Paggising ko ay agad akong nagdamit at nag ayus, ang mga sugat ko sa katawan ay konti na lang sa muka na lang, kaya agad ako umalis
Habang papasok ako ay nakita ko ang iba kong kaklase ay puro benda ang katawan
"Pfft, mga mummy" isip ko habang pinipigilan ang tawa
"Kung natatawa ka wag mong pigilan" isang seryosong boses ang narinig ko sa likod ko at pagtingin ko sila Jia at Yuan na may benda rin pero konti lang
"Bugbog, sarado ka rin" tanong ni Jia
"Oo, eh" sabi ko
"Bakit anong nangyari sa inyo?" Tanong ko
"Hmm, mahabang kuwento" sabi ni Jia
"Eh, sayo?" Tanong Yuan
"Hay, mahaba ring kuwento " sabi ko
Kaya agad kaming pumasok sa room at nag lecture samin si Master Shia sabay sumunod kaagad ako kay master shia ng nasa room na kami ay naghanda ako
"Ngayun ay kailangan mong masanay ng espada kaya 1000 hampas amg gagawin mo" sabi niya
"Hmm, ganun ba 1000 lang ba easy lang yan" sabi ko kaya nagpractices na ako
Jia Pov
Sumunod agad si Sheng kay Master Shui
"Sa tingin niyo tatagal yun??" Rinig ko na sabi ng isa
"Sa katawan niya, sa tingin ko hindi, sigurado akong susuko kaagad yun" sabi niya sabay tawa
"Oo ,pustahan hindi yan tatagal ng 1 buwan " sabi naman ni Aiguo
"Ako pupusta hanggang 2 linggo lang siya "sabi naman ni duyi
Kaya nairita ako, lalapit na sana ako ng pinigilan ako ni Yuan
"Ako pupusta ako hanggang dulo" sabi ni Yuan
"Pffft, nagpapatawa kaba?"
"Hindi mo ba kilala si Master Shui??" Tanong naman ng isa
"Kilala siya bilang mabait pero pag mag-isa lang kayo ay nakakatakot na napaka brutal ng mga pagsasanay niya sigurado akong mamatay yun" sabi naman ni Aiguo
"Pweh ,kung ganun tatagal nga siya " sabi naman ni yuan
"Bakit kilala niyo ba si sheng?" Dagdag na sabi niya
"Syempre naman kilalang kilala siya sa buong bayan dahil sa napakahina ng katawan niya kaya minsan lang siya lumabas ng bahay niya " sabi ni duyi
"Kung ganun, di nyo pa siya kilala,huwag niyong husgahan ang tao pag di niyo kilala baka kayo magsisi sa huli" sabi ni yuan sabay upo
"ANO!!" sabi naman ni Duyi ng biglang dumating si Master Ning
Kaya naghanda na kaming lahat at tumayo sa labas
"Kung ganun gusto magsarili kayong mag-aral ngayun at sa dalawang buwan mula ngayun ay ihanda niyo ang sarili niyo dahil nag utos ang hari, gusto niyang malaman kung sino ang pinaka malakas sa inyo kaya ihanda niyo ang sarili niyo dahil may gantimpala na ibibigay ang hari " Sigaw ni Master Ning na ikina tuwa naman ng iba
"Kung ganun isang tao lang po ba ang mananalo?" Tanong ni chuanli
"Hindi pagnanalo kayo ng isang beses ay may gantimpala na kayo kaya pag mas maraming panalo ay mas malaki ang gantimpala na ibibigay sayo" sabi ni Master Ning
"Kung ganun Master Ning kasama po ba si Minsheng?" Tanong ng isa kong kaklase
"Oo dahil estudyante rin siya" sabi ni Master Ning na ikinatuwa naman nilang lahat
"Mga walang modo!!!" Sigaw ko sa isip ko
"Kailangan manalo ni Sheng para mapahiya sila" sabi ko habang nagngingitngut sa galit
"HUWAG KANG MAG-ALALA, SIGURADO,AKONG DI MAGPAPATALO SI SHENG" sabi ni Yuan habang may itim na Aura na lumalabas sa kanya
Sabay lumapit samin si chaunli
"Yuan, kilala ka bilng magaling sa paghawak ng espada kaya gusto kong magtuos tayo "sabi ni chaunli
"Hinahamon niya si Yuan??,nakaw sigurado akong matindi ang labanan, kilala si Yuan bilang Malupit sa pakikipglaban ang kanyang Martial Arts ay daig na ng isang Master, pero si Chaunli naman ay kilala bilang isang taong hindi sumusuko sa laban" isip ko
Napansin ko na tumahimik ang buong paligid
"Hmm, sige ba matagal na rin kitang gustong makalaban " sabi ni Yuan sabay ngiti ng nakakatakot
"Kung ganun ako ang tagahatol sa laban " sabi naman ni Master Ning
Kaya pumwesto na silang dalawa halos mataas ang tensiyon sa buong paligid
"Kung ganun ako si Master Ning ang tagapaghatol ng laban na ito kaya simulan na ang laban!!!!!!" Pagsigaw ji master ning ay biglang naglaho si Chaunli at biglang nasa likod na siya ni Yuan pero agad na iniharang ni Yuan ang espasa niya.
"Aba, mabilis ka pala" sabi ni yuan
"Ikaw rin" sagot ni chaunli
Kaya umatake si Yuan ng espada pataas at umiwas si chaunli gamit ang katawan niya na halos pinaka dulo ng buhok niya ang nahiwa
"Hm, masyadong bukas ang kabilang balikat mo!!! " sigaw ni chaunli sabay hataw ng espada papunta sa leeg niya kaya agad na iniharang ni yuan ang espada sabay talsik
"Grabe ang bilis nilang kumilos" sigaw naman ng isa kong kaklase
"Tama siya napaka bilis nga nila pero ngyaun ko lang nakitang nahihirapan si yuan ibig sabihin hindi basta basta si chaunli pero mas kilala ko si Yuan kapag mas malakas ang kalaban niya ngumingiti siya at mas lalo siyang lumalakas " Isip ko
Mabilis na tumayo si Yuan at umatake siya bawat hampas niya sa espada ni Chaunli ay makikita mo ang bigat nito, pero di naman nagpapahuli si chaunli dahil mas bumibilis ang mga atake na ginagawa niya hanggang sa parehong nahati sa gitna ang mga sandata nila
"Tama na yan,bale ang panalo ay parehong kayo" sabi ni Master Ning
"Wow, ang galing nila sobra" sigaw ng isa
"Hmm, hindi na masama " sabi ni Zian
"Gusto kong makalaban silang pareho " sabi naman ni Liam
"Mukang magiging masaya ang mangayayari sa paliksahan " sabi ni Duyi
"Siguradong ako ang mananalo" sabi ni Aiguo habang nakapamewang
"Napaka lakas nilang pareho, pero pasensya na kailangan kong manalo " isip ko habangnakatingin sa kamay ko
"Ngayun ay alam niyo na kung sino ang dapat niyong mas higitan kaya simulan niyo na ang pageensayo niyo!" Sigaw ni Master Ning
Bingwen Pov
"Ano na ang nangyari?" Tanong ko habang nakaupo sa trono ko at habang pinaglalaruan ang alak
"Nasabi ko na po kay Master Ning ang paliksahan na mangyayari"sabi ni Eunuch Wei
"Mabuti, siya nga pala gusto kong simula ngayun ay pwedeng hanggang gabi magensayo ang mga estudyante " bigkas ko
"Masusunod" sabi naman ni Eunuch Wei sabay alis
"Kamahalan mukang pinagtutuunan mo ng pansin ang mga batang iyun" sabi sakin ni Roumei habang pinaglalaruan niya ang buhok ko
"Tumahimik ka" seryosong sabi ko pero mas inilapit niya sakin ang katawan niya
"Kamahalan, gusto kong ako naman ang pagtuunan mo ng pansin " sabi niya sabay umupo siya sa bisig ko
"Hay, diba sabi ko sayo na umalis kana ng palasyo!!" Sabi ko sabay tayo ko kaya nahulog siya sa sahig
"Kamahalan!!! Hayaang niyo akong magsilbi sa iyo!!! Mahal na mahal kita kamahalan!!" Sigaw niya pero di ko siya pinansin
"Kung ganun mas matimbang parin ang babaeng iyun na matagal ng patay kaysa sakin na buhay!!!" sigaw niya
"Kamahalan matagal ng wala si Xiu Mei, kaya ako na lang ang mahalin mo" dagdag niya sabay yakap niya sa likod ko
"Kamahalan hindi ako titigil hanggang sa ako naman ang mahalin mo " sabi niya habang naiyak
"Patawad pero kahit na anong gawin mo kay Xiu Mei lang ang puso ko " sabi ko sa kaniya at iniwan ko siya umiiyak
"Napaka sama mo talaga" sabi sakin ni kiddra habang naka tayo
"Tumahimik ka, ikaw na bahala sa kanya"
"Kamahalan siya na lang ang nagiisang Concubines mo, pag nawala siya sigurado akong magiging isyu yan" sabi ni kiddra
"Wala akong pakialam, basta sundin mo na lang ang pinaguutos ko"sabi ko
"Masusunod kamahalan " tipid na sagot sabay alis
"Xiu Mei, sisiguraduhin kong babalik ka sakin" Isip ko habang nakatingin sa kwintas na may bell na ibinigay niya
Minsheng Pov
Natapos ko na ang praktis ko kaagad pero nakulangan ako kaya dinagdagan ko ulit ng 1000 na sword swing upang masanay kaagad ako habang si master ay nagmemeditate
Pagkatapos ng ilang oras ay namatapos ko na
"Kung ganun naka 2000 libo ka" sabi ni Master Shui
"Diba 1000 lang ang sinabi ko"
"Oo,pero nakulangan ako at may oras pa kasi pakiramdam ko habang tumatagal ay napapag-iwanan nila ako kaya pasensya na " sabi ko
"Hay naku, kung ganun mag ensayo na tayo" masayang sabi ni Master Shui na ikinatuwa ko naman
Ilang oras kaming nag one on one ni Master Shui halos di ko siya matamaan dahil sa bilis niya
"Napaka bilis umilag ni Master Shui pero " isip ko
Kaya nagfocused ako sa paligid at ipinikit ko ang mata ko
Master Shui Pov
"Bakit niya ipinikit ang mata niya" isip ko kaya umatake ako mula sa likod niya ng biglang hinarang niya ang espada niya at umatake siya sa ilalim
"Ginamit niya ang laki ko" isip ko at tinira niya ako sa tagiliran buti na lang at naharang ko agad iyun ng sandata ko
At umatake ako sa may itaas pero nailagan niya iyun
"Hmm, mukang mababasa na niya ang mga galaw ko " isip ko
At tama ako ng hula dahil nakikipagsabayan na siya sa bawat tira ko habang tumatagal mas lalong bumibilis at bumibigat ang mga hampas niya sa espada ko
"Yan, ganyan ang gusto ko sa labanan" isip ko kaya mas binilisan ko rin ng biglang nasira ko ang espada niya
Ibig sabihin ay panalo ako
"Aww, natalo ulit ako" sabi niya habang tumatayo
"Magaling ang pinakita mo, habang tumatagal mas lalo kang gumagaling " sabi ko na ikinatuwa naman niya
"Talaga po ba master shui??"tanong niya
"Oo" tipid kong sagot
"Pero ,sigurado akong magiging halimaw ang batang ito habang nagtaggal " isip ko
"Minsheng diba pangalan mo" tanong ko
"Oo ??" Sagot niya
"Kung ganun Sheng na lang tawag ko sayo, simula bukas mas matinding pagsasanay ang ipapagawa ko sayo dahil may paliksahan na magaganap 2 buwan mula ngayon at may gantimpala sa mananalo
"Sabi ko na ikinakaba naman niya
"Hindi ko siya masisisi na matakot dahil nagsisimula pa lang siya" Isip ko
"Kaya, kailangan mong magsanay ng mabuti " sabi ko
"En, maraming salamat Masterh Shui" sabi niya
MINSHENG POV
"F*ckkkkk, sigurado akong makikita ko dun si Bingwen, kinakabahan ako dipa ready ang puso ko" Isip ko habang pinagpapawisan ng todo
"Kung ganun ay magpahinga kana" sabi ni Master Shui kaya nagpaalam na ako, dumiretsyo ako kaagad kay Master Hong Xie pero haba akong naglalakad ay nakasalubong ko si Aiguo kasama ang mga alagad niya
"Tsk, bakit ba ano bang problem ng lalaking toh!!!" Isip ko habang naiirita na
"Nandito na pala si Prinsesa Sheng " ni Huan habang natawa
"Huh??" Tipid kong tanong
"Hmm,alam mo ba na may magaganap na Paliksahan?" Sabi ni Aiguo
"Ah, oo sinabi sakin ni Master Shui" sabi ko ng walang gana
"Kaya gusto kong kalaban ka!!" Sabi ni Huan
"Hindi ako!!!" Sabi naman ng isa
"Tumahimik kayo ,ako dapat " sabi ng isa
Habang si Aiguo ay nakatingin lang rin
"Sigurado akong minamaliit ako ng mga taong toh, pero wala akong lakas para makipagtalo di naman ako MC " Isip habang nakatingin siya kanila sabay humikad
"Yun,lang ba kung wala na kayong sasabihin aalis na ako" sabi ko sabay alis na sana ng hinawakan ako sa balikat ni Huan
"Saglit,kinakausap ka pa namin!!, porket kapatid mo si heneral Chen ganyan kana" sabi ni huan habang hinihigpitan ang hawak niya sa balikat ko
"PWEDE BANG LAYUAN NIYO AKO AT PAGOD AKO!!!" cold kong sabi habang nakatingin sa kanila ng nagbabanta kaya inialis kaagad ni Huan ang kamay niya sa balikat ko
"Ang dami niyong sat sat kahit sino pa ang kalaban ko ay dudurugin ko" sabi ko sabay alis
"Hay, mas lalo akong nawalan ng gana" Isip ko habang hinahawakan ang braso na hinawakan ni Huan
"Tsk,ang sakit ng balikat ko" isip ko ng may sumagi sa isip ko
"Te....teka!!!! Na trigger ko ba ang death flaggggg, lagot na yan sigurado akong mas aasarin ako ng mga tatlong bugok na iyun" Isip ko pero pinagkibit balikat ko na lang dahil nakita ko na si Master Hong xie na nagaantay kaya nagmadali akong tumakbo para lumapit kay Master Hong Xie
"Master!!" Sigaw ko habang nakangiti
"Nandito kana" sabi ni Master Hong Xie sabay lapit sakin
"Pasensya na kung pinaghintay kita" sabi ko
"Hindi ayus lang, magsimula na tayo" sabi niya
"Te..teka bakit parang mali ang sinabi ko" Isip ko sabay kinilabutan ang buo kong katawan
"Huh?, siya nga pala pwede ng kahit gabi magpraktis sabi ng Hari " sabi ni Master Hong xie
"Ta...talaga di ngaaaa" masaya kong sabi
"Oo kaya hanggang gabi tayo mageensayo" sabi ni Master Hong Xie
"En" masaya kong sabi
Nagsimula na kaming magensayo ni Master Hong Xie tinuruan niya ako ng mga Fire spell gamit ang sword na unti unti ko namang natutunan,napansin ko amg galing ni Master Hong Xie sa pagtuturo halatang professional na Cultivator siya
Ng matapos kami ay di ko na malayan na gabi na pala
"Huh?, gabi na pala" saad ko
"Oo, napaka galing ng konsentrasiyon mo kaya di mo na namamalayan ang takbo ng oras" sabi ni master hong xie
"Master Hong Xie, maraming salamat sa pagtuturo mo" sabi ko sabay bigay ng galang sa kanya
"Hmm, kung ganun gusto kong manalo ka sa paliksahan na magaganap " serysong sabi ni Master Hong Xie
"Lagot!!!, death flag yan!!, sigurado akong pagnanalo ako ay marami ng maiinggit sakin at di na ako low profile kundi high profile tsaka makikita ko ang Ex Mc " Isip ko
"Ano payag ka ba " sabi niya sabay lumapit siya sakin ng sobra sobra kaya umatras ako
"Ma...master napaka imposible naman ng sinasabi niyo kasi napakalakas ng mga kaklase ko lalo na si Chaunli at Yuan " sabi ko habang naatras
"Tapos, kaya nga nandito ako para tulungan ka" sabi niya habang nakatingin sakin ng todo kaya umiwas ako ng tingin
"Pa...pasensya na master pero death flag yun at magiging center of attraction ako pagnanalo ako" Isip ko
"Ano payag ka ba DISCIPLE ko" sabi niya habang nagpapacute sa harapan ko
"F*ck moe!!!!, itigil mo yan di kaya ng Heart ko!!!!" Sigaw ko sa Isip ko
"Kasi, nangako ako sa hari pati na rim sa ibang tao sabi ko mananalo ang disciple ko"malungkot niya na sabi
"Huh?"
"Ibig sabihin pagdi ako manalo dignidad ni Master Hong Xie ang mawawala " Isip ko
"Pero kung a..." di na niya naituloy dahil nagsalita ako
"Pumapayag ako, pero di ako mangangako na mananalo Pero para sayo ay gagawin ko lahat ng makakaya ko para manalo " sabi ko habang nakatingin ng seryoso kay Master Hong Xie na ikinapula naman ng pisngi niya
"Kaya ikaw na bahala sakin Master " sabi ko
"Syempre disciple kita kaya gagawin ko lahat para masupportahan ka " sabi sabay ngiti
"Siya nga pala ito" sabi niya sabay bigay sakin ng 5 bote
"Ano toh?"
"Yan ang Spiritual Qi Water , pagininom mo yan ay madadagdagan ang Qi mo, kaya madali kang maglelevel up" paliwanag niya
"Maraming salamat Master " sabi ko sabay umalis na ako kaagad upang bumalik sa kwarto ng makabalik na ako ay inilapag ko ang mga bote at umalis ulit upang pumunta sa klinika ni Master Qiang para humingi ng herbal leaves for my bath in order to boost my cultivation
______________________________
***********************
[Author's Pov]
▪︎ Guys, maraming salamat sa pagbabasa sana nagustuhan niyo ang story pls, vote my story
Thank you very muchhh
and also guys pls also read my second book
" I'm She not He ", it's free thank you guysss