"June 8, 2018"
"Friday"
"Isang Linggo ang Makalipas"
-----
"Hyun-Sik POV"
"Nakita ni Hyun-Sik si Dong-Hyun sa School Yard."
Hyun-Sik: Huy Dong-Hyun! Kamusta!
Dong-Hyun: Ito medyo kinakabahan hehe...
Hyun-Sik: Bakit ka kinakabahan?
Dong-Hyun: Ngayong araw kasi ko gagawin yung pagpapakita ko kay Mi-Young.
Hyun-Sik: Ngayon ba yun? Hmmm?
Dong-Hyun: Hindi mo na ba maalala? Haha kakasabi ko lang sayo nung dumalaw ako last week sayo sa hospital.
*Flashback*
"Hospital"
Dong-Hyun: Hyun-Sik! Diba malapit na Jeju School trip natin?
Hyun-Sik: Oo? Malapit na, third week ng June na daw yun bakit?
Dong-Hyun: Magpapakilala na ako kay Mi-Young.
Hyun-Sik: So? Wala ng Black Rose?
Dong-Hyun: Oo... Tsaka aayain ko na din sya maging Prom Date ko.
Hyun-Sik: Ayus na ayus yan! Hehe kailangan mo ba ng tulong?
Dong-Hyun: Oo sana eh... Pwede ba?
Hyun-Sik: Yes! Count me in!
Dong-Hyun: Salamat, salamat!
*End Of Flashback*
Dong-Hyun: Ano? Na aalala mo na?
Hyun-Sik: Oo na aalala ko na haha sensya kung nakalimot.
Dong-Hyun: Halika na! Samahan mo na ako dun sa school parking area, nandun yung driver ko at nasa loob ng kotse yung gagamitin.
Hyun-Sik: Sige sige.
"Pumunta na sila sa Parking Area at kinuha na ang lahat ng kailangan nila.
Makalipad ng ilang minuto ay nakaset up na ang lahat sa School Yard, may mga nakadisplay na ng maliit na proposal boot, balloons at mga bulaklak.
Nagbihis muna ang dalawa at nag ayos ng kanilang mga sarili sa wash room.
Pagkatapos na mag ayos ni Hyun-Sik ay lumabas muna sya saglit sa Wash Room, at tinitignan ang labas at mga nakaset up sa school yard."
Hyun-Sik: Ang daming tao, hala sya.
"Nakita sya ni Seung-Ho na nakadungaw sa bintana at inakbayan nya si Hyun-Sik."
Seung-Ho: Hoy! Haha bakit ganyan suot mo? Meron ka bang pupuntahan? Kadate na iba?
Hyun-Sik: Ah? Wala! Ano kasi, tutulungan ko si Dong-Hyun para sa pagpapakita nya para kay Mi-Young.
Seung-Ho: Ahh ganun ba, nako ang daming students sa school yard ah.
Hyun-Sik: Oo nga eh, wait itext ko si Ara.
Seung-Ho: Eh? Bakit?
Hyun-Sik: Pinsan nya kasi si Mi-Young remember?
Seung-Ho: Ok sabi mo eh.
"Nag send ng text si Hyun-Sik kay Ara."
"To Ara: Na saan kayo? Si Mi-Young na saan ba? Reply asap.
From Ara: Nasa loob kami ng classroom natin bakit Hyun-Sik?
To Ara: Ahh... Favor naman, labas kayo dyan at punta kayo sa school yard salamat...
From Ara: Para san?
To Ara: Basta, sige bye na."
"Lumabas si Dong-Hyun sa Wash room."
Dong-Hyun: Ready na ako, tara na ba?
"Na kita ni Dong-Hyun si Seung-Ho."
Dong-Hyun: Ohh! Hello Seung-Ho.
Seung-Ho: Nice! Hehe goodluck sayo mamaya ok?
Dong-Hyun: Hehe salamat.
Seung-Ho: Kaw na muna bahala sa Mahal ko ah.
Dong-Hyun: Hah? Mahal? Sino? Si Hyun-Sik?
Hyun-Sik: Ahh?? Hahaha halika na Dong-Hyun! Nandun na sila sa School Yard oh!
"Hinila ni Hyun-Sik si Dong-Hyun at naglakad ng mabilis palayo kay Seung-Ho."
Seung-Ho: Eh? Haha bakit nagmadali naman umalis si Hyun-Sik? Haha cute nya talaga kapag namumula mukha haha.
-----
"School Yard"
"Mi-Young POV"
Mi-Young: Wow! Ang ganda naman dito!
Ara: Oo nga eh, hehe nako mukhang magpapakilala na si Black Rose sayo.
Mi-Young: Hah?! Bakit parang alam mo mangyayari?
Ara: Hmmm???? Secret! Haha!
*Flashback*
"Convenience Store"
"Habang pinagmamasdan ni Ara yung matandang babae na paalis ay may kumalabit sa kanya sa likod nya at nilingon nya ito."
Ara: Oh! Kaw pala yan! Hehe kamusta?
Dong-Hyun: Ito buti nakita kita dito hehe, ano kasi hmmmm... gusto sana kita makausap...
Ara: Tungkol saan?
Dong-Hyun: Ano, may sasabihin sana ako na sikreto. Basta sa atin muna ito ok ba yun?
Ara: Don't worry, I already know na ikaw si Black Rose.
"Nagulat si Dong-Hyun sa sinabi ni Ara."
Dong-Hyun: Hah?! Ahh!? Ehh!? Paano mo nalaman??
Ara: Na aalala mo ba yung sinamahan kita sa clinic dahil masakit sikmura mo? Pagkaalis mo sa clinic eh na iwan mo yung calling card mo at na basa ko kaya nalaman ko kung sino si Black Rose.
Dong-Hyun: Ahhh... Ehhh... Hehe? Sorry...
Ara: Bakit ka nagsosorry?
Dong-Hyun: Matagal ko ng gusto si Mi-Young...
Ara: Alam ko naman yun, ikaw yung pinakilala sa kanya ng Dad nya for arrange marriage right? Kaso... Rejected ka dahil hindi kagaya mo ang tipo ni Mi-Young.
Dong-Hyun: Oo alam ko naman... Kaya ito ginagawa ko ang lahat para magustuhan nya ako...
Ara: May tiwala ako sayo, kaya yan! FIGHTING!!!
"Ngumiti si Dong-Hyun dahil sa sinabi ni Ara."
Dong-Hyun: FIGHTING!!!
*End Of Flashback*
Ara: Oh!! Nandyan na ata sila!
Mi-Young: Hah? Saan?
"Binigyang daan ng mga Students ang entrance ng Proposal Booth.
At naglakad si Hyun-Sik na may dala dalang bulaklak."
"Nakita ni Mi-Young si Hyun-Sik ng pumasok sya sa entrance ng Proposal Booth."
Mi-Young: Aahhhh... Aahh.. Si..... Hyun-Sik?? Siya si B.black Rose?
"Habang papalapit ng papalapit si Hyun-Sik at kasabay naman nito ang pagulan ng mga petals ng cherry blossom na nasa paligid ng School Yard."
"Halos maiyak iyak si Mi-Young dahil hindi sya makapaniwala sa kanyang na kikita.
Ngayon ay magkalapit na sila ni Hyun-Sik."
Hyun-Sik: Uhm? Hello Mi-Young, ito flowers for you..
"Inabot ni Mi-Young ang mga bulaklak at niyakap nya si Hyun-Sik."
Mi-Young: Salamat Hyun-Sik at nagpakilala kana na ikaw si Black Rose..
Hyun-Sik: Ah?? Ano... Hindi ako si Black Rose...
Mi-Young: Ehh? Bakit ganyan ayos mo? At kung hindi ikaw... Sino?
Hyun-Sik: Wait....
"Pinatunog ni Hyun-Sik ang maliit na bell na nakasabit sa proposal booth."
"At lumabas na ang isang lalakeng nakamaskara."
"Habang papalapit ng papalapit ang lalakeng nakamaskara ay mga kinikilig ang mga nakapaligid sa kanila.
At makalipas ng ilang lakaran ay magkatapatan na sila ni Mi-Young at ang lalakeng naka maskara."
Mi-Young: Ikaw ba si Black Rose??
Guy: Oo ako nga, sorry kung pinagintay kita.
Mi-Young: Ayus lang sa akin... Hmm? Pwede ko na ba makita mukha mo?
"Dahil sa sinabi ni Mi-Young ay tinanggal na nya ang maskara nya.
At na gulat si Mi-Young."
Mi-Young: DONG-HYUN!!?? IKAW??!!
Dong-Hyun: Ako nga..
"Ang excited at masayang reaksyon at na palitan ng pagkainis at galit si Mi-Young."
Mi-Young: Anong kalokohan ito?!! Ang laki ng expectations ko kung sino yang Black Rose na yan tapos ikaw lang pala??!!! Nakakainis!!!!
Ara: Mi-Young kumalma ka..
Mi-Young: Ako?!! Kakalma!!?? Lahat kayo nakakainis! Isa ka pa Hyun-Sik!!!! Hindi ko inaasahan na makikipagsabwatan ka sa Nerd school geek na Dong-Hyun?!!!
Hyun-Sik: Syempre, gusto ko sya tulungan kasi kaibigan ko sya.
"Hinawakan ni Dong-Hyun ang mga kamay ni Mi-Young at lumuhod ito sa harapan nya."
Dong-Hyun: Pwede ka ba maging Prom Date ko?
"Hinawi ni Mi-Young ang pagkakahawak ng kamay nya kay Dong-Hyun."
Mi-Young: IN YOUR DREAMS!
HALIKA NA NGA ARA! BUMALIK NA TAYO SA ROOM! INAAKSAYA LANG ORAS KO DITO!
"Tinapon ni Mi-Young ang bulaklak kay Dong-Hyun at umalis na ito.
Bago umalis ay nag bow down muna si Ara at humingi ng pasensya kanila Hyun-Sik at Dong-Hyun."
Hyun-Sik: Sorry Dong-Hyun kung nagfailed plano natin..
Dong-Hyun:. .........
Hyun-Sik: Dong-Hyun??
"Sinilip ni Hyun-Sik si Dong-Hyun na nakatungo habang nakaluhod parin ito.
Nakita nyang umiiyak si Dong-Hyun."
Dong-Hyun: Bakit... Bakit ganun... Huhuhuh... Lahat naman ginagawa ko na pero.... Bakit hindi nya parin ako magustuhan.... Huhuhuhuh!!! *Hardly Crying*
"Niyakap ni Hyun-Sik si Dong-Hyun at hinmas ang likod nito.
Nagsialisan na ang mga students na nakapaligid sa kanila."
Hyun-Sik: Ginawa mo naman ang lahat, walang na sayang sa mga efforts mo... Tandaan mo yan.
Dong-Hyun: Na iinis ako sa sarili ko! Huhuhuhuhu!!!! Ano bang hindi nya magustuhan sa akin!!! Huhuhuhu!!
*Hardly Crying*
Hyun-Sik: Hindi ko alam, tumahan kana Dong-Hyun....
"Biglang dumilim ang kalangitan at umulan."
Hyun-Sik: Nako! Halika na Dong-Hyun umuulan na!
"Hindi namamalayan ni Hyun-Sik na nasa likod na nila si Seung-Ho at pinayungan silang dalawa ni Dong-Hyun."
Seung-Ho: Wag na kayo magpaulan, dun na tayo sa loob ng building 2.
Hyun-Sik: Nandyan ka pala Seung-Ho.
Seung-Ho: Ito, abutin mo nalang itong isang payong na dala ko.
"Tumingin si Dong-Hyun kay Seung-Ho at inabot ang payong."
Dong-Hyun: Salamat Seung-Ho...
Hyun-Sik: Halika na, at mababasa pa tayo ng ulan..
"Tinulungan ni Hyun-Sik na tumayo si Dong-Hyun mula sa pagkaluhod nito."
"Inabot ni Seung-Ho ang panyo nya kay Dong-Hyun."
Seung-Ho: Ito oh panyo.
"Tumingin at kinuha ni Dong-Hyun ito."
Dong-Hyun: Salamat...
Seung-Ho: Mas magandang iiyak mo yan kesa pigilan.. Alam kong masakit yan.
Dong-Hyun: Sorry... Parehas ko pa kayong inabala ni Hyun-Sik..
Seung-Ho: Don't worry, kaibigan ka ni Hyun-Sik at kaibigan na din kita.
Hyun-Sik: Halika na, lumalakas pa yung ulan.
"Naglakad na sila at papunta na sa Building 2."
-----
"Ara POV"
"Classroom C1 B1"
Ara: Mi-Young... Bakit ka ganun kay Dong-Hyun, bigyan mo naman sana ng chance si Dong-Hyun.
Mi-Young: Hindi ko sya gusto ok? At hindi sya yung kagaya ng tipo kong lalake... *Pagalit na tono ng boses*
Ara: Pero sana, mapagbigyan mo sya.
Mi-Young: Aish!! Wag na nga natin pagusapan!
"Dumating na at sabay pumasok sa room si Seung-Ho at Hyun-Sik at na upo na sa kanilang table."
"Tinitigan lang ni Ara ang dalawa at tumingin sya sa bintana habang pinapanood nya ang ulan."
-----
"Seung-Ho POV"
"11:00am Lunch Time"
"Magkasama sila ngayong tatlo ni Hyun-Sik, Seung-Ho at Dong-Hyun at papunta sila sa Cafeteria."
Dong-Hyun: Hmmm??? Ano kaya Menu nila ngayon?
Hyun-Sik: Hindi ko alam, pero sana may curry sila ngayon hehe!
Seung-Ho: Fried Chicken din sana haha!
"Tumunog ang Phone ni Seung-Ho at kanya itong sinilip."
Seung-Ho: Wait Hyun-Sik at Dong-Hyun.
Hyun-Sik: Huh? Bakit?
Seung-Ho: Wait basahin ko lang itong text messege.
"From Ara: Pwede ka ba makita ngayon?
To Ara: Huh? Bakit? Now na ba?
From Ara: Oo sana, puntahan mo ako sa gilid ng Cafeteria.
To Ara: Ok sige."
"Nagpaalam muna si Seung-Ho."
Seung-Ho: Hyun-Sik at Dong-Hyun mauna na muna kayo sa cafeteria, may nakalimutan lang ako hehe balik ako.
Hyun-Sik: Makakalimutin kana ah! Haha sige antayin ka nalang namin sa cafeteria.
Dong-Hyun: Bye! Mauna na kami!
"At tuluyan ng nagkahiwalay ng landas ang tatlo, pinuntahan na ni Seung-Ho si Ara sa gilid ng Cafeteria."
"Nakita na ni Seung-Ho si Ara habang nakatalikod ito at nag aantay sa kanya.
Naglakad si Seung-Ho papunta kay Ara."
Seung-Ho: Ehem!!
Ara: Oh Seung-Ho nandyan ka na pala.
Seung-Ho: Let's Talk there.
"Itinuro ni Seung-Ho yung dulong bahagi sa labas ng cafeteria."
"Nakapunta na sila habang magkahawak kamay."
Ara: Ano... Seung-Ho... Hmmm kamusta kana?
Seung-Ho: Maayos naman ako.
Ara: Sorry nung nakaraan na Family Dinner..
Seung-Ho: Kalimutan na natin yun..
Ara: Pero.. I still love you Seung-Ho, hindi ko pwedeng kalimutan nalang agad agad yung mga pinakita mo sa akin noon.
Seung-Ho: Huh? Anong pinagsasabi mo? Misunderstood feeling ko lang yung nangyari sa atin noon, yun lang.
Ara: Misunderstood? Hindi ako naniniwala, yung mga halik mo sa akin noon eh dama ko na mahal mo ako.
Seung-Ho: Huh? Ano kasi yu... Nn..
"Bigla syang hinalikan ni Ara, at hindi na nakapalag si Seung-Ho sa pagkakahalik nito.
Dahil sa pagkakahalik ni Ara sa kanya ay ginantihan din nya ng halik si Ara."
"Sa hindi inaasahan, na kita sila ni Hyun-Sik at ni Dong-Hyun.
Na bitawan ni Dong-Hyun ang Juice Box nya dahil sa pagkagulat sa na kita nya.
Dahil sa tunog ng pagbagsak ng Juice Box ni Dong-Hyun ay tumigil sila sa paghahalikan at tumingin sila kay Hyun-Sik at Dong-Hyun at na gulat din sila."
Hyun-Sik: Hmmmm.. Sorry nakakaistorbo kami.
"Ang masayang mukha ni Hyun-Sik ay napalitan ng sobrang pagkalungkot.
Nag walk out si Hyun-Sik at umiiyak."
Seung-Ho: Shit!!!! Aghhh!! Ara, sorry maling mali ito..
"Iniwan ni Seung-Ho si Ara at Dong-Hyun at tumakbo siya para habulin si Hyun-Sik."
Dong-Hyun: Ahh.. Ehh? Hehe sige mauna na ako.
"Nag bow down si Dong-Hyun kay Ara at umalis na din ito.
Si Ara naman ay na tulala nalang at na iwan doon."
-----
"Hyun-Sik POV"
"Tumatakbong umiiyak si Hyun-Sik papuntang School Bench yard."
Hyun-Sik: Tang ina!!!!! Huhuhuhuhuh!!!! Bakit!!! Bakit!!!!! Akala ko ba mahal mo ako!!! Akala ko ako lang!!!!! Arrrgghhhhh!!!!!
*Hardly Crying*
"Sinuntok ni Hyun-Sik ang isang puno na malapit sa kanya.
Sinuntok nya ito ng tatlong ulit.
Susuntok na sana sya sa puno ng pang apat na beses ay biglang pinigilan ito ni Seung-Ho at sinalag nya at hinawakan ang kanang kamao ni Hyun-Sik."
Seung-Ho: Hyun-Sik!!!!!! Tama na!!!
Hyun-Sik: AISH!!!! Ano!!! Wala kang karapatang pigilan ako na pagsusuntukin yang puno na yan!!! Tang ina!! Ang sakit ng ginawa mo sa akin!!!!
*Hardly Crying and Angry*
Seung-Ho: Sorry.... I'm so sorry....
"Biglang kinwelyuhan ni Hyun-Sik si Seung-Ho at hindi makatingin ng diretso si Seung-Ho."
Hyun-Sik: SORRY??!!!! HAH! Nakakatawa ka!! Ano idadahilan mo sa akin?! Kitang kita sa dalawang mata ko na naghahalikan kayo ni Ara!!!!
Seung-Ho: Hindi ko sinasadya, na bigla lang din ako sa pagkakahalik ni Ara sa akin.. Sorry....
"Niyakap ni Seung-Ho si Hyun-Sik ng mahigpit at umiyak na din ito."
Seung-Ho: Wag mo ibuhos galit mo sa Puno na yan, sa akin ka na gagalit ngayon, sa akin mo ibuhos ang galit mo,, Huhuhuhuhuh sorry Hyun-Sik, hindi ko intensyon na saktan ka. *Hardly Crying*
"Pumiglas sa pagkakayakap si Hyun-Sik at sinapak nya sa mukha si Seung-Ho at napahiga ito sa sahig."
Hyun-Sik: Ang sakit sobra ng ginawa mo Seung-Ho!!! Sobrang sakit!!!
Seung-Ho: Sorry Hyun-Sik, mahal na mahal kita, patawarin mo ako kung na kita mo yun. Sasabihin ko sana kay Ara na tigilan na nya yung feelings nya sa akin dahil ikaw ang mahal ko.
"Naka close fist parin si Hyun-Sik dahil sa galit nya kay Seung-Ho.
Tumayo si Seung-Ho at nilapitan niya si Hyun-Sik at muli nya itong niyakap."
Seung-Ho: Ngayon.. Mas nakakasigurado na talaga ako na ikaw ang mahal ko, sorry, sorry talaga, I'm so sorry Hyun-Sik, kung hindi mo ako mapapatawad sige,.. Aalis na ako...
"Bumitaw sa pagkakayakap si Seung-Ho at paalis na sana sya para iwan na si Hyun-Sik kaso.... Biglang hinawakan ni Hyun-Sik ang mga kamay ni Seung-Ho at hinila ito at hinalikan sa labi."
"Kasabay ng paglagaslas ng hangin at pagbagsak ng mga petals ng cherry blossom ay ang paghahalikan nilang kay tamis, halos tumagal ng isang minuto ang kanilang paghahalikan.
Bumitaw sa paghalik si Hyun-Sik at nagsalita ito."
Hyun-Sik: Pinapatawad na kita Seung-Ho, ayokong mawala ka sa akin, ayokong may kaagaw sayo, gusto ko ako lang yung mamahalin mo.
"Ngumiti si Seung-Ho."
Seung-Ho: Salamat at pinatawad mo na ako. Promise, hindi ako mawawala sayo at hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita higit sa buhay ko...
"Hinalikan naman ni Seung-Ho si Hyun-Sik at niyakap nya ito."
"Pagkatapos ng pagyakap, ay hinawakan ni Seung-Ho ang kamay ni Hyun-Sik."
Seung-Ho: Halika na, balik na tayo sa cafeteria.
Hyun-Sik: Ehh.... Sa clinic nalang kaya muna? Sorry kasi pumutok labi mo sa pagkakasapak ko sayo..
Seung-Ho: Ok lang, no need magpunta sa Clinic, kasalanan ko din naman eh.
"Inabot ni Hyun-Sik ang kanyang panyo kay Seung-Ho."
Hyun-Sik: Ito, gamitin mo muna, punasan mo yung dugo.
Seung-Ho: Salamat hehe....
"Nagngitian ang dalawa at tuluyan ng naglakad papunta ng Cafeteria."
-----
"4:00pm"
"Na iwan sila ni Seung-Ho at Hyun-Sik at dalawa pa nilang classmates dahil sila ang naka schedule na maglinis ng classroom bago umuwi."
Boy1: Seung-Ho kaw magwalis ok?
Seung-Ho: Ahh? Hehe ok..
Boy2: Hyun-Sik kaw naman ang mag lampaso ng sahig, kami na bahala magpunas sa lamesa at bintana.
Hyun-Sik: Sige sige, labas muna ako at lalagyan ko muna ng tubig itong timba.
"Habang nilalagyan ni Hyun-Sik ng tubig ang timba ay tumawag si Manong Driver."
Driver: Hello Hyun-Sik?
Hyun-Sik: Hello po, ahh? Napatawag po ata kayo?
Driver: Nandito na ako sa tapat ng school nyo.
Hyun-Sik: Ahh ok po, tapusin lang namin ni Seung-Ho paglilinis ng classroom.
Driver: Wow! Hahaha himala naglinis ata si Master Go.
Hyun-Sik: Sinisipag siguro haha sige Manong, ibaba ko na itong tawag.
Driver: Ok sige sige.
"Pagkababa nya ng tawag kay Driver ay kinuha na nya at binitbit ang timbang may tubig kasama ang moped."
"5:00pm"
"Makalipas ng isang oras ay tapos na silang maglinis ng Classroom at nagsiuwian na sila."
Hyun-Sik: Halika na Seung-Ho, uwi na tayo.
Seung-Ho: Hehe sige wait lang.
"Inaayos ni Seung-Ho ang mga gamit nya sa bag."
Seung-Ho: Ok done na ayusin, halika na Hyun-Sik! Haha ang maiwan dito panget! Haha
Hyun-Sik: Gago! Hahaha
"Sinarado na nila ang pintuan ng Classroom at tuluyan ng naglakad papalabas ng Building 1 at nakarating na sila sa tapat ng school."
"Naglalakad sila at magkahawak kamay.
Nagkatitigan silang dalawa at ngumiti sa isat isa.
Tumawag si Manong Driver kay Seung-Ho.
Kinawayan ni Seung-Ho si Manong Driver at hinila ni Seung-Ho si Hyun-Sik para magmadali na silang maglakad."
-----
"Hyun-Sik POV"
"7:30pm"
"Family Go Mansion Residence."
"Nagpaalam na si Seung-Ho kay Hyun-Sik dahil maliligo pa ito.
At si Hyun-Sik at dumiretso na sa kanilang Apartment Room sa Mansion."
Hyun-Sik: Mama!? Nandito na ako..
Misis Lee: Oh! Nandyan ka na pala, halika na ay kumain na tayo, tamang tama at katatapos ko lang itong lutuin itong Ginseng Chicken soup.
Hyun-Sik: Sige po Ma, palit lang po muna ako ng damit sa kwarto ko.
"Pumunta si Hyun-Sik sa Kwarto nya, habang nagbibihis sya ay may nagtext sa kanyang phone."
"From Seung-Ho: I Love You Hyun-Sik."
"Binuksan nya ang Messege at may naka include na Picture nilang dalawa."
"Biglang ngumiti si Hyun-Sik nung makita nya ito.
At bumalik na sa kusina nila at sumabay ng kumain kasama si Misis Lee."
"GAANO MAN KAHIRAP ANG PINAGDADAANANG PAGSUBOK NAMIN AY IPAGLALABAN NAMIN ITO.
MARAMI MANG HAHADLANG PERO SYA AT SYA PARIN ANG MAMAHALIN ANG MAMAHALIN KO.
MARAMING SALAMAT SEUNG-HO.
SALAMAT...
-Hyun-Sik"
To be continued..
End Of Episode 16