«»«»«»«»«»
"Kuya Enrico, hindi ko akalain na ganito pala kasikat ang negosyo ni Lolo. Ang dami ng costumers na tumatangkilik sa mga produkto ng atin kumpanya. Nakakataba ng puso. Hindi lang itong Jewelry Line, pati iyon negosyo ko rin at iba pa natin mga negosyo."
"Oo, tama ka Bambi. Masaya akong nakikita na nagbunga ng maganda ang mga pinaghirapan ni Lolo," saad ko habang nakaakbay sa kapatid ko.
"Sana nakikita ito ni Kuya at Lola."
Sana'y nakikita mo ito.
«»«»«»«»«»
Kuya? May mas matanda pa silang kapatid? Pero sino? Bakit hindi ko man lang nabalitaan na may kapatid pa pala si Mr. Ayala? At nasaan na siya?
"Hoy! Monica! Ayaw mo hah. I love you raw Mr. Ayala," Ang narinig kong sabi ni Scarlett kaya nawala ang atensiyon ko sa pag-iisip sa nangyari kanina sa shop. Isinigaw kasi ni Scarlett ang mga sinabi niya.
"Hoy, Anong pinagsasasabi mo riyan Scarlett? Mahiya ka nga riyan. Ang ingay-ingay mo," saad ko habang bahagya ko siyang hinablot sa braso papalapit sa akin.
"Hehe, paano kasi tulaley ka riyan. Ang lalim ng iniisip ah. Hindi ba makaget-over sa yapos ng asawa ko," sagot ni Scarlett. Hindi ko mawari kung may pagka-sarkasmo o may halong pambibiro ang mga sinasabi ni Scarlett.
"Anong pinagsasasabi mong iniisip ko iyon yapos ni Mr. Ayala? Ikaw talaga, ang malisyosa mo. Inalalayan lang ako noon tao para hindi ako matumba. Nakita mo naman hindi ba na nasagi ako ng isang binatilyo. Mabuti nga nandoon siya, kung hindi natuluyan bumagsak ako sa sahig," paliwanag ko kay Scarlett.
"Sus, Huwag ako. Don't tell me? Hindi ka man lang nakaramdam ng Umpp!" saad ni Scarlett. May pamustra-mustra pa ng mga kamay ito at ang mga mata ay halos tumirik na mai-emote lang ang gustong ipahiwatig nito.
"Anong umpp pinagsasasabi mo riyan? Linawin mo nga dahil hindi kita maintindihan," saad ko at halos paikutin ko rin ang mga mata ko.
"Kunwari pa siya. Alam mong ibig kong sabihin. Ano, kumusta na ang pagdantay sa malapad-lapad niyang torso? Mabango ba siya? Mabango ba hininga niya? Gaano kalagkit ang kanyang mga tingin? Yayy! Kainggit ka. Kung ako iyan, ubos na ubos siya. Amoy pa lang niya, sininghot ko na lahat. Baka nilapang ko pa ang mamula-mula niyang labi," mahabang litanya ni Scarlett. Daig pa nito ang manyakis kung magkuwento at magkikilos.
"Ewan ko sa iyo! Bahala ka na nga riyan. Uuwi na ako sa bahay," saad ko na lang at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Nang mapansin niyang wala na ako sa tabi niya at malayo-layo na ang akin distansiya mula sa kanya, saka pa lamang siya kumilos para maglakad.
Halos maghahapon na ng makauwi kami sa barangay namin. Pagkatapos kasi namin mamili sa LPS jewelry shop ng mga dapat bilhin ay isinama pa kami ng magkapatid na Ayala sa pamamasyal nila. Nagpunta kami sa mga shopping malls na gustong puntahan ni Miss Bambi bukod doon kumain kami sa mga restaurants na madalas puntahan pala ng magkapatid. Pero hindi basta-basta ang mga pangalan ng restaurants na amin pinuntahan. Ang mga pagkain nila, nakakalula sa taas ng presyo. Kulang na nga lang tubig na lang inumin ko at titigan ang mga pagkain na nasa harapan ko.
"Pero hindi nga Beshy, wala ka ba talagang naramdaman na kahit ano? I mean kahit kaunting kuryente sa katawan?" tanong sa akin ni Scarlett nang makahabol na siya sa paglalakad ko. Pilit na pinalalaki niya ang kanyang mga matang singkitin habang nakatitig sa akin. Halos magkapalit na nga kami ng mukha sa sobrang lapit ng kanyang mukha.
"Ang oa nang tanong mo Scatlett. Bakit naman ako makukuryente? Inalalayan lang niya ako. Wala naman ibig sabihin iyon," sabi ko kay Scarlett.
Wala naman talaga. Bakit kailangan may maramdaman akong kakaiba sa kanya?
«»«»«»«»«»
"Success! Weww, Akala ko hindi na tayo makakapasok ng buhay at buo pa rin ang katawan sa loob ng shop. Para kasing may concert sa loob ng shop sa dami ng mga costumers na nagpupunta," saad ni Scarlett. Kinuha niya sa loob ng bulsa nang shorts niya ang isang panyo at ipinahid sa mukha niya.
"Oo nga po! Pasensiya na po kayo. Ganito talaga rito sa shop kapag may grand sale, dinadagsa ng mga tao," sagot naman ni Miss Bambi habang nag-peace sign pa siya.
Nahirapan kami sa pagpasok sa loob ng shop. Sa harapan pa lang napakahaba na ng pila. Kung hindi pa nakilala si Mr. Ayala at si Miss Bambi ng mga tao hindi kami makakadaan. Nagdiretso kami sa common area kung saan walang gaanong tao.
Nakakaaliw din si Miss Bambi. Sa kabila nang pagiging anak-mayaman, hindi siya naging matapobre o kaya'y lumaki ang ulo sa kabila ng kasikatan niya. Hindi rin siya maarte kahit siksikan ang mga tao sa loob ng shop. Puwedeng malapitan nang kahit na sino. Marami akong naririnig na magagandang papuri tungkol sa kanya. Hindi lang siya mayroon magandang mukha. Napakahusay din niyang magpatakbo ng negosyo na maaaring namana niya rin ang husay sa kanyang kuya, si Mr. Ayala.
May busilak din siyang kalooban sapagkat pagdating sa charity works, isa siya sa mga nangunguna pagdating sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan. Mahusay din makisama sa kahit na sino. Matalino at napakatalentadong babae.
Designer siya ng mga damit. Kung minsan siya rin ang nananahi ng mga damit na siya mismo ang nagdesign. Twenty-six years old pa lang si Miss Bambi pero marami na rin siyang napatunayan o maipagmamalaking nagawa.
May mini fashion show din si Miss Bambi at doon featured ang mga designs niya ng mga damit. Pinapalabas ito tuwing Saturday and Sunday sa lahat ng tv channels sa magkakaibang time slots.
"Okay lang po iyon Miss Bambi. Huwag mo na lang po pansinin iyon sinabi ko. I'm just joking," sagot ni Scarlett. Napakamot na lang siya sa kanyang ulo.
"Sige po, mauna na kami. Maghahanap na po kami ng earrings," saad ko sabay hila sa kamay ni Scarlett at tumalikod sa magkapatid para mag-umpisa nang maglakad.
"Ahem, ahem."
"Okay ka lang ba Kuya Enrico?" saad ni Miss Bambi. Ngunit ayaw kong lumingon sapagkat alam ko na ang kasunod na mangyayari.
"Miss Catapang!"
"Po--po! Ano po iyon Mr. Ayala?"
"Iyon pinag-usapan natin kanina, remember?" sagot sa akin ni Mr. Ayala. Napabuntong-hininga na lamang ako at muling humarap sa kanila.
"Kuya Enrico, I have an idea. Hiramin ko muna si Miss Scarlett pansamantala. Magpapasama ako sa kanya para mamili ng magagandang designs ng jewelries para magamit ko sa summer outfit collections ko."
"While the both of you, kayo ang magsama para humanap ng pang-gift para kay Tita?"
"Tita Susan Miss Bambi."
"Ahh, yes, para kay Tita Susan. Is it okay to the both of you?" sagot ni Bambi. Nahuli kong kumindat siya kay Mr. Ayala samantalang si Scarlett naman ay nagpipigil na ngumisi. Kulang na lang panlakihan ko siya ng mga mata.
Ano ba Miss Bambi at Scarlett? Huwag ninyo akong pagtulungan.
"For me it's okay."
"What about you Miss Catapang? Okay lang bang si Kuya na lang muna ang sumama sa iyo para pumili ng bibilhin mong pang-gift sa Mama mo?" saad ni Miss Bambi habang pare-pareho silang mataman nakatingin sa akin.
"O-okay naman po. Nakakahiya naman po kung tatanggihan ko iyon alok," sagot ko na lamang.
"Okay, then let's go Miss Scarlett. See you later na lang ulit dito sa common area. Bye Kuya Enrico and Miss Catapang. Ingatan mo si Miss Catapang hah!" saad ni Miss Bambi at hinila na niya ang kamay ni Scarlett.
Sa common area ay mayroon din tagapagbantay, kaya lahat ng mga paper bags na dala-dala ni Miss Bambi ay inihabilin muna sa tagapagbantay.
Pagkaalis nina Scarlett at Miss Bambi, naiwan kami ni Mr. Ayala na parehong hindi umiimik at hindi tumitingin sa isa't-isa.
"Shall we go now Miss Catapang?" sabi ni Mr. Ayala. Inilahad niya ang palad niya pero sa halip na abutin ko ito nagsimula na akong maglakad.
Naglakad na rin siya at humabol sa akin paglalakad pero hindi ko inaasahan ang ginawa niya.
"Mi--Mr. Ayala, anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya pero halos pabulong kong sinabi ito at sabay na tumingin sa kanyang mukha. Napatitig ako sa kanyang mga mata ng ilan minuto ganoon din siya. Pero pamaya-maya ay nagbaba rin ako ng tingin sapagkat may mga dumadaan mga tao na halos ang mga mata ay nakatuon lamang sa amin.
"Shh, umayon ka na lang sa gagawin ko. Kailangan natin gawin ito," sagot niya sa akin. Kanina pa kasing nakapaikot ang isa niyang braso sa baywang ko.
"Hindi ba si Mr. Ayala iyan lalaking nakasuot ng color gray na blazer?"
"Oo sa tingin ko. Ang guwapo pala niya sa personal."
"Oo nga, kaso nahuli siya ng dating. May asawa na ako."
"Naku naman Kumare, sa atin dalawa kung bata-bata pa ako malamang ako ang patulan ni Mr. Ayala."
"Owss, paano mo naman nasabi."
"Ikaw hah, Mr. Ayala. Hindi mo sinabi sa akin. Habulin ka pala ng mga--" saad ko ngunit hindi ko maituloy ang sasabihin dahil masama ang tingin sa akin ni Mr. Ayala. Pero hindi ko talaga mapigilan ang mapangiti dahil sa mga naririnig ko sa bibig ng mga "Fans" ni Mr. Ayala.
Kung kanina ay nakapulupot ang braso niya sa baywang ko ngunit ngayon ay inalis na niya pero nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.
"Tayo na."
Sumunod na lang ako sa nais niyang gawin ngunit hindi ko maiwasan hindi mailang sapagkat ang mga mata ng ibang tao ay nakatuon sa amin dalawa. May naririnig din akong mga usapan na kahit hindi nila banggitin ang pangalan ko, alam kong ako ang tinutukoy nila dahil na rin sa kasama ko si Mr. Ayala.
Hawak pa rin ni Mr. Ayala ang kamay ko bukod doon ang atensiyon ko ay nasa mga tao at sa mga sinasabi nila.
"We're here." nakarinig ako ng pitik ng daliri. Saka pa lang ako natauhan ng makita ko na nasa harapan na pala kami ng mga jewelries glass display.
"Monica, pick as many you can on these jewelries designs. Then pick the best two pairs of designs you want," seryosong saad ni Mr. Ayala habang mataman nakatingin sa akin. Hindi ko naiwasan mapanganga dahil sa sinabi ni Mr. Ayala.
"Pe--pero Mr. Ayala. Ang mahal po ng mga presyong nakalagay sa mga alahas na nandito. Wala po akong pambayad. Sapat lang po ang ipinadala sa akin ni Mama," paliwanag ko kay Mr. Ayala. Todo rin ang pagmumustra ko sa kamay ko na ang ibig sabihin ay huwag o ayaw ko, at ang pag-iling ko ay ganoon din.
"I told you earlier na it was a gift for your mother. So, you don't need to worry about the expenses," muling sagot ni Mr. Ayala. Nasa tono ng pananalita nito na seryoso talaga siya sa sinasabi niya.
Hindi na ako nagpilit na tutulan ang sinabi ni Mr. Ayala. Kahit ang alahera ay sinabi na tanggapin ko na ang ibinibigay ni Mr. Ayala.
"If you don't want to choose, I'll choose for you," saad ni Mr. Ayala na lalong ikinalaki ng mga mata ko. Pakiramdam ko rin nag-init ang mga pisngi ko.
Bahagya akong napaigtad ng maramdaman kong lumapit siya sa akin.
"Huwag kang malikot." sabi ni Mr. Ayala.
Napakabango ng amoy ni Mr. Ayala. Amoy lavender. Kaya siguro halos gapangin na siya ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya.
Hayt, ano ka ba self? Singhutin ba naman ang amoy ni Mr. Ayala. Nahahawa na yata ako kay Scarlett.
"The Jewelries looks good on you," saad ni Mr. Ayala dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. Doon pa lamang sa pagkakalapit ni Mr. Ayala sa akin habang marahan isinusuot sa leeg ko ang isang Lariat necklace, halos hindi na ako makakilos mula sa kinatatayuan ko. Hinawakan din niya ang kanan braso ko at iniangat ito para isuot naman ang isang Bangle bracelet. Ganoon din ang ginawa niya sa mga Studd earrings. Isinuot niya ito sa akin. Lahat ng suot ko ay base sa interes ni Mr. Ayala. Siya ang pumili ng mga disenyo.
Tanging kuwintas ni Lola lang ang talagang isinusuot kong kolorete sa katawan. Si Mama ay medyo mahilig sa alahas pero kadalasan simpleng disenyo lang ang gusto niya. Madalang siyang bumili ng mahal ang presyo at marami rin siyang alam tungkol sa alahas at sinasabi niya iyon sa akin kaya ko nalalaman.
"Sa--salamat Mr. Ayala. Pe-pero sigurado ba kayo sa ginagawa ninyo? Hin-hindi naman siguro may--may kapalit itong ginagawa ninyo para sa akin?" saad ko ngunit para akong mabibilaukan sapagkat nalulunok ko ang laway ko.
"Huwag kang mag-alala. Wala akong hihingin kapalit mula sa iyo. Sabihin na natin bayad ko ito sa utang ko sa iyo," paliwanag sa akin ni Mr. Ayala.
"U--utang? Pero wala naman po kayong utang sa akin. Sa pagkakaalam ko po, ako pa ang may atraso sa inyo," sagot ko kay Mr. Ayala. Halos hindi ko magawang tumingin sa kanyang mga mata.
"Hindi pa ako nakakabayad sa danyos-perwisyo na idinulot ko sa iyo noon madamay ka sa kaguluhan," muling saad ni Mr. Ayala.
Kaguluhan?
Ahh, iyon nangyari sa Makati Central Business District.
"Pero hindi mo po naman kailangan gawin pa ito. Iyon chance po na ibinigay mo sa akin para makapagtrabaho sa inyo ay sapat na para sa akin," sinserong saad ko habang nakatingin na sa kanyang mga mata.
"But still I owe you an apology. This is my way to say sorry for what happened to you," tanging tugon ni Mr. Ayala.
"And there's nothing you can do to change my mind,"
Hayt, ang stubborn ni Mr. Ayala. Ano pa nga ba magagawa ko.
Hindi ko na pinagpilitan ang pagtutol ko. At dahil baka magalit na si Mr. Ayala, pumayag na ako sa gusto niyang gawin.
"Let's go Miss Catapang. Maybe Bambi and your friend are now on the common area waiting for us," saad ni Mr. Ayala. Ipinagpilitan ko na ako na lang ang magbibitbit ng mga paper bags na ginamit para ilagay ang mga pinamiling jewelries at hindi naman tumutol si Mr. Ayala.
"Ahm, Mr.-- Mr. Ayala,"
"What is it?" tanging tugon niya nang hindi lumilingon sa akin. Naglalakad na kami para magpunta sa common area nang makaramdam ako ng tawag ng kalikasan.
"Ahmm, Nagtatawag si inang kalikasan," saad ko pero nakaramdam ako ng pag-iinit ng mga pisngi.
"What do-- oh, I see," saad niya ng lingunin ako. Nakita niya na tila gusto ko mamilipit mula sa kinatatayuan ko.
Ibinigay ko lahat sa kanya muna ang mga paper bags pero bago ako umalis binanggit muna niya kung saan direksiyon ako magtutungo papunta ng comfort room.
Kaloka na itong mga nangyayari. Ano kayang nakain ni Mr. Ayala at napakabait sa akin? Hindi kaya bagsak ako sa training? Pero hindi pa naman ako nagsisimula sa pagtra-train. Hayt, bahala na nga.
Lumabas na ako sa isa sa mga Toilet cubcle at lumapit sa isa sa mga wash sink. Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay lumabas na ako ng women's comfort room.
«»«»«»«»«»
Nasaan na ba ang babaeng iyon? Kanina pa siya roon ah.
"Hey, Kuya!" hiyaw ni Bambi habang papalapit sa akin.
"Teka, kanina pa kayo rito? Pero bakit wala si Miss Catapang?"
"Diyan na muna kayong dalawa. Hahanapin ko lang siya," sabi ko sabay alis sa kinatatayuan ko. Hindi ko na narinig ang iba pang sasabihin ni Bambi.
«»«»«»«»«»
Ano kayang ginagawa roon ni Miss Catapang? Kaya pala ang tagal-tagal niya. Baka kung saan-saan pa nagpupunta.
"Bye, bye Ate Monica!"
"Bye, Baby Trisha. Huwag mo nang bibitawan kamay ni Mommy mo hah."
"Nandito ka lang pala Miss Catapang," saad ko sa kanya. Tila nagulat pa siya ng humarap sa akin.
"Mr--Mr. Ayala! Ano po ginagawa ninyo rito?" sabi niya kaya hindi ko naiwasan hindi mapataas ang kilay.
"Hindi ba ang usapan, sa common area magkikita-kita?" sagot ko sa kanya.
"Hays, oo nga pala. Pasensiya na po Mr. Ayala. Pabalik na po sana ako kaso may nasalubong akong bata na nawawala kaya hinanap ko muna kung sino ang mga magulang niya," paliwanag niya sa akin habang napapakamot siya sa kanyang ulo.
Hahawakan ko sana ang kamay niya para makaalis na rin kami pero naisip ko na baka mailang siya sa akin kaya pinigilan ko ang sarili ko.
"Tayo na!" saad ko na lamang. Pinauna ko na siya sa paglalakad kaya nasa likuran niya ako pero ilan hakbang lang ang distansiya ko sa kanya.
"Hoy, bilisan mo. Baka maiwan na tayo ni Mama."
"Teka lang Kuya, hintayin mo ako."
Ang narinig kong saad ng mga binatilyong makakasalubong ni Monica. Sumisigaw kasi sila habang tila nagmamadali ang mga ito pero dahil nga sa pagmamadali hindi sinasadyang matabig ng unang binatilyo si Monica at tila nawalan ng panimbang si Monica kaya papatumba na sana siya, mabuti na lamang at kaunti lang ang agwat ko sa kanya kaya nasalo ko pa si Monica.
"Ang lampa mo talaga!" sambit ko. Hindi sana iyon ang gusto kong sabihin ngunit huli na sapagkat nasabi ko na.
Nakapayapos ang mga braso ko sa baywang niya habang nakasandal siya sa torso ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang pakawalan siya mula sa pagkakayapos ko sa kanya. Pareho kaming natahimik at walang nagsasalita. Natauhan na lang kami nang may pamilyar na boses ang nagsalita.
"Ahem, ahem. Nandiyan lang pala kayo Beshy at Mr. Ayala." saad ng kaibigan ni Monica.
Binitawan ko na siya ngunit hindi na siya humarap sa akin at sa halip lumapit siya sa kanyang kaibigan.
Bigla siyang humarap pero yumuko at nagbitaw ng salitang salamat pero hindi siya nakatingin sa akin nang sabihin iyon.
"Ta--tayo na." saad ni Monica at nagpatiuna na siyang naglakad. Tinapunan lang siya ng tingin ni Bambi at ng kaibigan niya pero hindi na nagsalita at nagsimula na rin maglakad kaya naglakad na rin ako para sundan sila.
Pagkatapos na magawa ni Bambi ang mga kailangan niyang gawin sa LPS. Nagpasya kaming isama ang dalawang magkaibigan sa pamamasyal. Pagkatapos noon, inihatid na namin sila pauwi sa kanila.