Naglalakad ako ngayon dito sa may gilid ng kalsada palabas ng aming subdivision.
Hindi na ako nag-abala pang magdala ng payong kasi feel na feel ko magpaulan eh kaso nga lang tiyak yung mga gamit ko eh basa na sa loob ng bag na bitbit ko.
Yung sa maleta naman sigurado ako na hindi pa basa yung loob nun kasi sa plastik ata gawa yung maleta ko kaya hindi mababasa tiyak yung nasa loob..
Nang makarating ako sa kanto ng subdivision ay dun muna ako sa may waiting shed dumiretsyo at naupo.
Siguro dito nalang din ako matulog? Kaso nga lang hindi pwede kasi masisita ako ng tanod nito at baka sa barangay pa ako mapunta.
Hays.
Saan na ako tutuloy nito?
Agad kong kinuha sa loob ng maleta ko yung cellphone ko. Syempre dito ko nilagay 'tong cellphone ko para di mabasa kasi ngayon 'to magkakaroon ng pakinabang.
Nag-open ako ng data connection at nagchat sa gc namin nina Delancy at Julia.
Napahinto ako bigla sa pagtatype.
'Tama bang humingi ako sa kanila ng tulong?'
Nagdadalawang-isip man eh kinapalan ko nalang ang mukha ko na magsabi sa kanila kung saang bahay ako pwede makituloy ngayon.
Walang-wala na akong choice.
Magi Magic Sarap: Guys? Kakapalan ko na mukha ko.. Pinalayas kasi ako sa amin at hindi ko alam kung saan ako ngayon makikituloy. Tulungan niyo ko >;
Agad naman itong na seen ni Delancy.. Mabuti nalang at online siya.
Dylan si: Hala, sorry.. Hindi kita mapapatuloy sa bahay kasi alam mo namang sa bahay namin ngayon nakatira yung pamilya ng dalawa kong kuya kaya wala ka na ding tutulugan dito.. Sorry, Magi.
Anyway, wag nyo na pansinin nickname namin.
Nalungkot naman ako sa sinabi niya. Oo nga pala, nakalimutan ko yung sitwasyon nila sa bahay.
Pa offline na sana ako nang magchat ulit si Delancy.
Dylan si: Natanong mo na ba si @Juleng?
Patype na sana ako ng isasagot nang biglang lumitaw si Julia.
Juleng: Bakit ako namention? May kachat ako oh? Wag kayong bastos na dalawa!
Juleng: Feeling ko forever ko na 'to.
Pft.
Napatawa naman ako ni Julia sa sinabi niya sa kabila nang nararanasan ko ngayon..
Dylan si: Tama muna harot. May problema si @Magi Magic Sarap
Dylan si: Pinalayas daw siya sa kanila kaya hindi niya alam saan siya tutuloy.
Dylan si: Baka pwede sa inyo, @Juleng?
Juleng: Awwwww.
Juleng: Sabihin niyo muna, "Please magandang Julia."
Juleng: Joke lang! Punta ka dito sa amin @Magi Magic Sarap.. Hintayin kita sa gate.
Magi Magic Sarap: Seryoso, okay lang?
Juleng: Bilisan mo bago magbago isip ko!!
Magi Magic Sarap: Otw
Dylan si: Ingat, @Magi Magic Sarap
Hineart react ko nalang ang sinabi ni Delancy at pumara na ako ng masasakyang tricycle..
Hindi ako pwedeng mag taxi ngayon dahil P100 lang ang pera ko.
Hays..
Eto pa pala isang problema.
Sana naman kahit pinalayas ako ni mommy eh bigyan niya pa din ako ng monthly allowance.
Nakasakay na ako sa tricycle at ilang sandali lang din ay nakarating na ako sa tapat ng bahay nina Julia.
Naabutan ko naman siyang nasa gilid ng gate nila at nakatingin sa cellphone.
Baka kausap yung 'forever' daw niya.
Nang mapansin niyang naglalakad ako patungo sa kaniya ay agad siyang lumapit sa akin at pinayungan ako.
"Hindi ka man lang nagdala ng payong?! Ano? Pati payong pinagdamot sayo?!" sabi niya saka kinuha sa akin yung maleta ko. "Tara na muna sa loob, malakas ang ulan."
Pumasok na kami sa loob ng bahay nina Julia.
Para tuloy nanibago ako sa bahay nila kasi huling punta ko dito eh nung mga bata pa kami.
Nakakamiss.
Pagkapasok sa sala nila ay sinalubong ako ng mama niya ng tuwalya at pinunasan ang mukha ko.
- Na never gagawin sa akin ng sarili kong ina.
"Nako po bata ka! Bakit ka naman nagpaulan? Baka magkasakit ka nyan!" sabi pa niya.
Nakakatuwa naman siya mag welcome. Nakakakilig, ewan ko ba.
"Sorry po kung kakapalan ko na ang mukha ko na makituloy po dito sa bahay niyo kasi po wala na din po akong ibang mapuntahan. Wala na din po kasi akong panrenta sa apartment-"
"Okay lang yun, iha. Welcome ka dito anytime. Saka mas mabuti nang dito ka na makituloy kaysa naman mag apartment ka pa. Alam mo naman ang mga issue na nababalita na puro sa apartment may nangyayaring krimen kaya delikado ang mag apartment ngayon."
"Salamat po talaga. Akala ko po kasi hindi niyo ako papatuluyin dito kasi po diba may alitan po kayo ng mommy ko dah-"
"Yung away namin ng mommy mo ay sa pagitan lang naming dalawa yun. Hindi kayo kasali dun, okay?"
Tinanguan ko naman siya bilang sagot.
Napakabait niya.
"Samahan mo na siya Julia sa magiging kwarto niy-"
Naputol sa sasabihin ang mama ni Julia nang may biglang sumingit.
"Ma! Saan mo ba nilagay yung paborito kong-" at si Dylan pala yun.
Pababa siya ng hagdan at patungo dito sa sala nang makita niya ako.
Owshit.
'Ano bang gayak yan, Dylan?'
Paano ba naman kasi! Naka short lang siya samantalang wala siyang damit pantaas habang yung tuwalya ay nakasabit sa leeg niya.
Tapos nagtutoothbrush pa siya habang nagsasalita!
Yung mata ko talaga ay dun sa abs niya napako.
Tangina naman, bigla akong nagcrave sa pandesal.
"Brief." pagpapatuloy niya at saka siya lumapit sa amin.
O sa akin?
"Magi?" sabi pa niya saka para akong ininspeksyon na ewan.
Baliw ba 'to?
Tinampal pa niya ang pisngi niya sa hindi ko malaman na dahilan.
"Akala ko nananaginip lang ako." aniya saka lumapit sa akin at inakbayan ako saka humarap sa mama nila. "Ayan na ma, nakilala mo na din sa wakas yung mamanugangin mo."
Leche.
Hindi ko siya magawang saktan dahil nasa harap kami ng mama niya kaya pasalamat talaga siya!
"Siya ba yung kinukwento mo araw-araw na nililigawan mo?!" hindi makapaniwalang tanong ng mama niya.
"Oo nga, ma. Diba nga sinabi ko sayo na kaibigan ko nililigawan ni Dylan. Oh eto nga." sabi naman ni Julia. "Ganda noh? Mana sa aken."
Pft.
Naisingit pa ang sarili.
"May taste ka anak, ha? Mana ka talaga sa papa mo." natatawang sabi ng mama nila at tumingin sa akin. "Alam mo ba iha, nagpapatulong pa yan sa akin kung paano ka daw ba niya mapapakilig. Nagtanong pa nga yan sa papa niya kung paano ako niligawan ng papa niya noon eh."
"Ang sweet ko diba? Hindi mo lang talaga makita." sabi ni Dylan na hanggang ngayon nakaakbay pa din sa akin.
Ang hirap lumayo, baka magmukha akong masama.. Kainis.
"Nagpatulong pa po siya sa inyo, mam?" nahihiyang tanong ko.
"Oo." aniya saka lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Wag mo akong tawagin na mam, hindi naman ako teacher eh. Okay na sa akin ang tita Ellen."
"Mas gusto ko kung mama nalang din ang itawag mo sa kaniya. Magiging asawa din naman kita eh." sabi naman nitong si Dylan saka tinaas-baba pa ang kilay.
"Nako anak, yumayabang ka na naman. Hindi ka pa nga sinasagot eh. Baka mamaya niyan, si Eli ang sagutin nitong si Magi, ikaw din." natatawang sabi ni tita Ellen. "Julia, ihatid mo na 'to si Magi sa magiging kwarto niya nang makapagpahinga na din siya-"
"Ako na po bahala dito sa asawa ko." sabi ni Dylan saka tinanggal ang kamay niya na nakaakbay sa akin at hinawakan naman ngayon ang kamay ko. "Pupunta tayo sa langit." dagdag pa niya at hinatak ako papunta sa taas.
Kadiri naman 'to. Inuna landi bago tapusin pagtutoothbrush.
Dinala niya ako sa second floor ng bahay nila at pinapasok niya ako dun sa kwarto sa may dulo.
Nagulat ako nang bigla din siyang pumasok sa kwarto at kita ko namang pasimple niyo itong sinasarado.
"H-hoy! Anong balak mo ha?! Sinasabi ko sayo! Subukan mong may gawin sa akin, tatanggalan kita ng bayag!" pagbabanta ko sa kaniya pero hindi siya natinag!
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang ako naman ay nanginginig na napaatras hanggang sa nabangga ako sa pinupwestuhan ng kama dahilan para mapaupo ako dito bigla.
Shit.
Unti-unti siyang yumuko upang magkapantay ang mga mukha namin at patuloy pa din siya sa paglapit.
Jusko!
Lord tulungan niyo po ako! Hindi ako marunong sumabay sa halik!
Baka makagat ko nalang bigla yung dila ni Dylan kung nagkataon sa barangay ang—
Nasa ganung pag-iisip ako nang may maramdaman akong tuwalya na sumampay sa balikat ko.
"Ang OA ng reaction mo, Magi. Hindi ko naman kayang gawin sayo 'yang iniisip mo.
Tandaan mo, ayoko ng pre-marital sex. Gusto ko ikasal muna tayo bago tayo gumawa ng baby!
Saka ang bata ko pa para maging tatay noh!"
Ayan na naman nga ang bibig niya! Hay nako, ang sarap lang tampalin!
"Assuming ka! Alis!" sabi ko saka siya itinulak palabas ng kwarto.
Makapal na kung makapal ang mukha ko basta naiinis talaga ako dito kay Dylan eh kaya kinakailangan niya ng mawala sa paningin ko bago pa kung ano ang magawa ko sa demonyong 'to!
Nang tagumpay kong mapalabas siya sa kwarto ko eh akmang isasara ko na ang pinto nang pigilan niya ito.
"Katabi mo lang kwarto ko kaya wag kang mag-alinlangan na kumatok kapag namimiss mo ko ha?
I'm only one knock away, asawa ko." dagdag pa niya.
"Bwiset ka!" sigaw ko sa kaniya at itinulak ng malakas ang pinto para maisara.
Grrrrrrrr.
Nakakaasar talaga siya kahit kailan!
Imbes na mainis kay Dylan ay pumunta na akong banyo para makaligo na at makabihis kasi kanina pa din talaga ako inaantok.
Kanina pa kasi nang-aakit yung kama na higan ko daw siya kaya..
'Eto na kama, malapit na kitang mahigaan!'
-
Araw ng byernes ngayon meaning wala kaming klase ngayong araw kaya naman hindi ko pinroblema na alas dyes ako nagising ngayon.
Napasarap kasi ang tulong ko dahil napakakomportableng humiga sa kama na ito eh.
Uratex kaya 'to?
Talagang inintindi ko pa ang brand noh? Hays.
Palabas na sana ako ng kwarto ko para sana kumain nang biglang buksan ni Julia ang pinto at hinatak ako pabalik sa kama.
Naupo siya dun kaya naman naupo na din ako kaharap siya.
Mukhang alam ko na ang pakay niya.
"Ito na ang tamang oras para chikahan mo na ako. Ano bang nangyari kahapon at pinalayas ka?"
Sabi na eh.
Hindi na din ako nagulat na inuusisa niya sa akin yun dahil hindi ko pa naman naikukwento pa sa kanila ni Delancy ang nangyari kahapon.
Hay.
"Nagulat nalang ako pag-uwi ko kahapon na galit na galit sa akin si mommy at sinasabi niyang ako daw ang kumuha ng flash drive niya.
Sinabi ko naman na hindi kako ako yung kumuha kaya lang sumingit si Macy at sinabi kay mommy na halungkatin daw yung bag ko para sure kaya ayun hinalungkat ni Macy. Laking gulat ko nga nang may ipakita siyang sirang flash drive mula dun.
As in hindi ko talaga alam kung bakit may ganon sa bag ko kaya lang nung sinubukan kong ipaliwanag eh sinampal naman ako ni mommy at ayun, pinalayas ako."
"Demonyita talaga 'yang kapatid mo noh? Kalahi siguro 'yan ni Satanas kasi hindi ko na ma reach yung level ng kademonyohan niya.
Halata naman kasi Magi na siya ang may pakana nun. Isipin mo ha? Sabihin na nating hindi naman talaga ikaw ang kumuha ng flash drive at sumira nun diba kaya paano yun mapupunta sa bag mo diba?
Sabi mo nga sa amin noon na takot kang pakialamanan ang gamit ng mommy mo kasi ayaw mong mapagalitan kaya sapat ng dahilan yun para hindi ikaw yung pagbintangan dapat eh.
Kaya nga nakakapagtaka na paano napunta yun sa bag mo eh takot ka nga dibang makialam sa gamit ng mommy mo? Kaya ang naiisip kong dahilan eh baka sinadya ni Macy na ilagay yun sa bag mo? I mean hindi mo namamalayan na nilagay niya pala sa bag mo yung flash drive para ikaw yung magmukhang masama?
Ganun naman siya diba, Magi? Kaya wag ka ng magugulat sa mga ganung bagay kasi palagi mo yung mararanasan hangga't kapatid mo si Macy. I mean, palagi mo yun mararanasan kung magiging mabait ka pa din sa kaniya.
Hello, Magi? Walang anghel ang bumabait sa demonyo. Gumising ka ha?"
Naiintindihan ko ang gusto niyang sabihin. Maging ako naman, sa una palang eh alam kong si Macy na ang may kagagawan nun kasi dun naman siya magaling kaya lang tama si Julia, kung patuloy akong magiging mabait kay Macy, ako yung mas kawawa.
"Hayaan mo nalang muna—"
"Ayan ang hirap sayo eh. Palagi mo nalang siyang hinahayaan sa mga kagagahan niya. Kaya nawiwili 'yang kapatid mo na gawin yan sayo nang paulit-ulit; kasi hinahayaan mo lang.
Jusko naman Magi, hindi sa lahat nang pagkakataon ay kailangan mong maging mabait! Mas lalo siyang gaganahan na siraan ka sa mommy niyo kung palagi mong palalampasin yung mga ginagawa niyang ganto!
Ewan ko ha, pasensyahan nalang tayo pero kung hindi mo kayang lumaban sa kapatid mo, ako ang gagawa. Magkita lang talaga kaming dalawa, papakitaan ko yun kung paano maging maldita with a class."
"Alam mo, kain nalang tayo." aya ko sa kaniya kasi bigla kong naramdaman yung gutom ko.
"Talagang kakain tayo kasi gutom na din ako. Talagang nabadtrip lang ako sa nalaman kong ginawa ng kapatid mo sayo eh. Nako kung nagkataon man na nandito siya, nilublob ko na siya sa lababo." dagdag pa niya.
Hindi ko nalang siya pinansin at nauna ng bumaba.
Ang dami kasing sinasabi.
Pero na appreciate ko naman ang sinabi niya and at some point, tama siya.
Hindi na dapat ako magpaagrabyado sa kapatid ko.
Sumosobra na siya.
Kung si Lerisse nagawa kong labanan, si Macy pa kaya?
-
Matapos kumain ng almusal ay nagpaalam sa akin si Julia na dun muna daw siya sa kwarto niya dahil kanina pa daw siya kinukulit ng kachat niya na makipagvc.
Si tita Ellen naman at Dylan ay hindi namin nakasabay kumain ng almusal ni Julia kasi si tita Ellen ay maagang pumasok sa office habang si Dylan naman ay maaga daw umalis ng bahay pero hindi ko alam kung saan 'to nagpunta.
Hindi din daw kasi ipinaalam.
Ngayon ay matapos kong urungan yung pinagkainan namin ni Julia eh dumiretsyo ako sa pool area ng bahay nila at naupo dun saka inilusong ang paa ko sa tubig.
Shit.
Ang lamig.
Ang sarap sa pakiramdam!
Napakabughaw ng tubig ng swimming pool nila at nang-aakit talaga na magswimming dito kaya lang hindi kasi ako marunong lumangoy kaya ekis muna sa paglangoy.
"Gising na pala ang asawa ko."
Hindi na ako nag-abalang lingunin pa ang lalaking sigurado naman akong si Dylan..
Sino pa bang ibang tumatawag sa akin ng 'asawa ko' kundi siya lang naman diba?
Hays.
"Kumain ka na?" tanong niya pa saka tinanggal ang suot niyang tsinelas at naupo sa tabi ko saka itinambog din ang paa sa pool.
Okay, dumumi na tuloy yung pool. Hindi na siya asul.
Hahahaahahaha joke..
"Trying hard kang maging sweet?" pang-aasar ko sa kaniya.
"Ikaw? Try mo din kayang maging sweet man lang sa akin kahit kaunti noh?"
"Ang hirap maging sweet sa isang taong sobra mong kinaiinisan."
"Ano bang nakakainis sa akin, Magi? Ginagawa ko naman lahat pero bakit naiinis ka pa din sa akin?! Wala ka na bang puso?!"
"Kung wala akong puso edi patay na ako?"
"Pilosopo ka ha?! Kung hindi lang kita mahal baka kanina pa kita itinulak dito!"
"Hindi kita mahal kaya pwede ba kitang itulak?"
"Basta sasagipin mo ako."
"Yun lang, hindi ko kaya. Hindi ako marunong lumangoy diba?"
"Oo nga pala.. Niligtas nga pala kita nung tinulak ka ni Lerisse sa pool non. You're welcome ha?"
"Edi salamat!"
"Napilitan."
"Salamat nga sincere ako!"
"May sincere bang galit?!"
"Kung ayaw mong maniwala, edi wag! Hindi naman kita pinipilit na maniwala eh kaya bahala ka sa buhay mo!"
"Talagang ako ang bahala sayo dahil ikaw ang BUHAY KO."
Ayan na naman ang corny niyang banat lines..
"Ikaw na yata ang PINAKA CORNY na lalaking nakilala ko."
"Kahit corny man ako, alam ko namang kinikilig ka sa akin. Ayaw mo lang ipahalata. Ikaw, Magi ha? Sumisimple ka."
Inirapan ko lang siya. Hmp! Napakayabang!
"Guni-guni mo lang 'yan!"
"Basag trip ka talaga kahit kailan! Hay nako, Magi. Malapit na kitang saktan."
"Edi saktan mo!"
"Wag mo akong hinahamon, Magi! Sinasabi ko sayo, baka mamaya umiyak ka!"
"Ako iiyak? Ang kapal naman ng mukha mo! Baka ikaw ang umiyak sa akin!"
"Talaga bang hinahamon mo ako, Margaret?!"
"OO! ANO?! SAKTAN MO NA AKO!"
Dali-dali siyang tumayo sa pagkakaupo niya at hindi ko na siya sinundan pa ng tingin bagkus naghintay na lang ako na sapakin niya.
Kaya lang imbes na sapak ay hindi yun ang inasahan ko..
May ikinabit siyang kwintas sa leeg ko at talaga namang tinayuan ako ng balahibo dahil dun.
"ANO YAN? SUHOL?! SINUSUHULAN MO NAMAN AKO NGAYON PA—"
"Hindi 'to suhol o anuman na iniisip mo, Magi. Binili ko 'to at sinadyang puntahan nang maaga para ibigay sayo. Sabi kasi sa akin nung sales lady na pagka hindi ko binalikan 'to nang maaga eh baka may makauna na sa akin dito kaya yun ang dahilan nang pag-alis ko kanina..
That's a necklace with a heart inside a heart pendant which adds an aesthetic layer to this age-old symbol of love.
Alam mo ba kung bakit napukaw ako ng kwintas na 'yan?
Yun ay dahil sa pendant nito.
The two intertwined hearts represent never-ending love, complete cohesiveness and togetherness."
Impernes sa kaniya, gumagaling na siya sa paggamit ng google ha?
Pero walang halong biro ha? Na appreciate ko 'tong binigay niya.
Tumayo ako sa pagkakaupo ko at saka siya hinarap at nginitian ng matamis at yun bang sincere.
"Salamat."
"Akala ko hindi pa kita mapapangiti ng ganyan eh." natatawa niyang sabi.
Pft.
Ang cute niya talaga tumawa. I mean, ang gara niya kasi tumawa eh nawawala yung mata niya pero kahit ganun, nagagwapuhan talaga ako kapag ganun siya tumawa.
At walang halong joke 'yan.
"Uy, Magi." nagulat naman ako nang tawagin ni Eli ang pangalan ko.
Paano niya naman nalaman na nakila Dylan ako?
"Sinabi sa akin ni Delancy na nandito ka daw ngayon kaya dito na ako pumunta." dagdag niya pa.
Pansin ko din ang dala niyang gitara.
"Anong meron, bro?" usisa naman ni Dylan.
"Kailangan ko si Magi, bro. Magkocover kasi kami ng kanta kasi naalala mo yung sinabi ni mam Torres? Nagtrending kasi yung cover namin na Sad Song na inupload ko sa youtube channel ko tapos yung mga viewers nagrerequest ng isa pa."
"Sali ako."
"Wag na, bro. Kaya na namin 'to."
"Bakit ayaw mo, Elias?"
"Hindi naman sa ayaw—"
"Kaming dalawa ni Eli ang gusto mag cover ng viewers kaya hindi ka dapat sumama kasi hindi ka naman kasali. No offense, Dylan.. Pero nakakahiya naman kasi na bigla kang lilitaw sa cover namin nang hindi alam ng viewers—"
"Oo na, Magi. Naiintindihan ko. Papanoorin ko na lang kayo."
"Wag na, Dylan. Iwan mo nalang kami ni Magi dito."
"Manonood lang—"
"Hayaan na natin siya, Eli." sabi ko na lang kay Eli para tumigil na sila. "Ano nga pala yung kanta na kakantahin natin?"
"Maraming nagrequest ng 'Kung di rin lang ikaw'. Alam mo yun?"
"Oo. Game na." masayang sabi ko.
Isa yata yun sa fav song ko ng December Avenue.
Hinanda na ni Eli ang gitarang hawak habang si Dylan naman ay siya ang tagahawak ng camera para kuhaan kami.
Oh diba? Nagkaroon siya bigla ng pakinabang.
Hehe.
(ELI)
Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipilitan ba ang puso kong hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw ay hindi nalang
Pipilitin pang umasa para sa'ting dalawa
Giniginaw at hindi makagalaw,
Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?
(MAGI)
Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipiliin bang umiwas ng hindi na masaktan
Kung hindi ikaw ay sino pa ba
Ang luluha sa umaga para sa'ting dalawa
Bumibitaw dahil di makagalaw
Pinipigilan ba ang puso mong ibang sinisigaw?
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?
(ELI)
Naliligaw at malayo ang tanaw
Pinipigilan na ang pusong pinipilit na ikaw
(ELI AND MAGI)
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na makita kang muli
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka
(Haaaa)
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka
Sa huling part ng kanta, as usual, second voice na lang ako.
"Ang galing mo talaga, Eli." natutuwang bati ko sa kaniya pagkatapos naming mairecord yung cover namin.
Walang halong biro yun.
Ang ganda talaga ng boses ni Eli at ang sarap lang pakinggan nang paulit-ulit.
"Mas maganda sana 'yang cover niyo kung kasama ako." pagsingit naman ni Dylan.
Singitero talaga.
Hindi na ako nakapagsalita nang may biglang umeksena.
"Bakit ba ang kulit mo?! Bawal ka ngang pumasok diba?!"
"Wala kang pakealam!"
"Ang kapal talaga ng mukha mo! Akala mo ba welcome ka dito ha?!"
"Magi!"
At oo nga, si Macy at Julia yung nag-aaway kasi naman itong si Macy yata ay nagpumilit pumasok dito kaya naman ito si Julia at pinipigilan si Macy na ayaw namang papigil.
Bakit ba siya kasi nandito?!
"Napakakapal talaga ng mukha n'yang kapatid mo eh! Pinipigilan ko na nga siyang wag pumasok pero putangina talaga, ayaw papigil eh! Kung nagkataon lang talaga na may dala akong kampit, baka kanina ko pa naukitan ng cactus yang mukha niyan!"
"Ano bang masama ng pagpasok ko dito eh kinakamusta ko lang naman yung kapatid ko ah?! Bawal ba yun ha?! Syempre nag-aalala ko kasi kapatid ko si Magi kaya natural lang na icheck ko ang kalagayan niya! Hindi ka kasi nag-iisip eh noh? Mas mukha ka tuloy bobo sa akin!"
Kita ko namang lumapit si Julia kay Macy saka ito malakas na sinampal sa pisngi.
Dadalawa pa sana siya nang pigilan ko na siya.
"Tangina naman sis! Ako pa pala itong hindi nag-iisip ha?! Ako pa 'tong nagmukhang bobo?! Isa't kalahating gago ka ba?! Naririnig mo man lang ba yang mga sinasabi mo o aware ka man lang ba sa salitang binibitawan mo?
Hoyyy! Gumising ka! Sana naman sapat na yung sampal ko para naman magising 'yang natutulog mong kaluluwa!
Ang galing mo din eh no? Best actress ka sis! Pero hindi ubra sa akin yang mga pag-iinarte mo! Anong pinagsasasabi mong nag-aalala ka ha?! Nag-aalala ka kay Magi? Kailan pa? Bakit ha?! Nakokonsensya ka na ba sa mga kagaguhan mo sa buhay na pinapasalo mo kay Magi? Kung sana ganun ang dahilan mo eh baka winelcome pa kita dito with open arms!
Kaso sa itsura mong 'yan at sa kukote mong wala namang laman eh imposibleng makonsensya ka eh! Sorry ha pero hindi ako naniniwala sayo! Kaya lumayas ka sa pamamahay namin dahil ayokong may bobong kagaya mo ang naririto!"
Agad namang lumapit si Macy kay Dylan at hinawakan ito sa braso at dun siya nagpaawa.
Putek.
"Dylan, tignan mo kung gaano kasama ang ugali ng kapatid mo. Kung ano-ano ang sinasabi niya sa akin eh hindi ko naman alam ang mga sinasabi niya. Wala naman akong ginagawang masama eh."
"Halika nga dito." sabi ni Julia at lumapit kay Macy saka hinatak ang buhok nito.
Shit.
Ayaw papigil ni Julia.
"Kulang pa yata ang pagkalbo sayo para matuto ka eh noh? Hatakin ko nalang kaya 'tong buhok mo isa-isa? Yung ganto noh? Medyo masakit lang 'to ha pero bawal kang umaray, demonyo ka!" sabi pa ni Julia at hindi pa din tinitigilan ang paghatak sa buhok ni Macy.
Jusko.
Pilit ko siyang inilalayo at buti nalang tinulungan ako ni Eli na ilayo si Julia kay Macy.
"Ang sakit!! Huhuhuhu." daing pa nito kay Dylan.
Malapit na din niya akong mainis sa mga pag-iinarte niya ha?
"Pasalamat kang hindot ka at pinigilan ako kasi kung hindi, kanina pa dinudugo 'yang anit mo!
At saka ito ang sinasabi ko sayo ha? Mag-inarte ka na sa lahat wag lang sa aken dahil mas lalo mo lang pinag-iinit ang ulo ko! Alam mo naman na galit na galit ako sa mga maaarteng kagaya mo!"
"Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo! Bakit ka ba galit na galit sa akin ha? Ano bang ginawa—"
"Putanginang 'yan! Hanggang ngayon hindi mo pa din alam? Hanggang ngayon ay wala ka pa ding alam? Ano bang utak meron ka ha? Full storage na ba 'yan?!
Tangina talaga.
Unang-una sa lahat, tigilan mo na ang kakadikit na parang linta sa kapatid ko dahil naiinis ako sayo! Kung inaasahan mong magkakabalikan pa kayo ng kapatid ko eh please lang naman, tumigil ka na sa kakaasa!
Hinding-hindi ko na yun hahayaan pang mangyari, okay? Tama ng niloko mo siya ng isang beses! Hindi ka na pwedeng pumangalawa pa, wag kang abusado ha hindi ka naman maganda!
At pangalawa, ang dami mong kagaguhang ginawa sa kapatid mo! Siguro sa sobrang dami eh hindi mo na matandaan noh? Kung si Magi hindi ka magawang kantiin, pwes ako ang mananakit sayo! Tandaan mo 'to.
At higit sa lahat.." huminto muna siya sa pagsasalita at huminga ng malalim.
Namumula na siya sa galit.
"Hindi na kayo magkakabalikan ng kapatid ko dahil may iba na siyang gusto—"
"Julia!" pagpigil ko sa kaniya pero hindi siya napigil.
"Nanliligaw si Dylan kay Magi kaya Macy...
Your game is over."