"Makalipas ang ilang araw pagkatapos ng nangyaring Family Dinner na naging disaster dahil nalaman ni Seung-Ho na si Ara o Park Ara na mas kilala nya sa school na Jung Ara ay sya pala ang anak na babae nila Mister Park at Misis Park na ipapakasal sa kanya.
Naging tahimik lang si Seung-Ho at hindi na inalala ang gabi na iyon.
Makailang ulit na nag tanong si Hyun-Sik kung sino ang babae na ipapakasal sa kanya pero hindi ito masabi ni Seung-Ho sa kanya.
Ano na nga ba ang mga susunod na mangyayari sa kanilang dalawa?
Ano pa bang mga malalaking revelations ang magaganap?"
"Nanatiling masaya si Seung-Ho at Hyun-Sik sa kanilang lihim na relasyon"
------
"11:00 am Sunday"
"Hyun-Sik POV"
Hyun-Sik: Nakakatamad naman ang araw na ito..... Day Off sa trabaho, wala namang pasok sa school, wala na naman din dapat ireview na mga last lessons namin... Paano ba ito, nakakatamad talaga.
"Kumatok at binuksan ng Mama ni Hyun-Sik ang kwarto at ito ay pumasok."
Mother: Hyun-Sik, anak, pwede ba pasuyo saglit? Hindi kasi ako makapag groceries ngayon dahil marami pa akong ginagawa sa Kusina ng Mansion.
Pwede bang ikaw muna bumili ng groceries?
Hyun-Sik: Sige po Ma, gagawin ko po, kunin ko nalang po yung listahan na bibilhin ko po.
Mother: Ito na yung listahan na bibilhin mo at yung pera. Ah sya nga pala bumili ka na din ng Radish Kimchi at Jjampong Instant Noodles kasi na ubusan na tayo ng stocks.
Hyun-Sik: Sige po Ma, alis na po ako.
Mother: Sya nga pala, wag kana mag Bus papunta sa Groceries, kasama mo si Manong Driver sa pamimili, ingat kayo doon anak.
"Tuluyan ng umalis sa Mansion si Hyun-Sik at kasama ang Driver ni Seung-Ho papunta sa Pamilihan"
Manong Driver: Mukhang madami ang ipapamili mo Hyun-Sik ah.
Hyun-Sik: Oo marami nga, karamihan din ng bibilhin ko eh food stocks sa kusina ng Mansion.
Manong Driver: Buti nalang at pinasuyo ka sa akin ni Master Go para tulungan ka.
Hyun-Sik: Si Seung-Ho? Ay oo nga pala na saan si Seung-Ho?
Manong Driver: Nandoon pa sa kwarto nya, may ginagawa pa daw sya pero susunod sya sa atin sa Grocery Store.
Hyun-Sik: Ahh ganun ba..
"Dumating na sa Grocery Store si Hyun-Sik at si Manong Driver at sinumulan ng maghanap ng mga items na bibilhin nila."
"Makalipas ng ilang minuto, nag hiwalay muna silang dalawa ni Hyun-Sik at si Manong Driver para paghatian ang mga nasa listahan na kanilang bibilhin."
"Dahil naka focus sa paghahanap sa listahan ng pinamimili at paghahanap ng food items sa mga nakadisplay na paninda ay hindi inaasahang nagkabungguan si Hyun-Sik at ang isang babae."
Hyun-Sik: Nako Miss sorry! Sorry! Pasensya na! Hindi ko sinasadya.
Girl: Sorry din! Hehe kung saan saan kasi ako nakatingin kaya hindi kita na pansin na magkakasalubungan tayo.
"Tinulungan ni Hyun-Sik ang babae na pulutin ang mga na hulog na grocery items nito, at tinulungang ayusin ang mga ito sa bitbit na basket ng babae.
Hindi din inaasahang magkakadampi ang kanilang mga kamay dahil dito.
At parehas silang nagkatitigan at na hiya sa isat isa."
Girl: Hehe Sorry... *Namula ang mga pisngi*
Hyun-Sik: Sorry din.
Girl: Sige mauna na ako, salamat sa pagtulong sa pagaayos ng mga groceries ko.
Hyun-Sik: Sige sa susunod magingat ka.
"Tumalikod na ang babae at hinawi ang kanyang kanang buhok sa kanyang tenga, at ito ay kinilig.
Nakatingin lang si Hyun-Sik sa babae ng walang reaksyon habang ito ay naglalakad palayo sa kanya."
-----
"Ara POV"
"At Grocery Store"
Ara: Oh!? Biglang nawala si Mi-Young!?
"Habang tinitignan at hinahanap niya si Mi-Young at ito ay kanya na nyang na kita at merong malaking ngiti sa kanya."
Ara: Hoy Mi-Young! Kung saan saan kita hinahanap eh nandyan ka lang pala.
Mi-Young: Sorry! Hehe *Still Blushing*
Ara: Ano ang nangyari sayo? Bakit ganyan itsura mo? May nangyari bang maganda kaya ka ganyan kung makangiti at ganyan kapula mga pisngi mo?
Mi-Young: Ah wala ito, ano kasi may nakasalubong ko at na bangga ako ng gwapo at makisig na lalake kanina.
Ara: Oh tapos?
Mi-Young: Basta ang gwapo nya!
Ara: Magtigil ka na nga dyan Mi-Young, ay oo nga pala, kailan ka magstart pumasok sa school ko?
Mi-Young: Bukas na ako makakapasok! And also good news!
Ara: Ano naman yang good news na yan?
Mi-Young: Magkaklase tayong dalawa! Diba exciting yun? Hehe
Ara: Ayus yan at least may makakasabay na akong umuwi galing school!
Mi-Young: Yeah! I'm here with you always my dearest cousin!
-------
"Habang naglalakad si Hyun-Sik papunta sa Noodles section at na kita nya si Ara, at na pansin nyang may kausap ito na nasa likod ng shelf ng Noodles section."
Hyun-Sik: Si Ara yun ah? At sino naman yung kausap nya."
"Biglang may umakbay sa balikat ni Hyun-Sik at pagkatingin nya sa left side nya ay si Seung-Ho pala ang umakbay sa kanya."
Hyun-Sik: Huy! Kaw pala yan! Bakit ngayon ka lang?
Seung-Ho: Tinapos ko lang yung nilalaro ko sa PS4 hehe, hindi mo ba ako na miss?
"Niyakap ni Seung-Ho si Hyun-Sik at hinalikan ito sa kanyang Noo."
Hyun-Sik: Huy! May makakita sa atin! Nasisiraan ka na ba?
Seung-Ho: Sorry na! Sadyang na miss lang kita eh.
Hyun-Sik: Magtigil ka nga dyan, kapag may nakakita sa atin eh biglang may kumuha ng pictures dyan at ikalat sa Media yung pictures natin, alalahanin mo Artista ka, Pop star ka, at ayoko naman magka-issue ka.
Seung-Ho: Oo na po, sorry na nga eh. *Nagmamakaawa at nakatitig ng nakakaloko*
Hyun-Sik: Yang tingin mo ah? Tigilan mo yan! Ang pilyo nito, pwede naman mamaya sa kwarto ko tayo maglambingan wag dito.
Seung-Ho: Promise yan? Hehe
Hyun-Sik: Oo na oo na sige na! Oh ito para may maitulong ka at hindi ka naka tunganga dyan, ikaw mag tulay ng grocery cart.
Seung-Ho: Sandali lang? Diba ako ang Master sa Mansion? Bakit ako inuutusan mo? *Tumingin ng masama*
Hyun-Sik: Edi kung ayaw mo, edi wag! Walang lambingan time mamaya! Dyan ka na nga!
"Biglang hinila ni Hyun-Sik ang Grocery Cart at naglakad palayo kay Seung-Ho"
Seung-Ho: Sorry! Sige na nga at ako na magtutulak ng Grocery Cart. I love you!
Hyun-Sik: I love you too!
"Makalipas ng ilang minuto ng pamimili sa grocery store ay pumunta na sila Parking lot.
Habang inaayos at inilalagay ang mga pinamiling Groceries sa kotse ay na kita ni Seung-Ho si Ara sa kabilang nakaparadang Kotse.
Na kita din ni Ara si Seung-Ho at nagkatitigan sila ng saglit."
Driver: Miss Ara sumakay na po kayo sa kotse.
Ara: Ah sige salamat.
"At pumasok na si Ara sa kotse at tuluyan ng umalis.
At tuluyan na ding na ayos ang mga pinamiling groceries na nilagay sa kotse at sila ay umalis na din at bumalik na sa Mansion."
-----
"Ara POV"
"Nakauwi na si Ara at si Mi-Young sa Park Mansion residence.
Silang dalawa ay nagpunta sa kwarto ni Ara at nagkwentuhan."
Ara: Kamusta naman buhay sa America?
Mi-Young: Maayos naman, pero sa 2 years na nilagi ko dun eh naging loner ako dun.
Ara: Hah? Loner? Bakit? Wala ka bang mga naging kaibigan dun?
Mi-Young: Meron naman.
Ara: Kamusta weather dun?
Mi-Young: Same dito sa Korea, merong winter and summer, pero kapag summer naman dun eh masyadong mainit.
Ara: Haha okay nga yun eh.
"Habang nagbrowse si Ara sa kanyang social media ay na kita nya ang Pictures ni Seung-Ho at Hyun-Sik.
Sumilip si Mi-Young sa Phone ni Ara."
Mi-Young: Wait? Naka follow ka kay Seung-Ho?! Yung sikat na sikat na Pop idol?!
Ara: Ahh oo bakit?
Mi-Young: Wow!!! That's amazing!
"Sinilip ulit ni Mi-Young ang phone ni Ara."
Mi-Young: Wait a minute? Sino yang kasama ni Seung-Ho sa pictures nya!?
Ara: Ahh si Hyun-Sik, yung best friend nya.
Mi-Young: What?! Best friend nya?! Omg parehas silang gwapo! Wait!? Pop Idol din ba yang si Hyun-Sik?
Ara: Hindi, ano anak ng kasambahay nila Seung-Ho dun sa Mansion nila.
Mi-Young: Ahh ganun ba pero wait? He looks familiar to me... Hmmmm?
*Flashback*
"At Grocery Store"
Hyun-Sik: Nako Miss sorry! Sorry! Pasensya na! Hindi ko sinasadya.
Girl: Sorry din! Hehe kung saan saan kasi ako nakatingin kaya hindi kita na pansin na magkakasalubungan tayo.
"Tinulungan ni Hyun-Sik ang babae na pulutin ang mga na hulog na grocery items nito, at tinulungang ayusin ang mga ito sa bitbit na basket ng babae.
Hindi din inaasahang magkakadampi ang kanilang mga kamay dahil dito.
At parehas silang nagkatitigan at na hiya sa isat isa."
Girl: Hehe Sorry... *Namula ang mga pisngi*
Hyun-Sik: Sorry din.
Girl: Sige mauna na ako, salamat sa pagtulong sa pagaayos ng mga groceries ko.
Hyun-Sik: Sige sa susunod magingat ka.
*Flashback End*
Mi-Young: I remember him!!! Sya! Sya yung sinasabi kong nakabanggaan ko sa grocery store kanina! Yung! Yung! Yung gwapong lalake na makisig na sinabi ko sayo Ara!
Ara: Kalma! Huy!
Mi-Young: I'm sorry hehe nadala lang ako ng emotions ko.
Ara: So na meet mo na pala sya accidentally.
Mi-Young: Yes! Pero wow! Mas bet ko yang si Hyun-Sik kesa kay Seung-Ho, masyado syang manly at alam mo yun para syang si.....
Ara: Mi-Young! Tumigil ka na nga, hindi ka parin nagbabago, nandyan ka parin lagi sa mga imaginations mo.
Mi-Young: Well let's say imaginations pero na kukuha ko kung sino gustuhin ko.
Ara: Well goodluck sayo.
-----
"Dumating na sila Go Mansion Residence galing sa Grocery Store.
At sinalubong sila ni Misis Lee at dalawa pang kasambahay sa tapat ng parking lot ng Mansion."
Misis Lee: Hyun-Sik, salamat at nakauwi na kayo.
Hyun-Sik: Ang dami ng pinamili Ma, nakakapagod hehe pero ayus naman.
Misis Lee: Oh Seung-Ho kasama ka pala ni Hyun-Sik sa grocery store?
Seung-Ho: Opo, wala naman din po akong magawa dito sa Mansion kaya sumunod ako papuntang grocery store at tulungan si Hyun-Sik.
Misis Lee: Maraming Salamat Seung-Ho, Oh siya, dun na kayo sa loob ng Mansion at magpahinga na kayong dalawa.
"Tuluyan ng pumasok sa Mansion si Seung-Ho at Hyun-Sik at parehas silang dumiretso sa Apartment House nila Hyun-Sik."
Misis Lee: Oh kayong dalawa, pasuyo naman na ipasok na sa loob ng kusina yung mga pinamiling Groceries.
Maids: Masusunod po Misis Lee.
-----
"Nakarating na ang dalawa sa Apartment Room at pumasok na sila sa Kwarto ni Hyun-Sik."
"Sabay silang na higa sa kama, at inunat ang mga kanilang katawan dahil sa nararamdaman nilang pagod dahil sa pamimili sa grocery store."
Hyun-Sik: Ahhh! Ang sarap humiga!
Seung-Ho: Sinabi mo pa!
Hyun-Sik: Nakakapagod ang araw na ito pero nag enjoy naman ako, ikaw ba? Nag enjoy din ba?
Seung-Ho: Oo naman, pero sa totoo lang hindi ko pa na gagawa mag groceries ng ganyang kadami.
Hyun-Sik: Seryoso?
Seung-Ho: Syempre, madalas nga diba yung mga kasambahay at si Misis Lee ang gumagawa nyang trabaho na mamili.
Hyun-Sik: Sabagay, ikaw pala ang anak ng Amo nila Mama.
"Tumagilid ng pagkakahiga si Seung-Ho at humarap kay Hyun-Sik."
Seung-Ho: Oh? Akala ko ba lambingan time tayo ngayon?
Hyun-Sik: May sinabi ba ako?
Seung-Ho: Oo kanina nung nasa grocery store tayo.
Hyun-Sik: Ahh oo nga pala, na aalala ko na. *Biglang ngumiti*
Seung-Ho: Ikaw ah! Nakakalimot ka o sadyang kinakalumutan mo? Haha
Hyun-Sik: Anong sabi mo?
Seung-Ho: Wala! Ang sabi ko ang baho mo na! Amoy pawis kana! Hahaha
Hyun-Sik: Sira ulong toh! Haha
"Sinipa ni Hyun-Sik si Seung-Ho sa Kama at naging dahilan para mahulog si Seung-Ho sa kama.
Hinablot ni Seung-Ho ang Kumot at bigla nya itong itinalukbong kay Hyun-Sik."
Hyun-Sik: Aish!! Stop!! Hahaha
Seung-Ho: Anong stop!? Haha humanda ka sa akin ngayon! Haha
"Kiniliti ni Seung-Ho ang tagiliran o bewang ni Hyun-Sik."
Hyun-Sik: Hahahaha hoy! Hahahaha tumigil ka na! Hahahahaha
Seung-Ho: Hindi kita tatantanan kilitiin! Hahaha
"Makalipas ng ilang minutong paghaharutan.
Nakapatong si Seung-Ho sa ibabaw ni Hyun-Sik habang si Hyun-Sik ay nakahiga."
"Dahil sa kanilang pagtitinginan, nag init ang kanilang mga katawan, ipinulupot ni Hyun-Sik ang kanyang mga braso at kamay nya sa likod ng katawan ni Seung-Ho.
Papalapit ng papalapit ang kanilang mga labi sa isat isa.
Halos parehas nilang nararamdaman ang mainit na hininga."
Seung-Ho: Okay lang ba sayo na halikan kita sa labi Hyun-Sik?
Hyun-Sik: Oo, okay lang sa akin..
Seung-Ho: I Love you! I love you Hyun-Sik.
Hyun-Sik: I love you too Seung-Ho.
"Halos magdampi na ang kanilang mga labi.... At sabay may kumatok sa kwarto.
At kadahilanang na udlot ang unang halik sa labi ng dalawa."
Tok! Tok! Tok!
Misis Lee: Hyun-Sik at Seung-Ho! Kung na tutulog kayo dyan eh gumising at bumangon na kayo dyan, nakahanda na ang hapunan dun sa Dinning Hall.
"Biglang nanlaki ang kanilang mga mata at na gulat.
Sila ay biglang umayos at umupo sa kama."
Hyun-Sik: Sige po Ma! Susunod na kami.
Seung-Ho: Pupunta na po kami.
"Dali dali silang nag ayos sa sarili."
Hyun-Sik: Ahh.. Ano Seung-Ho, mauna na ako.
"Biglang hinila ang kamay ni Hyun-Sik at niyakap ni Seung-Ho si Hyun-Sik.
Hinalikan ni Seung-Ho si Hyun-Sik sa noo at niyakap ulit."
Seung-Ho: Sa noo muna kita hahalikan Hyun-Sik, siguro hindi pa ito ang tamang oras na mahahalikan kita sa mga mapupula mong labi.
Hyun-Sik: Na iintindihan ko, at aantayin ko ang oras na yun, at ikaw lang ang unang makakahalik sa mga labi ko.
Seung-Ho: I love you Hyun-Sik.
Hyun-Sik: I love you too Seung-Ho.
"Sila ay lumabas na ng Apartment at pumunta na sa Dinner Hall ng Mansion."
"ANO KAYA ANG MAGIGING PAPEL SA BUHAY NI HYUN-SIK SI MI-YOUNG?
AT ITO BA AY MERONG HINDI MAGANDANG MANGYAYARI SA RELASYON NI SEUNG-HO AT HYUN-SIK?
ANO NGA BA ANG DAHILAN BAKIT BUMALIK SA SOUTH KOREA SI MI-YOUNG?"
I love you for a thousand times, I'll promise no one can separate us.
-Seung-Ho
I will conquer your world until death comes, but also death can't separate our love to each other, I promise.
-Hyun-Sik
End of Episode 9