Chapter 11 - Chapter 11

«»«»«»«»«»

"Good Luck Anak sa training mo!" sabi ni Mama sa akin. Ngayon kasi magsisimula ang training ko. Kinakabahan ako hindi lang dahil nakakapanibago ang mag-train ulit para makapasa sa trabaho, kung hindi pati dahil isang CEO ang mag-tra-train sa amin mga aplikanteng nag-apply as PA.

"Bye, Mama!"

«»«»«»«»«»

"Dito ang daan. Sumunod kayo sa akin," saad ni Sir Santi. Siya ang gumabay sa amin para magpunta sa isang training room na nakapuwesto sa ikaapat na palapag ng building. Doon kasi gaganapin ang training session.

"Maghintay na muna kayo lahat dito. Pamaya-maya ay naririyan na si Mr. Enrico Ayala. Siya ang magiging speaker at instructor ninyo," paliwanag na saad ni Sir Santi. Umupo na ako sa isang bakanteng upuan. Medyo malayo sa iba pang mga aplikanteng dumalo rin. Labing-lima lamang kami na dumalo at sa tingin ko ay dahil piling-pili lang ang nakapasa sa interview.

"Totoo kaya ang sinabi ni Sir Santi na si Mr. Ayala ang mag-tra-train sa atin?" manghang tanong ng isang babaeng aplikante. Tila hindi pa siya makapaniwala sa narinig.

"Oo, totoo! Kahit ako hindi makapaniwala. Iyon pinsan ko na dating nag-apply dito at nakapasa sa interview para dumalo sa training session, si Mr. Ayala ang inaabangan maging instructor kaya nga lang si Sir Santi ang naging instructor niya," saad ng isa pa at ngiting-ngiti ito habang nagkukuwento sa ibang mga aplikanteng katabi niya. Malakas-lakas ang mga boses nila habang nagsasalita.

"Ibig sabihin napakasuwerte pala ng batch natin."

"Ang iingay nila." Ang narinig kong sabi ng isang aplikante na umupo malapit sa puwesto kung saan ako nakaupo. Nakita ko siya noon una na nakaupo malapit sa iba pang mga aplikante pero dahil naiingayan siguro siya kaya lumipat ng ibang puwesto. Nakasimangot ang mukha niya. Inirapan niya ako nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya kaya umiwas na lang din ako ng tingin sa kanya.

"Good Morning every one!" bungad na bati ni Mr. Ayala. Tila gustong umirit ng ibang mga aplikanteng nasa loob ng training room noon makita na nilang pumasok si Mr. Ayala ngunit mukhang pinipigilan ang mga sarili nila. Iyon babaeng halos katabi lang ng upuan ko ang upuan niya ay biglang umayos ang hitsura at pagpostura. Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis at ang tingin ay nakatuon lamang kay Mr. Ayala.

Halos hindi magkandaugaga ang mga kasamahan ko sa loob ng room hindi dahil sa mahirap ang gagawin o maraming gagawin kung hindi dahil na rin sa hitsura ni Mr. Ayala. Kanya-kanya sila ng pagpapacute para mapansin ni Mr. Ayala.

Kapansin-pansin ang hitsura ni Mr. Ayala, hindi maikakaila ang taglay na kakisigan o kaguwapuhan. Nakasuot siya ng Navy Blue Blazer na ang panloob na damit ay White Long Sleeves Dress Shirt na may kasamang Black Necktie. Black Trouser Pants at Black Penny Loafers Shoes naman ang suot niya para sa pang-ibabang bahagi ng katawan niya.

Nagsimula na siyang magsalita kaya inilabas ko mula sa akin bag na dala-dala ang isang notebook at isang ballpen.

"As all of you can see, I'll be the one who will give the instructions. If you all want to pass in the training, there are do's and don't you should obey so you can able to pass. The final assessment of who I'll choose as my PA will come from my descision and it will be based on how you succeed on the given tasks you have," saad ni Mr. Ayala. May awtoridad na mahihimigan sa tono ng pananalita niya at maging ang hitsura ng mukha niya ay seryosong-seryoso.

"So let's start!"

Inisa-isa lahat ni Mr. Ayala ang mga dapat at hindi dapat namin gawin kung sakaling isa sa amin ang makapasa as PA. Hinati rin kami sa limang grupo na may tatlong aplikante kada grupo. Ang bawat grupo raw ay bibigyan ng isang sitwasyon na kailangan namin malusutan o magawa ng maayos ang amin mga tungkulin. Mga sitwasyon na madalas nangyayari sa oras kung saan kinakailangan ng CEO ang tulong ng isang PA. Kailangan daw maipakita o magawa namin iyon mga nabanggit ni Mr. Ayala na mga Do's and Dont's.

Upang maging mas challenging daw ang training namin at mas matukoy kung sino sa amin ang karapat-dapat na makapasa. Hindi ipinaalam ng instructor namin na si Mr. Ayala kung kailan mangyayari ang tinutukoy na sitwasyon.

«»«»«»«»«»

"Hanggang kailan ang training ninyo, Anak?" tanong ni Mama sa akin habang nagluluto siya sa loob ng kusina. Ako naman ay nakaupo sa sofa na nasa loob ng living room habang binabasa ang mga isinulat ko sa notebook.

"Hindi ko po alam Mama kung kailan matatapos at kung kailan namin malalaman kung sino sa amin ang nakapasa sa training," sagot ko na lamang kay Mama.

Ilan araw na akong nasa bahay namin ngunit ni isang tawag mula sa kumpanya ay wala pa akong natatanggap. Ang huli kong punta ay noon umattend nga ako ng training session. Ang sabi nila tatawagan na lang daw kaming mga aplikante at doon nila sasabihin kung kailan kami magsisimula ng training namin.

"Anak, puwede bang humingi ng pabor?" sabi ni Mama. Katatapos lang niyang magluto kaya inilapag na ang mga pagkain sa lamesa.

"Oo naman po Mama. Ano po iyon?" sagot ko sabay tayo mula sa kinauupuan ko at lumapit sa lamesa.

"Nagpadala ang Papa mo ng pera. Ibili ko raw ng earrings. Iyon ang advance gift niya sa akin kasi hindi ba malapit na b-day ko."

"Ayy, opo Mama! Excited na nga po ako para sa b-day ninyo," saad ko. Bahagya akong napatarang at napapalakpak ang mga kamay habang nakangiting nakikipag-usap kay Mama.

"Ikaw na ang pumili at bumili para sa akin. Halos maghapon kasi akong mawawala sa bahay. Ikaw na muna ang bahala sa bahay."

"Okay po Mama. Pero saan po ang punta ninyo?" tanong ko kay Mama.

"Volunteer Nurse ako ngayon sa barangay natin. Maraming gagawin kami ngayon kaya hindi ko maaasikaso ang pagpunta sa jewelry shop. Ngayon lang araw na ito mag-sa-sale ang mga jewelries na mayroon ang Land of Precious Stones. Kaya anak, pausap ako hah! Ikaw na lang ang bumili ng earrings," mahabang paliwanag ni Mama. Hinawakan pa niya ang mga palad ko at nag-beautiful eyes pa kaya hindi ko napigilan mapahagikgik.

"Okay po Mama! Masusunod."

«»«»«»«»«»

"Beshy, Tayo na."

"Oo, sandali nariyan na!" hiyaw ko sabay labas ng kuwarto ko. Kanina pang umalis si Mama kaya ako na lang ang naiwan sa bahay. Pero dahil may iniutos sa akin si Mama na bibilhin sa isang jewelry shop kaya papaalis na rin ako ng bahay. Sasamahan ako ni Scarlett sa pagbili ng earrings na gusto ni Mama.

«»«»«»«»«»

"Ano bang design ng earrings ang gusto ni Tita Susan?" tanong sa akin ni Scarlett. Nandito kami sa bayan at patungo kami sa isang jewelry shop, ang Land of Precious Stones Jewelry Shop.

May ilan pang jewelry shops na nakatayo rito sa Makati bukod sa LPS ngunit ang LPS ang madalas puntahan ng mga mayayaman at mga celebrities na mahilig sa jewelries.

Simpleng designs lang ang hilig ni Mama pagdating sa mga jewelries pero dahil minsan lang bumili ng mga branded na jewelries si Mama, sa LPS siya nabili.

"Doon na lang ako mamimili. Sabi ni Mama, ako na lang daw ang pumili. Ikaw baka may gusto kang bilhin?" saad ko kay Scarlett. Umiling ito at isinenyas ang mga kamay na ang ibig sabihin ay ayaw.

"Naku hah! Baka mamulubi ako. Hindi ako madatong na kagaya mo," sagot niya sa akin.

"O siya, tayo na. Baka abutin pa tayo ng tanghali pero hindi pa rin tayo nakakabili," sabi ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

«»«»«»«»«»

"Wow, ang daming nakapila. Ano bang mayroon ngayon at ganyan kadami ang mga costumers?" tanong sa akin ni Scarlett. Halos manlaki ang mga mata niya dahil sa pagtitig sa mga taong nakapila sa jewelry shop na pupuntahan namin.

"Hindi ko rin alam. Ang sabi ni Mama, ngayon lang araw na ito may pagrand sale ang LPS, kaya siguro ganyan kahaba ang pila," paliwanag ko kay Scarlett.

"Ahh, kaya pala ang dami rin nakaparadang mga kotse. Ang gaganda ng mga designs."

"Naku, tara na Monica! Baka maubusan ka pa. Saka baka may mga celebrities sa loob ng shop. Magpapapicture ako. Dali!" yakag ni Scarlett. Halos madapa naman ako nang dahil sa pagmamadali namin maglakad. Kulang na lang kasi kaladkarin ako ni Scarlett.

"Aray naman Scarlett! Excited much. Mas nagmamadali ka pa kaysa sa talagang may bibilhin."

"Mamaya ka na magreklamo. Tayo na!"

Malapit na sana kami sa may bukana ng shop nang may biglang humintong kotse sa harapan namin. Muntik pa kaming mabundol ng sasakyan. Isang color gray na kotse ang nasa harapan namin. Hindi ko alam kung anong klase ng kotse siya, basta ang alam ko lamang ay tanging mayayaman o mga celebrities lamang ang magkakaroon ng ganoon uri ng sasakyan.

Maglalakad na sana kami ni Scarlett para magdiretso pasok sa loob ng shop nang biglang bumukas ang pinto ng kotse.

Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito.

«»«»«»«»«»

"Salamat Kuya! Akala ko hindi mo na ako pagbibigyan sa hiling ko," saad ng babaeng katabi ko sa loob ng kotseng minamaneho ko.

Nakasakay kami sa isang Acura TSX. Isa sa mga modernong klase ng kotse. Kasama ko sa loob ng kotse ang nakababata kong kapatid na babae.

"Ikaw kasi ang kulit mo. Siya nga pala, saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kapatid kong  si Bambi. Kung kanina ay nakapulupot ang mga braso niya sa isang braso ko ngayon ay nakaalis na ang mga braso niya at nakatingin na lamang sa akin habang nagmamaneho ako.

"Kasi Kuya, na-miss kong mag-shopping. Sina Mommy at Dada naman palaging busy sa mga ginagawa nila. Ikaw din ganoon. Napakadalang na natin tuloy magkita-kita sa bahay," tugon ni Bambi. May nahihimigan akong pagtatampo sa tono ng pananalita niya.

"Sorry! May kanya-kanya na kasi tayong mga obligasyon na kailangan ng maraming oras Bambi. Kahit ikaw, busy na rin sa iyong  negosyo. Sikat na sikat ka na nga. Hindi na kita maabot," sabi ko kay Bambi na may halong pambibiro. Napangiti na lang ako noon napanguso siya.

Marami-rami kaming kuwento na ibinahagi sa bawat isa. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa LPS Jewelry Shop. Bibisitahin ng kapatid ko ang General Manager nitong kaibigan at dating schoolmate sa HS na nagtatrabaho sa isa sa mga shop ng LPS at nag-request siyang samahan ko siya. Bagamat ngayon sana ang araw na napili kong i-train si Miss Catapang, ipinagpaliban ko muna ito.

«»«»«»«»«»

"Miss Catapang? Ano ang ginagawa mo rito? I mean bakit ka naririto?" sabi ko habang nakatitig kay Miss Catapang. Namimilog ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin at nakabuka rin ang kanyang bibig.

"Hello po Mr. Ayala!" sagot ng isang babae na halos kasing tangkad ni Miss Catapang. Pasimpleng kumakaway ito at pangiti-ngiti. Tila may ibinubulong din ito sa tenga ni Miss Catapang.

"Oh, Hi-hi! Mr. Ayala! Anong masamang hangin este ano pong dahilan at napadpad kayo rito?" saad ni Miss Catapang. Tila hindi siya makapaniwala na nakatindig ako sa harapan niya. Napakamot pa siya sa kanyang batok at may sinasabi ngunit mahina ang kanyang boses habang nagsasalita.

"Ayy, bakit pa ba ako ngttnong? Ntralsyamyari ng LPS."

"May sinasabi ka ba Miss Catapang?" tanong ko sa kanya habang hindi ko maiwasan mapakunot ang noo.

"Naku, wa-wala po, a--an"

"Kuya Enrico, sino sila?" sabi ni Bambi. Kalalabas lang niya ng kotse habang nakasabit sa kanyang mga bisig at mga braso ang ilan paper bags na may mga laman na mga bagay na ibibigay niya sa mga empleyadong nagtatrabaho sa LPS.

"Oh, Bambi, Sila ba? Iyon nakapalda na may floral design, siya si Miss Catapang. Isa siya sa mga nag-apply bilang PA ko. At iyon kasama mo Miss Catapang, sino nga pala siya?" saad ko sa harapan nilang tatlo habang nagpapalitan kami ng mga tinginan.

"Ahh siya si--"

"Oh, Hi! I'm Scarlett D. Matumba. Not Scary, not scar but Sexy and that's my name. And I, thank you!" tugon ng babaeng kasama ni Miss Catapang. Napakunot ang noo namin dalawa ni Miss Catapang dahil sa tinuran nito. Samantalang si Bambi ay napahagikgik.

"Oh my God Kuya! Nakakatuwa itong si Miss Scarlett. Puwede ba kitang maging Bestie? Namiss ko tuloy lalo si Michiko, by the way, Hello po Miss Catapang. Pagpasensiyahan mo na po si Kuya kong strict at masungit. Mabait po talaga iyan, kaya huwag po kayong mag-alala," saad ni Bambi. Nakipagkamay siya sa dalawang babae pagkatapos na maibaba ang mga paper bags sa sementadong lupa.

"I like your outfit too Miss Catapang. Ang cute mo pong tingnan diyan sa suot mo," sabi ni Bambi kay Miss Catapang. Bahagyang namula ang mga pisngi ni Miss Catapang at aaminin ko, sang-ayon ako sa sinabi ni Bambi.

Nakasuot kasi siya ng Carnation Pink Off-Shoulder Lacey Chiffon Blouse. Knee-length Floral design White Skirt at Baby Pink Gladiator Sandals. Iyon Skirt na suot ni Miss Catapang ay design ng kapatid ko. Light make-up lang ang inilagay niya sa kanyang mukha sapat lamang para umangat ang maamo niyang mukha. Nakalugay din ang mahaba niyang buhok habang may suot na puting hairband.

"Anyway Guys! May bibilhin din ba kayo sa LPS? Come on! Join with us!" sabi ni Bambi. Niyayakag niya ang dalawang babae na sumabay sa amin sa pagpasok sa loob ng LPS.

"Naku, huwag na po! Makakaabala lang po kami sa bonding date ninyong dalawa. Saka saglit lang naman po kami. May bibilhin lang po kaming pang-birthday gift kaya kami napapunta rito," sagot ni Miss Catapang. Bahagya lang siyang tumingin sa akin at inilipat ang kanyang mga tingin sa kasama niyang babae. Tila ibig pang magtalo noon dalawa dahil kita sa mukha noon kasama niya na tumututol siya sa sinasabi ni Miss Catapang.

"Sorry, Ladies! But I insist. Sige na pagbigyan ninyo na po ako. Three days lang ang off-days ko mula sa work kaya susulitin ko na ang pag-eenjoy. Pero dahil nakakatuwa kayong kausap then I will include the two of you tutal naman kilala kayo ng kuya ko."

"What do you think Kuya?"

"It depends Bambi. Baka may mga trabaho rin sila kaya hindi rin sila puwede," sagot ko kay Bambi. Kagaya ng dati napanguso ulit siya.

"Ohh, yeah, you're right Kuya."

"Alam ko na!" sambit ng kasama ni Miss Catapang kaya kami napatingin sa kanya.

"Miss Bambi, anong araw po ba kayo libre ang oras?" tanong ng babaeng kasama ni Miss Catapang sa kapatid ko.

"Hmm, ngayon at iyon magkasunod na dalawang araw po. Bakit po?" sagot ni Bambi.

"I-invite sana namin kayo sa B-day party ni Tita Susan, ang Mama ni Monica. Siya po kasi iyon may b-day na bibilhan ng regalo. Although iyon bibilhin namin sa LPS ay regalo ni Tita sa sarili niya," paliwanag ng babaeng nagsalita habang napapakamot sa kanyang kaliwang pisngi.

"Oh, really! Happy Birthday po sa Mama mo Miss Catapang. Kailan ba ang party, dadalo kami ni Kuya. Hindi ba Kuya?" tanong ni Bambi sa akin sabay tingin habang hinihintay ang sagot ko.

"Ahh, Oo naman. Of course, we will attend your Mother's Birthday party, Monica! And about sa pang-gift na bibilhin ninyo, no need to pay for it. Pumili ka ng kahit anong gusto mo para ibigay sa Mama mo at ako na ang bahala mag-explain sa manager," tugon ko habang nakangiting nakatingin kay Miss Catapang. Tila napipi naman si Miss Catapang sapagkat hindi siya nagsasalita, nanatiling nakatitig lamang sa amin.

"Hoy, Beshy! Anong say mo? Pumayag ka na," sagot ng kasama ni Miss Catapang. Nagtatatarang ito habang nakahawak sa braso ni Mis Catapang.

"Hoy, Ano ka ba Scarlett? Kakahiya ka. Tumigil ka riyan," saad ni Miss Catapang habang pinanlalakihan ng mga mata nito ang babaeng nagngangalang Scarlett.

"Naku, huwag ninyo na pong problemahin  Mr. Ayala ang tungkol sa bibilhin ko dahil earrings lang po ang ipinabibili ni Mama. At isa pa po, hindi rin po tatanggapin ni Mama kung sakali. Pero salamat po sa inyong alok at pagbati, sapat na po iyon para sa Mama ko," saad ni Miss Catapang habang nakangiting nakatingin sa amin.

"Sa isang araw pa po Birthday ni Mama, kung makaka-attend po kayo, tiyak akong matutuwa si Mama."

"At saka, wala po akong pambayad para sa mga alahas, kaya huwa-" saad ulit niya pero pinutol ko ang susunod niyang sasabihin.

"I refuse your explanation Miss Catapang. Like I said, it was a gift for your mother. No more buts just accept the gift," maawtoridad kong sabi habang seryosong nakatitig sa kanya.

Noon hindi pa nagsasalita si Miss Catapang at patuloy lamang ang pagtititigan namin, biglang tumighim ang kapatid ko.

"Hey, Kuya! Pinapagalitan mo na yata si Miss Catapang, baka lalo niyang tanggihan ang offer mo," saad ni Bambi.

Nag-iwasan na kami ng tingin pagkatapos na magsalita ni Bambi.

"Yay, come on na Guys! Ang haba na ng pila oh! Tayo na sa loob ng shop para makapili ng mga bibilhin."

«»«»«»«»«»

"Oh my gosh! Hindi ba sila iyon magkapatid na Ayala, ang may-ari ng LPS?"

"Oo, sila nga! My God, ang ganda at guwapo pala nila lalo na sa malapitan. Palaging sa tv o Youtube at mga Socmed ko lang nakikita mga pictures nila."

"Hoy girls! Tara, pa-autograph at pa-picture tayo sa magkapatid."

"Hoy, teka, nakikita ninyo ba iyon dalawang babae na kasama nila?"

"Sino? Saan?"

"Hayun oh!"

«»«»«»«»«»

Sa sobrang haba ng pila sa harapan ng shop. Sa common area kami nagdiretso para lang makaiwas sa siksikan.

"Kuya Enrico, hindi ko akalain na ganito pala kasikat ang negosyo ni Lolo. Ang dami ng costumers na tumatangkilik sa mga produkto ng atin kumpanya. Nakakataba ng puso. Hindi lang itong Jewelry Line, pati iyon negosyo ko rin at iba pa natin mga negosyo."

"Oo, tama ka Bambi. Masaya akong nakikita na nagbunga ng maganda ang mga pinaghirapan ni Lolo," saad ko habang nakaakbay sa kapatid ko.

"Sana nakikita ito ni Kuya at Lola."

Sana'y nakikita mo ito.