Chereads / Ghost Hunter For Hire ( Filipino ) / Chapter 10 - BROKEN PROMISES

Chapter 10 - BROKEN PROMISES

EMERSYN

Why? Why did this happen? Of all people, bakit siya pa? Bakit siya pa ang kinuha ni kamatayan?

Hindi pa dumadating ang mga pulis kaya minabuti muna na binantayan ng mga guwardiya ang crime scene. Gumawa rin sila ng makeshift harang sa crime scene gamit ang mga tela at upuan dahil wala silang police tape.

Walang tigil parin ako sa pag iyak na nakaupo ngayon sa isang upuan malapit sa bangkay ni Stefan. Humahapdi na ang mga mata ko sa kakaiyak at alam kong kalat na ang make up ko but it didn't matter to me if I even look like a zombie. I just want to cry my eyes out. Habang umiiyak ako ay hinahagod ni Jaxon ang likod ko at nagsalita ng mga soothing words sa akin.

"Tahan na,"sabi niya.

Paano ako tatahan? Namatay sa karumal dumal na paraan ang kaibigan ko. Si Stefan na bago pa kami naging kaibigan ni Scarlett ay itinuring ko siyang kaibigan. Kahit iniiwasan niya ako sa hindi malamang dahilan ay hindi na wala ang pagturing ko sa kanya bilang kaibigan.

Nagkagulo sa loob dahil sa walang tao ang pinalabas ng venue hangga't hindi pa dumarating ang mga pulis. Si Scarlett ay umiiyak parin na pinapatahan ni Nathan habang abala si Nicholas sa pakikipag usap sa mga guwardiya. Ang ama ni Scarlett na si Mr. Willows ay may katalo sa cellphone at ang kanyang asawa at ina ni Scarlett ay kinakausap ang mga bisita.

"What do you mean we can't go out?"said a girl with so much irritation in her voice. Tiningnan ko siya sa likod ng mga daliri ng kamay kong nakatakip sa mukha ko sa kakaiyak. Nakikipagtalo ang isang babae nakasuot ng isang sleeveless and backless red evening gown.

"Maam pasensya na pero hindi pa pwede lumabas ang kahit na sino hangga't wala pa ang mga pulis."

"I don't care! Get that damn door to open!"

"Maam hindi nga pwede,"wika ng guard pilit tinitimpi ang pag uugali ng babae.

Nilibot ng babae ang tingin sa paligid, nag iisip siguro ng paraan para maka alis sa venue hanggang sa nagtama ang mga mata namin. She was shooting daggers at me. "You! Freak!"sigaw niya at dinuro ako. Nang patabog siyang lumakad palapit sa akin ay doon ko lang napansin kung sino ang babaeng kinakaharap ko. Her champagne colored hair was curled and that same blue eyes.

Cheska. My cousin.

"This is all your fault! You should be the one to blame for all of this mess! You freak! Did you ask your ghost friends to ruin this party?! Ha! Ikaw! Wala nang pwedeng maging suspect kundi ikaw! Ikaw ang pumatay kay Stefan!"

I heard and see the people around us gasped and had this shocked expressions. Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig at sinaksak ng paulit ulit sa dibdib sa mga sinabi niya.

"Pinagsabihan na kita noon, diba? Layuan mo si Stefan. Now look at what you did. Look at what happen to him because you went near him, freak,"sabi niya na tanging kaming dalawa lang ang makakarinig. "Now, how can you get out of this mess, ghost freak?"

She is right. I should take the blame for all of this mess. If I hadn't had a brief talk with Stefan, if I hadn't accepted to had that talk with Stefan on the rooftop, if I hadn't accepted Scarlett's offer of friendship, and if I hadn't come to this party. Things wouldn't turn out this way.

For I am a girl who brings death to everyone who becomes attached to me.

Kahit sabihin natin na hindi ako ang suspect na pumatay sa kanya, ako ang nag invite kay kamatayan para kunin siya. Lahat ng taong pinapahalagahan ko sa buhay ay namamatay right before my eyes. Lahat sila namamatay ng dahil sa akin.

Hindi ako makapagsalita. Di ko alam kung ano ang dapat kung sabihin. Hindi ko alam kung paano ko ipaglaban ang sarili ko na inosente ako. Na hindi ako ang nagpatay kay Stefan. Tiningnan ko ang mga tao sa paligid lahat sila nakatingin sa amin, sa akin. Puno ng takot, pangamba, galit, at pagtataka ang mga mukha nila. Ang kanilang mga mata parang sinasabi na ako talaga ang salarin. Ako sumira sa birthday party ni Scarlett at ako rin ang pumatay kay Stefan. Naririnig ko rin ang mga pinagsasabi nila.

"Is she the killer?"tanong ng isang matandang babae sa katabi niya.

"What a pity. Maganda pa naman siya,"dinig kong sabi ng isang lalaki.

"She's a devil."

"Mukhang hindi na kailangan ng imbestigasyon. Just look at her. A wolf hiding behind a lamb's skin."

"Kawawa naman ng binata."

"What a bitch."

"I told you! Siya nga si freak sa school! Tinodo lang ang make up para hindi siya makilala!"

"Mamamatay tao!"sabi pa ng isang babae sa tingin ko ay schoolmate ko.

"Freak!"

And it keeps coming, all of it pointing right at me. Tinakpan ko ang mga tenga ko pilit hindi marinig ang mga sabi nila. All the while, Cheska showed her smile as she claim her victory from seeing me in pain.

"Tama na. Please,"bulong ko sa sarili.

Hindi parin sila tumigil. Napatingala ang ulo ko nang may humawak sa balikat ko. Si Jaxon. Nanlaki ang mata ko ng makita siyang galit at nangitim ang kanyang mata. I panic.

No. The whole place is full of bad energy if this continues he'll soon turn into a malignant ghost. Hindi pwede. Hindi ako papayag na mawawalan naman ako ng isa pa. Tama na!

"Jaxon! Get a hold of yourself!"sigaw ko sa kanya at biglang tumahimik ang paligid.

Parang hindi niya ako narinig dahil kay Cheska at sa mga tao sa paligid ang atensyon niya. Naging mahigpit narin ang hawak niya sa balikat ko sa punto na nasasaktan ako. Suddenly black clouds of smoke were sipping out of the walls from all corners of the place. All going to Jaxon's direction.

No!

"Jaxon! Snap out of it!" Sinampal ko siya ng pagkalakas lakas bumaling ang kanyang mukha sa gilid. He looked dazed from what just happen but his back. His back to his senses. Naging kulay brown na ulit ang mata niya. Nawala narin ang mga black clouds at do'n ako nakahinga ng maluwag.

"See," Nagulat ako. Crap. Nakalimutan kong nasa harap ko si Cheska. "She's a freak I tell ya! Look at her! Nagsasalita siya sa kawalan! Kahit saan siya pumupunta napapahamak ang mga tao sa kanya!"sigaw ni Cheska.

Lumayo ang mga tao malapit sa amin. Lahat sila may takot sa kanilang mukha.

"Baliw! Kill—."

Hindi natapos ni Cheska ang pagpapahiya sa akin dahil isang malutong na sampal ang nakuha niya kay Scarlett na galit na galit ang mukha. Namumugto at namumula ang mata ni Scarlett sa kakaiyak. Nagkalat narin ang kanyang make up at magulo ang kanyang buhok. Nagulat ang lahat nang hilahin ni Scarlett ang buhok ni Cheska. And for the first time, hindi nanlaban si Cheska hinayaan lang niya na sabunutan siya ni Scarlett.

"Fuck off bitch!! Shut that mouth of yours!! You're not the fucking police to just declare Emery is the killer! Alam mo bang pwede kang kasuhan sa mga pinagsasabi mo!?! Hindi si Emery ang killer dahil may alibi siya! For starters, sa buong takbo ng party ay nasa VIP table lang siya! So if I hear one more fucking word from you or see you hurting Emery. I swear I'll make sure you and your little family business will go down the drain! Naintindihan mo?!"

Binitawan niya si Cheska at tinulak ito dahilan para matumba ito sa sahig. Naging sentro sila ng atensyon ang away ni Scarlett at Cheska. At dahil sa hiya ay walang pasabi sabi na tumayo si Cheska at tumakbo paalis. Matalim ang tingin na pinukol ni Scarlett sa mga tao na agad nag iwas ng tingin sa kanya at lumayo.

Lumapit si Scarlett sa akin, umupo sa katabi kong upuan at nilagay ang isang kamay sa balikat ko. "Are you okay?" I nodded but then shrug my head.

"I'm really sorry, I got you into this mess, Emery," she said.

Umiling ako. "Ako dapat ang mag sorry dahil sa akin nasira ang party mo."

"What?" Her face was showing a mixture of disbelief and irritation. "'Wag mong sabihin naniwala ka sa sinasabi nila. Emery, you're not the killer."

Umiling ako. "But I'm the one who invited death in this party. Scarlett, I'm a bad luck. A girl accompanied by death. Lahat ng tao nagiging malapit sa akin ay namamatay, Scarlett. My mom, my little brother and now Stefan." Nagtulo ang mga luha ko sa pisngi nang maalala ko ulit ang mga scenes noon hanggang sa paghulog ng katawan ni Stefan mula sa himpapawid.

"Alam ko hindi ka pa handa na kausapin ako tungkol sa past mo, sa pamilya mo. But, hey, hindi ikaw ang dahilan kung bakit siya namatay. Alam kong hindi kaya ng bestfriend kong pumatay ng tao." Nagyakapan kami at doon ko nilabas ang nararamdaman ko.

Bumakas ang mga pinto nang dumating na ang mga pulis. Agad din nilang sinimulan ang kanilang imbestigasyon. Kinunan nila ng mga litrato at ebidensya ang crime scene. Ang iba naman ay nagtanong tanong sa mga bisita at sa pamilya ni Scarlett. Dumating narin ang pamilyang Reyes na labis ang hinanagpis sa nangyari sa kanilang anak. Si Jaxon ay lumipad at tiningnan ang glass roof. Lumayo ng kaunti si Scarlett dahil kinausap siya ng isang pulis.

"Emery."

Nanlamig ang buong katawan ko. Iyong kakaibang lamig. Lumingon ako kung saan ang boses na tumawag sa pangalan ko. Nakasuot siya ng red suit pero ang moreno niyang kutis ay naging puti. His face was glooming with sadness. Nakalutang ang kanyang paa ng ilang inches mula sa sahig.

Now, I am seeing him as a ghost.

"Stefan,"tawag ko habang tumulo ang luha ko. "I'm sorry."

Masakit ang dibdib ko para akong sinaksak ng paulit ulit. Umiling siya. "'Di mo kailangan mag sorry sa akin Emery dahil wala kang kasalanan."

"Pero—."

"Stefan."

Napalingon ako kay Scarlett, gulat na nakikita niya si Stefan. Nagulat din ako ng makita nang tingnan niya ang katabi ko na si Jaxon at bumalik din ulit ang tingin niya kay Stefan. Ngumiti si Stefan kay Scarlett, isang ngiting tinatago ang lungkot at sakit. "I'm sorry for leaving you behind, Scarlett."

Nagulat ang lahat nang nahimatay bigla si Scarlett mabuti lang at agad siyang nasalo ng pulis bago pa siya bumagsak sa sahig. Nag alala ang mga magulang ni Scarlett at kinarga siya agad paalis. Susundan ko na sana sila ngunit pinigilan ako ni Stefan.

"Sandali."

"Anong nangyari sa'yo?"sabi ni Jaxon.

Tiningnan siya ni Stefan. "Now I got to see you clearly. Last time I saw you at the beach resort you were just a black smoke. Gusto kong pasalamatan ka sa pagligtas sa buhay ni Emery noong gabing iyon. Thank you."

"There is no need to thank me. I'll do anything for her."

He smiled. "I can see that. I know the girl that I love will always be safe in your hands." Tears started to well up again making my vision blurry. He loves me but it's too late. He's gone. He's a ghost.

"Emery, I'm sorry na iniiwasan kita. Ang akala ko pagtinulak kita palayo ay mawawala na itong nararamdaman ko. Mawala na itong nararamdaman ko para sa'yo dahil sa arrange marriage ko kay Scarlett." Tumulo ang pulang luha sa kanyang mga mata. "Ayokong biguin sina Mom at Dad dahil nakasalalay ang negosyo namin sa arrange marriage namin ni Scarlett. Kaya kahit mahal kita ay mas pinili kong iwasan ka at tinanggap ang arrange marriage kahit tutol ako. Dahil mahal ko ang pamilya ko. Mahal ko sina Mom at Dad ayoko silang nakikitang nahihirapan. I'm really sorry for everything Emery. Sa mga araw na iniiwasan kita hanggang sa sandaling ito, I still love you. I will always do. Can you forgive me?"

Tumango ako. "Sana ipinaliwanag mo iyan sa akin noon. Maiintindihan naman kita. And yes, pinapatawad na kita. I love you Stefan. My crush and my first love."

Tumulo na ang nagbabadyang luha ko. Masyadong masakit. Kung kailan may nararamdaman na kami sa isa't isa diyan pa dumating ang mga problema na siyang magpapalayo sa amin. Hanggang sa trahedyang ito, na kahit anong gawin ko, kahit anong gawin namin ay hindi na maibabalik pa sa dati. Patay na siya. Not even all the riches in the world can bring the dead back to life.

He showed a sad smile. "Thank you. Handa na akong umalis pero bago iyan, may pabor ako sa'yo."

"A-Ano iyon?"

"Kahit tanggap ko na ang pagkamatay ko. Alam kong hindi kaya nila Mommy na tanggapin ito na wala akong nakukuhang hustisya. Please tell the police to go inside Room 304 and there, they will find the answers."

Tumango ako. May ngiting naglaho siya ng parang abo na nadala ng hangin at nawala. Napaiyak ako at naramdaman ko ang kamay ni Jaxon sa balikat ko. "Emery, you need to tell them."

Pinahid ko ang luha sa mata ko at huminga ng malalim. Tama siya. Kailangan ko masabi sa kanila ang clue na sinabi ni Stefan. Lumakad ako papalapit sa isang pulis na nakikipag usap sa isang lalaki. Kinablit ko ang balikat niya at pumaharap siya sa akin.

"Bakit hija?"nagtatakang saad ng pulis.

Huminga ako ng malalim.

"I have the key in solving this case."

~*~*~

"Ang ebidensya sa krimen ay nakita sa isang kwarto ng Black Marble Hotel kung saan nakita ang isang fountain pen na naglalaman ng video record. Nakita sa video record kung paano nag away ang biktima at ng suspect hanggang sa itinulak ng suspect ang biktima sa bintana kung saan nahulog ang biktima na siyang kinamatay nito. Sa nakunang video ang tinuturong suspect sa krimen ay ang nakatatandang kapatid ng biktima na si Sebastian John Reyes. Sinubukan namin siyang kuhanan ng panayam subalit—."

Dinampot ko sa mini table ang remote at pinatay ang TV. Hindi ko nasikmurang makita pa ang pagmumukha ng kapatid ni Stefan na si Sebastian. Magkadugo sila pero nagawa parin niyang patayin ang kapatid niya. Mabuti lang at nakulong na siya sa likod ng selda.

Sinandal ko ang aking likod sa sandalan ng sofa. Ilang minuto lang akong nakatulala ng mahagip ng mata ko ang cellphone ko sa mini table. Kinuha ko iyon. Nagclick ako ng ilang icon at napunta sa mga contacts ko. I scrolled down and stop when I saw Scarlett's number.

Mag iisang linggo na ang lumipas matapos ang trahedya na nangyari sa pagdiriwang ng kaarawan niya at do'n nagsimulang hindi siya nagpakita o nagparamdam man lang sa akin. Kahit no'ng time nang paglamayan at nilibing si Stefan ay wala siya. Hindi ko rin siya nakakasalubong o nakikita man lang sa school.

Sa paaralan, nakiramay din ang mga estudyante sa pagkamatay ni Stefan. Pero naging malaking isyu rin ang pangyayari sa pagitan namin ni Cheska at kung paano ako pinagtanggol ni Scarlett kay Cheska nang gabing iyon. Pero mas umalingawngaw ang usapan patungkol sa amin ni Cheska. But, there are still people who thinks I'm the one to blame of Stefan's sudden and cruel death because I was the one who brings bad luck and death just like what Cheska had been spreading rumors about me. Pero binanewala ko nalang iyon.

Mas nag alala ako sa kung ano na ang kalagayan ni Scarlett? Kumusta na kaya siya? Ayos lang ba siya ng mga oras na'to? Umiiyak parin ba siya? Ang huling beses na nakita ko siya ay noong oras na sinamahan ko siya kasama ang pamilyang Reyes sa pagharap sa kriminal na siyang kuya ni Stefan. Noong mga oras na iyon nahimatay rin si Scarlett at wala na akong naging balita sa kaniya.

"Ayos ka lang ba?"

Napalingon ako sa gilid at napatitig sa mukha ni Jaxon na ganoon rin ang ginawa niya sa akin. Sa mag iisang linggo kong pagluluksa sa pagkawala ng kaibigan ay nando'n si Jaxon para damayan ako, para yakapin ako at hinahagod ang likod ko, at ang taong sasabi sa akin na ayos lang ang lahat. Na masaya na si Stefna kung nasaan na siya ngayon.

Yumakap ako sa kanya. "Thank you for always being there for me Jaxon." Kinulong niya ako sa isang yakap sa kanyang mga braso at hinigpitan ang pagyakap sa akin. Nararamdaman ko ang lamig ng katawan niya ngunit nangingibabaw parin rito ang pakiramdam na komportable at ligtas ako sa bisig niya. Na sa kahit na anong pagsubok na darating sa amin ay nand'yan parin siya para protektahan at tulungan ako.

"Hindi kita iiwan Emery. Pangako ko 'yan."

Gusto kong maniwala sa sinabi niya. Na hinding hindi niya ako iiwan, na tutuparin niya ang pangako niya. Pero alam ko, hindi niya magagawa iyon. One day, it will only end up to be just a broken promise. Iiwan niya rin ako. Iiwan niya ako at pupunta sa lugar kung saan siya nararapat. Kung saan hindi ko na kailangan pa mag alala sa kaligtasan niya. Kung saan ligtas, masaya at malaya siya.

A place where I am not there.