EMERSYN
Tinulak ako ng isang babae sa pader napasinghap ako sa sakit ng likod ko. Matalim ang tingin ang pinukol ko sa kanya. "Nang dahil sa'yo namatay siya!"sigaw ng babaeng nakabraid ang buhok.
"The evidence was found and proven the real criminal guilty which he is now behind bars. And you still think that I'm the one who killed him."
"But in the first place, kung hindi ka lumapit sa kanya, kung hindi niya kinain ang mansanas mo ng araw na iyon edi sana nandito pa ang prinsipe namin,"sabi ng isang morenang babae.
"Ikaw ang nagdala ng malas sa buhay niya!"giit pa ng isa pang babae. Sumang ayon naman ang ibang kasamahan niya. Nasa secluded na bahagi ng paaralan kami ngayon nang lunch time. Nang papasok na sana ako sa canteen kanina ng bigla akong hilahin ng mga babaeng ito at dinala rito kung saan wala masyadong tao ang dumadaan. Pinalibutan ako ng sampung kababaihan, na sa tingin ko ay galing sa iba't ibang year level. Na siyang mga miyembro ng isang fan's club kay Stefan.
Marami pa silang sinabi ng masasamang bagay na ako ang pumatay kay Stefan. What the heck is wrong with them?! Patay na ang tao at nanahimik na siya pero heto sila ngayon ginagamit ang pangalan ni Stefan para api apihan nila ako. Pinikit ko ang aking mata. Pilit na ipasok sa tenga ang lahat ng sinabi nila at ilabas kaagad sa kabila.
"Freak!"
"Bitch!"
Hindi na ako nakapagtimpi. I grabbed the girl with braided hair on the collar of her uniform which made her yelp in surprise and fear. Nagulat rin ang ibang kasamahan niya sa ginawa ko. Hindi ako pumapatol sa kanila noon pero somusobra na sila.
"Sabihin nating malas ako, gusto mo ba bigyan kita?"
Tinulak ako ng babae sa takot. "You're crazy!"
Susugurin na ako ng ibang kasamahan niya nang mapatigil sila ng may sumigaw mula sa likod nila.
"Lay a finger on her and I'll wreck your bitchy faces!"
Galit na galit siya habang hinawakan sa isang kamay ang kanyang bass guitar na tila baseball bat ito. "You know, this guitar can be good for smacking faces."
"Shit!"mura ng isang babae.
Nang dahil sa takot ay agad silang nagsialisan. "If I ever see you freaks hurting my Emery again. Sisiguraduhin kong hindi na kayo makakaharap pa ng salamin!"sigaw ni Scarlett sa kanila. Lumapit siya sa akin.
"Okay ka lang?"
Tumango ako. "I thought I'll never get to see you again," I said sadly.
Nilapag niya ang kanyang gitara sa lupa at niyakap ako. "I'm sorry Ems. I just. . . I just kept myself preoccupied para makalimutan ko na siya."
"Hindi mo naman kailangan na kalimutan siya. Kailangan mo lang tanggapin na wala siya."
Mas hinigpitan pa niya ang kanyang yakap at hindi siya nagsalita ng isang minuto. "Mukhang tama ka nga."
"It's okay Scarlett. Naintindihan kita."
Her birthday was a total disaster. The dead body of her fiance was found falling from the sky. And the suspect of the crime so happens to be the ex-boyfriend of Scarlett.
Naalala ko parin ang oras na iyon nang nalaman namin kung sino ang suspect ng krimen.
Matapos ang dalawang araw ng imbestigasyon at pagtingin sa ebidensya sa video recorder ng fountain pen ni Stefan ay natuklasan na nila kung sino ang suspect. Hinanap na nila ang suspect na muntik nang sumakay sa isang barko patungo sa ibang bansa. Talagang naisipan pa niyang takasan ang kasalanan niya. Nadakip siya at ngayon ay dinadala na rito sa police station. Ang suspect sa pagpatay kay Stefan ay ang sarili niyang kapatid na si Sebastian John Reyes.
Nasa police station kami ngayon nila Scarlett, Nicholas at Nathan kasama ang mag asawang Reyes. Si Mr. Reyes ay parang bulkan na anumang oras ay sasabog na sa galit. Mr. Reyes kept pacing back and forth and roughly combed his hair. Walang humpay si Mrs. Reyes sa pag iyak na niyakap at pinapakalma ni Nicholas.
"Anong nangyayari sa mga anak ko? Bakit sila nagkaganito?"umiiyak na sabi ni Mrs. Reyes. Nakaupo siya sa isang upuan habang hinahagod ni Nicholas ang kanyang likod. Bumukas ang pinto at pumasok doon ang dalawang pulis na hinahatak ang isang lalaking puno ng mga sugat, dugo at pasa na para bang binugbog siya. Nakaposas ang kanyang mga kamay at puno ng dumi ang kanyang damit.
Nagulat kaming lahat ng sumugod bigla si Scarlett at sinampal si Sebastian. Tumulo ang mga luha sa kanyang mata at namula ang kanyang mukha sa galit. "How dare you!! You asshole! Anong dahilan mong gago ka?!! Bakit pinatay mo si Stefan!?! Bakit mo siya pinatay?!! Hayop ka!! Mamamatay tao ka!! Demonyo!!"sigaw niya habang hinahampas at sinasampal si Sebastian. Inawat si Scarlett ng mga pulis na pilit niyang pumiglas sa mga hawak ng pulis hanggang sa napaupo nalang siya at umiyak. Lumapit ako sa kaniya at pilit siyang pinapakalma.
Sumunod namang sumugod ang kanyang ama ng makita niyang ngumisi ng malademonyo ang kanyang anak. Sinuntok si Sebastian ng kanyang ama na kinatumba niya sa sahig.
"Honey!"sabi ni Mrs. Reyes na nagulat sa ginawa ng kanyang asawa sa sarili niyang anak.
"Isa kang kahihiyan sa pamilya!! Wala kang ginawa kundi bigyan kami ng kahihiyan, gago ka!! Nilapastangan mo ang sarili mong kapatid!!"sigaw ni Mr. Reyes kay Sebastian.
Ngumisi ng nakakaloko si Sebastian at humagalpak ng malademonyong tawa na kinagulat at kinalibutran ng lahat. Susugurin pa sana siya ng kanyang ama ngunit pinigilan siya ni Mrs. Reyes. Niyakap siya ng mahigpit para tumigil na ito. Humarap ang ina ni Sebastian sa kaniya na walang humpay sa pag agos ang luha sa mga mata.
Sandaling natigilan si Sebastian at pinagmasdan ang hitsura ng kaniyang ina na labis nasaktan sa mga nangyayari. Makikita sa mukha ni Sebastian ang lungkot at guilt ng makaharap niya ang kaniyang ina.
"Anak bakit mo ginawa iyon?. . .Bakit. . .Bakit mo iyon ginawa sa kapatid mo?" Pero biglang nagbago ang hitsura ni Sebastian nang tanungin siya ng kaniyang ina. "He deserves it! He deserves his death!! Gusto niyang kunin lahat sa akin, Ma!! Hahahahaha! Ikaw, si Dad, ang kompanya pati ba naman si Scarlett ay kukunin niya. Lahat! Kukunin niya lahat sa akin!! Mas mabuti nang namatay siya! Wala na ang pinakamamahal niyong anak!! Hahahahahaha!!!"sabi ni Sebastian at tumawa ng malademonyo.
Napatulala si Mrs. Reyes sa sinabi ng kaniyang anak. Hindi makapaniwala na ang dinala niya sa sinapupunan, niluwal at inalagaan ay lalaking mamamatay tao. Namutla si Mrs. Reyes at biglang nahimatay. Mabuti lang at nasalo siya ni Mr. Reyes bago pa siya bumagsak sa sahig. Kinarga siya, pinasok sa kotse at dinala sa hospital.
Kami nalang ni Scarlett at Kuya Nathan ang naiwan sa police station. Nataranta rin kami ng biglang mahimatay si Scarlett.
"Scarlett! Scarlett!" Tinapik ko ang mukha niya pero hindi siya gumising.
"Kailangan natin siyang dalhin sa hospital,"saad ni Kuya Nathan. "Sige Kuya. Mauna na kayo do'n, susunod lang ako." Tumango siya. Kinarga ni Kuya Nathan si Scarlett at dali dali lumabas sa police station. Kahit hindi ko gusto tumapak sa hospital ay binanewala ko iyon. Mas importante na maisiguro kong ayos lang si Scarlett.
Pinasok na si Sebastian sa isang selda at wala parin humpay ang pagtawa niya. Nasa isang sulok siya nang makita niya akong nakalapit sa kanyang selda ay lumapit siya sa akin at humawak sa bakal ng rehas.
"Hi, there little girl. Wanna play with me?"
Napadaing siya sa sakit nang bigla ko siyang hinawakan sa buhok niya at tumama ang mukha niya sa bakal ng rehas niya. "A-Aray! Bitawan mo ako!" Pilit niyang tinatanggal ang hawak ko sa buhok niya pero mas lalo ko lang diniin ang mukha niya sa bakal.
"Because of your jealousy, you killed him," I said with gritted teeth.
"Ano naman ang pake mo?!!"
Sa sobrang galit ko ay sinuntok ko siya dahilan para matumba at mahimatay siya. "That's for Stefan."
Mabilis pa sa alas kuwatro lumabas ako sa police station. Narinig ko pa ang sigawan ng mga pulis dahil sa lalaking nasa loob ng selda na nahimatay at dumurugo ang ilong. Lihim akong napangisi. Serves him right. Tinawagan ko si Kuya Nathan at pumara ng taxi.
"Sorry talaga Ems. Hindi kita pinapasok sa hospital. I just want to be alone at that time."
I went that time at the hospital. Hindi naging maganda ang pakiramdam ko ng kahit nakaeyeglasses ako ay nararamdaman ko sila sa paligid. At nang mahanap ko na ang private room na ginamit ni Scarlett. Nakita ako ni Kuya Nathan sa labas ng kwarto ni Scarlett. Sinabihan niya ako na walang tao gustong papasukin si Scarlett sa kwarto niya pati nga siya ay hindi niya pinayagan pero naintindihan ko iyon. She needs her alone time. She needs her space.
"Naintindihan naman kita."
"Pero may gusto sana akong pag usapan sa'yo." Humiwalay ako sa yakap namin at nagtakang tiningnan siya. "I need to ask you of some things. Kailangan kong marinig ang opiniyon mo nito."
Anong pag uusapan namin?
Kumain muna kami sa canteen bago nagtungo sa Principal's Office. Doon kami palagi nag uusap ni Scarlett para malayo kami sa mga chismosa at echosera. Well, iyon ang sabi niya. Nakapagtataka nga palaging wala ang Principal pagdumarating kami rito.
Magkatabi kaming umupo ni Scarlett sa sofa. Huminga siya ng malalim. "Ems, alam mo na nakita ko si Stefan nang gabing iyon,"she said as she kept pulling the hem of her skirt.
I was uneasy. "Scarlett—."
"Wag kang mabahala Ems. Alam ko ang tungkol sa inyo ni Stefan."
Nagulat ako. "Sinabi niya sa akin ang lahat. Stefan can be talkative when he's drunk,"sabi ni Scarlett, her eyes were reminiscing that scene with him. And I cannot agree more. Because I'd been there and at that time he was drunk, he confess and we almost kissed.
"Sinabi niya sa akin na may nararamdaman siya sa iyo pero dahil sa hindi niya gustong suwayin ang kaniyang magulang ay tinanggap niya ang arrange marriage namin. Ang totoo, mahal ko siya. Masakit rin sa akin noong una ng malaman ko na wala siyang nararamdaman sa akin at ikaw ang mahal niya. Pero napagtanto ko noon na mas masuwerte naman ako kaysa sa iyo dahil fiance ko na siya. Kaya kahit wala pa naman siyang nararamdaman sa akin noon naisip ko baka bukas o sa mga susunod na araw ay matutunan niya rin akong mahalin."
"Scarlett..." Hindi alam kung ano ang sasabihin ko. Matapos ang lahat na nangyari, ngayon lang namin ni Scarlett binuksan ang topic patungkol sa relasyon nila ni Stefan. Tears were falling down her cheeks and she instantly wipe it away.
"It's all in the past now. You are right. I don't need to forget him. I don't need to remove my memories of him. Kailangan ko lang talaga tanggapin na wala na siya. And I hope this won't ruin our friendship. "
I placed my hands on her and we both shared a smile. We were silent for a moment but then she then spoke. "Pero hindi iyan ang gusto kong pag usapan sa iyo Ems."
Nagtaka ako. "Ano iyon?"
"Ang totoong rason kong bakit nakipagkaibigan ako sa'yo." I was silent, confused.
"Ang rason na iyon ay dahil nakikita ko ang sarili ko sa'yo."
"What?"
Hindi ko maintindihan. Paano niya nakikita sa akin ang sarili niya? We are the opposite. Scarlett is good at singing while I was not good at anything. She always wears a smile while I dress with a serious face. She likes to wear dresses while I like ripped jeans. She likes classical music while I prefer pop and rock. She was beautiful and I am rather average.
Saan doon nakikita niya ang sarili sa akin? But then it hit me.
"Ems, alam mo na nakita ko si Stefan nang gabing iyon,"
Hindi kaya. . .
Parang nabasa niya ang nasa utak ko dahil ngumiti siya. "What you're thinking is right. Nakikita ko, ang nakikita mo. Simula pa noong bata pa ako masaya ko pang ginagamit ang abilidad ko dahil kahit noong bata pa ako hindi talaga ako pala kaibigan. Kaya nang magkaroon ako ng ghost friend ay naging makulay ang childhood ko. Ngunit dumating ang araw nakakita ako ng tao na aksidente sa kalsada at namatay siya. Nakita kong paano naging multo ang taong namatay. Do'n ko napagtanto na nakakatakot pala ang abilidad na mayroon ako. Simula din noong araw na iyon nagsimula nang lumapit ang mga multo sa akin para humingi ng tulong at ang iba ay sinasaktan at tinatakot ako. Wala akong pinagsabihan na kahit na sino dahil natakot ako noon na hindi sila maniwala sa akin o pagkamalan nila akong baliw. Noong 2nd year lang ako nakabuhay ng normal dahil nagulat ako ng biglang nawala ang abilidad ko. Hindi ko sila nararamdaman, nahahawakan, o kahit makita man lang. I was glad I got to enjoy a normal life. For once I didn't live in fear."
I feel what she feels. Si Mommy at ang bunsong kapatid ko ang isa sa mga taong tinanggap ang abilidad ko ng buong buo. Sila lang ang nakaintindi sa akin lalo na pagnatatakot ako sila ang promuprotekta at nagcomfort sa akin. Sa lahat ng pinagdaanan ko sila lang ang nandyan palagi sa tabi ko. Inisip ko noon kong hindi man ako matanggap ng mundo sa abilidad ko hindi iyon kawalan sa akin dahil alam ko nandiyan lang si Mommy at ang kapatid ko para sa'kin.
Pero namatay sila, doon na nagsimulang naging magulo at mapait ang buhay ko sa kamay ni Daddy at ng ibang kamag anak ko. Kaya nang maglayas ako at makita ng isang taga-GFH na pumulot sa akin mula sa kalsada laking pasasalamat ko na ang kompanya ang tumanggap sa akin at pinag aral ako. At matapos ang puspusang training at seminars ay tinanggap ako sa pagiging ghost hunter. Na ngayon ang siyang nagpapaaral at nagbubuhay sa akin.
"Masaya ako pero noong gabing iyon bumalik ang abilidad ko at ang una kong nakita ang kaluluwa ni Stefan. Bumalik na naman ang nangyari sa akin noon. Kaya naisipan kong magresearch tungkol sa multo. Gusto ko malaman kung ano ang pwede kong magawa sa abilidad ko. Hanggang sa—."
"Nakita mo ang Ghost Hunter For Hire website,"sabi ko. Hindi siya nagulat sa sinabi ko dahil alam na niya siguro na isa akong ghost hunter. "Oo, nagmessage ako sa website tungkol sa abilidad ako at pinadalhan ako ng sulat kinabukasan tungkol sa pag offer nila ng training at trabaho bilang ghost hunter—."
May mga instances na nagmemessage ang mga applicants sa pagiging ghost hunter sa website at pagkatapos mabasa iyon ng mga employees mula sa GFH ay padadalhan nila ang sulat kinabukasan ang applicant para sa form at interview. Pagkatapos ay bibigyan na sila ng schedule sa kanilang training pagmatapos nila iyon ay tanggap na sila bilang ghost hunter.
"Scarlett, no,"I said stopping her for what might be a crazy idea. Hindi ako papayag na maranasan niya ang nararanasan ko.
"Huh? Bakit? Diba isa ka rin ghost hunter?"
"Oo pero Scarlett delikadong trabaho ang pinapasukan mo. Pwede kang masaktan or worse. . ." My mind went back at that time in the beach resort. "Mamatay ka."
"Kung gano'n pala kadelikado. Bakit pumasok ka pa sa trabahong iyan?"
"Malaki ang utang na loob ko sa kanila. Nang naglayas ako sa bahay namin noong Grade 6 pa ako. Noong mga panahon na iyon ay nagpalaboy laboy ako sa kalsada. Nang makita ako sa isang ghost hunter ay dinala niya ako sa kompanya at matapos ng pag uusap ay naisipan nilang kupkupin ako at isanay hanggang sa natanggap ako sa pagiging ghost hunter. Binigyang ako ng GFH ng panibagong pamilya na hindi ako kakinatatakutan at pinagmumukhang malas sa lahat ng tao nakapalibot sa akin.. Pero ikaw, hindi mo kailangan maranasan ang trabaho ko para maintindihan mo ang abilidad mo. Pwede akong magpagawa sa GFH ng isa pang anti-ghost eyeglasses—."
"Ems, no. I don't want to run away from the fear of my ability anymore. I want to face it, accept it. I want to make use of this ability and help people. Alam ko na binuo ang GFH para tulungan ang mga tao sa mga multong sumisira, nananakit, tumatakot at gumagambala sa buhay ng mga tao. Pagkatapos kong malaman iyon ay nabigyan ako ng insight na may paglalagyan ang abilidad ko na makakatulong sa mga tao. Noong namatay si Stefan binigyan ako ng sinyales ng pangyayaring iyon na hindi ko dapat tinatago ang abilidad ko kung alam ko namang may mabuting magagawa ito gaya ng ginawa mo para mahanap agad ang ebidensya sa kaso ni Stefan. Please, Ems, please pumayag ka. I need your moral support on this,"she pleaded.
Is this right? Parang dinadala ko si Scarlett sa delikadong daan.
She pouted her lips, puppy dog eyes, and tears dreading to fall. Nagbuntong hininga ako. "Fine. Just be vigilant and stay safe at all times. And contact me anytime if you needed any help, I'll surely come to your aid."
Niyakap niya ako. "Thank you, Ems."
"Basta mag ingat ka hindi lahat ng multong kinakalaban namin ay mabubuti."
"I will."
Nag usap pa kami doon hanggang sa naabot ang usapan kay Jaxon.
"Speaking of ghosts, who was that other ghost who attended my party? 'Yong multo nasa tabi mo,"sabi ni Scarlett.
"Uhh. . .A friend of mine."
"Really? Wow!"she said with amazement pero biglang naging mapang asar ang kanyang mukha.
"A friend or I dunno. . .boyfriend?" she said and wriggled her eyebrows.
Boyfriend? Saang lupalop naman nang galing ang ideyang iyan? Siya? Boyfriend?! That perverted ghost!?! Pwe!
"Boyfriend? Saan mo naman nakuha ang ideyang 'yan?"
"Uyy, indenial. It means you have feelings for him. It's weird though that you have feelings for a ghost. . ." Which is exactly my point. How can I fell in love with a ghost? I hate ghost. I even exterminate them. "But still ayiiiiiee! Kinikilig ako. Ang gwapo pa naman niya," sabi niya at tumawa ng parang kinikilig na ewan. Kung siya kinikilig sa mga imahinasyon niya sa amin ni Jaxon, ako nakabusangot.
"Anong indenial ka diyan? Wala akong gusto sa multong iyon, okay. End of story."
"Psh. Okay, indenial queen." at tumawa siya.
"Scarlett!"
Mabuti lang at natapos na doon ang pag uusap tungkol kay Jaxon dahil habang tumatagal na bubwiset na talaga ako. Pinag usapan din namin ang tungkol sa kung ano ang mga trainings na kanyang gagawin at isama pa ang mga lessons or classes na kanyang i-attend, mga requirements para maging ganap na ghost hunter.
"Woah. This means my schedule will be hectic,"sabi niya ng nakapangiwi. May classes siya plus may band practice pa and gigs sa Red Cherries at idagdag pa ngayon kung matatanggap siya sa interview ay may nightly trainings at klase na siya.
"Mukhang gano'n na nga."
Tumunog na ang bell sinyales sa pagsisimula ng susunod na klase mabuti lang kanina ay wala kaming klase ni Scarlett sa isang subject kaya malaya kaming nakapag usap kanina. At ngayon kailangan na namin bumalik sa klase namin. Sinarado niya ang pinto sa kanyang likod at pumaharap sa akin.
"So I won't be seeing you much. No worries. We can always talk during lunch break and I'll also find some time to hang out with you one of these days," Scarlett said with so much enthusiasm.
"Yeah. I'll also pick a time when I'm not. . .uhh. . .busy with work. You know when I don't get calls."
We hugged and said our goodbyes before walking separate ways.
I just hope she will always be safe after she gets accepted as a ghost hunter.