Chereads / Ghost Hunter For Hire ( Filipino ) / Chapter 8 - PINK HAIRED GIRL

Chapter 8 - PINK HAIRED GIRL

EMERSYN

Ilang araw ang lumipas at bumalik naman sa dati si Jaxon. The bad news is he got a lot more annoying and irritating. Lalo na ngayon na napilitan akong maglagay ng concealer sa ilalim ng mga mata ko dahil sa laki at itim ng mga eyebags ko. Mabuti lang at hindi na ako dinidistorbo ni Jaxon ngayon sa kwarto dahil nilagyan ko na ng mga talisman ang buong kwarto ko. Kung hindi pumasok na naman siya at sisilipin ako sa CR habang naliligo.

"Baby, papasukin mo ako,"sabi niya mula sa labas ng pinto.

"Tumahimik ka,"sabi ko.

I've been absent for a few days. Nagrerecover kasi ako sa mga natamo kong sugat. And this is the second day of my return is going to school. All thanks to my nurse plus maid Jaxon. He was the one nursing me back to health. At simula nang nakikitira siya sa condo siya na ang gumawa ng lahat ng gawaing bahay. Which was an advantage to me. Since with school and ghost hunting, I don't have much time to do house chores. I can't even cook a single meal for myself without getting cuts and burns. Pero ngayon na kasama ko na ang freeloading ghost na si Jaxon, hindi ko na kailangan mag order ng pagkain at ipadeliver sa condo ko. Which was also good. Homemade food is much healthier.

His extra caring this time. Alam ko naman na ginagawa niya ito para makabawi sa'kin sa mga natamo ko no'ng nakaraang ghost hunting mission namin.

Bumaba ako mula sa bus at lumakad patungo sa gate ng school. Nakita ko si Stefan nakatayo may hawak na The Willows High School Rule Book sa isang kamay at matiim na tiningnan ang mga estudyanteng pumapasok sa school gate. Eyeing every student going inside with his eagle eyes for any violations.

"Mr. President," I called, waving my hand and smiling. But he just take a glance at me then returned his gaze to the students passing the school gates.

I felt a pain in my chest. Simula no'ng nangyari sa resort hindi na niya ako pinapansin at palagi niya ako iniiwasan. I tried approaching him but he always has this excuse in avoiding having a conversation with me. And it kept bugging me that I don't know why he's acting like this suddenly. We were fine at the resort. Then, what's with the sudden change?

Hindi kaya dahil sa sinabi niya no'ng nalasing siya sa resort. O di kaya dahil sa nangyari sa kamay ko. O dahil sa naglay low lang siya dahil baka maging suspicious ang mga tao na nakaka usap ako ni Stefan na #1 freak ng school. O di kaya normal na ang pag iwas niya sa'kin because I'm just actually a nobody to him. An oblivious person.

May ginawa ba akong mali? May sinabi ba akong mali? Akala ko kaibigan na kami. Surely, I have this big crush on him. I was super duper happy when he said he likes me and we almost kiss that time when he was drunk. Pero kahit maging kaibigan lang siya ayos na iyon sa'kin.

Pero mukhang malabo.

May lumagpas sa'kin na lalaki na naka ripped jeans at rubber shoes. Nang makita siya ni Stefan na pumasok sa loob ng gate ay hinabol niya ang lalaki. "Hoy! Bawal 'yan!"sabi ni Stefan.

Napabuntong hininga ako. Mas mabuti na siguro ang ganito. The more he gets close to me, the more I'll put his life in danger. Lalo na ngayon at alam niya na ang totoong pagkatao ko.

The day ended chaoticly. Why? Buhaghag ang buhok ko. Sumasakit ang ulo ko. Stress na stress ako. Dahil sa ilang araw akong absent ay kinailangan kong humabol sa mga lessons ko. Idagdag pa ang daming projects at assignments na pinapagawa sa'min. Matamlay akong naglakad papalabas ng hallway. Tiningnan ko ang ibang estudyante. Mukha silang mga zombies at kasama na ako d'on. Ang diyos at diyosa sa umaga ay naging zombies sa hapon.

Dahil wala namang mga tawag o text mula sa GFH napagdesisyunan kong umuwi agad sa condo. Pagpasok ko agad kong naamoy ang nilulutong pagkain ni Jaxon sa kusina. Naririnig ko pa nga ang tunog ng kumukulong mantika.

Hindi na ako nag abala pa pumunta sa kusina, hinagis ko ang bag ko sa sahig at tumalon pahiga sa sofa.

Ahh. Relaxation. Finally!

Nakapikit ang mata ko nang maramdaman ko ang malamig niyang presensiya. I didn't open my eyes. "Hi baby—Woah! Anong nangyari sa'yo?"sabi niya.

"Thesis, reports, assignments, and the approaching exams. Ugh. Too much brain work." I said my face buried on the throw pillow.

Narinig ko ang mahinang tawa niya. "Come on baby. Tumayo ka na d'yan at kumain ka muna,"sabi ni Jaxon at hinila ang braso ko patayo pero hindi ako nagpatinag.

"No. Gusto ko matulog."

"Sige na. Maaga ako nagluto kasi alam kong gutom ka pag uwi mo, baby,"pagpupumilit niya.

"Ghost, isa pa. Hilahin mo pa ang kamay ko at babalian talaga kita,"banta ko sa kanya. Hindi parin ako tumatayo.

"Don't make me use it, baby."

Use what? Ah! Bahala ka d'yan! Hindi ako tatayo. Pero nagulat nalang ako nang nanigas bigla ang katawan ko at bigla akong napaupo. What the heck!?!

"I told you don't make me use it,"sabi niya na may ngisi sa labi. Oh how much I want to rip that smile off his face. I glared at him.

"Kumain ka na kasi. Food is a blessing kaya hindi dapat pinaghihintay ang grasya. Promise hindi na kita gagambalain pagkatapos mong kumain,"sabi niya. I felt my body relaxed, regaining my control.

Tumayo ako at patabog na lumakad patungo sa kusina at umupo. Nilagay niya ang mga plato at kubyertos ko gamit ang powers niya. Pinalipad niya ang mga gamit. Italian spaghetti at fried chicken ang niluto niya.

Woah!

It look so delicious. Parang lalaway ka talaga sa hitsura at amoy palang. Paano pa kaya kung kainin mo na?

He assisted me, nilagyan niya ng pagkain ang plato ko. Pagsubo at nguya ko hindi ko maiwasan na ngumiti at matakam sa masarap na lasa ng luto niya. Just like the foods in a five star Italian restaurant.

"Ang sharapp,"sabi ko na may pagkain pa sa bibig. He chuckled. "Don't talk when your mouth is full, baby."

Nilunok ko muna ang pagkain bago dinuro ang kutsilyo sa kanya at nagsalita. "Don't call me baby,"sabi ko, imposing it as a warning. Nakahalumbaba siya at ngumiti. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain.

"By the way. . ."

"Hmm?"

"Saan ka natuto magluto? Diba ang sabi mo sa'kin na wala kang maalala sa nakaraan mo. Paano ka natuto magluto?"

"Well, natutunan ko ang pagluto ng mamalagi ako sa isang Italian Restaurant ng ilang buwan. Tinitingnan ko kung paano ng mga chef niluluto ang pagkain nila. I always utilized the time when they close to try and cook food. No'ng una nasusunog at masama ang lasa ng mga pagkain ko but it didn't took me long before I got the hang of it. I still don't remember anything of my past but maybe, just maybe, I'm someone who is interested in cooking,"paliwanag niya.

No wonder his Italian spaghetti taste like something you can only taste at an expensive and exclusive Italian restaurants.

"About your memories, wala ka ba talagang maalala?" Umiling siya. "Wala talaga. I just woke up na nasa isang hospital na ako at nalaman ko nalang mula sa isang multo na sinabihan akong patay na ako at naging isang multo. I tried looking for my body around the hospital pero hindi ko nakita. Pati relatives o kung sinuman na pwedeng magturo sa katawan ko wala."

Napaisip ako. "This will be hard. Kahit ang unfinished business mo hindi mo alam?" Umiling siya ulit. I focused on my thoughts. Paano 'to?

"Hey, you don't need to force yourself thinking about it. Pagod ka na. You should give your brain some rest,"sabi ni Jaxon.

Nag isip ako ng malalim.Then a bright idea came in. "Can you still name the hospital?"

Tumango siya. Nilabas ko ang laptop mula sa drawer ng study table ko. Bumalik ako sa lamesa at binuksan ang laptop ko. Nang maisiguro kong naka connect na ako sa wifi ay tinanong ko si Jaxon. "Anong name ng hospital?"

"Sa Hope Hospital."

Agad kong tinype ang sinabi niya at nagsearch nang mga information sa internet. "Hey tapusin mo muna ang pagkain mo." Nagmultitasking akong nag babasa ng mga info habang inuubos ang pagkain sa plato ko. Nagbabasa ako ng mga ilang news articles recently tungkol sa mga pasyente na dinadala sa Hope Hospital. Articles ng mga accidents and deaths. Baka sakaling marecognize ko ang isa sa kanila si Jaxon. Wala akong nakita sa recent kaya nagbasa ako sa mga past years na articles at news.

Pinabayaan ko lang si Jaxon sa mga pinagagawa niya. Buong oras na nakasubsub ako sa laptop ay hindi ko namalayan na 9:08 p.m. na pala. Kaya bago ko pinagpatuloy ang article search ko para Jaxon ay ginawa ko muna ang sandamakmak na school works ko.

~*~*~

JAXON

Tiningnan ko ang oras sa wall clock ng kusina. 1:45 a.m. na. Nasa lamesa si Emery natutulog habang naka-on parin ang laptop niya. Maraming ring nagkalat na mga papel sa mesa at sahig pinulot ko iyon isa-isa at binasa ang mga nakasulat. Karamihan ay tungkol sa school works niya pero meron rin siyang nakuha mula sa pagresearch niya sa Hope Hospital. Mga tungkol sa mga deaths at aksidente nang mga lalaki na napapadala sa Hope Hospital.

Why didn't I think of doing this?

Kahit may alam ako sa paggamit ng gadget—which is kinda weird since I lost my memories but I know how to use gadgets and even make powerpoint presentations kagaya ng ginawa ko non kay Emersyn. Pero hindi ko talaga naisipan na magresearch. Kung sabagay, ngayon lang ulit ako nagkainterest na malaman ang nakaraan ko.

I was already contented with what I am now that I totally forgot that I was once like them, like a normal living human being.

Tiningnan ko ang sleeping face ni Emery. Mukha siyang maamong tupa pag tulog. Hindi iyong palaging nakakunot ang noo niya sa'kin. Palaging galit.

She is really exerting a lot of effort in this. Umupo ako sa katabing upuan niya at marahang hinaplos ang buhok niya. "You know, I've been thinking about it. I think I don't need to know the life I had before I die. Alam mo ba kung bakit?"

Wala akong nakuhang sagot mula sa mahimbing na natutulog na si Emery.

"Past is past but you are my present and my future. I don't want to leave you. I want to stay by your side always. Kung kaya hindi ko na kailangan na malaman pa ang nakaraan ko. Because being here with you is already heaven for me."

Makalipas ang ilang minuto kong pagtitig sa mukha niya ay maingat ko siyang pinangko at at kinarga patungo sa sala. Hindi ko siya madala sa kwarto niya dahil sa mga nakadikit na ewan sa pinto at pader niya. Pinahiga ko siya ng maayos sa sofa at kinuha ang kumot na bago kong laba sa sampayan. Kinumutan at inaayos ko ang paglagay sa kumot niya.

Umupo ako sa harapan niya at nilagay sa ilalim ng tenga ang humarang na buhok sa kanyang mukha. I lay a kiss on her soft lips.

Nang humiwalay ako ay umungol siya at gumalaw. Tumalikod siya sa'kin. Tumatambol ang puso ko at sumilay ang malaking ngiti sa labi ko. She is definitely my heaven.

"I love you."

~*~*~

EMERSYN

Nasa canteen ako ngayon kumakain ng lunch. Kinakain ang binaon sa'kin ni Jaxon na Italian food. Humikab ako. Kulang ang tulog ko kagabi. At ang nakabwiset pa, kahit saan akong websites, news or articles mapunta wala akong nakitang news napagtuturo sa'kin sa pagkamatay ni Jaxon.

I was so engrossed with my thoughts that I didn't notice a girl standing with a tray of food at hand. "May I care to join you?"

Tiningnan ko siya. Wow. Ang ganda niya. Para siyang living Barbie doll with pink hair. Bumagay talaga sa kanya ang kulay pink niyang buhok. "Umm...okay,"I said not sure if I was sincere or anything.

Ngumiti siya at umupo sa upuan na katapat ko. Tahimik lang siyang kumain. Pinagpatuloy ko rin ang pagkain ko pero ilang ulit ko rin siyang sinusulyap. Ginagaya niya ba si Stefan? Siya na ang ikalawang tao na lumapit sa table ko at sumabay kumain sa'kin. Tiningnan ko ang paligid, marami pa namang bakanteng upuan. Bakit siya umupo rito? Di kaya may hidden agenda rin ipapagawa ang babaeng 'to sa akin.

Not to mention, ang daming mata ang nakatingin sa direksyon namin at gaya rin sa reaksyon nila kay Stefan no'ng sumabay siya kumain kasama ko. Marami ring nagbubulungan. Pero balewala lang sa kanya ang tinginan at bulungan sa paligid hanggang sa natapos siya at biglang nilahad sa'kin ang kamay niya.

"Hi, I'm Scarlett Rose Willows,"sabi niya. Tiningnan ko ang kamay niya bago ito tinanggap at nakipagshakehands. "I'm Emersyn Callista Dela Torre,"pagpapakilala ko.

Ngumiti siya sa'kin. Sinuklian ko naman siya ng awkward smile. Tumingin siya sa paligid agad namang umiwas ang mga taong kanina pa nakitingin sa'min. "It's too crowded and noisy here. Can you come with me? I want to talk with you somewhere in private,"sabi ni Scarlett. I just nodded.

Pagkatapos naming nilagay ang mga tray namin sa isang counter ay sabay kaming umalis ng canteen. Ang weird nga dahil lahat ng mga mata ng tao ay nasa amin. Lalong lalo na sa kanya. Napapansin ko rin na iniiwasan siya ng mga estudyante na para bang natatakot silang mahawakan ang balat niya. Ang kaibihan lang sa kanya ay iba ang dating parang iniiwasan nila ang isang. . .reyna.

We didn't talk along the way. Hanggang sa umabot kami sa Principal's Office. Principal's Office? Bakit kami dito mag uusap? Shoot! Don't tell me pinapatalsik na ako sa school na'to. What the heck?! Ano ba kasing pag uusapan namin?

Binuksan niya ang pinto. Ang akala ko nando'n ang Principal namin na si Principal Lorenzo pero wala siya sa mesa niya. Eh?

Casula siyang umupo sa isang sofa sa isang gilid. I sat awkwardly beside her. Nakatitig ako sa kanya na may pagtataka. "Iniisip mo siguro kung bakit nandito tayo?"

Hindi ako nagsalita. Mind reader ba ang babaeng 'to?

"Well it's because I'm the daugther of the owner of this school,"sabi ni Scarlett. Daugther? Ngayon ko lang napagtanto na Willows nga pala ang apelyido niya. Kaya pala binibigyan siya ng daan ng mga tao kanina. So bakit pinapunta niya ako rito? Ano ba kasing pag uusapan namin? Hindi naman siguro makikipagkaibigan lang ang babaeng 'to kasi girls like her should be with her kind, not with a girl like me who is labeled #1 freak in school.

"Anong gusto mong pag usapan sa'kin?"lakas loob kong sabi. May kinuha siya sa kanyang bag na isang pulang envelope at inabot iyon sa'kin. Kinuha ko ito at binuksan. Ang nakalagay:

You are invited to attend the 16th birthday of

Scarlett Rose Willows

at Black Marbel Hotel 7:00 p.m.

The invitation card is beautiful. Red roses ang design ng card at sa upper left corner ay may nakadikit na VIP sticker. Tiningnan ko siya ng may pagtataka.

"Technically everyone in the school is invited. But my dad told me if I have friends I can put them in the VIP list but since I don't have one. So I decided to invite you to come and be friends with me. It's okay with you, right?"

Eh? Akala ko client siya ng GFH kagaya ni Stefan?

"Why me? Alam mo naman siguro ang tungkol sa'kin,"sabi ko.

"Oh that, you being a freak in school who can see ghost. I don't care about that stuff. And besides, when I saw you at the canteen earlier. I thought among all those morons and bitches out there I would rather hang out with a girl like you. You seem nice."

Ilang beses akong kumurap sa sinabi niya still processing what she just said. Ngayon lang ako nainvite sa isang event ng isang kaibigan. May mga kaibigan naman ako sa GFH pero dahil sa pag aaral at sa trabaho sa GFH madalang nalang kaming maghang out o kahit magkita man lang.

"I got you covered with your outfit and everything else. You don't need to worry about anything. All you need to do is show up in the party. So, will you come?"sabi ni Scarlett.

Should I go? Hindi na ako sanay umattend sa mga events na gaya ng birthday parties ng mayayaman na tao. Kahit galing pa ako sa isang mayaman na pamilya. Pagkatapos kong lumayas sa impyernong bahay na 'yon. Tinalikuran ko na ang buhay mayaman at sinuportahan ang sarili ko. Pero covered na ni Scarlett lahat ng kailangan ko sa party.

Sumulyap ako sa kanya. Her eyes were glittering, begging even.

Napabuntong hininga ako. "Makakatangi pa ba ako."

"So is it a yes?"

"Ahh. . .yes."

"Yehey!"

Nagulat ako ng niyakap niya ako ng mahigpit. A thing I don't usually get from normal people. I smiled akwardly at her.

Nagkwentuhan lang kami do'n. Well, she was mostly the one doing all the talking while I just keep listening to her stories. Hindi ako masyadong nagkwento dahil marami akong hindi gusto pag usapan lalong lalo na patungkol sa pamilya ko at sa sarili ko. Baka magkamali ako at maikwento ang tungkol sa trabaho ko sa GFH.

~*~*~

Bumaba ako sa limousine na sinasakyan ko. Isa din ito sa I-got-you-covered-thingy ni Scarlett. Pati ang sasakyan na magdadala sa'kin sa venue ay siya narin ang sumagot. Kahit pwede naman akong magtaxi, nakakahiya kasi halos lahat ng suot at ayos ko ay galing kay Scarlett. From the french bun with ruby decorated pins on my head, a diamond choker to match my red off shoulder ball gown embroided with the finest details of flowers, and the 5 inches high heeled shoes (that is giving me a crap). Lahat ng ito ay galing kay Scarlett.

Never realize I would have a normal friend who would be this generous. The fact, na kamakailan lang kami nagkakilala at ngayon ngaing instant friends.

Tiningnan ko ang hotel. Umawang ang bibig ko sa mangha. Ang ganda! All modern and black and design ng mismong building ng hotel.

"Wow!"manghang sabi ni Jaxon sa tabi ko. Yes, I invited him to come with me. Hindi problema iyon kay Scarlett kung may madaragdag sa VIP list niya si Jaxon kasi multo siya. Hindi makikita nila si Jaxon.

I must admit he looks flaming hot in his red suit. Red kasi ang motif sa birthday party ni Scarlett dahil paborito niya daw ang kulay red. Weird, she likes red but had her hair colored pink. It's kinda ironic I can say. But I can't blame her because I'm also weird, I like peaches even if they give me allergies. Well, everyone is weird at some point in their lives.

Hindi ko alam kung paano iyon nagawa ni Jaxon na makapagpalit ng damit. Nasanay kasi ako sa mga misyon ko na palaging nakasuot ng puting bestida at barong tagalog ang mga multo mula sa suot nila noong namatay sila. Nakalimutan kong iba pala si Jaxon.

Kung siguro tao pa siyang ang daming babae ang magkarandarapa sa kanya. But on the second thought considering his a perverted maniac baka maraming babae na siyang naikama. The thought made me shiver. Ew.

"Hindi ka pa ba papasok?"tanong niya sa'kin. Tiningnan ko ang hotel bago tiningnan ang sarili ko. Okay lang ba ang suot ko? Hindi ba ako magmumukhang ewan lang do'n sa loob? Hindi talaga ako sanay sa mga ganitong events. Wala pa naman akong experience na magmission ng nakasuot ng ganito sa ghost hunting work ko. Could I really fit in with those people?

Naramdaman ko ang kasing lamig ng yelo kamay na humawak sa kamay ko. "Hey, you don't need to worry about a thing. Just so you know you look splendid and beautiful tonight,"sabi niya.

Naramdaman kong medyo naging erratic ang hearbeat ko at mukhang uminit ang cheeks ko sa sinabi niya. "Ngee, ngayong gabi lang,"sabi ko para maitago na sobrang naapektuhan ako sa sinabi niya. The heck!

Natatawang umiling siya. "Well, everyday baby. Pero mas nagmukha kang tao ngayon,"natatawang sabi niya. Sinapak ko ang braso niya.

"Bwiset ka,"natatawa ring saad ko.

"Shall we?" Tumango ako bilang tugon. Sabay kaming naglakad papasok sa hotel. Hindi ko alam kung saan talaga ang venue pero nang may namataan akong dalawang babaeng nakared evening gown ay sinundan namin sila. Naka abot rin kami sa venue. Sa entrance palang ang dami nang tao nakatingin sa akin.

Kinabahan ako. Nakikilala nila kaya ako? Hindi ko kasi sinuot ang eyeglasses ko ngayon kasi hindi raw nababagay sa ayos ko ngayon sabi noong beki nagmake up sa'kin sa isang famous salon na hinire ni Scarlett. Without my glasses I really look different from the eyes of people.

Pero hindi lang iyon ang kinakabahan ko. I got this gutt feeling something is going to happen.

Something wrong.

Something bad.

I feel this night won't turn out to be great.