Nasa tapat ng Klinika na ako ni Master Qiang kaya pumasok na ako pagpasok ko ay walang tao
"Hmm, natutulog na kaya sila??" Isip ko
"Master Qiang???" Sigaw ko pero walang sumagot kaya aalis na sana ako ng may familiar na boses ang tumigil sakin
"Saglit, anong maitutulong ko sayo Sheng" sabi ni Jia na nakasuot ng pangtulog na damit
"Ah, Jia may gusto lang sana akong tanungin" sabi ko sabay labas ni Master Qiang na nakapantulog din
"WTF, Ba.....ba...bakit sila ma...magkasama na nakapantulog...." Isip ko
"Re...relax lang Minsheng sigurado akong mali ako ng akala " Isip ko kaya agad kong sinabi kung anong pakay ko
"Pasensya na kung nagising ko kayo may itatanong lang ako may spiritual herbal leaves ba kayo? " saad ko
"Ah, meron bakit " natigilan siya sabay hawak niya sa kamay ko at nagulat ako kasi puro sugat at paltos pala nito kaya nagmadali si Jia kumuha ng gamot
"Hay, ano bang ginagawa mo, sigurado akong magagalit ang mga kapatid mo pagnalaman nila toh" sabi ni Master Qiang
"Hahaha, pasensya na huwag mo na lang po sabihin sigurado akong magwawala ang mga iyun" sabi ko
At bumuntong hininga na lang siya
Dumating si Jia na may dalang gamot at pinahidan na niya ang kamay ko
"Huwag mong sabihin hanggang ngayun ay naeensayo ka?" Takang tanong ni Jia habang binebendahan ang kamay ko
"Ah,eh oo eh, pasensya na di ko na malayan ang oras eh"sabi ko at sinamaan na niya lang ako ng tingin sabay iwas ng tingin sa kanya
"Hay, huwag mong masyadong abusuhin ang katawan mo masyadong mahina pa " sabi niya
"Ano pala gagawin mo sa Spiritual Herbal leaves?" Takang tanong ni Master Qiang
"Huwag mong sabihin gusto mong maging Cultivator " sabi ni Jia
"Ah....eh...oo tama ka "sabi ko at nagulat silang pareho
"Di mo ba alam na napaka delikadong gawin nun" sabi ni master Qiang
"Hay, bakit ba laging delikado ang ginagawa mo, gusto mo bang laging napapahamak " sabi ni Jia
"Ah, hindi kasi Cultivator rin ang Pamilya ko kaya sumunod na lang ako sa yapak nila kaya Master Qiang huwag mong sasabihin kila kuya " sabi ko
"En, huwag kang mag-alala " sabi niya
"Talaga, maraming salamat " sabi ko sabay ngiti
Binigay nila Master Qiang ang spiritual herbal leaves tsaka nagpaalam na ako sa kanila,hindi ko itinanong kung bakit sila magkasama baka maging awkward ang atmosphere
Ng makabalik ako ay iniayus ko na ang paliliguan ko at naghubad ako para magmeditate sa isang wooden bathtub na pabilog inilagay ko ang mga spiritual leave dun at sabay ininom ko ang binigay Spiritual Qi water sabay lubog sa bathtub nag meditate ako dun
"Bakit ganun ang hirap huminga napakaraming Qi ang pumasok sa katawan ko sigurado akong di ko kakayanin toh" Isip ko sabay umubo ako ng dugo
"F*ck , " sabi ko pero di parin ako tumigil
"Kailangan kong tiisin ito "Isip ko habang nakakaramdam ako ng sobrang sakit sa dibdib ko
Kaya tiniis ko ng ilang oras ang sakit hanggang sa unting untin ng nawawala at ang pumalit ang init at gaan sobra ng pakiramdam ko na para bang isa akong hanging pagmulat ko ay umaga na pala
"Hmm, habang tumatagal pakiramdam ko napaka bilis ng oras " Isip ko kaya as always ginawa ko ang routine ko
Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Chaunli
"Kamusta na?" Sabi nito
"Ah, ayus lang medyo nahihirapan lang " sabi ko
"Alam mo na ba yung tungkol sa paliksahan?" Tanong niya habang naglalakad kami
"Oo, sinabi sakin ni Master Shui" sabi ko
"Kung ganun tatapatin na kita maraming taong gustong humamon sayo " seryosong sabi niya
"Hmm, akala ko hahamunin niya ako ,babalaan niya lang pala ako" isip ko
"Maraming salamat sa paalala" sabi ko sabay ngiti na ikina pula naman ng pisngi niya
"Napaka bait talaga ni Chaunli para siyang Class President namin noon"isip ko
"Ahem, pwede ba itigil niyo yan" cold na sabi ni Yuan habang nakatingin ng masama sabay sumimangot si Chaunli at masama ang tingin na binato niya kay Yuan
"Huh??, bakit ganto ang atmosphere!!!" Isip ko
"Kamusta na sugat mo Sheng?" Tanong sakin ni Jia
"Ah, ayus na mabisa yung nilagay mo, kaya salamat" sabi ko sabay thumbs up na ikinatawa naman niya
"Mabuti naman basta kung may sugat ka ,pumunta ka lang samin at gagamutin kita"sabi niya
Kaya kaming apat ay pumasok na sa room pagpasok ay tahimik ang buong room pero wala na akong nararamdaman na tensiyon sa paligid resulta yata ng ensayo ko
"Hay, nandito narin sa wakas" sabi ni Duyi
"Huh?, bakit may kailangan kayo?" Tanong ni Yuan
"Hmm, wala naman sayo kundi sa kanya " sabay turo niya sakin
"Hay, here we go again , di ba sila titigil nakakasawa na sobra " Isip ko sabay roll eyes
"Bakit?" Tipid kong tanong ko
"Gusto kong makalaban ka!" Sigaw ni Huan
"Hay, oo kahapon mo pa sinabi bakit sasabihin mo pa, ano ka sirang plaka paulit ulit" sabi ko sabay humikab at nakita kong tumawa sila Yuan, Jia, Chaunli,Zian at Liam kasama na rin si Aigou na nagsmirk
"I..ikaw" sabi niya sabay turo pero di ko na lang pinansin
"Hay, nagugutom na ako " pabulong na sabi ko
"Mas napapagod na ako pagnagsasalita at nagugutom ,wala na akong pake kahit magalit sila tutal di na sila titigil " Isip ko
"Kung ganun sisiguraduhin kong malulumpo ka sakin " sabi ni Huan
"Ok" tipid na sabi ko sabay ngiti na mas ikina galit naman ni Huan
"Hahaha, di ko akalain magaling ka palang manginis" sabi ni Jia habang pinipigilan ang tawa
"Huh?, nagugutom kasi ako kaya ayaw ko na makipag talo tutal di siya titigil sa kakadada hanggang sa di siya makaganti sakin" sabi ko na mas ikinatawa naman nila
"Huh???" Tanong ko
"Hahaha, wa...wala" sabi naman ni Jia
Maya-maya ay dumating na sa Master Shui at nagsimula na kami ng Lecture ng matapos ay tinawag ako ni Master Shui
"Sheng!, may pagpupulong kami kaya di muna kita masasamahan pero yung ginawa mo na kahapon yun lang hanggang 3000 lang " sabi ni Master Shui
"Ah,eh okies "sabi ko
"Talaga???" Sabi ni Master Shui
"Hehehe, huwag kang mag-alala master Shui hindi lalagpas sa 3000 ang gagawin ko " sabi ko sabay kindat at bumuntong hininga na lang siya
"Oh, sige maiwan na kita " sabi niya
"Hehehe, self study ako ngayun " isip ko
"Kung ganun Sheng din pala ang tawag sayo ni Master Shui?" Tanong ni Yuan
Pagkalinggon ko ay nakita kong nakatingin sila
"Huh??, oo bakit ??" Tanong ko ng may pagtataka
"Mabuti naman at malapit kayo sa isa't isa ni Master Shui "sabi ni Jia
"Huh?, oo kasi mabait siya sobra" sabi ko
"Anong mabait di kaya, kilala kaya si Master Shui bilang nakakatakot sa pagtuturo?" Sabi ni Chaunli
"Nakakatakot??, hmm hindi naman pero mas mabuti nga yun mas matututo ako"sabi ko
"Hay, basta dahan dahan lang" sabi ni Jia
"Yeah, kayo rin" sabi ko sabay umalis na ako at nag praktis na
Bingwen Pov
"Nahanap niyo na ba ang may Pure Souls?? " tanong ko kay Kiddra
"Hmm, Oo nahanap na namin" sabi ni kiddra
"Kung ganun nasaan siya?" Sabi niya
"Malapit lang siya at kapatid niya Si Minsheng na nag-aaral dito ang pangalan niya ay Li Mei ang ateh ni Minsheng " sabi ni kiddra na ikina-gulat ko
"Kung ganun ako na bahala, maari na kayong umalis " sabi ko
"Kung ganun kapatid siya ni Minsheng mukang kailangan kong mapalapit sa kanya upang makuha ko ang gusto ko" isip ko habang nakatingin sa kwintas na bell
"Xie Mei, konting panahon na lang at makakasama na rin kita " Isip ko
Minsheng Pov
Halos dalawang buwan na ang lumipas nasa level 9 na kaagad ako ng cultivatoon ko malapit ko ng matapos ang Early stage at magaling na rin ako sa sword halos nakakasabayan ko na si Master Shui sa labanan at minsan ay nananalo na ako pero marami paring beses na natatalo ako
Pero may napansin na ako at naobservahan may nakikita akong dalawang lalaki na magkayakap isang beses sa pinagpaparaktisan ko ng cultivation ko , at nung pumunta ako kitchen ay may nakita akong dalawang lalaki na magkayakap parang mag jowa
At na pagtanto ko na nasa
"F*ck!!!!!, nasa BL world ako" sigaw ko sa isip ko
"Hoy, Oliver ito ba yung sinasabi mong Unique!!!"sabi ko ng may biglang nag ring ulit sa utak ko
TING!! TING!!
"Yup, tama ka hahaha" sabi ng pamilyar na boses habang natawa
"Akala ko ba di kana tatawag!!!" Sigaw ko
"Hmm, nakalimutan ko lang sabihin yung ginawa ko sa mundo mo, syempre kailangan mo ring malaman " sabi niya
"KUNG GANUN BL TALAGA TOH" sigaw ko
"Oo, sabi mo gusto mo ng Unique kaya iniba ko ang Genre niya " sabi niya sakin
"Huwaaahh, napakasama mo di naman ganun ang sinasabi ko napakarami ko ng inaalala tapos aalalahanin ko pa ang paligid ko, kaya pala ganun minsan yung atmosphere akala ko na mamalik mata ako" sabi ko habang naiyak
"Bleh, bahala ka diyan makonsensiya" Isip ko
"Ah,eh, sorry na di ko sinasadya akala ko ganyan yung gusto mo eh" tarantang sabi ni oliver
"Kung ganun palitan mo na" sabi ko habang naacting akong umiiyak
"Kasi..... pasensiya na once na nagstart na ang story di na pwedeng galawin" sabi niya na ikina wasak ko
"Huh??? SO GANUN NA LANG IYON HA, HAHAYAAN KONG MASIRA ANG DIGNIDAD KO BILANG LALAKI?? DIBA EXTRA LANG NAMAN AKO" galit na sabi ko
"Yup ,extra ka lang but hmm you will change the plot so you already became the important character in the story" sabi niya
"Huh???,papaano???" Sabi ko
"Hmm, basta nasabi ko na ,goodluck na lang hahahaha" sabi niya sabay nawala kaagad
"HOY!!, di pa tayo tapos magusap, anong sinasabi mo ha!!!" Tanong ko
pero wala ng sumasagot
"Bwiset, sigurado akong may alam siya pero di niya sinasabi" isip ko ng biglang
may kumatok sa pinto ko at pagbukas ko ay si Jia and Yuan
"Sheng!!!, si houran tama ka ayus lang siya" masayang sabi ni Jia habang yakap yakap ako
"Tama ka, maraming salamat sheng" sabi niya ulit
"Walang anuman pero nasaan na siya?" Tanong ko dahil siya ang right hand ng New MC natin
"Ah, sabi niya dito sa sulat ipinadala siya sa isang sect upang mag-aral ng cultivation " sabi ni Jia
"P*tay sigurado akong magkikita na silang dalawa dun" isip ko
"Pero di na siya makakabalik dito " cold na sabi ni Yuan na ikinalungkot naman ni Jia
"Ah, ganun ba pero ang mahalaga ay buhay siya at nasa maayus na kalagayan " sabi ko sabay ngiti
"En, tama ka "
"Lahat ng estudyante magtipon-tipon " isang pamilyar na boses ang narinig namin
"Si Eunuch Wei " sabi ni Jia kaya lumabas na kaming tatlo at paglabas namin ay napakaraming estudyante ang nasa labas
"Pinatawag ko kayong lahat upang makita niyo ang makakalaban niyo bukas" sabi ni Eunuch Wei
"Ah, tama bukas na pala ang paliksahan" isip ko
"Ahh, sana si Minsheng kalaban ko" sabi naman ng isa
"Tama ka sana siya ang makalaban ko" sabi naman ng isa
"Hindi talaga sila titigil habang hindi binibigayan ng leksiyo" galit na sabi ni Jia
"Tama ka kaya minsheng huwag kang magpapatalo " seryosong sabi ni Yuan
"En, kayo rin " sabi ko na ikinangiti naman nila
At ng ipinakita na samin ang kalaban koay nagngangalang Rong
"Napakasuwerte mo,unang laban palang eh panalo kana " sabi ni duyi dahil kaibigan niya ang nagngangalang Rong
"Heh, tama ka napakasuwerte ko talaga sa lahat ng bagay" sabi namn ni rong habang nagmamalaki
"Ngayun alam niyo na ang kalaban niyo, ang mananalo ay maglalaban hanggang isa ang matitira " paliwanag ni Eunuch Wei
"Ngayun ay alam niyo na kaya maiiwan ko na kayo " sabi niya sabay alis
Nakita kong nakatulala si Jia
"Huh?, jia bakit may problema ba?? " alalang tanong ko
"Haysst, sa makakalaban niya dahil si Zhang " seryosong sabi ni Yuan
"Zhang??" Mahina kong sabi hanggang sa naalala ko na
"Si Zhang ang napakadelikadong Tao, dahil isa siyang mamamatay tao ,wala siyang pake sa batas o sa rules pag laban ay hanggang kamatayan kaya iniiwasan siya ng mga estudyante" Isip ko
" Jia??" Sabi ko
"Huwag kang mag-alala hindi ako papatalo" sabi niya na may kaba sa muka niya
"Kaasar!!!!!, nakalimutan ko na si Jia ay mamatay sa story na toh kaasarr!!!! Napaka t*nga ko!!!" Isip ko habang nagngingitngit sa galit
Ng biglang lumapit sakin si Rong
"Ahem, Yow minsheng goodluck sa laban natin pwede ka naman tumakbo kung gusto mo para di ka masaktan" sabi niya sabay tawa pero tumigil siya dahil tinignan ko siya ng masama
"Napaka daldal mo" cold kong sabi na ikinaatras naman niya at ikinagulat nilang lahat
"Tsk, wala akong oras para makipag away sayo, kailangan kong magisip kung papaano siya maiiligtas " kaya inisip ko kung papaano siya makakaligtas hanggang sa nakita kong nakatingin ng nakakaloko si Zhang kay Jia kaya may naisip akong plano
"Ayus ka lang ba Jia?" Tanong ni Chaunli
"En, ayus lang ako " sabi niya na kinakabahan siya
"Pasensiya pero inaantok na ako" kaya umalis na kaagad si Jia
"Yuan, may ihihiling sana ako sayo " seryosong sabi ko at nakita kong tumingin sakin si Yuan
"Yuan gusto kong huwag mong iiwan ng mag-isa ngayung gabi si Jia at sabihin mo sa kanya na ang problema niya sa tatay ay magagawan ng paraan kaya huwag niyang ibigay ang buhay niya sa laban" sabi ko ng seryoso at tumango naman si Yuan sabay umalis para sundan si Jia
"Ngayun tayo na para sa Business" sabi ko
Kaya sinundan ko kung saan pupunta si Zhang ng biglang nawala siya
"Lumabas ka alam kong nagtatago ka lang diyan"cold kong sabi sabay nakarinig ako ng nakakalokong tawa
"Hahaha, hindi ko akalain na ang kuneho ay isa palang Tigre " sabi niya habang natawa
"Ganun ba kung ganun dederetiyohin kita" sabi ko
"Gusto kong huwag mong papatayin si Jia " sabi ko
"Huh??, ahh Jia siya pala ang makakalaban ko "sabi niya
"Oo,"
"Ayoko, bakit naman kita susundin" tanong niya habang nagpalabas siya ng killing aura
"Hahahaha, diba gusto mo ng madugong labanan" sabi ko sabay labas ng killing aura ko
"Hmm, handa akong makipaglaban sayo" sabi ko na ikinatuwa naman niya
"HAHAHA, paano naman yun" sabi niya
"Madali lang talunin mo si Jia ng hindi siya pinapatay pati na rin ang susunod na kalaban mo para sa huli tayo ang magtutuos" sabi niya pero sumimangot siya
"Hmm, ayoko napakatagal" sabi niya
"Kung ganun kahit na matapos tayong maglaban sa Arena pwede parin tayong maglaban kahit saan na gusto mo hanggang KAMATAYAN" saad ko pero nakita kong tumawa siya ng nakakaloko
"Sige gagawin ko yang sinasabi pero"
"Huwag kang mag-alala hindi ako yung taong sumisira ng pangako " sabi ko sabay ngiti kaya umalis na ako
"F*ck!!!,may death flag na ako, ano bang inisip ko!! Pero pag di ko ginawa yun sigurado akong mamatay si Jia" Isip ko at nakita ko si Yuan na nagaantay sa labas ng kwarto ko
"Hmm, saan ka ng galing?" Tanong niya
"Naglakad lang ako" sabi ko ng biglang hinawakam niya ang braso ko
"Papaano mo nalaman ang problema ni Jia sa pamilya niya?" Takang tanong niya
"Kaasar ito pa pala!!!" Isip ko
"Hmmm, hay narinig ko na usap usapan kahit na nasa bahay ako alam ko kung ano ang nangyayari sa paligid" sabi ko kaya binitawan niya ang braso ko
"Kung ganun paano ang gagawin mo?" Tanong niya
"Hehehe, basta sa susunod ko sasabihin sayo ngayun ay magpahinga muna tayo" sabi ko habang nakangiti
"Patay di ko alam kung ano ang gagawin ko sa tatay niya na masungit "Isip ko
"Kung ganun maiwan na kita " sabi niya sakin
"Okies" sabi ko at pumasok na ako sa loob ng kwarto
"Napakarami ko dapat ibahin at iligtas pero di ko alam kung makakaya ko ito, natatakot ako sobra dahil di naman ako Mc pero bakit kailangan ko paring magdusa para protektahan ang mga taong mahal ko " Isip ko habang unting unting nakatulog dahil rin sa pagod
_______________________
Author's Pov
•guys, maramimg salamat sa nagbasa
Sana supportahan niya ang story ko
Don't forget to give me vote in order to motivate my self
Thank you very muchhh