"Pagsikat ng araw, si Seung-Ho ay bumangon na at kahit walang ayos sa kanyang sarili ay dali dali itong pinuntahan si Hyun-Sik sa kanilang apartment room.
Hindi mawala wala sa mukha ni Seung-Ho ang ngiti, kilig at excitement nya na makita ang pinakamamahal nyang si Hyun-Sik.
Basta ang nararamdaman nya ngayon ay para syang hinihila ng puso nya papunta kay Hyun-Sik.
Yung mga nakakasalubong ni Seung-Ho na mga kasambahay nila ay kanyang binabati, at laking pagtataka ng mga kasambahay ni Seung-Ho kung bakit ganoon sya kasaya, at hindi sila sanay na ganoon ang bungad sa kanila ng kanilang amo, dahil hindi nga ito ang natural na ugali ni Seung-Ho sa kanila na walang pakealam sa karamihan na nasa Mansion."
"Nakasalubong naman ni Seung-Ho si Misis Lee at masigla nya itong binati"
Seung-Ho: Gandang umaga po! Misis Lee! Kamusta po ang araw nyo?
Misis Lee: Maayos naman Seung-Ho, at bakit parang napaka-saya mo ngayon?
Seung-Ho: Ah? Araw araw naman po ako masaya, sadyang hindi nyo lang po siguro na papansin.
Misis Lee: Mukha nga, Oh ako ay papasok na sa kusina ng Mansion, nandyan lang si Hyun-Sik sa loob, tulog pa nga lang sya, kaw na bahala gumising.
Seung-Ho: Sige po, tsaka wala naman din po kami pasok ngayon, kasi weekend na naman po.
"Binuksan ni Seung-Ho ang pintuan ng apartment room, at pumasok sa kwarto ni Hyun-Sik, at na kita naman nya itong mahimbing ang pagkakatulog nito"
"Nilapitan nya ito habang na tutulog, at pinagmasdan saglit ang maamong mukha ni Hyun-Sik at ito ay kanyang hinalikan sa noo."
"At ng dahil sa pagkakahalik ni Seung-Ho sa Noo ni Hyun-Sik ay na gising ito at ngumiti sa kanyang pinakamamahal na si Seung-Ho"
Hyun-Sik: Good morning! Ang Sarap naman ng good morning kiss ko.
Seung-Ho: Good morning din, syempre may kasamang pagmamahal ko yan eh.
Hyun-Sik: Pinapakilig mo na ako ah?
Seung-Ho: Syempre kaw mahal ko eh.
Hyun-Sik: Sige nga, paano mo mapapatunayan na mahal mo ako?
Seung-Ho: Ito, pwede na ba?
"Tumabi ito kay Hyun-Sik sa kama, ito ay kanyang niyakap ng mahigpit"
Hyun-Sik: Sana ganito nalang palagi, ayoko magiba tayo sa isat isa, promise mamahalin kita at hindi kita iiwan.
Seung-Ho: Promise yan ah? Na ako lang mamahalin mo?
Hyun-Sik: Yes, every seconds, every minute, every hour, every day o kahit ilang months pa yan o taon, ikaw at ikaw ang mamahalin ko Seung-Ho.
Seung-Ho: Halika na bangon na, sa labas tayo magalmusal.
Hyun-Sik: Ang aga naman ng date natin?
Seung-Ho: Yes! Breakfast date natin hehe!
Hyun-Sik: I love you!
Seung-Ho: I love you too!
"Mga ilang minuto ay nag-ayos na sila, at umalis na sa Mansion para mag almusal, at nakakita sila ng isang restaurant at ito ay kanilang pinuntahan"
Seung-Ho: Mukhang maganda dito ah, tsaka puro seafoods.
Hyun-Sik: Hindi ba mahal dito?
Seung-Ho: Don't worry, this is my treat sa mahal ko na napaka-kuripot. Hahaha.
Hyun-Sik: Good! Kakain ako ng marami. Haha
"May lumapit sa kanilang waitress"
Waitress: Good morning Sir, table for how many person?
Seung-Ho: Table for 2 person.
Waitress: Ah okay Sir, I'll assist you to your table.
Seung-Ho: Thank you..
"Sila ay ina-assist ng Waitress sa kanilang table, pagkaupo nila ay inabot din nito ang Order Menu plate sa kanila at nakapamili na silang dalawa ni Hyun-Sik at Seung-Ho kung ano ang order nila at tinanong sila ng Waitress kung handa na ba sila magorder. "
Waitress: Uhm Sir, what's your order?
Seung-Ho: Gusto ko nitong Seafood Jajangmyeon, Buttered Lobster, and also Apple Juice nalang, salamat.
Hyun-Sik: Yung sa akin eh kagaya din sa kanya, hehe yun nalang, salamat.
"Inulit muli ng Waitress sa kanila ang mga order nila para idouble check kung tama ito, at umalis na din kalaunan ang Waitress para ibigay sa server ang order nila"
Seung-Ho: Gaya gaya ka ng order ah haha.
Hyun-Sik: Hindi din ako makapili, at ang mamahal ng presyo.
Seung-Ho: Huy mag picture nga tayo, smile! One! Two! Three!
"Nag picture ang dalawa ng makailang ulit"
Hyun-Sik: Gwapo ko talaga, kaya ka na inlove eh.
Seung-Ho: Baka ikaw ang na inlove sa akin kasi mas di hamak na mas gwapo ako.
Hyun-Sik: Joke lang, haha pero seryoso, minahal kita dahil ikaw ang unang nagpakita at nagparamdam nito sa akin.
Seung-Ho: Eh pano yan, dami mo kaagaw? Kilala mo naman ako, dami nagkakagusto sa akin kasi isa akong Pop Idol?
Hyun-Sik: Bahala sila kung magkagusto sila sayo eh akin ka lang naman. *Nagtampo*
Seung-Ho: Nagtampo naman itong Mahal ko haha! Hindi ako magpapaagaw, basta sayo lang ako.
"Kunurot sa pisngi si Hyun-Sik ni Seung-Ho, at biglang ginulo ni Hyun-Sik ang buhok ni Seung-Ho bilang ganti sa pagkurot sa pisngi nya"
Hyun-Sik: Your smile is my Happiness.
Seung-Ho: I'll keep those words to my heart.
"At dumating na ang kanilang Order na pagkain, at sinimulan na nilang kumain"
------
"Ara's POV"
Mister Park: Kamusta na Ara.
Ara: Maayos naman po ako Dad.
Mister Park: Bakit nga pala ginagamit mo ang apilyido ng Mama mo sa school?
Ara: Ayoko muna magpahalata lalong lalo na kay Seung-Ho na ako yung ipapakasal nyo sa kanya.
Mister Park: At kailan mo naman balak sabihin ang katotohanan na ikaw ang ipapakasal sa kanya?
Ara: Dad, ayoko magpakilala kung sino talaga ako, mabait sa akin si Seung-Ho at ayoko syang saktan at masira pagkakaibigan naming dalawa.
Mister Park: Pagkakaibigan nga lang ba ang tingin mo sa kanya? Bakit iba ang tono ng boses mo pagdating sa kanya?
Ara: Nahulog na ang loob ko sa kanya Dad, at oo mahal ko na sya, at gagawin ko lahat para mahalin din nya ako at matuloy ang kasal namin sa sarili kong plano Dad.
Mister Park: Plano? Siguraduhin mo lang na magtatagumpay ka sa plano mo, dahil ang partido namin ng kanyang Ama na si Mister Go ay ang susi sa mas malawak na koneksyon at pagkilala sa kompanya natin.
Ara: I know Dad.
"Nag text si Madam Go kay Ara at ito ay kanyang binasa"
"From Madam Go: Tomorrow night nalang ang family dinner, sana makadalo ka, dahil ipapakilala ko na sayo ang anak kong si Seung-Ho."
Ara: Hindi ito maari! Makikilala na ni Seung-Ho kung sino yung ipapakasal, at ako yun. *Nag-aalala ng husto"
-----
"Habang kumakain si Seung-Ho at Hyun-Sik ay nagtext messege si Madam Go kay Seung-Ho at ito at kanyang binasa"
"From Mommy: Seung-Ho anak, irereschedule nalang ang na udlot na Family dinner noong nakaraang dalawang araw at bukas ay matutuloy ang family dinner with Park Family.
Siguraduhin mong makakapunta ka, dahil mahalagang gabi iyon sa atin."
Hyun-Sik: Sino yang nagtext?
Seung-Ho: Ahh wala wala ito.
Hyun-Sik: Sino nga?
Seung-Ho: *Humingang malalim* Si Mom, bukas na matutuloy yung family dinner doon sa family na nakipagkasundong ipakasal ako sa anak nilang babae.
Hyun-Sik: *Biglang nalungkot* Ahh ganun ba, so paano yan? Pupunta ka dun bukas ng gabi sa family dinner?
Seung-Ho: Hindi ko alam, parang ayoko din magpakita sa kanila. Tsaka sila sila lang naman din makikita ko eh mas mabuti ng hindi pumunta.
Hyun-Sik: Pumunta ka, ayus lang sa akin.
Seung-Ho: Huh? Ikaw pa talaga nag insist na pumunta ako bukas dun?
Hyun-Sik: Ayoko lang kasi madisappoint na naman mga magulang mo sayo, yun lang inaalala ko.
Seung-Ho: Inaalala o nagseselos ka? Halata sa mukha mong nagseselos ka eh.
Hyun-Sik: Bakit ako magseselos?... Hmmmm... Oo at nagseselos nga ako... *Biglang yumuko sa lungkot*
Seung-Ho: Sabi na nga ba at nagseselos ka. Wag ka magalala, family dinner lang naman yun, tsaka wala naman ako pakealam kung sino yung babaeng ipapakilala sa akin dun.
Hyun-Sik: Eh paano kung talagang ituloy nila yung arranged marriage nyo nung babaeng anak na kapartido ng Papa mo?
Seung-Ho: Tandaan mo ito, kahit ilang babae pa ang ipakilala nila sa akin, ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko.
Hyun-Sik: Natatakot kasi ako... Lalo na paumpisa palang itong relasyon natin.
Seung-Ho: Don't worry, hindi ako mawawala sayo, mahal na mahal kita, wag kana malungkot.
Hyun-Sik: Mahal na mahal din kita Seung-Ho.
"Hinawakan ni Seung-Ho ng mahigpit ang kaliwang kamay ni Hyun-Sik, para mabawasan ang lungkot nito dahil sa naging usapan nila"
"Pagkatapos nilang magalmusal, umalis na sila sa restaurant at pumunta sa iba pang lugar at namasyal.
Madalas mapansin ni Seung-Ho ang pagkalungkot ni Hyun-Sik kaya ginawa parin nya ang best nya para mapasaya at mapangiti ito.
Pumunta sila sa isang Ice Skating at tila ay na nginginig ang mga tuhod ni Seung-Ho sa takot dahil hindi ito marunong mag Ice skating.
Inalalayan naman ni Hyun-Sik si Seung-Ho at tinuruan ito."
Seung-Ho: Paano ba ito, nakakatakot, baka mawalan ako ng balanse nito.
Hyun-Sik: Hahaha hindi ka pala marunong mag ice skating, halika alalayan kita, basta hawakan mong mabuti ang mga kamay ko.
Seung-Ho: Okay sige.
"Sila ay patuloy na nag Ice Skating ng magkahawak kamay, at karamihan ng mga tao dun ay nakatingin sa kanila.
May mga kinikilig, may mga naghihiyawan."
Hyun-Sik: Seung-Ho, pwede mo bang buksan phone mo? Selfie tayo
Seung-Ho: Sige bubuksan ko.
"Kinuha ni Seung-Ho ang kanyang phone at binuksan nya ang camera.
Nag selfie ang dalawa at hinalikan sa kanang pisngi si Hyun-Sik ni Seung-Ho.
At karamihan ng mga taong nasa paligid ay kinilig dahil sa na kita nilang sweetness kanila Seung-Ho at Hyun-Sik..
Ang buong Ice Skating ay na puno ng mga nakakagiliw na tunog ng love song."
Hyun-Sik: Wow yan yung love song na favorite ko ah, by the way mahal na mahal kita Seung-Ho.
Seung-Ho: As always, forever I love you, pero keep it secret parin ang relasyon natin.
Hyun-Sik: Bakit isisikreto pa natin, ayoko kaya ng sikretong relasyon.
Seung-Ho: Eh sa gusto ko eh.
Hyun-Sik: Hindi ako makapag antay sayo, walang thrill kung secret lang relasyon natin.
Seung-Ho: Ayoko munang ipaalam sa iba, gusto ko munang masolo ka.
Hyun-Sik: Hahaha sira ka talaga, sayo lang naman ako, kulit nito haha.
"Pagkatapos nila sa Ice Skating ay bumalik na sila sa kotse at nagdrive na pauwi, dahil gabi na at pagod na si Hyun-Sik at Seung-Ho.
Pero kahit pagod na eh masaya sila sa unang araw ng kanilang date bilang magkarelasyon."
"SANA GANITO NALANG PALAGI, MASAYA, PUNONG PUNO NG PAGMAMAHALAN, AT SANA WALANG HUMADLANG SA PAGMAMAHALAN NAMIN, AYOKONG MATAPOS ANG PAGIIBIGAN NAMIN, DAHIL GUSTO KO NA PANG HABANG BUHAY NA ANG PAGMAMAHALAN NAMIN, AT WALANG MAKAKAPIGIL DUN.
-Hyun-Sik"
"KUNG PAPAILIIN LANG AKO NG KALAGAYAN KO SA BUHAY AY MAS PAPAILIIN KO MAGING SIMPLENG TAO LANG, WALA ANG GANITONG MARANGYANG BUHAY, HINDI AKO MASAYA SA BUHAY KO DAHIL PUNONG PUNO NG PAGMAMANIPULA SA BUBAY KO, SA MGA DISISYON KO SIMULA NUNG PAGKABATA KO.
NOONG DUMATING SA BUHAY KO SI HYUN-SIK BILANG ISANG KAIBIGAN AY NAKADAMA AKO NG SAYA SA BUHAY KO, AT LALO NA NGAYON NA NAGMAMAHALAN NA KAMI, AYOKONG MAY HUMADLANG PA SA PAGIIBIGAN NAMIN.
DAHIL HANGGANG SA HULI, SYA AT SYA LANG ANG UNA AT HULING MAMAHALIN KO.
-Seung-Ho"
End of Episode 7