Chapter 15 - Chapter 15 - Final

«»«»«»«»«»

"Kahit ngayon lang Monica."

Ang narinig kong sambit ni Mr. Ayala. Bagamat nagulat ako nang bigla niya akong yakapin, huminahon ako nang maramdaman kong tila nanginginig ang katawan niya habang nakayapos siya sa akin.

Nahimigan ko rin sa tono ng pananalita niya ang pagkabalisa.

"Mr. Ayala, ayos ka lang ba?" Muli kong tanong sa kanya. Sa halip na sumagot siya, nanatili lamang siya sa kanyang posisyon. Hindi na rin mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin ngunit hindi pa rin naman niya inaalis ang kanyang mga braso habang nakapayakap sa akin. Dinig na dinig ko rin ang tibok ng kanyang puso.

Ano kaya ang problema ni Mr. Ayala? Kanina lang ay maayos pa siyang nakikipag-usap sa akin pero ngayon....

Kahit hindi ko alam ang dahilan kung bakit kakaiba ang mga ikinikilos ni Mr. Ayala, nanatili akong tahimik habang hinihintay siyang magsalita. Awtomatiko rin napataas ang mga braso ko upang hagurin ang kanyang likuran.

Ilan minuto rin ang itinagal nang pagyakap ni Mr. Ayala sa akin bago niya inialis ang kanyang mga braso.

"Pasensiya ka na," tanging tugon ni Mr. Ayala. Muli niyang pinaandar ang kotse at ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Habang nasa biyahe pareho kaming tahimik. Tumingin na lamang ako sa bintana ng kotse at binuksan ito habang si Mr. Ayala ay nakatuon ang mga mata sa kalsada habang nagmamaneho.

Halos isang oras ang itinagal namin sa kalsada habang nakasakay kami sa kotseng ginamit noon ni Mr. Ayala nang maligaw siya sa barangay namin. Nanggaling pa kami magmula sa bahay ko at ngayon ay papasok kami sa isa sa mga kilalang subdivision rito sa Makati, ang Forbes Park kung saan kamag-anakan o angkan ni Mr. Ayala ang nagdevelop.

Hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit bigla na lamang nagpunta sa bahay namin si Mr. Ayala o kung bakit nag-abala pa siya na puntahan ako samantalang siya ang tumawag sa akin para utusan ako na magpunta sa opisina niya.

Kanina pa lang bago ako sumama sa kanya, ilan beses ko siyang tinanong kung anong mayroon at bakit pinagmamadali niya ako na magtungo sa opisina niya.

Ngunit ang sabi niya lang ay may mahalaga kaming gagawin at may kinalaman ito sa trabaho. Inisip ko na lang na baka ito na ang araw nang pag-uumpisa ng training ko para sa trabahong inaplayan ko.

Nasa loob na kami ng subdivision nang Forbes Park. Karamihan nang mga naninirahan sa subdivision ay mayayaman angkan o mga kilalang tao sa society kagaya ng mga ilan celebrities, politicians etc. At isa ang pamilya ni Mr. Ayala sa mga kilala ang pangalan sa subdivision.

Sa paligid pa lang nang subdivision ay kitang-kita na kung gaano kararangya ang pamumuhay nang mga residenteng naninirahan dito. Mga malalaking bahay na may magaganda o eleganteng istruktura. May ilan na ang lawak ng mga lupain nila. Iyon iba mga gate pa lang halatang ginto na ang halaga. Mga mamahalin modelo ng mga sasakyan ang nakaparada sa mga harapan ng bawat bahay. Mamamangha ka talaga at mapapaisip nang sana all.

Hindi ko namalayan na nasa loob na pala kami ng lupain nina Mr. Ayala dahil na rin ang atensiyon ko ay nasa buong paligid ng Forbes Park, kung hindi pa ako kinulbit ni Mr. Ayala hindi ako maiingli sa ginagawa ko.

Pero teka nga lang? Bakit sa mansiyon ni Mr. Ayala kami nagdiretso? Akala ko ba sa opisina kami magtutungo?

"Ahm, Mr. Ayala, bakit nga pa--"

"May kailangan lang akong gawin sa bahay bago tayo magtungo sa opisina ko," seryosong tugon sa akin ni Mr. Ayala ngunit hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"O--okay!"

Pumasok ang sasakyan ni Mr. Ayala sa isang tila hacienda. Katulad nang pagkamangha ko sa buong paligid ng Forbes Park, nanlaki rin ang mga mata ko dahil sa lawak ng lupain na nasasakupan nito.

"Nandito na tayo Monica."

"Monica!" Ang narinig kong sambit ni Mr. Ayala. Pumitik pa siya para lang mapukaw ang atensiyon ko.

"Naku, sorry Mr. Ayala," tugon ko habang nakatingin sa kanya. Napakamot ako sa akin ulo sabay buntong-hininga.

Nagitla ako dahil kung kanina ay nakatitig lamang siya sa akin ngayon ay bigla na naman inilapit niya ang kanyang katawan sa akin. Langhap na langhap ko tuloy ang mala-cherry flavored na amoy na nagmumula sa kanyang bibig. Sa sobrang lapit ng kanyang mukha halos pigilan ko na ang paghinga dahil baka bigla akong mapahiyaw.

Hindi ko alam kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakakaharap ko na si Mr. Ayala. Dati naman hindi ako ganito sa kanya.

Ano na bang nangyayari sa iyo self?

"Puwede ka nang bumaba."

"Hah? Huh--huh! O--okay, Mr. Ayala," sagot ko. Inalis lang pala niya ang seatbelt ko at binuksan ang pinto ng kotse.

Ano ba kasing iniisip mo na gagawin niya sa iyo Monica? Maghunus-dili ka nga! Kakahiya ka self!

Bumaba na rin ako sa kotse nang makita kong bumaba na si Mr. Ayala.

Bahagya akong napairit ng maramdaman kong may humawak sa kaliwang kamay ko kaya napatingin ako sa kamay na nakahawak sa akin. Sa kamay ni Mr. Ayala.

"Tayo na sa loob nang bahay."

Hindi na ako nakapagsalita sapagkat nagdire-diretso na kaming maglakad papunta sa veranda nang mansiyon ni Mr. Ayala.

Hindi maikakailang isa ang pamilya ni Mr. Ayala sa pinakamayaman pamilya sa Pilipinas. Kitang-kita sa disenyo pa lang ng mansiyon kung gaano kayaman si Mr. Ayala.

Modern-Spanish ang disenyo ng mansiyon. May dalawang palapag ito. May malawak din na hardin na nakapalibot sa mansiyon. At nasa labas pa lang kami.

«»«»«»«»«»

"Good Morning Sir!"

"Good Morning. Please entertain Miss Monica."

"Okay po Sir!"

"Monica doon ka na muna sa salas. Mamaya tayo mag-uusap," tugon niya sa akin. May sasabihin pa sana ako sa kanya ngunit tumalikod na siya at naglakad patungo sa ibang bahagi ng mansiyon. Niyakag na rin ako ng dalawang babae na bumati sa amin kaya napilitan na akong sumunod kung saan man nila ako dalhin.

«»«»«»«»«»

"Sabihin mo nga Becky, panaginip lang ba itong nakikita ko ngayon? Pakikurot nga ako sa pisngi."

"Aray! Ang sakit. Ang ibig sabihin, totoo ang nakikita ko."

"Oo, totoong-too. Isang himala rin ito Lavinia. Pero ang tanong, sino kaya siya?"

"Tanong ko rin iyan, Becky. Himala dahil ngayon ko lang nakita ulit na may kasamang babae si Sir."

"Oo nga e!"

"Baka naman girlfriend ni Sir iyan kasama niya?"

"Ewan ko lang Becky. Sa hitsura pa lamang ni Sir o sa estado ng pamumuhay niya. Mga nagmula sa mayayaman pamilya, artistahin o kaya ay mga classy o eleganteng mga babae lamang ang nababagay kay Sir. Malabong magkagusto si Sir sa isang katulad lamang niya. Hindi siya ganoon kaganda at mukhang pangkaraniwan lamang siyang babae."

"Grabe ka naman, ibig sabihin pati tayo wala nang pag-asang mapansin ni Sir."

"Ikaw lang ang wala pero ako ay mayroon."

"Sus! Ikaw lang naman ang naniniwalang magkakagusto sa iyo si Sir."

"Kasi naman itong si Sir, sinalo lahat. Sa yaman ba naman ni Sir at napakaguwapo pa bukod doon napakabait pa niya, walang babae na hindi magkakagusto sa kanya." Mga usap-usapan na akin naririnig na nagmumula sa bibig ng dalawang babaeng kasambahay. Sila iyon nagdala sa akin sa salas.

Hindi ako makapaniwala na pinag-uusapan nila ang kanilang amo habang hindi nila ito kaharap.

"Kayong dalawa! Kay aga-aga pinagchichismisan ninyo ang alaga ko. Balik sa mga trabaho ninyo, kung ayaw ninyong masisante," bungad na saad ng isang may edad ng ginang. Lumapit siya sa dalawang kasambahay habang tila aaktong kukuritin ang mga ito.

Umalis na ang dalawang babae at muling humarap sa akin ang ginang.

"Pagpasensiyahan mo na lamang sana hija iyon dalawang iyon. Matatabil lang ang mga dila ng mga batang iyon pero mababait naman sila," paliwanag na saad sa akin ng ginang habang nakangiti ito. Umupo rin siya sa tabi ko.

"O--okay lamang po. Hindi ko naman po narinig ang mga sinabi nila," pagdadahilan ko sa ginang ngunit nakatitig lamang siya sa akin at tila sinusuri ang bawat binibitawan kong mga salita.

"Siya nga pala, ako si Mrs. Evangeline Cruz. Ang mayordoma ng mansiyon na ito at ang matagal ng yaya ni Mr. Enrico Ayala. Ikaw hija, ano ang pangalan mo?" tanong sa akin ni Mrs. Evangeline. Hindi nawawala sa labi niya ang matamis na ngiti.

"Mo--monica Catapang po Ma'am. He--hello at good morning din po," sagot ko na lamang at kahit kinakabahan ako nabawasan ito ng hawakan niya ang mga kamay ko.

"Huwag mo na akong tawagin Ma'am. Tita Vangie na lang. Alam kong hindi ka pa kumakain. May nakahain na kami sa lamesa kaya makisalo ka na sa amin," pag-aaya ni Mrs. Cruz. Tumayo na siya mula sa kinauupuan niya ngunit hawak pa rin niya ang akin kamay.

"Naku, huwag na po. Saglit lang naman po ako rito. Hinihintay ko lang po si Mr. Ayala. Patungo po kasi kami sa opisina niya ngayon," saad ko habang pailing-iling ang ulo ko.

"Naku hija, alam ko naman iyon. Ibinilin ng alaga ko na asikasuhin kita sapagkat hindi ka pa niya maaasikaso dahil may tinatapos siya sa loob ng kanyang kuwarto. Kaya huwag ka nang mahiya. Welcome ka sa bahay na ito."

"Pe--pero!"

Hindi rin ako nakatanggi sa alok ni Mrs. Cruz. Sumunod ako sa kanya para magtungo sa dining room kung saan sila kumakain. Kagaya ng pagkamangha ko sa mga nakita ko sa harapan pa lang nang mansiyon ni Mr. Ayala, ganoon din ang naramdaman ko sa bawat bahagi ng mansiyon. Kung ako ang titira rito malulula rin ako sa lawak. Ang mga kasangkapan ay talaga naman mapapaluwa ang mga mata mo sa sobrang ganda. May mga antigo pa silang mga kagamitan. Bukod doon marami rin silang mga makabagong kagamitan.

Ang hapag kainan din nila ay parang fiesta sa dami nang pagkain na nakahain. Ngunit napansin kong tila puro mga kasambahay lamang ang kasama ni Mr. Ayala. Nandoon din ang ibang mga nagtatrabaho kay Mr. Ayala.

Sa katagalan nawala na ang pagkailang ko sa kanila at naging komportable na ako. Marami rin silang mga kuwentong ibinahagi sa akin, ganoon din ako sa kanila, hanggang sa mabanggit na ni Mrs. Cruz ang tungkol kay Mr. Ayala.

«»«»«»«»«»

"Tayo na, aalis na tayo Monica."

"Langit, lupa, impyerno. Im-im-impyerno."

"Mo-monica? Larong pambata iyan binibigkas mo. Huwag mong sabihin naglalaro ka pa--"

"Kaya pala pamilyar sa akin ang amoy mo."

"An--anong sinasabi mo riyan? Hindi kita maintindihan."

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. Biglang huminto si Mr. Ayala sa pagmamaneho. Hindi ako makapaniwala sa akin mga natuklasan. Hindi ko alam kung magagalit ako, matatawa o malulungkot.

Bahagya akong nagitla ng maramdaman kong hinawakan ni Mr. Ayala ang balikat ko pero inalis ko ang kamay niya at tumingin sa kanyang mga mata.

"May problema ba Monica?" tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo niya.

"Elli!"

"E--elli! Sino ba iyan tinutukoy mo? En--enrico ang pangalan ko at hindi Elli," sagot niya ngunit umiwas siya ng tingin sa akin.

"Nasaan na si Elli? Nasaan na ang kakambal mo? Nasaan na ang Bestfriend ko?" sunod-sunod kong tanong sa kanya ngunit hindi niya magawang magsalita.

"Si--si Elli, pa--paano mo nalaman ang tungkol sa kanya?"

"Bakit ka nagsinungaling? Bakit wala ka man lang sinabi sa akin? Bakit kailangan mong magpanggap bilang si Elli? Bakit nangako ka na babalik ka, pero hindi ka na bumalik? Bakit hinayaan mong malito ako ngayon sa mga nararamdaman ko? Ginawa mo na iyon kahit noon mga bata pa tayo, pero heto ka ulit, inuulit mo," mahaba-habang litanya ko.

Hindi ko gustong magalit sa kanya dahil hindi ko naman alam ang totoong dahilan kung bakit siya naglihim. Ngunit bumalik iyon sama ng loob ko sa kanya sapagkat nangako siyang walang limutan kahit anong mangyari. Nangako rin siyang babalik pero hindi na siya bumalik at higit sa lahat hindi ko man lang nalaman na namatay na pala ang bestfriend kong si Elli. Na nagpanggap siya bilang si Elli. Nawala ang bestfriend ko at wala man lang akong nagawa. Wala ako sa tabi niya noon mga panahon naghihirap siya dahil sa tinataglay niyang sakit.

"Sorry Monica, sorry, sorry. Hindi ko alam kung paano mo ako mapapatawad pero maniwala ka sa akin. Hindi ko gustong maglihim sa iyo, lalo na ang saktan ka."

"Nito ko na lang din nalaman na ikaw-- na ikaw iyon kababata ni Elli. Na ikaw iyon batang gusto niya palaging nakakasama. Ang batang babaeng nagpapasaya sa kanya. Ang batang babaeng gusto ko rin maging kaibigan. Ang babaeng unti-unting gumugulo sa isipan ko ngunit hindi ko gustong maglaho sa ala-ala ko ang bawat ngiti niya. Ang bawat pagsusungit niya. Ang maamo niyang mukha."

"Alam kong mali na hindi ko kaagad ipinaalam sa iyo ang totoo. Ngunit kaya nga ito iyon pinili kong araw para makapagpaliwanag sa iyo."

"Pero isa lang ang alam ko, noon pa man mga bata tayo, espesyal ka na sa akin. Maaaring hindi kita nakakasama noon ngunit palagi akong nakatanaw sa inyong dalawa ni Elli."

"Palagi ko siyang sinusundan dahil alam kong magkikita kayo. Nakakatakot man pero pakiramdam ko noon kapag hindi kita nakita, nawawalan ako nang gana."

"Kaya Monica, please. Alam kong wala akong karapatan hingin ang kapatawaran mo, pero sana naman-- sana maniwala ka sa akin. Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadyang magsinungaling," mahabang paliwanag ni Mr. Ayala sa akin. Narinig ko na lahat ang paliwanag niya ngunit hindi ko alam ang dapat kong maramdaman o ang dapat kong gawin. Ang alam ko lang nalilito pa rin ako dahil sa mga nangyayari.

"Gusto ko nang umuwi."

"Pero Monica!"

"Basta gusto ko nang umuwi. Kung ayaw mong ihatid ako sa amin. Ako na lang magbiyahe nang mag-isa," saad ko. Binuksan ko ang pinto ng kotse pero pinigilan niya ako sa paglabas.

"Sige, huwag ka nang lumabas. Ihahatid na kita sa inyo," saad niya. Hindi na ako nagpumilit na lumabas ng kotse. Pinaandar na niya ang kotse ngunit habang nasa biyahe kami pareho kaming tahimik.

«»«»«»«»«»

"Hello Anak, Mr. Ayala!" bungad na bati sa akin ni Mama habang nakangiti si Mama. Ngunit sa halip na ngumiti ako, nagdiretso ako paakyat sa hagdanan namin. Bahagya ko pang nasagi si Papa noon pababa ito at ako naman ay nagmamadaling umaakyat sa hagdan.

Hindi na ako lumingon pa sa kinaroonan nila Mama dahil hindi ko pa gustong makita ang mukha ni Mr. Ayala.

«»«»«»«»«»

"Anak Monica, maaari ba tayong mag-usap?" saad ni Mama. Kumakatok siya sa pinto ng akin kuwarto. Kahit si Mama, hindi pa ako handang makipag-usap.

"Anak alam ko na ang lahat. Sinabi na sa akin ni Mr. Ayala."

"Mama mo ako. Kahit ano puwede mong sabihin sa akin," sabi ni Mama. Hindi kaagad ako sumagot kaya noon akala niya na hindi ako makikipag-usap, binuksan ko na ang pinto at bahagyang iniawang ito. Umupo ako sa gilid ng akin kama habang yakap ang isang unan.

"Ano bang nararamdaman mo Anak?" Malumanay na sabi ni Mama habang hinahagod ang buhok ko.

"Nalilito po ako. Ilan beses na po kasi ito. Ang paglihiman ako nang mga taong ang akala ko ay tapat sa akin."

"Si Elli na hindi man lang sinabi sa akin na may sakit pala siya. Si James, na akala ko habang buhay, kami ang magkasama. Si En- si Mr. Ayala na hindi lang nagpanggap bilang Elli. Siya rin ang dahilan kung bakit umasa ako noon sa mga pangako na binitawan niya ngunit hindi niya tinupad."

"May nararamdaman ka pa ba kay James?" tanong ni Mama habang nakatingin sa akin.

"Wala na po Mama! Matagal nang nawala ang nararamdaman ko para sa kanya," saad ko pero hindi sinasadyang tumaas ang tono ng boses ko. Napansin kong ngumiti si Mama.

"Si Elli, nagka-crush ka ba sa kanya noon bata ka pa?"

"Si Elli? Hin--hindi po pero--"

"Pero ano? Si Enrico, ano ang nararamdaman mo kapag nakikita mo siya?" Muling tanong ni Mama. Nasamid pa ako sa sarili kong laway nang mabanggit ang tungkol kay Enrico.

"Ma--ma-magaan naman po ang loob ko sa kanya. Kahit noon akala ko siya si Elli. May mga napansin na ako noon na may nag-iba sa kanya pero akala ko ay dahil nagkataon lang ang lahat."

"Tapos?"

"Bumi--bumibilis na po ang tibok ng puso ko kapag malapit siya sa akin."

"Hindi ko rin alam Mama. Ano bang dapat kong gawin?" saad ko. Muling tumulo ang mga luha ko.

"Kung ano ang isinisigaw ng puso mo."

«»«»«»«»«»

Ilan beses na tumawag sa bahay namin si Mr. Ayala. Ilan beses din siyang nagpunta sa bahay namin at kahit hindi ko siya kinakausap o hinaharap, patuloy niya itong ginagawa.

Hindi na ako galit sa kanya. Nararamdaman ko naman ang sinseridad niya pagdating sa paghingi ng kapatawaran. Nalaman ko rin ang mga pinagdaanan niya noon mga bata pa sila ni Elli at maging ang dahilan kung bakit hindi pa siya naghahanap ng babaeng makakasama sa buhay. Alam kong ako ang babaeng tinutukoy niya na gusto niyang makasama ngunit may pangamba ako na baka kapag ipinaalam ko ang tunay kong nararamdaman. Baka mas mawala siya sa akin. Ayoko nang maulit ang dati. Ang umasa sa mga binibitawan pangako.

«»«»«»«»«»

"Miss Monica!" saad ng pamilyar na boses. Ang nagsalita ay si Sir Santi. Tumawag siya sa telepono. Sa tono ng pananalita niya, natataranta siya.

"Sir--sir Santi? Bakit ka po napatawag?"

"Maaari ka bang pumunta sa kumpanya namin?"

"Po? Pe--pero bakit po? Hindi po ba, hindi naman ako qualified as PA?"

"Please, Miss Monica. Dito ko na lang ipapaliwanag ang lahat kapag nagpunta ka. Hihintayin kita rito," huling saad ni Sir Santi sabay end niya sa call.

«»«»«»«»«»

"Sir Santi? Sir Santi?" tawag ko sa pangalan ni Sir Santi. Pinadiretso niya ako sa rooftop ng building.

"Monica!"

"En-Enrico! I mean Mr. Ayala."

"Sorry, alam kong hindi sapat ito pero kung bibigyan mo ako ng chance, pangako na--"

"Hayan ka na naman sa pangako. Pero sige, baka isipin mo wala akong puso. Pagbibigyan kita pero sa isang kundisyon."

"Deal!"