"Hyun-Sik POV"
"Kinagabihan, bumalik na sa kwarto nya si Seung-Ho para magpahinga na.
At si Hyun-Sik ay nakahiga na sa kanyang kama at nakatitig sa pictures nilang dalawa sa kanyang phone"
Hyun-Sik: Ano ba yung na ramdaman ko kanina nung nagsayaw kami ni Seung-Ho? ARGH!! Masyadong mainit hindi ko maintindihan.
Pero... Ano nga ba? Baka misunderstood lang siguro. Makatulog na nga..
"Binuksan ulit ni Hyun-Sik ang phone nya para itext si Seung-Ho"
To Seung-Ho: Goodnight! Maaga pa tayo bukas ah?
After 20 seconds
From Seung-Ho: Sige, pahinga kana din dyan, tsaka sorry pala kung na tapakan ko paa mo.
To Seung-Ho: Ahh wala yun! No need to sorry, Goodnight na!
From Seung-Ho: Goodnight din Hyun-Sik.
"At pinatay na ni Hyun-Sik ang phone nya at na tulog na ito"
----
"A few days past, at dumating na ang araw ng Exam nila"
Mama: Nak! Gising na, may Exam pa kayo ngayon, mag-ayus kana, nakahanda na pagkain dito sa lamesa.
Hyun-Sik: Ah sige po, babangon na.
"Nag vibrate ang phone ni Hyun-Sik at sinilip nya ito"
Hyun-Sik: Hmm nagtext si Seung-Ho.
"From Seung-Ho: Gising na! Haha! Hindi na kita ginising kasi himbing na himbing ka sa pagkakatulog, kaya na una na ako pumasok ng maaga.
Nandito ako ngayon sa Library, inaaral ko lang yung iba, baka kasi makalimutan ko isasagot mamaya sa Exam hehe!
Good morning pala~! Sige ingat!"
"Biglang ngumiti si Hyun-Sik sa na basa nyang text galing kay Seung-Ho, at na pansin ito ng Mama nya"
Mama: Oh nak bakit nakangiti ka dyan? Sino ba yang katext mo dyan? Girlfriend mo?
Hyun-Sik: Hah? Ahhh.. Ahh!! Wala po Ma! Tsaka wala po akong Girlfriend, si Seung-Ho lang yung nagtext.
Mama: Ahh ok.. Ay oo nga pala si Seung-Ho pumunta dito kaso hindi kana nya ginising.
Hyun-Sik: Ayun nga po, pasaway, nag send nga po sya ng Picture ko, pinicturan ako habang na tutulog hahaha!
"Pinakita ni Hyun-Sik sa Mama nya yung sinend na picture ni Seung-Ho na naka peace sign habang tulog si Hyun-Sik"
Mama: Haha mapagbiro talaga itong si Seung-Ho noh? Haha
Hyun-Sik: Oo nga po haha, napaka pasaway.
----
"Seung-Ho POV"
Ara: Goodmorning Seung-Ho! Oh!? Hindi ata kayo magkasama ni Hyun-Sik?
Seung-Ho: Ahh Oo mas na una na ako pumasok, kasi need ko reviewhin ulit itong mga inaral natin at yung pinapareview nya sa akin.
Ara: Ok? By the way goodluck mamaya sa Exam! Senior high na tayo kaya need natin galingan.
Seung-Ho: Oo nga, kaya nga todo review na din ako, tsaka hindi naman ako gaano na hihirapan kasi nandyan si Hyun-Sik para turuan ako.
Ara: Ang sweet talaga hahaha
Seung-Ho: Anong sweet? Ganito lang kami baliw. *Biglang nag namula ang mukha*
Ara: Oh ehhh bakit na mumula mukha mo? Haha
Seung-Ho: Natural ng ganyan mukha ko~! Tumigil ka na nga sa pang aasar, mag review kana din nga dyan, baka mamaya bagsak ka nyan eh.
Ara: Sorry hahaha pero cute mo kapag ganyan ka haha.
Seung-Ho: Aish~! Tumigil ka nga!
"Biglang nag vibrate ang phone ni Seung-Ho at ito ay sinilip nya"
Seung-Ho: Nagtext pala si Hyun-Sik mabasa nga..
"From: Hyun-Sik: Nandyan ka pa ba sa Library? Papunta na ako dyan"
Ara: Sino yang nag text? Ay huy! Si Hyun-Sik your loving best friend! Hahahaha
Seung-Ho: Napaka tsismosa nito, mine your own nga! Nakikibasa ng text ng iba.
Ara: Napaka defensive naman haha, kaya nagiging crush kita lalo kasi ang. Cute mo kapag inaasar haha!
Seung-Ho: Crush mo ako? Haha thank you.
Ara: Panget mo naman makapag appreciate ng compliment, hay nako! Oh! Nandyan na pala si Hyun-Sik.
Hello Hyun-Sik! Good morning!
------
Hyun-Sik: Ahh good morning din Ara.
Seung-Ho: Bakit ang tagal mo? Himbing na himbing ka pa sa pagkakatulog mo kanina ah.
Hyun-Sik: Edi sana dapat ginising mo na ako nung nagpunta ka sa bahay.
Seung-Ho: Nyeh, ayoko ngang gisingin ka hahaha tulo laway mo eh.
Hyun-Sik: Shhhh!! Huy nakakahiya baka may makarinig!
"Tumunog yung Clock ng school, at senyas ito na malapit ng mag-umpisa ang klase"
Ara: Hala, huy sige mauna na ako sa room, sunod nalang kayo hehe.
Seung-Ho: Ahh ok sunod nalang kami doon.
Hyun-Sik: Goodluck sa atin mamaya sa exam! Halika na punta na tayo sa room.
Seung-Ho: Sandali ayusin ko lang mga gamit ko.
"Sila ay nag punta na sa Room nila at dumating na ang kanilang teacher at inumpisahan na ang kanilang exam, makalipas ng exam ay saktong pumatak na ang 4pm"
Teacher: Ok class bukas ang 2nd day ng Examination nyo kaya be ready, tsaka kinabukasan ng 2nd day ng Exam ay ang pagpapractice ng Sweet Dance nyo para sa Prom na gaganapin next month, Class Dismissed!
Student: arghh! Sana matapos na itong Exam, nakakapagod na.
Student 2: Oo nga, gusto ko ng maglaro sa internet cafe eh.
----
Seung-Ho: Oh ano na plano mo? Sasama ka ba sa amin sa get together ng mga classmates ko sa dati kong school?
Hyun-Sik: Hindi talaga eh, may gagawin pa ako, mauuna na ako umuwi.
Seung-Ho: Ihatid na kita sa atin, wag kana mag Bus pauwi.
Hyun-Sik: Ahh hindi na kailangan, na ayos na naman din yung Bike ko, dumating na yung bike ko kaninang umaga, salamat pala sa pag papaayos.
Seung-Ho: Hehe ok good na tayo ah? Oh basta ingat nalang sa pag-uwi.
Hyun-Sik: Ok salamat.
"Tuluyan na ngang nagsiuwian na sa school, at naghiwalay na ng landas ang dalawa.
Si Seung-Ho ay pumunta na sa kanyang mga old classmates, at si Hyun-Sik ay pumunta na sa pag papart time nyang work sa barbecue house."
----
"At Barbecue House 8:50pm"
"Hyun-Sik POV"
Manager: Oh Hyun-Sik welcome sa First day mo dito hehe, pagbutihan mo trabaho mo dito, ay oo nga pala ikaw dun sa charcoal ok? Kaw mag serve sa mga costumers ng mga uling.
Hyun-Sik: Salamat po Mr. Shin, pagbubutihan ko po.
Manager: Oh sige sige iwan na muna kita, punta na ako dun sa server.
Hyun-Sik: Sige po, gawin ko na po trabaho ko.
"Habang pinapainit ni Hyun-Sik ang mga uling sa Fire place eh na rinig nya yung balita sa TV"
TV: Mamayang 9 ng Gabi ay magkakaroon ng Fire Works display sa Seoul, dahil sine-Celebrate ang Love Day, siguraduhin nyong makikita ng lahat ang Fire Works mamaya lalo na sa mga nag-iibigan dyan, at sa mga taong na dedevelop ang kanilang pag-ibig sa taong na gugustuhan nila, at pagkakataon nyo ng magtapat sa kanya mamaya dahil magiging romantic night ito para sa inyo.
Hyun-Sik: Wow may fire works mamaya, mukhang maganda ah, abangan nga hehe.
Girl Crew: Hyun-Sik! Need na ng Charcoal sa Table 7! Salamat!
Hyun-Sik: Ahh okay sige, ihahanda ko na~!
-----
"Inihanda na ni Hyun-Sik ang mga uling na nagbabaga at hindi nya inaasahan kung sino ang nasa Table 7"
"At na kita agad sya ni Seung-Ho nung papalapit si Hyun-Sik sa table nila"
Seung-Ho: Oh! Hyun-Sik bakit nandito ka?! Wait? ito ba yung sinasabi mong pagkakaabalahan mo? Mag-trabaho dito?
Hyun-Sik: Ahh... Ehhh.. Oo, ano part time job ko.
Seung-Ho: Halika nga mag usap tayo sa labas!
Sandali lang guys ah, mag-uusap lang kami ng best friend ko.
Friend: Sige Seung-Ho kami na muna bahala dito.
Friend 2: Pagkadating mo luto na toh hehe.
"Kinuha ni Seung-Ho ang kamay ni Hyun-Sik at naglakad sila papalabas sa barbecue house"
Seung-Ho: Bakit hindi mo sinabi sa akin na mag pa-part time job ka?! *galit na pagkakasabi*
Hyun-Sik: Ehh alam ko kasi hindi ka papayag, kaya hindi ko na sinabi, pero sasabihin ko naman kaso hindi ko naman inaasahan na dito kayo pupunta ng mga old classmates mo.
Seung-Ho: Aish! Oo hindi nga ako payag na magtrabaho ka! Bakit!? Ano dahilan mo bakit kailangan mo pang magtrabaho?! Nag quit kana dito!
Hyun-Sik: Uhm?... Gusto ko makapag ipon para sa College tuition ko, masama ba yun?
Seung-Ho: Bakit kailangan mo pang gawin yan? Eh halos sagot na namin lahat kahit yang College tuition mo?
Hyun-Sik: Gusto ko maranasan na hindi himingi ng tulong ng iba, gusto ko makapag ipon sa sarili kong sikap, Sorry kung na gagalit ka sa akin ngayon.
Seung-Ho: Aish! Hindi ako na gagalit ok?! Nagtatampo ako kasi hindi hindi ka nagsasabi! Feeling ko tuloy naglilihim kana sa akin eh!
Hyun-Sik: Hindi naman ako naglilihim sayo, sasabihin ko nga sana eh kaso nandito kayo sa pinagtatrabahuhan ko.
Seung-Ho: Basta kahit pumayag ako o hindi basta sabihin mo parin sa akin kasi nag aala...la..ako...sa..yo...
"Biglang nagputukan mga Fire Works display sa kalangitan, at hindi na rinig ni Hyun-Sik ang mga huling sinabi ni Seung-Ho sa kanya.
Parehas silang tinitigan ang nakakamanghang fire works sa kalangitan, at hindi nila namamalayan na magkahawak kamay parin sila"
Hyun-Sik: Ang ganda!
Seung-Ho: Oo nga ang ganda
"Hindi din nila namamalayan na lahat ng nasa Barbecue House at kilig na kilig sila dahil napaka romantic ng paligid at magkahawak kamag pa si Hyun-Sik at Seung-Ho habang pinapanood nila ang Fire works"
Girl: Hala! First time ko lang makakita ng dalawang lalakeng magkasintahan! Ahhh! Nakakakilig!
Girl 2: Ang cute nilang tignan girls oh!
Boy: Nako nakakainggit naman hahahaha
Boy 2: Haha palibhasa torpe ka sa nililigawan mong babae sa room nyo haha.
"At biglang bumagsak galing sa kaulapan ang mga snow.
Habang bumabagsak ang snow ay hindi parin nagbibitaw ng pagkakahawak sa mga kamay nila si Hyun-Sik at Seung-Ho"
Hyun-Sik: Snow na ulit sa atin.
Seung-Ho: Oo nga.
"Nagkatitigan sila, at biglang na tauhan nung na pansin nilang sila ang center of attraction imbes na yung fire works"
Hyun-Sik: Ahhh ehhh? Sige balik na ako sa trabaho ko.
Seung-Ho: Ako din balik na sa lamesa ko.
-----
"Hyun-Sik POV"
"Pagkabalik ni Hyun-Sik sa fire place ay hinawakan nya ang kanyang dibdib dahil sa labis na pagtibok ng puso nito"
Hyun-Sik: Ano ba tong na raramdaman ko, argghh! Tang ina naman oh!
"Biglang lumapit ang Manager kay Hyun-Sik"
Manager: Hyun-Sik oh ito mag kape ka muna.
Hyun-Sik: Ahh salamat po Mr. Shin.
Manager: Good job sa first day mo ah? Gusto ka ng mga customers dahil mabilis kang kumilos lalo na sa pagdadagdag ng uling para sa kanila.
Hyun-Sik: Hehe salamat po, tsaka pinagbubutihan ko naman po talaga ang trabaho ko, ayoko naman po mapahiya sa inyo.
Manager: Ay oo nga pala, ito yung First payment ko sayo hah?
"Inabot ng Manager ang unang sahod ni Hyun-Sik"
Hyun-Sik: Nako Mr. Shin ang aga naman po ata ng pasahod nyo?
Manager: Na tuwa kasi ako sayo, dahil napaka sipag mo sa unang araw mo, at dahil sayo malaki ang kita ng Barbecue House, oh ayan dinagdagad ko na yang first pay mo, imbes na 250,000 Won eh ginawa ko ng 330,000 Won yan, para ganahan kang mag trabaho dito.
Hyun-Sik: Salamat po ng marami Mr. Shin.
Manager: Oh sya balik na ako sa server, ilang oras nalang at magsasara na tayo, maiwan na kita dyan.
Hyun-Sik: Great! Itatabi ko na ito, hmm? Kailangan ko pang kumayod, malayo pa sa 3 Million Won yung target na ipon ko.
------
"At masayang bumalik ulit sa trabaho si Hyun-Sik.
Makalipas ng Isang oras at lumabas na ng Barbecue House sila Seung-Ho at ang nga old classmates nya, at na kita ni Seung-Ho sa Fire place si Hyun-Sik na ginagawa ang trabaho nya"
Seung-Ho: Psst! Hyun-Sik! Ano una na ako ah! Ingat nalang sa pag uwi.
Hyun-Sik: Ahh sige ingat ka din sa pag-uwi.
Seung-Ho: Masarap kumain dito hehe sige bye! See you later.
"At tuluyan na ngang umalis si Seung-Ho sa Barbecue House, at si Hyun-Sik ay pinag patuloy nya parin ang trabaho nya at ng may malaking ngiti sa kanyang mga labi"
"11pm na ng gabi at oras na para umuwi na si Hyun-Sik, pero hindi nya alam na naghihintay pala si Seung-Ho sa kanya sa labas ng Barbecue House"
Hyun-Sik: Sige po mauna na po ako Mr. Shin, ingat po kayo sa pag-uwi.
Manager: Ikaw din ingat sa pag-uwi, salamat!
"Pagkalabas ni Hyun-Sik sa pintuan ng Barbecue House eh na kita nya na nasa labas ng kotse si Seung-Ho at kumakaway ito sa kanya"
Hyun-Sik: Hoy! Akala ko ba umuwi kana?
Seung-Ho: Hindi ako umuwi, syempre hinintay kita dito, mag bike ka na namab pauwi eh, madulas sa kalsada ngayon dahil sa snow.
Hyun-Sik: Sus miss mo lang ako eh!
Seung-Ho: Anong na mimiss kita? Haha baliw! Halika na nga dito sumakay kana, haha amoy barbecue kana hahahaha
Hyun-Sik: Natural dun trabaho ko baliw.
Seung-Ho: Sabay tayo ligo pagkauwi, haha na hawa na ako sa amoy mo.
Hyun-Sik: Parang ang baho ko naman masyado hahaha.
Seung-Ho: Tara na sa loob ng kotse haha malamig dito sa labas.
"At nag akbayan ang dalawa at papunta sa kotse, at tuluyan ng umalis ang dalawa sa barbecue house"
"Dahil sa kapaguran ni Hyun-Sik sa trabaho ay nakatulog ito, at nakapatong ang ulo nito sa balikat ni Seung-Ho"
Seung-Ho: Nakatulog na nga, haist pagod na pagod sa trabaho, kawawa naman...
"Inalalayan ito ni Seung-Ho sa pamamagitan ng pagyakap nya kay Hyun-Sik para hindi ito magulo sa pagkakapwesto ng pagkakatulog nya sa balikat bi Seung-Ho"
"Hindi alam ni Seung-Ho na rinig na rinig ni Hyun-Sik ang malakas na pagtibok ng puso nito, kaya nagpanggap lang muna itong na tutulog hanggang sa tuluyan na nga itong nakatulog dahil sa mainit na pagkakayakap ni Seung-Ho sa kanya"
"MARAMING SALAMAT NANDYAN KA SEUNG-HO SA TABI KO, AYOKONG MAWALA KA SA BUHAY KO, SALAMAT NANDYAN KA AT MAY MASASANDALAN AKO.
MASAYA AKO SA TUWING MAGKASAMA TAYO.
MARAMING SALAMAT MAHAL NA MAHAL KITA, ANG MATALIK KONG KAIBIGAN.... SEUNG-HO.
-Hyun-Sik"
End of Episode 4