BEEF OR PORK
EMERSYN
"Ahhh. Ang sakit ng katawan ko. Grabe pala ang training dito. Ahh! My back is killing me!"pagrereklamo ni Scarlett sa kabilang linya. Natawa ako sa kanya. Ilang araw na din ang lumipas ng magsimula siya sa kanyang 'bone breaking' daw niyang training.
"I know what you feel. I've been there. Mas maging intense pa iyan habang tumatagal."
"HA?!!" kinailangan kong ilayo mula sa tenga ko ang cellphone dahil sa lakas ng sigaw niya.
"Wag kang sumigaw medyo masakit sa tenga,"sabi ko na natatawa.
"Ayy, sorry. Masyado naman kasing extreme ang mga trainings dito talagang nakakabali ng buto."
"Just hang on a little more. You'll get through it, eventually."
"Eventually? More like barely?!" May narinig ako mula sa kabilang linya na tinatawag ang kanyang pangalan. "Thanks, Rick. I'll be there in a gippie. Ahh, Ems."
"Sige na. Let's end this call here. Baka mapagalitan kapa diyan. Bye Scarlett."
"Bye Ems!"
Binaba ko na ang tawag at nilagay ang cellphone ko sa aking bagpack. Paghinto ng taxi sa harap ng mall ay nagbayad ako at bumaba sa taxi. "Salamat manong."pahabol kong sabi bago sinarado ang pinto. Lumipad naman paibaba si Jaxon mula sa ibabaw ng taxi. Sa kahit anong sasakyan ang sinasakay ko pag kasama ko si Jaxon hindi siya sa loob umuupo kundi sa ibabaw dahil ang sabi niya gusto niya ang paraan ng kung paano tumatama ang hangin sa kanya, relaxing daw iyon ang sabi niya.
Ngayon, nakasuot siya ng isang black statement shirt na ang nakalagay ay 'GHOST RULES!'. Which for me is not a good statement. Nakasuot rin siya ng black jeans at white Converse shoes. Na mukhang hindi naman niya kailangan ng sapatos dahil always, I mean always nakalutang ang kanyang paa niya mula sa lupa. But for the sake of fashion, sumusuot siya ng sapatos. Ako naman nakasuot ng isang maroon V-neck shirt , tattered faded blue jeans at white rubber shoes.
"So, mag grogrocery shopping tayo?"
"Yup. Malapit na maubos ang stock ng pagkain plus may listahan pa ako sa mga bagay na kailangan sa bahay." Tiningnan ko ang listahan sa aking kamay at sinigurado na wala akong nakaligtaan na isulat do'n.
Pumasok na ako sa loob ng mall at naglalakad na patungo sa escalator, nasa second floor kasi ang supermarket. "Can we have pork?" I look at him for awhile before continuing to walk.
"No. I've decided we shouldn't eat pork for this whole week,"I said quietly. Sinalampak ko ang earphones ko pero walang music ang nagplay. Para sa tingin ng mga tao ay may kausap ako sa cellphone ko at nag earphones ako para convenient habang naglalakad ako at binabasa ang laman ng listahan ko. Mabuti na iyon kaysa pagkalaman akong baliw na nagsasalita sa kawalan.
"Huh? Pork is good. Ang sarap kaya!"pagprotesta niya. Naiinis na ako sa kanya. Ugh. Sabing hindi nga pwede.
"Hindi nga pwede,"I said gritting my teeth.
"Why?!" he said like a whining kid.
"It's because my body is not great with eating pork for every meal this past few days, okay? At isa pa may lumalaganap ng flu sa mga baboy ngayon. Ayokong magkaroon ng sakit dahil sa pagkain ng baboy." Sana hindi ko nalang sinama ang mokong na'to kung bibigyan lang niya ako ng sakit sa ulo.
Nang makapasok na ako sa supermarket at nagsimula na akong mamili ng bagay na hinahanap ng listahan ko. At times, umupo sa loob ng cart si Jaxon o kung hindi naman ay naglalakad sa tabi ko at tinitingnan ang produktong nakadisplay sa mga shelves at ang nakakabanas sa kanya ay pasimpleng naglalagay siya ng mga bagay na wala naman sa listahan. Binabalik ko naman kaagad ang mga kinuha niya at pinandilatan ko siya ng mata. Humahaba lang ang nguso niya pag ginagawa ko iyon.
Mabuti lang at hindi gano'n na katao ang supermarket at walang nakakita sa mga lumilipad na produkto sa ere. Maingat naman si Jaxon sa mga galaw niya dahil alam niyang isang sapak ang makukuha niya mula sa akin kung hindi siya maging maingat. Tumalikod ako saglit sa cart ko dahil nagdebate ang utak ko kung anong shampoo ang pipiliin ko. Nang pinili ko ang lavender scented na shampoo kaysa sa tangerine ilalagay ko na sana sa cart ko pero nagulat ako ng mapuno ito ng . . .
CONDOMS!
Halos mapuno na cart ng boxes of condoms. Binigyan ko ng masamang tingin ang mokong na ngumisi lang sa akin. "Para saan naman ang mga iyan?"sabi ko at pilit pinapahina ang tinig ko kahit gusto kong sigawan ang mokong na'to dahil umaandar naman ang kamanyakan niya.
"For protection, baby." Kumuha ako ng isang box ng condoms mula sa cart at ibinato iyon sa kanya pero lumagpas lang iyon sa katawan niya. "Bwiset ka! Protection mo mukha mo! Mukha bang kailangan ko ang mga 'yan! Ha?! Ngayon, paano ko ibabalik ang lahat ng 'to na hindi pinapahiya ang sarili ko aber?!"
Nagpout siya sa akin. Kadiri. "Okay, ako na ang bahala,"nanlumo niyang sabi. Para saan ko naman gamitin 'yon? Wala naman akong boyfriend o asawa at isa pa VIRGIN ako! Nakakabwiset talaga ang multong 'to. Urgh! Dinadamay niya ako sa mga kahalayan niya.
Unti unti niyang binabalik sa pinagkuhanan niya ang mga condoms habang ako naman ay naging abala sa pagpili ng iba pang kailangan na gamit. Jaxon poke the cart on my butt. Nakabusangot na lumingon ako sa kaniya na binigyan niya ako ng isang ngiti. Pagtingin ko sa cart ay wala na ang mga condoms pero may mga toothbrush, men's perfume, deodorant, at kung ano pang bagay pang lalaki. Kumunot ang noo ko.
"Ano naman ang mga 'to?"sabi ko tinuro ang cart.
"Mga gamit, baby. Hindi ba obvious?"mataray niyang sabi. Aba! Tinatarayan pa talaga ako sa mokong na'to.
"Alam kong mga gamit iyan pero hindi ko naman kailangan ang mga iyan."
"Well, duh," Inikot niya ang kanyang mga mata. Gusto ko tuloy itusok ang mata niya gamit ang toothbrush. "'Di to para sa'yo. Para sa akin 'to."
Nakapamewang ako. "Para sa'yo? Hindi mo naman magagamit iyan dahil multo ka at isa pa, paano mo iyan mababayad? May pera ka ba?"
"Oh, come on baby. I'm different from other ghost. Bilhan mo naman ako. I want to be hygenic. . ." Kumunot ang noo ko. "'Tsaka kailangan mo rin akong bigyan ng share sa mga payments mo sa ghost hunting missions mo. I deserve some credit."
Napahilamos ako sa mukha. Nakakastress talaga ang multong 'to. "Fine!"I grumbled.
Ngumiti siya. "Thank you."
"But only personal stuff. Got it?"
Tumango siya at sumaludo sa akin. Pagkatapos ay pasimpleng tinulak niya ang cart patungo sa mga stante ng men's shampoo. Ako ay pinagpatuloy ko ang pagpili ng iba pang bagay. Nagpatuloy ang pamimili namin.
He kept pointing at things and I have to push the cart to where he was pointing. We kept debating whether to buy a certain item with our eyes. I glare at him and push the cart in the other direction whenever I find the products he likes are useless.
Hanggang sa umabot kami sa meat section. Hinawakan ko ang isang pound ng beef. Without looking at the cart I put the beef inside but when I whipped my head back and find my beef missing inside the cart. Pagtingin ko nasa kamay na pala ng multo at binabalik iyon sa stante at kumuha ng pork.
"What the heck are you doing?"
"Naisipan kong masarap magbarbeque para sa hapunan mamaya,"sabi niya na hindi ako pinupukulan ng tingin kundi ang atensyon niya ay nasa isang kilong karne na nasa kamay niya, nag-iisip. Hinablot ko ang karne mula sa kaniyang kamay at binalik iyon sa stante. Ha! Two can play at that game.
"Diba sinabi ko na hindi tayo mag pork?"
Kumuha ako ulit ng beef pero mabilis kong hinigpitan ang kapit sa kawawang isang kilo ng beef nang hawakan ito ng multo at pilit hinihila patungo sa dibdib niya.
"Let. Go. Ghost."
"No."
"We are having beef, tonight," I said pulling the chunk of beef to me. Umiling siya at hinila ang beef patungo sa kanya. "No, we are having pork barbeque, tonight."
"Kung hindi mo gustong kumain edi wag,"sabi ko at hinila ulit ang beef. At gano'n din ang ginawa niya. Naghilahan kami.
"Beef."
"Pork."
"Beef."
"Pork."
We exchange glares at each other. Not one of us diverted our eyes from our staring contest—or should I say glaring contest.
"Ako ang magbabayad ng lahat nang 'to kaya ako dapat ang masusunod."
"At parang wala naman akong naging ambag sa mga naipon mong pera. Like, hello, I helped too,"protesta niya at nagpatuloy ang tug of war namin sa kawawang chunk of beef.
"Dapat lang! Dahil nakikipagsiksikan ka sa pamamahay ko. Now let it go."
"Barbeque."
"Bulalo."
"Bulalo? At parang marunong ka namang magluto ng bulalo,"he said in a mocking tone. I raised my chin. "Of course. It's just a simple dish. Any person with a cookbook can cook."
"Ha! Just a simple dish? Your idea of a simple dish is instant noodles." Umakyat ang galit sa ulo ko.
That's it!
Nakaplano na sa utak ko na hihilahin ko ng malakas ang beef at isapak iyon sa mukha niya pero nagulat ako ng napayuko siya bigla dahil sa malakas na hampas sa batok ng isang kilong karne.
"Ow!"
I stared at the guy. Nakasuot siya ng statement shirt na nakalagay ay 'Hack Me Up', black tattered pants at black Nike rubber shoes. Maputi ang kanyang balat, dark curly hair, and a handsome face. He's a little bit skinny like he doesn't exercise or go to the gym.
"Kuya Zipress,"sambit ko.
He acted like he was swatting flies in the air with a kilo of pork in his hand which was weird. "Stupid flies."
I look at him with confusion. He shifted his eyes sideways. Lumingon ako sa direksyon na tinuturo ng kanyang mata at napakagat labi ako ng makita ko ang isang matandang babae kasama ang isang batang lalaki ang edad siguro nasa 5-7 years old. Nakasuot ng isang kulay puting t-shirt ang bata na may hood at may hawak siyang bag na hugis ax. The kid's outfit reminded me of Ice Bear, a character from a cartoon show my lil' brother was so obsessed with.
Pareho silang nakatingin sa amin, lalo na sa'kin. Nakabukas ng bahagya ang kanilang bunganga. Agad umakyat ang init sa pisngi ko namumula sa hiya. Shoot! Mukhang nawitness nila ang tug of war namin ni Jaxon. Crap! Iniisip nila sigurong baliw ako na nakikipag alitan at naghihilahan ng beef sa kawalan.
Huminga ako ng malalim. Ngumiti ako sa kanila at nilagay ang beef sa loob ng cart at tinulak iyon. Habang naglalakad ako katabi ko si Zipress at nang lumingon ako sa likod nakita kong nakasunod lang sa amin si Jaxon na hinihimas ang kanyang batok habang binibigyan ng masasamang tingin si Zipress.
I kept glancing at Zipress who was engross with playing some mobile game in his phone. Nagdebate ang utak ko kung kakausapin ko siya o tatahimik lang ako hanggang sa magkahiwalay na kami ng landas. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang tungkol kay Jaxon. Tatahimik nalang siguro ako dahil sinalampak ni Zipress ang earphones sa kanyang tenga. Kahit magsalita ako hindi naman niya siguro ako maririnig.
Naglalaro siya habang naglalakad nakasabit sa braso niya ang isang basket puno ng mga softdrinks, instant cup noodles, packs ng black coffee, at junkfoods gaya ng Piattos. Maraming Piattos. Hindi parin siya nagbabago sa unhealthy habit niya sa eating.
Mabuti lang talaga at pre-occupied siya habang nag iisip ako kung paano ko ipapaliwanag ang tungkol kay Jaxon. Nilingon ko si Jaxon at sumenyas na umalis. Ang sagot nakuha ko sa kanya ay ang pagkrus ng kamay niya at inirapan niya ako. Urgh! Ang tigas ng ulo niya! Pinakita ko ang aking kamao sa kanya ngunit hindi parin siya sumunod. Papalapit na kami sa end ng aisle at nang nasa dulo na kami ay lumiko si Zipress sa kanang bahagi. Umiwas ako sa kanya at lumiko papunta sa kaliwa.
Binilisan ko ang hakbang ko ngunit agad rin akong napatigil. "Where the heck are you going?"tanong ni Zipress.
Napalunok ako at hindi lumingon. "Ahh. . .umm. . . I'm looking for some freah milk. . .yeah, fresh milk."nauutal kong sabi.
"Fresh milk? In the kitchen aisle?"
Napatingin ako sa paligid. Sa sobrang kaba ko hindi ko napansin na naglalakad pala ako sa kitchen kung saan puro mga kagamitan sa kusina. Napamura ako sa isip. Ang tanga mo talaga Emery! Gusto kong pukpukin ang ulo ko pero hindi ko ginawa dahil nandyan si Zipress sa likod ko. Alam kong inoonserbahan niya ako.
"Oh did I say fresh milk, I meant plates. I'm going to find some good plates." Tumalikod ako at hahakbang na sana ngunit napatigil ako sa paghawak ni Zipress sa bag ko. "Stop talking nonsense and just follow me."
Yikes! Napagalitan pa ako tuloy. He turned on his heels and continue walking while playing in his phone. Nasa unahan namin si Zipress at nakasunod kami ni Jaxon sa kanyang likod. Nakabusangot ako habang si Jaxon pinipigilan humagalpak ng tawa.
Okay! Siya na! Siya na ang masayahin. Siya na ang happy-go-lucky sa buhay—ayy kaluluwa. Paano ako nito?! Paniguradong pagagalitan ako ni Zipress.
"May bibilhin ka pa ba?"tanong ni Zipress na hindi inaalis ang tingin sa kanyang cellphone.
Tiningnan ko ang listahan ko. Bumagsak ang balikat ng lahat ng nasa listahan ay may tsek. "Wala na."
Tumango siya at lumiko kami sa isang aisle naglakad patungo sa cashier area. Habang inaasikaso pa ng cashier ang pinamili namin kinausap ako ni Zipress. "May nakaschedule ka bang missions pagkatapos mo rito?"
"Wala,"simpleng sagot ko.
"Good. Let's talk in a cafe. My treat."
I fished my phone and acted I was looking at my schedule. "Ahh. . .Actually may nakaschedule pala sa akin na mission mamaya kaya kailangan—."
"Shut up, Emersyn Callista Dela Torre."
Tinikom ko ang bibig ko. Well, so much for trying to escape from him. When he says he wants to talk I think he meant he want to scold me.
Pumasok kami sa isang cafe, Drips of Caffeine. Umupo ako katabi si Jaxon habang si Zipress ay nag order.
"Hey, idiot, umalis kana,"sabi ko habang tinapat ang cellphone sa tenga ko para sa ng mga tao may kausap akong tao sa cellphone na ang totoo ang multong katabi ko ang kinakausap ko.
"Why? At bakit tinatawag mo siyang kuya. Kapatid mo? Hindi kayo magkahawig."
"Hindi. Hindi ko siya kapatid, idiot. Ah, basta. Umalis ka nalang bago pa bumalik si Zipress."
Pinagkrus niya ang kanyang braso at sinandal ang likod sa sandalan ng kanyang upuan. "I'm not moving an inch unless you explain,"he demanded. Napahilamos ako sa mukha. Bakit ba ang tigas ng ulo ng multong 'to?! Kainis! "Now is not the time for that. Bilisan mo. Umalis ka na,"I said gritting my teeth. Nakita kong papatapos na si Zipress sa pag order. Oh no.
Pagbalik ni Zipress ay may dalang tray siya na may black coffee para sa kanya at cappucino para sa akin. Zipress darted a disgusting look at Jaxon same goes what Jaxon gave him then they started their staring—este glaring contest. Mukha ni Zipress parang sinasabing: Back off ghost! If you don't want me to shrivel you to pieces. Hindi naman nagpatalo si Jaxon: Try me then. Sisiguraduhin kong babaon ang mukha mo sa lupa.
Nagbuntong hininga ako at tumikhim para makuha ang atensyon nila. Humiwalay sa titigan nila si Zipress at sumimsim sa kanyang black coffee. Bago nilapag iyon at tiningnan ako ng seryoso. "You know very well why I want to talk to you."
"Not exactly," I lied.
Alam kong gusto niyang pag usapan ang tungkol kay Jaxon na isang multo. Ang multo na trabaho naming pinupuksa, binubura sa mundong 'to. Zipress saw me doing grocery shopping with a ghost, that ended up with us fighting over a chunk of beef and got myself embarrassed by an audience who saw the whole tug of war. Yeah. It's worth a scolding.
Zipress Parker looks at me seriously.
Here it comes!