Chereads / A Love To Last (DWEIYAH series #1) / Chapter 25 - CHAPTER 24

Chapter 25 - CHAPTER 24

Si Dylan ay si Dion?

Bakit ganon? Bakit ang hirap maniwala na si Dylan ay yung lalaking mahal na mahal pa din ng kapatid ko hanggang ngayon?

"Luwagan mo nga 'yang kapit mo sa braso ng kapatid ko. Baka mamaya n'yan mapagkamalan kitang linta." inis na sabi ni Julia.

Hays.

Ayoko nang magtagal pa dito. I mean, gusto ko nang umuwi.

"Whatever." sabi ni Macy kay Julia saka siya tumingin sa akin. "Siya si Dion na kinukwento ko sayo noon. Siya yung lalaking mahal na mahal ko at ang dahilan ko para hindi na lumipat pa ng school—"

Naputol sa sasabihin si Macy nang sumingit si Delancy.

"Lumipat ka kung lilipat ka! Ang dami mong satsat! Nakakairita ka, alam mo yon?!"

"At saka please lang, kung lilipat ka ng school sana sa Mars na lang." sabi naman ni Julia.

Hindi naman halatang pinagtatabuyan nila itong si Macy noh?

"Bakit ba ang hilig niyo makisabat eh si Magi lang naman ang kausap ko at hindi kayo kasali!"

"Sorry ha? Epal talaga kami ni Delancy simula pa nung bata eh. Naalala ko nga, kahit hindi namin kilala yung mga batang nagchachinese garter eh sumasali kami. Ganun kami ka epal.

Eh ikaw ba Macy? Gaano ka kaya kasinungaling? Siguro hindi sapat yung rating na 1-10 noh? Kaya siguro magang-maga 'yang ilong mo kasi napakasinungaling mo."

"Tumigil ka na, Julia." pag-awat naman ni Dylan sa kapatid.

Hindi ko nga inaawat si Julia kasi nasisiyahan ako na inaaway niya kapatid ko tapos siya naman ang umawat?

Kainis ah?

Hindi nalang pinansin pa ni Macy si Julia at nagpatuloy siya sa sinasabi niya sa akin..

"Basta, Magi.. Alam mo naman na ang mga sinasabi ko hindi ba? Taon-taon ko siyang kinukwento sayo kaya alam mo kung gaano kaimportante sa akin si Dion.. At hinding-hindi ko kayang makita siyang may ibang kasamang babae. Masasaktan talaga ako ng sobra, Magi."

At dahil sa sinabi niya, para akong tinusok ng karayom.

Mahal ko si Macy dahil kapatid ko siya pero kahit na napakamaldita niya sa akin at minsan eh nasasaktan na ako sa mga kasinungalingan niya.. Still, hindi ko kayang saktan siya.

Tumango-tango nalang ako sa kaniya at peke siyang nginitian.

"Oo naman, Macy. Alam na alam ko yun.. Kaya ikaw Dylan.." sabi ko saka humarap kay Dylan. "Wag na wag mong sasaktan ang kapatid ko dahil ako ang makakaharap mo kapag nagkataon.

Saka mahal na mahal ka nitong si Macy kaya hangad ko na magmahalan kayo ulit."

"Magkakilala pala kayo, Magi? Kasi alam mo ang totoong pangalan ni Dion eh? Nakakagulat." tanong ni Macy.

"Nilili—"

Pinutol ko sa sasabihin si Dylan.

"Oo naman. Kaibigan ko yung kapatid niya eh kaya alam ko saka magkaklase kasi kami ni Dylan." sabi ko saka saglit tumingin kay Dylan. "Magkaklase. Lang. Kami."

Hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng tingin ba yung binigay niya sa akin basta nababakas ko sa mata niya na dismayado slash nalungkot siya sa sinabi ko.

Hindi kasi pwedeng malaman ni Macy na nililigawan ako ni Dylan.

Gaya nga ng nasabi ni Macy, masasaktan siya kapag nakita niyang may kasamang ibang babae si Dylan. Kapag may ibang babae nang nagugustuhan si Dylan.

At ang mas masakit, ako yun.

Ayoko namang masaktan ko si Macy. Hindi ko yata kaya yun.

"Una na kami. Mukhang may date yata kayo." sabi ko saka tumawa ng peke at sinenyasan yung dalawa na umalis na kami.

"That's what you called quantity time." aniya saka bahagyang ngumisi.

"Friendly reminder lang, Macy. Wag kang mag i-english kung hindi mo talaga kaya, okay? Trying hard ka masyado, mas pinapatunayan mo lang na ikaw ang reyna ng mga bobo.

By the way, it's QUALITY not QUANTITY.

Dictionary kasi ang basahin mo wag ang LSM ng jowa mong hindi ka naman mahal." sabi ni Julia.

Humirit pa talaga eh bago kami umalis.

Hay nako.

Nang makarating kami sa pinaradahan namin ng kotse ay pumunta na agad ako sa kotse ko at akmang papasok na sa loob nang magsalita si Delancy.

"Okay ka lang ba talaga, Magi? Maaga pa naman oh? Pwede muna tayong gumala o pumunta kahit saan para masamahan ka namin." aniya at kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala sa akin.

Inilingan ko siya.

"Ayokong gumala, gusto ko lang talagang umuwi kasi kanina pa ako inaantok. Saka hindi niyo kailangang mag-alala sa akin, okay na okay lang ako."

"Bakit hindi mo sinabi sa kapatid mong gaga na nanliligaw si Dylan sayo? Kung ako yun, baka isampal ko pa sa pagmumukha niya na sabihing;

NILILIGAWAN AKO NG DION MO! WALA KA NANG PAG-ASA KAYA BUMALIK KA NA KUNG SAAN KA NANGGALING. BAWAL BOBO DITO SA PILIPINAS!"

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Bakit mo ko—"

"Umuwi na kayo at uuwi na din ako. Bukas nalang." paalam ko sa dalawa at sumakay na ng kotse ko.

Nadaanan ko pa sa may waiting shed sina Dylan at Macy na mukhang may pinag-uusapan na seryosong bagay.

Tsk.

Napakaliit nga naman ng mundo noh?  Akalain niyo? Yung Dion na sinasabi sa akin ni Macy ay kilala ko na pala?

Hindi ko lang lubos maisip na bakit si Dylan pa? Pwede namang ibang lalaki eh pero bakit si Dylan pa yung lalaking mahal na mahal ng kapatid ko?

Pero teka nga?

Bakit ba parang big deal yun sa akin? Dapat nga good news yun eh diba? Kasi dahil si Dylan yung lalaking gusto ni Macy eh automatic eliminated na siya sa panliligaw sa akin diba?

Dapat nga matuwa ako kasi si Eli nalang ang matitira at siguradong sasagutin ko.

Dapat matuwa ako na wala ng Dylan na mangungulit sa akin.

Wala ng Dylan na lagi kong makakaaway.

Wala ng Dylan na babanat sa akin ng corny na lines.

I should be happy pero bakit parang hindi ganun yung nararamdaman ng puso ko?

Bakit parang sa nalaman ko eh nasaktan pa ako?

Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit ako nasasaktan, bigla ko nalang nakita ang sarili ko na umiiyak habang nagmamaneho.

Kaya naman hininto ko muna ito at itinabi saka nanatili sa loob ng kotse ng ilang sandali.

'Bakit ka ba umiiyak, Magi?'

Ano bang dapat kong iiyak? Ano bang dahilan ng biglaang pagpatak ng mga pesteng luha na 'to?!

Ang concern ko lang naman ay si Macy.

Baka yun ang dahilan?

Kasi natatakot akong masaktan siya once na nalaman niyang gusto ako ni Dylan?

Kaya siguro kailangan; sa lalong madaling panahon ay makausap ko na si Dylan para patigilin siya sa aking manligaw.

Kaysa naman dumating pa yung araw na malaman ni Macy na nanliligaw sa akin si Dylan diba? So kailangan unahan ko na.

Okay!

Akmang papaandarin ko na ang kotse ko nang mapansin kong nandito na pala ako sa kanto ng subdivision namin.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa playground kung saan dun ko natuklasan na may girl friend na si Alec..

Nakita ko nalang ang sarili ko na bumababa sa kotse at nagtungo sa playground.

Umupo ako sa isang swing at pinagmasdan ang mga batang masayang naglalaro..

Napangiti ako ng mapait.

Hindi ko maiwasang maalala nung mga bata pa kami ni Macy.. Ganito din kami kasaya maglaro nun sa playground.

Nakakamiss.

"Mag-isa ka yata?" napalingon naman ako sa taong nagsabi nun.

Si Alec pala.

Umupo siya sa katabi kong swing at gaya ako eh mukhang magandang view sa kaniya ang pagmasdan ang mga batang masasayang naglalaro.

"Nakakamiss maging bata noh? Yung tipong walang pinoproblema kundi paano ka makakapagtago ng maayos sa tagu-taguan. Kung paano mo mabubuhay ang mga kakampi mo sa football. Kung paano ka hindi matataya sa habul-habulan. At kung paano ka makikipagbati dun sa kaibigan mong nataya mo sa langit lupa.

Nakakamiss maging bata, nakakamiss na wala kang pinoproblema gaya niyang problemang alam kong dinadala mo ngayon."

Dahil sa sinabi niya ay napalingon ako sa gawi niya.

Teka?

Paano niya nalaman?

"Okay ka lang ba, Magi?" tanong niya saka siya tumingin sa akin.

Agad akong napaiwas ng tingin kasi feeling ko baka mapasabi ako ng totoo sa kaniya dahil sa tingin niya.

"Oo naman, okay na okay. Mukha ba akong problemado?" sabi ko saka tumawa ng peke.

"Hindi ka okay, Magi. Kung naloloko mo ang iba at ang sarili mo, ako hindi.

Kayang magpanggap na masaya ang labi pero hindi ang mata. Kitang-kita ko sa mga mata mo na hindi ka okay."

Hays.

Ang hirap palang magsinungaling kay Alec. Hindi pala ubra sa kaniya si Macy..

"Nalaman ko na si Dylan pala yung lalaking gustong-gusto ni Macy na nakukwento niya sa akin noon. Kaya ang pinoproblema ko ngayon, eh paano kung malaman ni Macy na nanliligaw sa akin si Dylan? Ayoko namang masaktan ko siya kasi kapatid ko pa din siya eh."

"Alam namin yun; ng buong DWEIYAH. Nakilala na nga namin si Macy dahil ipinakilala siya sa amin ni Dylan.

Siya yung babaeng tinutukoy namin sayo. Siya yung kaisa-isang babaeng sineryoso ni Dylan. Alam mo kasi bata pa lang si Dylan, gago na yan. Lalo na nung mag highschool. Napaka chickboy.

Pero nung makilala ni Dylan sa isang dating site si Macy, dun siya nagsimulang magpakatino. I think, that time eh third year high school yata kami nun. At dun naging sila; nagligawan lang ng ilang buwan and then sinagot na ni Macy si Dylan.

Nanatili silang LDR nun kasi nga diba nasa Italy siya, I mean kayo?

Tapos ayun nga, nung mag fourth year high school kami, nagulantang kami sa balitang break na daw sina Dylan at Macy at dahil daw yun kay Eli. Kasi nga nalaman ni Dylan na dalawang buwan na daw na magkarelasyon sina Macy at Eli.

Nalaman yata ni Dylan ang tungkol dun dahil sa post ni Eli na picture nilang dalawa ni Macy at ang caption ay happy second monthsarry, love.

Kaya nga nagtataka ako kung bakit habol pa din ng habol 'yang kapatid mo kay Dylan. Napakakapal ng mukha niya na maghabol eh siya naman 'tong may kasalanan kung bakit sila naghiwalay eh."

Napanganga ako sa mga revelations ni Alec kasi sa totoo lang, walang nababanggit sa akin si Macy na ganyan.

Ang paulit-ulit niya lang na kinukwento sa akin ay yung tungkol sa kanila lang ni Dylan at wala nga siyang naikwento na naging syota niya din si Eli.

Nalaman ko lang ang tungkol dun nung inistalk ko yung facebook account ni Eli!

"Wala siyang nababanggit sa akin about dyan."

"Bakit naman niya ipagkakalat yung kalokohang ginawa niya diba?" sabi naman niya at may point nga naman siya dun. "Kaya ikaw Magi, hindi mo kailangang mag-alala kung makakasakit ka man ng ibang tao o hindi nang dahil lang sa ganyan.

Ang ibig ko sabihin, hindi mo dapat alalahanin si Macy kung masasaktan man siya sa malalaman niya. Deserve niya naman yun eh kasi at the first place, siya ang nagloko kaya nawala na si Dylan sa kaniya.

Wala na siyang karapatan pa na maghabol kay Dylan at makipagbalikan dahil alam ko at alam namin na hindi na yun mangyayari dahil sa wakas ay nakilala ka na niya."

Ewan ko ba kung ako lang ba ang nakapansin na parang double meaning yung huli niyang sinabi?

"Hindi natin makocontrol ang feelings ng ibang tao. Kung ikaw talaga ang gusto ni Dylan, wag mo na siyang ipagpilitan pa sa ibang tao kasi sa huli mabibigo ka lang.

Alam mo once na magkagusto tayo ng seryoso sa isang tao, hindi na natin pa magagawang lumingon sa iba.

Sana maging sapat itong mga sinasabi ko sayo para makapagdesisyon ka ng tama at maayos." dagdag pa niya.

"Salamat sa effort na kausapin ako pero kaya ko naman na ang sarili ko eh. Kung ano man ang kahinatnan nito sa dulo, bahala na."

"Alam mo Magi kahit hindi mo sabihin sa akin na nasaktan ka ba o hindi nung malaman mo na si Dylan ang matagal nang gusto ng kapatid mo, alam ko at sigurado akong nasaktan ka.

Bakit nga ba hindi magiging masakit yun para sayo eh mukhang unti-unti ka na din kasing nahuhulog sa charms ng kaibigan ko.

Mukhang unti-unti nang nabubuo ang puzzle at baka bukas makalawa eh makilala na namin kung kanino bang mukha 'yang binubuo mo."

Pagkasabi niya nun ay umalis na siya at nagpaalam sa akin na mayroon pa daw siyang pupuntahan.

Nakakainis naman siya! Pagkatapos niya akong iwanan ng isang misteryosong linya eh lalayasan niya ako!

Hindi ko man lang nagets kung ano ba yung ibig niyang sabihin at may pa puzzle puzzle pa siyang nalalaman!

Hay nako.

Umuwi nalang din siguro ako dahil mag gagabi na din, inantok na ako bigla eh.

-

Bago ako pumasok eh ibinilin ko si Snow kay nay Cora dahil hindi ko naman pwedeng bitbitin si Snow hanggang pagpasok dahil baka pati ako eh mapagalitan ng prof namin.

Bawal kasi ang pets sa loob ng campus kaya nga nagtataka ako kung paanong tago ang ginagawa ni Eli kay Quora dahil hanggang ngayon eh walang nakakaalam na sa campus nakatira si Quora.

Pero wala naman akong balak ilaglag si Eli sa director kasi kawawa naman kung sakaling mapalayas si Quora sa campus, wala na siyang matitirhan pa kung nagkataon.

Hindi na ako nag-abala pang sumabay kina mommy at Macy na mag-agahan at diretsyo labas na agad ako ng bahay.

Balak ko din kasi na sa cafeteria nalang kumain. Nakakawalang-gana kasi kumain sa bahay tapos ang dadatnan mo eh puro papuri kay Macy.

Since ayoko masira araw ko kaya hindi nalang ako sumabay.

Pagdating ko sa classroom ay si Eli ang naabutan ko sa loob.

Nakakapagtaka nga at ang aga niya yatang pumasok ngayong araw. Hindi naman siguro siya excited noh?

"Good morning." bati ko sa kaniya saka naupo sa upuan ko.

Masaya naman siyang lumapit sa akin at ipinakita ang pinapanood niya sa cellphone niya..

'Yung cover namin sa Sad Song na nasabi ni mam Torres na nagviral daw sa youtube.

OMG.

Eto nga at #2 yung cover namin sa Trending.

Nakakatuwa naman.

"Umabot na ng 12M views yung cover natin, Magi." aniya.

Shit.

Nakakakilig naman.

"Oo nga eh, nakakatuwa." sagot ko.

Lumayo siya sa akin ng bahagya para kausapin ako.

"May nabasa nga akong comment na gusto pa daw nila na magcover ulit tayo ng kanta pero request niya na sana on cam na daw." nahihiya niyang sabi at natatawa.

Pft.

Ang cute niyang tignan.

"Pwede naman kamo, may naiisip ka bang kanta?"

"Wala pa sa ngayon. Saka wala din naman kasi silang nirerequest na song kaya magpopost nalang ako sa instagram ko kung anong gusto nilang sunod nating icover."

Tinanguan ko na lamang siya bilang wala naman na akong kailangan pang sabihin.

Hindi ko na naman maiwasang maalala yung kinwento sa akin ni Alec kahapon.

Yung tungkol kina Macy at Eli.

"Eli?" tawag ko sa kaniya na ngayon ay nakabalik na sa upuan niya.

Agad naman niya akong nilingon.

"Paano kayo nagkakilala ni Macy?" tanong ko at kita ko naman sa mukha niya na nabigla siya sa tanong ko. "Kapatid ko kasi si Macy and then inistalk kasi kita one time and nakita ko na binati mo siya ng happy monthsarry sa isa mong post noon."

"Naging girl friend ko siya pero hindi din ako sure kung girl friend ko nga ba siya o hindi eh.

Mas naramdaman ko kasing rebound niya lang ako."

Huh?

Rebound?

"Anong ibig mong sabihin?" pag-uusisa ko.

Okay! Oo na! Chismosa na kung chismosa! Eh sa hindi ko mapigilan na magtanong eh.

"Hindi ako sigurado kung ako ang unang nakapagkwento sayo nito o hindi.." aniya saka lumapit sa akin at humila ng upuan para umupo sa harap ko. "Nakilala ko si Macy nung ipakilala siya sa amin ni Dylan na girl friend niya daw. And then, hindi ko sinasadyang magustuhan siya.

Kasi alam mo naman, bata pa kami nung mga time na yun. I mean, since bata pa eh mabilis agad mahulog sa tao konting kibot lang nito.

Everytime na nagkakaproblema sila ni Dylan at may tampuhan, ako ang nilalapitan ni Macy. Para hingan ng advice, para magpacomfort. Bilang kaibigan ako ni Dylan at gusto kong wag sila maghiwalay kaya ayun, binibigyan ko siya ng advice at kinocomfort.

Kaya lang dumating yung araw na hindi nalang basta bigayan ng advice at comfort ang nangyayari sa amin ni Macy eh. Para bang nahuhulog na ako sa mga chats namin araw-araw.

Parang mas may time na siyang kausapin ako imbes na kay Dylan. Alam ko eight months na sila ni Dylan nang umamin sa akin si Macy na nagugustuhan niya na din daw ako.

Kagaya niya, nagugustuhan ko na din siya kaya lang syempre, ayokong saktan si Dylan. Saka sabi din niya, mahal din daw niya si Dylan at mahal niya din daw ako kaya bilang bata pa kami nun at hilaw pa ang isip, naging kami ni Macy habang sila pa ni Dylan.

At yung post ko na nakita mo, yun ang naging dahilan para malaman ni Dylan ang tungkol sa amin ni Macy. Sinadya kong ipost yun sa facebook dahil that time, gustong-gusto ko na sabihin kay Dylan ang totoo kaya lang ayaw ni Macy kaya without her permission, idinaan ko sa post ang pag-amin ko.

Inaasahan ko na din naman na magagalit sa akin si Dylan nung nalaman niya yun at deserve ko yun dahil napakawalang-kwenta kong kaibigan dahil hinayaan kong makipagrelasyon si Macy sa akin kahit alam kong sila pa ni Dylan.

Tanggap ko yung pagkakamali ko non kaya hinayaan kong magalit lang sa akin si Dylan pero hindi naman nagtagal eh gumawa ng paraan sina Israel, Harris, Yuwi, Warren at Alec para maayos kami ni Dylan kasi bilang grupo, kailangan pag-usapan yung mga ganung problema para hindi makaapekto sa ibang myembro at maging dahilan ng pagdisband namin."

Naiintindihan ko kung bakit niya nagawa yun, kasi ano ba namang kasalanan eh nagmahal ka lang naman diba? Hindi niya naman ginusto na makasira ng relasyon eh pero ang mahalaga naman eh naayos na at nalaman niya yung pagkakamali niya.

"Kaya nga itong panliligaw namin sayo ni Dylan, ewan ko pero parang binabalik lang kami sa nakaraan na ayaw na naming balikan pa.

Akala ko yun na ang una't huli na mag-aagawan kami sa babae pero dumating ka eh at nagkataong kapatid mo pala si Macy.

Pero hindi ko naman sinasabi na kasalanan mo. I mean, oo parang binabalik kami sa nakaraan nang panliligaw namin sayo pero ang kaibahan naman ngayon, walang sulutan na nagaganap. Bale pantay ang laban, walang nangyayaring dayaan.

Kaya sinasabi ko sayo Magi, handa akong gawin ang lahat para ako yung sagutin mo.

Hindi ko tinetake advantage na baka hindi mo na sagutin si Dylan dahil kay Macy pero sinasabi ko 'to sayo ngayon dahil seryoso ako at pursigido ako na marinig ang oo mo at masabi yun sa akin mismo."

"Naiintindihan ko kaya wala kang kailangan na alalahanin." sabi ko saka siya nginitian.

Mayamaya lang din after ng kwentuhan na yun ay unti-unti ng dumating ang mga kaklase namin hanggang sa mag time na at magsimula na ang lecture namin for today.

Art app ang klase namin kaya naman nakakapagtaka talaga kung bakit kanta ng kanta itong prof namin eh. Mukhang napagkamalan niya yatang music class niya kami eh.

"Music is an art kaya dapat yung mga sintonado sa inyo dyan eh magkaraoke na kayo sa mga bahay niyo nang mapractice niyong kumanta.

Nakakatulong ang pagkanta sa karaoke para makakanta ka nang nasa tono ha? Sample-an ko kayo.." aniya saka saglit tumikhim.

Jusko po.

"Hindi ko na kailangan

Umalis ka na sa aking harapan

Damdamin ko sa 'yo ngayon ay naglaho na

At ito ang 'yong tandaan

Ako'y masyadong nasaktan

Pag-ibig at pagsuyo na kahit na sa luha

Mababayaran mo"

"Tanginang prof 'to, lasing na naman siguro." inis na sabi ni Julia habang nakatakip ang dalawang kamay sa tenga.

Ang arte ah?

Hindi naman gaano kasama boses ni mam—

"Ayaw ko nang mangarap

Ayaw ko nang tumingin

Ayaw ko nang manalamin

Nasasaktan ang damdamin

Ayaw ko nang mangarap

Ayaw ko nang tumingin

Ayaw ko nang manalamin

Nasasaktan ang damdamin

Gulong ng buhay

Patuloy-tuloy sa pag-ikot

Noon ako ay nasa ilalim

Bakit ngayon nasa ilalim pa rin

Gulong ng buhay

Patuloy-tuloy sa pag-ikot

Noon ako ay nasa ilalim

Sana bukas nasa ibabaw naman"

Sabi ko nga, ang sakit niya na sa tengaaaaaa.

Jusko!

Gusto ko na lumabas.

"Ayan ha? Iwas-iwasan uminom ng red horse, nakakapangit ng boses." sabi pa ni Julia.

Nakwento kasi sa amin ni mam Diana na red horse daw ang palagi niyang iniinom kaya daw gumaganda ang boses niya.

Eh putek hindi ko nga mahanap kung saan banda dun ang maganda!

Hay nakooo.

Bakit ba kasi meron tayong mga prof na ang hihilig umawit pero wala naman sa tono?

Nako mam, sorry talaga. Mahal kita kaya ko sinasabi 'to.

Nga pala, hwebes ngayon pero Art App ang subject namin? Ganto kasi, paiba-iba kasi ng araw yung sched namin kada linggo kaya palipat-lipat ang naka sched naming mga subject..

Diba ang hirap?

Mayamaya lang din ay nadismiss na kami sa klase.

Nakakapagtaka naman na hindi pumasok si Dylan ngayong araw?

Hays.

Ano naman kung wala siya? Pake ko naman?

Inaya ko nalang sina Julia at Delancy na kumain sa cafeteria dahil hindi nga ako nag-umagahan diba?

Gutom na gutom talaga ako kaya kakain talaga ako ng marami!

Sumabay naman sa amin sina Eli at Israel na pumuntang cafeteria para kumain.

Nang makaorder ay humanap naman kami ng magandang table na pagpupwestuhan.

Magsisimula na sana akong kumain nang may lumapit sa table namin.

"Pwedeng makitable?" nang pag-angat ko ng tingin ay nakita kong si Macy pala yun at kasama niya si..

Kasama niya si Dylan?

Buong akala ko hindi siya pumasok ngayong araw tapos malalaman ko kasama niya lang pala ang kapatid ko?

'Eh ano naman, Magi?'

Tinanguan ko nalang siya bilang sagot at naupo na silang dalawa sa harap ko pa talaga.

Sakto naman ang laki nitong mesa para magkasya kami ditong pito.

Pilit ko nalang na hindi pinapansin sina Macy at Dylan na nasa harap kong kumakain kaya lang hindi ko talaga maiwasan!

"Tikim ako?" sabi ni Macy kay Dylan at itinuturo yung siomai na nakatusok sa tinidor ni Dylan.

"Kuha ka nalang." sabi naman ni Dylan.

"Yan ng nasa tinidor mo, subo mo sa akin." sabi naman ni Macy kaya wala na ding nagawa si Dylan kundi ang sundin si Macy.

"Masyado siyang trying hard na gawing sweet sa kaniya kapatid ko." inis na sabi ni Julia na nasa tabi ko.

Hays.

Nakakawalang-gana naman silang kasabay kumain.

Iinom nalang sana ako ng tubig nang makitang ubos na pala yung isang baso ng tubig na kinuha ko.

Ano ba yan? Nakakatamad naman tumayo para kumu—

"Eto nalang, Magi."

"Here."

Sabay na sabi nina Eli at Dylan sa akin habang inaabot ang tig isang baso ng tubig nila.

Eto na naman ba?

"Thank you, Dion." singit ni Macy at siya na ang kumuha ng tubig ni Dylan at ininom yun.

Kaya ayun, yung kay Eli ang napunta sa akin.

"Umagang-umaga eh pinapatawa mo naman ako agad, Mary Cyril. Nakakatawa na 'yang kabobohan mo sa totoo lang.

Excuse me ha? Kapag hindi ikaw ang inaalok, wag mong kukuhanin basta!" giit ni Julia pero inirapan lang siya ni Macy.

"Putanginang irap yan, akala ko tumitirik na mata mo. Sayang hindi natuloy.. Minsan talaga lalasunin na kita para mangisay ka na talaga dyan." sabi naman ni Delancy.

"Sabi ko na sayo, Dion eh. Hindi talaga magandang idea na dito tayo makiupo. Hanggang ngayon kasi, insecure pa din sa akin 'yang mga kaibigan ni Magi eh."

"Nako naman, mukhang yung utak mo teh nilalagnat. Tama bang sabihan kami na insecure sayo eh ano naman kainggit-inggit sayo? 'Yang kabobohan mo? Nako girl, wag ka ng mangarap pa. Hindi namin aagawin sayo yung title mong PINAKABOBO SA PILIPINAS." nakangising sabi naman ni Julia.

"Kumalma ka, Julia. Palamig ka muna." singit naman ni Israel saka inabutan si Julia ng yelo.

Putek.

"Anong gusto mong gawin ko dito sa yelo?! Ipukpok ko dyan sa ulo mo?!"

"Ngatain mo daw." sabi naman ni Delancy.

Aysh.

Pagkatapos kumain eh hindi na ko magugulat kung bakit nag-iingay na sila.

Hindi ko nalang sila pinansin pa at nagpatuloy sa kinakain ko nang agawin ni Eli ang atensyon ko.

"Wag ka malikot." aniya saka dahan-dahang nilapit ang mukha niya sa akin.

Shit.

Hahalikan ba niya ako?

Kakahiya naman, kumain pa naman ako ng tokneneng.

Mamaya sabihin niya, amoy itlog hininga ko!

Pero nagkamali ako..

Pinunasan niya kasi ang gilid ng labi ko na may kaunting dumi.

Siguro dahil sa pagmamadali ko kumain eh hindi ko namalayang may dumi na pala ako sa gilid ng labi.

"Edi kayo na sweet! Ayieeeeee. MaLi shipper here!" kinikilig na sabi naman ni Delancy.

Pft.

"Team Dy—" agad ko namang sinubuan ng biscuit si Julia.

Taena.

Napakadaldal.

Kitang nandito pa si Macy eh!

"Bakit kasi ang kalat mo kumain, Magi?" gulat akong napatingin nang magsalita si Dylan.

Luh?

Bakit nakaramdam ako ng kakaibang kaba nang magsalita siya?

-

Pagkatapos naming kumain sa cafeteria ay bumalik na din kami sa classroom.

Sumabay na sa amin si Dylan habang si Macy ay sa kabilang direksyon gumawi since hindi naman namin siya kaklase..

Dalawang sunod na subject ang haharapin namin after nitong break time.

Una sa listahan ang Filipinolohiya namin which is reporting ng bawat groups.

Actually five groups lang pala ang makakapagreport ngayon kasi kukulangin ang three hours namin kung sampong grupo ang magrereport idagdag mo pa na sa kalagitnaan ng reporting eh pasingit-singit 'tong si sir Aaron.

Ang dami kasing chika eh.

Hindi nalang ako nakinig sa reporting kasi tinatamad akong makinig kaya napangalumbaba lang ako dito at pasimpleng natulog.

Nagising lang ako nang may magbato sa akin ng nilukot na papel.

Kahit natutulog, ang ganda mo pa din.

(Insert: Sketch ko habang natutulog)

- Eli

Pft.

Ang cute ko naman sa drawing ni Eli.. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti kasi ang effort ni Eli na idrawing ako.

Nahinto lang ako sa pagngiti nang may bumato na naman sa akin ng papel.

Mas maganda drawing ko kay Eli!

(Insert: Sketch ko na stick man lang habang nakapalumbaba)

Punyeta!

Ito ba yung pinagmamalaki niyang artwork?! Stick man? Gago talaga amputa!

Ako kahit hindi ako magaling magdrawing eh may karapatan naman siguro akong mamintas ng drawing lalo na kung panget naman talaga diba?

AT AMPANGET NG DRAWING NI DYLAN!

Inis kong nilukot yun at akmang ibabato sa kaniya nang magsalita si sir Aaron.

"Gusto niyong batuhin ko kayo dyan ng marker?"

Dahil sa sinabi niya ay napabalik ako sa upuan ko.

Shems.

Nadala lang naman ako ng inis kaya ganun eh.

Kaya imbes na matulog eh napilitan tuloy ako makinig. Syempre, pinagalitan ako eh kaya kailangan magpakaplastik muna ako ngayon.

Matapos ng reporting ng five groups eh nag short quiz kami about sa mga diniscuss and then after nun eh dinismiss na kami sa klase.

"Guys, nagtext sa akin si sir Peter. Hindi daw siya papasok sa klase ngayon kaya pwede na umuwi." announce ni Mariz.

Sus, si Peter talaga. Magyoyosi lang yan sa labas eh.

Sabay-sabay na kaming lumabas nina Julia at pagkarating sa parking ay nagpaalam na din kami sa isa't isa.

Hindi naman siguro halatang uwing-uwi na kami noh?

Habang nagdadrive pauwi eh biglang umulan pa ng malakas. Kita ko nga na sobrang dilim ng kalangitan kaya feeling ko may ilalakas pa 'tong ulan kaya binilisan ko na magdrive pauwi.

Pagkapasok ko sa bahay eh nadatnan ko si mommy at Macy sa sala na mukhang may seryosong pinag-uusapan.

"Ang alam ko si Magi talaga ang may hawak ng flash drive mo kahapon eh kaya baka siya alam niya po." sabi ni Macy.

Shit.

Bakit nadamay na naman ang pangalan ko?

Sakto namang pagkapasok ko eh nakita ako ni mommy kaya pinalapit niya ako dun.

"Nasaan ang flash drive ko, Magi?"

"Hindi ko po—"

"Para sure po mommy, hanapin natin sa bag niya." sabi ni Macy saka sapilitang kinuha sa akin ang nakasukbit kong bag sa balikat.

Edi go, kalkalin niyo!

Kinalkal naman ni Macy ang bag ko at nagulat ako nang may ipakita siyang flash drive na hati sa gitna?

Shit.

"Hala mommy, hindi ko sinira yun! Hindi ko nga alam kung paano—" naputol ako sa sasabihin nang sampalin ako ni mommy ng malakas.

"Lahat nalang ba hindi mo alam?! Lahat nalang hindi mo ginawa?! Magsisinungaling ka pa ba ngayon, Magi? Eh nandito na sa harap yung ebidensya?!

Punyeta naman oh! Dyan sa flash drive na sinira mo nakalagay lahat ng importanteng files ko! Ano bang pumasok sa kokote mo at sinira mo yun?! Umandar na naman ba yang kagagahan mo?!

PUTANGINA!

BAGO PA MAGDILIM ANG PANINGIN KO SAYO MAGI, LUMAYAS KA DITO! LUMAYAS KA DITO SA PAMAMAHAY KO NGAYON DIN! WAG KA MUNANG MAGPAPAKITA SA AKIN AT BAKA HINDI KO MAPIGILAN ANG SARILI KO NA SAKTAN KA ULIT!

LUMAYAS KA!" sabi ni mommy saka nagmamadaling umakyat sa taas.

"Hay, Magi." sabi naman ni Macy na nakangisi sa akin at iiling-iling saka umalis na din.

Shit.

Ano ng gagawin ko?

"Ayan gamit mo!" sabi ni mommy saka initsa yung maleta at yung isang bag na malaki sa akin.

"CORA!" sigaw pa ni mommy at dali-daling lumabas si nay Cora sa kusina. "SIGURADUHIN MO LANG NA MAKAKAALIS YANG BATA NA YAN DITO! KAPAG YAN NAKITA KO PA BUKAS DITO, PATI IKAW MAWAWALAN NG TRABAHO! MALIWANAG?!"

"O-opo."

Matapos nun ay bumalik na sa taas si mommy.

Naiiyak man pero pinulot ko ang maletang hinagis niya at ang bag na may lamang mga gamit ko.

Tinulungan naman ako ni nay Cora na   bitbitin yun palabas.

"Saan ka na nyan tutuloy?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Okay lang ako, nay Cora. Kaya ko na ang sarili ko." sabi ko saka mapait na ngumiti at lumabas na ng bahay.

Hindi ko alintana na umuulan nga pala pero hindi na bale, mas gumagaan ang pakiramdam ko habang napapatakan ako ng ulan.

Atleast hindi halatang umiiyak ako ngayon.

Saan na ba ko nito pupulutin?

Pagkalabas ko ng gate ng bahay eh agad akong humarap sa kabuuan ng bahay..

Makakabalik pa ba ko dito?