"Monday School"
"Hyun-Sik POV"
"Magkasabay na pumasok si Hyun-Sik at Seung-Ho sa school.
Pero nagpaalam si Hyun-Sik na pupunta muna sya sa Library para isauli ang libro na hiniram na."
"Habang naglalakad si Hyun-Sik papuntang Library ay may na rinig syang usapang tila ba ay nag-aaway."
Hyun-Sik: Ano kaya yung ingay na yun? Bakit parang may nag-aaway?
"Sinundan ni Hyun-Sik ang na ririnig nya at kung ano ang nangyayari.
At kita nyang may pinagtutulungang isang student na bugbugin ng lima pang student.
At tumakbo si Hyun-Sik at para awatin ang mga ito."
Student Guy 1: Ano! Bumangon ka dyan!
Student Guy 2: Binubugbog namin tulad mong nerd dito sa school, tapos ano? Papalya ka sa una naming inuutos sayo!? Hah?!
"Sinapak nila at pinagtatadyakan ulit yung isang student na nakaupo sa isang gilid."
Hyun-Sik: Hoy! Ano yan! Magsitigil nga kayo! Hindi tama yang ginagawang pambubully nyo! *Shouting*
Student Guy 2: Wow sino ka naman ba hah?! Ang angas mo ah!?
Student Guy 1: Huy pre! Yan yung kaibigan nung Artistang si Seung-Ho.
Student Guy 2: Ahh!! Wala akong pakealam! Ang ayoko yung may pakealamero! *Pagalit na sigaw*
"Biglang sinunggaban ng Student na bully sa pagsapak si Hyun-Sik.
Pero nakailag si Hyun-Sik at noong aambang gumanti sya ng suntok ay bigla syang sinapak ng isa pang student na bully at na sapak sa mukha si Hyun-Sik, at kadahilanang na tumba sya at mapahiga sa sahig."
Hyun-Sik: Arrghhh!! Damn it!
Student 2: Napakapakealamero mo kasi! Sa susunod wag na wag kang mangingialam hah?!
"Tumayo si Hyun-Sik at ginantihan ng sapak yung Student na bully at ito ay na tumba sa lakas ng pagkakasapak ni Hyun-Sik dito."
Student Guy 1: Halika na pre, tama na, wala tayong laban dyan, kapag nalaman ng kaibigan nyan eh tayo ang malilintikan.
"At tumakbo palayo ang limang student na bully sa takot na baka nga malintikan sila lalong lalo na kay Seung-Ho."
Hyun-Sik: Wag na kayong babalik!!
"Nilapitan ni Hyun-Sik yung student na bugbog sarado na nakaupo sa isang gilid."
Hyun-Sik: Hmm? Ayus ka lang ba?
Student: Ahh?? Medyo.
"Biglang tumayo ang student na binugbog pero ito ay tumumba sa pagkakatayo dahil na puruhan ng pagsipa sa kanya sa kanyang binti."
Hyun-Sik: Abutin mo kamay ko, at tulungan kita na makalakad papuntang Clinic.
Student: Ahh, sige salamat, hmpfff!! *Pilit na tumayo kaya nakaramdam ng pananakit sa katawan*
"Habang naglalakad sila at inaalalayan ni Hyun-Sik na maglakad yung student ay nagkwentuhan sila saglit."
Hyun-Sik: Anong pangalan mo? Bakit ka nila binugbog?
Dong-Hyun: Ahh.. Pangalan ko pala ay Choi Dong-Hyun, binugbog ako ng mga yun dahil inutusan nila akong kainin yung basura.
Hyun-Sik: Ahh Chun Dong-Hyun pala pangalan mo, nice to meet you.
Don't worry next time hindi kana mabubully ng mga yan.
Dong-Hyun: Salamat.. Lalo na pinigilan mo sila, pati ikaw na damay pa, ayan tuloy pati ikaw binugbog hehe.
Hyun-Sik: Nako wala yun! Ang importante na ligtas kita sa pambubugbog sayo hehe.
Dong-Hyun: Ano nga pala pangalan mo?
Hyun-Sik: Pangalan ko? Ako pala si Lee Hyun-Sik, just call me Hyun-Sik hehe.
"Na pansin ni Dong-Hyun na may sugat si Hyun-Sik sa kanang kamay at nagdudugo."
Dong-Hyun: Ahh? Hyun-Sik nagdudugo ata yung kanang kamay mo?
Hyun-Sik: Hah? Nagdudugo?
"Tinignan ni Hyun-Sik ang kanang kamay nito."
Hyun-Sik: Oo nga, siguro dahil sa pagkakabagsak ko sa sahig at na sugatan ako kanina ng hindi ko alam.
Dong-Hyun: Ayan na pala yung Clinic. Bilisan nalang natin maglakad.
"Nagpunta na sila sa Clinic ng magkaakbay sa balikat yung dalawa at inaalalayan ni Hyun-Sik maglakad si Dong-Hyun dahil hindi nga ito makalakad ng maayos."
"Mga ilang minuto lang ay nakarating na sila sa Clinic."
Nurse: Anong nangyari sa inyo!? *Nag Panic*
Hyun-Sik: Ito kasing kasama ko, na abutan kong binubugbog ng iba pang Student noong papunta ako sa Library.
Nurse: Ah ganun ba, sige at alalayan mo sya ihiga dun sa kama okay?
"Inasikaso ng Nurse si Dong-Hyun at binigyan ng paunang lunas sa mga sugat nito. At si Hyun-Sik ay na upo muna sa isang tabi.
Pagkatapos ng ilang minutong pang bibigay ng paunang lunas kay Dong-Hyun ay na pansin ng Nurse ang dugo sa sahig, at na gulat ito dahil na kita nyang nanggagaling ito sa kamay ni Hyun-Sik."
Nurse: Jusko! Sandali lang kunin ko lang yung panlinis ng sugat.
Hyun-Sik: Ahh sige po.
"Nilinis, ginamot at binendahan ng Nurse ang kanang kamay ni Hyun-Sik."
"Makalipas ang isat kalahating oras ay umalis na ang dalawa na si Hyun-Sik at Dong-Hyun sa Clinic."
Duk-Gu: Sige salamat ulit sa pagliligtas mo sa akin ah?
Hyun-Sik: Your Welcome, sige balik na ako sa classroom namin.
Dong-Hyun: Bye!
"At naghiwalay na sila ng landas at naglakad na papunta ng kanilang classroom."
------
"Seung-Ho POV"
"School Yard, Lunch Time"
Seung-Ho: Na saan ba si Hyun-Sik? Ang tagal naman ata nya sa library?
"Kinuha nya ang kanyang Phone at sinimulan nyang itext si Hyun-Sik."
"To Hyun-Sik: Na saan ka na ba? Nandyan ka pa ba sa Library?
Sabay na tayo mag lunch sa cafeteria.
Reply ASAP, Love you! ❤️"
"Habang tinetext ni Seung-Ho si Hyun-Sik ay na rinig nyang may tumawag sa pangalan ni Ara."
Mi-Young: Ara! Sabay na tayo mag lunch! Samahan mo ako sa cafeteria nyo dito hehe!
Ara: Sige Mi-Young.
"Pagkatapos itext ni Seung-Ho si Hyun-Sik ay ito ay tumingin sa direksyon kung na saan si Ara.
At nagkatinginan silang dalawa ni Ara."
------
"Habang nagkatitigan yung dalawa ay biglang inakbayan sya ni Hyun-Sik."
Hyun-Sik: Huy! Nandito na ako hehe na basa ko text mo sa akin.
Seung-Ho: Ahh? Ah! Ganun ba hehe.
Hyun-Sik: Sino ba tinitignan mo dyan, at tulala ka?
Seung-Ho: Ahh wala yun, wag mo na pansinin.
"Na pansin ni Seung-Ho ang labi ni Hyun-Sik na may sugat ito at pati ang kanang kamay nito."
Seung-Ho: Anong nangyari sayo? Bakit may sugat labi mo at nakabenda yang kanang kamay mo?
Hyun-Sik: Ahh may inawat lang ako na binubugbog ng limang student yung isang student.
Tapos ayun nga at dahil inawat ko, napaaway ako ng wala sa oras hehe, pero don't worry, maayos na naman ako."
Seung-Ho: Sino yung limang student na yun? Ako makakaharap ng mga gagong yun!
Hyun-Sik: Wag na! Tapos na eh, nangyari na.
Seung-Ho: Alam mo naman na ayokong may ibang mananakit sayo eh, nako naman! Ayan tuloy may sugat ka sa labi at kanang kamay mo, masakit ba?
Hyun-Sik: Medyo pero kaya naman indahin yung sakit hehe.
Seung-Ho: Patingin nga yang kanang kamay mo!
"Inabot ni Hyun-Sik ang kanyang kanang kamay at kinuha naman nito ni Seung-Ho."
Seung-Ho: Aish! Pagkauwi natin eh ako gagamot dyan mamaya.
"Habang hinahawakan at tinititigan ni Seung-Ho ang kanang kamay ni Hyun-Sik na may benda.
Biglang kunuha ni Hyun-Sik ang kanang kamay ni Seung-Ho gamit din ang kanang kamay nya at ipinatong sa kaliwang dibdib ni Hyun-Sik ang kanang kamay ni Seung-Ho."
Hyun-Sik: Ang sabi ko kasi maayos naman ako diba? Masyado kang nagaalala sa akin.
Seung-Ho: Syempre nagaalala ako, eh pinagaalala mo ako lalo na sa nangyari sayo eh.
Hyun-Sik: Nararamdaman mo naman pagtibok ng puso ko sa dibdib ko diba? Diba kalmado pagtibok ng puso ko?
Seung-Ho: Uhm? Oo kalmado nga, bakit?
Hyun-Sik: Nandyan kana kasi sa tabi ko, at ikaw yung dahilan ng bawat pagtibok ng puso ko. Kaya wag kana magalala pa okay? Lagi akong maayos at walang nararamdaman na sakit kapag nandyan ka, kasi ikaw ang kalakasan ko.
Seung-Ho: Oh basta ah! Wag mo na uulitin maging super hero dyan na sumusugod magisa okay?
"Naging center of attraction si Seung-Ho at Hyun-Sik dahil sa kanilang ginagawa."
Girl Student: Aw! Ang sweet nilang mag best friend!
Girl Student 2: Sana boy best friend ko din si Seung-Ho! Ahh!! Nakakalig!
"Dahil na pansin na ng dalawa na pinagtitinginan na sila ay bumitaw na sila sa pagkakahawak kamay sa dibdib ni Hyun-Sik."
Seung-Ho: Halika na, gutom na gutom na ako haha!
Hyun-Sik: Parehas lang tayo haha.
"Inakbayan ulit ni Hyun-Sik si Seung-Ho at pumunta na sa Cafeteria para mag lunch."
-----
"Ara POV"
"Habang magisa si Ara sa roof top ng building 1 ng Campus, nakatingin sya sa kalangitan at nag iisip."
"Nasasaktan ako sa tuwing na kikita ko silang magkasama, hindi ko na alam ang gagawin ko, habang tumatagal mas lalong tumitindi ang pagmamahal ko kay Seung-Ho.
Ang bilis kong minahal si Seung-Ho, akala ko totoo ang mga pinapakita nya sa akin, akala ko tunay yung pagmamahal nya sa akin, akala ko tunay ang mga halik nya sa akin.
Seung-Ho, mahal na mahal kita, at gusto kong ipaglaban itong nararamdaman ko sayo.
Kahit may kaagaw ako sayo, kahit may ibang laman ang puso mo."
*Flashback behind the scenes of Episode 3 "Questionable Love"*
Seung-Ho: Uhm? Ara, pwede ko bang mahingi phone number mo?
Ara: Pwede naman, pahiram ng phone mo.
"Pagkatapos ilagay ni Ara ang kanyang phone number sa phone ni Seung-Ho ay kanya na itong ibinalik."
Seung-Ho: Salamat! Hehe.
Ara: You're welcome.
"Habang naghihintay si Ara sa bus station, hindi nya na papansin na nasa likod lang nya si Seung-Ho."
Ara: Ang tagal ng bus, makapag lakad na nga lang pauwi.
"Tumayo si Ara sa kanyang kinauupuan at sinimulan na nyang maglakad.
Pero hindi parin nya na papansin na sinusundan lang sya ni Seung-Ho sa kanyang likuran.
Habang naglalakad si Ara ay may dumating na text messege sa kanyang phone at ito ay kanyang binasa."
"From Seung-Ho: Nandito ako, nasa likod mo."
"Lumingon si Ara sa kanyang likod at na kita nya si Seung-Ho na nakangiti sa kanya."
"Malayo ng 15 meters si Seung-Ho kay Ara."
Ara: Oh! Kanina ka pa nandyan Seung-Ho?
Seung-Ho: Ahh oo hehe, sa totoo lang kanina pa kita sinusundan nung nasa bus station ka pa.
Ara: Bakit mo ako sinusundan?
"Naglakad si Seung-Ho papalapit kay Ara, at nagkalapit na sila sa isat isa.
At sa hindi inaasahan inilapit ni Seung-Ho ang kanyang mukha kay Ara na halos magkadikit na ang kanilang ilong."
Ara: Ahhh! Ano! Sige mauna na ako, wag mo na ako sundan! *Namula ang kanyang mga mukha dahil na hihiya sya kay Seung-Ho."
Seung-Ho: Ara! Hintayin mo ako!
"Tumakbo si Ara para makalayo kay Seung-Ho, dahil ngayon ay nalaman na ni Seung-Ho ang kanyang lihim na nararamdaman, dahil naging obvious ang reaction nito.
Dahil sa kaba, pagkahiya sa sarili at pagkagulat sa mga nangyari ay tumakbo sya palayo kay Seung-Ho."
"Tumakbo si Ara sa isang eskinita, para magtago kay Seung-Ho."
Ara: Hindi ito maaring malaman nya na gugustuhan ko sya. Nakakainis! Bakit kasi naginit mga mukha ko nung tinitigan nya ako ng ganun!
"Sinilip ni Ara ang Kalsada sa labas ng eskinita na pinanggalingan nya at tinignan kung hindi na ba sya sinusundan ni Seung-Ho."
Ara: Hay salamat, mukhang hindi na ako sinundan ni Seung-Ho.
"Naglakad ng patalikod si Ara, at sa hindi nya inaasahan na may humawak sa kanyang balikat galing sa kanyang likuran.
Nilingon nya ng may kasamang pagaalalang reaksyon, at na gulat siya kung sino ang nasa likod nya."
Ara: Seung-Ho?! Ahh.. Ahh? Akala ko hindi mo na ako sinusundan.
Seung-Ho: May gusto sana akong sabihin sayo.
Ara: Hah? Ahh ano.. About dun sa Love alarm ano kasi....
"Hindi na naituloy ni Ara ang mga susunod na sasabihin nya nung bigla syang sinunggaban ng halik ni Seung-Ho."
"Nanlaki ang mga mata ni Ara sa pagkakahalik sa kanya ni Seung-Ho."
Ara: Para saan yun Seung-Ho?
Seung-Ho: I like you Ara.
Ara: Hah? Anong pinagsasabi mo?
Seung-Ho: Nagugustuhan na kita Ara, yung paghalik ko sayo yung sagot.
"Hinalikan ulit ni Seung-Ho si Ara, at nagtagal ang kanilang paghahalikan."
"Habang naghahalikan sila ay biglang kumulog sa kalangitan, kaya napatigil sila sa paghahalikan."
Seung-Ho: Huh? Kumukulog?
Ara: Mukhang uulan, kasi alam ko kasabayan ng pagkulog ang pagbuhos ng ulan.
Seung-Ho: Bakit alam mo yun?
Ara: Hindi mo ba alam yun? Nung Elementary palang tinuro na yan ah.
Seung-Ho: Hmm baka nakalimutan ko lang siguro.
"Biglang bumuhos ang ulan."
Ara: Hala! Umulan na nga, halika na Seung-Ho! Hanap tayo ng masisilungan!
Seung-Ho: Sige, ang lamig ng ulan haha!
"Kinuha ni Seung-Ho ang mgakamay ni Ara at tumakbo palayo sa eskinita.
Bumalik sila sa Bus Station at dun sila sumilong, parehas silang basang basa sa ulan."
"Nagkatitigan silang dalawa at nag ngitian sa isat isa."
*Flashcbak End*
"Biglang bumukas ang pintuan sa taas ng roof top at dumating si Mi-Young."
Mi-Young: Ara? Ikaw ba yan? Ano ginagawa mo dito?
Ara: Mi-Young!
"Biglang bumuhos ang mga luha ni Ara, at niyakap nya si Mi-Young."
Mi-Young: Ano nangyayari sayo? At bakit ka umiiyak?
Ara: Ang sakit sakit! Mahal na mahal ko sya Mi-Young!
Mi-Young: Sino yung lalakeng yan?
Ara: Si Seung-Ho, sya yung dahilan kung bakit ako umiiyak ngayon.
Mi-Young: Tahan na Ara, wag ka magalala, iiyak mo lang lahat ng yan.
Mi-Young: Diba sinabi ko sayo nung nakaraan pa ay tigilan mo na yang nararamaman mo kay Seung-Ho? Kaya nga umuwi ako dito sa Korea dahil sayo eh, masyado mo ng dinedepress sarili mo sa pagmamahal mo sa kanya, don't worry ako bahala kaya tumahan kana dyan.
Ara: Salamat Mi-Young.
------
"4:00 in the afternoon."
"Naglalakad palabas ng school si Hyun-Sik at Seung-Ho."
Hyun-Sik: Hay nakakapagod ang araw na ito.
Seung-Ho: Oo nga, nakakapagod sobra.
"Nagkatinginan ang dalawa at nagngitian sila sa isat isa."
"Inakbayan ni Seung-Ho si Hyun-Sik."
Seung-Ho: Ikaw ah! Haha nginingiti ngiti mo?
Hyun-Sik: Syempre! Sinong hindi mapapangiti kapag kaharap mo yung taong pinakamamahal ko? Hehe.
Seung-Ho: Ang sarap naman pakinggan ng sinabi mo sa akin ah, haha oh mahuling tumakbo walang kiss mamaya sa akin! Haha
Hyun-Sik: Hahaha Game! Ako pa hinamon mo ah! Haha
"Nagunahang tumakbo ang dalawa papunta sa Kotse kung saan nag aantay ang Driver para sunduin silang dalawa."
"MAGMAMAHAL, MASASAKTAN, MASAYA AT MASAKIT, GANYAN KAPAG NARAMDAMAN MO NA ANG MAGMAHAL NG ISANG TAO.
ANO NA NGA BA MGA SUSUNOD NA MANGYAYARI SA SUSUNOD NA MGA EPISODES?
MAY LOVE TRIANGLE NA BANG MAGAGANAP SA KANILANG TATLO NI ARA, SEUNG-HO AT HYUN-SIK?
TALAGA NGA BANG SIGURADO NA BA SI SEUNG-HO SA KANYANG NARARAMDAMAN PARA KAY HYUN-SIK?
ANO NGA BA ANG IBIG SABIHIN SA HULING SINABI NI MI-YOUNG KAY ARA?
To be continued....
End of Episode 10