«»«»«»«»«»
"Sure ka na ba Miss Catapang sa taong tinutukoy mong manyakis?" tanong sa akin ni Sir Santi habang nakatitig sa akin. Pinanlalakihan niya ako ng mga mata niya. Sa tono nang pananalita ni Sir Santi parang lumalabas na may mali sa sinabi ko.
"O--opo! Siguradong-sigurado, kahit hindi ninyo na po ako tanggapin sa trabaho. Hindi po ako nagsisinungaling. Siya iyon nakita ko sa loob nang opisinang ito habang nakahubad."
"Sinasabi niya pa pong siya ang CEO ng kumpanya. Siyempre hindi ako naniniwala sapagkat wala naman CEO ang magpapakita ng kanyang-- basta hindi naman ito bahay niya para umasta siyang ganoon," saad ko sa harapan nilang dalawa. Nakita ko na masama ang tingin sa akin ng lalaking manyakis pero hindi ako nagpatinag sa mga titig niya.
"Boss Enrico! Paki-explain nga nang mabuti sa akin kung ano ba talaga ang totoong nangyari rito kanina? Kalurkey kasi ang mga naririnig ko," saad ni Sir Santi. Napahawak pa siya sa kanyang ulo at bahagyang ginulo ang buhok.
"I don't need to explain. Kagaya ng sabi ko sa iyo Miss Catapang, hindi ako man-ya-kis. It's just a misunderstanding between us," mariin saad nang lalaking manyakis habang tinapunan ako ng tingin. Ipinagpipilitan niyang hindi siya manyakis.
"Kailangan Boss, hindi ko malalaman kung sino nagsasabi sa inyo ng totoo kung hindi mo sasabihin ang panig mo," giit din sabi naman ni Sir Santi. Tila umikot naman ang mga mata ni Mr. Manyakis.
"Okay fine! Para matapos na," saad ni Mr. Manyakis. Saglit na katahimikan ang namagitan muna bago siya nagsalita.
"Naligo ako. Magbibihis na sana ako kaso may narinig akong nagsasalita sa loob ng opisina. Tiningnan ko kung sino. Nakita ko nga siya habang kinakausap ang sarili," paliwanag muli ni Mr. Manyakis at tinapunan pa ako nang mapang-asar na tingin at ngumiti ng nakakalokong ngiti.
"Pagkatapos, ano ang kasunod na nangyari?" tanong naman ni Sir Santi kay Mr. Manyak. Nakaabang siya sa sasabihin ni Mr. Manyakis. Namimilog pa ang mga mata nito at tila nasasabik na marinig ang mga sasabihin ng lalaking tinatawag niyang Boss. Halos mag-init naman ang mga tenga ko sapagkat maririnig ko ang mga salitang hindi ko dapat marinig lalo na at may iba pa kaming kasama.
"She accidentally saw my--my private part," tugon niya. Noon mga oras na iyon hiling ko na lang na sana ay lamunin na talaga ako ng lupa. Nasapo ng mga palad ko ang akin mukha. Nakaramdam din nang pag-iinit ang akin mga pisngi.
"Really? You mean your--" sabi ni Sir Santi habang namimilog pa rin ang mga mata. Tila ibig pa nitong matawa.
"Okay, stop! It's not what you think Santi. And please, Santi! I want to end this nonsense conversations. I already told you what happened between I and Miss Catapang, and that's enough. And no more questions," saad ni Mr. Manyakis este Mr. Juancho Enrico Ayala. Ngayon lang nag-sink in sa utak ko nang maayos ang mga sinabi ni Mr. Ayala at isa lamang ang sigurado.
Hindi na ako matatanggap sa trabaho!
"Miss Catapang! You heard what my Boss said, right?" tanong sa akin ni Sir Santi. Tila may halong pangungunsensiya sa tinig niya.
"O--opo!"
"Sorry po! Sana mapatawad mo pa rin po ako Mr. Ayala. Hindi ko po sinasadyang pagbintangan ka at sabihan nang manyakis. Hindi ninyo naman ako masisisi. Isa po akong babae at ang initial reaction ko ay mapasigaw kung makakakita ako nang hindi dapat makita ng mga mata ko lalo na at ibang tao ka Mr. Ayala," mahabang paliwanag ko sa kanilang dalawa. Nakaupo sa isang sofa si Mr. Ayala habang umiiwas tumingin sa akin samantalang si Sir Santi naman ay nanatiling nakatindig sa puwestong kanyang kinatatayuan at patay-malisya ito habang kinakalikot ang mga kuko niya sa kamay.
"Kung sa tingin ninyo po ay may pagkakamali ako, tatanggapin ko po nang maluwag sa kalooban kung ano man kaparusahan ang ipapataw ninyo sa akin," dagdag kong saad. Yumuko rin ako ng ilan beses bilang tanda ng paghingi ko ng tawad dahil sa eskandalong idinulot ko.
Halos maluha na ako sa sobrang kahihiyan. Siguradong mapapagalitan ako ni Mama. Baka makarating pa ang mga kapalpakan at katangahan ko kay Papa. Makakadagdag pa ito sa stress ni Papa.
Nakabibinging katahimikan ang namagitan sa amin tatlo. Nananatiling tahimik si Mr. Ayala ganoon din ako samantalang si Sir Santi ay bumubuka ang bibig ngunit isinasara rin at hindi itinutuloy ang balak sabihin.
"Hmm! Ano na ang atin gagawin Boss kay Miss Catapang? Tatanggapin o hindi?
Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ang pagsosorry ni Miss Catapang o hindi. For me, her reaction and accusation was rude and an insult to my dignity.
Hindi ito ang unang beses na nasangkot ako sa mala-eskandalong mga eksena. Ilan beses na rin akong naakusahan manyak ng mga babae. Muntik nang manganib ang reputasyon ko at nang kumpanya dahil sa mga bintang na hindi naman ako ang may pagkakamali.
Yes, it's not my fault. The reason why I don't had Personal Assistant for so long because most of the PA I had for the past years I've become a CEO brought me problems not only to myself and my family but also to the name of the company.
I always got in trouble every time I had a PA.
Hindi naman sa pagmamayabang pero may dahilan kung bakit ako madalas masangkot sa problema kapag may kasama akong PA sa trabaho. Kadalasan kasi interisado ang mga babae sa akin dahil na rin siguro sa posisyon ko, estado sa buhay at higit sa lahat sa hitsura.
Half Spanish at Half Filipino ako. My lolo was a pure Filipino but my lola naman was a pure Spanish. Namana ko sa lola ko ang pagiging mestizo at pagkakaroon ng kulay berdeng mga mata. My eyes are emerald green.
Nabiyayaan din nang magandang hubog ng pangangatawan. Some says kahawig ko raw si Alfred Vargas, isang Filipino Actor.
Maybe some will call me a boastful man but of course I'm not. I admit many women told me that I'm one of the most handsome men they met. But even they told me that, I'm not taking those compliments as an advantage to treat women as a source of pleasure even if some of them do the first move.
Unfortunately, that is not the problem. Most women I met either a potential dates or PA was clingy, possessive, submissive or bolder. Too much for my likings.
Dumating din sa pagkakataon na stalker na ang ilan sa kanila at maging ang privacy ko ay nawala na sa akin. At ang best solution para sa ganoon sitwasyon ay ang itigil ang pakikipag-ugnayan sa kanila sa paraan na hindi naman sila maooffend.
Kaya lang para sa kanila na hindi matanggap ang ginawa kong desisyon, nabaligtad ang sitwasyon. Pinalabas na hindi ako isang gentleman at walang isang salita. Naakusahan ng kung ano-anong malisyosong bintang. Naayos naman ang mga naging gusot dahil napatunayan na wala naman akong ginawang mali laban sa mga babaeng nag-aakusa sa akin.
"Bo--Boss! Yoohoo!" nahinto ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Santi.
"What again did you say Santi?" sabi ko kay Santi.
"Matutuloy pa ba ang pagtrain mo kay Miss Catapang? O hindi mo na siya tatanggapin bilang PA mo?" tugon sa akin ni Santi habang nakatingin ng mabuti sa akin.
"May parusa rin ba siyang matatanggap na naaayon sa batas dahil na rin sa ginawa niyang pag-aakusa sa iyo kahit nagpaliwanag ka na sa kanya?" dugtong pang tanong ni Santi sa akin. Napatingin naman ako sa kinaroroonan ni Miss Catapang.
"Ano po ang sabi ninyo Sir Santi? Si Mr. Ayala ang magtra-train sa akin?" Ang narinig kong sabi ni Miss Catapang. Napatingin din siya sa akin habang lalong namimilog ang mga bilugan na niyang mga mata. Tila namutla pa siya dahil na rin siguro sa sinabi ni Santi.
"Unfortunately, yes Miss Catapang! The man you accused and mistaken as a perverted man is also the man that will train or help you to be qualified as his PA," paliwanag ni Santi kay Miss Catapang. Tila napipi naman si Miss Catapang.
"Naku! Sorry na po Mr. Ayala. Hindi ko naman po kasi alam na seryoso ka po sa sinabi mong ikaw ang CEO ng company na inaplayan ko."
"Nagulat po kasi ako sa nangyari kanina at alam ninyo na po ang ibig kong sabihin," paliwanag sa akin ni Miss Catapang. Napansin ko rin na bahagyang namula ang kanyang mga pisngi at halos hindi na siya makatingin ng diretso sa mga mata ko. Kahit ako ay nakaramdam din ng pag-iinit ng mga pisngi sa tuwing maaalala ko ang mga nangyari kanina lamang sa office ko.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita ngayon sa harapan ni Miss Catapang. Nainsulto naman ako sa ginawa niya kaya dapat magalit talaga ako sa kanya. Pero may punto rin siya. Hindi naman niya kasalanan ang mga nangyari kanina.
"Santi iwanan mo muna kaming dalawa. Kailangan namin mag-usap."