Chereads / A Love To Last (DWEIYAH series #1) / Chapter 27 - CHAPTER 26

Chapter 27 - CHAPTER 26

Shit.

Wala na! Sinabi na ni Julia ang lahat kaya naman hindi na ako magugulat sa reaksyon ni Macy ngayon.

Hindi makapaniwala ang mukha niya ngayon sa nalaman.

Shit.

Natatakot ako sa mga susunod na mangyayari.

"Trying hard ka naman maging comedian, Julia." sabi ni Macy na halatang ayaw pa din paniwalaan ang sinabi ni Julia.

"Hindi naman kita pinipilit na maniwala sa akin, Macy. Kung gusto mong maging tanga habambuhay, edi go. Tangahan mo pa lalo ah?"

"Julia, tama na—" pagpigil ko kay Julia kaya lang ayaw niya talaga paawat.

"Kung ayaw mo man maniwala sa akin, bakit hindi si Dylan ang tanungin mo hindi ba?"

Agad namang napalingon si Macy kay Dylan na kanina pa nananahimik.

"Totoo ba ang sinasabi niya? Nililigawan mo ang kapatid ko? Totoo ba, Dion?!"

"Totoo ang sinasabi—" hindi na natapos sa sasabihin si Dylan nang sampalin siya ni Macy.

"Bruha ka! Anong karapatan mong sampalin ang kapatid ko ha?! Alam mo sa totoo lang, ikaw dapat ang masampal ng isang libong beses eh. Tara nga dito." giit ni Julia saka lumapit kay Macy at pinagsasampal ito.

Eto na naman siya!

Agad kaming lumapit ni Eli kay Julia para mapigilan siya.

"Kulang pa 'yang sampal na inabot mo sa akin dahil sa totoo lang, hindi ako makukuntento na mamaga 'yang pagmumukha mo ha! Dapat dyan sinusunog!

Ang kapal ng mukha mo! Hoy gaga! Wala kang karapatan na magalit kay Dylan kasi nililigawan niya si Magi! HINDI KA GIRL FRIEND NG KAPATID KO KAYA WAG KANG MAG-INARTE DYAN NA AKALA MO PINAGTAKSILAN KA KASI NAKAKALIMUTAN MO NA BA? IKAW YUNG NAGLOKO!

Hay nako! Kung ako sayo, ipagawa mo na 'yang utak mo. Malala na ang sira!"

"Pasalamat ka talaga at hindi ako makaganti sayo dahil nandito ako sa bahay niyo pero eto sinasabi ko sayo, may araw ka sa akin, Julia." pagbabanta ni Macy saka tumingin sa gawi ko. "At ikaw Magi, pagsisisihan mo ang ginawa mo. Hinding-hindi ka magiging masaya, sinusumpa ko 'yan! Kahit kapatid kita, hindi ko palalampasin ang pang-aagaw mo sa akin kay Dion! Tandaan mo 'yan!"

Habang pinagmamasdan ko ang mukha niyang umiiyak ay hindi ko maiwasan na maiyak din. Kapatid ko siya at nahahawa ako sa sakit na nararamdaman niya.

Hindi ko kaya 'to.

"Patawarin mo ko, Macy. Hindi ko ginusto—"

"Hindi ginusto?! Hindi mo sinasadyang lumandi kay Dion, huh?!" aniya saka lumapit sa akin at sinabunutan ako. "MALANDI KA, MAGI! MALANDI KA! ALAM NA ALAM MO KUNG GAANO KAHALAGA SA AKIN SI DION KAYA PAANO MO YAN NAGAWA HA?! WALA KA NA BANG PUSO?!"

Hinayaan ko lang siya na sabunutan ako at tiniis ko nalang ang sakit ng pagsabunot niya sa akin.

Agad din naman siyang inilayo sa akin ni Dylan.

"TANDAAN MO 'TO, MAGI! SIMULA NGAYON, HINDING-HINDI NA KITA ITUTURING NA KAPATID! HINDING-HINDI KITA MAPAPATAWAD SA GINAWA MO AT SISUGURADUHIN KONG PAGSISISIHAN MONG LAHAT 'TO! TANDAAN MO YAN!"

Pagkasabi niya nun ay nagmamadali siyang umalis ng bahay nina Julia.

Nanghihina akong napaupo sa sahig at doon humagulgol.

Sobrang sakit ng idinulot ng araw na 'to sa akin. Bakit ganun?

"Patawarin mo ko." paulit-ulit kong bulong sa sarili.

"Ano ka ba, Magi? Wala kang kasalanan sa nangyari, okay? Kaya hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo! Hindi ka na nasanay dun sa kapatid kong napakakitid ng utak! Hayaan mo siyang mag-emote! Mamatay sana siya sa sama ng loob!"

"Watch your words, Julia." sabi naman ni Eli sa kaniya.

"Anong mali sa sinabi ko, Eli? Dapat lang sa kaniya mamatay! Isa siyang polusyon sa hangin! Napakakitid ng utak! Hindi marunong umintindi!

Si Magi pa yung may kasalanan? Si Magi pa yung natawag na malandi eh kasalanan ba ni Dylan na mas maganda ang ugali ni Magi kaysa diyan sa kapatid niyang bobo na nga, masama pa ang ugali!"

Kung maka rant naman 'tong si Julia, parang siya yung sobrang nasasaktan ngayon eh.

Hay nako, damang-dama.

Kita ko namang lumapit sa akin si Dylan at naupo sa harap ko.

"Wag mong isipin na may kasalanan ka sa mga nangyayari, Magi. Wag kang magpaapekto sa mga sinasabi niya dahil alam mong hindi naman yun ang totoo, okay?

Hindi mo kasalanang ikaw ang babaeng nagustuhan ko. Ikaw ang babaeng niligawan ko. Ikaw ang babaeng gusto kong makasama for a lifetime.

Wala kang kasalanan, Magi. Kaya please lang, wag ka ng umiyak. Hindi kita kayang pagmasdan na umiiyak nang ganito." aniya saka pinunasan ang pisngi ko gamit ang mga daliri niya.

Patawad.

Lumayo ako sa kaniya at tumayo.

"Salamat sa lahat ng tulong niyo. Salamat, Julia at Dylan, dahil pinatuloy niyo ako dito pero siguro hindi ko na kayang magstay pa dito sa kabila ng nangyari. Patawad pero kailangan ko ng umalis."

Palakad na ako papasok sa bahay para kunin ang mga gamit ko nang magsalita si Dylan.

"Sa tingin mo ba hahayaan kitang umalis dito sa bahay? Sorry, Magi. Pero hindi ka makakaalis ng bahay na 'to na walang permiso ko.

Pinayagan ka naming tumuloy dito kaya kung aalis ka, bakit ang lakas ng loob mo na isiping papayagan ka namin? Delikado sa labas, Magi. Saan ka tutuloy niyan? Sige nga?"

"Pwede sa amin si Magi—"

"Hindi. Dito lang si Magi. Walang aalis sa bahay na 'to." sabi ni Dylan at seryoso talaga siya sa pagkakasabi nun.

"Tama si Dylan.. Hindi naman pwedeng hayaan ka nalang namin na sa lansangan matulog. Buti sana kung uuwi ka na sa inyo kaya lang for sure, hindi ka pa napapatawad ng mommy kaya wala kang choice kung hindi ang magstay dito.

Wag mong isiping dahilan si Macy para umalis dito, dahil ang mga kagaya naman niya eh hindi na dapat pang pinoproblema. Maiintindihan niya din ang lahat pero sigurado akong matatagalan pa. Sa bagal ba naman ng takbo ng utak non eh, nahiya PLDT sa sobrang bagal ng loading ng utak."

"Kung ayaw mo dito, Magi eh pwede ka naman sa amin—"

"Gusto mo ipukpok ko sa ulo mo 'yang gitara mo?!" galit na sabi naman ni Julia kay Eli.

Natawa ako.

Okay, hindi na nga lang ako aalis. Kasi ayaw nila eh, mukhang mahal na mahal ako.

At isa pa, ngayon ko lang naranasan 'to sa buong buhay ko.

Na may mga tao palang nag-aalala sa akin. Sa magiging kalagayan ko. Sa kaligtasan ko.

Salamat dahil sa kanila ko unang naramdaman yung gantong pag-aalala na hindi ko man lang naramdaman sa sarili kong ina.

Bigla ko tuloy namiss si daddy. Mas close kasi siya sa akin kaysa kay Macy. Siya lang ang laging nakakaintindi sa akin. Siya lang ang laging nag-aalala sa akin at nagmamahal.

Kaya lang nagbago kasi yun dahil nga nabusy na siya sa trabaho pero kahit ganun, naiintindihan ko naman siya. Pero sa mga oras na ganto, hindi ko talaga maiwasang mamiss ang daddy ko. Dahil sa kaniya lang ako komportableng umiyak.

Hayy.

-

Pinilit kong pumasok ngayong araw na para bang normal lang 'to sa akin. Kunwari wala akong pinagdaanang problema kahapon. Basta masaya lang ako kahit peke naman ang ngiti sa labi ko.

"Oh Magi? Bakit ganyan ang mukha mo?" sabi ni Harris na nadaanan ko pang kakalabas lang ng Admin office.

Ano bang problema sa mukha ko?

"Halata masyadong napuyat ka kagabi sa kakaiyak." pagpapatuloy niya pa.

Shit.

Nahalata niya?

"Kung anuman 'yang problema mo, alam ko ang solusyon diyan." sabi niya pa.

"Ano?"

"Edi formula! Naturingan kang math major tapos hindi mo alam! Naku Magi, napaghahalataang umaasa ka lang din sa kopya ha?" aniya habang natatawa.

Bwiset talaga.

"Ang ibig ko lang sabihin, kumbaga sa mga sinosolve na rational expression, problem solving, at kung ano-ano pa sa math, kagaya n'yang problema mo eh alam kong may formula para masolve 'yan.

Sa tingin ko alam ko ang formula para diyan sa problema mo.. At ito ay; A+A=H. "

"Huh?"

"Where A = is analyze your problem. Kumbaga kailangan intindihin mo muna yung problema para maayos mong masolusyunan.

A = is advice yourself. Minsan kasi kailangan sa atin mismo manggaling yung advice na makakatulong sa atin na masolusyunan yung problema. Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mong umasa sa advices ng iba. Matuto ka namang bigyan ng advice ang sarili mo dahil problema mo 'yan eh, sayo nag-ugat ang problemang 'yan kaya sayo din 'yan mamumunga.

H = is happy living. Kapag na analyze mo na at nabigyan mo na ng advice ang sarili mo, syempre makakahinga ka na ng maluwag. Babalik na ulit yung dati mong sigla kasi yung malaking bato na nakaharang sa lalamunan mo ay tuluyan nang inagos.

Wag na wag mong kakalimutan 'yang formula na 'yan, basta kapag lagi kang may problema, isipin mo lang 'yan at sigurado ako bukas nakangiti na kitang makakasalubong."

Nginitian ko naman siya saka tumango. Pagkatapos din nun ay nagpaalam na siya para pumasok sa room nila.

Akalain mo, kahit pala may kayabangan yun si Harris eh maaasahan siya sa mga ganito.. Mukhang magagamit ko nga talaga ng husto yung formula na binigay niya.

Pagdating ko sa room ay saktong wala pa ang prof namin sa oras na 'to. Maaga pa din naman kasi ako ng 30 minutes.

Though sa iisang bahay lang kami nakatira nina Julia at Dylan eh hindi kami nagkakasabay pumasok.

Nauna kasi silang nagising sa akin kaya hindi na nila ko hinintay pa at nauna na silang magkapatid na pumasok habang ako eh eto at kadadating lang.

Hindi na nga sana ako magpapahatid sa driver nina Julia pero eto namang si tita Ellen eh sinabay pa ako sa kotse niya at idinaan ako dito since same direction naman ang papunta sa office niya.

Ang bait kasi talaga ng mommy nila eh. Sana dun din nagmana sina Julia at Dylan noh?

"Kakukwento lang sa akin ni Julia ng nangyari kahapon sa bahay nila. Kamusta ka naman, Magi? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang bungad sa akin ni Delancy pagkaupong-pagkaupo ko sa upuan ko.

Tignan mo 'to si Julia, mas mabilis pa kay the Flash magbalita kay Delancy eh.

"Ikaw kaya masabunutan ng isang bruhang matulis ang kuko?! Magiging ayos ka ba nun ha?" inis na sabi naman ni Julia kay Delancy.

"Kaya nga nagtatanong diba? Ikaw pa isang hindi nag-iisip eh! Wag ka ngang makisali! Hindi ka naman kausap!"

"Baka gusto mong sabunutan din kita ng isa dyan ha? Sabihin mo lang kung gusto mo magpakalbo ha? Sa akin nalang, libre lang 'to medyo masakit nga lang sa anit."

"Naliligaw ka na naman. Bahala ka nga dyan, Julia." sabi ni Delancy at humarap muli sa akin. "Sayang wala ako dun kahapon. Edi sana nakatikim din ng isang Delancy-fuck (Delancy Sapak) 'yang kapatid mong ma attitude!"

Isa pa pala 'tong war freak.

"Hindi niyo kailangang mag-aalala sa akin, okay? Ayos lang ako, ayos na ayos." paninuguro ko dun sa dalawa.

"Assuming ka, Magi. Si Delancy lang ang nag-aalala sayo, hindi ako. Duh?" maarteng sabi naman ni Julia.

Sapakin ko kaya 'to?

"Pinagtutulungan niyo na naman ba 'yang si Magi ha?" singit naman ni Dylan na kasalukuyang nakaupo sa upuan niya.

"Pake mo naman kung inaapi namin 'tong si—"

"Kung ayaw mong pumanaw nang maaga, manahimik ka dyan, Julia." sabi naman ni Dylan.

Bwiset.

"Ano bang pinuputok ng butche mo?!" inis kong sabi kay Dylan.

Umagang-umaga ha?!

"Pinagtatanggol lang kita, asawa ko—"

"Nagpapatawa ka ba? Superhero ka? Isa ka pang assuming eh."

"Sa lahat ng babaeng pinagtanggol ko, ikaw lang ang bukod tangi na minasama yun. Hindi talaga ako naniniwalang may puso ka pa eh!"

"Wala akong pake kung ilang babae na ang nasabihan mo ng ganyan at hindi ko din kailangan ng tulong mo kasi at the first place, hindi ko naman hiningi! Kaya pwede bang itikom mo 'yang bibig mo dahil umagang-umaga eh bumabaho dito sa loob ng classroom!"

"Bakit naman sa akin mo sinisisi kung bakit bumabaho dito sa classroom eh sa ating dalawa ikaw 'tong may pinakamadaming sinasabi eh!"

"So parang sinasabi mo na mabaho ang hininga ko? Ganun ba, Dylan?!"

"Hindi naman, asawa ko—"

"Mano bang itigil-tigil mo 'yang pagtawag sa akin ng 'asawa ko' dahil naririndi ako! Nakakakilabot kaya tigilan mo 'yan!"

"Anong masama sa pagtawag ko sayo ng 'asawa ko' eh asawa naman kita ha?! Nakalimutan mo ba na nag I do ka na sa akin kaya wala ka ng karapatan na bawiin yun!"

"PEKE LANG YUN! PEKE!"

"PWES SA AKIN TINURING KO YUN NA TOTOO. YUNG I DO KO NA YUN EH TOTOO AT GALING SA PUSO KAYA PARA SA AKIN AY TOTOO YUN!"

"Kinasal sila?"

"Saan at paano?"

"Bakit hindi natin alam noh?"

"Big revelation na naman 'to ah?"

Hindi na ako nakapagsalita nang marinig ang bulung-bulungan ng mga kaklase ko.

Oh shit.

Hindi ko namalayan na nandito pala kami ngayon sa classroom at talagang dito pa kami nag-away.

Nakakainis.

"Ano, Magi—"

"Manahimik ka!" pagpigil ko sa kaniya at kunwaring itinuon nalang ang pansin ko sa cellphone.

Bakit ba kasi ang hirap iwasan na awayin 'tong si Dylan eh!

Kaya lang medyo naninibago ako na hindi yata dumamoves sa akin ngayong araw si Eli?

Titigil na ba siyang manligaw sa akin? Kaya lang imposible naman yata yun, kasi si Eli yung tipo ng tao na hindi basta-basta sumusuko.

Siguro may hinahanda 'tong bagong pakulo?

Hayyyysss!

Bahala siya sa buhay niya!

Nagfocus nalang ako sa klase ngayong araw at ang subject namin ay MMW. Hindi naman gaano kabilis magturo si sir kaya naman nasusundan ko kahit papaano yung itinuturo niya.

Kaya lang hindi ako gaanong makapagfocus sa kaniya kasi naiihi na ako kaya naman tumayo ako sa upuan ko at walang pasabi na lumabas.

Hindi naman na kasi uso sa college na magpaalam  pa bago umihi eh. Pang grade school at high school lang kasi yun.

Hindi naman gaano kalayo ang cr sa room namin kaya nakarating ako agad dito at nakaihi.

Pagkalabas ko ng cubicle at papunta sa may sink para maghugas ng kamay ay nakita ko dun si Macy.

May hawak siyang bilog na basahan habang ipinampupunas ito dun sa suot niyang sapatos.

Hindi ko nalang sana siya papansinin pero bigla siyang nagsalita.

"Grabe naman 'tong sapatos ko.. Kahit anong gawin kong linis eh dudumi at dudumi din pala.

Kung sa bagay, hangga't may polusyon at alikabok sa mundo eh talagang hindi mapapanatili ang kalinisan ng isang bagay, diba Magi?" aniya saka umayos sa pagkakatayo.

"Para kang sapatos ko sa totoo lang, pinipilit maging malinis gamit ang tubig at basahan pero dahil sa alikabok ay nananatili kang mukhang marumi.

Teka, punasan nga kita." dagdag pa niya at lumapit sa akin at ipinunas sa mukha ko yung basahan na kanina ay pinupunas niya sa sapatos niya.

Nagpipilit akong lumayo sa kaniya pero matigas siya at pilit niyang pinapakagat sa akin yung maduming basahan.

Hindi ko na napigilan at napaiyak na lang ako sa ginagawa niya sa akin.

"Bakit ka umiiyak kapatid ko? Sa tingin mo ba ay mayroong tutulong sayo dito? Sa tingin mo ba maririnig ka ng mga walang kwenta mong kaibigan? Wag ka ng umasa dahil walang tutulong sa—" naputol sa sinasabi si Macy at sa kasalukuyan niyang pagpapakagat sa akin dun sa basahan nang may isang lalaking pilit siyang inilalayo sa akin.

Si Eli..

"Kung hindi ka aalis dito, sisiguraduhin kong sa guidance office ang bagsak mo." walang emosyong sabi ni Eli kay Macy.

"WAG KANG MAKIALAM DITO! HINDI KA KASALI SA AWAY NAMIN NG KAPATID KO KAYA UMALIS KA NA!" galit na sabi ni Macy saka pilit hinahawi si Eli na nakatakip sa akin ngayon.

"Tumigil ka na!" sabi naman ni Eli at itinulak nang malakas si Macy dahilan para mapaupo si Macy sa basang sahig ng cr.

"PAGSISISIHAN NIYONG LAHAT 'TO! LAHAT KAYO, YARI KAYO SA AKIN! TANDAAN NIYO YAN!" sabi niya saka tumayo at hinarap ako. "AT IKAW MAGI, HINDI LANG BASAHAN ANG IPAPAKAIN KO SAYO SA SUSUNOD. KAYA SINASABI KO SAYO, MAGHANDA KA! AT SISIGURADUHIN KO DIN NA HINDING-HINDI KA NA MAKAKAUWI SA BAHAY SIMULA NGAYON! HINDING-HINDI MO NA MARARANASANG MAHALIN KA NI MOMMY DAHIL SINISIGURADO KO NA HINDING-HINDI YUN MANGYAYARI!

ANO NAMAN KUNG NASAYO NA SI DYLAN? EH NASA AKIN NAMAN SI MOMMY. NASA PANIG KO SIYA AT MAHAL NA MAHAL NA MAHAL AKO. ANO BA YAN MAGI? MUKHANG HABAMBUHAY KA NALANG MAMAMALIMOS NG PAGMAMAHAL NIYA NA KAHIT KAILAN HINDI MO MARARAMDAMAN!

LALAKI LANG YAN SI DYLAN, MARAMI PANG IBA DYAN. PERO SI MOMMY, HINDI SIYA MAPAPALITAN KAYA IKAW, MAMATAY KA SA INGGIT SA AKIN. HANGGANG SA DULO, TALUNAN KA PA DIN, MARGARET."

Pagkasabi niya nun ay umalis na siya ng cr habang ako, eto, umiiyak na naman. Hindi ko na naman mapigilang umiyak dahil sa sinabi niya.

Hindi ko maiwasang maapektuhan at masaktan sa sinabi niya. Inungkat niya na naman yung kay mommy at natatakot ako na baka magkatotoo yung sinasabi niya.

Nakakainis!

Umaasa pa naman ako na magkakaayos pa kami ni mommy pero mukhang imposible na yun mangyari dahil kay Macy.

"Maghilamos ka, Magi." sabi sa akin ni Eli saka inabot sa akin yung sabon.

Mukha namang malinis kaya ginamit ko na itong panghilamos.

"Talagang iba pala magalit si Macy. Napakalayo niya sa Macy na nakilala ko noon. Hindi na siya yung babaeng nagustuhan ko noon." sabi ni Eli sa kalagitnaan ng paghihilamos ko.

Totoo naman ang sinasabi niya. Malaki na talaga ang pinagbago ng kapatid ko. Maski ako, hindi ko na din siya halos kilala eh.

Nang matapos makapaghilamos ay agad niyang inabot sa akin ang bimpo niya at pinagamit niya yun sa akin pampunas sa basa kong mukha.

Buti nalang at nandito si Eli.

"Lahat ng tao ay nagbabago. Pero si Macy, she changed for the worst. Hindi ko din alam kung bakit siya nagkaganyan eh."

"Binago siya ng pagmamahal. Malamang dahil 'to sa nangyari sa aming tatlo. Pero ayoko ng alalahanin ulit yun, baka mas lalo lang masira ang araw mo." natatawa niyang sabi.

Pagkatapos non ay sabay na kaming bumalik sa room at nadatnang may short activity pala kami.

No choice.

Dating gawi, kokopya nalang ako kina Julia at Delancy since hindi din naman ako nakinig ng maayos kay sir.

Basta wag papahuli.

Mayamaya lang din ay natapos na ang short activity namin at pinauwi na din kami ng prof namin since Saturday ngayon at isang subject lang ang papasukan namin.

Naiwan kami dito ni Delancy sa classroom kasi si Julia nagpapahintay.. Sabay na daw kami umuwi since sa bahay naman nila ako tumutuloy diba?

May nakalimutan lang daw kasing iprint si Julia kaya pumunta muna siyang com lab.

Ilang sandaling katahimikan ang bumalot nang basagin ito ni Warren nang pumasok siya dito sa room namin..

Luh?

Bakit kaya 'to nandito?

"Kayo lang dito?" salubong na tanong niya at naupo siya kaharap kami ni Delancy.

Ay ops.

Crush nga pala ni Delancy 'to si Warren! Maasar nga?

"Oo eh. Iwan ko kaya muna kayo ni Delancy para—" naputol ako sa sasabihin nang takpan ni Delancy ang bibig ko.

Pft.

"Wag ka maingay." inis niyang bulong.

"Ano yun, Magi?" tanong naman ni Warren.

"Sabi ni Magi, bakit ka daw nandito?"

Aysus.

Wala naman akong sinasabing ganun eh! Imbento 'tong si Delancy ha!

"Gusto ko lang lumagay sa tahimik." seryosong sabi niya.

"Hala? Gusto mo ng mamatay, Warren?" gulat na tanong ko.

Grabe naman kasi yung pagkakasabi niya eh. Sorry na!

"Minsan na nga lang ako maging seryoso, Magi.. Tapos babasagin mo pa? Kutusan kaya kita gamit martilyo noh?"

Inis na siya nyan?

"Masisisi mo ba ako? Eh parang sa sinabi mo eh gusto mo na nga mamatay."

"Ikaw na nga lang kakausapin ko, Delancy.. At baka tuluyan ko nang masapak sa mukha 'tong kaibigan mo."

Kita ko namang namula ang pisngi ni Delancy sa sinabi ni Warren.

Aysus.

Cute namang kiligin nitong babaeng 'to!

"K-kayo n-na lang ni M-Magi mag-usap. May ginagawa kasi ako—"

"Ang gara ni Delancy noh? Ayaw ka yatang kausap, Warren. Payag ka non?" pang-aasar ko pa.

Kita ko namang sinamaan pa ako ni Delancy ng tingin.

Pft.

Hindi niya ako kayang windangin ng titig niya noh!

"Bakit naman, Delancy? Sa gwapo kong 'to? Ayaw mo ako kausap? Hindi ka yata babae eh kaya tinatanggihan mo ako."

"Babae ako noh!"

"Bakit ayaw mo ako kausap? Naiilang ka ba sa akin? Nako Delancy, wag ka mailang. Ako lang 'to, si Warren. Hindi mo kailangan mataranta. O baka naman first time mo na kausapin ka ng isang gwapo?"

Leche talaga kahanginan nitong si Warren eh no? Magkapatid talaga sila ni Harris, jusmiyo!

Pinaglihi siguro sila sa hangin? HAHAHAHAHAHAHA ginamitan eka ng brilyante ni Amihan.

"Mayabang ka talaga!" inis na sabi naman ni Delancy at tinawanan naman siya ni Warren.

Shit.

Ang cute nilang pagmasdan.

Bagay na bagay talaga 'tong dalawang 'to! Sana talaga mapilit na namin ni Julia itong si Delancy na umamin na kay Warren eh.

"Honest lang ako, Delancy. Ako naman kasi talaga ang pinakagwapo sa DWEIYAH eh. At 'yang mga kaibigan ko? Sa akin nila namana 'yang kagwapuhan nila kaya dapat magpasalamat sila sa akin!"

Kita ko namang palihim na natawa si Delancy.

Aysus ang gaga, may kireng tinatago.

"Hay nako, Warren. Wala kang mahuhuthot dyan kay Delancy. Hindi yan nanlilibre kaya tigilan mo na 'yan." natatawang sabi ko.

Mukha kasing alam ko na ang pakay niya eh. Mukhang naghahanap na naman siya ng manlilibre sa kaniya sa Jollibee.

"Hindi na ako magugulat na alam mo yan, Magi. Halata kasing gawain mo din eh." natatawa niyang sabi. "Ganto nalang.. " aniya saka inilabas ang cellphone.. "1 v 1 kami ni Delancy at ang matatalo sa amin, idedare mo Magi.. Ayos?"

Medyo nagtampo pa ako kasi bakit hindi ako kasali sa kanila pero okay na din yun kasi hindi din naman ako gaanong marunong magml kaya inoohan ko nalang si Warren.

"Nako, Delancy! Galingan mo." bulong ko kay Delancy.

Magaling naman magml si Delancy kaya lang ewan ko nalang kapag crush niya na ang kalaban niya.

Kaya daw pala nag-aya si Warren na makipag 1 v 1 kay Delancy eh para daw practice na din daw kasi sila daw ni Yuwi ang panlaban sa ML Tournament na mangyayari na sa monday!

Shocks. Ambilis naman!

At ayun nga, nagstart na. Gamit na hero ni Delancy ay Claude at si Bruno naman ang gamit ni Warren.

Okay, pareho silang marksman. Goodluck nalang sa dalawang 'to kung sinuman sa kanila ang mananalo.

Actually okay lang sa akin kung sino man sa kanila ang mananalo dahil yung nakahanda kong dare ay pareho silang makikinabang.

Impernes kay Delancy na siya ang unang nakapoints, ibig sabihin, napatay niya si Warren.

Mm user yata 'to si Delancy eh at mukhang gamay niya si Claude kaya naman itong si Warren eh nagpupush nalang kasi hindi siya makaporma kay Delancy.

Sa tuwing nagpupush naman si Warren eh hinahunting siya ni Delancy sa may damuhan at dun kocombo-hin.

Putek.

Ang kati talaga ng hero na si Claude eh noh? Saglit lang patay na agad si Warren kaya naman nakapagpush na si Delancy at may Lord pang kasama kaya si Delancy ang nanalo.

Pft.

"Puro ka lang pala yabang, Warren." natatawa kong sabi kay Warren.

"Chamba yun, chamba." sabi niya. "Anong dare? Madali lang ah?"

"Madali lang talaga." nakangisi kong sabi. "Idate mo ngayon si Delancy sa Jollibee at syempre ililibre mo noh! Wag kang kuripot! Kakain kayo sa Jollibee ha at hindi mamamalimos!"

"Magi? Bakit kasama ako—"

"Kinukwestyon mo ba yung nagpadare? Bahala ka Delancy, baka mamaya baligtarin ko ang dare at ikaw ang mapagastos, sige ka!"

Sinamaan niya lang ako ng tingin.

"NGAYON KO SINABI HA KAYA GO! LUMAYAS NA KAYO!" pagtataboy ko dun sa dalawa at itinulak sila palabas ng classroom.

Pft.

Ang cute talaga nila.

Itong si Delancy ay ilang na ilang kay Warren habang si Warren naman ay todo daldal kay Delancy.

Hindi ko tuloy maimagine kung anong mangyayari sa Jollibee date nilang dalawa.

Para tuloy gusto ko sila sundan?

At ayun nga, palihim ko silang sinundan kaya lang nang mapadaan ako sa may veranda ay nakita ko dun si Macy at Dylan..

Kaya imbes na bumaba ay nagtago ako sa pader at palihim na sinilip sina Macy at Dylan.

Bakit sila magkasama?

Akala ko galit si Dylan kay Macy kaya bakit magkausap silang dalawa?

"You know how much I love you, Dion. Hindi ko kayang mawala ka! Please, bumalik na tayo sa dati." nagmamakaawang sabi ni Macy saka niyakap si Dylan.

"Macy—"

"Alam kong mahal mo pa ako, Dion. Alam ko yun at nararamdaman ko. I'm willing to wait. Naniniwala ako na sa dulo, sa akin ka pa din babalik." pagpapatuloy ni Macy saka bumitaw sa pagkakayakap at humarap kay Dylan..

"I love you, Dion." sabi niya pa at kita kong tumingkayad pa siya para mahalikan sa labi si Dylan pero umiwas si Dylan kaya sa pisngi niya lang ito nahalikan.

Pero kahit na.

Nasaktan ako sa nakita ko.

Tumalikod na ako at balak bumalik sa classroom nang may mabangga ako.

"Eli?"

Hindi niya ako sinagot bagkus niyakap niya lang ako at kinulong sa kaniyang mga bisig.

"Eli, aalis—"

"Hindi ako manhid, Magi. Alam kong nasasaktan ka ngayon at hindi lang yun dahil kay Macy kundi dahil din kay Dylan..

Alam ko Magi, sinasabi ng mga mata mo na si Dylan na ang nagwagi sa kompetisyon na ito." aniya saka bumitaw sa pagkakayakap sa akin at saka ako hinarap. "Kitang-kita ko sa mga mata mo na si Dylan ang gusto mo, diba? Wag mo ng lokohin ang sarili mo, Magi. Dahil tanggap ko naman kung hindi talaga ako ang gusto mo..

Pero lagi mong tatandaan, Magi. Sa oras na saktan ka ni Dylan, hinding-hindi ako magdadalawang-isip na bawiin ka sa kaniya."