Nakakatuwa lang na lahat ng mga kaklase ko ay kinuntsaba pa nina Eli at Dylan para lang magawa itong surprise harana nila sa akin.
Pati nga adviser namin na si mam Torres eh kasabwat dito!
Putek! Gusto kong kiligin!
"Na appreciate ko ng sobra 'to, salamat sa inyo, Eli at Dylan.. Pati sa inyong lahat!" natutuwang sabi ko.
Shit.
Ang hirap namang tanggalin nitong ngiti sa labi ko. Nakakainis!
"Anything for you, Magi." sabi ni Eli kaya naman hindi ko na naman maiwasang kiligin ng bongga dito.
"Basta para sayo, Magi." sabi naman ni Dylan.
Nagkusa naman ang mata ko na irapan siya.
"Tinagalog mo lang yung sinabi ni Eli eh! Wala ka talagang originality noh?!" inis kong sabi sa kaniya.
"Ano naman kung tinagalog ko? Atleast magkaiba naman ang tunog nun sa pandinig!"
"Kahit na ba! Plagiarism is a crime! Kahit kailan ka talaga noh? Mayabang, babaero, tapos ngayon nangongopya ka na ng lines dyan? Akala mo naman kikiligin ako sayo kapag kinopya mo yung lines ni Eli! UTOT! ASA KA PA!"
"Yan ang hirap sayo, Magi. Ginagawa ko na lahat para kiligin ka, ikaw lang 'tong ayaw! Napaka maldita mo! Natatakot tuloy akong anakan ka—"
"At sino naman nagsabi sayong magpapaanak ako sayo ha?! Excuse me?! Ayokong magkaanak ng panget noh at saka mamaya lumaki pang mahangin yung anak ko kasi ikaw ang ama! No way!"
"Wala naman akong nakakahawang sakit, Magi. Bakit ka ganyan sa akin? Bakit napakasama ng ugali mo sa akin? Nagseselos na talaga ako kay Eli kasi sa kaniya sweet ka lagi—"
"Magselos ka magdamag! Wala akong pakialam!"
"Nako kunwari ka pang walang pakialam sa akin! Sa gwapo kong 'to, matitiis mo ako—"
"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo!"
"Kinikilig nga ako eh kasi—"
"MGA WALA NA BA KAYONG HIYA?! NANDITO SI MAM TORRES TAPOS DITO PA KAYO NAG-AAWAY?!" inis na sabi ni Julia saka hinatak ako palayo kay Dylan. "Para kayong mga aso't pusa eh!"
"Si Magi kasi—"
"Hihirit ka pa eh! Sinabi kong tumahimik na diba?! Bakit ba hindi mapakali 'yang dila mo ha?!" inis na sabi ni Julia kay Dylan.
Hays.
"Ayusin niyo na ang mga upuan at pagbalik ko, nakaayos na kayo ha?" sabi ni mam Torres saka humarap sa gawi namin. "Wag na kayo mag-away ha? Imbes na mainis kasi ako sa inyo na pinapanood kayo mag-away eh kinikilig pa ako kaya tigilan niyo 'yan!" natatawa niyang dagdag.
Luh?
Ano naman kayang nakakakilig sa pag-aaway namin ng mahanging Dylan na yun?
Hindi ko nalang pinansin pa ang sinabi ni mam Torres at tinulungan na ang mga kaklase kong ibalik sa dating ayos ang mga upuan.
Sina Warren at Alec naman ay umalis na din ng room namin at babalik na sa room nila kasi nga diba hindi naman namin sila kaklase..
"Ano namang say mo sa surprise namin sayo, Margaret?" tanong ni Julia nang makaupo kami sa mga upuan namin.
Napakachismosa talaga.
"Una sa lahat, halata ko agad na may binabalak talaga kayo eh kasi dun palang sa paglitaw mo nung magkausap kami ni Dylan eh alam ko na agad. Masyado ka kasing obvious eh."
Inirapan lang ako ng gaga.
Tusukin ko kaya mata niya?
"So sa tingin mo, nasagot mo yung tanong ko?"
Luh? Ang taray naman ng ate niyong si Julia. Hindi na mabiro.
Pft.
"Ikalma mo 'yang dila mo, halatang hindi makapaghintay sa chismis." singit ni Delancy.
HAHAHAHAHAHAHA.
Oo nga naman!
"Ang tino kasing sumagot nitong si Magi eh, mas lalong pinag-iinit ang ulo ko. Konting-konti nalang masasapak ko na 'to."
"Wow naman, Julia. Baka tinatanggalan kita dyan ng collar bone?"
"Tama na nga satsat! Sagutin mo nalang yung tanong ko okay? Dami pang sinasabi eh!" inis niyang sabi.
Pft.
Takot lang 'tong matanggalan ng collar bone kasi eka wala na siyang pa collar bone kung nagkataon sa mga selfie pictures niya.
"Ayun nga, gaya ng sinabi ko kanina.. Nag enjoy ako sa surprise niyo na 'to at na appreciate ko."
At sincere ako sa pagkakasabi ko nun. Dahil totoo naman na na enjoy ko at the same time eh na appreciate at kinilig ako sa ginawa nung dalawa.
Kahit may kaunti silang pag-aaway sa una eh atleast nagawa nila ng maayos yung surpresa nila.
Nakakakilig talaga, ano ba yan!
"Hindi nga halatang kilig na kilig ka dyan eh." sabi naman ni Delancy at lintek lang! Nakakaasar siya kung makangiti ha!
"Magtigil ka nga dyan, Delancy. Inggit lang yan." natatawang sabi ko sa kaniya.
Palibhasa hindi pa kasi siya naliligawan.
Si Delancy kasi yung tipo ng tao na kapag hindi niya crush ang nanliligaw sa kaniya eh binabasted niya agad.
Oo, kahit gaganyan-ganyan si Delancy eh may mga nagtatangkang manligaw pa din sa kanya noh? Bakit naman kasi hindi? Eh maganda naman 'tong si Delancy..
"Inggit lang 'yang si Delancy palibhasa sa ating tatlo, siya nalang ang walang love life." sabi naman ni Julia.
Napakamaldita.
"Ipinagmamalaki mo bang love life 'yang pakikipaglandian mo? Okay ka lang ba, Julia? Eh wala namang love dyan sa pakikipag MU lang! Duh?"
Natawa naman ako sa ginawang pag-ikot ng mata ni Delancy.
Pft.
Bagay din pala sa kaniya ang maging mataray kung minsan.
"Anong duh-duh-duh?! Daganan kita dyan eh!" inis na sabi ni Julia. "Atleast nga ako may ka i love you-han kahit walang label eh ikaw? Kamusta naman ang napaka boring mong buhay? Kaya mo pa ba? Sabihin mo lang kung hindi na ha? Para naman mapainom na kita ng lason!"
"Atleast ako wala ngang jowa or ka MU pero atleast hindi ako nasasaktan hindi kagaya nung iba dyan na maka-makalawa eh umiiyak." sabi naman ni Delancy saka inabot yung bote ng tubig na nasa arm chair niya. "Oh eto, inom ka tubig. Baka kasi kulang na sa tubig 'yang katawan mo sa kakaiyak—"
"Manahimik ka! Hindi ko kailangan ng tubig mo! Mamaya eh mas madumi pa sayo yan eh! Kadiri."
Natatawa nalang ako sa dalawang 'to. Para silang kami ni Dylan eh, hindi napapagod mag-away.
Kami naman ni Dylan.. Hmmm? Bakit nga ba kami nag-aaway madalas?
Actually wala din akong idea, basta tuwing nakakausap ko siya eh biglang nag-iinit ang ulo ko kaya siguro ganun?
Hays.
"Si Snow, nakalimutan mo ng kunin kay Israel." sabi ni Eli at ikinagulat ko talaga ang bigla niyang paglapit.
Ay shit.
Nakalimutan ko na nga si Snow. Nakakahiya tuloy kay Eli.
Agad kong kinuha sa kaniya si Snow at ipinatong ito sa hita ko. Nahiga naman siya dito at mahimbing na natulog.
So cuteeee.
"Ang cute nung pusa noh?" sabi ni Delancy saka sinilip ang pusa na nakahiga sa pagitan ng hita ko. "Kasing cute nung nagbigay." dagdag niya pa.
Pft.
"Kumalma ka, Delancy. Baka mamaya isipin kong may gusto ka niyan kay Eli." sabi naman ni Julia.
Hindi yata sila aware na nandito pa sa tabi ko si Eli at hindi pa umaalis.
"Sinabihan lang na cute, may gusto agad?! Iba talaga takbo ng utak mo noh?! Palibhasa ikaw nag I love you lang sayo 'yang ka MU mo, hulog ka agad!"
At heto na naman sila, sa ka MU na naman ni Julia napunta.
"Paki—"
"Dinig na dinig ko bunganga mo mula sa upuan ko, Julia!" reklamo ni Dylan at pati siya lumapit na din sa upuan ko.
Ngayon ay magkatabi na sila ni Eli na nakatayo sa tabi ng upuan ko.
"Malamang maririnig mo! May tenga ka eh!"
"At kailan ka pa naging pilosopo?!"
"Siraulo! Common sense ang tawag dun! Palibhasa ikaw pinagkaitan ka nun kaya ayan, mas lalong nakikita kung gaano ka kabobo. Pero dahil kapatid kita, team Dylan pa din ako."
"Nilalaglag mo naman ako kay Magi! Wala ka talagang kwenta!" inis niyang sabi kay Julia saka bahagyang hinawi si Eli at humarap sa akin. "Wag mo nalang pansinin si Julia ha? Hindi kasi 'yan pinapansin sa bahay kaya dito nagpapapansin—"
"Napakaka—"
"Manahimik ka." pagputol ni Dylan sa sasabihin ni Julia. "Gusto ko lang sabihin na ang mahal ng bili ko dyan sa rose na binigay ko. Hindi 'yan kasing cheap ng kay Eli kaya ilagay mo sa vase yan ha?"
Ay waw.
Hindi na talaga matanggal ang kayabangan niya sa katawan..
"Yumayabang ka na naman." inis kong sabi sa kaniya.
"Bakit ba ang laki ng galit mo sa akin, Magi? Bakit ka ba laging nagagalit eh wala namang mali sa sinasabi ko?! NAPAKA UNFAIR MO! DAPAT NGA MAS SWEET KA SA AKIN KASI MAS GWAPO NAMAN AKO KAY ELIAS EH!!"
At eto na nga yata at magsisimula na ang world war II.
Iniinis na naman niya ako.
"WAG KA NA MAGTAKA KUNG BAKIT INIS NA INIS AKO SAYO! ANG YABANG YABANG MO KASI! PWEDE BA DYLAN? BAWAS BAWASAN MO 'YANG KAYABANGAN MO SA KATAWAN! BAKA SAKALING MAGING SWEET NGA AKO SAYO!"
"ANONG MAYABANG SA SINASABI KO HA? TOTOO NAMANG MAHAL ANG BILI KO DUN SA ROSE! AT TOTOO DING MAS GWAPO AKO KAY ELI!"
"HALIKA NGA DITO AT TANGGALIN KO HANGIN SA UTAK MO! LINTEK NA YAN! NASOBRAHAN KA YATA SA DEXTROSE NUNG BATA!"
"ALAM MO MAGI? BAKIT BA HINDI MO MATANGGAP NA GWAPO AKO? BAKIT HINDI KA NALANG SUMANG-AYON HA? ANG DAMI-DAMING NAGKAKAGUSTO SA AKING BABAE! SAPAT NG DAHILAN YUN PARA MANIWALA KA DAPAT NA GWAPO AKO—"
"NAKOOOOO! JULIA AT DELANCY! PIGILAN NIYO SANA AKONG KUMUHA NG KUTSILYO SA CAFETERIA AT BAKA MAY MASAKSAK AKONG MAYABANG DITO NG HINDI ORAS!"
"NGAYON NAMAN MANANAKSAK KA? ALAM MO MAGI NAGIGING MAPANAKIT KA NA—"
"Ano na namang nangyayari?" sabi ni mam Torres na kakapasok lang ng room.
Shit.
Naabutan na naman niya kaming nag-aaway dito.
"Pag-alis ko LQ kayo tapos hanggang ngayon ba namang pagbalik ko eh LQ pa din kayo?"
"Quarrel lang mam, hindi sila lovers." pagkontra sa kaniya ni Eli na kasalukuyang bumabalik sa mga upuan nila.
"Oo nga pala, nagseselos ka naman agad Eli eh." natatawang sabi ni mam Torres.
Buti nalang in good mood siya ngayon!
"By the way.." aniya saka inilapag ang hawak niyang bag sa lamesa. "Since napag-usapan na natin kahapon yung tungkol sa mangyayari sa org week na magaganap.. Ahh, Mariz? Nalista mo na mga sasali sa contests at ball games?" tanong ni mam Torres kay Mariz.
"Yes, mam." sabi ni Mariz saka pumunta sa harap at babasahin yung listahan na hawak niya. "Sa spelling bee si Julia. Teaching demo naman ay si ate Joy.. Sa ML Tournament naman, sina Eli, Israel, at Troy. Sa essay writing si Delancy. Extempo si Magi at sa chess si Dylan.
Sa basketball, sina JM, Benedict, Dylan, Eli at Israel. Sa volleyball naman, si Magi, Julia, Mica, Krystal, Justine at Lauren.
Yun lang po, mam. Complete na po."
"Okay. Since complete na ang listahan eh dako na tayo sa pageant na kinukwento ko sa inyo kahapon..
Now is the time na pumili kung sino ang ilalaban natin sa MUTYA NG WINSTON 2020. Kagaya ng ibang pageants; it includes rampa, talent portion and of course, the Q&A.
Any suggestion sino ang gusto niyong ilaban?"
"Si Magi, mam!" suggestion ni Danica.
Putspa!
Ako agad nakita.
"Hindi pwedeng si Magi ang ipanlaban natin dahil officers already assigned Magi sa intermission number ng pageant; actually silang dalawa ni Eli.
Nag viral kasi 'yung cover niyong dalawa ng Sad Song sa youtube that's why they want you, both, na magperform sa pageant na 'yun."
Shit?
Nagtrending yung cover namin ni Eli? Hala? Nakakaproud naman.
"Kailan niyo yun ginawa?" tanong ni Julia.
"Hindi mo man lang kami kinwentuhan about dun. Magugulat kami ngayon na sikat na pala kayong dalawa ng manok ko!" sabi naman ni Delancy.
Napakachichismosa!
Hindi ko nalang sila pinansin at nagtaas ng kamay.
"Si Delancy nalang, mam. Since hindi siya sumali sa volleyball, mag pageant nalang siya diba? Saka I'm sure kayang-kaya yun ni Delancy." sabi ko.
Kita ko namang sinamaan ako ng tingin ni Delancy.
"Mariz! Sasali na pala ako sa volley—"
"Nako, beh! Hindi na pwede, ubos na ang slot."
Buti nga.
"Mam, yung iba nalang—"
"Agree kami, mam! Si Delancy nalang!"
"Go for Delancy na."
"Kaya yan ni Delancy. Matalino naman siya, mam."
"Support!"
"Wag ka nang umangal pa iha, lahat na sila eh boto na sayo." sabi ni mam Torres at halata namang dismayado itong kaibigan ko.
"Kaya mo 'yan, Delancy." pagpapalakas ko sa loob niya.
"Ang kapal ng mukha ni Magi noh? Pagkatapos kang ipagkanulo at gawing rep natin tas magsasabi siya ng ganyan? Kung ako sayo Delancy, kanina ko pa sinikmuraan yan—"
Tinampal ko siya dahilan para matigil siya sa pagsasalita.
Boy gatong talaga.
"Isasuggest ko bang rep si Delancy kung alam ko naman na mapapahiya lang siya? Sira din ulo mo eh, magkapatid nga kayo ni Dylan!" inis kong sabi kay Julia saka tinignan si Delancy. "Wag sana sasama ang loob mo ha? Ginawa ko lang naman yun para naman maging memorable sayo ang org week natin. Saka susuportahan ka naman namin. Kaming bahala sayo. Alam kong kaya mo 'yan."
"Hindi naman masama ang loob ko, Magi. Actually, kinakabahan lang ako kasi baka mapahiya ako? Baka matapilok ako sa pagrampa? Baka mali yung maisagot ko? Baka pumalpak ako sa talent portion ko at—"
"Wag mo kasing isipin na may magagawa kang mali. Ang isipin mo, si Warren! Papanoorin ka niya sa araw na yun kaya dapat galingan mo!" sabi naman ni Julia.
"May point si Julia.. Gawin mong motivation si Warren para galingan mo sa pageant at syempre dapat gawin mo ding motivation ang sarili mo para magawa mo ang best mo.
At saka hindi mo naman kailangang manalo.. Basta gawin mo lang best mo, sapat na yun.
Saka isa pa, hindi maiiwasang magkamali ng isang tao kaya wag mong isiping problema yan dahil normal lang 'yan. Ang isipin mo, kaya mong mairaos ang pageant na yun nang maayos at tama."
"Ang haba ng speech mo, Magi. Nahiya si mam Torres sayo kaya lumabas na." singit ni Julia.
Hays.
Kurutin ko kaya 'to sa singit?!
"Manahimik ka!"
"Anong sabi mo—"
"Ang tutuli tinatanggal hindi dinidisplay, okay?" sabi ko saka tumayo na sa upuan ko.
Nang biglang..
May humablot sa bag ko?!
"Gusto mo na naman ba ng away ha?!" inis kong sabi kay Dylan.
Napakapapansin.
"Naglalambing lang eh." aniya saka inabot ang bag ko. "See you when I see you, asawa ko." dagdag pa niya at patakbong lumabas ng room.
Tsk.
Isinukbit ko na ang bag ko sa balikat ko saka kinuha si Snow sa upuan at kinarga.
Grabe.
Ang gaan niya palibhasa maliit pa siya kaya ganon.
"Ang aga naman tayong idismiss ngayon ni mam Torres. Tignan niyo mag a-alas dos pa lang!" inis na sabi ni Julia habang naglalakad kami pababa ng hagdanan..
Sus.
Ayaw lang niyang umuwi ng maaga eh.
"Nagugutom ako." sabi naman ni Delancy at saktong nakakababa kami ng hagdan ay may nadaanan kaming mga estudyante na may hawak na milk tea—
Shit.
"Milk tea!?" sabi ko at humarap sa dalawa. "Tara milk tea!" sabi ko saka sila dali-daling hinatak palabas ng campus hanggang sa..
Nandito na kami!
Sa kopi ave!
Naalala ko kasi na nung huling kain namin dito eh bumili ako ng milk tea and as in ang sarap talaga kaya sabi ko babalik ulit kako ako para bumili kaya lang ngayon lang kami nagkaoras na bumalik.
Sakto naman kasi nagugutom si Delancy edi pwede siyang kumain dito! Kasi kainan din naman 'to tapos may mga pa room sila. Kaso nirerentahan yun eh saka may quota sila kung ilan lang ang pwedeng pumasok at magrent dun..
Alam ko kailangan minimum of four person at maximum of ten persons.
May hello kitty room tapos yung dalawa naman parang pang formal meeting na room, ganern.
Teka, tama na ang daldal.
Umorder na kami ni Julia ng milk tea habang si Delancy naman ay ang inorder ay chicken ala king.
"Gara kabahan ni Delancy, napapalakas kain." asar ni Julia kay Delancy na abalang kumakain na.
Paborito talagang asarin nito si Delancy eh.
"Kung naiinggit ka, umorder ka." sabi naman ni Delancy at hindi na nag-abalang tapunan ng tingin si Julia.
Paano ba naman kasi eh busy siya sa kinakain niya..
"Saka ano namang masama sa kabahan? Eh first pageant ko yun na sasalihan kaya natural lang na kakabahan ako! Hindi mo naman kasi kasing kapal ang mukha ko!" dagdag pa nito.
Pft.
Ayaw patalo.
"Kumalma ka, kain ka lang dyan. Baka mabulunan ka sige ka, hinding-hindi kita aabutan ng tubig." sabi naman ni Julia na hindi ko na ikinagulat.
Salbahe naman kasi talaga yan kahit na kailan.
"Basta lagi mong tatandaan; Always do your best and God will do the rest. Hindi ka namin pinepressure na manalo kasi una sa lahat, hindi mo kailangang manalo.
Oo nga't contest 'yang sinalihan mo at ang mindset natin kapag sumasali sa mga ganyang contest is kailangan manalo tayo. Kaya tayo lumalaban eh para sa tropeyo pero syempre sa lahat ng contest, sa lahat ng competition, kailangan matuto tayong tumanggap ng pagkatalo kasi hindi naman lahat kaya nating ipanalo diba?
Basta alam naming ginawa mo best mo, okay na yun samin. Wag kang mapressure na manalo, kasi kahit matalo ka man eh suportado ka naming mga kaklase mo."
Tinanguan niya naman ako bilang sagot kasi hanggang ngayon eh namumuwalan ang bibig niya.
"Uwian na, nag SONA na si Magi eh." natatawang sabi naman ni Julia. "Ganyan pala kapag lumalablayp noh? Nagiging madaldal, nagiging magaling mag advice.."
"Palibhasa hindi mo yan maranasan kasi puro ka landi lang!" sabi naman ni Delancy na ngayon ay tapos na sa kinakain niya.
Ambilis niya matapos ah?
"Magtigil ka nga! Baka ipalunok ko sayo 'yang pinagkainan mong plato?"
"Hugasan mo muna, baka may germs ehh." pagsakay ni Delancy sa sinabi ni Julia.
Hays.
Mga gaga.
Matapos din kumain ni Delancy at makapagbayad ay lumabas na kaming Kopi Ave at bumalik na sa campus.
Malamang at kailangan naming bumalik dun dahil nandon nakaparada ang mga sasakyan namin ehh.
At oo, nilakad lang namin itong Kopi Ave kasi malapit lang naman 'to sa campus kaya no need na magsayang pa ng gas noh!
(PUPians from SMB can relate only.)
Nang papunta na kami sa pinaradahan ng sasakyan namin ay nakasalubong namin si Macy.
Oo, siya lang mag-isa since newbie lang siya dito kaya wala pa siyang gaanong kakilala at kaclose.
Nang makalapit kami sa kinaroroonan niya ay agad niya akong hinatak palayo kina Julia at Delancy.
Mukhang alam ko na ang patutunguhan ng usapan na 'to ah?
"Bakit ka ba sama ng sama dyan sa mga tropa mong mabibisyo? Kailangan ba paulit-ulit ka naming pagsabihan ni mommy na layuan mo sila?! Hindi ba nga bad influence sila sayo tapos pinipili mo pa ding makasama ang mga kagaya nila?!" galit na sabi sa akin ni Macy.
Ramdam ko yung mahigpit na paghawak niya sa palapulsuhan ko.
Ang sakit.
"Excuse me? Kami pa yung BAD INFLUENCE kay Magi? Naririnig mo ba ang sarili mo? O naiisip mo man lang ba 'yang mga sinasabi mo?
Kami pa yung bad influence kay Magi sa lagay na 'to? Hello girl?! Tara nga dito at alugin ko 'yang ulo mo kasi parang hindi na tumitibok 'yang utak mo eh.
Kami lang ang nagmalasakit kay Magi. Sa amin niya lang naranasan yung pagmamahal na hinahanap niya sa nanay niyo na sayo lang ibinibigay kaya ngayon mo sa akin sabihin na bad influence kami?! Hindot ka ba? Naturingan kang nag-aaral, hindi mo gamitin 'yang utak mo!" gigil na sabi ni Julia.
Sabi na eh, si Julia ang unang hihirit.
"Hindi ko alam ang sinasabi—"
"Malamang hindi mo alam, bobo ka kasi diba? Kawawa ka naman noh? Ipinanganak kang tanga, buti nalang si Magi kahit papaano may isip." sagot naman ni Delancy.
"Ang kakapal din ng mga mukha niyo na insultuhin ako? Hindi niyo ba ako nakikilala ha?! Ako lang naman ang isa sa mga sikat na naging model sa Italy! Sa susunod, kilalanin niyo kung sino ang binabangga niyo! Makapagsabi kayo ng bobo sa akin, akala niyo ang tatalino niyo!"
Natawa naman si Julia sa sinabi ni Macy habang si Delancy naman ay nanatiling seryoso ang mukha.
"Yan lang ba ang kaya mong ipagmalaki? Ang pagiging model? Kung sa bagay, ang pagiging model naman kahit wala kang utak, basta maganda ka eh qualified ka na, tama? Well, mukhang tama ka naman ng landas na pinili kasi maganda ka nga pero yung utak mo may ubo.
Nakakapagtaka nga kung bakit nandito ka ngayon at nag-aaral, eh hindi ka naman bagay dito, sis. Tandaan mo, walang bobong kagaya mo ang natututo. Sinasayang mo lang pera ng magulang mo para mag-aral kung sa dulo magiging bobo ka lang din.
Saka wag mong ipagyabang sa akin na SIKAT kang model sa Italy. Ano namang pake ko kung model ka? Ano? Para gawing panakot eka para hindi kita banggain? Gago ka ba? Hindi ka naman santo para katakutan ko."
Tangina ni Julia, nakikita kong paliyab na siya.
"Ganto ba talaga ang mga estudyante dito sa Winston? Mga walang respeto at panay mura at pambabastos lang ang alam? Well, kung bobo man ako sa paningin mo, anong tingin mo sa sarili mo? Kung makapagmura ka, parang wala kang pinag-aralan! Such a low class human!"
"Akala ko bobo ka lang, joker ka din pala? Naks naman, umaasenso.
Para sabihin ko sayo, bilang ikaw yung tipo ng estudyante na hindi marunong magsearch sa google, so eto ha? Makinig kang mabuti sa sasabihin ko dahil once na hindi mo ako maintindihan eh baka saniban ako dito ng demonyo at sagasaan ka.
Sabi sa google, low class person is a class of people below the middle class, having the lowest social rank or standing due to low income, lack of skills or education, and the like..
Isipin mo, mahal ang tuition dito sa Winston so paano ako makakapag-aral dito kung hindi kami mayaman? At isa pa, hindi ako kulang sa edukasyon, gusto mo lapagan pa tayo ng grades dito eh, kaso nga lang baka ikaw ang mapahiya imbes na ako.
Kaya ngayon mo sabihing low class ako? Ulitin mo pang sabihin yan, iuuntog ko na 'yang ulo mo sa kalsada. Napakalala na kasi ng pagiging bobo mo."
Ouch.
Tangina!
Napapahigpit lalo ang kapit sa akin ni Macy na halatang naiinis na talaga siya dito kay Julia.
"Ang dami mong sinasabi! Akala mo ba dahil sa mga sinabi mo eh mababago ang tingin ko sayo na lasinggera ka! Akala mo hindi ko alam na laman ka daw ng bar at napakalandi mo! Hindi ka marunong mapirme sa iisang t*te lang!"
Kita kong napairap nalang si Julia saka saglit tumawa.
*Meow*
Napatingin naman ako sa hawak kong si Snow na nagising sa pagkakatulog dahil siguro sa ingay nitong dalawa.
Buti nalang wala nang masyadong tao dito kundi baka maisyu pa kaming apat kung nagkataon.
"DAW? Ibig sabihin galing sa chismis? Well, hindi ko naman kokontrahin ang sinabi mo kasi tama ka naman ng nasagap na balita.
Oo, laman ako ng bar. Malandi ako at aminado ako dun. Proud pa nga ako na ipangalandakan yun. Wala naman kasi akong nakikitang mali sa pagpunta sa bar kasi ano bang mali sa pag-inom ng alak kung yun ang stress reliever ko diba?
Wala din akong nakikitang mali sa pagiging malandi ko as long as wala akong naaapektuhan na ibang tao at nasasaktan.
Yan ang hirap sayo sis, ang dami mong nakikitang mali sa ibang tao pero yung sarili mong pagkakamali eh hindi mo makita. Nagbubulag-bulagan ka sa mga kagagahan mo. Aware ka naman sa mga sinasabi ko diba? Itsura mo pa lang mukha ka ng hindi gagawa ng tama eh.
May narinig nga akong chismis na magaling ka daw bumaligtad ng kwento. Hindi na kita tatanungin kung totoo yun kasi mukhang hindi ka naman marunong magsabi ng totoo eh.
Saka pwede ba, kilalanin mo din ang babanggain mo. Sisuguraduhin kong pagsisisihan mo na banggain ako sa susunod, o maging sa mga kaibigan ko. Sinasabi ko sayo, baka pumanaw ka agad ng maaga kung hindi ka titigil.
Saka pwede ba? Mayaman naman kayo eh kaya umorder ka na ng utak sa Lazada. Kawawa ka naman kasi, pumapasok kang walang utak, ikaw lang ang bukod tangi na nakakagawa non."
Inis na tinignan ni Macy si Julia at akmang susugurin si Julia nang bigla siyang napatigil at napatingin sa likod niya..
"Dion!" sabi nito saka lumapit sa Dion na tinawag niya at hinila sa kinaroroonan namin. "Inaaway na naman ako ng kapatid mong maldita!" dagdag pa niya.
Teka?
Kapatid?!
"Ano bang—" natigil siya sa sasabihin nang magtama ang paningin namin.
Shit.
Napako din ang paningin niya sa akin at para bang ngayon niya lang ako nakita..
"Bakit ka ganyan makatingin sa kapatid ko?" tanong ni Macy dahilan para umiwas ako ng tingin sa kaniya.
Agad namang hinatak ni Macy ang braso ko at pinaharap sa kausap niya...
"Matagal ka na nga palang gustong makilala ng kapatid ko." sabi ni Macy. "Siya nga pala ang kapatid ko, si Magi." dagdag niya pa at tumingin saglit sa akin. "And Magi.. Meet my DION OF MY LIFE.." aniya na ang tinutukoy ay si..
Ay si Dylan..