Chereads / A Love To Last (DWEIYAH series #1) / Chapter 23 - CHAPTER 22

Chapter 23 - CHAPTER 22

Nakakagulat na magkakilala pala silang dalawa?

I mean hindi pa naman ako totally sure kung magkakilala talaga sila kasi magkausap lang naman sila eh.

Baka mamaya eh nagtatanong lang pala 'tong si Macy kay Dylan kung pwede humiram ng ballpen diba?

O pwede din namang napagtanungan lang pala ni Macy itong si Dylan para mag-excuse ng isa sa mga kaklase ko or baka ako?

O pwede ding magkakilala talaga sila? I mean, baka magkaibigan sila dati?

Kaya lang wala namang nababanggit sa akin si Julia na magkakilala si Dylan at ang kapatid ko.

Hindi kaya alam talaga yun ni Julia pero hindi niya lang sinabi sa akin?

Aysh!

Bakit ko ba kailangang pag-aksayahan ng oras na isipin kung nagkakilala na ba sila o hindi?

Ano namang pakialam ko diba?!

Kung sakali man na magkakilala sila, tingin ko naman wala naman na dapat sa akin yun eh pero bakit parang affected ako?

Bakit parang sa isip isip ko eh gusto kong malaman yung dahilan kung bakit at paano sila nagkakilala?!

GRRRRRRRRR!

Imbes na mabaliw ako kakaisip dito eh minabuti kong umuwi nalang tutal iniwan na din naman ako nung dalawa.

Mga leche sila!

Nagbanyo lang ako saglit, iniwan na ako!

Tignan niyo naman kung gaano katitino mga kaibigan ko diba?

Pero kahit ganyan sila, punyemas, mahal na mahal ko mga yan!

Nakasakay na akong kotse at imbes na sa direksyon pauwi ang tahakin ko eh ibang direksyon ang napuntahan ko..

Patungong bar..

May malapit naman na bar dito kaya hindi naman ako natagalan na makarating don.

Nagulat nga ako nang pagkapasok ko sa bar eh sina Warren at Israel agad ang nakita ko eh. Hindi naman na ako nagulat dahil mga laman talaga ng bar ang dalawang 'to.

Tsk tsk.

Tignan mo 'to si Israel, pagkatapos mag french fries, ngayon naman pa alak-alak na lang siya.

Yayamanin.

Kita ko namang kinawayan ako ni Warren nang makita ako kaya naman lumapit ako sa kanilang dalawa at nakiupo na din.

"Kinawayan lang kita, Magi. Hindi ko sinabing pumunta ka dito at makiupo. Nasaan ang hiya mong babae ka?!" sabi ni Warren na mukhang may tama na ng alak.

"Tumahimik ka nga dyan, Warren!" sabi sa kaniya ni Israel at hinampas ito sa braso. "Pagpasensyahan mo na 'tong si Warren. May saltik talaga 'yan kapag lasing eh."

"Kahit naman hindi lasing, may saltik yan." natatawa kong sabi. "Talagang nandito kayo lagi kapag uwian na?" hindi ko maiwasang itanong kay Israel.

"Once a week lang kami nagpupunta dito pero nung high school days namin, talagang araw-araw nandito kami."

"Dapat nga kasama namin si Dylan ngayon kaya lang nilandi mo eh." sabi naman ni Warren kaya hinampas na naman siya ni Israel sa braso.

Hmp!

Totoo naman sinabi niya eh.

"Walang mali sa sinabi ko, Israel! Kaya tigil-tigilan mo kakahampas sa akin at baka mapalunok ko 'tong bote sayo!"

"Gago ka kase, magdahan-dahan ka sa sinasabi--"

"Tama naman siya, Israel." pagputol ko sa sasabihin ni Israel.

Totoo naman na dahil sa akin kaya hindi na nila nakakabonding dito si Dylan.

Hays.

Hindi ko tuloy maiwasang maguilty.

"Nagbagong-buhay si Dylan hindi lang para sayo kundi para na din sa sarili niya at wala akong nakikitang mali dun. Sadyang napakaseloso lang nitong si Warren. Daig pa ang babae kung magselos eh!"

Pfft.

Nakakatawa naman 'tong si Israel. Mukhang tinatamaan na din siya ng pagkalasing HAHAHAHAHAHAHA.

"Alam mo namang kayo nalang ni Dylan ang kasundo ko pagdating sa pag-inom at pambababae tapos nabawasan pa ng isa. Tumiwalag pa si Dylan..

Feeling ko nanghina ako bigla! Penge pa nga ng isang bote dyan!" reklamo ni Warren kasi naubos na yung isang bote ng alak na hawak niya.

Agad ko namang inabot sa kaniya yung isang boteng may laman na alak.

"Nasaan na ulit ako?" aniya saka saglit pumikit. "Ah iyon! Bakit nga ba magkatunog ang sitaw at bataw?"

Sabay kaming natawa ni Israel sa sinabi niya.

Taeng Warren 'to, napakalala ng tagas.

"Tara na nga pre, baka malasing tayo dito at dito tayo abutin ng umaga."

"Hinde!" sabi ni Warren. "Kwentuhan muna tayo, nandito si Magi eh." aniya saka inabot sa akin ang isang baso at sinalinan ng alak yun. "Tagay ka muna."

Nag-aalangan naman ako kung iinumin ko yun kasi ba naman, tinunggaan niya na yung bote ng alak na pinansalin dito sa baso kaya nakakatakot inumin!

"Hindi yata umiinom si Magi. Wag mo na pilitin." sabi ni Israel saka kinuha sa akin yung baso na may laman na alak. "Maiba tayo ng usapan, so kamusta naman sina Dylan at Eli? May nakakalamang na ba sa kanilang dalawa?"

"Syempre si Dylan ang pipiliin n'yang si Magi, subukan niya lang na hindi, tignan mo iiyak 'yan ng alak."

Napangiwi naman ako sa sinabi ni Warren.

Tsk.

"Hindi ko din kasi alam yung sagot sa tanong mo." sagot ko kay Israel.

Sa totoo lang, maski ako ay naguguluhan. Ang hirap magdesisyon nalang bigla. Ang hirap mamili sa kanilang dalawa.

"Payo ko lang, Magi." sabi ni Warren kaya naman napatingin ako sa kaniya. "Kung nahihirapan kang mamili sa kanilang dalawa..

EDI PAGSABAYIN MO NALANG!"

Dahil sa sinabi niya ay pareho siyang nakatanggap ng hampas sa amin ni Israel.

Hays.

Ano ba naman kasing klaseng payo 'yan?

Kung sabagay, chick boy kasi ang nagpayo kaya dapat hindi na ako nagugulat sa mga sinasabi nitong si Warren.

"Alam mo, kung wala ka lang sasabihing matino pre eh manahimik ka nalang at uminom dyan! Kung nagkataong kasama natin si Yuwi eh baka kanina pa niya nabasag bungo mo." sabi ni Israel saka  humarap sa gawi ko. "Alam ko 'yang pakiramdam na 'yan, mahirap talagang mamili sa totoo lang. Alam mo naman, bilang ako ang FACE OF THE GROUP eh ako din ang pinakahabulin ng babae. Marami ngang mga babae ang nanlili--"

"Puro kahanginan na naman ang nilalabas ng bibig mo! Gusto mo bang tahiin ko yan pre!?"

"Diba sabi ko manahimik? Aba lintek kang aso ka, hindi ka na marunong sumunod sa amo mo ha??!"

"ALAM MO PRE ISANG MALAKING KASALANAN NA IKINUMPARA MO KO SA ASO! KAHIT MAGKAIBIGAN TAYO, HINDING HINDI AKO MAGDADALAWANG ISIP NA BASAGIN 'YANG ITLOG MO!"

"Hepppppp!" pagpigil ko dun sa dalawa dahil feeling ko ilang minuto na lang eh magsusuntukan na talaga sila eh.

"GUSTO MONG SUMALI?!" sabay nilang sabi sa akin.

Shit!

Agaw pansin na sila dito.

"Parang awa niyo na, maupo na kayo!" inis kong bulong sa kanila at mabuti nalang at naupo na din sila.

Si Warren ay bumalik na sa pag-inom habang kami naman ni Israel ay hindi pa sigurado kung makakapagkwentuhan pa.

"Mabalik tayo, okay seryoso na. Ako sa totoo lang, wala akong pinapanigan dun sa dalawa. I mean wala akong team team na ganyan kasi sa totoo lang, ayokong panigan yung isa tapos yung isa naman kapag hindi mo pinanigan eh baka magtampo diba?

So ayun nga, kaibigan ko silang dalawa at wala naman akong masasabing negative sa kanila para siraan.

Actually, tama naman ang sinabi ni mam Torres kanina na kahit sino naman sa kanila ang piliin mo eh sure akong magiging masaya ka. I mean, deserve nila pareho na sagutin mo sila pero syempre, isa lang ang magwawagi. At nasasayong desisyon na yun kung sino sa kanila ang pipiliin mo.

Mag-isip ka ng mabuti, Magi. Pero syempre, hindi lang dapat ang isip ang paganahin mo dahil sa mga gantong sitwasyon, mas kailangan mong pairalin ang puso mo. Kung sino sa kanila ang itinitibok ng puso mo, siya ang piliin mo.

Alam mo 'yan si Dylan, mas maharot pa yan sa amin ni Warren. Nabanggit ko naman sayo diba na napakaloko nyan at araw-araw nagpapalit ng jowa pero tignan mo ngayon, sayo lang nakatingin.

Tapos si Eli naman, napakasuplado niyan. Ayaw na ayaw niya dati na nakikipag-usap sa mga babae, basta masama timpla niya sa mga babae at alam mo bang torpe yan si Eli pero ngayon, tignan mo at confident na manligaw sayo at todo effort pa.

Kaya wag kang makakaramdam ng guilt, Magi kung ikaw man ang dahilan ng pagbabago nilang dalawa dahil nagbago sila to be a better person at hindi worst kaya nga dapat thankful kami sayo eh.

Wag mo nalang pansinin pa mga sinasabi ni Warren. Alam mo naman, matabil dila nyan. Pare-parehas sila nina Yuwi at Harris."

"Pasaludo na sana ako sayo, Israel kasi ang ganda ng speech mo eh kaso siniraan mo ako sa dulo. Wala ka talagang pagbait kahit kailan noh?" inis na sabi ni Warren na ngayon ay nakakaisang case na ng alak.

Jusko! Ang tindi uminom!

"Nga pala, hindi ko lang maiwasang itanong pero magkakilala pala sina Macy at Dylan? Kapatid ko kasi si Macy." sabi ko at kita ko naman sa mata ni Israel ang pagkagulat.

"Tingin ko, wala kami sa tamang posisyon para sabihin yung tungkol sa kanila. Pasensya na, Magi."

"Mag--" naputol sa sasabihin si Warren nang takpan ni Israel ang bibig nito.

"Wag ka ng dumaldal dyan!" inis na sabi ni Israel saka sapilitang itinayo si Warren. "Magi, patulong naman."

Agad akong lumapit sa kanila at inalalayan sa kabilang braso si Warren na ngayon ay lasing na lasing na.

Duda akong makakapasok pa 'to bukas.

"Okay na kami dito. Salamat, Magi. Ingat ka pauwi." paalam ni Israel at tinanguan ko nalang siya saka sila pinanood na makaalis na.

Umuwi na din ako pagkatapos dahil alas dyes na din pala ng gabi!

-

Badtrip na badtrip ako ngayong araw dahil alas nuebe na ako nakarating dito sa campus eh alas otso ang first class ko kaya naman siguradong nandun na sa room namin ang prof namin.

Badtrip naman kasi!

Dapat hindi ako nagbar para naman hindi ako napuyat at nalate ng gising!

Kasalanan 'to nina Warren at Israel eh!

Pero dahil ayokong magkaabsent ay nagbakasakali pa din ako na papapasukin ako ng prof namin eh saktong si mam Kams ang prof namin.

Pero di bale na, bahala na si darna!

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses at mayamaya lang eh binuksan na yun ni mam Kams.

"Sorry, I'm late--"

"You know that I'm not accepting late students." dahil sa sinabi niya ay napatango na lang ako at umalis na.

Hindi talaga kasi nagpapapasok ng late yun si mam Kams eh. Mahigpit siya sa attendance, hays!

Napakadaya nga na nakita kong nasa loob si Israel samantalang magkakasama kami sa bar kagabi!

Hays!

Paano nila nagagawang pumasok kahit puyat?!

Dumiretsyo muna akong cafeteria para dun muna pansamantalang tumambay dahil hindi naman ako pwede sa veranda dahil may mga nagpapractice ng sayaw..

Hindi din pwede sa kubo kasi may mga natutulog.

Hays.

Naupo ako sa isang bakanteng table dito sa cafeteria matapos makabili ng isang biscuit.

Hindi na kasi ako nakapag almusal sa sobra kong pagmamadali eh.

Binuksan ko na ang hawak kong hansel na plain na dose ang laman at akmang kukuha ng isa nang may bumangga sa braso ko dahilan para mahulog lahat ng laman nun sa sahig.

Punyemas naman!

Nahulog yun lahat dahil nilakihan ko ang pagkakabukas eh!

Agad akong yumuko para pulutin yun isa-isa nang may magsalita sa likod ko.

"Hala, sorry!" sabi ng boses na alam kong si Macy ang nagmamay-ari at saka pasimpleng sinipa yung mga tinapay para mahirapan ako sa pagpupulot.

Tsk, mga galawan niya basang-basa ko na!

Nang mapulot lahat yun ay tumayo ako at hinarap siya.

"Bakit wala ka sa klase?" tanong ko bilang pag-iiba ng usapan.

"Kung makapagtanong ka naman, Magi. Parang ikaw hindi ka din nag cutting ha?"

"Hindi ako nagcutting, Macy. Nalate ako ng pasok kaya hindi ako pinapasok ng prof ko."

"Whatever! Ganun din yun." sabi niya saka naupo sa table ko kaya naupo na lang din ako. "Ang cheap naman kasi ng university na pinasukan mo! Alam mo bang dapat sa Creston ako pero dahil nandito ka kaya dito ako inenroll ni mommy!

Hay, ang panget naman dito tapos sira pa ang aircon sa room namin!

Ang mamahal pa ng mga pagkain eh hindi naman masasarap!

Alam mo, sa Creston na lang tayo, Magi! Sabihin natin kay mommy mamaya?"

Napailing ako sa sinabi niya.

"Sorry, Macy. Hindi ako lilipat dahil nandito ang mga kaibigan ko."

"Mas pipiliin mo pa yung mga kaibigan mong bad influence naman?"

"Hindi mo pa kasi sila nakikilala kaya ganyan ka makapagsalita. Mahalaga sila sa akin kahit masama ang tingin niyo sa kanila ni mommy."

"Eh talaga namang mga bad influence sila sayo, Magi. Kaya nga pinapalayo ka na ni mommy sa kanila eh! Wag ka na makipagkaibigan sa mga haliparot mong kaibigan! Akala mo hindi ko kilala yang si Julia, jusko napakalandi niyan--"

"Wala ka sa lugar para pagsalitaan ng ganyan ang mga kaibigan ko. Alam mo kahit kapatid kita, hindi ko iiwasang magalit kapag ganyan mga sinasabi mo sa mga kaibigan ko. Buti nga sila totoo sa akin, eh ikaw? Kahit hindi mo sabihin, alam kong pinaplastik mo lang ako."

Pagkasabi ko nun ay iniwan ko na siya dun at wala na akong balak makipagplastikan sa kaniya gaya ng mga ginagawa ko noon.

Nakakapagod na, hindi ko na yata kayang tiisin pa ang pabago-bago niyang pag-uugali!

"Magi, wait!" aniya saka ako hinabol na palabas ng cafeteria. "Wag ka ng ganyan okay? May kukwento pa ako kaya tara muna dito!" aniya at hinatak ako papasok sa loob.

Tignan niyo? Napakamoody.

"Actually, ayoko na din palang umalis dito kasi alam mo ba, nagkita kami dito ni Dion ko!" excited niyang sabi. "Nagulat ako na dito siya nag-aaral pala kaya alam mo naman, bilang baliw na baliw ako kay Dion kaya stay nalang pala ako dito.

Alam mo naman diba na si Dion yung kauna-unahan kong naging boyfriend kaya naman bilang siya ang first love ko, hindi ko siya kayang bitawan na lang bigla. Kaya ngayon na nagkita kami ulit eh hindi ko na ito palalampasin pa."

Halos taon-taon niyang kinukwento sa akin si Dion kaya sanay na sanay na ang tenga ko. Ewan ko ba kung bakit kailangan niya pa yung paulit-ulitin sa akin?

Eh ano bang pakialam ko sa kanila ng Dion niya?!

Sayang nga at hindi ko pa nakikita yung Dion pero sabi naman ni Macy eh sobrang gwapo daw nun.

"Sana magkabalikan kayo." sabi ko nalang at nagpaalam na sa kaniya dahil baka tapos na ang klase namin kay mam Kams.

Paakyat na ako ng hagdan nang biglang may humatak sa akin.

Takte.

"Saan mo ba ako dadalhin??" inis kong sabi kay Dylan.

Bwiset naman!

"Dito lang naman." aniya at..

Nandito kami ngayon sa lobby?!

"Kung hindi ka ba naman gago noh?! Bakit nandito ako ha?! Ayoko magcutting, Dylan ha! Ikaw nalang mag-isa!" sabi ko at akmang aalis na nang hatakin niya ang braso ko.

"Ang kulit mo naman, Magi! Sabing dito ka lang eh! Ang kulit naman ng lahi mo!"

"Gago ka ba? Papasok--"

"Wala ngang prof kaya dito ka lang! Hindi ka pwedeng pumasok!"

"Bakit ba kasi ayaw mo akong papasukin?! May kababalaghan na naman ba kayong ginagawa dun ha kaya ayaw niyo--"

"Alam mo manahimik ka nalang, Magi. Bakit ba kasi pinaglihi ka sa microphone? Parehas kayo ng kapatid ko eh! Ang sasakit niyo sa tenga!"

"Wow naman! Ikaw kaya, bakit ka kaya pinaglihi sa encyclopedia ng mama mo noh? Napakakapal ng mukha mo eh! Gusto mo bang kiskisin ko ng pakiling 'yang mukha mo para naman numipis kahit konti?!"

"Hay nako, Magi. Kahit ganyang tatanga-tanga ka minsan eh gusto pa din kita." aniya saka ngumisi ng mapang-asar. "Natural naman kasi na makapal ang mga mukha ng tao. Bakit? Nakakita ka na ba ng tao na manipis ang mukha, sige nga?"

"Pinanganak ka bang walang common sense?! Naturingan kang nag-aaral pero ganyan ang pag-iisip mo!

Hay nako, sayang lang pera na pinampapaaral sayo ng mga magulang mo! Kung may nabibili lang na utak sa lazada, baka isang package pa binili ko para lang magkautak ka!"

Tinawanan niya lang ako.

"Siguro sa science ka bumagsak nung elementary at high school ka noh? Halatang wala kang alam sa parts of the body natin."

"Ang kapal ng mukha mo! Igaya mo pa ako sayo! Hello! Ikaw nga bumagsak sa GMRC eh!" sabi ko saka tinawanan siya.

Naalala ko kasi yung sinabi ni Julia nung nakaraan na kaya pala umulit itong si Dylan kasi bumagsak sa GMRC.

"Ibang GMRC kasi ang alam ko.." aniya saka huminto saglit. "I am willing to Give My heaRt to you Crush."

PUNYETAAAAA

Napaka corny talaga!

"Wow, bata pa lang malandi na."

"Marunong ka bang kiligin, Magi?! Bakit ba hindi mo magawang kiligin sa akin ha?! Ano pa bang kulang sa akin? Sige sabihin mo! Pupunan ko!"

"WALA! Hindi mo lang talaga deserve na kakiligan kasi NAPAKA CORNY MO!"

"Alam mo bang napakapanget ng ugali mo, Magi? Kay Eli kinikilig ka tapos pagdating sa akin, lagi kang naiinis at galit! Yung totoo, may topak ka talaga noh?!"

"Gusto mong bugbugin kita ha?!"

"DYAN NAMAN KAYO MAHUHUSAY EH! SA PANANAKIT! LAGI NIYO NALANG KAMING SINASAKTAN, MGA WALA KAYONG PUSO!"

"Ang drama mo, hindi bagay sayo! Mas lalo ka lang pumapangit sa paningi--"

"Sino yung kaaway ni Dylan?"

"Ewan ko? Baka jowa niya?"

"Ay, LQ? Sana mag break na sila."

"Hoy, gaga! Baka marinig ka."

Napagkamalan pa kaming mag jowa.

"Hindi kami magbebreak. Kahit nag-aaway kami, handa ko 'tong suyuin." aniya saka lumapit sa akin at umakbay. "Diba asawa ko?"

Siniko ko naman siya sa tagiliran dahilan para mapahiwalay siya sa akin.

Tsk.

"Uy, nandito ka pala, Magi!" sabi ni Julia at ewan ko kung namalikmata lang ba ako na nakita kong sumenyas si Julia kay Dylan na parang may ginagawa talaga silang kababalaghan sa classroom.

"Aalis na ako, kanina pa high blood sa akin 'tong misis ko eh." natatawang sabi pa niya bago tumakbo paalis sa lobby.

Kainis.

"Tara na sa room--"

"Kaya nga kita hinanap kasi magpapasama ako sayong bumili sa labas. Ay joke lang pala, magpapaload pala ako." aniya.

Hindi ko maiwasang paningkitan siya ng mata dahil amoy na amoy ko talaga na parang may something na basta!

So dahil mabait naman akong kaibigan ay sinamahan ko na siya sa labas at saktong paglabas namin ay naabutan namin sa may gate sina Yuwi, Alec, Warren at Harris.

"Manlilibre daw si Alec ngayon ng fishball kaya tara na!" na e-excite na sabi ni Julia at nauna na siyang magpunta dun sa nagtitinda ng street foods na pinagbilhan namin noon.

Ayokong maniwala sa mga nangyayari, I mean.. Ano namang pumasok sa isipan ni Alec at manlilibre siya ng fishball diba? Nakakapagtaka na parang biglaan naman?

Hindi ko nalang pinahalata ang pagdududa ko at nakisabay nalang sa kanila kumain at nakinig sa mga kwentuhan nila.

"Face of the group lang 'yang si Israel pero ako ang WWH!" sabi ni Harris sabay subo ng hawak niyang kwek-kwek.

"WWH?" usyoso ni Julia.

Ano ba yung WWH? May ganun pa siyang nalalaman!

"WORLDWIDE HANDSOME! DUH!" aniya saka umirap na parang bakla. Pero impernes ha, bagay sa kaniya.

"Feeling ko may nagdaang buhawi." inis na sabi ni Julia.

Ang yabang naman kasi nitong si Harris. May pa WWH pang sinasabi eh.

"Mukhang may malakas ang loob na kumekwestyon sa kagwapuhan mo, Harris ah?" sabi naman ni Warren na lasinggero.

Pfft.

Akalain mo, nakayanan pa niya pumasok ha? Hanga na ako sa kaniya. Palibhasa sanay sa alak.

"Hindi ka naniniwala, Julia? Hindi pa ba sapat na ebidensya ang mukhang nasisilayan mo para maniwala ka sa aking mga sinasabi?"

"Malinaw pa naman ang mata ko, kaya kitang-kita ko ang pagmumukha na sinasabi mo. Alam mo kung ano yung malabo?" sabi ni Julia saka kunwaring nag-isip. "Yung salamin niyo! Kaya kung ako sayo, bili ka na ng bagong salamin tapos saka mo ulit pagmasdan itsura mo at tignan ko kung mahanap mo yung gwapo na sinasabi mo."

Nako po, inaway pa ni Julia si Harris. Parang nangyari na ito sa amin sa cafeteria eh tapos ang kasunod nito ay..

"Ang lakas naman ng loob mong manlait. Maganda ka ba?" at eto na nga, umeksena na ang trashtalker ng taon.

"Umeepal ka na naman. Kapag hindi ikaw yung kinakausap, pwede wag ka sumabat? Iwas-iwasan mo yung pag-uugaling ganyan kasi baka ikaw ang ilublob ko sa kumukulong mantika ni manong."

"Sira ba ang ulo mo? Eh mas mukha ka ngang kwek-kwek sa akin kaya kung ako sayo, lumayo-layo ka dyan sa tabi ng kwek-kwek at baka ikaw ang mabili ng mga customer ni manong.

Ako na naawa sa mga kakain sayo eh, bukas makalawa tyak nagwawala na ang mga bulate sa tiyan nila."

"Napakaepal mo talaga noh? Pinanganak ka ba ng nanay mo para maging paepal lang sa mundo? Jusko!"

"Bakit? High blood ka na naman ba sa akin? Ganyan ba talaga kapag napipikon na, biglang hinahigh blood? Kawawa ka naman, Julia. Mukhang ako ang magiging cause of death mo."

"Gago--"

"Tumigil na nga kayo. Ano ba kayo? Tuwing magkikita nalang ba kayong dalawa eh palagi kayong mag-aaway?!" may halong inis na sabi ni Alec. "Sa susunod, hindi na talaga ako manlilibre eh."

"Wag naman ganun, fafa Alec! Bad yan!" nakangusong sabi ni Warren.

"Dapat ang pera ginagastos, hindi yan dinidisplay lang at baka mapanis, sige ka!" sabi naman ni Harris.

"Isa pa kayong dalawa eh--" natigil sa pagsasalita si Alec nang may matanaw siya kaya naman sinundan ko kung saan siya nakatingin..

Kay Eli?

"Tara na guys, tapos na tayo dito." aya ni Harris at umalis na nga sila.

Pati si Julia eh sumama sa kanila!

Akala ko ba eh magpapaload yun?!

Mukhang naisahan ako ha?!

"Uy, Magi." aniya saka lumapit sa akin. "Tara muna sa kubo?" aniya kaya naman tinanguan ko nalang siya at pumasok na kami sa loob ng campus at nagpunta sa kubo.

Kapag talaga si Eli ang nagsasabi o nag-aaya eh pumapayag agad ako. HAHAHAHAHAHAHA wala eh, malakas si Eli.

Nang makarating naman sa kubo, nagulat naman ako sa nakita.

"Ang cute naman nitong persian cat na 'to!" natutuwa kong sabi saka nilapitan ang pusa at hinimas himas ito.

Napakalambot ng balahibo, mukhang ang sarap niyang yakapin!

"Nabanggit sa akin ni Delancy na mahilig ka daw sa pusa kaya sayo na 'yang si Snow." aniya at itinuro ang pusang kulay puti na bitbit ko na Snow pala ang pangalan.

"Alam ko mahal ang mga persian cat--"

"Wag ka mag-alala, hindi ako gumastos ng pera. Actually, anak yan ng pusa namin kaya ayan binibigay ko na sayo."

Napatango-tango nalang ako at masayang nilalaro ang pusa kasi sobrang amo niya hindi kagaya ng ibang mga pusa na agresibo.

Mayamaya lang din ay nakita kong dumadating sina Israel at Delancy.

"Una na ako, Magi." paalam ni Eli at dali-dali siyang umalis.

ANO BA TALAGANG MERON?

"Nakakahalata na ako ha? Umamin nga kayong dalawa, ano ba talagang nangyayari?" hindi ko na napigilan at nagtanong na ako sa kanila.

Kung kanina ay nakakapagtimpi pa akong hindi magtanong, pwes ngayon, hindi ko na talaga kaya na manahimik nalang at makisakay sa trip nilang hindi ko malaman kung ano.

"Wala naman?" sabi ni Delancy at umiwas ng tingin sa akin.

Halatang may tinatago talaga.

Kilala ko yang si Delancy, hindi talaga yan magawang tumingin sa akin kapag may tinatago!

"Wala namang kakaibang nangyayari kaya hindi mo kailangang mag-alala, Magi." diretsyong sabi ni Israel saka tumabi sa akin maupo. "Basta ang alam ko lang, sana maging masaya ka bago matapos ang araw na 'to."

At dahil na naman sa sinabi ni Israel eh hindi ko na namang maiwasang mag-isip ng kung ano-ano.

Hay nako naman!

"Hindi yata patutulugin itong si Magi sa kakaisip kaya tara na nga, Delancy!" aya ni Israel kay Delancy saka nila ako hinila patayo.

Naglabas naman ng isang panyo si Delancy at itinali yun para takpan ang mga mata ko.

Punyeta, hindi man lang nagpaalam sa akin!

Akmang papalag ako nang maramdaman kong naglalakad na kami.

"HOY MGA BWISET KAYO! KAPAG AKO HINULOG NIYO SA BALON, ARAW-ARAW KO KAYONG DADALAWIN SA PANAGINIP NIYO PARA BANGUNGUTIN KAYO!"

"TIYAKA INGATAN NIYO SI SNOW! MAS MAHAL PA YAN SA BUHAY NIYO!"

Hindi naman nila ako sinagot at tinawanan lang.

Hays!

Ilang sandali lang ay feeling ko nasa classroom na ako dahil naramdaman ko din ang pagbukas ng pintuan.

Naramdaman kong tinanggal na sa pagkakatali ni Delancy yung panyong tumatakip sa mata ko kaya naman dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at..

Bakit ang dilim?

Mayamaya lang din ay biglang lumiwanag at nakita ko sina Alec at Warren na may hawak na gitara habang si Eli at Dylan naman ay mga nakangiti sa akin at may hawak na tig-isang rosas.

"Ako na mauuna--"

"Ako nalang mauuna, Dylan tutal naman ako--"

"Ako na nga sabi!"

"Ako na nga lang tapos ikaw--"

"HOY! NANDITO NA SI MAGI TAPOS NGAYON PA KAYO NAG-AWAY DYAN!" sita sa kanila ni Julia.

Pft.

Hanggang dito nag-aaway pa din sila.

"Sige na, si Eli na mauuna." sabi ni Dylan.

Halata namang gustong pumalag ni Eli.

"Ikaw na, Dylan! Tutal gusto mo naman--"

"Ikaw na, Eli. Pagbibigyan na--"

"Ikaw na, Dylan. Okay lang--"

"Napakagagago niyo! Ikaw na nga mauna, Dylan! MGA LECHE!"

Kung ako man si Julia eh maiinis din ako.

Inumpisahan na ni Dylan ang pagkanta ng naturang awitin.

Gumaganda ang paligid

Kung bawat tao ay puno ng pag-ibig

Napapawi ang pighati

(ELI)

Masilayan lang ang iyong ngiti

O kay gandang isipin

And isang mundong puno ng pag-ibig

(DYLAN)

Parang isang bulaklak na kay ganda

Na inabot mo sa iyong sinisinta

(ELI)

Ang iyong nilaan na pagmamahal

Ang dulot nito ay tunay na ligaya

(DYLAN)

Pag-ibig nga ang susi

Nararapat lang ibahagi

(ELI)

Gumaganda ang paligid

Kung bawat tao ay puno ng pag-ibig

Napapawi ang pighati

(DYLAN)

Masilayan lang ang iyong ngiti

O kay gandang isipin

Ang isang mundong puno ng pag-ibig

(ELI)

Isang mundong puno ng pag-ibig

(DYLAN)

Isang mundong puno ng pag-ibig

(ELI)

Isang mundong puno ng pag-ibig

At sa huling linya ng kanta ay nagsabay na sila..

Isang mundong puno ng pag-ibig

Pagkatapos nung kanta ay sabay silang lumapit sa akin at ibinigay yung hawak nilang rosas.

Impernes ha? At kinilig ako sa ginawa nila.

Mukhang tama naman ang sinabi ni Israel..

Natapos ang araw na 'to na may napakagandang ngiti na nakaukit sa aking mukha.