Chapter 5 - 제 5 화

"Seung-Ho POV"

"6am 2nd day of Examination"

Seung-Ho: Arrghhh! Goodmorning! It's another day! Woah pero inaantok pa ako, wait mabuksan ko muna yung TV.

"Binuksan na ni Seung-Ho ang TV at bumungad sa kanya ang isang App advertisement commercial"

"TV: GOOD MORNING SA LAHAT AT LALONG LALO NA SA MGA SINGLE DYAN NA HIHIYA UMAMIN SA MGA NA GUGUSTUHAN NILA.

MAY MAGANDANG BALITA KAMI SA INYO!

NEW SOCIAL MEDIA DATING APP! LOVE SEARCH!

KAYA DOWNLOAD NA, AT SANA MAHANAP NYO ANG MGA SOULMATES NYO SA PAMAMAGITAN NG APP NA ITO!"

Seung-Ho: Tss! Kalokohan naman yan app na yan haha jusko.

"Pero pumasok din sa isipan ni Seung-Ho na idownload ang Dating app na ito pero nagdadalawang isip parin ito"

Seung-Ho: Hay bahala na, sige na nga try ko na nga idownload ito.

"Thank you for downloading Love Search Dating App we syncing your phone, location, and contacts.

..........

Done Syncing, Enjoy Love Search!

You can turn off notifications and enable it again. "

Seung-Ho: Ahh okay good, argghh! Makaligo na nga muna.

"Iniwan ni Seung-Ho ang phone nya sa kama at may nagtext sa kanya"

"From Hyun-Sik: Huy na san kana? Punta ako dyan sa kwarto mo ah hehe"

"Na tapos ng maligo si Seung-Ho at kinuha ang kanyang phone at binasa ang text ni Hyun-Sik"

Seung-Ho: Pupunta pala sya dito, ok makapag bihis na nga.

"Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ni Seung-Ho"

Tok! Tok! Tok!

Hyun-Sik: Nandyan ka ba? Isasauli ko lang itong Coat.

"Pinagbuksan ni Seung-Ho si Hyun-Sik"

Seung-Ho: Oh! Eh salamat, may magagamit ka bang Coat mamaya papasok?

Hyun-Sik: Oo meron na, hehe na hanap ko na Coat ko.

"Tinitigan ni Seung-Ho yung Lumang Coat ni Hyun-Sik"

Seung-Ho: Lumang luma na yang Coat mo ah, hindi ka bumili ng bago?

Hyun-Sik: Nagtitipid ako, tsaka ayoko din bumili, pwede pa naman tong Coat ko.

Seung-Ho: Ibalik mo na yang Coat mo, ito nalang Coat ko gamitin mo muna.

Hyun-Sik: Nakakahiya na masyado, ok na tong Coat ko.

Seung-Ho: Hindi! Hiramin mo muna yang Coat ko, at bibilhan kita mamaya ng Coat.

Hyun-Sik: Aish! Oo na nga siga na, Oh pasok na tayo.

Seung-Ho: Yan tama yan sumunod ka sa master mo haha!

"Inakbayan ni Seung-Ho si Hyun-Sik at tuluyan na silang bumaba sa hagdanan at nakasalubong nila si Mrs. Lee, ang Mama ni Hyun-Sik"

Seung-Ho: Magandang umaga po! Papasok na po kami.

Hyun-Sik: Sige po Ma, pasok na po kami.

Mrs. Lee: Ay oo nga pala bago ko makalimutan, pinapasabi ni Madam Go at Mr. Go na may family dinner kayo mamaya.

Seung-Ho: Ahh.. Sige po salamat, sige po mauna na kami.

Mrs. Lee: Mag-ingat kayo sa pagbyahe nyo ah.

-----

"Tuluyan ng umalis sa Mansion ang dalawa at bumyahe papunta sa kanilang school"

Seung-Ho: Hmmm? Mukhang pagod na pagod ka kagabi sa trabaho mo ah.

Hyun-Sik: Oo, nakakapagod pero sulit naman kasi sumahod agad ako.

Seung-Ho: Ohh!? Wow magkano sinahod mo?

Hyun-Sik: Hmm... 310,000 Won.

Seung-Ho: Ang liit naman! Hay sabi ko sayo umalis kana kasi dyan sa trabaho na yan, papagod ka lang dyan.

Hyun-Sik: Ayus lang kung maliit, eh wala naman ako gaanong pinagkakagastusan, tsaka ginusto ko din naman magtrabaho para sa sarilu ko.

Seung-Ho: Ok wala na ako sinabi...

Hyun-Sik: Tatampo ka na naman nyan?

Seung-Ho: Anong tampo? Hindi ah! Psshh!

"Palihim na tumawa si Hyun-Sik dahil sa inaasal ni Seung-Ho sa kanya"

"Habang nasa byahe sila, na kita nila si Ara na naglalakad, at na pansin naman ito nung dalawa"

Seung-Ho: Manong patabi ng sasakyan.

Manong Driver: Ahh? Sige po.

Seung-Ho: Ara! Hooy! Psst!!

Ara: Oh! Hello Seung-Ho at Hyun-Sik!

Hyun-Sik: Bakit naglalakad ka lang ata papuntang school?

Ara: Malapit lang naman school natin, tsaka feel ko maglakad eh, exercise na din.

Seung-Ho: Sabay kana sa amin, medyo malayo pa lalakarin mo eh.

Hyun-Sik: Oo nga, sabay kana.

Ara: Hmmm? Ok sige hehe salamat!

"Sumakay na silang tatlo sa kotse at umandar na ito, at papunta na sa school, at mga ilang minuto lang ay nakarating na sila sa School"

Ara: Salamat sa libreng sakay!

Seung-Ho: Wala yun! Oh pasok na tayo, 2nd day na ng exam natin eh.

Hyun-Sik: Sandali, bakit ang daming tao sa school yard?

Ara: Oo nga noh? Ano kaya meron.

"Nagkukumpulan ang mga students sa school yard dahil kumalat ang balita na sa school nila magaaral si Seung-Ho."

Ara: Anong meron?

Hyun-Sik: Hindi mo ba alam na Pop Idol itong si Seung-Ho?

Seung-Ho: Nako ang dami nila, pano tayo makakapasok.

Ara: Hindi eh? Hala ka dyan.

Seung-Ho: Sa iba nalang tayo daan

Hyun-Sik: Mabuti pa nga, para iwas sa crowd

Ara: Dun na tayo dumaan.

"At patuloy silang naglakad sa school yard at papunta na sila sa room nila, at iniwasan na nilang magtagal dahil baka malate sila sa exam"

"Nakalipas ang ilang oras ay na tapos na nila ng maaga ang Exam, na una ng pumunta si Hyun-Sik sa cafeteria para kumain, dahil si Seung-Ho ay may gagawin pa sa Library"

-----

"Hyun-Sik POV"

Hyun-Sik: Try ko din kaya install itong Novel app na ito , gusto kong meron mabasa kahit papaano.

"Tuluyan ng nag install ng Novel App si Hyun-Sik, at biglang nag loloko ang kanyang phone at nag turn off ito ng kusa"

"Matapos kumain ng Lunch ay naglakad pabalik si Hyun-Sik sa kanilang classroom at napatigil sya at nagtago sa pader, dahil na kita nya si Seung-Ho at Ara na nag uusap, at pinakinggan nya ito"

Hyun-Sik: Ano kaya pinag-uusapan nila?

----

"Seung-Ho POV"

Ara: Ahmmm Seung-Ho, ano.. I think, I'm liking you so much, gusto kita Seung-Ho.

Seung-Ho: Huh? Akala ko ba nung nakaraan eh biro lang yung crush mo ako? Tapos seryosohan na pala yang sinasabi mo?

Ara: I don't know, basta, hindi ka mawala sa isip ko eh, ayokong mawala itong chance na ito para umamin sayo..

I love you Seung-Ho!

"Biglang hinalikan ni Ara si Seung-Ho sa labi, at hindi din inaasahan na pumalag sa pagkakahalik si Seung-Ho kaya nagtagal ng 1 minuto ang halikan nila"

"Pero ang hindi nila alam, na si Hyun-Sik ay na kikita ang ginagawa nila.

Kitang kita sa mukha ni Hyun-Sik ang pagkalungkot sa mga narinig at na kita nya.

At biglang nag On ang phone Hyun-Sik at na pindot nya ang call at na tawagan nya si Seung-Ho, tumunog naman ang phone Seung-Ho na ikinagulat nila kaya tumigil sila sa paghahalikan ni Ara"

Seung-Ho: Huh? Aish! Shit bakit mo ako hinalikan?

Ara: Dahil mahal kita, tsaka na gustuhan mo din naman eh.

Seung-Ho: Hindi pwede toh, baka ma-issue tayo sa school! Tsaka baka hinahanap na ako ni Hyun-Sik.

----

"Hyun-Sik POV"

"Dahil biglang nag ON ang phone nya at aksidenteng na pindot ang call kaya na tawagan nya si Seung-Ho ay dali-dali syang umalis at lumayo kanila Seung-Ho. "

Hyun-Sik: Ay bwisit bakit bigla ka naman na pindot ko yung Call sa phone ko! Nakakainis!

Pero? Bakit ganito na raramdaman ko nung na kita ko silang naghahalikan? Bakit na sasaktan ako? Na guguluhan ako.

"Biglang tumulo ang mga luha ni Hyun-Sik, at hindi nya alam kung bakit sya na sasaktan ng ganun, tumakbo sya palayo, at hindi pumasok sa classroom nila"

Hyun-Sik: Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit ako umiiyak? Bakit ako nasasaktan? Arrghhh!

Hyun-Sik: Makapunta na nga lang sa Trabaho ko at makapag shift ng maaga, ayoko na muna makita sila...

------

"Seung-Ho POV"

"Sino kaya yung tumawag sa phone ko? Ang alam ko si Hyun-Sik lang nakakaalam ng phone number ko ah"

Teacher: Class kumpleto na ba kayo? Sandali na saan si Hyun-Sik? Seung-Ho na kita mo ba si Hyun-Sik?

Seung-Ho: Ahh hindi ko po namalayan sir eh, pero pagkakaalala ko nasa cafeteria sya.

Student: Ay sir! May pinapaabot po pala si Hyun-Sik na sulat

Teacher: Akin na, ano ba ito?

"From Hyun-Sik: Sir hindi po muna ako makakaattend ng afternoon class, sumama po kasi pakiramdam ko kaya umuwi nalang po ako. Salamat sir"

Seung-Ho: Sir ano sinabi?

Teacher: Hindi na daw muna makakaattend sa afternoon class si Hyun-Sik kasi masama daw pakiramdam nya kaya umuwi nalang daw sya.

Seung-Ho: Ahhhh... Ok sir...

"Biglang na dismaya si Seung-Ho sa narinig nya, at bigla syang nag alala para kay Hyun-Sik dahil sa nalaman nya"

"Tinext ni Seung-Ho si Hyun-Sik at ito ang sinabi nya

To Hyun-Sik: Huy?! Na saan kana? Hindi ka man lang nagsabi sa akin na masama pakiramdam mo, edi sana napasundo kita kay Manong.

Ok ka lang ba? Nilalagnat ka ba? Nag-aalala ako sayo, reply ASAP"

Teacher: Ok class dahil tapos na ang exam nyo, let's discuss our new lesson..

STUDENTS: YES SIR!

-----

"Hyun-Sik POV"

"Nag vibrate ang phone nya dahil may dumating na text messege kay Seung-Ho"

Hyun-Sik: Rereplyan ko ba o hindi? Hmm hindi! Ayoko muna sya makausap haist!

Girl: Hyun-Sik need na ng charcoal sa table 5.

Hyun-Sik: Ahh ok incoming!

"Nagpatuloy sa pagtatrabaho si Hyun-Sik para libangin ang sarili nya sa nangyari kanina"

----

"Seung-Ho POV"

"Sumapit na ang 4pm,at nagsiuwian na ang lahat sa school.

Dumiretso si Seung-Ho sa bahay nila Hyun-Sik at tignan kung nandoon ba sya, at nakasalubong naman nya ang Mama ni Hyun-Sik"

Seung-Ho: Uhm Mrs. Lee nandyan na po ba si Hyun-Sik?

Mrs. Lee: Wala pa sya dito eh, akala ko ba nagsabay kayo umuwi?

Seung-Ho: Ayun nga po eh, sabi nga kasi masama pakiramdam nya kaya maaga syang umuwi.

Mrs. Lee: Ahh... Walang sakit yun, siguro namasyal o pumasok sa trabaho nya.

Seung-Ho: Sige po, puntahan ko nalang po sya sa trabaho nya.

Mrs. Lee: Ok sige ingat ka.

"Umalis na si Seung-Ho at pinuntahan na nya si Hyun-Sik sa trabaho nya, at icheck kung nandun nga ba sya o wala.

Mga ilang minuto lang ay nakarating na si Seung-Ho sa Barbecue House at na kita nya si Hyun-Sik na nagseserve ng uling sa costumers.

Hindi sya na pansin ni Hyun-Sik, at biglang ngumiti si Seung-Ho dahil mukhang ok naman ang kanyang kaibigan.

Umalis muli si Seung-Ho dahil na alala nya na bibilhan nya pala ng Coat si Hyun-Sik dahil nga nangako nga ito na bibilhan nya ito.

Makalipas ng 8pm ay nag out na sa trabaho si Hyun-Sik, at pagkalabas nya sa trabaho ay sinalubong naman sya ni Seung-Ho na may dala dalang malaking ngiti"

----

Hyun-Sik: Ginagawa mo dito?

Seung-Ho: Syempre sinusundo na kita, sabi mo kasi masama pakiramdam mo eh, tapos nandito ka lang pala.

Hyun-Sik: Pakealam mo?

Seung-Ho: Aba bakit parang may bago sayo?

Hyun-Sik: Ano na naman?

Seung-Ho: Nagsusungit ka ata sa akin? Haha Nag tatampo ka ba?

Hyun-Sik: Ako? Nagtatampo? Tss! Sapakin kaya kita gusto mo?

Seung-Ho: Ayiiehh! Nagtatampo ka eh! Sorry na! Ano ba kasi kinatatampo mo?

Hyun-Sik: Wala, nevermind!

Seung-Ho: Nyeh! Oh ito, binili ko sayo.

"Inabot ni Seung-Ho ang Paper Bag na may lamang bagong Coat"

Hyun-Sik: Hmmm?

Seung-Ho: Anong HMMM? ano tatampo parin ba? Sorry na!

Hyun-Sik: Aish! Oo na oo na, di na ako nagtatampo! Pero salamat dito.

Seung-Ho: Nice! Bati na tayo ah! Hehe, halika na sa loob ng kotse, ang lamig dito. Grrr!

"Nakasakay na sila sa Kotse at bumyahe na sila pauwi s Mansion"

Seung-Ho: Bakit ngayon ko lang na kita ganyan ka sa akin?

Hyun-Sik: Baliw ka ba? Hindi ba pwede magtampo?

Seung-Ho: Hmmm? Nagtatampo ka nga ba or nagseselos? Haha

Hyun-Sik: Ano?! Ako?! Nagseselos?! Sira ka ba?! Sino naman pagseselosan ko.

Seung-Ho: Ito binibiro lang kita eh napaka defensive mo naman hahaha!

Hyun-Sik: Ano ba kasing tanungan yan~? Parang tanga.

"Biglang sinuntok ni Seung-Ho sa braso si Hyun-Sik ng pabiro"

Hyun-Sik: Aray ko masakit!

Seung-Ho: Eh wag kana kasi tampo!

Hyun-Sik: Oo na hindi na!

"Mga ilang minuto lang ay nakatulog na si Hyun-Sik at tintigan ito ni Seung-Ho, at na pansin nyang na mumula ang mukha nito at nilapat nya ang mga kamay nito sa noo ni Hyun-Sik"

Seung-Ho: Hala nilalagnat kana Hyun-Sik, huy gising!

Hyun-Sik: Ughhh! Bakit?

Seung-Ho: Nilalagnat ka, hindi mo ba dinala Coat ko?

Hyun-Sik: Dinala ko, kaso na iwan ko sa locker ko sa school.

Seung-Ho: Kaya pala nilalagnat ka eh haist!

Seung-Ho: Manong malapit na ba tayo?

Manong Driver: Opo Master Go, malapit na po.

"Nakarating na sila sa Mansion, at inalalayan ni Seung-Ho si Hyun-Sik sa kwarto nya, at inihiga nya ito sa kama"

Seung-Ho: Sandali lang ah, kuha lang ako ng towel na basa ng warm water, tsaka gamot, wait lang ah.

Hyun-Sik: Ughh! Sige lang, arghhh ang ginaw!!

"Bumalik ulit ng kwarto si Seung-Ho para asikasuhin si Hyun-Sik"

Seung-Ho: Oh ito na, inum ka muna ng gamot.

Hyun-Sik: Salamat..

Seung-Ho: Grabe ah, taas ng lagnat mo, na nginginig kana ah, giniginaw ka ba?

Hyun-Sik: Oo sobra, paki lakasan yung heater, hindi ko dama eh.

Seung-Ho: Ok sige.

"Nilakasan ni Seung-Ho ang Heater sa kwarto ni Hyun-Sik para mabawasan ang ginaw sa kanyang katawan"

"At dahil na pansin ni Seung-Ho na giniginaw parin si Hyun-Sik ay tinabihan nya ito at niyakap ng mahigpit at itinalukbong nya ang Kumot sa kanilang dalawa"

Hyun-Sik: Hhmmmm? Ano ba ginagawa mo Seung-Ho?

Seung-Ho: Niyayakap kita, giniginaw kana eh, kaya need ng body heat.

Seung-Ho: Huy Hyun-Sik? Gising ka pa ba? Huy!?

"At muling nakatulog si Hyun-Sik dahil nakadama na sya ng init dahil sa pagyakap ni Seung-Ho, at dahil sa init at pagod na din ni Seung-Ho galing school ay nakatulog na din ito sa pagkakayakap nya kay Hyun-Sik"

"MINSAN, AKALA NATIN ANG SIMPLENG SELOS AY BALEWALA LANG, PERO KAPAG NARAMDAMAN MO ITO AY NAPAKASAKIT, TAPOS MAGUGULUHAN KA PA DAHIL SA NARARAMDAMAN KO PARA SA KANYA.

ANO NGA BA NARARAMDAMAN KO PARA SA KANYA? ANO BA KARAPATAN KONG MAGSELOS? DIBA DAPAT MASAYA AKO DAHIL MAY NAGMAMAHAL NA KAY SEUNG-HO?

-Hyun-Sik"

End of Episode 5