"Ara POV"
"Park Family Mansion Residence"
"Kasalukuyang naghahapunan sila Ara."
Madam Park: Ara at Mi-Young kamusta ang school?
Mi-Young: Maayos naman po, at marami po akong na kilala at naging kaibigan Auntie.
Ara: Medyo nakakapagod ang araw ngayon sa School Mom, ang daming activities na ginawa din kanina.
Madam: Good to hear Mi-Young, at hindi ka na out cast sa school.
And by the way Ara, kamusta pala kayo ni Seung-Ho? Nagkakausap ba kayo?
"Tumingin si Mi-Young kay Ara ng may pag-aalala sa mukha."
Ara: Nakakapagusap naman po kami Mom, sadyang busy lang talaga din sya kaya wala kami masyadong oras na makapag usap.
Madam Park: Nakausap ko kanina si Mrs. Go about sa magiging kasal mo with Seung-Ho.
Ara: Ano po ang na pagusapan nyo?
Madam Park: Matutuloy parin ang kasal nyo kahit anong mangyari, lalo na yung nangyari sa inyo nung gabi ng Family Dinner natin? Pagpasensyahan mo na daw si Seung-Ho, sadyang moody lang daw sya.
Ara: Napatawad ko na po sya matagal na, kahit hindi po sya humingi ng pasensya sa akin eh ayus lang po.
Mi-Young: Excited na ako sa kasal nyo Ara, ayun nga lang matagal pa. Kailan nga ulit yun?
Ara: Kapag nakapag College na kami ni Seung-Ho, dun kami magpapakasal.
Mi-Young: Halos ilang months nalang pala bago ang graduation natin sa Senior High, kaya malapit na din yung araw ng kasal nyo.
Mi-Young: By the way Auntie, nakapag plano na po ba kayo saan gaganapin yung venue ng kasal?
Madam Go: For now hindi pa, pero dahil pinaalala mo, I'll reserve ng magandang venue tomorrow.
Mi-Young: I'm so excited Auntie! I can't wait!
"Pagkatapos nilang maghapunan, dumiretso na sila Ara at Mi-Young sa kinalang kwarto.
Ilang minuto lang ay lumabas ng kwarto nya si Mi-Young at pumunta sa kwarto ni Ara."
"Kumatok si Mi-Young sa pintuan ng kwarto ni Ara."
Mi-Young: Ara? Gising ka pa ba?
Ara: Oo gising pa ako, pasok ka nalang.
"Binuksan ni Mi-Young ang pintuan at pumasok na sa kwarto ni Ara."
Mi-Young: Bakit ka nagsinungaling kay Auntie about sa inyo ni Seung-Ho?
Ara: Huh? Kailangan ko lang gawin yun para hindi madisappoint si Mom sa akin.
Mi-Young: By the way, dahil nandito ako, kwento ka naman.
Ara: Kwento? Ano ikukwento ko sayo? Eh halos alam mo naman yung nangyayari sa akin.
Mi-Young: Feel ko may isa ka pang tinatago eh, I mean? May pinagtatakpan ka?
Ara: Huh? Wala noh! Ano ka ba.
Mi-Young: Wag ka magsinungaling, kilalang kilala kita hmmm?
Ara: Oh sige ito, sasabihin ko na.
Mi-Young: Okay umpisahan mo na magkwento.
"Umayos ng pagkakaupo sa kama nya si Ara, at si Mi-Young ay nakatingin kay Ara at nakapalung baba habang nakadapa ito sa kama."
Ara: I'll start with... Hyun-Sik.
Mi-Young: Hyun-Sik? Ano meron sa kanya?
Ara: Basta makinig ka bago mag react.
Mi-Young: Ok sige, go start again.
Ara: Ayan na nga, dahil nakakapagsinungaling ako kay Mom kasi si Seung-Ho ay may karelasyon ng iba at hindi ako yun.
Nagumpisa ang lahat nung nalaman kong si Hyun-Sik pala yung boyfriend ni Seung-Ho, at talagang kinagulat ko yun.
Kasi as all I know, magbest friends lang silang dalawa.
Hindi ko naman din na hahalata sa kanila na may iba kinikilos nila.
Tsaka I thought normal lang yung na kikita ko sa kanilang sweet ng bonding nila sa isat isa.
Pero sa totoo lang, mas unang nagconfess sa akin si Seung-Ho ng nararamdaman nya.
If na aalala mo yung kinuwento ko sayo nung nasa US ka pa? Yung sinundan nga ako sa paglalakad at sa eskinita kami naghalikan?
Ayun na nga, matagal tagal din kaming nag flirt sa isat isa ni Seung-Ho, at masasabi ko naman na he likes me too.
Kapag hindi sila magkasama ni Hyun-Sik eh inaaya nya ako na lumabas, simple date lang.
Yung mga time na nag flirt kami sa isat isa ay mag best friends palang sila ni Hyun-Sik.
Hindi ko alam ang dahilan kung bakit biglang nanlamig at nawalan ng interes si Seung-Ho sa akin.
Then ayun, na confirmed ko na si Hyun-Sik yung nagtago sya sa wall sa Cafeteria na biglang nag miss call kay Seung-Ho.
Nakita ko sa mukha ni Hyun-Sik yung grabeng pagseselos nya at pagkalungkot nya nung naghahalikan kami ni Seung-Ho.
And also last kiss we did, wala ng sumunod.
Then ayun, ayun lang alam ko.
Kasi hindi naman nagkukwento yung dalawa sa akin or nagpapahalata sa Campus about sa real relationship nila.
Mi-Young: Omg! Are they both gays?!
Ara: Hindi naman siguro sila Gays, I think they accidentally inlove with each other? I don't know...
Mi-Young: I'm very sad sa kwento mo, I have a big crush to Hyun-Sik because he turn me on lalo na sa ideal man list ko.
Ara: Pero I'm still inlove kay Seung-Ho, and still hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Mi-Young: Ipaglaban mo pagibig mo kay Seung-Ho, alam kong hindi pa talaga handa si Seung-Ho sa kung anong nararamdaman nya kay Hyun-Sik.
Ara: Paano mo naman na sabing hindi sya handa o seryoso sa nararamdaman nya kay Hyun-Sik? Eh magkarelasyon na nga sila.
Mi-Young: Trust my word dear, diba sabi ko? Akong bahala?
Ara: Bakit? Ano gagawin mo kay Seung-Ho?
Mi-Young: Sikreto na muna, by the way salamat sa oras hehe! Good night!
Ara: Good night din Mi-Young.
"Lumabas na si Mi-Young sa kwarto ni Ara at pumunta na sa kwarto nito."
------
"Park Family Mansion Residence"
"At Mansion Kitchen"
"Habang nagluluto si Misis Lee at tinutulungan sya ni Hyun-Sik sa pagluluto at pagaasikaso ng mga ihahandang pagkain para sa hapunan."
Misis Lee: Hyun-Sik? Sabi pala sa akin ni Seung-Ho na sa kwarto mo muna makikitulog.
Hyun-Sik: Huh? Bakit naman po Ma?
Misis Lee: Hindi ko alam eh, sya nalang tanungin mo mamaya.
Hyun-Sik: Sige po Ma, ay Ma tapos ba po ako dito, ilagay ko na po ba sa dinning hall yung ibang pagkain?
Misis Lee: Ahh sige ilagay mo na dun tsaka tutulungan ka ng mga maids na ilagay din yung iba pang pagkain dun sa dinninghall.
"Habang nilalagay ni Hyun-Sik ang dala nyang pagkain sa malaking dinning table.
Lumingon si Hyun-Sik sa hagdanan habang bumababa si Seung-Ho."
Hyun-Sik: Uy! Tamang tama nandyan kana, kain na.
Seung-Ho: Ikaw nagluto ng mga ito?
*Nakangiting pagsabi nito.*
Hyun-Sik: Yung iba oo ako nagluto hehe.
"Napalingon ulit si Hyun-Sik sa hagdanan dahil pababa na din si Madam Go at Mister Go."
Hyun-Sik: Magandang gabi po, nakahanda na po ang mga pagkain.
Mister Go: Mukhang masarap mga niluto mo ngayon ah Hyun-Sik. *Nakangiting pagsabi nito.*
Hyun-Sik: Eh? Hehe nako po, yung iba lang po na putahe ang niluto ko po dyan, tapos yung iba pa ay si Mama na po yung nagluto.
Madam Go: Napakabait mong anak Hyun-Sik, maswerte talaga ang Mama mo sayo. *Nakangiting pagsabi nito.*
"Nagkatinginan si Hyun-Sik at Seung-Ho, at may binulong si Seung-Ho kay Hyun-Sik."
Seung-Ho: Anong meron? Bat ganyan kinikilos ng mga magulang ko?
*Whispering*
Hyun-Sik: Hindi ko din alam eh, pero mabuti na yung ganyan sila na good mood diba?
Seung-Ho: Ang weird lang kasi.
"Habang kumakain, biglang tumingin si Mister Park kanila Hyun-Sik at Seung-Ho."
Mister Park: Anong pinagbubulungan nyong dalawa dyan?
Hyun-Sik: Ahh wala po wala po hehe sige po kain na po kayo.
"Lumabas ng kusina si Misis Lee at may dalang mga panghimagas na gawa nya, at dinala ito sa dinning table."
Madam Go: Oh Misis Lee, sumabay kana sa amin maghapunan.
Misis Lee: Mamaya na po ako Madam, tsaka busog pa po ako tsaka marami pa po akong gawain na malapit ng matapos.
Mister Park: Mamaya mo nalang gawin nga yun, halika sumabay kana.
Misis Lee: Ahh sige po.
"Umupo si Misis Lee katabi ni Hyun-Sik."
Hyun-Sik: Ma! Ito oh, sandukan na kita ng kanin.
Seung-Ho: Ito po sandukan ko na kayo ng ulam Misis Lee.
Misis Lee: Hala nako maraming salamat, nakakahiya sa inyong dalawa.
Madam Go: Alam mo Misis Lee, napaka magandang impluwensya talaga ni Hyun-Sik kay Seung-Ho, dati ginagawang biro lang ang pagaaral nya, minsan may bagsak pang grades pero he's improving sa mga studies nga because of your Son.
Misis Lee: Salamat po Madam, sadyang ganyan po talaga ang dalawang yan, simulat sapul na mga bata pa sila ay magbest friends na sila.
Mister Park: Matagal na din pala kayong nandito, ang bilis ng panahon, lalo na ang mga anak natin ay mga binata na.
Madam Go: Isama mo pa dyan na ilang buwan nalang ay mag graduate na sila sa High school.
Misis Lee: Napakabilis nga po talaga ng panahon, halos malapit na din mag College si Hyun-Sik.
*Biglang na iyak*
Hyun-Sik: Oh Ma! Bat bigla ka namang umiyak?
Misis Lee: Masaya ako anak, tears of joy lang ito anak, wag ka mag alala.
Mister Park: Seung-Ho, bigyan mo si Misis Lee ng tissue.
"Inabutan ng Tissue ni Seung-Ho si Misis Lee."
Misis Lee: Salamat Seung-Ho.
Madam Go: Oo nga noh, halos malapit lapit na din silang magsarili at magsariling buhay, na iisip ko palang eh na lulungkot ako.
Ayan! Na iiyak na din tuloy ako.
Mister Go: Oh tissue mahal ko.
Hyun-Sik: Ma! Sandali lang po ah, may kukunin lang kami saglit ni Seung-Ho sa apartment natin.
Seung-Ho: Saglit na saglit lang po talaga kami hehe.
Misis Lee: Oh sige, balik kayo agad, hindi pa kayo tapos maghapunan eh.
"Umalis muna sila Hyun-Sik at Seung-Ho sandali sa dinning hall."
Madam Go: Oo nga pala Misis Lee, ilang taon na palang patay si Mister Lee?
Misis Lee: Hmmm? Dahil 19 na si Hyun-Sik ngayon.... Halos 9 years na patay ang asawa ko.
Madam Go: Matagal tagal na din pala, bakit hindi ka maghanap ng bagong mapapapangasawa? Gamitin mo yung mga na uusong dating app or makipagblind date ka.
Mister Go: Oo nga Misis Lee, lalo na ngayon magsasariling buhay na si Hyun-Sik mga ilang taon nalang yun, dapat meron kang katuwang sa buhay.
Misis Lee: Nako hehe hindi ko na po kailangan ng dating app o blind date na yan, tsaka mas naniniwala po ako na panahon ang magtatadhana kung makakahanap ako ng may magmamahal sa akin.
Madam Go: Sabagay, pero wala din masama sumubok lalo ng dating app or blind date.
------
"Apartment House"
Seung-Ho: Huy Hyun-Sik ano ba meron bakit good mood mga magulang ko? Tsaka ano ba ginagawa natin dito sa Apartment nyo?
Hyun-Sik: Huh? Hindi mo talaga alam?
Seung-Ho: Hindi nga eh, kaya nga nagtatanong ako.
Hyun-Sik: Birthday kasi ni Mama ngayon, tsaka dito nakalagay sa Refrigerator namin yung Cake ni Mama.
Seung-Ho: Ay shit! Hala sorry Birthday pala ni Misis Lee ngayon.
Hyun-Sik: Oo birthday nya, kaya tulungan mo ako dito.
"Kinuha ni Hyun-Sik ang cake sa loob ng refrigerator at nilagay nya sa lamesa."
Hyun-Sik: Ikaw magdala nyang torch at ako na dito sa cake.
Seung-Ho: Sige, pero san natin sisindihan kandila ng cake?
Hyun-Sik: Sa hallway bago magkusina ng Mansion.
"Lumabas na sila ng Apartment ni Seung-Ho at Hyun-Sik.
At nakarating na sila sa Hallway."
Hyun-Sik: Seung-Ho, sindihan mo na.
Seung-Ho: Sige ito na.
"Sinindihan ni Seung-Ho ang kandila sa cake, at sila ay pumunta na sa kitchen hanggang sa na kita na sila ni Madam Go."
Madam Go: Oh Ayan na pala sila!
Mister Park: Ipasok na ang cake dito Hyun-Sik at Seung-Ho.
"Lumingon si Misis Lee sa direksyon nila Hyun-Sik at Seung-Ho at sya ay na gulat sa na kita nya."
Misis Lee: Ahhh?! Hala!? Nako! May surpesa pala kayo sa akin!
*Masayang pagkakasabi nito*
"Nag salita at bumati ng sabay sabay sila Hyun-Sik, Seung-Ho, Madam Go at Mister Park, at kanila itong kinantahan."
HAPPY BIRTHDAY!!!
HAPPY BIRTHDAY TOO YOU!
HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY TOO YOU!
Hyun-Sik: Ma! Wish muna bago hipan ang mga kandila!
"Nagisip saglit si Misis Lee at nagsalita na ito kung ano ang wish nya"
Misis Lee: Ang wish ko ay makapagtapos kayo ng pagaaral, lalong lalo kana Hyun-Sik, at magkaroon tayo lagi ng magandang kalusugan at more blessings sa ating lahat, tsaka wala na akong mahihiling pa dahil masaya ako na nandito kayong lahat para sa birthday ko, kahit nakalimutan ko na birthday ko pala ngayon.
Madam Go: Blow the candles Misis Lee!
"Pagkahipan ng kandila sa cake, ay nagpalakpakan silang lahat, at na puno ng kasiyahan sa loob ng dinning hall."
------
"Makalipas ang isang oras"
"Sila Seung-Ho at Hyun-Sik ay nagprisintang sila na ang maglinis at magligpit ng mga pinagkainan."
Seung-Ho: Misis Lee, kami na po dito hehe.
Hyun-Sik: Ma! Magpahina kana sa Apartment natin, hindi pwede magpagod ang may birthday! Hehe
Misis Lee: Maraming salamat sa inyong dalawa hah? Ito na siguro ang pinaka masayang birthday na naranasan ko sa buong buhay ko.
Seung-Ho: Aw!!!!!! Si Misis Lee talaga oh! Nakaka overwhelmed naman po ng sinabi nyo.
Hyun-Sik: Oh bago ka bumalik sa Apartment Ma, Group Hug!!!!!
Seung-Ho: Group Hug!!!!!!!
"Niyakap ng dalawa na si Seung-Ho at si Hyun-Sik si Misis Lee."
Hyun-Sik: Sige Ma, pahinga kana.
Seung-Ho: Goodnight po Misis Lee!
Misis Lee: Sige salamat ulit, at mauuna ako. *Nakangiting pagsabi nito*
------
"Habang parehas na naghuhugas ng mga pinagkainan sila Seung-Ho at Hyun-Sik ay nagkahawak kamay silang dalawa."
Hyun-Sik: Lambot ng kamay mo ah, halatang hindi sanay sa gawaing bahay kamay mo haha.
Seung-Ho: Haha parang sinabi mo naman tamad ako? Haha
"Biglang tinalsikan ng bula si Hyun-Sik ni Seung-Ho"
Hyun-Sik: Aish!! Hahaha! Wag mo nga ako talsikan ng bula!
Seung-Ho: Haha dapat lang sayo yan! Haha.
"Ginantihan ni Hyun-Sik si Seung-Ho at tinalsikan din nya ito ng bula sa mukha."
"Parang mga batang naglalaro ng mga bula ang dalawa, nagharutan, at masaya nilang binibiro ang isat isa."
"Gumuhit ng hugis puso si Seung-Ho gamit ang bula sa mukha ni Hyun-Sik."
Seung-Ho: Oh! Ayan! Hahaha may puso kana sa pisngi!
Hyun-Sik: Haha wait ako din gawan kita ng ganyan sa mukha mo.
"Gumuhit din si Hyun-Sik ng hugis puso sa pisngi ni Seung-Ho."
Seung-Ho: Wait, picture tayo! Haha para remembrance!
Hyun-Sik: Sige sige haha.
Seung-Ho: Oh ito na ah! Three! Two! One! Say I love you!!
Hyun-Sik: I love you!!!
"Bago magcapture ang Camera ay biglang hinalikan ni Seung-Ho sa pisngi si Hyun-Sik."
Seung-Ho: Nice! Meron na akong picture na hinalikan kita sa pisngi! Haha
Hyun-Sik: Hahaha! Papasa nyan sa phone ko!
Seung-Ho: Haha sige maya!
"Makalipas ng ilang minuto ay na linis na nila ang dinning hall at naligpit na ang mga plato."
Seung-Ho: Maligo kana at ako maliligo na din.
Hyun-Sik: Sige, dungis na natin eh haha.
Seung-Ho: Bilisan mo maligo ah?! May late night date tayo ngayon! Haha.
Hyun-Sik: Oo bibilisan ko! Hehe
"Bago bumalik si Hyun-Sik sa kanilang Apartment ay nag Finger Heart ito kay Seung-Ho na may kasamang pagkindat, at ganun din ang ginawa ni Seung-Ho kay Hyun-Sik, at tuluyan na silang nagkahiwalay na."
------
"Makalipas ng Isang oras ay na tapos na ang dalawa na maligo at magayos ng kanilang mga sarili.
Ginamit ni Seung-Ho ang kanyang kotse at sya ang nagmaneho nito.
Pumunta sila sa isang Park Plaza na hindi ganoong kalayuan sa Mansion."
Sila ay naglalakad paakyat sa Park Plaza, at biglang tumakbo si Seung-Ho at sumampa sa malapad na pader.
Tumakbo din si Seung-Ho at sinundan nya si Seung-Ho.
At nakarating na si Hyun-Sik kung na saan si Seung-Ho."
Seung-Ho: Ang saya ng gabi natin noh?
Hyun-Sik: Oo nga eh, sana hindi matapos ito, sana laging ganito.
Seung-Ho: Sana talaga hehe!
"Biglang umupo si Seung-Ho at inabot nya ang kanang kamay nya kay Hyun-Sik at inaya nya itong hawakan ang kamay nya at para tulungan si Hyun-Sik na makasampa din sa malapad na pader."
Seung-Ho: Abutin mo kamay ko, hehe! Tulungan na kita makasampa dito.
Hyun-Sik: No need! Haha tsaka kaya ko naman! Haha tsaka mas di hamak mas matanda ako sayo ng isang taon haha kaya ko na!
"Nakasampa na si Hyun-Sik sa malapad na pader.
Parehas silang nakaupo habang pinagmamasdan nila ang mga bituin sa kalangitan."
Seung-Ho: Alam mo ba, kasing dami ng mga bituin na yan sa langit ang pagmamahal ko sayo?
Hyun-Sik: Huh? Bakit naman?
Seung-Ho: Dahil hindi mabibilang nino man na kung gaano kita kamahal Hyun-Sik.
"Nagkatitigan ang dalawa at parehas silang ngumiti sa isat isa."
"Biglang tumayo si Seung-Ho sa kanyang kinauupuan habang nasa malapad na pader sila ni Hyun-Sik."
Hyun-Sik: Huy! Ano ginagawa mo?! Haha baka may manita sa atin, at baka mahulog ka pa.
"Biglang isinigaw ni Seung-Ho sa mga bituin ang kanyang nararamdaman."
Seung-Ho: KAYONG MGA BUTIIN SA KALANGITAN ANG SAKSI NA KUNG GAANO KO KAMAHAL SI HYUN-SIK!
MAHAL NA MAHAL KITA HYUN-SIK!!
IPAGSISIGAWAN KO ANG PANGALAN MO SA LAHAT NA MAHAL NA MAHAL KITA!
"Biglang namula at kinilig si Hyun-Sik sa ginawa ni Seung-Ho.
Tumayo din si Hyun-Sik sa kanyang kinauupuan at ginawa din nya ang ginawa ni Seung-Ho."
Hyun-Sik: SAKSI KAYONG MGA BITUIN SA PAGMAMAHAL KO KAY SEUNG-HO!
IPINAPANGAKO KO SA MGA BITUIN NA HINDING HINDI KO SASAKTAN AT PAPAIYAKIN ITONG LALAKE NA KATABI KO NGAYON!
ISINUSUMPA KO! MAMAHALIN KO NG HABANG BUHAY SI SEUNG-HO!
MAMAHALIN KO SYA HANGGAT AKO AY HUMIHINGA!
POPROTEKTAHAN KO SYA!
PAPALIGAYAHIN SA HIRAP O GINHAWA!
"Kinuha ni Hyun-Sik ang mga kamay ni Seung-Ho at itinaas ito na para bang inaabot nila ang mga bituin sa langit.
Pinagcross finger nila ang kanilang hinliliit na daliri, as a promise sa mga bituin."
"Hindi nila inaasahan na nag meteor shower sa gabing iyon.
Naghawak kamay silang dalawa habang pinapanood ang meteor shower sa kalangitan."
To Be continued...
"NANUMPA ANG DALAWANG NAGIIBIGAN SA ILALIM NG NGA BITUIN NA NAGNININGNIG.
ANG GABING ITO AY NAGING SPECIAL SA KANILANG DALAWA.
HANDA NA SI SEUNG-HO NA MAHALIN NG BUONG BUO SI HYUN-SIK, AT HINDI NA SYA NAG-AALINLANGAN PA."
Ikaw lang ang mamahalin ko, habang buhay, pangako yan.
-Seung-Ho
End of Episode 11