Chapter 6 - Chapter 06

«»«»«»«»«»

Santi: Boss! Are you sure na siya na talaga ang kukuhanin mong PA? 😑

Enrico: Depende. Kung papasa siya sa mga tasks na ibibigay ko. Then, yes! Why? Bagsak na ba kaagad siya sa ideal standards mo?

Santi: Well, If I'll give her a score, she's in 50/50. You know how much important first impression is, right?

Enrico: Yes of course, and then?

Santi: Honestly, I can't believe na ibang-iba siya sa mga pangkaraniwan aplikanteng nakakasalamuha ko.

Enrico: Ano ang ibig mong sabihin Santi?

Santi: Okay ganito kasi iyon Boss,

Katulad nang sa looks niya, masyadong plain. It's not that I'm into women wearing too much make-up dahil hindi naman ito recommended sa trabahong papasukin nila. It's already enough na maging prisentable man lang tingnan ang isang aplikante dahil alam natin na ito ay kasama sa protocol lalo na at hindi basta-basta ang pangalan mayroon ang kumpanya. Pero like what I've said, masyadong simple ang looks niya. Walang ka-class-class man lang.

Enrico: May punto ka Santi, but it doesn't mean na hindi siya qualified sa trabahong pinili niyang aplayan sapagkat hindi naman magandang hitsura lamang ang tinitingnan sa isang aplikante nang kumpanya natin para lang makapagtrabaho sa atin.

The Company also believes in saying "Quality over Quantity."

As long na magagawa niya nang maayos ang kaniyang mga tungkulin, wala naman magiging problema kahit hindi man pang-celebrity ang looks niya.

Santi: Well, yes you're right Boss. Pero nakukulangan lang talaga ako sa kanya. And besides, hindi pa man nag-uumpisang magtrabaho si Miss Catapang, na-stress na kaagad ang mga kilay ko. Gosh!

Enrico: What?

Santi: What I mean Boss is, parang bagong sulpot lang sa mundo si Miss Catapang. You know, iyon tipong naninibago o halos ngayon lang natutuklasan na, Ay may mother earth pa lang nag-exist, now ko lang nalaman.

Enrico: Hmm, Santi, hindi kaya masyado naman exaggerated ang opinyon mo tungkol sa kanya.

Let's give her a chance, after all, she's still qualified as a PA.

"Bakit ka napatawag?" tugon ko kay Santi. Pagkatapos namin magpalitan ng text messages sa isa't isa. Pamaya-maya ay bigla siyang tumawag sa akin.

"Boss! Tapatin mo nga ako. Magkakilala ba kayo personally nitong si Miss Catapang?"

"Huh?"

"Hin-hindi! Bakit mo naman nasabi iyan?" saad ko kay Santi. Bahagya akong napaubo. Nagulat din ako sa tinuran ni Santi at hindi ko alam kung bakit ako bahagyang nagsinungaling sa kanya.

Yeah, I admit, hindi ko pa mismong kilalang-kilala si Miss Catapang pero nagkaharap na kami mismo.

And the reason why I want her I mean consider her as my PA because aside for being qualified for the job. I owe her an apology. Sapagkat noon hinahabol ko ang isang magnanakaw ay hindi sinasadyang nadamay siya at nasaktan physically na dahilan rin kung bakit siya nadala sa hospital.

I want to thank her for helping me catch the thief. Actually she accidentally help me caught the thief and also to apologize properly for the trouble I caused on her.

"I hope you don't mind Boss pero kasi ilan araw ko na itong napapansin sa iyo. Simula ng mag-apply siya rito. Nawawala ang pagiging metikuloso mo kapag siya na ang topic. Hindi pa naman kayo nagkikita nang harapan sapagkat madalas kang nasa meetings with the Big Bosses."

"At ang mas ikinagulat ko pa ay noon magprisenta kang maging trainer ni Miss Catapang sapagkat dati naman ay sa akin mo ito ipinauubaya," paliwanag sa akin ni Santi ngunit sa tono ng pananalita nito ay may halong pang-iintriga o pagdududa sa sagot ko sa kanya.

"Santi, I hope you don't mind too, but asking personal questions and not related to business is not allowed especially if we're in the middle of business discussions," seryosong sagot ko kay Santi mula sa kabilang linya. I tried my best na maging malamig ang tono ng pananalita ko.

"Oopps! Sorry, Boss! I thought it was okay to ask. Ewan ko ba, pakiramdam ko lang siguro ito."

"Well, honestly ang dating kasi sa akin ng mga opinyon mo Boss tungkol sa kanya ay wierd. Sapagkat sa tuwing nababanggit ko si Miss Catapang ang feeling ko ay para bang matagal mo na siyang kilala kaya akala ko tuloy magkakilala nga kayo."

"Although I ask Miss Catapang too if she know someone working here na puwedeng nagrecommend sa kanya para mag-apply sa company natin but she said, it is her first time na mag-apply."

"If she said that, then you should believe what she told to you."

"And it is just your imagination."

"Any else you want to ask?" May kasungitan na tugon ko kay Santi. Bahagyang tumighim ako upang malaman ni Santi na naghihintay ako sa mga nais pa niyang sabihin.

"Wala na Boss! Anyway, papunta na kami riyan ni Miss Catapang."

"Wha-what? I mean o--okay! Good. Wala na naman akong naka-schedule na mga gagawin ngayon so Santi pakisamahan mo muna siya patungo sa office ko." Hindi ko alam kung nahalata ni Santi na halos mautal-utal na ako sa pagsasalita.

"Okay, Boss!" Ang narinig kong sabi ni Santi. Pagkababa ko sa cellphone na hawak ko ay napabuntong-hininga na lamang ako.

Bakit nga ba ako ako naiilang kapag nababanggit ang pangalan pa lang ni Miss Catapang? Isa lang siyang estranghero.

«»«»«»«»«»

"How is she?" tanong ko sa doctor na tumingin sa binibining nasangkot sa kaguluhan habang ako ay nasa Makati Central Business District kanina.

"She's okay now, Mr. Ayala. No need to worry, maliban sa galos at pasa na natamo niya sa mukha at mga braso ay wala naman akong nakitang iba pa na injuries sa kanya base na rin sa results ng kanyang medical tests. And there's no internal bleeding naman sa brain niya. Kaya maaari na siyang ma-discharge kaagad."

"May I ask kung kaano-ano po ninyo ang pasyente?" tanong sa akin ng doctor. Hindi ko talaga kilala ang binibining dinala ko sa hospital kung kaya't hindi ko alam kung papaano sasagutin ang katanungan ng doctor.

"Thank you Doctor Torrano for assisting her. Actually Doc, I really don't know who she is. We only just met in Makati Central Business District. I'm the one to be blame for what happened to her. Nadamay lang ang binibini sa isang unfortunate event na nangyari kanina kaya siya nagkaroon ng injuries."

"Ohh! It's my pleasure to help, after all it's my job as a doctor."

"Maybe these things she have can help you identify her identity. Maybe you can call one of her friends or relatives. And about the payment of her hospital bills. I will pay all the expenses and if you need anything just call our company's secretary."

"Can you do me a favor?"

"Oh, sure Mr. Ayala. What is it?"

"Can you not tell her my identity? And please give this, our company's business card to her."

"Ohh! Okay, sure. I will not tell to her who you are. Thank you Mr. Ayala for trusting our hospital."

After na makapag-usap kami ni Doctor Torrano ay lumabas na rin siya para magtungo sa pupuntahan nito.

Sorry, Miss kung nadamay ka.

Tiningnan kong muli ang mga gamit na pagmamay-ari ng binibini na mahimbing na natutulog habang nakahiga ito sa hospital bed na malapit sa kinatatayuan ko.

So, nagbabalak pa lang mag-apply sa Company namin ang binibining ito?

Monica Catapang! See you soon.

"Okay Richmond, papunta na ako riyan," sagot ko sa taong kausap ko sa cellphone.

Bago ako umalis patungo sa talagang pupuntahan ko, muli akong sumulyap sa kinaroroonan ng binibini. Sa hindi malaman kadahilanan ay may biglang imahe o mukha ng isang pamilyar na tao ang rumehistro sa akin isipan.

«»«»«»«»«»

"Boss! Ano na? Nakita mo na ba ang soon to be PA mo? Maganda ba? Sexy? Ano ang body statistics niya? Share mo naman!" Magkakasunod na tanong ang binitawan ni Richmond habang kausap ko siya sa cellphone.

"Manyakis ka talaga kahit kailan. Baka nakakalimutan mong nasa opisina ka para magtrabaho at hindi para mag-stalk ng empleyada."

"Ouch, ang harsh. Manyakis at stalker kaagad? Hindi ba puwedeng curious lang ako kung sino ang magiging PA mo."

"Dalawa lang ang dahilan kung bakit ayaw mong ipaalam, it's either sobrang hot at mala-Catriona Gray ang beauty niya kaya isinisekreto mo o ugly duckling siya. Sabihin mo na kasi, pasuspense ka pa e, parang hindi tayo childhood friends/bestfriends/bandmates/cousins/officemates." Mahabang litanya na naman ni Richmond bilang tugon sa akin. Kung malapit lang siya sa akin, nakutusan ko na sa ulo. Pagdating sa babae talaga, nangunguna itong si Richmond pagdating sa flirting.

"Magtrabaho ka na Richmond o mamili ka. Ipapaalam ko sa iyo ang tungkol sa kanya o sisante ka na?" seryosong tugon ko. Kung kaharap ko lamang si Richmond, paniguradong nakaluhod na siya sa sahig habang nagmamakaawa sa akin.

"Si Boss naman hindi na mabiro. Sabi ko nga magtatrabaho na ako. Bye!"

Nagtungo ako sa shower room na nasa loob lang din ng opisina ko.

Bakit nga ba ako kinakabahan ngayon?