Chapter 14 - 제 14 화

"Makalipas ng isang oras ng Press Conference ay hinanap ni Seung-Ho si Hyun-Sik."

"Habang naglalakad ito sa Right Hallway ng Mansion ay na kita nya si Hyun-Sik na nasa Over Looking View Side.

Pinuntahan nya ito at kanyang niyakap habang nakatalikod at nakatingin si Hyun-Sik sa City View."

Seung-Ho: Uhm! Namiss kita Hyun-Sik!

Hyun-Sik: Oh nandyan kana pala.

Seung-Ho: Oo nandito na ako, tsaka tapos na yung Press Conference eh, hmm? Bakit mukhang malungkot ka?

Hyun-Sik: Napapaisip lang ako, pano kung dumating yung araw na matuloy yang kasal nyo?

Seung-Ho: Na rinig mo ata yung sagot ko sa mga Press noh? Well ito sasabihin ko na sayo, sinabi ko lang yun para hindi madisappoint sila Mom and Da sa akin.

Hyun-Sik: Eh ang tanong? Paano tayo? Paano mo masasabi yung sa relasyon natin?

Seung-Ho: Humahanap lang ako ng tyempo, pero for now I want to cherished every moment with you.

"Niyakap ni Seung-Ho ng mahigpit si Hyun-Sik."

Hyun-Sik: Aantayin ko dumating yung araw na masabi mo na sa kanila, kasi si Mama alam na nya yung tungkol sa atin.

Seung-Ho: Huh? So? Ano sabi ni Misis Lee sa atin?

Hyun-Sik: Si Mama sabi nya eh suportado nya relasyon natin, kung san ako magiging masaya eh masaya na din si Mama para sa akin, ayun sabi nya.

Seung-Ho: Nahihiya tuloy ako sayo... Buti ka pa na sabi mo na, eh samantalanh ako hindi pa.

Hyun-Sik: Hindi naman ako nagmamadali kung hindi pa right time na sabihin mo kay Madam Go yan, but kapag na sabi mo na yan sana maganda kalabasan.

Seung-Ho: Sana nga talaga....

"Tinignan ni Hyun-Sik ang kanyang phone at chineck nya kung anong oras na."

Hyun-Sik: 11pm na pala, halika pasok na tayo sa loob, tsaka malamig na dito sa labas.

Seung-Ho: Sige, para makatulog na din tayo.

"Naghawak kamay ang dalawa at pumasok na sa entrance ng Right Hallway ng Mansion."

"Nagpaalam na sa isat isa sila Seung-Ho at Hyun-Sik, at pumunta na sa kanilang mga kwarto."

------

"Hyun-Sik POV"

"Pagkabukas ng pintuan sa kanilang Apartment Room ay na kita nya si Misis Lee na kumakain."

Misis Lee: Oh Hyun-Sik... Nandyan kana pala, halika at samahan mo ako kumain at mukhang hindi ka pa naghahapunan.

Hyun-Sik: Hindi pa nga po ako naghahapunan Ma hehe.

"Umupo si Hyun-Sik at sumabay ng kumain kay Misis Lee."

"Na pansin ni Misis Lee ang malungkot na mukha ni Hyun-Sik."

Misis Lee: Anak? May problema ka ba? Bakit malungkot ka ata ngayon?

Hyun-Sik: Inaalala ko lang po kasi yung nakatakdang arranged marriage ni Seung-Ho.

Misis Lee: Yan ba dahilan kung bakit malungkot ka ngayon?

Hyun-Sik: Opo Ma..

Misis Lee: Alam mo Hyun-Sik, dadaan at dadaan talaga kayo sa mga pagsubok sa pagiibigan nyong dalawa ni Seung-Ho.

Hyun-Sik: Ayun nga po eh.

Misis Lee: Ito may payong Pagibig ako sayo anak. Kung iniisip mo na baka yan yung maging malaking hadlang sa relasyon nyo eh ang isipin mo ay isa itong pagsubok dahil simula't sapul eh ikaw at si Seung-Ho ay parehas na panganay at nag iisang anak sa pamilya.

Hyun-Sik: Ano pong kinalaman nung parehas kaming panganay at nagiisang anak Ma?

Misis Lee: Ito kasi yun, kung sa part ni Seung-Ho, kilalang kilala ko na pamilya nila at gusto nila magkaroon ng sariling Pamilya at mga anak si Seung-Ho dahil sya yung tagapag Mana lahat ng Kayamanan ng pamilyang Go, ayaw nila maputol yung salin lahi ganun.

Hyun-Sik: Nakakalungkot naman Ma yang sinabi mo.

Misis Lee: Wag ka malungkot, kagaya mo lang din si Seung-Ho na gusto ko din na magkaroon ng mga apo sayo bago ako mawala sa mundong ito. Pero dahil tanggap kita kahit sa totoong pagkatao mo. Pero ito masasabi ko, ang magiging malaking hahadlang sa relasyon nyo ay si Madam Go.

Hyun-Sik: Ayun nga din po inaalala ko nung una palang na maging magkarelasyon kami ni Seung-Ho, kaya na hihirapan din sya na magsabi ng totoo kay Madam Go.

Misis Lee: Pero for sure maiintindihan din nila Madam Go yan. Pero for now, maging matatag kayo sa mga pagsubok na darating pa sa inyo, dyan susubukin kung gaano kayo katibay. Oo pwedeng mapagod pero pwede magpahinga at hindi dapat sumuko.

Hyun-Sik: Ma salamat ah, kahit papaano gumaan kalooban ko.

Misis Lee: Anak, I'm care about your happiness, fight for your love, pero naniniwala ako na kung kayo talaga sa huli eh pagtatagpuin at pagsasamahin parin kayo hanggang sa huli, soulmates ika nga.

Hyun-Sik: Sana.. Tanggap ni Papa yung nangyayari sa buhay ko ngayon.

Misis Lee: Hyun-Sik,, kahit nasa langit na ang Papa mo, tanggap kanya, panigurado yun.

"Malakipas ng isang oras ay na tapos na silang kumain at magkwentuhan.

Si Hyun-Sik ay nagprisintang maghugas ng mga pinagkainan at pinauna na nyang matulog si Misis Lee."

-----

"Ara POV"

"Tomorrow Morning"

"6:00am"

"Nagising si Ara at pumunta muna sa kwarto ni Madam Park na Mama nya para kausapin ito."

"Kumatok ito sa pintuan ng kwarto ni Madam Park, pero walang sumasagot kaya binuksan nya ang pinto dahil hindi naman ito nakakandadi."

Ara: Hmmm?? Ang aga naman pumasok ni Mom at Dad... Pero baka nasa drawer ni Mom yung hihiramin ko sanang hikaw, nagpaalam naman ako kagabi.

"Pumunta si Ara sa Drawer at hinanap nya yung hikaw, at sa hindi inaasahan ay may na hulog na isang maliit na libro at na pukaw ang pansin nya dito dahil sa kalumaan ng itsura nito."

Ara: Hmmm? Lumang luma na ito ah, bakit nagtatago ng ganitong libro si Mom? Ano kaya ito? Matignan ko nga..

"Binuklat nya ang libro, at may mga nakasulat, pero pagkabuklat nya ng sumunod na pahina ng libro ay may nahulog na isang picture.

Pinulot ito ni Ara at tinignan."

Ara: Ano ito? Hmm? Isang Babae at may bitbit na bata? Sino kaya ito?

"Tinignan ni Ara ang likod ng picture at binasa ang nakasulat dito."

Ara: May nakasulat sa likod? Hmm..

"Dear Mi-Ran, siguro kung mababasa mo ito eh dalagang dalaga kana. Sana mapatawad mo ako anak kung ipinamigay kita.

Alam mo anak, ang hirap ng buhay natin kaya na gawa kitang ipamigay para lang magkaroon ka ng magandang buhay.

Patawarin mo sana ako, mahal na mahal kita anak."

Ara: Sino si Mi-Ran? Wala naman akong kilalang gangang pangalan.

"Biglang may tumawag sa phone at sinagot ni Ara ang tawag."

Ara: Oh Mom? Na patawag ka?

Madam Park: Ara nakalimutan ko yung hinihiram mo sa akin, kunin mo nalang sa jewelry box ko dyan sa taas ng damitan ko sa loob ng drawer.

Ara: Hmmm?? Ayun na kita ko na po, sige po Mom salamat, babalik ko nalang.

Madam Park: Oh sige at meron pa akong meeting with the client, bye.

*End Call*

"Inayos ni Ara ang Lumang libro at nilagay ulit ang picture dun at umalis na ng kwarto ni Madam Park."

"Makalipas ng isang oras ay bumyahe na sila ni Mi-Young papasok sa school."

"Habang nakatingin si Ara sa bintana ng kotse ay may na pansin syang isang matandang babae na nagtitinda ng fish cake sa daan at pinatabi muna ang kotse."

Ara: Driver! Patabi muna saglit yung kotse.

Driver: Sige po Miss Park.

Mi-Young: Bakit Ara? May bibilhin ka ba?

Ara: Oo hehe mukhang masarap yung fish cake dun oh!

"Tinuro ni Ara yung babaeng matanda na nagtitinda ng fish cake."

Mi-Young: Sige sama ako! Hehe tagal ko na din hindi nakakain nyan.

"Bumaba ang dalawa at nagpunta sa tindahan ng fish cake."

Ara: Uhm? Gandang umaga po, pabili nga po ng uhmmm?

Tindera: Ayan meron ibat ibang sizes mamili kana dyan.

Mi-Young: Ay! Sa akin po ay dalawang medium fish cake po.

Ara: Ako po 1 Large fishcake po.

Tindera: Oh sige sige, sandali lang ah?

"Na pansin ni Ara yung mukha nung tindera."

Ara Mind: "Bakit parang familiar mukha nitong si Manang? Parang na kita ko na sya?"

"At inabot na ng Tindera ang order nila."

Tindera: Oh ito na order nyo.

"Bumalik sa ulirat si Ara dahil dito."

Ara: Ahh?! Ay ito ba po ang bayad.

Tindera: Salamat, sa uulitin!

Mi-Young: Salamat din po Manang!

"Bumalik sa kotse ang dalawa, at umandar na ang kotse.

Napalingon si Ara dun sa tindahan ng fish cake, at binasa nya yung nakasulat sa tindahan."

Ara: Hmmm?? Jeju Fish Cake?

Mi-Young: Ara? May sinasabi ka ba?

Ara: Ahh wala hehe, binasa ko lang yung name nung tindahan na pinagbilhan natin hehe.

Mi-Young: Sa name palang mukhang taga Jeju Island yung owner nyan.

Ara: Siguro nga...

-----

"Dong-Hyun POV"

"Maagang pumasok si Dong-Hyun at para abangan lagi si Mi-Young sa pag pasok.

Pero bago sya mag antay sa labas ng school ay nilagyan nya ng isang regalo at bulaklak sa loob ng locker nito."

"Locker Room Building 1"

Dong-Hyun: Sana matuwa ka sa regalo ko hehe! Mwuah! Ay sandali, sulatan ko muna ng letter.

"Nagsulat si Dong-Hyun ng isang maikling love letter."

"Dear Mi-Young,

Hello! Kamusta kana? Sana magustuhan mo itong regalo ko. Matagal na kitang gusto at na hihiya ako sayo dahil napaka ganda mo.

Pero sana mapasaya ko araw mo.

Sincerely yours: Black Rose."

Dong-Hyun: Ayan! Hehe sige dyan kana okay?

"Sinarado na ni Dong-Hyun ang locker ni Mi-Young.

At nagtago muna si Dong-Hyun sa gilid at inantay nya si Mi-Young.

Makalipas ng ilang minuto ay na kita na nya si Mi-Young na kasama ni Ara."

Mi-Young: Mauna kana sa loob ng classroom Ara, mag kukunin lang ako sa locker ko.

Ara: Sige, bilisan mo lang dahil maya maya eh nandyan na si Sir.

"Binuksan na ni Mi-Young ang kanyang locker at bumungad sa kanya yung nasa loob."

Mi-Young: Sino naglagay nito dito? Hmmm? Ano kaya laman nito? May pabulaklak pa hah and alam ng nagbigay ano favorite flower ko.

"Nakatingin si Dong-Hyun at malaki ang kanyang ngiti dahil binabasa na ni Mi-Young yung letter sa regalo nya."

Mi-Young: From? Black Rose? Sino ba ito? May pa code name pang nalalaman haha, hmm wow! Ang cute naman ng rose gold rose pendant necklace!

"Habang nakatingin si Dong-Hyun ay biglang tinapik sya sa balikat ni Hyun-Sik."

Hyun-Sik: Huy! Anong ginagawa mo dyan Dong-Hyun!

Dong-Hyun: Sshhhh!!! Wag ka maingay! *Pabulong na pagsabi*

Hyun-Sik: Sino ba tinitignan tignan mo?

"At na pansin na ni Hyun-Sik kung sino ang tinitignan ni Dong-Hyun."

Hyun-Sik: Ahh si Mi-Young, haha wow niregaluhan mo sya ng pasikreto ah.

Dong-Hyun: Oo! Eh? Sandali bakit ka nandito?

Hyun-Sik: Eh ayan lang classroom namin oh, tsaka magclassmates kami ni Mi-Young.

Dong-Hyun: Seryoso?!

Hyun-Sik: Oo nga haha bakit? Hmm? Ahh!!! Meron kang gusto kay Mi-Young ano? Haha

Dong-Hyun: Shhh!! Tahimik! Baka marinig tayo dito ni Mi-Young!

Hyun-Sik: Hahaha!! Oh sige mauna na ako sa classroom, goodluck dyan sa torpeng panliligaw mo haha.

"Dahil tumunog ang School class alarm ay tumakbong umalis si Dong-Hyun para hindi sya mahuli sa klase nya."

"At pumasok na si Mi-Young sa classroom at hindi nya na pansin si Dong-Hyun."

------

"Ara POV"

"Pagkapasok ni Mi-Young ay na pansin nya yung dala dalang bulaklak at regalo ni Mi-Young."

Ara: Wow! Kanino galing yan?

Mi-Young: I don't know? And also code name lang nakalagay dun sa letter eh.

Ara: Code Name? Anong Code Name?

Mi-Young: Black Rose nakalagay eh.

Ara: Black Rose? Hmm? Sino kaya yang misteryosong suitor mo haha!

Mi-Young: Sana si Hyun-Sik itong Black Rose haha dama ko sya talaga ito, hindi lang nagsasabi.

"Tumingin si Mi-Young habang nakatalikod si Hyun-Sik sa kanyang kinauupuan.

At sabay tumingin si Hyun-Sik sa kanya at ngumiti ito sa kanya."

Mi-Young: Sabi ko na nga, si Hyun-Sik nga! Haha kung makangiti sa akin oh!

Ara: Hindi naman siguro! Tsaka expensive necklace yang niregalo sayo, at hindi magreregalo ng ganyan si Hyun-Sik noh!

Mi-Young: Ang kill joy mo talaga.

Ara: I'm not being kill joy, pinapaalala ko lang na magkarelasyon sila ni Seung-Ho.

Mi-Young: Kahit magkarelasyon sila eh hahanap at hahanap parin ng babae yang dalawa, sus!

-----

"Makalipas ng ilang oras ay Lunch Break na.

Pagkalabas ng Classroom ni Mi-Young ay na pansin nya yung mga petals ng mga roses sa sahig.

At na kita nya yung isang nakatayong signage poster.

Ang nakasulat ay "Mi-Young, sundan mo ang mga talulot ng rosas at makikita mo ang isa ko pang regalo sayo."

Mi-Young: Hah? Hala sya? Seryoso ito?

Ara: Sabi ko sayo eh, hindi si Hyun-Sik.

"Kinikilig ang mga kaklase nila dahil sa mga nangyayari.

Sinundan ni Mi-Young ang nga petals ng rosas habang kasama nya si Ara.

Nakaturo ang direksyon ng mga rosas sa pababa ng hagdanan, sa hallway, hanggang dun sa school yard.

Sinundan lang ito ni Mi-Young at na gulat sya sa na kita nya."

Mi-Young: OMG! Ito yung! Favorite dress ko na gustong gusto ko mabili ah!

Ara: Oo nga! Itong ito yun sinabi mo sa akin.

Mi-Young: Wait may letter.

"Kinuha ito ni Mi-Young at binasa."

"Dear Mi-Young,

Binili ko na para sayo yung pinaka gusto mong Dress. Gusto ko yan ang susuotin mo sa araw na may lakas na ako ng loob na magpakilala sayo hehe.

Sana magustuhan mo. Oo nga pala bago ang Jeju Island Trip natin, siguro dun na ako magpapakilala sayo. Sige yun lang.

Sincerely yours, Black Rose."

Ara: Aw! Ang sweet!

Mi-Young: Haist, pero sad parin kasi hindi si Hyun-Sik itong si Black Rose.

Ara: But I think itong si Black Rose eh mas better kay Hyun-Sik, baka yan na yung wish mo sa Wishing Latern!

Mi-Young: Sana nga..

-----

"Hyun-Sik and Seung-Ho POV"

"Nakatingin silang dalawa sa bintana mula sa second floor ng Building 1 habang pinagmamasdan nila sila Mi-Young at Ara sa school yard habang marami ding students na nakapalibot sa kanila."

Seung-Ho: Sino kaya yang suitor ni Mi-Young, mukhang mayaman ah, halatang expensive mga regalo sa kanya.

Hyun-Sik: Maybe, pero kilala ko yang gumawa nyan.

Seung-Ho: Kilala mo kung sino?!

Hyun-Sik: Oo, at na gulat ako kasi hindi halata sa kanya na mayaman sya.

Seung-Ho: Huy! Share naman kung sino yan! Haha

Hyun-Sik: At kelan ka pa naging chismoso? *Nagsungit*

Seung-Ho: Grabe naman ito sa akin! Nagsusungit ka na naman, nagtatanong lang eh. *Nalungkot kunwari*

Hyun-Sik: Aish! Bakit ganyan nag papaawa yang face reaction mo sa akin ahmpf!

Seung-Ho: Sige na please! Sige ka! Walang kiss at lambing mamaya..

Hyun-Sik: Kaya ko naman magsarili.

Seung-Ho: Hah?! Anong kaya mo magsarili?! Haha hoy! Iba ata yang sinasabi mo!

Hyun-Sik: Gago! Bastos din ng nasa isip nito! Meaning ko I can take care of my self!

Seung-Ho: Haha oo sige na nga! Pero sino nga ba yang misteryosong suitor ni Mi-Young?

Hyun-Sik: Si Dong-Hyun.

Seung-Ho: Dong-Hyun? Sino yun? At anong Building sya pumapasok?

Hyun-Sik: Sa building 2 sya pumapasok, at sya yung niligtas ko sa mga bully na nambubugbog sa kanya, kaya nga nung nakaraan eh na kita mi akong may sugat sa labi at nakabenda ang kamay ko diba?

Seung-Ho: Ahh sya pala.... Pero ano ba itsura nun?

Hyun-Sik: Ito, saglit lang ipapakita ko.

"Kinuha ni Hyun-Sik ang phone nya at nag browse sya sa Facebook at ipinakita ang social media account ni Dong-Hyun kay Seung-Ho."

Seung-Ho: Ahh ok? Kaso nga lang... Itsura nya eh ang weird, school geek nerd ba ganun.

Hyun-Sik: Ang sama naman nito! Oh sya at gutom na ako! Haha kain na tayo!

Seung-Ho: Sige haha double lunch kakainin ko ngayon haha gutom na ako eh.

Hyun-Sik: Gagi! Baka lumobo ka nyan haha!

"At tuluyan na silang pumunta sa Cafeteria para mag Lunch."

-----

"Makalipas ng ilang oras sa school ay nagsiuwian na sila.

Nagpaalam na muna si Hyun-Sik kay Seung-Ho na pupunta na sya sa kanyang part time job sa Barbecue House."

Hyun-Sik: Mauna kana umuwi sa Mansion Seung-Ho.

Seung-Ho: Oh? Bakit mauuna ako? San ka na naman pupunta? Sabay na tayo!

Hyun-Sik: Dun syempre sa Barbecue House, may trabaho pa ako diba remember?

Seung-Ho: Ahh oo nga pala, hehe sige ingat.

Hyun-Sik: Eh diba nag apply ka din dun?

Seung-Ho: Ayaw ko na dun! Haha bigat ng trabaho haha.

Hyun-Sik: Haha ayan kasi pasikat pa sa akin eh haha.

Seung-Ho: Oo na oo na! Haha, mayang paguwi mo sunduin kita ok?

Hyun-Sik: Ok po master haha! Sige mauna na ako sayo, ingat ka love you!

Seung-Ho: Love you too! Ingat ka din!

-----

"Ara POV"

"Makalipas ng ilang oras, lumabas si Ara sa Mansion at naglakad papunta ng Convenience Store."

"Habang naglalakad ito ay nakabanggaan nya sa paglalakad ang isang matandang babae."

Ara: Ah! Sorry po, ok lang po ba kayo?

Old Lady: Ayus lang ako, sensya na din kung hindi kita na pansin.

"Tinulugan ni Ara na pulutin ang gamit ng matandang babae at na pansin nya ang isang picture."

Ara: Manang sa inyo po ata itong picture.

Old Lady: Ahh oo sa akin nga yan salamat.

Ara Mind: "Parang na kita ko na yung picture? San ko ba na kita yun?"

"Bumalik sa kanyang ulirat si Ara dahil kinausap sya ng matandang babae."

Old Lady: Mauna na ako, salamat sa pagtulong magpulot ng mga gamit ko.

Ara: Walang anuman po Manang, ingat nalang po kayo next time.

Old Lady: Ohh sige sige.

"Umalis na ang matandang babae, at pinagmasdan ito ni Ara.

At meron syang naramdamang kakaiba dun sa babaeng matanda."

Ara: Sya yung tindera sa Fish Cake ah? Tsaka bakit parang kilala ko sya? Hmmm? Magaan loob ko sa kanya...

"Biglang may tumawag sa phone ni Ara at kanya itong sinagot."

Ara: Hello?

Mi-Young: Ara na saan ka?

Ara: Nandito lang ako sa convenience store bakit?

Mi-Young: Umuwi ka agad ah! May ipapakita ako sayo.

Ara: Ahh sige sige, pauwi na din ako after ko bilhin yung Jjampong Noodles dito okay?

Mi-Young: Ok ingat ka sa paguwi.

*End Call*

To Be Continued...

End of Episode 14