Nagising ako na nasa sahig
"Te...teka ang sakit ng ulo ko" sabi ko dahil may bukol ako sa uko
"Ano bang nangyari?" Tanong ko habang nakaupo at inaalala ko ang nangyari pero nagulat ako pagtingin ko ay umaga na kaya nagmadali akong nag ayus ng sarili ko
Habang natakbo ako ay di ko namalayan na may tao pala sa harapan ko ,kaya matutumba na sana ako ng biglang hinawakan ako sa magkabilang braso ni Yuan at Jia
"Hay, buti na lang at nasalo ka namin"
Sabi ni jia
"Kailan kaba titingin sa harapan mo" singit naman ni Yuan na may benda sa ulo
"Ah, eh maraming salamat " sabi ko
"Ayus ka lang ba??" Tanong sakin ng taong nabangga ko
"Ay, pasensya na " sabi ko
"Hahaha, ok lang ang mahalaga ay ayus ka lang" sabi niya sabay alis niya
"Woah, alam ko si chuanli yan, anak siya ng isang heneral kilala ang tatay niya bilang malupit sa digmaan " sabi jie
"Pweh, pero kita mong iba siya sa tatay niya " naiiritang sabi ni yuan
"Ahh,buti na lang at mabait siya" isip ko at nakaramdam ako ng lamig sa batok ko kaya tignan ko ang paligid pero walang tao
"Huh??, may problema ba?" Tanong ni Jia
"Ah, wala "sabi ko
Pumasok na kami sa loob ng room halos lahat ay busy sa pagbabasa, ang iba naman ay may mga benda ang katawan.
"Sigurado akong pinahirapan sila ni Master Ning " isip ko habang nakatingin kay Yuan
Maya-maya ay dumating na si Master Shui
"Ngayun pag-aaralan natin kung papaano ang takbo ng palasyo" sabi ni Master Shui
"Napaka halaga ng mga ministro sa palasyo, dahil kasama silang tumutulong sa hari upmg magdesisyon at umalalay upang matugunan ang lahat na pangangailangan ng tao "dagdag naman ni Master shui
"Pero, sino ba ang dapat protektahan?, ang Tao o ang Hari ?" tanong ni Master Shui
"Wht the, bakit lumihis ang topic" ang isip ko
"Sa tingin ko mas mahalaga ang Hari" sabi ng bida bida naming kaklase
"Ohh, paano mo naman nasabi Duyi " sabi ni Master Shui sabay bukas ng pamaypay niya
"Sapagkat, kung wala ang hari hindi magkakaroon ng kapayapaan , dahil ang hari ang nagbubuklod sa tao upang umunlad at pomoprotekta dito laban sa mga taong mananakop" sabi naman ni Duyi na confidence
"Tsk, jollibee, pero tama rin naman ang sinabi PERO" Isip ko
"Hmmm, tama ka" sabi ni Master Shui kaya nagbulong bulungan ang mga kaklase ko
"Mali " sabi naman ng isa na nakapagpatigil sa bulungan
"Paano mo naman nasabi Chuanli ? " sabi ni Master Shui sabay sarado ng pamaypay niya
" dahil ang pinaka mahalaga ay ang mga Tao, sapagkat sila ang pinoprotektahan ng hari kagaya ng sabi mo dahil kung walang mga mamamayan walang hari " sabi niya na ikinagalit ni duyi at nakita kong nag smirk si Master Shui
"Mukang tama si chuanli, pero kahit ano naman ay tamang sagot, pareho naman ang mahalaga " isip ko
"Tama ang mga sagot niyo parehong kailangang protektahan ang hari at mga mamayan dahil sila pareho abg bumubuklot upang makabuo ng isang kaharian " sabi ni Master Shui
Nagsimula ng magturo si Master Shui, tungkol sa mga posisyon sa palasiyo, at kung gaano ito kahalaga at ng matapos na ang kanyang lecture ay iniwan kami ni Master Shui kaagad at pag alis niya ay nagkaroon ng heavy atmosphere ang loob ng room
"Ano?? Toh??? Bakit ang bigat sa pakiramdam ng paligid " Isip ko habang pinagpapawisan ng todo
"Mabuti kung itigil niyo na yang Aura niyo ,marami ng nahihirapan " saad ni Yuan habang nakatingin ng seryoso kila Duyi at Chuanli kaya nawala bigla ang bigat sa paligid
"Ayus ka lang?" Tanong sakin ni Jia
"Oo " tipid na sagot ko sabay ngiti na ikinasimangot ni Yuan
"Kung gusto niyo maglaban huwag kayong magdamay ng mga tao "cold na sabi ni Zian
"Mamaya niyo na ibuhos yan susunod na si Master Ning " singit naman ni Liam habang nakaupo ng ayus
"Bakit ganun mukang bigatin lahat ng mga kaklase ko pakiramdam ko ako lang ang normal dito " Isip ko dahil ang iba ay kampante lang at ang iba ay natutuwa samantala ako ay pinagpapawisan ng todo
Pumasok na si Master Ning kaya lumabas ulit kami ng room at binigyan kami ng isa-isang espada
"Ngayun sino sa inyo ang marunong humawak ng espada " tanong ni Master Ning
"Hmm, magkukunwari ba ako?? Pero kailangan kong mamaster ang sword" isip ko kaya nagtaas ako ng kamay
At pagtingin ko ay ako lang ang taong hindi marumong kaya nakarinig ako ng tawanan
"It's ok I'm use to it" I said in a low voice
While staring them emotionless
"Pfftt, Master Ning baka mahimatay yan pag humawak ng espada " sabi ng isa kong kaklase habang natawa
"Hahaha, tama siya" dagdag pa ng isa
At nakita kong masama ang tingin ni Yuan at Jia sa kanila
"F*ck mukang magkakaroon ng away " isip ko
"Hey, huminahon kayong dalawa, ayus lamg ako " mahinang sabi ko sa kanila habang pinipigilan ko so Yuan
"Hmmp, mas mabuti pa si minsheng ay nagsasabi ng totoo kaysa naman sa mga taong mapangpanggap " parinig ni Zian
"Hahaha, makakasunod kaya sila satin mamaya " dagdag ni Liam
"Makikita na lang natin mamaya " singit naman ni Yuan
Pagkasabi niya nun ay bumigat na naman ang paligid
"Huwaaaahhhh, death flag!!!!! "Sigaw ko sa isip ko
"Hay, tama na yan, minsheng kaya mo ba?" Seryosong tanong sakin ni Master Ning
Kaya ngumit ako na may seryosong mata
"Kayang- kaya " tipid kong sagot ng biglang tumawa si Master Ning
"Hahaha, yan ang gusto kong sagot " sabi niya sabay smirk
"Wala na bang iba si minsheng lang! " sigaw ni Master Ning
"Pweh, wala na po master dahil simula pa nung bata ay tinuturuan na kami" sigaw naman ni Aiguo habang nakapamewang at nagtawanan ang lahat na mas lalong ikinasimangot ni yuan at jia
"TAHIMIK!!" pagkasabi nun ni Master Ning ay tumahimik ang lahat
"Hay, kung ganun Minsheng di kita tuturuan " sabi ni master na ikinagulat ng lahat
"Master Ning madali lang turuan si Minsheng at sigurado akong kaya niya "
Sabi ni Jia
"Oo,alam ko kaya iba ang magtuturo sa kanya" sabi ni Master Ning
Ng biglang may dumating na familiar na itsura
"Ako" sabi ni Master Shui
"Papaano Master Shui?" Takang tanong ni Duyi
"Si Master Shui ay magaling sa paghawak ng espada kaya pinakiusapan ko siya na magturo sa mga hindi marunong " sabi ni master Ning
"Kung ganun isa lang ang tuturuan ko?" Tanong ni Master Shui
"Oo, siya lang " sabi ni Master Ning
"Kung ganun sumunod ka sakin " pagkasabi niya nun ay nagpaalam muna ako kila Jia at Yuan , sabay sunod
kay Master Shui
Dinala ako ni Master Shui sa isang kwarto na napakalaki parang training room na walang laman
"Maghanda ka muna " sabi sakin ni Master Shui
"En," pagkasabi niya nun ay agad nag ayus itinali kobg mabuti ang damit ko at hinubad ko ang outer clothes ko, pagjatapos ay bumalik na at nakita kong si Master Shui ay nagmemeditate
"Kung ganun magsimula na tayo"sabi niya
"Ang bawat sandata ay maaring makapatay ng maraming tao,kung ganun gusto kong malaman kung bakit mo gustong matutong humawak ng espada?" Seryosong tanong niya sakin
Pagkasabi niya nun ay biglang nagsink in sa utak ko ang magulang ko, si kuya Chen, Feng, ateh Li mei, si Ying Pie, Jia, Yuan at si Master Hong xie
"Gusto kong maging pinakamalakas na kung saan maari kong protektahan ang mga importanteng tao sa buhay" sabi ko
"Kung ganun hahawak ka ng espada para protektahan ang mahal mo sa buhay mo" tanong niya
"Oo" tipid kong sagot habang nakatingin ng seryoso at nakita kong bumuntong hininga siya
"Kung ganun humanda ka" sabi niya
"En" sigaw niya
Tinuruan ako ni Master Shui ng Basic Movemebt sa sword halos puro sugat ako sa katawan dahil palagi ajong nahahampas, ang ginagamit pala naming ay kahoy lang
"Hindi na masama para sa baguhan" sabi ni master shui
"Anong hindi masama halos bugbog sarado ako" isip ko habang sumasakit ang buo kong katawan dahil sa pasa na rin
"Kung ganun hanggang dito muna ang pagsasanay natin " sabi ni master shui
"Eh, oras na pala " isip ko kasi ito yubg araw na mag papraktis kami ni Master Hong Xie
"Maraming salamat shifu " saad ko sabay salute na pang chinese sa kanya
"Maaga pa para magpasalamat" bigkas ni Master sabay alis
Habang ako ay naiwan dun magisa, kaya agad kong ginamot ang mga Pasa ko at sugat ko, pagkatapos ay agad akong umalis patungo sa tagpuan namin ni Master pagdating ko ay nandun siya naka meditate na sita nakasuot siya na red na damit na binili niya sa tindahan noon na mas nagaganda sa itsura niya
"Tapos kana bang tumingin " sabi ni Master Hong Xie sabay tingin sakin kaya umiwas ako ng tingin
"Ahh, grabe nakakahiya" isip ko na namumula amg muka ko at pag tingin ko ay naka ngiti naman siya sakin
"Anong nangyari sa muka mo?" Seryosong sabi niya sabay lapit sakin
"Ah,wala toh nagpraktis lang, konting sugat lang ito at kaya ko kahit hanggang gabi tayo magpraktis " sabi ko sabay ngiti
"Hay, kung ganun magsimula na tayo para makapagpahinga kana " sabi niya sabay
"Kung ganun ano bang Cultivator ang gusto mo maging? " Tanong niya
"Sasabihin ko ba sa kanya na dalawa?" Isip ko
"Gusto ko maging Sword Master " sabi ko
"Ganun ba, kung sword master ang gusto mo maraming kang pwedeng gawin pero una muna kailangan natin malaman kung anong spiritual roots ang meron ka" saad ni Master Hong xie
"Paano?"
"Hawakan mo lang toh" saad ni Master sabay labas ng Bilog na pearl
"Ok"
Ng hinawakan ko ay biglang umilaw ng apoy
"Luh, ano toh??" Takang tanong ko
"Kung ganun Fire spiritual roots ka, ang sabihin madali mong makokontrol ang Fire spells "paliwanag niya
"Kahapon ay matutunan mo ang QI diba??" Sabi niya
"Oo, tama ka master, pakiramdam ko kahapon ay napakagaan ng pakiramdam ko "paliwanag ko habang nakatingin sa kamay ko
"Kung ganun nasa Level 1 kana ng Early-stage, kailangan mong maging level 9 upang mapunta kana sa Middle-stage " paliwanag niya
"Kung ganun una muna ay magmeditate ka upang maging level 2 ka " saad niya
Kaya nagsimula na kaming magmeditate, unting unting nararamdaman ko ang paligid, ang simoy ng hangin, ang tubig, ang init, ang ingay unting unting bumabagal hanggang sa may puwersa na lumabas sakim kaya tumilapon ako at pagmulat ko ay salo-salo ako ni Master Hong Xie
"Ma...master???" Tanong ko na namumula kasi nakahawak si master hong xie sa bewang ko
"Hmm, ayus ka lang?" Tanong niya sabay lapit ng muka niya sa muka ko
"Aaaaa....eee ...a..ayus lang ako" sabi ko habang namumula na ang buo kong muka na nakaiwas ang tingin ko sa kanya
"Mabuti naman " sabi niya sabay ngiti sakin kaya agad akong tumayo ng maayus
"Kongrats, nasa Level 2 kana ng cultivation mo" sabi niya
"Ahh, di nga Master" sabi ko sabay kislap ng mata
"Pfft, oo kaya magpahinga kana at gabi na" sabi niya and she pat my head
"Lagot!!!, gabi na!!" Sigaw ko
"Death flag!!, sigurado akong mapaparusahan ako nito " isip ko
"Pfft, huwag kang mag-alala basta bumalik kana lang sa kwarto mo at magpahinga " sabi niya
"Ah, maraming salamat Master Hong " sabi ko at umalis na ako
Habang naglalakad ako ay may nakita ay nakadaan ako sa isang kwarto na pamilyar sakin
"Teka bakit parang may nangyari dito " isip ko ng biglang may nag sink in na Spg sa utak ko
"F*ck , damn it!!!,bakit may Homo dito sa story na iyun bakit?? Bakit??" Isip ko habang na mumula
"Oh, kamusta..." di naituloy ni Chuanli na kasama niya si Aiguo
"Wow, bugbog sarado ka ha" manghang mangha sabi ni Aiguo
"A...ayus ka lang? "Nag-aalala tanong ni chuanli
"Ah,eh huwag kang mag-alala ayus lang ako" sabi ko sabay ngiti na ikinangiti rin ni chuanli
"Mabuti naman, basta huwag mong pilitin ang sarili mo nang sobra" sabi niya sabay ngiti na ikinasimangot naman ni Aiguo
"Huh??, anong atmosphere toh " isip ko
"Kung ganun alis na kami at gabi na baka mapagalitan pa tayo " sabi niya kaya nagpaalam na ako
"Haysst, ano bang nangyayari, sigurado akong coincidences lang yun " isip ko kaya kinalimutan ko na lang iyun ng pumasok na ako sa kwarto ko ay agad akong nagpalit pantulog at kumain dala tagapagluto samin
Hindi ako dinalaw ng antok ko kaya mas minabuti ko na lang mag meditate pero walang nangyari
"Hmm, bakit kaya, may mali yata" isip ko
Kaya kinuha ko ang libro at binasa nakita ko na may mga herbal leaves pala na pwede kong ihalo sa tubig na pinaliliguan ko nakakatulong upang mabilis ako maglevel up
"Sigurado akong merong gantong herbal leaves si Master Qiang " sabi ko kaya napagpasiyahan ko ng matulog na lang
______________________________
**********************
[Author's Pov]
•Guys thank you very much, pls support my story
Once again thank you very much
"Words"
▪︎ spiritual roots = the very foundation (roots) of one's body and soul. Associated with a person's innate talent and elemental affinities.
Level of Cultivation
Early-stage
Middle-stage
Late-stage
& Peak