"Biglang na alipungatan sa pagtulog si Seung-Ho dahil na nginginig si Hyun-Sik, mas hinigpitan pa nya ang pagkakayakap para mas madama ang init ng katawan nya.
Ipinahiga ni Seung-Ho si Hyun-Sik sa kanyang mga dibdib at muli nyang niyakap ito habang nakakumot.
Na pansin din nyang may mga luha sa mga mata ni Hyun-Sik, kaya ito ay pinunasan nya.
Kitang kita sa mukha ni Seung-Ho ang pag aalala sa kanyang kaibigan dahil hindi parin bumababa ang kanyang lagnat."
-----
"Kinabukasan"
Hyun-Sik: Gising na Seung-Ho, Huy, gising..
Seung-Ho: Ughhhhh? Hmmpff! *Nag-inat* Oh! Gising ka na pala? Maayos na ba pakiramdam mo?
Hyun-Sik: Maayos naman, medyo sinisinat nalang.
Seung-Ho: Sure ka ah? Hmm.. Wag ka kaya muna pumasok sa school, pahinga ka na muna.
Hyun-Sik: Hindi pwede, kailangan ko din pumasok, kasi ngayon yung result ng exam natin.
Seung-Ho: Oh sige, alalayan nalang kita mamaya, baka bigla kang manghina eh.
Hyun-Sik: Ok na naman din ako, pero Salamat kagabi...
Seung-Ho: Para saan?
Hyun-Sik: Sa pagyakap mo sa akin para hindi ako ginawin.
Seung-Ho: Ahh.. Yun ba, hehe wala yun! Oh sya, almusal na tayo.
Hyun-Sik: Sige, sabagay hindi din ako nag dinner kagabi.
"Sila ay nagsabay ng mag-almusal.
Inihanda ni Mrs. Lee ang Sea weed soup na paborito ni Hyun-Sik sa tuwing nagkakasakit sya, at nag enjoy naman ang dalawa sa kanilang almusal."
-----
"Habang kumakain sila, hindi maiwasang titigan ni Seung-Ho si Hyun-Sik habang maganang kumakain, at naka ngiti ito habang pinagmamasdan ang mukha ng kaibigan nya"
Seung-Ho mind: "Buti naman maayos na pakiramdam mo, na bawasan kahit papaano pag-aalala ko sayo"
Hyun-Sik: Huy! Bakit nakatulala ka sa mukha ko? May dumi ba?
"At bumalik sa ulirat si Seung-Ho sa pagkakatitig nya kay Hyun-Sik"
Seung-Ho: Ahh! Ano? Wala, wala ka naman dumi sa mukha, hehe nakakatuwa ka lang titigan kasi bumalik na lakas mo.
Hyun-Sik: Pero salamat parin sayo, kasi ikaw nag alaga sa akin kagabi, tsaka sorry kung nagtampo ako kahapon sayo.
Seung-Ho: Ano nga ba dahilan ng pagtatampo mo?
Hyun-Sik: Kalimutan mo na, kumain nalang tayo.
"Nung na tapos na sila kumain at nagpaalam na si Seung-Ho na mag aayos na ng sarili nya para pumasok na sa school."
"Na una na si Seung-Ho na pumasok dahil si Hyun-Sik ay matatagalan dahil kailangan nyang asikasuhin ang mga gamit nya."
----
"Hyun-Sik POV"
Hyun-Sik: Kagabi, halos na ririnig ko ang pagtibok ng puso ni Seung-Ho, kasing lakas ng pagtibok ng puso ko, ang sarap sa pandinig marinig pagtibok ng puso nya, pero.... Gusto ko muna siguraduhin kung ano ba ang nararamdaman ko para sa kanya.
Pero salamat parin sa kanya bumaba ang lagnat ko. Masaya na din ako dun.
"Nagvibrate ang phone ni Hyun-Sik at nag text si Seung-Ho"
"From Seung-Ho: Ok ka na dyan? Pasok kana, si Manong Driver pinabalik ko na dyan sa Mansion, wag kana mag bike at baka mabinat ka pa.
Antayin kita dito sa labas ng hallway.
Ingat!"
"At napangiti ng todo si Hyun-Sik dahil dito.
Pumasok na din sya sa school at nakarating na agad, at nakasalubong na nya si Seung-Ho na may kasama ding malaking ngiti sa kanyang mukha"
Seung-Ho: Ayun buti nandito kana, hehe miss you!
Hyun-Sik: Nyeh! Eh parang kanina lang sabay tayo mag-almusal haha sira!
Seung-Ho: Hindi ko ba pwede mamiss best friend ko? Na nagtampo sa akin kagabi?
Hyun-Sik: Hay nako magtigil ka nga! Halika na pumasok na tayo.
-----
"Pumasok na sila at excited na ang lahat dahil sa results ng Exam"
Teacher: Congratulations Class, lahat kayo ay nag improved, at lahat kayo ay nakakuha ng markang A+
"Nagpalakpakan ang lahat ng nasa Room, at masaya silang na rinig yun.
At binigay na ng Teacher ang bawat test paper nila para makita nila ito"
Ara: Wow! Congratulations sa atin Hyun-Sik at Seung-Ho!
Seung-Ho: Hehe congratulations din.
Hyun-Sik: Ahh ok same...
Ara: Ehh? Bakit parang hindi ka masaya?
Seung-Ho: Sinisinat pa kasi sya kaya ganyan sya ngayon.
Ara: Ahh ok!
Hyun-Sik: Ok lang ako, wag kayo mag-alala sa akin.
Seung-Ho: Wow bagay pala sayo binili kong Coat ah.
Hyun-Sik: Hehe salamat pala dun.
Seung-Ho: You're welcome! Masyado ka kasing nagtitipid eh. Ay oo nga pala meron ka ng Love Search Dating app?
Hyun-Sik: Ahhh oo meron na kaso hindi ko din gaano ginagamit bakit?
Seung-Ho: Madaming magagandang babae sa app na yan ah, wala ka ba na titipuhan?
Hyun-Sik: Kunti lang, pero wala naman ako pakealam kung sino sila.
Seung-Ho: Haha grabe naman yun! By the way, kilala mo ba itong number na ito? Nung nakaraan kasi tumawag sa akin kaso binaba din yung tawag.
"Pinakita ni Seung-Ho yung phone number at nataranta si Hyun-Sik."
Hyun-Sik: Ahh? Eh? Hindi ko alam hehe!
"Makalipas ang ilang oras ay Lunch time na nila at na una munang pumunta si Seung-Ho sa Cafeteria at si Hyun-Sik ay pumunta muna sa Wash Room para maghilamos"
-----
"Hyun-Sik POV"
Hyun-Sik: Dapat hindi malaman ni Seung-Ho na ako yung nag miss call sa kanya, nako ano kaya gagawin ko...
"Tinawagan ni Seung-Ho yung unregistered number na tumawag sa kanya, at sinundan nya yung tumutunog na phone, at pumasok sya sa Wash room."
Hyun-Sik: Huy! Nandyan ka pala! Ahh ehh?! Bakit nandito ka
Seung-Ho: Oo nga eh hmm?
Hyun-Sik: May sasabihin ka ba?
Seung-Ho: Oo eh, sana...
Hyun-Sik: Ano nga? Tsaka anong ginagawa mo dito?
Seung-Ho: Uhmm~? May... May gusto ako sayo Hyun-Sik....
Hyun-Sik: Kelan pa?
Seung-Ho: Matagal tagal na din, pero hindi ko kasi alam kung ano nararamdaman ko eh, pero sure na ako sa nararamdaman ko para sayo, na tatakot lang ako sabihin sayo kasi baka magiba na ang tingin mo sa akin.
Hyun-Sik: Ayus lang, parehas lang naman tayo.
Seung-Ho: Hah? Anong parehas?
Hyun-Sik: May gusto din ako sayo, basta kagaya mo hindi ko rin maipaliwanag nararamdaman ko, lalo na sa tuwing magkasama tayo.
Seung-Ho: So... Ano gagawin natin?
Hyun-Sik: Hmmm? Pano ba.. Aish! Na hihiya ako tang ina.
"Biglang niyakap ni Seung-Ho si Hyun-Sik ng mahigpit at maluha luha sya habang kayakap nya si Hyun-Sik"
Seung-Ho: Sorry nga pala kahapon, ako ang dahilan bakit ka nagtampo.
Hyun-Sik: Huh? Ano?
Seung-Ho: Na kita na kita noong bigla akong sinunggaban ng halik ni Ara, tinry ko ibaling itong na raramdaman ko sa iba dahil alam kong mali, tsaka parehas tayong lalake, kaya nilihim ko sayo na nakikipag flirt ako kay Ara.
Hyun-Sik: Haist... Ayus lang, atleast nagsabi ka ng totoo kahit late na. Ako din naman naglihim sayo, tinago ko lang ito kasi ayoko magkasira Bestfriendship natin.
Seung-Ho: So ano? Tayo na?
Hyun-Sik: Ang bilis naman? Haha hindi pa nga natin sure kung tama nga ba nararamdaman natin sa isat isa.
Seung-Ho: Hah? Anong hindi sigurado eh nag tapat na tayo sa isat isa?
Hyun-Sik: Ayoko lang madaliin, kasi baka na bibigla lang tayo sa nararamdaman natin, ayun lang.
Seung-Ho: Sabagay, pero wag na muna natin ipahalata sa iba ok?
Hyun-Sik: Oo naman. Pero pahamak yung phone ko! Nalaman mo tuloy kung sino nagkakagusto sayo dahil sa aksidenteng miss call sayo.
Seung-Ho: Oo kaya sa totoo lang alam ko na sayo yung unregistered number na tumawag sa akin pero atleast masaya naman tayo sa resulta diba?
Hyun-Sik: Eh paano si Ara?
Seung-Ho: Ahh wag na muna natin pag-usapan yan, ang mahalaga yun atin.
"Nag tagal ang kanilang yakapan sa wash room, at ninanamnam ang bawat sandaling magkayakap sila.
Bawat pagtibok ng puso ay parang musikang nakakabingi pero masarap pakinggan para sa kanila."
"At ng dahil sa patatapat nila ng kanilang nararamdaman, ay mas naging malapit ang dalawa pero nililimitahan parin nila ang bawat kilos at emotion nila, dahil hindi pa sila handa na ipaalam ito sa karamihan, lalong lalo na sa Pamilya ni Seung-Ho dahil isa pa naman din syang kilalang personalidad at kilala ang kanilang Pamilya sa mundo ng showbiz at sa pulitika."
"4pm"
Teacher: Ok class ingat kayo sa paguwi, class dismissed.
Seung-Ho: Arrghhh! Hay salamat uwian na.
Ara: Oo nga eh, oh sya mauna na ako, bye guys!
Hyun-Sik: Ingat!
Seung-Ho: Uwi na tayo Hyun-Sik.
Hyun-Sik: Hindi pwede, may trabaho pa ako.
Seung-Ho: Oh diba kakagaling mo lang tapos papagurin mo na naman sarili mo?
Hyun-Sik: Malakas ito noh! Haha sige mauna kana umuwi, mag Bus nalang ako papunta sa trabaho ko.
Seung-Ho: Sigurado ka ah? Sige bye ingat!
"At sumenyas ng double Finger heart si Seung-Ho kay Hyun-Sik at sabay kindat."
Hyun-Sik: Umuwi kana nga! Aish!
"Biglang namula ang mukha ni Hyun-Sik at ito ay ngumiti at sa kadahilanang sobra itong kinikilig sa ginawa ni Seung-Ho kanina"
"Umalis na si Hyun-Sik sa school, at dumiretso na sa kanyang trabaho at na gulat sya sa na kita nya"
Hyun-Sik: Huy! Anong ginagawa mo dito~ At bakit may apron ka? At naglilinis ng lamesa?
Seung-Ho: Natural! Gusto kita makasama eh, kaya kinausap ko si Mr. Shin na mag part time din ako dito! Hehe ayus ba?
Hyun-Sik: Sira ka talaga eh noh?
Seung-Ho: Syempre miss kita eh, ayoko mawala ka sa mga paningin ko.
Hyun-Sik: Shhh! May makarinig sa sinasabi mo huy!
Seung-Ho: Ok sorry *Sabay Kindat*
Manager: Ay oo nga pala Hyun-Sik, sya bago nating Service crew dito.
Hyun-Sik: Ahh opo kilala ko po yan, matalik ko pong kaibigan hehe.
Manager: Ayus yan pero turuan mo ng ibang gawain ah kasi medyo hindi pa nya alam yung gawain tsaka nakabasag sya ng tatlong bote ng Soju kanina. *whispering*
Hyun-Sik: Ahh okay sige po ako na bahala. Hehe *whispering*
"Masigla silang nagtatrabaho sa loob ng Barbecue House at mas dumami pa lalo ang costumers dahil kay Seung-Ho, dahil hindi inaasahan ng mga tao na may Artistang nag part time job dito.
Laking gulat din ni Mr. Shin na isa palang Artista at Pop idol si Seung-Ho"
"Makalipas ang 7 oras na pagtatrabaho ay nagprisintang maglinis ang dalawa sa Restaurant dahil sa dami ng kalat na idunulot ng pagdagsa ng costumers dahil kay Seung-Ho"
Manager: Oh sige sige maglinis na kayo, at ako mag inventory pa, kasama nyo din ibang Crew maglinis, hindi ko inaasahang artista pala itong si Seung-Ho haha!
Seung-Ho: Ahh ok lang po, tsaka ginusto ko din makapag trabaho dito.
Hyun-Sik: Hehe pasensya na po Mr. Shin sa kalat.
Manager: Ok lang hehe triple kita ng restaurant ngayon dahil sayo Seung-Ho, salamat!
Seung-Ho ahh? Hehe wala po yun.
"Habang naglalampaso si Seung-Ho ay na tapakan ni Hyun-Sik ang madulas na sahig, at kadahilanang na walan sya ng balanse at buti nalang ay na hawakan ito ni Seung-Ho..
Pero ang posisyon nila ngayon ay nakahawak si Seung-Ho sa bewang ni Hyun-Sik at nagkatitigan ang dalawa ng dahil dito"
Girl crew: Aw! Ang sweet oh!
Boy crew: Bagay kayo!
Girl Crew 2: Ahhh! Ang cute pala ng dalawang lalake na ganyan ka sweet!
"Biglang na tauhan ang dalawa"
Hyun-Sik: Ahh? Hahaha! Salamat hehe~?
Seung-Ho: Magiingat ka kasi!
Hyun-Sik: Punasan mo kasing maigi yang sahig oh, kaya ako na dulas eh.
Seung-Ho: Sorry..
Hyun-Sik: Ok ok, sige lilinisan ko lang yung fire place.
"Tinitigan ni Seung-Ho si Hyun-Sik papunta sa Fire place, at hindi mawala ang ngiting dulot ng nangyaring pagkakadulas ni Hyun-Sik.
Na tapos na ang kanilang paglilinis sa barbecue house at tuluyan ng umuwi ang dalawa."
-----
"Hyun-Sik POV"
"Nag text si Seung-Ho kay Hyun-Sik"
"From Seung-Ho: Oo nga pala salamat kasi tinanggap mo pagmamahal ko sayo, promise I will make you happy at poprotektahan.
I love you!
Hindi na ako makakababa dyan, gusto ko ng matulog eh, nakakapagod pala sa trabaho mo hehe.
❤️❤️❤️"
Hyun-Sik: Parang sira haha, Mereplyan nga.
"To Seung-Ho: Same! Thank you din dahil akala ko ako lang yung may ganitong feelings sa atin hehe!
Sige goodnight!
I love you too ❤️❤️❤️"
Hyun-Sik: Ok! Back to review!
"NGAYON, ALAM KO NA KUNG ANO NARARAMDAMAN KO SA KANYA, ANG GAAN SA PAKIRAMDAM NA PAREHAS PALA KAMI NG NARARAMDAMAN, SALAMAT SAYO SEUNG-HO DAHIL MAHAL MO AKO
-Hyun-Sik
IPAGLALABAN KO PAG-IIBIGAN NATIN, HANGGANG SA HULI. KAHIT SINO PANG HUMADLANG HINDI AKO MAKAKAPAYAG NA PAGHIWALAYIN TAYO, KAHIT KASALANAN ITO SA MATA NG IBA. MAHAL NA MAHAL KITA HYUN-SIK.
-Seung-Ho"
End Of Episode 6