Chapter 5 - Chapter 05

«»«»«»«»«»

"3 Days. Malalaman mo Miss Catapang kung hired ka na bilang PA kung may tatawag sa iyo mula sa opisina ng kumpanyang ito sa isa sa mga araw na iyon."

"And prepare yourself para sa mga trainings na gagawin mo na kailangan mong ipasa para tuluyan ka nang maging employee ng kumpanya."

Ika-apat na araw na ngayon at nasa harapan ulit ako ng building kung saan ako mag-uumpisang magtraining bilang PA. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko lalabas ang puso ko.

Fight lang!

"Good Morning po Mang Jacobo!" Nakangiting bungad na pagbati ko sa security guard na nakatindig malapit sa harapan ng building ng first floor.

"Sino nga po ulit kayo Ma'am?" Alanganin sagot ni Mang Jacobo sa akin habang bahagyang nakataas ang kanan kilay nito.

"Ahh! Ako po si Monica, ako po iyon sinamahan ninyo para magtungo sa opisina ni Sir Santi," saad ko kay Mang Jacobo habang hindi inaalis ang ngiti sa labi ko.

"Ahh! Ikaw pala iyon. Ano, kumusta na? Tanggap ka na ba sa trabahong inaplayan mo?" usisa sa akin ni Mang Jacobo nang mapagtanto kung sino ako. Nakangiti naman siya kahit bahagyang napakakamot sa ulo nito.

"Ah! Opo, salamat nga po pala at sinamahan ninyo ako. Ngayon po ang umpisa ng training ko bilang PA kaya heto po kinakabahan ako ngayon," saad ko naman bilang tugon kay Mang Jacobo.

"Naku, Ma'am! Huwag po kayong mag-alala, mababait naman po ang mga bossing namin dito. Medyo strikto lang po ng kaunti lamang naman si Sir Santi pero mahusay naman po siyang mag-train kaya matututo kaagad kayo ng magiging trabaho ninyo," paliwanag sa akin ni Mang Jacobo. Ang totoo maaga akong bumiyahe para magtungo sa kumpanyang akin inaplayan kahit alas-otso pa ang oras kung kailan ako dapat mag-umpisang mag-train bilang PA.

"Ohh! Ganoon po! Parang lalo yata akong kinabahan," saad ko naman habang napapalunok pa ako ng laway. Noon una ko pa lang makausap si Sir Santi matindi na ang kabang nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi palagi akong may sermon sa oras na magpamali-mali ako sa mga dapat na gawin.

"Kaya ninyo po iyan!" tugon naman ni Mang Jacobo.

"Naku! Sana nga po. Sige po, mauuna na ako. Salamat po ulit sa pag-aassist sa akin noon isang araw."

"Naku! Wala pong anuman Ma'am. Sige po, Goodluck!"

«»«»«»«»«»

"Si--sir Santi!" Halos mautal-utal na sambit ko nang bahagya akong kumatok sa pinto ng opisina ni Sir Santi. Siya kasi ang magtra-train sa akin.

"Go! Pasok na!"

"He--hello! Good Morning po!"

"Good Morning, ang aga mo yata nagpunta rito. Pamaya-maya ka pa naman magsisimulang magtraining," saad ni Sir Santi na hindi man lang tumitingin sa akin habang nagsasalita ito. Abalang-abala ito sa pagpasada ng tingin sa mga papeles o marahil mga dokumento sa ibabaw ng computer table nito.

"Po! Inagahan ko na po dahil hindi ko po gustong maipit sa traffic," sagot ko naman kay Sir Santi kahit pakiramdam ko para akong lulubog sa kinatatayuan ko.

"✔ for your answer Miss Catapang!"

"Po--po!" Tanging nasambit ko dahil hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni Sir Santi.

"Saglit lang Miss Catapang. Maghintay ka muna riyan. Tatapusin ko lang itong mga ginagawa ko tutal naman nandito ka na rin lang."

"Oo nga pala, hindi nga pala ako ang magtra-train sa iyo." Dagdag na saad ni Sir Santi sabay bahagyang sulyap sa akin.

"A--ano po ulit ang sinabi ninyo?" tugon ko naman kay Sir Santi habang hindi ko maiwasan hindi mapakunot ang noo ko.

"Hay, naku! Mamaya mo malalaman." Tanging saad ni Sir Santi at nagpakawala ito ng isang buntong-hininga.

Ano kaya ang ibig sabihin ni Sir Santi sa sinabi niya? Kung hindi siya ang magtra-train sa akin, sino naman kaya?

Inilibot ko ang akin paningin sa loob ng opisina ni Sir Santi. Malinis ang kabuuan ng loob nito. Nakaupo ako sa isang sofa bed. Kung kanina ay malakas ang kabog ng dibdib ko. Ngayon ay kumportableng pinagmamasdan ko ang buong opisina ni Sir Santi. Maaliwalas ang dating ng kulay na pinili para sa opisina.

Sa kaliwang bahagi ng loob nang opisina, nakalagay ang ilan mga hanging bookshelves na puno ng mga iba't ibang libro. Marahil may kinalaman ang mga libro sa pagnenegosyo at sa kumpanya. Sa bandang kanan naman, naroroon ang isang study table with shelves na may mga ilan pang libro na nakalagay sa loob ng shelves at nakapatong naman sa study table ang stacks ng mga tila dokumento o papeles.

Katabi ng study table ang isang kabinet na katamtaman ang taas. Nakapatong rito ang ilan pandekorasyon kagaya ng picture frame at flower vase na may nakalagay na mga sariwang bulaklak ng rosas.

Sa may bandang gitna naman nakapuwesto ang computer table kung saan nakaupo si Sir Santi habang tinatapos ang mga dapat nitong tapusin. Sa kabilang sulok sa may bandang kanan, nakalagay naman ang restroom. Sa kanan bahagi ulit, nakalagay ang sofa bed kung saan ako nakaupo. May isang set of table and chairs ang nakalagay malapit sa sofa bed. May ilan mga paintings sa wall kung saan nakapuwesto ang sofa bed.

Sa wall kung saan katapat nito ang kinatatayuan ni Sir Santi nakalagay ang isang white board kung saan nakasulat ang ilan mga detalye o impormasyon na marahil ay may kinalaman sa kumpanya. Halos yari lahat sa matibay na kahoy ang mga furniture na nasa loob ng opisina.

Bagamat maaliwalas sa paningin ang kulay nang pintura na ginamit sa mga wall ngunit parang hindi pangkaraniwan sa isang katulad ni Sir Santi ang gumamit nang ganoon kulay. Kulay Carnation Pink kasi ang kulay nang pinturang ginamit.

Habang pinagmamasdan ko ang loob ng opisina ni Sir Santi, napagawi ang tingin ko kay Sir Santi.

Kung susukatin ko ang taas o tangkad ni Sir Santi, sa tantiya ko ay nasa 5'9 ang sukat. Maputi o parang kutis labanos si Sir Santi. Napapaisip nga ako kung natural ang kulay niya o gumagamit siya ng mga whitening products. Ang kinis din kasi ng kutis niya, kahit langaw mahihiyang magpadulas.

May pagkakulot ang buhok ni Sir Santi at may bahagyang highlights na kulay brown ang buhok.

Matangos-tangos ang ilong niya. Ngunit napansin ko na ang mga kilay niya ay hindi ganoon kakapal at tila parang inaahit pa ito. Nagmumukhang masungit tingnan tuloy si Sir Santi. Mamula-mula rin ang mga pisngi niya, hindi ko alam kung dahil ba mestizo si Sir Santi o dahil may ginagamit na pampapula sa mga pisngi nito.

Ang labi nito ay medyo makapal at may pagkapouty. Mamula-mula rin ito. Napansin ko rin na palaging binabasa ni Sir Santi ang kanyang labi. Noon una hindi ko mapagmasdan ang hitsura ni Sir Santi sapagkat sa tuwing tatangkain ko na titigan ang mukha nito, nagigitla ako kapag nagsasalita na ito.

Hindi naman malakas ang boses ni Sir Santi pero nasa tono nito ang awtoridad sa tuwing bubuka na ang bibig nito. Parang palaging tatalon ang puso ko sa tuwing maririnig ko na ang boses ni Sir Santi.

"Miss Catapang! Patapos na ako. Ready ka na ba?"

"Hello, Miss Catapang!"

"Po--po! Bakit po? May tinatanong po ba kayo Sir Santi?" Natatarantang saad ko sabay biglang tayo mula sa kinauupuan ko.

"Oh, God! Sigurado ka bang Personal Assistant ang tamang trabaho na dapat mong aplayan? Kung hindi ka pa handa, maghahanap na kami ng bagong mga aplikante na mas alertong kumilos at mag-isip." Naiiling na saad ni Sir Santi sa akin habang nakataas ang mga kilay nito at napapahawak ang kanyang mga daliri sa magkabilang sentido niya.

"Naku! Sorry po Sir Santi. Hindi na po mauulit. Ito po kasi iyon unang pagkakataon na mapasabak ako sa totoong training lalo na at sa malaking kumpanya pa po ako nag-apply kaya kinakabahan pa po ako," tugon ko kay Sir Santi habang tila may bara sa akin lalamunan habang nagsasalita. Pakiramdam ko para akong aatakihin sa puso.

"Exactly! Sa malaking kumpanya ka nag-apply so, we're expecting na maging agresibo, determinado o marunong kang magpakitang-gilas. Hindi lang beauty and brains ang need nang isang aplikante para matanggap sa trabaho. Kailangan maipakita rin kahusayan mo sa gawa." Malalitanyang saad naman ni Sir Santi na tila bahagya pang umikot ang mga mata nito nang bahagya akong sumulyap sa kanya.

"Isa pa iyan! Bakit kailangan ipahalata mong ninenerbiyos ka? Paano ka matatanggap kung sa ganyan pa lang kakikitaan ka na nang dahilan para pagdudahan ang kakayahan mo? Taas-noo dapat. Be confident! Kung hindi mo kayang gawin. Pasensiyahan na lang, hanap na lamang kami ng iba," saad ni Sir Santi na tila may pagbabanta sa tono ng boses nito.

Napamulagat ako ng tingin kay Sir Santi. Alam kong puwede pa naman akong mag-apply sa iba kung sakaling hindi ako matanggap. Pero tama si Sir Santi, kung dito pa lang tinatalo na ako ng kaba, paano pa kung sa ibang kumpanya ako mag-aapply?

Kaya mo ito Monica! Laban lang. Kailangan mong bumawi mula sa pagkakadapa. Catapang ang apelyido mo. Patunayan mong matapang ka. Go!