«»«»«»«»«»
"Monica, Anak! Handa ka na ba?" saad ni Mama nang sumilip siya sa loob ng akin kuwarto. Nasa harapan naman ako ng salamin habang tinitingnan ang sarili ko mula ulo hanggang paa.
Three days din ang pinalipas ko bago ako magpasyang bumalik para mag-apply muli sa kumpanyang una kong papasahan ng mga requirements. Napag-alaman ko rin ng araw na iyon o ang araw na nadala ako sa hospital na ang lalaking tumulong pala sa akin ay ang isa sa mga apo ni Don Pepito Ayala. Ang apong lalaki na sinasabing susunod na mamamalakad sa kumpanyang akin pagtatrabahuhan kung sakaling matanggap ako sa trabaho.
Bagamat ilan araw na ang nakalipas, may mababakas pa rin mga gasgas sa bandang pisngi at noo ko dahil ito ang napasubsub sa lupa. Natatakpan lamang ito ng makapal-kapal na foundation powder. Ang mga gasgas naman sa akin mga braso ay natatakpan ng suot kong damit.
Nakasuot ako ng Black Blazer at hanggang pulsuhan ang haba ng manggas para matakpan ang mga gasgas na nasa braso ko. May suot akong White Button-Down Blouse bilang panloob na damit. Kulay Grey naman ang Knee-Length Pencil Skirt na suot ko. Ang suot ko naman para sa mga paa ko ay Black Sandals at katamtaman lamang ang taas ng mga takong nito. Ang hindi nawawala sa mga isinusuot ko ay ang kuwintas ni Mama na nagmula pa kay Lola Adelaida. Light make-up lang ang ginawa ko sa akin mukha. Sapat lang para pumula ang pisngi, labi at matakpan kahit paano ang mga gasgas na natamo nang akin mukha mula sa nangyaring aksidente noon mga nakalipas na araw.
Nangangamba lamang ako sapagkat baka mabawasan ang tsyansa kong matanggap sa trabaho. Isang Jewelry Line ang kumpanyang aaplayan ko at expected na maging presentable o kaaya-aya ang mga empleyadong magtatrabaho sa kumpanyang iyon. Pero dahil nagbabakasakali pa rin ako kung kaya susubukan kong magpasa at mag-apply sa kumpanyang iyon. Ang kumpanyang dati ay sa Tv ko lang nakikita.
Hindi naman sa pagmamayabang pero may hitsura naman ako. Kamukha ko kasi si Mama. Si Mama na dating Ms. Photogenic ng Sta. Rosa Laguna at naging Gng. Mutya ng Makati. Hindi ko man nakuha ang kulay ni Mama sapagkat tisay si Mama, makinis pa rin naman ako at kayumanggi ang kulay ng balat ko. Nagkataon lang na nagkaroon ako ng mga gasgas sa braso pero maghihilom din naman ang mga ito.
Matangkad-tangkad ako sapagkat 5'6 ang taas ko. Medyo balingkinitan ang pangangatawan ko kaya madali talagang tumilapon kapag may malakas na puwersang sumagi sa akin. At dahil kamukha ko si Mama kaya bilugan ang mga mata ko at mapilik. Kahugis ko mukha ni Papa, medyo mabilog at matambok ang pisngi ko. Baka kasi magtampo si Papa kapag hindi ko man lang sinabi kung ano ang minana ko sa kanya.
Chocolate Brown ang kulay ng mga mata ko. Matangos ang ilong ko at may bahagyang biloy ako sa kaliwang pisngi. Mahaba ang buhok ko na kulay Brown. Lagpas balikat ang haba ng buhok ko at may kaunti akong mga Baby Bangs.
Naku tama na nga. Baka mabasag na ang salamin na nasa harapan ko. Ready na ako! Fight!
"Bye Mama!"
"Bye! Mag-ingat ka na hah! Baka masundan na naman iyan nangyari sa iyo kagaya noon isang araw. Ako na talaga ang pipigil sa iyo na lumabas ng bahay," tugon ni Mama habang nasa harapan kami ng gate ng bahay.
"Opo! Mag-iingat na po!" sagot ko na lang kay Mama.
"Goodluck!"
«»«»«»«»«»
Wow! Ang lawak pala nang sakop ng kumpanyang ito.
Nasa harapan ako ng Main Building. Ang napakalaking singnage ay nakalagay sa harapan nang unang palapag ng building at may nakaimprentang pangalan dito at ito ay pangalan ng kumpanya, ang Feliza Joshefa Ayala Jewelry Line Corporation.
Sa may bandang kaliwa ng building ay mayroon pang dalawang building na magkaiba ang nakalagay na signage. Sa kanan bahagi naman ay may isang tila maliit na Jewelry Shop ang nakatayo.
Patungo ako ngayon sa unang palapag ng Main building para magtanong kung saan ako puwedeng magpasa ng requirements.
"Ahm! Good Morning Sir! Maaari po ba akong magtanong?" Nakangiting bungad na bati ko sa security guard na nakatindig malapit sa harapan ng unang palapag.
"Ahh! Opo! Ano po iyon Ma'am?" sagot sa akin ng security guard.
"Magtatanong lang po sana ako kung saan puwedeng magpasa ng mga requirements o resume? Mag-aapply po ako ngayon dito sa kumpanyang ito."
"Ahh, Ganoon po ba! Sige, samahan ko na lang po kayo magtungo sa HR Department. Doon po nagpupunta kapag may mga applikanteng mag-aapply ng trabaho sa kumpanyang ito." Muling tugon ng security guard na kausap ko at naglakad na kami para magtungo sa HR Department.
«»«»«»«»«»
"Good Morning mga Binibini!"
"O, Manong Jacobo! Napadaan ka. At si--" saad ng isang babae na may katangkaran ng lumapit ito sa amin. Nakatingin din siya sa akin.
"May mag-aapply. Si Sir Santi po ba nandiyan?" tanong ng security guard na si Mang Jacobo sa babaeng nasa harapan namin.
"Oo, nandiyan siya! Magpunta na lang kayo sa loob ng office niya," sagot nang babae sa amin sabay alis namin sa kinatatayuan namin at nagdiretso sa opisina nang sinasabi ng babae na opisina ni Sir Santi.
"O, heto Ma'am nandito na po tayo sa harapan ng opisina ni Sir Santi. Sandali lang po!"
Tumango na lang ako bilang tugon.
"Sir Santi! Sir Santi!"
"Bukas iyan! Pasok!" Rinig kong sabi ng taong nasa loob ng opisina. Nabasa ko rin sa harapan ng pinto ang maliit na singnage na HR Manager Office.
"Good Morning po Sir Santi!"
"Good Morning din po, Manong Jacobo! Ano pong kailangan?" Muling saad ng lalaking nagngangalang Santi. Bahagya lang ako sumilip sa siwang ng pinto sapagkat nakakaramdam na naman ako ng kaba. Kumakabog ang puso ko habang pinapakinggan ang nangyayaring paguusap ng dalawang lalaki sa loob ng opisina.
"Ahh! May bago pong aplikante," sagot ni Manong Jacobo.
"Ganoon ba! Sige, papasukin mo na siya."
"Ma'am, pasok ka na po," saad ni Manong Jacobo sa akin.
"Sige po! Salamat po sa inyo."
"Walang anuman! Sige, mauna na ako at magbabalik na ako sa puwesto ko."
«»«»«»«»«»
"Good Morning po!" Nakangiting bati ko sa lalaking nasa harapan ko. Nakaupo siya sa isang swivel chair habang tila may tinitipa sa keyboard ng PC. Nakatutok din ang mga tingin nito sa screen ng PC.
"Name!"
"Po---po!"
"Hello! Alam mo naman siguro ang pangalan mo?" sagot sa akin ng lalaking nasa harapan ko at tila umirap pa ang mga mata nito.
"Ayy! Opo! Monica Catapang po," sagot ko pero tila may bumabara sa lalamunan ko. Napapalunok ako ng laway sa sobrang nerbiyos.
"Job Position you want to apply?"
"Personal Assistant po. Ito po pala iyon resume at mga required documents ko," saad ko habang iniaabot ang mga documents na hawak ko.
"Pakipatong na lang diyan," sagot sa akin ni Sir Santi habang iminumustra na ipatong ko sa ibabaw ng computer table ang mga documents.
"Hmm! Complete ka naman sa mga requirements. Qualified ka naman kung pagbabasehan ko ang Educational Background mo. Pero iyon work experience, I don't think na sapat na iyon naging intern ka bilang School Administrative Assistant noon College days mo. So para masigurado namin na ma-qualified ka as Personal Assistant, dadaan ka muna sa mga trainings na ibibigay namin sa iyo." Mahaba-habang paliwanag ni Sir Santi pero dahil sa kabang nararamdaman ko, hindi kaagad rumirehistro sa utak ko ang sinasabi niya.
"Anyway, there's a chance na ma-hired ka pero it doesn't mean na magiging kampante ka na dapat. We're still hiring or looking for more possible applicants na maging qualified as Personal Assistant."
"Siya nga pala, do you recieved any recommendations from any of the staff or workers here in our company?"
"Po--po? Wa-wala po!"
"Ang totoo po, ito iyon first time kong mag-apply," sagot ko kay Sir Santi. Para akong mapipipi kapag kaharap na si Sir Santi.
"Oh! Really, so wala ka pa talagang experience sa mga ganitong trabaho. Well, atleast you chose to be honest about your work experience. Let's see what will happen to you. You'll be hired depends on your performance for all the trainings that will be given to you, so if I were you, give your best and make us especially the boss to trust you."
"Before we proceed, what's your name again?" muling tanong sa akin ni Sir Santi.
"Monica Catapang po!"