"Seung-Ho POV"
Seung-Ho: Isang oras nalang pala at uuwi na si Hyun-Sik, makapag handa na nga para sunduin.
"Nagtext si Seung-Ho kay Hyun-Sik."
"To Hyun-Sik: After 30 minutes nandyan na ako okay? Wag kana magbus pauwi. Ingat ka lagi dyan love you!"
"Habang busy sa pagtetext si Seung-Ho ay may kumakatok sa pintuan ng kwarto nya."
Misis Lee: Seung-Ho!? Nandyan ka ba?! *Nagaalalang pagsabi*
Seung-Ho: Nandito po ako, wait lang po.
"Naglakad si Seung-Ho papunta sa pintuan at pinagbuksan nya si Misis Lee.
Pagkabukas nya ay bumungad si Misis Lee na nag aalala, at maiyak iyak."
Seung-Ho: Oh? Misis Lee ano pong meron? Bakit ganyan po reaction nyo po?
Misis Lee: Basta, maya ko nalang sabihin, buksan mo yung tv mo sa kwarto mo at ilipat mo sa news!
Seung-Ho: Sige po, buksan ko na po.
"Binuksan ni Seung-Ho ang kanyang TV sa kwarto nya at nilipat sa News."
"TV: Live News update!
Kasalukuyang tinutupok ng apoy ang isang Barbecue House sa Jung-Gu, at hindi parin ito na aapula, at halos tumagal ang sunog ng 20 minutes na ngayon.
Na hihirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil sa gawa sa kahoy ang Barbecue House na ito.
At kasalukuyan parin sinasagip ang na trap sa loob nito.
Isang binatang lalakeng nag ngangalang Lee Hyun-Sik ang empleyado nito ang sinasabing na trap sa loob dahil iniligtas nya ang mga katrabaho nito."
Misis Lee: Samahan mo ako sa pinagtatrabahuhan ni Hyun-Sik!
Seung-Ho: Halika na po, alis na po tayo!
"Natarantang reaksyon nila at umalis na agad sa Mansion.
Tinawag nya ang Driver at umalis na papunta ng Barbecue House."
-----
"Hyun-Sik POV"
"20 Minutes before the Fire incident in Barbecue House."
Manager: Hyun-Sik, paserve naman ng uling sa table 4, salamat.
Hyun-Sik: Ahh... Sige po Sir, on the way na po.
"Biglang may sumigaw na isang babaeng empleyado mula sa stock room ng Barbecue House."
Girl: AHHHHH!!!!! tulong!!!!! Nagliliyab ang stock room!
Manager: Ano!?
"Na pansin ng mga costumers ang malaking sunog na nanggagaling sa stock room, at lumabas mula dito ang napaka kapal na usok."
Manager: Hyun-Sik: Lumabas na kayo dito, at pakialalayan nyo na din mga costumer na makaalis dito, bilis!!!
Hyun-Sik: Opo sir!!!!
Manager: Ikaw! Kunin mo yung fire extinguisher!
Boy: Sige po Sir!!
"Halos nakalabas na ang mga costumers sa Barbecue House. At may hindi inaasahan pang nangyari."
Boy: Sir! Yung mga tanke ng gas! Nagliliyab na! Baka sumabog! Umalis na tayo dito Sir!!!!
Manager: Hah!!?? Umalis na tayo dito!!
"Biglang sumabog ang dalawang tanke ng gas sa loob ng stock room.
At nagpalala pa lalo ng sunog, at kumalat lalo ang apoy.
Inalalayan ni Hyun-Sik ang iba pa nyang katrabaho na lumabas.
Pero na kita nyang na bagsakan ng haligi ang Manager nila."
Hyun-Sik: Sir!!!!!!
Manager: Ugh!!! Hyun-Sik tulungan mo ako!! *Nanghihinang pagsabi*
Hyun-Sik: Ito na sir! Ahhh!!! Ang bigat ng haligi!
"Pinilit buhatin ni Hyun-Sik ang haligi na nakadagan sa Manager nya.
At dahil sa lakas nya ay na buhat nya ang haligi at inialis nya ito sa pagkakapatong sa kanyang Manager."
Manager: Halika na Hyun-Sik! Labas na tayo! Baka mabagsakan pa tayo.
Hyun-Sik: Sige po! Ito na!
"At sa hindi inaasahan, na kita ni Hyun-Sik ang isang pabagsak na isa pang haligi na nag aapoy.
At itinulak nya ang Manager sa entrance ng Barbecue House.
At tuluyan ng bumagsak sa harapan nya ang haliging nag aapoy."
Manager: Hyun-Sik!!!! Halika na dito sa labas!!!
Hyun-Sik: Hindi po ako makadaan Sir! Puro apoy na po!
Manager: Tulungan nyo si Hyun-Sik!!! TULONG!!!!!
"Inalalayan ng iba pang empleyado ang Manager nila na lumabas at tuluyan ng bumagsak ang iba pang bahagi sa loob ng Barbecue House at nagliliyab ng apoy.
Dahil hindi makahinga si Hyun-Sik at hindi nya makita ang pwede nyang daanan dahil unti unti na syang nanghihina dahil sa init at usok ng apoy."
Hyun-Sik: Ahhhh!! Pano na ito?! Kunin ko yung gamit ko sa locker ko, may panyo ako para basain ng tubig para hindi ako ma suffocate.
"Dali daling pumunta si Hyun-Sik sa Locker room nila, at kinuha ang gamit nya,pumunta din agad sya sa lababo at kunuha ang planggana na nasa lababo at nilagyan ng tubig at ibinuhos nya ito sa sarili nya, at binanlawan nya sa tubig ang panyo nya ay pinangtakip nya sa ilong nya."
"Ng makakita na si Hyun-Sik ng kanyang lalabasan ay hindi nya inaasahan na bumagsak ang kabinet na nakasabit sa kisame at na tamaan ang likurang bahagi ng ulo nya at naging dahilan kaya nawalan sya ng malay."
-----
"Present Time"
"Seung-Ho POV"
"Dumating na sila at nasa labas na sila ng Barbecue House.
Halos manlambot ang tuhod ni Misis Lee sa na kikita nya at umiiyak.
Si Seung-Ho naman ay tinanong ang mga Pulis."
Misis Lee: Huhuhuh!!!! Nandyan pa ang anak ko!!!! Ano bang ginagawa nyo!!!! Sagipin nyo anak ko!!!! *Heavy Crying*
Police: Ginagawa po ng ating mga bumbero ang kanilang makakaya para masagip yung binatang empleyado sa loob.
Seung-Ho: Sir! Kailangan masagip agad si Hyun-Sik! Mas lumalala pa ang apoy!!!
"Patingin tingin si Seung-Ho at nakakita sya ng pwede nyang lusutan papasok sa loob."
Seung-Ho: Manong Driver, kaw muna bahala kay Misis Lee.
Driver: Huh?! Bakit Master Go?! Ano gagawin nyo?!
Seung-Ho: Kailangan kong iligtas si Hyun-Sik!
"At umalis si Seung-Ho at dali daling pumunta sa na susunog na Barbecue House."
Driver: MASTER GO!!!!!!!!!
Misis Lee: NAKO SEUNG-HO!!! BUMALIK KA DITO!!!!
"Pumunta agad sya at humanap ng daanan papasok sa loob."
Seung-Ho: Ahhhh!!! Ang init!! San ba pwedeng dumaan! Hindi ko makita san ako dadaan!
"Nakakita sya ng daanan at tumakbo ito ng mabilis. At palingon lingon sya at hinahanap nya si Hyun-Sik, at meron syang na rinig na boses na humihingi ng tulong."
Hyun-Sik: Tulungan nyo ako!! *Nanghihinang tono ng boses*
Seung-Ho: HYUN-SIK?!! IKAW BA YAN?!
"Nakita nya si Hyun-Sik na nanghihina at may nakadagan sa kanyang kabinet.
Tumingin sa kanya si Hyun-Sik at bigla itong lumuha nung na kita nya si Seung-Ho."
Hyun-Sik: Tulungan mo ako Seung-Ho.... *Mangiyak iyak sa saya nung na kita nya si Seung-Ho.*
Seung-Ho: Halika na, ilalabas na kita dito..
"Binuhat at inalis ni Seung-Ho ang nakadagang cabinet kay Hyun-Sik at dahil hindi makalakad si Hyun-Sik dahil na bagsakan ng kabinet din ang kanang binti.
Inalalayan ni Seung-Ho si Hyun-Sik na sumakay sa kanyang likuran."
Seung-Ho: Ahhh!! Halika na Hyun-Sik, sumakay ka sa likod ko!!
Hyun-Sik: Argghh!! Ito na, ahh shit ang sakit ng kanang binti ko!!
"Nakasakay na si Hyun-Sik sa likod ni Seung-Ho at naglakad na para hanapin ang labasan.
Nakalabas na sila ni Seung-Ho at Hyun-Sik, may dumating na stretcher at mga rescuers at inihiga na si Hyun-Sik dito."
"Tumakbo si Misis Lee pinuntahan si Hyun-Sik sa stretcher at hinawakan nya ang mga kamay ng anak nito at umiiyak sa pagaalala."
Misis Lee: Hyun-Sik!!! Huhuhuh!! Alalang alala ako sayo!! *Nagalalang umiiyak*
Hyun-Sik: Ma?! Ugh! Bakit nandito kayo?
Misis Lee: Sumugod kami ni Seung-Ho dito dahil nasa TV yung balita na susunog pinagtatrabahuhan mo.
Hyun-Sik: Ma, wag na kayo magalala.
"At lumapit sa kanila ang iba pang rescuers at binigyan ng paunang lunas si Hyun-Sik at oxygen."
Rescuers: Sir, Ma'am sino po sa inyo pwedeng sumama sa amin na guardian nya? Kasi dadalhin na po namin sya sa malapit na hospital.
Misis Lee: Ako! Ako ang samama, ako Mama nya.
Misis Lee: Seung-Ho, sumunod nalang kayo ni Manong.
Seung-Ho: Sige po Misis Lee.
"Sumakay at sumama na sa loob ng ambulance si Misis Lee para samahan si Hyun-Sik.
Sumakay na sa kotse sila Seung-Ho at ang Driver at sinundan nila ang ambulance."
-----
"Makalipas ng isang oras ay naka admit na si Hyun-Sik sa isang private room, at sya ay kasalukuyang walang malay dahil sa pagkahilo sa usok."
Doctor: Ma'am at Sir wag na po kayong masyadong magalala, nasa stable condition na po sya, at mamaya o bukas ay magigising na din po sya.
Misis Lee: Maraming salamat po Doc.
Seung-Ho: Salamat po Doc.
Doctor: Sige, at maiwan ko na kayo.
"Umalis na ang doctor at lumabas na ng kwarto."
Misis Lee: Maraming salamat Seung-Ho sa pagliligtas mo kay Hyun-Sik.
"Yumakap si Misis Lee kay Seung-Ho"
Seung-Ho: Walang anuman po, tsaka wag na po kayo magalala, ligtas na naman din po si Hyun-Sik ngayon.
Misis Lee: Pano ka ngayon Seung-Ho? Ang dungis mo na.
Seung-Ho: Ayus lang po ako, wag nyo na po ako alalahanin, kayo po ang dapat alalahanin ko po kasi hindi po kayo okay ngayon dahil sa pagiiyak nyo po kanina.
Misis Lee: Sabagay... Pero kaw muna bahala kay Hyun-Sik ah? Magpapadala nalang ako ng damit na pamalit mo.
Seung-Ho: Sige po salamat, ah! Manong pakihatid na si Misis Lee, para makapagpahinga na din sya.
Driver: Masusunod po Master Go.
"Umalis na si Misis Lee at ang Driver, at na iwan ang dalawa sa private room."
"Umupo si Seung-Ho sa tabi ni Hyun-Sik at hinawakan nya ang mga kamay nito."
Seung-Ho: Nagalala ako ng husto sayo, akala ko mawawala kana sa akin, ayokong mawala ka sa akin Hyun-Sik.
*Malungkot na pagkasabi*
"Tumulo ang mga luha ni Seung-Ho habang nakatitig sya sa natutulog na si Hyun-Sik."
Seung-Ho: Haist! Puro sugat kamay mo... Sana magising kana...
"Makalipas ng isang oras, may kumatok sa pintuan ng kwarto."
Driver: Master Go?
Seung-Ho: Pasok ka manong.
Driver: Master Go, ito na po yung bag, nandyan na din po pamalit nyo, tsaka iba pa nyong kailangan.
Seung-Ho: Salamat Manong , ay sya nga pala si Misis Lee kamusta?
Driver: Ayun po, mabuti naman po at nagpapahinga na po. Ay tsaka pa po pala, magdadala daw po sya ng makakain nyo bukas dito.
Seung-Ho: Ok sige, ikaw Manong umuwi kana din sa Mansion, magpahinga kana din.
Driver: Sige po salamat po Master Go, balik nalang po ako dito bukas.
"Umalis na ang Driver sa kwarto."
"Kinuha ni Seung-Ho ang kanyang bag at kinuha ang pamalit na damit nya at pumunta na sa banyo para magayos ng sarili nya.
Makalipas ng 30 minutes ay na tapos na si Seung-Ho at bumalik sa upuan na malapit kay Hyun-Sik."
"Na pansin nyang may luha sa mga mata ni Hyun-Sik."
Seung-Ho: Hmmm? Hyun-Sik? Bakit may luha sa mata mo?
"Dahil tulog parin si Hyun-Sik ay pinunasan nalang ni Seung-Ho ang mga luha nito."
"Nakadama na ng antok si Seung-Ho dahil sa pagod nya dahil sa pagbuhat nya kay Hyun-Sik sa likod nya."
Seung-Ho: Ahhhh!!! *Stretching*
Inaantok na ako! Ughhmm! Goodnight my Love Hyun-Sik, dito lang ako sa tabi mo, babantayan kita.
"Hinalikan ni Seung-Ho si Hyun-Sik sa noo, at na tulog sya sa tabi ni Hyun-Sik habang ito ay nakatungo sa kaliwang bahagi ng kama."
-------
"Nanaginip si Seung-Ho"
"Childhood days"
"Masayang naglalaro at naghahabulan si Seung-Ho at Hyun-Sik sa playground."
Seung-Ho: Ang daya mo! Haha bakit ang bilis mo tumakbo!
Hyun-Sik: Mabagal ka lang talaga tumakbo haha, habulin mo ako! Haha
Seung-Ho: Ayaw ko na! Pagod na ako! Hmmp!
"May dumating na tatlo pang batang lalake."
Boy1: Anong ginagawa nyo dito sa playground namin!? *Galit na pagsabi*
Seung-Ho: Naglalaro lang kami, bakit?
Boy1: Bawal kayo dito! Lalo na ikaw! Bawal lampa dito!
"Biglang tinulak ng dalawang batang lalake si Seung-Ho at na tumba ito.
Dahil sa pagkatumba ay na itungkod nya ang kanyang kamay kaya nasugatan ang kamay nito."
Hyun-Sik: Bakit nyo tinulak kaibigan ko hah!? *Galit na pagsabi*
"Biglang umiyak si Seung-Ho dahil naramdaman na nya ang sakit ng sugat nya sa kamay."
Seung-Ho: Wahhh!!! Huhuhu! Ang sakit ng sugat ko! *Crying*
Boy2: Buti nga sayo! Lampa ka kasi!
Boy1: Bawal tulad nyo dito kaya ko sya tinulak!
Boy3: Halika alis na nga tayo dito, dun nalang tayo sa slides.
Boy1: Sige.
"Tumakbo palayo sa kanila ang mga batang lalake.
At nilapitan ni Hyun-Sik si Seung-Ho."
Hyun-Sik: Hala ang laki ng sugat mo, kaya mo bang maglakad pauwi?
Seung-Ho: Kaya ko naman maglakad, uwi na tayo baka hinahanap na tayo.
"Makalipas ng ilang minuto ay nakauwi na sila sa Mansion.
Nagpatulong si Hyun-Sik kay Misis Lee na gamutin ang sugat sa kamay ni Seung-Ho."
Misis Lee: Ano ba nangyari sa inyo? Ang dudungis nyo na oh.
Hyun-Sik: Inaway kami ng ibang bata Mama sa playground, tapos tinulak nila si Seung-Ho kaya pinagtanggol ko po.
Misis Lee: Ang tapang naman ng anak ko! Hehe oh sige hah? Dyan muna kayo sa kwarto mo, balik na ako sa trabaho ko.
"Bumalik na sa trabaho si Misis Lee at na iwan ang dalawa sa kwarto."
Seung-Ho: Masakit parin sugat ko.
Hyun-Sik: Akin na kamay mo, hipan ko sugat mo.
"Inabot ni Seung-Ho ang kanyang kamay at hinipan ang sugat nito ni Hyun-Sik."
Hyun-Sik: Masakit pa ba?
Seung-Ho: Hindi na, hehe salamat!
Hyun-Sik: Sa susunod wala ng mang-aapi sayo, ako na super hero mo!
Seung-Ho: Talaga?! Wow! Salamat ah? Wag mo ako iiwan ah?
Hyun-Sik: Oo naman! Hehe hhmm? Ano? Best friends forever?
Seung-Ho: Oo naman! Best friends forever!
"Inabot nila ang kamay ng isat isa at nag cross pinky finger sila."
-----
"Nagjump ang kanyang panaginip sa isa na namang dating pangyayari noong bata pa sila."
"Nagpapakalasing si Madam Go, at nilapitan siya ni Seung-Ho."
Seung-Ho: Mommy! Tigilan mo na pagiinom mo.... *Worried*
Madam Go: Layuan mo ako!!!! *Sumigaw*
"Tinabig ni Madam Go ang kamay ni Seung-Ho.
Nilagyan ulit ni Madam Go ang baso ng alak at uminom ulit ito.
May kinuha si Madam Go na isang boteng maliit na may nakasulat na Poison, at nilagay nya itong lahat sa iniinom nyang alak."
Seung-Ho: Mommy! Please stop it na po.... Baka po magalit si Daddy sa inyo.
Madam Go: Huh?! Magagalit Daddy mo?! Hahaha alam mo Seung-Ho! Sana! Sana hindi nalang kita pinanganak! Dahil sayo! Nagkanda letche letche ang buhay ko!!
Seung-Ho: Mommy! Ano po bang sinasabi nyo? *Worried*
Madam Go: Sana! Nung una palang, inilaglag na kita sa sinapupunan ko! Sana hindi nalang kita binuhay! Dahil dyan sa Daddy mo! Na pilitan akong magpakasal dahil ginahasa nya ako at wala kaming laban dahil mahirap lang kami!! At ngayon pinagsisisihan ko na ang lahat!!!
"Ibinigay ni Madam Go ang alak na may kasamang Lason kay Seung-Ho."
Madam Go: Gusto mo tumigil ako sa pagiinom at gusto mo sumaya ako? Ayan!! Inumin mo!!!
"At biglang tumayo sa kanyang kinauupuan si Madam Go at umalis na ng tuluyan at papunta na sa taas ng kwarto nya."
"Dahil umiiyak na si Seung-Ho dahil sa sinabi ni Madam Go sa kanya, ay iinumin na nya sana yung alak na may lason at......."
Hyun-Sik: Wag mo inumin yan!
Seung-Ho: Huh? Bakit?
"Kinuha ni Hyun-Sik ang Basong may alak at nilapag sa lamesa."
Hyun-Sik: Hindi pwedeng uminom ng alak, bata pa tayo!
Seung-Ho: Sabi kasi ni Mommy inumin ko eh..
Hyun-Sik: Hindi mo ba ito na kikita?
"Kinuha ni Hyun-Sik ang maliit na bote na naiwan ni Madam Go."
Seung-Ho: Ano ba yan?
Hyun-Sik: Mapapahamak ka na naman eh! Bakit mo iinumin eh Lason yung nilagay dyan.
Seung-Ho: Lason? Ano yun?
Hyun-Sik: Basta, wag mo na inumin yan. Dun nalang tayo sa kwarto ko maglaro.
*End of Dreaming of Seung-Ho*
-----
"Morning 6:00am"
"Nagising na si Hyun-Sik at ginigising nya si Seung-Ho."
Hyun-Sik: Uhm? Seung-Ho.. Gumising kana.
"Na gising na si Seung-Ho dahil kay Hyun-Sik."
Seung-Ho: Oh! Gising kana pala Hyun-Sik, kamusta pakiramdam mo?
Hyun-Sik: Ayun ayus naman, kaso masakit katawan ko eh tsaka yung binti ko.
Seung-Ho: Grabe nangyari sayo kagabi, pinag alala mo kami.
Hyun-Sik: Sorry.... Pero maraming salamat sa pagliligtas mo sa akin.
Seung-Ho: It's time naman para ako ang bumawi sayo, kasi ikaw lagi ang nagliligtas sa akin noong mga bata pa tayo.
Hyun-Sik: Salamat talaga, pero hindi ka ba papasok ng school ngayon?
Seung-Ho: Hindi na muna siguro, gusto kong bantayan ka dito.
Hyun-Sik: Ok? Basta salamat parin sa lahat, kung hindi dahil sayo eh patay na ako.
Seung-Ho: Wag mo na banggitin yan, ang mahalaga ligtas kana at buhay ka.
Hyun-Sik: Kaso wala na akong trabaho... Haist, nasa kalahati palang ako ng ipon ko pang tuition ko sa College.
Seung-Ho: Edi hanap ka nalang ng iba, pero for now eh magpagaling ka ok?
Hyun-Sik: Yes Master Seung-Ho! Hehe
Seung-Ho: Hehe! Gutom ka na ba?
Hyun-Sik: Oo gutom na.
Seung-Ho: Sige dyan ka lang muna ah, bili lang ako sa labas.
"Lumabas na ng kwarto si Seung-Ho para bumili ng almusal nila."
-----
"Nakasalubong ni Seung-Ho si Mr. Shin na manager ng pinagtatrabahuhan ni Hyun-Sik."
Mr. Shin: Oh! Seung-Ho nandito ka pala?
Seung-Ho: Opo kagabi pa po ako dito, ako nagbantay kay Hyun-Sik.
Mr. Shin: Ah ganun ba, dadalawin ko lang sana sya.
Seung-Ho: Ayan lang po yung kwarto nya.
"Tinuro ni Seung-Ho ang kwarto."
Mr. Shin: Sige salamat.
Seung-Ho: Mauna na po ako.
"Umalis na ng tuluyan si Seung-Ho at pumasok na ng privare room kung saan nandun si Hyun-Sik."
Hyun-Sik: Sir! Napadalaw po kayo?
Mr. Shin: Kinakamusta kasi kita, eh kamusta na ba lagay mo?
Hyun-Sik: Maayos na din naman po, pahinga nalang din po.
Mr. Shin: Salamat pala sa pagliligtas mo sa akin kagabi.
Hyun-Sik: Walang anuman po, tsaka kahit sino naman po gagawin yun.
"Napansin ni Mr. Shin ang kanang binti na nakabenda."
Mr. Shin: Anong nangyari sa kanang binti mo?
Hyun-Sik: Na bagsakan po ng kabinet nung papalabas na po sana ako nung na susunog ang Barbecue House.
Mr. Shin: Sorry talaga Hyun-Sik sa nangyari sayo, sya nga pala... Ito para sayo...
"Inabot ni Mr. Shin ang isang sobre kay Hyun-Sik, at binuksan ito ni Hyun-Sik para tignan ang loob nito."
Hyun-Sik: Huh?! 3 Million Won? Ah... Nako Mr. Shin! Hindi ko po matatanggap yan...
Mr. Shin: Kunin mo na, yan yung insurance money ng bawat empleyado ko.
Hyun-Sik: Ehh.. Paano po kayo? Tsaka masyado po atang malaki ito bilang maging insurance ko po sa pagtatrabaho ko sa inyo?
Mr. Shin: Wag mo na ako alalahanin, makakabangon naman ulit yung nawalang negosyo ko eh, ang importante lahat ng empleyado ko ay safe.
Hyun-Sik: Maraming salamat po Mr. Shin, tamang tama po ito sa iniipon ko pang tuition ko sa College.
Mr. Shin: Sige, ako ay aalis na. Salamat din sayo kasi napakasipag mong empleyado sa akin.
Hyun-Sik: Salamat din po.
"Umalis na si Mr. Shin at na iwan ng magisa si Hyun-Sik sa kwarto."
-----
"Dong-Hyun POV"
"School Department"
Teacher: Ano?! Dong-Hyun?! Nasa hospital si Hyun-Sik?!
Dong-Hyun: Opo, tsaka sya po yung last na rescue dun po kagabi sa na susunog na Barbecue House, kaya pinapasabi po nya na hindi daw po muna sya makakapasok.
Teacher: Sige sige, salamat sa information.
Dong-Hyun: Sige po, mauna na po ako.
"Lumabas na si Dong-Hyun sa School Department."
"May nagtext sa kanyang phone at sinilip nya ito."
Dong-Hyun: Si Hyun-Sik....
"From Hyun-Sik: Na sabi mo na ba? Salamat ah! Sensya na sa abala hehe
Reply to Hyun-Sik: Hehe! Wala yun! Pagaling ka ok?"
Dong-Hyun: Hmm mamaya nga madalaw sya sa hospital... Nako 7:30am na, baka mahuli na ako sa klase.
"Habang naglalakad si Dong-Hyun sa hallway, biglang may humila sa kanya at nagtakip ng bibig nya."
Dong-Hyun: Hmmmmmpppff!!!
Boy 1: Nagkita tayo ulit! Nerd boy! Hehe!!
Boy 2: Na saan na yung bago mong kaibigan na nagtanggol sayo?! May utang pa kaming sisingilin sa kanya!
Dong-Hyun: Ahh!! Bitawan nyo ng ako! Tsaka anong sisingilin nyo sa kanya?! Wala naman syang ginagawa sa inyo!
Boy 3: Meron! Haha gusto namin sya bawian dahil na tapakan pride namin dahil kinatakutan sya ng isa naming kasama.
Dong-Hyun: Tigilan nyo kaibigan ko!
Boy 1: Manahimik ka nga!!!
"Sinuntok ni Boy 1 sa sikmura si Dong-Hyun."
Dong-Hyun: Arrhhhhh!!! *In pain*
"At itunulak nila si Dong-Hyun at umalis na."
Dong-Hyun: Arrghh!! Ang sakit! Shit!
"Nakita sya ni Ara habang nakasandal at nakaupo sa sahig ng Hallway si Dong-Hyun."
Ara: Ok ka lang ba?
Dong-Hyun: Medyo, argh! Masakit lang sikmura ko.
Ara: Halika samahan na kita sa sa clinic.
"Nagpunta sila sa Clinic."
"Clinic"
Nurse: Anong nangyari sa kanya?
Ara: Masakit po daw sikmura nya.
Nurse: Ahh ganun ba, sige umupo ka dito.
"Matapos ang first aid kay Dong-Hyun ay umalis muna ang Nurse."
Dong-Hyun: Salamat pala.... Hmmm?? Ano name mo?
Ara: Pangalan ko ay Ara, from Class 1 B1.
Dong-Hyun: Ahh classmates kayo ni Mi-Young?
Ara: Oo bakit? Tsaka bakit mo sya kilala?
Dong-Hyun: Ahh wala hehe na tanong ko lang hehe, sige una na ako sayo hehe *Natatanta*
"Dali daling umalis si Dong-Hyun sa Clinic.
At sa hindi inaasahan ay may na iwan syang isang calling card, at kinuha ito ni Ara."
Ara: Hmmm? Siguro sa kanya ito... Calling card? Black Rose?! Wait?! Siya ba yung suitor ni Mi-Young?!!
"Tumingin si Ara sa pintuan ng Clinic at lumabas, pero hindi na nya na abutan si Dong-Hyun."
Ara: Sayang.. Hindi ko na tanong pangalan nya....
To be continued...
End of Episode 15