«»«»«»«»«»
Naisipan kong maligo muli. Nagtungo ako sa Shower Room na nasa loob ng opisina ko. Malawak ang Shower Room ko. Kumpleto ito sa makabago at eleganteng mga kagamitan na madalas makikita sa loob nang isang Shower Room na matatagpuan naman sa mga mansion na pagmamay-ari nang mga prominent families or even middle-class families. Matatagpuan din sa mga opisina ng mga mayayaman negosyante kagaya nga nang nasa opisina ko at sa mga kilalang hotels sa Pilipinas.
Bilang isa sa mga empleyadong may mataas na posisyon sa kumpanyang akin kinabibilangan kailangan na maging kaaya-aya akong tingnan sa harap ng mga kliyente o iba pang mga kasamahan ko sa kumpanya.
Ngayon araw din na ito, makikita kong muli ang binibining akin dinala sa isang hospital nang madamay ito sa kaguluhan naganap sa Makati Central Business District at nangyari ito noon nagdaan mga araw.
«»«»«»«»«»
"I hope you don't mind Boss pero kasi ilan araw ko na itong napapansin sa iyo. Simula ng mag-apply siya rito. Nawawala ang pagiging metikuloso mo kapag siya na ang topic. Hindi pa naman kayo nagkikita nang harapan sapagkat madalas kang nasa meetings with the Big Bosses."
"At ang mas ikinagulat ko pa ay noon magprisenta kang maging trainer ni Miss Catapang sapagkat dati naman ay sa akin mo ito ipinauubaya," paliwanag sa akin ni Santi ngunit sa tono ng pananalita nito ay may halong pang-iintriga o pagdududa sa sagot ko sa kanya.
«»«»«»«»«»
You're wrong Santi. I'm just doing my part. I caused her trouble and it's my responsibility to fix that problem by helping her as my way of apologizing for what happened to her. She's also looking for a job and hiring her is the best way to thank her also.
Tumatanaw lang ako ng utang na loob. Iyon lang mismo ang dahilan. Wala nang iba pa.
Pagkatapos kong maligo at magsepilyo, naghanda na ako para lumabas ng Shower Room. Papunta na sana ako sa isang bahagi pa ng opisina ko kung saan nandoon ang mini Wardrobe space ko nang may marinig akong medyo pamilyar na boses.
"Woah, ang ganda talaga ng opisinang ito. Siguro Presidente ng kumpanyang ito ang umuukopa. Pero bakit dito ako dinala ni Sir Santi?"
"Woah! Hala, Hindi kaya---"
"Ano ba iyan, kay Sir Santi pa nga lang halos lumubog na ako sa kinatatayuan ko."
"Lord! Mahal ninyo naman po ako hindi ba? Sana po hindi ito ang oras ko para kuhanin ninyo kaagad. Mabait naman po ako, masipag, masunurin. Pangako! Gagalingan ko po ang pagtatrabaho. Titiyakin ko pong matutuwa sa performance ko ang magiging Boss ko."
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiilang sa napapanuod ko.
Ang wirdo ng babaeng ito. Ganyan ba talaga siya? Kinakausap ang sarili nang mag-isa?
Dahan-dahan lang ako sa paglalakad papalapit sa kanya.
"Miss, ikaw na ba si Miss Catapang?" usisa ko sa kanya ngunit nagulat ako sa kanyang ginawa.
"Ahhhh---" Halos mabingi ako dahil sa pagsigaw niya habang nakatitig sa akin. Nakamulagat ang kanyang mga mata.
Nang lumapit ako sa kanya at kulbitin sa balikat, sa pagharap niya sa akin ay ganyan na ang kanyang naging reaksiyon. Hindi ko alam kung bakit siya nagsisisigaw sa harapan ko.
"Bastos! Manyak! Sino ka? Huwag kang lalapit sa akin." Ang mga katagang akin naririnig na nagmumula sa kanyang bibig. Ngunit hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan. Sa pagkakaalam ko, kalalapit ko lamang sa kanya.
Bastos. Manyak. Ano ba pinagsasasabi ng binibining ito?
Saka ko lang napagtanto ang dahilan ng pagsigaw niya nang mapansin kong tinakpan niya ang kanyang mga mata. Naalala kong noon matapos na akong maligo ay dapat magbibihis na ako ngunit nahinto ako sapagkat nakita ko nga siya. Kaya rin siya sumisigaw ay dahil malaking puting towel lang ang nakabalot sa akin pang-ibaba. Ngunit may suot naman akong brief. Kaya nga lang noon kulbitin ko siya ay tila nagulat siya sa akin ginawa at hindi sinasadyang mahablot niya ang towel na nakabalot sa akin baywang kung kaya kumalas ito sa pagkakabalot sa akin at pumatak ito sa sahig.
"Hoy, Manyak! Talagang nakatingin ka lang. Hindi mo man lang ba tatakpan iyan ano mo, iyan basta--"
Nakaramdam man ako ng hiya dahil sa nangyari ngunit mas lumamang sa akin ang kagustuhan matawa dahil sa nangyari sa amin. Ngunit pinigilan ko dahil baka mas lalong magalit ang binibining nasa harap ko.
"Sandali lang Miss! Nagkakamali ka ng iniisip. Hindi ako manyak kaya huminahon ka muna," saad ko habang nagtatangka akong lumapit muli sa kanya. Pinulot kong muli ang towel at saka ibinalot sa akin baywang.
"Huwag ka sabing lalapit, Mr.--- Mr. kung sino ka man. Magsusumbong ako kay Sir Santi at ipapahuli kita. Diyan ka lang," sagot ng binibining pinagpipilitan na ako ay isang manyakis. Papaalis na sana ito para lumabas ng akin opisina kung kaya bahagya ko siyang hinablot sa braso dahilan para sumigaw na naman siyang muli.
"Ano ba bitiwan mo ako. Manyakis ka talaga."
"Hindi mo na kailangan tawagin si Santi. And for your information Miss, hindi ako manyakis. Ako si Mr. Juancho Enrico Ayala. CEO ng kumpanyang ito," giit kong sabi sa kanya habang hawak pa rin ang braso niya kahit nagpupumiglas siya.
"Weh? Sinong niloko mo? Mayroon bang CEO na hinahayaan nakahubad at nakalantad ang kanyang--- Ugh! Basta."
Bakit ba ang hirap kumbunsihin ng babaeng ito?
"Sorry, kung akala mo binastos kita. Maniwala ka man o hindi, katatapos ko lang maligo kaya ako nakahubad. May narinig lang akong boses kaya ko tiningnan kung ano iyon at nakita nga kita," muli kong paliwanag sa kanya. Binitawan ko na ang braso niya kaya dumistansiya siya ng kaunti sa akin. Mataman nakatingin ako sa kanya kaya kita ko ang facial expression niya. Masama ang pagkakatitig niya sa akin habang nakataas pa ang mga kilay niya. Nakataas ang mga braso niya at tila may susuntukin ang kanyang mga kamao.
Ang kulit talaga ng babaeng ito, ang maipilit.
"Sa tingin ko ikaw na nga si Miss Catapang. Pasensiya na ulit kung natakot kita. Diyan ka lang muna Miss, magbibihis lang ako saglit. Mag-uusap pa tayo nang masinsinan," saad ko sa kanya. Patalikod na sana ako para magpunta sa puwestong pakay ko nang mapansin kong umalis siya sa kanyang kinatatayuan at nagmamadaling tumakbo papalabas ng akin opisina. Hahabulin ko sana siya ngunit hinayaan ko na siyang lumabas ng opisina. Napabuntong-hininga na lamang ako at naglakad papunta sa Wardrobe space ko para ituloy na ang pagbibihis.
Hindi ko pa man naisasara ang zipper nang trouser pants ko, mayroon ulit akong narinig na mga boses. Parehong kilala ko kung sino ang may-ari ng mga boses.
Si Santi at si Miss Catapang.
Nasa loob na sila ng opisina kahit hindi ko man tingnan ang ginagawa nila.
"Sigurado ka ba talaga sa mga pinagsasasabi mo Miss Catapang? Baka naman namamalikmata ka lamang."
"Imposibleng may makapasok na ibang tao sa building na ito sapagkat mahigpit na ipinatutupad ang pagbabantay at hindi pinapayagan ang pagpapapasok ng mga kahina-hinalang tao." Ang narinig kong sabi ni Santi. Tila nagpapaliwanag siya nang mabuti kay Miss Catapang.
"Pero nagsasabi po ako nang totoo Sir Santi. May nakita po talaga akong kahina-hinalang lalaki sa loob ng opisinang ito. Na--nakahubad pa nga po siya. Mabuti pa po patingnan ninyo po kay Mang Jacobo. Sa tingin ko po Sir Santi hindi pa nakakalayo ang manyakis na iyon. Nandito lang po iyon sa loob at nagtatago," sagot naman ni Miss Catapang kay Santi. Napasabunot na lang ako sa akin buhok. Hindi ako makapaniwalang isang estranghero lang ang magsasabing isa akong MANYAKIS.
"Hmm, teka nga lang Miss Catapang. Ano ba ang hitsura ng lalaking sinasabi mong nakahubad at nasa loob kamo ng opisina ni Boss?" Ang narinig kong tanong ni Santi kay Miss Catapang.
"Ah, A--ano po. Aaminin ko, gu--guwapo po siya. Ma-ma-matipuno ang pangangatawan. Maputi. Ma--mabalbon din siya. At saka--" saad ni Miss Catapang sa tanong ni Santi ngunit habang sinasabi niya iyon tila nakakaramdam ako nang bahagyang pag-iinit ng mga pisngi. Mabilis din ang tibok ng puso ko ngunit hindi ko maintindihan kung bakit?
"Anong at saka? Bakit hindi mo ituloy ang sasabihin mo Miss Catapang?"
"Naku! Sir Santi, huwag na po. Nakakahiya. Huwag ninyo na pong ipabanggit sa akin," muling saad ni Miss Catapang. Bahagya akong sumilip para tingnan ang kanilang ginagawa at napansin ko na tila hindi matali si Miss Catapang. Sapo-sapo rin ng kanyang mga palad ang kanyang mukha.
"Oh, my God! Don't tell me, Miss Catapang? Sinuway mo ba ang bilin ko na huwag uulwa ang mga mata at kung saan-saan lumilibot ang iyong paningin?"
"Naku, hindi po Sir Santi! Ak--aksidente lang po iyon nangyari. Wa-wala naman po akong nakitang hindi dapat makita."
"Sigurado ka Miss Catapang?"
"Oo Santi! Nagsasabi siya ng totoo. Aksidente lang ang nangyari kanina," sabat ko sa usapan nila. Lumabas na ako mula sa kinatatayuan ko at nagpakita sa kanilang dalawa.
"I--ikaw iyon! Sir Santi, siya po ang tinutukoy kong manyakis na nakita kong nandito sa loob ng opisina."