«»«»«»«»«»
"Miss Catapang, bakit ang kumpanya namin ang napili mong aplayan?" seryosong tanong ko kay Miss Catapang. Nakaupo na ako sa akin office chair na yari sa synthetic leather. Si Miss Catapang naman ay nakaupo sa sofa kung saan ko madalas paupuin ang mga kliyente at mga empleyado o empleyadang pinapatawag ko para kausapin.
Sa halip na pag-usapan namin ang tungkol sa mga nangyari kanina sa office, itinuon ko sa trabaho ang usapan. After all, business is business. Be a professional is a must.
"Why I chose your company? I'll be honest Mr. Ayala. Wala pa po akong maipagmamalaking mga karanasan na may kinalaman sa pagtatrabaho. Ito pa lang iyon unang pagkakataon na magtatrabaho ako kung sakaling tatanggapin ninyo ako bilang isa sa maging empleyado ninyo para magtrabaho sa inyong kumpanya. At bakit kumpanya ninyo ang napili ko?"
"Sapagkat naniniwala akong malaki ang maitutulong ninyo sa akin para magamit o maipakita ang totoong kakayahan ko. Sa pamamagitan ninyo magagamit ko ang akin mga pinag-aralan mula sa college."
"Bakit dapat kitang i-hire kung sinasabi mong ngayon ka pa lang makakaranas magtrabaho? Gaano ka kasigurado na may maitutulong ang kakayahan mo sa amin kumpanya?" saad ko kay Miss Catapang. May halong panghahamon sa akin tinig. Gusto kong marinig kung paano siya sumagot sa mga tanong ko para malaman ko kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan o hindi.
"Naiintindihan ko po na may pagdududa na kayo sa pagkatao ko o maging sa kakayahan ko dahil sa nangyari kanina, pero kagaya ng sinabi ko tatanggapin ko po kung ano man ang kaparusahan nararapat sa akin."
"Pero hindi po ibig sabihin noon ay hindi na ako mapagkakatiwalaan o wala akong kakayahan ipakita ang mga kaya kong gawin. Hindi ninyo po malalaman iyon kung hindi ninyo ako bibigyan ng pangalawang pagkakataon," saad ni Miss Catapang habang mababakas sa kanyang tinig ang lakas ng loob pero may sinseridad. Napansin ko rin na hindi na siya naiilang sa akin makipagtitigan.
"If you say so, then proved it in the training session," saad ko na lang habang seryosong nakatitig sa kanya.
"Woah! Talaga po? So, it means, binibigyan mo po ako ng pangalawang pagkakataon?" tanong sa akin ni Miss Catapang habang namimilog ang mga mata nito. Muntik pang mapaatras ang upuan ko dahil bigla siyang lumapit sa office table ko at hinawakan ang akin mga palad. Sa halip na mainsulto siya sa sinabi ko tila nakahinga pa siya ng maluwag.
"Of course Mr. Ayala. Gagawin ko talaga ang best ko para makapasa sa training," dugtong pa niyang sabi sabay bitaw sa akin mga kamay.
"Ahm, Mr. Ayala iyon pong-- iyon atraso ko sa inyo? Absuwelto na ba ako?" saad ni Miss Catapang. Napansin ko na naman ang bahagyang pamumula ng kanyang mga pisngi at ang bahagyang pag-iwas ng kanyang mga tingin.
"Nope!" sagot ko sa kanya. Bahagyang umawang ang bibig niya at tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Hanggat hindi mo napapatunayan na karapat-dapat ka sa pagtitiwala ko, sorry to say pero may kakaharapin ka pa rin parusa," walang kagatol-gatol kong tugon sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang siya. Laglag din ang balikat niya at tila dismayado dahil sa mga narinig mula sa akin.
"By the way Mr. Ayala, kung aattend po ako sa training session ng kumpanya, ibig sabihin marami kami na aplikanteng posibleng nag-apply as PA?" muling tanong sa akin ni Miss Catapang.
"Yes."
"Kung ganoon, sino naman po ang magbibigay ng mga tasks o instructions?"
"Ako." maiksing sagot ko sa kanya.
Hayt, so, wala talaga akong lusot sa parusa. Pero hindi ko naman sinasadya iyon nangyari kanina. Malay ko bang siya pala talaga ang CEO.
"Siya nga pala Miss Catapang, I hope you don't mind. Can I ask you?" saad sa akin ni Mr. Ayala habang mataman nakatitig sa akin.
"Sure, Mr. Ayala. What is it?" sagot ko naman kay Mr. Ayala.
"What is your reason for not working for so long?" saad ni Mr. Ayala. Hindi ko inaasahan ang kanyang tanong. Pero hindi ko pa rin kayang sagutin ang kanyang tanong dahil masyadong personal ito para sa akin.
"Okay, Miss Catapang. You don't need to answer if you're not comfortable answering my question."
Hays, kasalanan ito nang gagong iyon. Kung hindi niya ako pinaasa at niloko, hindi masasayang ang mga panahon ko na dapat nagamit ko sa pagtatrabaho.
Maganda rin naman ako. May maipagmamalaking mga kakayahan at nakatapos sa pag-aaral dahil may taglay din naman katalinuhan. Pero pagdating sa pag-ibig naging bobo ako at nabalewala ang lahat ng mga pinaghirapan ko. Kung maibabalik ko lamang ang nakaraan, itatama ko talaga lahat.
"Any questions, Miss Catapang?" tanong sa akin ni Mr. Ayala. Napansin niya kasing natahimik ako at hindi na naman nagsasalita.
"Kailan po magsisimula ang training ko?" tanong ko kay Mr. Ayala. Tumingin muna sa akin si Mr. Ayala ng matagal bago ulit nagsalita.
"Dahil marami ang nangyari kanina. Bukas tayo magsisimula. Si Santi na lang ang bahalang magpaliwanag sa iyo at sa iba pang mga aplikanteng napili para umattend sa training session. Sa ngayon umuwi ka na muna sa inyo para makapaghanda ka bukas," saad ni Mr. Ayala at sumenyas na puwede na akong lumabas ng kanyang opisina.
«»«»«»«»«»
"Welcome back Anak! Kumusta na ang bagong Personal Assistant?" bungad na bati sa akin ni Mama. Nakita ko rin sa loob ng bahay ang bestfriend ko na si Scarlett.
"Hi, Beshy! Kain ka pizza," sabi ni Scarlett habang naaktong isusubo sa bibig ang isang slice ng pizza.
"Bruha, anong ginagawa mo rito? Wala ka bang pasok o hindi ka pumasok?" tugon ko sa sabi ni Scarlett. Ngumisi muna siya bago nagsalita.
"Hindi ako pumasok sa trabaho. Nagkasakit kasi si bunso kaya inalagaan ko. Kani-kanina lang ako nakaalis ng bahay sapagkat dumating na si Nanay kaya siya na ang nagbabantay kay bunso ngayon," paliwanag sa akin ni Scarlett. Si Mama naman ay itinuloy na ang ginagawang pagluluto.
"Kaya naman pala may oras ka kaninang magte-text sa akin. Nasa bahay ka lang pala."
"Mama, anong lunch natin?" may kalambingan na saad ko kay Mama. Lumapit ako sa kanya para halikan ang magkabilang-pisngi niya.
"Parang may mali. Anak, ano problema? Hindi mo sinagot iyon tanong ko sa iyo kanina," saad ni Mama sabay titig sa akin mga mata. Wala talaga akong maitatago kay Mama.
"Oo nga naman beshy. Ano na ang nangyari sa interview mo? Nakita mo na ba ang asawa ko?" saad naman ni Scarlett na napairit pa noon banggitin niya ang salitang asawa ko. Halos malaglag ito mula sa upuan dahil gustong magkandirit mabuti na lamang ay flexible si Scarlett.
"Asawa? May asawa ka na Scarlett?" manghang tanong ni Mama. Napangiti na lang ako dahil sa reaksiyon ni Mama. Namilog kasi mga mata niya pati ang labi.
Pagkatapos nang tanghalian namin at chikahan ay nagpasya nang umuwi si Scarlett sa kanila. Bago siya umuwi ay naikuwento ko nga ang nangyari sa opisina ni Mr. Ayala. Tinukso naman akong maigi ni Mama at Scarlett dahil nga sa nangyari sa pagitan namin dalawa.
«»«»«»«»«»
Ugh! Bakit hindi ako makatulog? Napagod naman ako kanina, pero bakit hindi pa rin ako dalawin ng antok?
Pero nakakahiya talaga iyon nangyari kanina sa opisina ni Mr. Ayala. Pagkatapos nagawa ko pa siyang tawagin manyakis. Hindi ko alam kung paano ko nagawang humarap sa kanya na parang walang nangyari sa pagitan namin dalawa.
Wala naman talaga. May nakita lang ako na hindi ko dapat makita. Kahit minsan hindi ko pa nakita iyon kay James, hanggang baywang lang ni James ang nakita ng mga mata ko.
Pero infairness, mapandesal si Mr. Ayala. Kung tama pagkakatanda ko sa bilang, anim siyang packs. Malapad din balikat niya. Ang muscles sakto lamang sa tangkad at laki ng katawan. At iyon puwet, okay aaminin ko, mas matambok pa yata sa akin. Ang saklap naman! May balahibo rin siya malapit sa may bandang pusod. Ang puti niya pero mamula-mula. Ang height, sa tantiya ko, 5'11 siya kaya halos tumingala na ako kapag nakikipag-usap.
At iyon mga mata niya. Maberde ang kulay ng mga irises. Ayon sa ginawa kong pagreresearch tungkol kay Mr. Ayala. May lahi siyang Spanish bukod sa pagiging Filipino, kaya ganoon kaganda ang kanyang mga mata.
Pero bakit kaya single pa rin siya? Sa mga nabasa kong articles tungkol sa kanya. Wala man lang nababanggit na babaeng naugnay sa kanya maliban sa mga rumored girlfriend's daw ni Mr. Ayala. Ang iba sa mga nabanggit ay isinangkot si Mr. Ayala sa mga malisyosong eskandalo, mabuti na lamang napatunayan na hindi totoo ang lahat ng paratang sa kanya.
Kung tutuusin hindi mahihirapan makahanap si Mr. Ayala nang babaeng magiging girlfriend niya o asawa in the future. Babae na kasi ang nanliligaw o nagpapahiwatig.
Hays! Ang chismosa mo na rin Monica. Paki mo ba kung magkajowa o hindi si Mr. Ayala. Buhay niya iyon.
Makatulog na nga. Maaga pa ako bukas. Good luck self! Kaya ko ito. Catapang kaya apelyido ko.
«»«»«»«»«»
"Monica! Monica!"
"Sino ka?" sabi ko sa tumatawag sa pangalan ko.
"Ako ito."
"Naaalala mo pa ba ako?"