"Seung-Ho POV"
"Kinagabihan ay naghahanda na si Seung-Ho sa nalalapit na pagpunta nila sa Family Dinner kasama ang Family Park na nag-arrage o fix marriage sa kanilang anak na babae."
"Pero hindi masaya si Seung-Ho sa magaganap na family dinner, at iniisip parin nya si Hyun-Sik dahil hindi sila nagkita o nagkausap ng buong araw, at inaalala nya parin yung naging reaksyon ni Hyun-Sik dito sa pupuntahan nya mamaya."
"Kinuha ni Seung-Ho ang kanyang Phone para tawagan si Hyun-Sik"
"Phone Ringing"
Seung-Ho: Sumagot ka sana, gusto na kita makausap, please!
"At biglang may sumagot sa kabilang linya ng phone call"
Hyun-Sik: Oh? Napatawag ka ata?
Seung-Ho: I miss you na kasi eh.
Hyun-Sik: Ah okay.. *matamlay na sagot nya*
Seung-Ho: Bakit parang malungkot tono ng boses mo? May problema ba?
Hyun-Sik: Wala, wala, wag mo na alalahanin.
Seung-Ho: Bakit nga?
Hyun-Sik: Diba ngayon mo makikita yung babaeng ipapakasal sayo?
Seung-Ho: Oo, tsaka ano naman meron kung makikita ko na sya?
Hyun-Sik: Wala lang naman...
Seung-Ho: Wag ka na malungkot okay? Hindi naman ako mawawala sayo, at simpleng family dinner at papakilala lang sa akin yung babae, at wala din naman ako pakealam sa ipapakilala nila sa akin.
Hyun-Sik: Na iintindihan ko pero na tatakot kasi ako na baka mas lalo akong makagulo sa buhay mo.
Seung-Ho: Ano naman yang pinagsasabi mo? Hindi ikaw ang dahilan ng kaguluhan sa buhay ko, don't worry, babalik at babalik ako sayo ng buong buo okay?
Hyun-Sik: Sige at asahan ko yan, I love you!
Seung-Ho: I love you too!
Hyun-Sik: Ibababa ko na itong tawag, kailangan ko ng matulog, ingat ka.
Seung-Ho: Sige goodnight.
"End Call"
"Pagkatapos ng kanilang paguusap sa phone ay tuluyan ng umalis sa Mansion ang Pamilyang Go at pumunta na sa Giant Hotel na kanilang tagpuan"
-------
"Pagkababa nila ng kotse ay sila ng dumiretso sa pinariserbang VIP room.
At saktong nandoon si Madam Park at si Mister Park, at nagsiupo na sila sa kanilang pwesto sa lamesa."
Madam Go: Magandang gabi Misis Park and Mister Park.
Madam Park: Magandang gabi din. Oh! Ito na pala ang anak mo, napaka gwapo at napaka kisig.
Seung-Ho: Ah hello po, magandang gabi po Madam Park.
Mister Go: Bakit kayong dalawa lang Mister Park? Na saan ang dalagang anak nyo?
Mister Park: Ahh nandun lang sa wash room, maya maya at nandito na din sya.
Madam Park: Waiter! Pakihanda na ang mga pagkain, salamat.
Waiter: Masusunod po Madam.
Mister Park: Balita ko napakahusay mong Pop Celebrity Seung-Ho, kelan ka pumasok sa larangan ng Pagaartista?
Seung-Ho: Noong 2016 lang po ang pinaka una kong debut bilang isang Pop star po, tsaka po isa na din po akong actor.
Madam Park: Wow, good to hear that you have achievements, tsaka na alala ko nanalo ka ng 3 times award as lead actor awards sa mga movies and tv drama series, napakahusay mo.
Seung-Ho: Salamat po sa papuri.
Madam Go: My son is a precious as diamond, and also top lagi sya sa dati nyang school, kaya wala akong masabing hindi maganda sa anak ko.
Mister Go: Napakaswerte namin kay Seung-Ho.
"Mga ilang minutong kwentuhan ay dumating na ang babaeng ipapakilala kay Seung-Ho."
"At biglang na gulat si Seung-Ho at napatayo ito sa kinauupuan nya"
Seung-Ho: Ikaw!? Ara!? Ikaw ang anak nila Madam Park at Mister Park?!
Ara: Oo ako nga, sorry kung hindi ko sinabi at naglihim ako sayo.
Seung-Ho: Jung ang last name na pinakilala mo sa akin sa school at hindi Park!? Papaano nangyari yun!?
Madam Go: Seung-Ho, huminahon ka nga!? Nakakahiya kanila Misis Park at Mister Park yang inaasal mo!
Mister Go: Anak please, kahit ngayong gabi lang, pagbigyan mo na kami dito.
Ara: Madam Go at Mister Go, ako na po humihingi ng pasensya sa anak nyo, ako naman din po kasi ang may kasalanan.
Madam Go: It's okay my dear.
"At bumalik sa pagkakaupo si Seung-Ho at pilit na pinakalma ang kanyang sarili dahil sa nalaman nya."
"Makalipas ang isang oras ay nag paalam muna si Seung-Ho na magpapahangin muna sa labas.
At hindi alam ni Seung-Ho na sumunod si Ara sa kanya."
Seung-Ho: Nakakainis naman oh! Walang kwenta talaga ang gabing ito!
Ara: Uhm? Seung-Ho...
Seung-Ho: Oh ano ginagawa mo dito?
Ara: Galit ka ba?
Seung-Ho: Hindi ako galit bakit?
Ara: Wag ka magsinungaling, kita naman sa actions and sa mukha mo eh.
Seung-Ho: Ok fine, oo at galit nga ako, bakit ba kasi ganito ang nangyayari? Tapos, tapos ikaw pala ang ipapakasal sa akin?!
Ara: Sorry kung matagal akong naglihim sayo.
Seung-Ho: I'm sorry, hindi ako makakapayag matuloy itong arranged marriage natin.
Ara: Alam ko naman kung bakit.
Seung-Ho: Huh? Paanong alam mo kung bakit ayoko magpakasal sayo?
Ara: I know na may namamagitan sa inyo ni Hyun-Sik.
Seung-Ho: Paano mo naman na sabi?
Ara: Ito kasi yun... Na aalala mo ba yung nagusap tayo sa labas ng Cafeteria eh tapos habang nakatingin ka lang sa akin, nakita ko si Hyun-Sik at bigla syang nagtago dun sa pader at na taranta si Hyun-Sik at ikaw yung na tawagan nya accidentally tapos na kita ko yung reaksyon nya na may pagseselos at malungkoy kaya bigla kitang hinalikan... Tapos yung sunod eh....
*Flash back*
"Kinaumaghan, naglalakad si Ara papunta ng Seafood restaurant at na kita niyang magkahawak kamay si Seung-Ho at Hyun-Sik, at masaya silang nag uusap habang kumakain.
Hindi na tumuloy pumasok si Ara sa Restaurant at tuluyan ng umalis."
*Flashback end*
Seung-Ho: So alam mo na pala talaga noong una palang...
Ara: Oo, alam ko.
Seung-Ho: Yung hinalikan mo ako, sinubukan kung makipagflirt sayo at sa iba pang babae sa school at magpanggap na may nararamdaman ako sayo para mawala yung gumugulo sa puso ko about sa nararamdaman ko kay Hyun-Sik,.. Pero...
Ara: Pero?? Na confirmed mo naman siguro na talagang may nararamdaman kana kay Hyun-Sik, tama ba ako?
Seung-Ho: Oo tama ka nga.
Ara: But.. Seung-Ho, Mahal din kita, at ayokong si Hyun-Sik ang mahalin mo.
"Biglang niyakap ni Ara si Hyun-Sik"
Seung-Ho: I'm sorry Ara, I'm sorry kung na inlove ka sa akin noong nakikipagflirt ako sayo, pero Mahal ko na si Hyun-Sik.
Ara: Hindi ko na ba mababago yang puso mo sa akin? *Umiiyak*
Seung-Ho: I'm sorry talaga Ara, Oo noong nakikipagflirt ako sayo, meron akong gusto sayo noon pero mas matimbang na ang pagmamahal ko kay Hyun-Sik.
Ara: Halikan mo ako, baka sakaling nagkakamali ka lang ng nararamdaman mo kay Hyun-Sik?
"Biglang hinalikan ni Seung-Ho si Ara pero saglit lang."
Seung-Ho: Kahit hinalikan na kita, mas mahal ko si Hyun-Sik kesa sayo, sorry...
Ara: Bakit.... Bakit ganito!!!! Sana! Sana hindi mo ako pinakitaan ng motibo sa akin! Sana hindi ka nakipagflirt sa akin at sana noon hindi mo sinabi sa akin na may gusto ka sa akin!!! *Crying in Pain and Hate*
"Biglang sinampal ni Ara si Seung-Ho at napahawak sya sa pisngi nito si Seung-Ho."
Seung-Ho: Hindi ko sinasadya na... Paasahin ka lalo sa nararamdaman ko sayo noon.. Sorry..
Ara: Sorry? Sorry? Hindi maibabalik ng sorry mo yung puso kong sinaktan mo Seung-Ho!
"Biglang tumakbo palayo si Ara ng umiiyak, dahil labis itong na saktan sa mga nangyari, At tumakbo sya papasok sa VIP room kung nasaan ang Family dinner nila."
"VIP ROOM"
"Napansin ni Madam Park at ng iba pa na umiiyak si Ara at tumakbo papalabas ng VIP room."
Madam Park: Ara? Bakit ka umiiyak? Sandali lang! Antayin mo ako!
Mister Park: Sensya na sa abala Madam Go at Mister Go, mauuna na kami.
"Dahil sa nangyari ay sila nalang ang natira sa loob ng VIP room.
At tumayo si Madam Go sa kinauupuan nya at nilapitan si Seung-Ho."
Madam Go: Anong nangyari sa inyo Seung-Ho! Sumagot ka! *Pagalit at pasigaw na pagkakasabi*
Seung-Ho: Sinabi ko sa kanya na hindi ko sya papakasalan Mom!
Madam Go: Bakit! Bakit! Bakit! Anong dahilan mo!
Seung-Ho: May iba akong mahal Mom! At ayokong ituloy itong kahibangan nyong pagpapakasal sa kanya!
Madam Go: Hindi maari yang sinasabi mo! Lahat ng plano, lahat ng pinaghirapan ng Dad mo para manalo sa election ay masisira ng dahil sa katarantaduhan mo!
Seung-Ho: Ganyan naman kayo! Puro mga sarili nyo lang lagi ang iniisip nyo! Nagmumukha kayong tanga sa mga kabaliwan nyo!
"Biglang umalis at lumabas na ng VIP room si Seung-Ho at na iwan ang Mom and Dad nya sa loob."
"Dumiretso na sa paguwi si Seung-Ho dahil hindi nya gusto sumabay sa mga magulang nyang umuwi.
At ng nakauwi na sya sa Mansion ay dali dali syang umakyat papunta sa kanyang kwarto at kinandado nya ito."
------
Seung-Ho: Nakakainis na talaga itong buhay ko! Ahhhhhh!!! Lahat nalang gusto nila sila magdisisyon sa buhay ko! Bwisit! Bwisit! Bwisit!
"At biglang may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto."
Hyun-Sik: Seung-Ho? Nandyan ka na ba?
"Pinagbuksan ni Seung-Ho ng pinto si Hyun-Sik at bigla nya itong niyakap, at umiiyak ito sa inis."
Hyun-Sik: Oh bakit umiiyak ka?
Seung-Ho: Na iiyak ako sa galit, sawang sawa na ako sa buhay ko!
Hyun-Sik: Tumahan kana, nandito na ako, halika dun muna tayo sa couch mo.
"Sila ay umupo sa couch."
Seung-Ho: Sabi ko na nga ba sa isip ko na hindi dapat ako tumuloy kanina sa family dinner.
Hyun-Sik: Bakit naman? Eh diba pinayagan naman kita pumunta dun?
Seung-Ho: Ayun nga eh, eh kaso nga lang gusto parin nilang ituloy ang arranged marriage...
*Flashback*
Madam Go: Hindi ako makakapayag na umurong ka sa arranged marriage! Dahil kapag umurong ka, lahat ng Mana mo at pati yang pagiging Artista mo ay mawawala sayo! Kaya mag-isip ka Seung-Ho!
Mister Go: Mapapahiya tayo sa publiko, at sa media at mawawala ang investment nila sa Company natin! Kaya umayos ka Seung-Ho!
*Flashback End*
Seung-Ho: Pinagbantaan nila ako na kukunin nila ang lahat ng sa akin, pati yung company ng pamilya ko ay pwedeng bumagsak kung hindi ako tutuloy sa arranged marriage namin!
Hyun-Sik: Tumahan kana Seung-Ho, magiging maayos din ang lahat, panigurado yan.
"Niyakap ni Hyun-Sik si Seung-Ho dahil ito ay bigat na bigat na sa kanyang nararamdaman.
At mas lalong bumuhos ang pag luha ni Seung-Ho dahil sa pag yakap ni Hyun-Sik sa kanya."
"Unti unting kumalma si Seung-Ho at umayos ito ng pagkakaupo at hinalikan niya sa noo si Hyun-Sik."
Seung-Ho: Salamat talaga nandyan ka palagi sa akin.
Hyun-Sik: Lagi naman ako nandito, don't worry pero okay ka na ba?
Seung-Ho: Okay na ako..
Hyun-Sik: Sigurado ka ah?
Seung-Ho: Oo nga! Kulit naman nito!
Hyun-Sik: Oh tapos sabay nag iba mood mo? Sa akin ka naman galit ngayon?
Seung-Ho: Eh paano, buong isang araw ka hindi nagparamdam sa akin!
Hyun-Sik: Wag kana magtampo! Tsaka nag trabaho lang naman ako at tinapos ko pa yung pinapanood ko.
Seung-Ho: Hindi mo naman ako na mimiss kaya okay lang sayo na wag magparamdam sa akin ng ganung katagal, kahit text o tawag wala.
Hyun-Sik: Sorry na nga! I love you!
Seung-Ho: Oo na, pinapatawad na kita! I love you too!
Hyun-Sik: So ano? Movie marathon tayo?
Seung-Ho: Sige ba!
Hyun-Sik: Haha order kana muna ng kakainin natin bago umpisahan!
Seung-Ho: Sige sige, haha basta ikaw na pumili.
Hyun-Sik: Game! Tapos mamaya kakainin kita! Hahahaha
Seung-Ho: Baboy nito, magtigil ka nga hahaha!
"At naging masaya na ulit ang Gabi ni Seung-Ho dahil kay Hyun-Sik."
"MAS MASUSUBOK ANG KANILANG PAGMAMAHALAN, DAHIL HINDI NILA AASAHAN ANG PAPALAPIT NA PAGSUBOK SA KANILANG PAGIIBIGAN.
MAKAKAYA KAYA NILA ITO MALAGPASAN?
GAANO NA BA KATATAG ANG KANILANG PAGMAMAHALAN?
HANGGANG KELAN BA NILA ITO ILILIHIM?
ANG PAGIBIG NGA BA ANG MAGIGING DAHILAN NG PAGKASIRA NILA? O ITO DIN ANG DAHILAN NG MAS MATATAG NA PAGIIBIGAN NILA?
ANO NA NGA BA ANG MANGYAYARI KAY ARA? HAHADLANGAN BA NYA ANG PAGIIBIGAN NILA SEUNG-HO AT HYUN-SIK?"
To be continued.....
End of Episode 8