"Ng natapos na ang meteor shower ay inaya na ni Seung-Ho si Hyun-Sik na may pupuntahan pa sila."
Seung-Ho: Halika na, baba na tayo dito pader, may iba pa tayong pupuntahan.
Hyun-Sik: Huh? Saan naman?
Seung-Ho: Dun oh!
"Tinuro ni Seung-Ho ang kanyang daliri sa direksyon kung na saan ang Night Market."
Hyun-Sik: Huy! Gusto ko yan! Haha halika na, bumaba na nga tayo.
Seung-Ho: Haha! Bili tayo couple dinosaur pajama, meron akong na kita kanina bago tayo magpunta dito hehe.
"Tumalon pababa si Hyun-Sik at inabot ang kanyang kanang kamay kay Seung-Ho na pag-anyaya na makababa ito."
Hyun-Sik: Abutin mo kamay ko, alalayan na kita bumaba dyan.
Seung-Ho: Ahh sige salamat.
"Inabot ni Seung-Ho ang kamay ni Hyun-Sik at bumaba na din ito sa malapad na pader."
"Sila ngayon ay nasa Night Market at hinahanap ni Seung-Ho ang pwesto ng tindahan kung na saan na kita nya ang Dinosaur Pajama habang naglalakad sila ng magkahawak kamay."
"Maraming taong nakapaligid sa kanila na kilala nila si Seung-Ho at nakita din nila na magkahawak kamay ang dalawa habang naglalakad ito.
Dahil sa kilalang kilala ng mga tao si Seung-Ho sa pagiging isang Pop idol at magaling na Actor kaya na star struck sila nung nakita nila si Seung-Ho.
Maraming kinikilig, maraming kumuha ng pictures sa kanilang dalawa, at lahat ng tao ay masaya sa kanilang na kikita kay Seung-Ho at Hyun-Sik dahil magkahawak kamay silang naglalakad."
"Aw! Nakakatuwa at nakakakilig naman itong si Seung-Ho at Boyfriend nya ata yang kaholding hands nya, nakakainggit!"
"So nag out na sa totoong pagkatao si Seung-Ho? Omg! But still I'll support him parin kahit ano mangyari! Love wins!"
"Girls! Picturan nyo sila! Ahhhhh!! Kakakilig sila noh! Ahhhh"
"Pre! Hanga na ako sa kanilang dalawa, hindi sila takot na ipakita sa lahat yung pagmamagalan nila noh?"
"Habang naglalakad sila Seung-Ho at Hyun-Sik ay na kita na nila yung shop."
Seung-Ho: Ayun! Haha.
Hyun-Sik: Wow! Ang cute naman dito.
"Sinalubong sila nung tindera sa Shop."
Tindera: Hala! Hindi ko inaasahan na may isang sikat na Artista na magpupunta dito, hehe ano ba sa inyo Seung-Ho?
Seung-Ho: Hehehe Pero now po Manang wag nyo nalang po ako ituring na sikat na personality hehe ordinaryong tao lang din po ako.
Ay Manang ayun po sana yung Dinosaur Pajama na kulay blue.
"Itinuro ni Seung-Ho yung nakadisplay na Dinosaur Pajama."
Tindera: Ahh ito ba? Aba tamang tama sa inyong dalawa ito, fit na fit sa inyo ito.
Hyun-Sik: Magkano po ba yan Manang?
Tindera: 46,073 Won lang yang couple Dinosaur Pajamas, kukunin nyo na ba?
Seung-Ho: Sige po Manang, bibilhin na po namin.
"Kinuha ni Seung-Ho ang kanyang wallet at kinuha nya ang pera nya at binilang, at nagbayad na sa tindera."
Seung-Ho: Ito na po ang 30,000 won, keep the change nalang po.
Tindera: Ah salamat, maraming salamat Seung-Ho hehe!
Seung-Ho: Sige po Manang, mauna na po kami, salamat po ulit dito.
Tindera: Sige magingat kayo ah? Tsaka magmahalan kayo!
"Naglalakad sila Hyun-Sik at Seung-Ho ng magkahawak kamay parin, sila ay nasa gilid na ng Park Plaza river at patuloy parin silang naglalakad."
"Nakita ni Hyun-Sik yung Love Couple Brige na nasa gita ng River na kumukunekta sa kabilang side ng Park Plaza."
Hyun-Sik: Huy Seung-Ho! Ayun oh! Dun tayo!
Seung-Ho: Wow! Now ko lang na kita yan, hehe sige punta tayo dun.
"Nakarating na silang dalawa at nasa gitna sila ngayon ng Bridge at magkaharapan sila ngayon."
Seung-Ho: Uhm? Pwede mo ba hawakan itong dibdib ko?
Hyun-Sik: Eh Sige? tsaka bakit pala?
Seung-Ho: Gusto ko maramdaman pagtibok ng puso ko sayo.
Hyun-Sik: Nakikita ko din sa mga mata mo yung pagmamahal mo sa akin.
Seung-Ho: Kasi ikaw lang din ang gustong tignan ng mga mata ko.
"At nagkatinginan sila ng nakakaakit sa isat isa, yung tinginang mahal na mahal nila ang isat isa."
Seung-Ho: Thank you Hyun-Sik you came to my life.
Hyun-Sik: Thank you din, I didn't expect that you as my best friend will be my soulmate, and standing here in Love Couple Brigde.
Seung-Ho: Masayang masaya ako sa pangyayari sa buhay ko dahil sayo.
Hyun-Sik: Ako din naman, simula nung mga bata pa tayo, magkasama na tayo at magkakampi sa lahat ng pagsubok na dumating sa buhay natin.
Seung-Ho: Simula nung mga bata pa tayo, hindi ko na alam kung ano yung nararamdaman ko sayo noon, akala ko normal lang kaya binalewala ko lang ito, pero ito siguradong sigurado na talaga ako sa nararamdaman ko sayo.
"Kinuha ni Seung-Ho ang dalawang kamay ni Hyun-Sik."
Seung-Ho: Kahit anong mangyari ah? Wag mo akong iiwan? Promise?
Hyun-Sik: Promise, cross to my heart and the stars, hindi kita iiwan.
Seung-Ho: I love you Hyun-Sik.
Hyun-Sik: I love you too Seung-Ho.
"Hinila ni Seung-Ho si Hyun-Sik papalapit sa kanya, at bigla nya itong hinalikan sa mga mapupulang labi ni Hyun-Sik."
"Ito ang kauna-unahang halik nila sa labi, bawat pagpalag nila sa kanilang paghahalikan ay napakatamis para sa kanila.
Naguumapaw ang pagmamahal nila, at ang saya sa kanilang mga puso."
"Habang sila ay magkahalikan ay nagsilabasan ang mga alitaptap, napakadaming alitaptap na para bang kasing dami ng bituin.
Halos ang gabing yun ay na puno ng pagmamahal, ang simoy ng hangin, ang mga alitaptap ay nakisama sa gabing iyon para sa kanilang dalawa.
Napaka romantic ng ambiance ng paligid."
"Bumitaw na sa pagkakahalik si Seung-Ho kay Hyun-Sik.
At bigla silang napatingin sa mga nagliliparang alitaptap.
Pinagmasdan nila ito ng magkahawak kamay."
Seung-Ho: Ang ganda noh Hyun-Sik?
Hyun-Sik: Ang dami nila, kasing dami ng bituin sa langit.
Seung-Ho: Oo nga noh? Wow!
"Nagsilbing blessings mula sa mga bituin ang mga Alitaptap na nakapaligid sa dalawang nagmamahalan."
-----
"Maakalipas ng ilang minuto na panonood nila sa mga alitaptap ay sila ng dumiretso sa kotse, at bumyahe na pauwi."
Hyun-Sik: Seung-Ho, magiging matapang na ako at ayoko ng isikreto ang pagmamahalan natin.
Seung-Ho: Kahit ako din Hyun-Sik, dahil ayokong may umagaw pa sayo sa akin.
"Nakarating na sila sa Mansion, at dumiretso na sila sa Apartment nila Hyun-Sik.
At pumunta na din sila sa kwarto ni Hyun-Sik."
Hyun-Sik: Diba dito ka matutulog?
Seung-Ho: Oo dito nga, hehe bakit?
Hyun-Sik: Hehe halika na dito sa kama ko! Tabi na tayong matulog.
Seung-Ho: Hehe sige!
"Silang dalawa ay humiga na sa kama, niyakap ni Seung-Ho si Hyun-Sik."
Seung-Ho: Good night, I love you.
Hyun-Sik: Good night din, I love you too.
"Hinalikan ni Seung-Ho si Hyun-Sik sa kanyang noo, at sila ay tuluyan ng na tulog."
-----
"6:00 am in the Morning."
"Habang na tutulog ang dalawa, si Seung-Ho ay biglang niyakap at ipinatong ang kanyang kaliwang paa kay Hyun-Sik.
At ito ay hinawi ni Hyun-Sik ang pagkakayakap ni Seung-Ho sa kanya."
"Pumasok si Misis Lee sa kwarto para gising si Hyun-Sik."
Misis Lee: Hyun-Sik! Gising na!
Misis Lee: Gumising na kasi, at kayong dalawa ay mahuhuli sa School kaya gising na.
"Na gising si Hyun-Sik at minulat na ang kanyang mga mata."
Misis Lee: Yung almusal nakahanda na, gisingin mo na din si Seung-Ho, papasok na ako sa trabaho.
Hyun-Sik: Sige po Ma.
"Ngumiti si Misis Lee, at tuluyan ng lumabas ng kwarto."
"Tinitigan ni Hyun-Sik si Seung-Ho ng nakakaloko, at bigla nya itong sinipa palabas ng kanyang kama."
"Na hulog si Seung-Ho sa pagkakasipa ni Hyun-Sik sa kanya at tuluyan na itong na gising.
Tumayo si Seung-Ho sa pagkakabagsak nya sa sahig, at nakabusangot ang kanyang mukha."
Seung-Ho: Masakit yun!
Seung-Ho: Para saan yun! Bakit kailangan mo akong sipain para gisingin!
"Kinuha ni Seung-Ho ang kumot sa kama at ito ay kanyang itinalukbong kay Hyun-Sik."
Hyun-Sik: Tumigil kana nga!
"Idiniin nya ang pagkakatalukbong ng kumot kay Hyun-Sik.
At sila ay panandaliang naghaharutan sa kama."
Hyun-Sik: Hindi ako makahinga! Tigil na!
Seung-Ho: Dapat lang sayo yan! Haha.
-----
"Silang dalawa ay nagalmusal na at naghanda na para pumasok sa school."
"Makalipas ng Isang oras ay nasa school na sila, at nasa tapat na sila ng school.
Sila ngayon ay magkahawak kamay na nakatingin sa harapan ng school at humingang malalim."
Seung-Ho: Handa ka na ba Hyun-Sik?
Hyun-Sik: Handa na ako!
"Sila ay tuluyan ng pumasok sa School.
Silang dalawa ay naglalakad ng magkahawak kamay.
Pinagtitinginan sila ngayon ng iba pang students at lahat sila ay iisa ang reaksyon, merong kinikilig, merong na gulat, maraming na amazed at humanga."
"Silang dalawa na ba ni Seung-Ho?! Omg!!!!!"
"Wow! Nakakamangha sila! Ahhh!"
"They are brave to show their love! Ahhh!! Kinikilig ako!! Sana ako din!"
"Hanggang sa School Yard ng school ay pinagtitinginan silang dalawa ng lahat."
Hyun-Sik: Huy! Haha namumula ata mukha mo?
Seung-Ho: Ikaw din kaya! Haha
Hyun-Sik: Eh syempre first time ko ito eh.
Seung-Ho: Kahit ako din naman first time ko na ipakita na sa nakakarami kung ano talaga relasyon natin.
Hyun-Sik: Masaya pala sa pakiramdam ng walang tinatago sa lahat.
Seung-Ho: Oo, napaka saya nga.
-----
"Ara POV"
"Nakita ni Ara at Mi-Young si Seung-Ho at Hyun-Sik na magkahawak kamay silang naglalakad sa school yard."
Ara: Pinanindigan na nila talaga yung relasyon nila.
Mi-Young: Oo nga, nakakagulat na mag come out sila.
"Nakatingin lang si Ara kay Seung-Ho at Hyun-Sik, at nalungkot sa kanyang na kikita ngayon, at ibinaling nalang nya sa iba ang tingin nya sa dalawa, at umalis na ito at pumunta sa ibang direksyon na papunta sa building 1 kung na saan classroom nila."
Mi-Young: Ara! Sandali lang! Wait for me!
"Habang naglalakad si Ara, ay biglang bumagsak ang kanyang mga luha na kanina pa niyang pinipigilang umiyak, dahil napaka sakit ng kanyang na kita, halos madurog na naman ang kanyang puso."
-----
"Dong-Hyun POV"
"Nakita ni Dong-Hyun ang mga nangyayari, lalong lalo na sa pagbagsak ng mga luha ni Ara."
"Tinignan ni Dong-Hyun ang kanyang phone, at binuksan ang kanyang gallery, tinitigan nyang mabuti yung mga pictures ni Mi-Young at inaalala nya yung nararamdaman nya para sa kanya."
"Napabaling ang kanyang tingin kay Mi-Young na malapit na sa kanya, dahil sa pagkakataranta ay bigla nyang pinatay ang phone nya, at tinitigan niya si Mi-Young habang naglalakad ito kasama ni Ara."
Dong-Hyun Mind: "Hay... Kailan mo kaya ako mapapansin Mi-Young? Gustong gusto kita, at na totorpe akong magtapat ng nararamdaman ko sayo. Sana dumating ang panahon na kaya ko ng ipagtapat sayo ang nararamdaman ko, kahit hindi mo ako gusto."
"Naglakad at pumasok na sa Building 2 si Dong-Hyun."
-----
"Makalipas ng ilang oras ng klase ay may sinabi an kanilang Teacher."
Teacher: Class! I have Announcement.
Magkakaroon tayo ng school trip to Jeju Island, para ito sa inyong lahat bilang huling pagsasama sama nyo as a Seniors, dahil ilang buwan nalang ay mag graduate na kayo.
Hyun-Sik: Sir! Paano po yung Prom?
Teacher: Napagplanuhan ng school staff na isasabay sa Jeju Island school trip ang Prom, magtatagal tayo ng halos 4 araw doon.
Seung-Ho: Maganda yan sir! Approved kaming lahat dyan sir! Diba mga classmates? *Sumigaw sa lahat*
Classmates: Oo naman! Approved na approved!
Ara: Ayun nga po pala sir, nakapag padala na po ba kayo ng email or magbibigay po ba kayo ng letter para sa mga parents namin para sa school trip?
Teacher: Yes, magpapadala nga kami ng emails, at para makasigurado din ay magbibigay kami sa inyo ng letters para maibigay nyo ng personal sa kanila.
Hyun-Sik: Next month? Next month na po ba yun sir?
Teacher: Oo next month, kaya siguraduhin nyong dadalhin nyo na mga dapat nyong dalhin, dahil sa barko tayo sasakay papunta dun.
"Halos lahat ng mga student sa room ay masayang masaya sa balita, at excited na sila sa magaganap sa susunod na buwan."
------
"11:30 am Lunch Break"
"Mi-Young POV"
"Habang ito ay nakatambay at nakaupo sa bench ng labas ng Building 1.
Ay na kita nyang naglalakad papalapit sa kanyang direksyon si Hyun-Sik."
Mi-Young: Girls, tignan nyong mabuti ito, I will make Hyun-Sik fall inlove with me, and magpapanggap ako na out of balance para saluhin nya ako, that's start of my plans.
Girl 1: Huh? May gusto ka ba dyan sa best friend I mean Boyfriend ni Seung-Ho?
Girl 2: Sige nga at gawin mo nga, at go! We support to your pretty pang-aakit plan kay Hyun-Sik. Good luck!
Mi-Young: Watch me girls.
"Naglakad si Mi-Young papalapit kay Hyun-Sik habang naglalakad din ito pasalubong sa kanya. May narinig si Hyun-Sik na boses ni Seung-Ho na tinatawag sya at lumingon sya sa kanyang likuran at san saan pang direksyon, at na tuon ang kanyang tingin kay Mi-Young dahil nasa harapan na nya ito."
Hyun-Sik: Ahh? Hello? Diba kaw yung new transfered student na classmate ko?
Mi-Young: Yes ako nga hehe by the way....
"Hindi na naituloy ni Mi-Young ang kanyang pagsasalita at ito ay kunwaring na out of balance sa pagtayo nya.
At napayakap sya kay Hyun-Sik, at sa hindi inaasahan ay napayakap din si Hyun-Sik kay Mi-Young."
Hyun-Sik: Ahh? Ayus ka lang ba?
Mi-Young: Oo hehe salamat sa pagsalo mo sa akin sa pag out of balance ko.
Hyun-Sik: Hmm? Magiingat ka next time okay? Tsaka yung galawan mo eh parang may gusto ka sakin.
"Nanlaki ang mga mata sa gulat ni Mi-Young dahil napaka straight forward ng pagkakasabi ni Hyun-Sik sa sinabi nya."
Mi-Young Mind: "Ay hala grabe hindi ko inaasahang straight forward kung magsalita itong si Hyun-Sik, ni walang preno o pagiisip muna sa mga sinasabi, omg! I like him more!"
"At biglang tinawag ni Seung-Ho si Hyun-Sik at hinila ito, tinitigan ng masama ni Seung-Ho si Mi-Young."
Seung-Ho: Hyun-Sik! Halika nga dito! *Pagalit na sinabi* *Hinila niya si Hyun-Sik*
"At bumalik sa ulirat si Mi-Young sa kanyang imahinasyon. At muntikan ng mawalan ng balanse dahil sa biglaang paghila ni Seung-Ho kay Hyun-Sik habang nakayakap ito kay Hyun-Sik"
Hyun-Sik: Ahh sige hehe mauna na kami sa Cafeteria, bye! Ingat next time. *Nakangiting pagkakasabi*
"Naiwang tulala, at namumula ang kanyang pisngi at kinikilig.
Nilapitan na sya ng dalawa nyang kaibigan."
Girl 1: Hala grabe! Ngayon ko lang nakitang ganun ang reaksyon ni Seung-Ho.
Girl 2: Oo nga! Parang galit na tiger kung makatitig ng masama sayo Mi-Young!
Mi-Young: Girls kalma! Kilala nyo ako, lahat ng gusto ko ay na kukuha ko, at kahit si Seung-Ho pa ang karibal ko kay Hyun-Sik.
"Nagtaas ng kilay si Mi-Young na para bang kontrabida."
-----
"Habang kinakaladkad ni Seung-Ho si Hyun-Sik dahil nga sa na kita nito kanina sa labas ng Building 1 sa Bench."
Hyun-Sik: Sandali lang Seung-Ho! Ang bilis mo maglakad! Nasasaktan braso ko.
"Tinitigan lang ito ni Seung-Ho si Hyun-Sik saglit at naglakad parin ito ng mabilis habang kinakaladkad nya ito habang nakakapit sya sa braso ni Hyun-Sik."
Hyun-Sik: Ano ba problema mo Seung-Ho! *Sumigaw*
"Tumigil si Hyun-Sik sa paglalakad at tinanggal nya ang pagkakapit ng kamay ni Seung-Ho sa kanya."
Hyun-Sik: Ano ba kasi problema mo hah?! At galit na galit ka sa akin?!
Seung-Ho: Hindi mo talaga alam ang problema ko at bakit ako na gagalit sayo?!
Hyun-Sik: Ehh? Ano nga ba!
"Itinulak ng hindi ganung kalakasan ni Seung-Ho si Hyun-Sik sa pader.
Napasandal si Hyun-Sik at biglang kinorner ni Seung-Ho sa pader si Hyun-Sik, nilagay nya ang kanyang kanang kamay at nakadantay sa pader sa kanang bahagi na malapit sa mukha ni Hyun-Sik."
Hyun-Sik: Huy! Ano ba ginagawa mo?! Bakit parang napaka agresibo naman sa akin?
Seung-Ho: Hindi mo talaga alam kung bakit ako na gagalit sayo? *Tumingin ng masama*
Hyun-Sik: Hindi nga eh! Kulit naman nito!
Seung-Ho: Bakit ka nakikipagharutan dun sa bagong transfered na babaeng classmates natin?!
Hyun-Sik: Hah? Anong pinagsasabi mo? Tsaka na out of balance sya kanina kaya sinalo ko sya para hindi bumagsak sa sahig, yun lang yun!
Seung-Ho: Sinalo mo lang ba sya para hindi bumagsak? Pero grabeng yakapan naman yung na kita ko?
Hyun-Sik: Weird nito! Wala nga lang kasi yun! Wag kana nga magalit sa akin!
Seung-Ho: Eh!! Bakit ganun mga tinginan nyo sa isat isa hah? Kulang nalang maghalikan kayo sa pagkakayakap nya sayo!
Hyun-Sik: Hindi naman sa ganun! Tsaka yung babaeng yun eh wala naman akong gusto sa kanya.
Seung-Ho: Sure yan? Promise? *Nag mix emotions na reaction ng mukha*
Hyun-Sik: Oo at ito ang sagot ko...
"Hinalikan ni Hyun-Sik si Seung-Ho habang nakadantay ang kanyang kamay sa kanang bahagi ng pader at mukha ni Hyun-Sik."
"Dahil sa halik ni Hyun-Sik ay ngumiti si Seung-Ho at namula ang mukha nito dahil sa kilig na kanyang naramdaman."
Hyun-Sik: So okay na tayo?
Seung-Ho: Hindi pa tayo bati okay? *Nakangiting pagsabi*
Hyun-Sik: Hindi daw pero nakangiti?
Seung-Ho: Kulang pa ng dalawang kiss sa lips ko para I... LOVE... YOU... eh kaso wala pang LOVE YOU sa bilang ng kiss mo eh, isa lang yun!
Hyun-Sik: Huy! Magtigil ka nga! Dami na nakatingin sa atin oh!
"Maraming student na ang nakatingin sa kanila at sila ay kilig na kilig sa paglalambingan nung dalawa na si Hyun-Sik at Seung-Ho."
Seung-Ho: Sige ako nalang gagawa nung dalawang kiss as Love You.
"Hinalikan ng dalawang beses na smacked kiss si Hyun-Sik ni Seung-Ho."
Hyun-Sik: Oh! Okay na tayo ah? Bati na tayo okay? Wag na mag selos, alam mo naman ikaw lang mahal ko.
Seung-Ho: Simula ngayon mas lalong ayoko mawala ka sa paningin ko okay? Baka kung sino sino lumilingkis ng yakap sayo eh!
Hyun-Sik: Oo na! Oo na sa boyfriend kong seloso! Hahaha
"Inakbayan ni Hyun-Sik si Seung-Ho at naglakad na papuntang Cafeteria."
-------
"4:00 Afternoon"
"Nagsiuwin na ang mga student sa school.
At habang naglalakad na palabas ng school si Hyun-Sik at Seung-Ho."
Seung-Ho: Oh ayan na pala yung Driver natin.
Hyun-Sik: Halika na, at gusto ko ng umuwi.
"Nakasakay na sila at umalis na sa school at nasa kalagitnaan na sila ng pagbyahe pauwi sa Mansion."
Hyun-Sik: Seung-Ho... May sasabihin ako.
Seung-Ho: Ano yun?
Hyun-Sik: Gusto kong sabihin kay Mama ko yung about sa relasyon natin.
Seung-Ho: Sigurado ka na ba dyan?
Hyun-Sik: Oo sigurado na ako, tsaka nakapag isip isip na din na naman din ako.
Seung-Ho: Basta nandito lang ako na sumusuporta sayo, thank you dahil meron kang lakas ng loob para sabihin sa Mama mo itong relasyon natin.
Hyun-Sik: Sabagay, kasi ikaw alam ko hindi papayag sila Auntie sa relasyon natin, dahil sa arranged marriage mo kay Ara.
Seung-Ho: Don't worry Hyun-Sik, hahanap ako ng panahon o oras para masabi ko na kanila Mom yung relasyon natin at hindi ituloy yung plano nila, ipaglalaban kita, pangako yan.
"Nakarating na sila sa Mansion.
Nagpaalam muna sa isat isa ang dalawa dahil may gagawin pa si Seung-Ho sa kanyang kwarto.
At si Hyun-Sik ay dumiretso na sa Apartment Room nila na nasa Mansion din."
------
"Kinagabihan"
"Hyun-Sik POV"
"Tinulungan ni Hyun-Sik si Misis Lee na ilagay sa lamesa nila yung hapunan nila."
Hyun-Sik: Ma! Ako na dyan, maupo nalang kayo dyan.
Misis Lee: Sige salamat anak.
"Pagkatapos ilagay ni Hyun-Sik ang mga pagkain sa lamesa ay umupo na ito."
"Sumubo ng pagkain si Hyun-Sik at nagsalita about sa pagkain na kinakain nila."
Hyun-Sik: Wow Ma! Ang sarap talaga ng luto mo! Sana matikman ko ito lagi kahit sa ibang lugar na ako kapag college na.
Misis Lee: Hyun-Sik, matitikman mo naman yan ulit eh, basta kapag nag college kana hah? Wag mo ako kakalimutang dalawin dito sa Mansion okay?
Hyun-Sik: Opo Ma! Ahh! Sarap talaga ng pagkain Ma!
"Patuloy na kumain si Hyun-Sik."
"Napatingin si Misis Lee kay Hyun-Sik na may nakakapagtatakang tingin.
At kanya itong tinanong."
Misis Lee: Hmm? Hyun-Sik bakit dama kong mag gusto kang sabihin?
Hyun-Sik: Ah? Wala naman po Ma, bakit po?
Misis Lee: Nagsisinungaling ka eh, magtapat ka sa akin Hyun-Sik, ano nga ba gusto mong sabihin?
"Tumigil sa pagkain si Hyun-Sik at humingang malalim at nagsalita na."
Hyun-Sik: Ano kasi Ma, may aaminin po ako sa inyo about sa amin ni Seung-Ho.
Misis Lee: Hmm? Sige ano yun anak, makikinig ako. *Nakangiting pagsabi*
Hyun-Sik: Ma, ano kasi, higit sa best friends na yung relasyon namin ni Seung-Ho ngayon... *Nagaalalang pagkasabi*
Misis Lee: Higit sa best friends? Kagaya ng magkapatid?
Hyun-Sik: Hindi Ma, ano kasi, uhmm??? Boyfriend o Kasintahan ko na si Seung-Ho..... Sorry Ma, baka na disappoint kayo sa sinabi ko.
"Humingang malalim si Misis Lee at sumagot."
Misis Lee: Anak, hindi ako galit o disappointed sayo. Mahal kita anak at kung dyan ka masaya, at masaya kayo ni Seung-Ho sa relasyon nyo eh magiging maayos sa akin yun.
Hyun-Sik: Ma! Maraming salamat! Maraming salamat kasi akala ko madidisappoint kayo sa akin.
"Umiyak sa tuwa si Hyun-Sik.
Tumayo si Misis Lee, at niyakap si Hyun-Sik."
Misis Lee: Hyun-Sik, Hindi disappointed si Mama sayo okay? Supsuportahan kita sa lahat ng mga nagpapasaya sa buhay mo anak. Proud ako sayo Hyun-Sik dahil naglakas loob kang sabihin sa akin about sa relasyon nyo ni Seung-Ho.
Tumahan kana anak, love na love kita.
Hyun-Sik: Maraming salamat talaga Ma...
"Bumalik sa kinauupuan si Misis Lee."
Misis Lee: Basta Hyun-Sik ang paalala ko lang hah? Wag puro puso ang gagamitin mo okay? Dapat balanse ang puso at utak lalo na sa relasyon nyo ni Seung-Ho. Kasi kapag mas matimbang ang puso o utak? At hindi sila balanse? Masasaktan ka anak kapag ganun ang ginawa mo. Wala naman masama sa relasyon nyo kahit kasalanan ito sa mata ng iba, pero ang hinihiling ko lang sayo anak na maging masaya ka, huwag matakot na ipakita sa lahat yung relasyon nyo.
Hyun-Sik: Opo Ma, susundin ko po mga paalala nyo sa akin, I love you Ma! Salamat talaga.
Misis Lee: I love you too din anak, oh kain na tayo ulit.
"Naging mapayapa at masayang gabi ito kay Hyun-Sik, dahil hindi humadlang ang kanyang Ina sa relasyon nila ni Seung-Ho.
At iniwanan pa siya ng magandang paalala at kanya itong tinandaan at nilagay sa puso at isipan."
To be continued...
"ANG PAGIGING MATAPANG SA PAGSASABI NG TOTOO SA IYONG SARILI, KASARIAN, AY HINDI MASAMA.
HINDI KAIBIGAN, HINDI IBANG TAO ANG UNANG TATANGGAP SAYO, KUNDI ANG MAGULANG MO NA UNANG UNANG TANGGAP KA KAHIT ANO KA PA.
DAHIL SA PAGMAMAHAL NA TUTUTO TAYONG TUMANGGAP O TANGGAPIN KUNG ANO ANG TOTOONG PAGKATAO AT KASARIAN NG ISANG TAO.
GANYAN ANG PAGMAMAHAL NG ISANG INA SA KANYANG ANAK."
"Napakaswerte ko dahil siya ang Mama ko, dahil tanggap nya ako mula sa pagkatao ko at sa totoong kasarian ko. Maraming salamat Ma!
-Hyun-Sik"
End of Episode 12