problema ba??, may dumi ba ako sa muka??" Isip ko

"I.." di na naituloy ni Yuan ang sasabihin niya ng biglang tumunog ang Gong

"Ngayun para sa panghuling laban si Chaunli at Yuan" sigaw ni Eunuch Wei na mas lalong umugong ang buong paligid siguro inaantay nila ang laban sa pagitan nilang dalawa

"Galingan mo Yuan, huwang kang papatalo " masayang sabi ni Jia habang nakaupo

"En, "tipid nitong sabi

"Chaunli at Yuan Fighting!!" Sigaw ko habang nakataas ang isang kamay na ipinagtataka naman ng muka nila

"Sh..it" bulong ko

Pero nakita kong tumawa si Chaunli at nagsmirk naman si Yuan

"Hahaha, En"masayang sabi ni Chaunli sabay pumunta sa Stage habang ako nakaramdam ako ng init sa likod at pag tingin ko nagliliyab si Aiguo sa galit

"Ehhh, ano kayang problema ng taong toh" isip ko pero pinagkibit balikat ko na lang

"Sino kaya mananalo sa kanilang dalawa??" Tanong ni Jia

"Hmm, hindi ko alam, pero  habang di pa natatapos ang laban di natin malalaman kung sino ang panalo" sabi ko at sumang-ayon naman si Jia

Yuan Pov

"Ilang araw akong nagensayo para dito"  sabi ni Chaunli

"Kung ganun huwag kang magalala di kita bibiguin" sabi ko naman at ng biglang naghudyat si Eunuch Wei kaya mabilis na lumapit sakin si Chaunli gamit ang  dragon spear niya sabay hataw sakin ng malakas kaya iniharang ko ang sandata ko at gumawa ng isang fire sword spell at initira ko iyun sa kanya kaya naglabas siya ng talisman upang ipangharang sa atake ko at mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya at nagsimulang umatake.

Nagtagisan kami gamit ang mga sandata namin halos tahimik ang lahat

"Arkk, kaasar habang tumatagal mas lalo siyang bumibilis" isip ko habang iniinda ko ang sakit ko sa katawan ko

"Hindi akalain na magalin ka pala" saad ko sabay punas ko ng dugo ko sa pisngi ko

"Ikaw rin" tipid niyang sagot pero makikita mo nanpagod na pagod na rin siya

"Kung ganun tapusin na natin toh" saad ko

Jia Pov

"Ang lakas nilang pareho" saad ni Aiguo

"Tama, ka pero mabilis na nababasa ni Yuan ang atake na ginagawa ni Chaunli" saad ni Liam

"Ahh, pero napaka bilis ni Chaunli " ko

"Pareho silang may karanasan sa pakikipaglaban, kaya mahirap alamin kung sino ang mananalo" sabi naman ni Sheng

"Ahh,tama ka" sabi ko

"Pero...ngayun ko pa lang nakikita si Yuan na nahihirapan" isip ko

Mabilis na umatake si Chaunli ng may kasamang kidlat halos mawasak ang entablado dahil sa lakas ng atake ni chaunli at sa isang iglap at biglang tinusok ni Chaunoi si Yuan ng sandata niya sa tiyan niya

"Yuan!!!" Sigaw ko at aakyat na sana akk ng hinawakan ako ni Sheng sa balikat

"Huminahon ka, ayus lang siya" sabi nito sakin habang nakatingin sakin ng seryoso

"Pero..." saad ko ng biglang may narinig ako ng tawa

"Hahaha, di...ko a..kalain na hahantong hanggang dito " sabi niya at biglang nagiba ang ihip ng hangin kaya agad na inihugot ni chaunli ang sandata niya at umatras

"Huh??? Anong nangyayari??" Sabi ni Aiguo

"Huh??, teka... nangyari na ito ha??" Isip ko

"Na..nagagalit si Yuan" sabi ko

At biglang may sumabog kaya napatalsik si chaunli at agad na naglabas ng talisman

"Na..nagiba ang enerhiya ni Yuan!!" Sigaw ng isa kong kaklase

At nakita kong nagbago ang enerhiyang nakapaligid kay yuan at ang mata niya ay naging kulay pula

"Na..naalala ko na nangyari na toh nung pinagtawanan nila ang Ina ni yuan na kung saan mas naging malakas, at nakakatakot siya na wala halos makapigil sa kanya kundi ang Ina niya lang"  isip ko

"Chaunli magingat ka!!" Sigaw ni Aiguo

Kaya agad na naglabas ng maraming talisman si Chaunli at nilagyan ng kidlang ang sandata niya, Umatake ng napakabilis si Yuan at hinataw niya ng napakalakas si Chaunli hanggang sa nagkaroon ng bitak sa entablado dahil sa lakas nito at naglaba ng dugo si Chaunli sa bibig

Chaunli POV

"Argghh, napakabigat!!!" Isip ko kaya tinadiyakan ko siya ng napakalakas at dahil naka atras ako

"Huff, a...anong nangyari, bakit nag iba ang Aura mo!!!" Sigaw ko pero nakita kong nakatingin lang siya sakin ng walang emosiyon

"Ahhh, alam ko na kung ganun ito ang tunay na Yuan isang halimaw" isip ko

"Kung ganun tinatago mo pala ito kaya di na rin ako magpipigil!!!" Sigaw ko kaya gumawa ako ng isang spell na kung saan nagdilim ang paligid

"Huh???, anong nangyayari???" Sabi ni Aiguo

"Uulan ba??" Sabi ni Duyi

"Huwag!!!, Chaunli!!! Mapapatay mo si YUAN!!!" sigaw ni Aiguo pero di ko na lang pinansin at naglabas ako ng talisman na pumalibot kay yuan

"Bìléizhēn!!!" Sigaw ko sabay biglang nagkaroon ng malaki at malakas ng kidlat mula sa langit kaya dahil dun ay nawasak ang entablado

Napuno ng alikabok at usok ang paligid

"YUAN!!!" sigaw ni Jia

"Mu...mukang nasobrahan ko..." Isip ko habang hinang hina na ako dahil sa daming Qi na kailangan para sa spell na iyun

At unting unting nawawala na ang usok,ngunit nagulat ako ng nakatayo lamg si Yuan na walang emosiyon na para bang walang nangyari

"Pa..paano??" Mahina kong sabi

"Ma..maraming salamat" sabi nito na ipinagtaka ko at pagkasabi niya nun ay unting unting natumba siya

"Huh??, anong nangyari??" Tanong ng iba

"Naiwasan niya ba yun??"

"Kung ganun panalo si Chaunli??" Tanong ni Aiguo

Pero unting unting nanlalabo ang paningin ko at naghihina ang tuhod wala na rin ako marinig hanggang sa biglang naging itim ang lahat

Minsheng Pov

Nawalan ng malay si Chaunli pero si Yuan naman ay puno ng sugat ang katawan but his still awake and alive

Kaya agad na pumunta ang iba naming kaklase at binuhat sila upang gamutin ni Maste Qian na naiirita na

"Wow, ang galing nila, kung ganun sino ang panalo??" Tanong ni Liam

"Hindi ko alam" sabi naman ni Zian na kakagising lang at puno ng benda ang katawan

"Master Qian kamusta silang dalawa?" Tanong ko

"Ayus lang sila malakas sila kaya hindi sila mamatay ng ganun ganun lang" sabi ni Master Qian na ikinaluwag ng muka ni Jia at Aiguo

"Ahem.. dahil sa nangyari ang Panalo ay si Chaunli " sabi ni Eunuch Wei na ikinatuwa naman ng iba

"Pero dahil sa gumamit siya ng ipinagbabawal na spell kaya siya ay natanggal sa paliksahan" pagkasabi niya nun ay nagalit si Aiguo

"Kaya ang huling maglalaban para sa ikatlong laban ay si Zhang at Minsheng" pagkasabi niya nun ay biglang natahimik ang paligid at nakita ko ang takot sa muka ni Jia at si Zhang naman ay Tumawa ng nakakakilabot

"HAHAHA, sa wakas magsisimula na Kuneho!!!" Sigaw nito

"Si minsheng baka mapahamak siya?" Sabi ng isa kong kaklase

"Pero nakita mo diba na natalo niya si Rong at Liam" sabi naman ng isa

"Oo pero iba si Zhang napakalakas niya"

"Tama, sila mas mabuti kung umurong ka?" Sabi ni Aiguo

"Oo nga delikadong kalaban si Zhang" sabi ni Jia

Pero tumayo at pupunta na sana sa stage na biglang hinawakan ni Jia, Yuan at Chaunli ang damit ko

"A...anong ginagawa niyong tatlo??" Tanong ko habang hinihila ko ang damit ko

"Grabe sa lahat ng hihilain damit ko pa?" Isip ko

"Hu..huwag mas mabuti kung umurong ka" sabi ni Chaunli na nagkamalay agad dahil sa pinaamoy na pangpagising ni Master Qian

"Oo, nga tama siya" sabi Jia

Pero si Yuan at seryosong nakatingin lang sakin

"Pfft, para silang mga bata na ayaw paalisin ang nanay nila" isip ko habang pinipigilan ko ang tawa kaya pinitik ko isa-isa ang noo nila

"Huwag kayong mag alala di ako matatalo at babalik rin ako pagkatapos ay kumain tayo ng masarap na pagkain"sabi ko sabay ngiti kaya binitawan nila ang damit ko, nakita kong nakatingin sakin si Master Shui ng seryoso kaya ngumiti ako at ng umakayat na ako ng stage nakita ko si Zhang na naghihintay sakin

"Magsisimula na ang laban mula kay Minsheng at Zhang!!" Sigaw ni Eunuch Wei sabay tunog ng Gong

***********************

Author's Pov

Guys maraming salamat sa nagbabasa at nagbibigay ng star sa story ko

Magsisimula na ang pinaka madugong laban kaya abangan niyo ang susunod na mangyayari don't forget to give me star to motivate myself

THANK YOU VERY MUCH MINNA~SAN

"WORD"

▪︎ Bìléizhēn = Thunder Rod