«»«»«»«»«»
Sino kaya ang pinupuntahan dito ng kapatid ko?
Wala naman espesyal sa lugar na ito.
"Huli ka! Diyan ka lang pala nagtatago. Boom! It ka na!"
Matinis na boses na may kasamang hagikgik ang akin narinig. Naramdaman ko rin na may mga kamay na humawak sa magkabilang-balikat ko dahilan para magitla ako at mapalingon sa kinaroroonan ng boses na akin narinig. Hindi ko rin sinasadyang maitulak ang taong humawak sa akin mga balikat.
"A--aray!" Ang narinig kong sambit niya.
Napatingin ako sa taong nakasalampak sa may damuhan habang sapo nito ang puwetan. Isa palang batang babae na sa tantiya ko ay kasing edad ko rin ang tumambad sa harapan ko. Maiksi ang buhok niya sapagkat hanggang sa baba niya ang haba ng buhok. May bilugan siya na mga mata at tila may bahagya pang namumuong mga butil ng luha sa kanyang mga mata. Maburok ang pisngi niya ngunit maliit o balangkinitan lamang ang pangangatawan niya. Bahagyang nakapangiwi ang nguso niya at sa tingin ko ay dahil iyon sa nasaktan siya noon maitulak ko siya nang biglaan.
"Bakit mo ako itinulak Eli!" Muling saad niya habang nakatingin sa akin. Hindi naman masama ang tingin niya sa akin pero bahagyang nakataas mga kilay niya at may pagtataka na mababanaag sa kanyang mga mata.
E--Eli! Pero hindi ako si Eli
"A-ako si---"
«»«»«»«»«»
"Kuya, ikaw na muna ang pumalit sa akin, Please!" May pagsusumamong saad sa akin ng kapatid ko habang ang mga mata niya ay tila nakikiusap. Magkadaop din ang mga kamay niya na parang katulad nang sa mga nananalangin.
"Nababaliw ka na ba? Kapag ginawa ko iyon pareho tayong malalagot kay Mommy kapag nalaman niyang nagpanggap ako bilang ikaw," sagot ko sa akin kapatid. Halos sigawan ko na siya habang sinasabi ang pagtutol ko. Tutol ako sa balak niyang makipagpalit para lang magpunta sa park na madalas niyang puntahan.
Hindi alam ni Mommy na palihim na tumatakas ang kapatid ko para lang magtungo sa isang park dito sa Laguna. Noon una hindi ko rin alam ang tungkol sa pagtakas niya sapagkat madalas nasa loob lang ako ng kuwarto ko habang nag-aaral.
Ngunit nahuli ko siyang minsan noon pauwi na ako sa bahay. Nakita ko siyang tumatakbo papunta sa ibang direksiyon at tila nagmamadali siya. Noon una ayaw niyang aminin sa akin ang totoong dahilan kung bakit may mga oras na wala siya sa bahay. Umaalis siya sa bahay kapag alam niyang wala si Mommy sa amin. Pero katagalan ay napilit ko rin siya na aminin sa akin ang totoong dahilan ng pagtakas niya.
Pinagbabawalan ni Mommy ang kapatid ko na mag-aalis ng bahay sapagkat delikado para sa kanyang sakit. Mayroon siyang sakit na Epilepsy. Home-School din siya dahil na rin sa kundisyon niya.
"Sige na Kuya! Kahit ngayon araw lang na ito. Saglit lang ako pero babalik din naman kaagad ako. Please! May kailangan lang akong tuparin na pangako."
"Aahh! Basta! Ayoko, huwag kang makulit."
«»«»«»«»«»
"Nakita ninyo po ba ang kapatid ko?" tanong ko kay Aling Lusing.
"Sino? Si Eli ba? Doon ko nakita ang kapatid mo sa kabilang kanto nagpunta. Madalas magpunta ang kapatid mo roon sa may park."
"Mukhang may mga kalaro kaya siguro palaging naroon."
"Teka! Hindi mo ba alam na nagpupunta ang kapatid mo roon sa park?" tanong sa akin ni Aling Lusing habang binubuksan ang isang softdrink. Patuloy lamang ito sa pagsasalita kahit may inaasikasong kostumer na nabili sa kanyang tindahan.
"Ah! Alam naman po, kaya lang po, wala kasing paalam sa akin na pupunta pala siya roon sa park," paliwanag ko kay Aling Lusing habang napapakamot sa ulo ko.
Eli! Lagot ka talaga sa akin mamaya.
"Ahh! Ganoon ba utoy. Puntahan mo na lang sa park. Nandoon lang iyon at malamang nakikipaglaro siya sa mga kaibigan niya."
"Sige po! Salamat!
«»«»«»«»«»
"Hoy, Eli! bakit ka nanulak? Naglalaro lang naman tayo ahh!" saad ng batang babae na nasa harapan ko. Nakatayo na siya at nakapameywang habang tila ibig nitong maluha.
"So--sorry! I-ikaw kasi, bakit ka ba nanggugulat?" sagot ko sa batang babae. Hindi ko alam bakit ako nauutal o kinakabahan habang nakikipag-usap sa kanya.
Teka nga lang, bakit nga ba ako nagpapaliwanag o nakikipag-usap man lang sa kanya?
Eli! Nasaan ka na ba? Lagot na naman ako nito kay Mommy.
"So--sorry Eli! Ikaw na kasi ang taya dahil nakita na kita. Ikaw naman ngayon ang magbibilang kaya magtatago na ako," sagot sa akin ng batang nasa harapan ko. Kung kanina ay nakasimangot siya, ngayon ay nakangiti na siya.
"Ha--hah! Te--teka!"
E--Eli!
Sa hindi kalayuan napansin ko ang pigura ng akin kapatid. Sumisenyas siya sa akin na lumapit sa puwesto kung saan siya nagtatago. Mukhang nakapaluhod siya sa lupa sapagkat nasa likuran siya ng mga halamang medyo matataas at malago-lago.
Bago pa man siya mapansin ng batang babae na nasa harapan ko, mabilis siyang tumayo para umalis sa puwestong iyon. Naintindihan ko naman kung ano ang ibig sabihin ng mga senyas niya kaya naghanda na ako para umalis sa kinatatayuan ko.
"Hoy! Te--teka, Eli! Saan ka pupunta? Ikaw pa ang taya ahh! Ang daya mo, hindi pa tayo tapos maglaro." Rinig kong sabi ng batang babae. Naglalakad na kasi ako para sundan si Eli kung saan man direksiyon ito nagtungo.
"U--uwi na ako bata! Hinahanap na ako sa amin," sagot ko sa batang babae ngunit hindi ako lumilingon. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, nag-iinit ang mga pisngi ko.
Kinakabahan din ako na baka malaman niyang hindi ako si Eli.
Pero teka bakit nga ba ako kakabahan kung malaman niya. Kapatid ko naman si Eli. Si--siguro naman nababanggit ako ni Eli sa batang iyon.
Tssk! Makauwi na nga. Lagot ka sa akin Eli!
"Ganoon ba Eli! Sige, bukas ulit ahh!"
Sa halip na sumagot ako at humarap sa batang babae, itinaas ko na lang ang akin kamay at sumenyas ng okay bilang tugon sa kanya. Gusto ko sanang lumingon ulit para tingnan kahit saglit iyon batang babae ngunit kailangan ko na talagang umalis. Hindi na rin naman kami magkikita dahil si Eli ang kaibigan niya at kakilala.
«»«»«»«»«»
"What do you think? Pasado na ba siya bilang PA mo?" tanong sa akin ni Santi. Kasalukuyang kausap ko siya via phone. Tinatanong niya ako tungkol sa bagong aplikante na nagbabalak na magtrabaho sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko.
"Well, she has the credentials that suit for a PA."
"Ohh, and what about the work experiences she had over the past? Is that enough for you to hire her?" Santi asked me again about the girl we're talking about. Honestly, Santi was more meticulous than me when making decisions in hiring people that want to work in our company.
"Honestly, it's not enough. Even though she has those credentials that I was looking for in a personal assistant, work experiences is much-needed before I decided on hiring her. You know our policies when it comes in hiring people that wanted to work for our company. We should implement these policies, so, we can determine if she is capable to work with us or if she has the capacity to do her job properly," paliwanag ko kay Santi habang kausap ko siya sa telepono.
Hindi naman sa nagdadalawang isip ako na i-hire si Miss Catapang as a PA because in fact she is qualified for that job. As a CEO of this company, I had the right to choose who I should hire as my personal assistant but before I do that, I need to be careful of who should I trust to help me do my tasks or responsibilities as a CEO.
I don't want a repeat of my mistakes like I did on the past because the last time I had a personal assistant, it was a disaster. It was a nightmare for me. And I don't want to experience that again. I want to live a peaceful life, you know.
"Well, you're right! So, Boss Enrico! Is it a yes or no?" Santi asked. Narinig kong bumuntong-hininga siya. Hindi lang ito ang unang beses na nag-interview siya ng mga aplikanteng gustong magtrabaho bilang PA ko.
"You know that before someone got hired to work for our company. Kailangan muna nilang maipasa ang lahat ng trainings na ibibigay ng company para masiguradong qualified sila sa mga trabahong inaplayan nila," sagot ko kay Santi.
"Hmm, Yes! Alam mo naman na palagi akong nakahandang magtrain ng mga aplikante. Game na game ako pagdating sa ganyan gawain," tugon sa akin ni Santi. Nahihimigan ko sa kanyang boses ang sigla. Paborito niyang gawin ang mag-train ng mga aplikante kahit ano pang trabaho ang aplayan ng mga ito.
"Santi about that, can you do me a favor?" Nag-aalangan tanong ko kay Santi.
"Sure, Boss! Ano iyon?" sagot naman sa akin ni Santi.
Limang minuto rin pinalampas ko bago ako sumagot.
"I--I'll be the one to train Miss Monica Catapang."