Chapter 13 - Chapter 13

«»«»«»«»«»

"Mama, nandito na ako."

"Monica, Anak!" Pamilyar na boses ang akin narinig at nagulat ako nang mabuksan ang pinto at mapagtanto kung sino ang nasa loob ng bahay namin.

Totoo ba itong nakikita ng mga mata ko? Ang Papa ko nandirito?

"Pa--papa! I-ikaw ba iyan?" tanong ko sa lalaking nasa harapan ko.

"Oo, ako ito Anak. Ikaw talaga, gumawapo lang ako, hindi mo na kaagad nakilala," saad ni Papa sabay hagikgik niya.

"Papa!" saad ko sabay yakap ng mahigpit sa papa ko. May namumuong mga luha sa gilid ng mga mata ko. Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko ang Papa ko.

Pero teka, bakit nandito si Papa? Wala naman nababanggit sa akin si Mama na uuwi si Papa ngayon sa Pilipinas.

"Teka lang Papa, bakit nandito po kayo ngayon sa Pilipinas? Alam po ba ni Mama na uuwi kayo ngayon?" tanong ko kay Papa. Bago niya sinagot ang mga katanungan ko, niyakag niya akong umupo sa amin sofa na nasa loob ng living room.

"Naku, Anak, sadyang nakaplano na itong pag-uwi ko sa Pilipinas. Hindi ko na sinabi sa inyo dahil gusto ko kayong sopresahin ng Mama mo," paliwanag ni Papa sa akin habang nakangiti ng pagkatamis-tamis.

Sa sobrang saya ko dahil muli kong nakasama si Papa, nagpabebe ako. Pinupog ko ng halik sa pisngi si Papa. Pinisil-pisil ko pa ang mga pisngi niya. Nakamana ako kay Papa na may katambukan ang mga pisngi.

Labing-anim na taong gulang ako noon maisipan ni Papa na pumayag sa alok nang boss niya na sa abroad ituloy ang pagtatrabaho bilang Chief Mechanic para sa isang kilalang Car Company sapagkat may puwesto rin ang kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Papa sa bansa kung saan naroroon si Papa. Sa Japan nakadestino si Papa.

Twenty-eight years old na ako pero pagdating kay Papa, bumabalik ako sa pagiging isip-bata.

"Oo nga pala Papa, Anong oras po pala kayo dumating?" tanong ko kay Papa.

"Alas-tres na nakalapag sa airport ang eroplano kaya halos kararating ko lang din kanina rito sa atin," sagot ni Papa.

"Teka lang Papa, tatawagan ko muna si Mama sa cellphone," saad ko.

"Nasaan ba ang Mama mo Monica?" tanong ni Papa sa akin. Nagtungo siya sa may kusina.

"Nasa Munisipyo po siya marahil hanggang ngayon. Nagvo-volunteer po si Mama bilang nurse kaya wala pa po siya," paliwanag ko naman sa Papa ko.

"Napakamatulungin talaga ng Darling ko. Kaya mahal na mahal ko ang Mama mo," sabi ni Papa habang may mahihimigan kilig sa tono ng pananalita ni Papa.

"Alam ninyo po ba ang tungkol doon? Kanina ko lang din po kasi nalaman," sagot ko naman kay Papa. Kanina ko pa tinatawagan sa cellphone si Mama pero hindi pa rin siya sumasagot sa tawag ko.

"Kanina lang din niya sinabi sa akin Anak," sagot ni Papa.

"Sumagot na ba ang Mama mo? Gusto mo puntahan natin siya sa munisipyo at sunduin?" tanong ni Papa. Inilalapag niya ang mga pagkain na iniluto siguro ni Papa habang wala pa kami sa bahay. Lumapit naman ako sa kusina para tulungan si Papa na maghain.

"Huwag na po Papa. Suprise nga po hindi ba? Saka pagod po kayo mula sa biyahe. Nagluto pa po kayo sa halip na kami ang mag-asikaso ng hapunan," saad ko habang inaagaw kay Papa ang ibang hawak nito.

"Ay, oo nga pala," sagot na lamang ni Papa.

"Kumusta ka na Anak? Balita ko nag-uumpisa ka nang mag-training bilang personal assistant?" saad ni Papa habang nakangiti at mataman nakatingin sa akin. Humila siya ng isang upuan at doon umupo.

"Actually Papa hindi pa rin po ako nag-uumpisang mag-train. Wala pa pong tumatawag sa akin mula sa kumpanya na magsasabi kung kailan ako magtra-train," sagot ko habang hindi ko maiwasan hindi mapanguso.

"Huwag kang mag-alala Anak. Ikaw pa, malakas ka kay Lord," saad ni Papa. Hinaplos ni Papa ang ulo ko na madalas niyang gawin kahit noon bata pa ako.

Biglang tumunog ang cellphone ko ngunit unknown caller.

"Hello! Sino po ito?" sabi ko.

"Monica."

"Huh? Paano mo nalaman ang pangalan ko at saka bakit pamilyar ang boses mo?" saad ko bagamat may pagdududa sa himig ng boses ko nais ko pa rin malaman kung sino ang tumawag sa akin. Lumayo ako mula sa kinatatayuan ko habang nakikipag-usap sa unknown caller para hindi marinig ni Papa ang usapan.

"Ako ito, si James," sabi ng boses mula sa kabilang linya dahilan para matigilan ako at hindi makapagsalita.

"Monica, nandiyan ka pa ba? Come on! Speak up. We need to talk," saad ni James. May nahihimigan naman akong pagsusumamo sa tono ng pananalita niya ngunit hindi ko kailangan paniwalaan ito.

"Matagal nang tapos ang tungkol sa atin dahil ikaw mismo ang tumapos noon JAMES, kaya please lang huwag mo na akong guguluhin. Wala akong planong makipag-bolahan sa iyo," saad ko na lamang sabay pindot sa end call.

"Mama mo na ba iyon Anak?" tanong ni Papa sa akin.

"Naku, hindi po Papa. Prank caller lang po na hindi dapat pagtuunan ng pansin," sagot ko habang nakangiti kay Papa.

"Lalabas lang po ako saglit. Baka makasalubong ko po si Mama sa labas," saad ko. Sumenyas na lang si Papa bilang tugon.

«»«»«»«»«»

"Salamat hijo sa paghahatid. Naabala ka tuloy. Bakit hindi ka muna pumasok sa loob ng bahay? Baka nasa bahay na rin ang anak kong si Monica," saad ni Ginang Catapang, ang Mama ni Monica. Nagkita kami sa isang cover court kung saan ginanap ang isang free  medical mission. Isa si Misis Catapang sa mga volunteer nurse na nag-aassist sa mga taong gustong magpagamot ng libre.

Ang nangyaring grand sale kanina sa mga LPS Jewelry Shops ay kasama sa Project ng amin kumpanya na dapat ipatupad sa taon na ito. Ang bawat sentimong kikitain sa bawat mabibiling alahas ay mapupunta sa mga community na nagsasagawa ng mga charity works at kabilang doon ang pagsasagawa nang mga free medical missions na ginaganap sa bawat bayan sa bansa.

Pagkatapos kong maihatid sina Miss Catapang at ang kaibigan niya sa barangay kung saan sila naninirahan, nagdiretso muna kami ni Bambi sa isang cover court dito sa Makati para dalhin ang mga kinitang pera mula sa mga pinagbentahan alahas at doon ko nakita si Misis Catapang. Napag-alaman kong dati pala siyang registered nurse na ngayon ay full time mom. Nakilala ko siya sapagkat bukod sa Catapang ang apelyido niya ay kamukha rin niya si Monica.

"Ayos lang po Misis Catapang. Wala pong problema. Salamat po sa pag-imbita pero pa--"

"Mama? Mr. Ayala?" Ang rinig kong sambit ni Monica. Nasa tapat kami ng mini garden nina Monica at doon siya nakatindig habang namimilog ang mga mata na nakatingin sa amin ni Misis Catapang.

"O hayan nariyan ka na pala Anak. Tulungan mo nga akong kumbinsihin itong si Mr. Ayala na kumain muna dito sa atin bahay," saad ng Mama ni Monica sabay lapit kay Monica.

"He--hello Mr. Ayala. Ta--tama si Mama, dito na po kayo maghapunan sa amin munting tahanan. Masarap magluto si Mama kaya hindi po kayo magsisisi," sagot sa akin ni Monica.

Hindi na ako tumutol sapagkat tumunog bigla ang tiyan ko dahilan para bahagyang matawa ang mag-ina.

«»«»«»«»«»

"Suprise Darling!" Ang rinig kong sabi ng Ginoo na bumungad sa amin ng mabuksan ang pinto ng bahay.

"Da--darling? I--ikaw na ba iyan?" sambit ni Misis Catapang. Namimilog ang mga mata nito at tila hindi makapaniwala sa nakikita. Si Monica naman ay tila inaasahan na ang magiging reaksiyon ng kanyang ina. Nakangiti lamang ito habang pinagmamasdan ang ginagawa ng kanyang mga magulang. Nagyayakapan at nagpapalitan ng matatamis na halik ang mag-asawa dahilan para umiwas ako ng tingin. Hindi ko namalayan na nakatingin pala sa akin si Monica. Tumingkayad si Monica at may ibinulong sa akin tenga.

"Pasensiya na po kayo Mr. Ayala. Ngayon lang po ulit kasi sila nagkitang dalawa kaya ganyan po sila kasabik sa isa't-isa. Tayo na po sa loob at nang makakain ka na po," saad ni Monica. Sumunod na lamang ako kay Monica habang naiwan ang mag-asawa at patuloy sa paglalambingan.

«»«»«»«»«»

Masasabi kong simpleng pamilya lamang sila Monica ngunit masaya ang samahan nila. Katamtaman lamang ang laki ng bahay nila ngunit maganda ang disenyo ng bawat bahagi ng bahay. Maaliwalas ang paligid at masarap tumira sapagkat tahimik o malayo sa mga usok ng mga sasakyan at ingay ng lungsod.

Nalaman ko rin na nagtatrabaho pala ang ama ni Monica na si Tito Norman sa isa sa mga kumpanyang pagmamay-ari ng kaibigan ni Lolo ngunit sa Japan na nakadestino si Tito Norman.

«»«»«»«»«»

"Naku, hijo! Salamat nga pala sa mga regalong ibinigay mo. Sobra-sobra itong pa-birthday ninyo sa akin. Walang pagsidlan ng akin tuwa," sabi ni Tita Susan. Naluluha ito habang nagpapasalamat sa amin tatlo.

Marami kaming napag-usapan na iba't ibang topic kagaya ng mga karanasan ng bawat isa, mga nangyayari sa paligid at kung ano-ano pa.

"Naku, Oo nga pala Mr. Ayala, huwag na huwag kayong mawawala sa Birthday ko hah! Alam kong busy kang tao pero ang tanging maibabalik ko lamang para matumbasan ang mga ginawa mo para sa akin lalo na sa anak kong si Monica ay ang maipatikim ko sa iyo ang lahat ng mga putaheng alam ko," saad ni Tita Susan habang tila nakikiusap ang mga mata nito.

"Oo naman po. Maaasahan ninyo ang akin pagpunta. Kung magagawan ng paraan ay isasama ko rin po ang akin kapatid na bunso," sabi ko habang nakangiti. Nahuli kong nakatingin sa akin si Monica habang nakangiti sabay mustra gamit ang labi nang salitang "salamat" .

"Siya nga pala mabanggit ko lang. Isasama ko kayo Darling at Monica sa party na pupuntahan ko."

"Party? Saan?" sabay na tanong ni Tita Susan at Monica habang mataman nakatitig sila kay Tito Norman.

"Oo. Sa Biyernes pa naman siya gaganapin. Kaya rin ngayon ako ay biglang napauwi sapagkat pinauna na ako ng Boss ko na umuwi rito sa Pilipinas. Hindi kasi siya makakarating sa kasal ng pamangkin niya na nakatira rito sa Pilipinas dahil sa abala siya sa mga negosyo niya kaya pinakiusapan ako nang boss ko na ako ang maging proxy niya para ipaabot ang pagbati at ibigay din ang regalo sa bagong ikakasal," paliwanag ni Tito Norman.

"Dapat sosopresahin ko ang Mama mo Monica sa araw mismo ng B-day niya kaya lang napaaga ang pag-uwi ko. Pero mas pabor sa akin sapagkat sa halip na isang linggo lang bakasyon ko rito. Dalawang linggo na ito kaya may oras pa tayong mag-loving-loving Darling ko," saad nang Papa ni Monica. Napansin kong parehong namula ang mga pisngi nang mag-ina lalo na si Monica. Nagkikilitian pa ang mag-asawa sa harapan namin kaya umiiwas ako ng tingin.

"Papa, Mama!" sambit ni Monica. Nakasimangot na ang mukha nito habang hindi nawawala ang bahagyang pamumula ng mga pisngi nito.

"Kakahiya sa bisita oh!"

"Naku, pasensiya ka na hijo. Ikaw naman kasi Monica, makipag-date ka na. Aba hindi ka na bata. Bente-otso ka na. At para may kayapusan ka na rin at saka gusto na namin magka-apo ng Papa mo," sabi ni Tita Susan na lalong naging daan para mamula at mailang si Monica. Muntik na akong masamid dahil napalunok ako ng laway dahil na rin sa mga narinig ko mula sa bibig ni Tita Susan.

"Mama!" sambit ni Monica sabay tayo mula sa kinauupuan niya.

"Saan ka pupunta, Anak?"

"Sa kuwarto ko po," sagot ni Monica sa kanyang ina at nagdiretso na ito umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.

"Pagpasensiyahan mo na kami at ang anak ko hah. Ganyan lang talaga kami mag-usap," paliwanag sa akin ni Tita Susan kaya alanganin akong ngumiti.

"Halika, may ipapakita ako sa iyong mga baby pictures pati hanggang ngayon ni Monica. Napaka-cute ng anak kong iyan lalo na noon bata pa siya," yakag sa akin ni Tita Susan. Lumipat kami sa lamesa. Nagtungo siya sa mga drawer kung saan nakalagay ang mga album na pinaglalagyan ng mga pictures nila.

«»«»«»«»«»

"Naku, sorry hijo hah. Inabot ka na ng alas-diyes sa pakikipagkuwentuhan sa amin. Ang sarap mo naman kasing kausap. Napakabait mo at napakatalino. Napatunayan ko na tama pala ang mga naririnig kong sinasabi ng iba tungkol sa iyo---" saad ni Tita Susan habang nagpapatuloy ito sa pagsasalita  ngunit kahit anong gawin kong pakikinig hindi rumirehistro sa utak ko ang mga sinasabi ni Tita Susan.

«»«»«»«»«»

"Ito ang mga pictures ni Monica mula pagkapanganak ko sa kanya."

"Heto naman noon lumalaki na siya."

"Tapos heto naman noon elementary siya."

Inisa-isa kong tingnan ang lahat ng mga larawan ni Monica. Habang tumatagal ang pagtitig ko sa mga larawan, unti-unti rin may bumabalik sa akin na mga ala-ala.

Mga ala-alang hindi ko gustong kalimutan ngunit kailangan kong gawin.

Lalo kong napatunayan na tama ang hinala ko nang makita ko ang isang larawan ng dalawang bata.

Ang larawan kung saan may isang batang babae na nakadantay sa balikat ng isang batang lalaki. Nakapikit ang mga mata ng batang babae at ganoon din ang batang lalaki. Nakaupo sila pareho sa isang upuan yari sa bato na nakalapat sa pader. Nasa loob sila ng isang parte ng parke na napapalibutan ng mga halaman at bulaklak.

At ang mga batang iyon...

«»«»«»«»«»

"Salamat po Tita Susan sa mainit na pagtanggap ninyo sa akin. Pasensiya na rin po kung pati oras ninyo para mag-bonding ay akin nagambala," pagpapaumanhin ko kay Tita Susan. Nauna nang matulog sina Monica at Tito Norman kaya kami na lang ang natitirang gising ni Tita Susan. Sa maikling oras na nagkukuwentuhan kami, unti-unti kong nakikilala si Monica.

Kaya pala ganoon na lang kagaan ang loob ko sa kanya. Kung bakit sa tuwing hindi ko siya nakikita o nakakasama ay hindi ko maiwasan masabik sa presensiya niya. Sa mga titig niya na hindi ko makalimutan.

Pero paano ko sasabihin sa kanya ang totoo? Paano kapag nalaman niya ang lahat? Paano kung kamuhihan niya ako?

"Sus, wala iyon Hijo. Kulang pa nga iyan kumpara sa ginawa mo para sa amin."

"Pero ayos ka lang ba hijo? Pagod ka na siguro at inaantok. Pasensiya ka na," saad ni Tita Susan. Nahihimigan ko sa tono ng pananalita niya ang pag-aalala.

"Ayos lang po ako. Salamat ulit po sa inyo. Pakisabi na lang din po kina Tito Norman at Monica, salamat. Aalis na po ako," saad ko sabay halik sa pisngi ng Ginang.

"Oo nga po pala Tita Susan! Sumabay na po kayo sa amin ng pagpunta sa party na tinutukoy ni Tito Norman."

"Ay bakit hijo? May invitation ka rin bang natanggap?" usisa ni Tita Susan.

"Opo! Kaibigan po kasi ng Lolo ko iyon Boss ni Tito Norman," sagot ko sa tanong ni Tita Susan.

Namilog ang labi ni Tita Susan.

"Hindi ba nakakahiya? Isang CEO, makakasabay ang mga ordinaryong tao sa pag-attend sa party?" alanganin sagot ni Tita Susan.

"Naku ayos lang po. Malayo rin kasi iyon lokasyon kung saan gaganapin iyon party o reception kaya ako na lang po ang maghahatid sa inyo papunta roon," paliwanag ko kay Tita Susan. Kinumbinsi kong mabuti si Tita Susan na pumayag sa alok ko dahil ayaw pa noon una nitong pumayag pero katagalan ay napapayag ko na rin si Tita Susan sa balak ko.

Pagkatapos nang naging usapan sa pagitan namin ni Tita Susan lumabas na rin ako sa loob ng bahay nila. Inihatid ako ni Tita Susan hanggang sa labasan patungo gate.

"Bye, Mr. Ayala. Nice meeting you. Be careful sa biyahe."

«»«»«»«»«»

"Hel--llo, sino ito?" saad ko habang naghihikab pa. Inaantok pa talaga ako pero dahil tumunog ang cellphone ko kaya napilitan akong bumangon.

"Come to my office right away!" Maawtoridad na sabi ng boses na nasa kabilang linya.

"Huh? Ang aga pa ahh. At sino ka ba para utusan ako? At saan office?" Magkakasunod na tanong ko sa kausap ko.

"Again, I said come to my office. Kapag hindi ka nagpunta. Bagsak ka na sa training," muling saad ng kausap ko. Ibababa ko na sana ang cellphone ngunit natigilan ako nang sabihin ang salitang training.

"Mr. Ayala? Pe--pero! Sandali lang, ano pong dahilan bakit ako--" sagot ko naman sa kausap ko. May itatanong pa sana ako sa kausap ko ngunit binabaan na ako.

Anong problema noon? Bakit ang aga naman ng pagtra-training ko? Antok pa ako. Ten minutes pa," saad ko at humiga ulit ako para umidlip.

«»«»«»«»«»

"Monica! Monica!" Nakakarinig ako ng mga katok sa pinto ko kaya napabalikwas ako ng bangon.

"Teka lang po, Mama!" sagot ko.

"Hello Mama! Good---" saad ko pero pagkakita ko sa taong nasa harap nang pinto ko at mapagtanto ko kung sino siya. Muli kong isinara ang pinto ng kuwarto ko.

"Ba--bakit nandito si Mr. Ayala? Kakahiya! Hindi pa ako nagtotoothbrush o hilamos man lang," sabi ko habang hindi matali sa kinatatayuan ko. Ang lakas din ng kabog ng dibdib ko. Ikaw ba naman, ang makitang bagong gising. Hindi ka ba mahihiya.

Muli akong nakarinig ng katok sa pinto ko kaya napilitan akong buksan ulit ito.

"He--hello Mr. Ayala. Good Morning! Naligaw yata po kayo? Maling bahay ang inyong napuntahan," sabi ko habang nagsasalita pero nakatakip ang kanan kamay sa akin bibig.

"Hindi ba ang sabi ko pumunta ka sa office ko," sagot ni Mr. Ayala. Bahagyang nakataas ang mga kilay nito at mataman nakatitig sa akin. Pamaya-maya ay hinawakan niya ang kaliwang braso ko para hilahin.

"Maghilamos ka muna at mag-toothbrush. Huwag ka nang magpalit ng damit. Nagmamadali tayo kaya sumunod ka na lang sa akin. Hihintayin kita sa labas," maawtoridad na naman saad ni Mr. Ayala.

Pagkababa namin nakita ko si Mama at Papa na nakangiti pa sa amin. Tiningnan ko nang makahulugan sina Mama at Papa ngunit nagkibit-balikat lamang ang mga ito habang nakangiti pa rin na tila may pinaplanong kaduda-duda.

Pagkatapos kong maghilamos at mag-toothbrush, muli ko silang tinanong kung bakit ganoon umasta sila at si Mr. Ayala?

"Sumama ka na lang kay Mr. Ayala."

Huh? Pero bakit nga?