Medyo nakaramdam naman ako ng kaunting kilig sa sinabi niya pero imbes na ipakita yun sa kaniya eh kunwaring inirapan ko na lang siya.
Hmp!
Baka mamaya kasi eh mas lalong lumaki ang ulo niyan! Mahirap na at baka bumagyo pa ng malakas.
"Ipinaglihi ka siguro sa mais noh? Napaka CORNY mo kasi! Hindi ko man lang maranasang kiligin sa mga sinasabi mo!" inis kong sabi sa kaniya habang naghihintay kami dito sa kanto ng mapaparang taxi.
"Nako! Kunwari ka pang nakokornihan sa akin pero deep inside, kilig na kilig ka! Wag ako ha? Wala kang maloloko dito, Margaret!"
"At saang kamay mo naman ng demonyo ka nakakuha ng lakas ng loob na sabihin ang maganda kong pangalan ha?!"
"Pati ba naman pagbanggit ko sa pangalan mo eh ipinagbabawal mo na sa akin ha?! Bakit ka ba talaga ganyan, ha?! Bakit ba hindi ka nalang maging sweet sa akin?!"
"Nagpapatawa ka ba?! Bakit ako magiging sweet sa isang mayabang na katulad mo?!" inis kong sabi sa kaniya.
At sa wakas ay nakasakay na din kaming taxi.
KAMI??!
"Bakit ka sumakay?! Magkaiba ang direksyon ng bahay natin! Tanga ka ba?!"
"Ikaw na nga ang ihahatid, ikaw pa ang masama ang loob! Imbes na magpasalamat ka sa akin eh nagagalit ka pa dyan sa akin!"
"Sinabi ko bang ihatid mo ako?! Kung hindi ka ba naman gunggong!"
"Ibahin mo ako sa mga gagong lalaki dyan na hahayaan kang umuwi mag-isa kasi--"
"Malaki na ako kaya naman kaya kong umuwi nang mag-isa kaya pwede ba bumaba ka na at baka ako ay mainis mo! Hindi ko--"
"Wala kang karapatang pababain ako dahil una sa lahat, hindi sayo ang taxi na ito!"
"Pero ako ang pumara--"
"Mga mam at sir? Papaandarin ko na po ba ito?" singit nung driver sa pag-aaway namin.
At dun ko lang napansin na hindi pa pala umaandar ang taxi.
"Teka lang--"
"Paandarin mo na manong. Wag mo kami pansinin dito, may regla kasi itong asawa ko kaya laging galit--" hindi na siya natapos sa sasabihin nang tampalin ko ang bibig niya.
NAPAKABASTOS!
"Okay lang masampal ang bibig ko atleast pumayag ka nang ihatid kita." aniya saka ako kinindatan pa.
Aysh!
Ayan na naman yung kindat niyang nagmumukha siyang kirat!
Akala niya siguro eh nakakapogi yun pero kung makikita niya lang ang sarili niya sa salamin eh baka pati siya mainis sa sarili niya.
Pfft.
"Salamat nga pala, nag enjoy ako sa araw na 'to." sabi ko bilang pambasag sa katahimikan dito sa loob ng taxi. "At sincere ako."
"Hindi ko naman sinabing hindi.
Hay nako, napaghahalataan tuloy na pilit ka kahit sinabi mo pang sincere--"
"Alam mo napakachoosy mo! Kung ayaw mong maniwala na sincere ang thank you ko eh di huwag! Hindi naman kita pinipilit maniwala!"
"Bakit galit ka na naman?! Bakit pinagtataasan mo na naman ako ng boses ha???!!"
"At bakit ikaw din, ang lakas na ng boses mo ha?! Ano? May balak ka bang bumirit?!"
"Ikaw kaya ang naunang magtaas ng boses! Napakahinahon ng pagkakasabi ko sayo nun tapos ikaw naman eh kulang na lang--"
"Bakit po kayo nag-aaway mga mam at sir?"
"Wag kang makialam manong! Away mag-asawa 'to! Magdrive ka lang dyan!" sabi ni Dylan kaya naman natampal ko na naman ang bibig niyang kung ano-ano ang nasasabi. "Kanina mo pa tinatampal ang bibig ko ha?! Ikaw ha, gusto mo ng kiss noh?"
"Leche!" inis kong sabi at ipinatabi na ang taxi dahil nandito na ako sa bahay.
Nakababa na ako ng taxi at handa nang isarado ang pintuan nang iharang ni Dylan ang kamay niya.
"Good night, asawa ko! Nag enjoy din ako ngayong araw." aniya kaya naman tinanguan ko na lang siya at sinara na ang pintuan.
Makaalis lang ng taxi eh pumasok na ako sa bahay habang ang isipan ko ay lumulutang na naman sa dami ng thoughts na pumapasok dito.
"Magi!" pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay ay may sumalubong agad sa akin ng yakap.
Si...
"Macy?" bulong ko.
Agad naman siyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako habang abot tenga ang kaniyang ngiti.
"Hindi ka ba sinabihan ni mommy na dito na din ako sa Pilipinas mag-aaral?" dahil sa sinabi niya ay namilog ang mata ko sa gulat.
"Bakit? Ang ganda-ganda ng buhay mo dun sa Italy diba saka paano na yung career mo dun? I mean, sayang naman na iiwanan mo yun dun--"
"Well, ganun talaga. I've decided na tapusin muna ang pag-aaral ko kaysa unahin yun. Saka napapabayaan ko na din kasi ang pag-aaral ko dahil sa pagmomodel ko kasi hindi ko pala kayang pagsabayin kaya sinabi ko kay tita Melody na titigil na muna ako.
At saka isa pa, sa tingin ko mas maraming career opportunities na dadating sa akin kapag nakatapos ako so ayun.." paliwanag niya.
Napapatango na lang ako kasi wala naman akong ibang masabi.
"So ngayon naman, I'm now enrolled sa Winston and ready na ako pumasok bukas!" excited niyang sabi saka hinawakan ang kamay ko. "Sayang lang at Computer Engineering ang course na pinili ko at hindi Educ. Si mommy kasi yun ang gusto kaya yun nalang ang sinunod ko."
At yun siguro ang dahilan kung bakit siya ang paboritong anak ni mommy; kasi mother's pet.
Lahat ng gusto ni mommy eh sinusunod niya samantalang ako, kapag hindi ko talaga gusto yung gusto ni mommy na gawin ko eh hindi ko talaga ginagawa.
And I think, yun ang advantage ko kay Macy.
"Good luck bukas. Matulog ka na nang maaga dahil maaga pasok natin bukas." nakangiting sabi ko at nginitian niya naman ako.
Pumasok na ako sa kwarto ko at nanlalatang nahiga sa kama.
Hayyy..
Hindi talaga magandang balita sa akin na nandito na pala sa Pilipinas si Macy.
Kasi isipin niyo ha? Noong wala pa si Macy dito eh hindi na ako mapaglaanan ng oras at atensyon ni mommy tapos ngayon pang nandito si Macy?
Hayy.
Hindi na ako magugulat kung bigla akong maging hangin kay mommy.
Ma eechapwera na naman ako.
Dapat nga hindi na bago sa akin 'to since simula pa noong mga bata kami ni Macy eh ganun na ang pagtrato ni mommy sa akin pero dito ko napatunayan na hindi lahat ng nakasanayan mo eh magiging walang epekto nalang sayo ngayon.
Sa totoo lang, ayoko nang makaramdam pa ng inggit at selos kay Macy kasi ang panget naman non diba kung buong buhay ko eh magseselos ako kay Macy kasi siya lagi ang pinapansin ng mommy namin pero kasi ang hirap lang eh.
Ang hirap lang iwasan na magselos at mainggit ako kay Macy lalo pa at uhaw ako ngayon sa atensyon na sa kaniya lang ibinibigay.
Oo, hindi na ako bata para mainggit nang ganto pero hindi niyo naman ako masisisi diba?
Pagmamahal at atensyon lang ang gusto ko, ipinagdadamot pa sa akin!
NAKAKASAMA NG LOOB HA?!
Pero hindi ako galit. Hindi lahat ng nakaCAPSLOCK ay galit okay?
Anyway, siguro pagod lang 'to at antok kaya it's a good night for now!
-
Maaga akong gumayak ngayong araw dahil trip yata ng katawan ko na pumasok ngayon ng maaga.
Ewan ko ba? Alam niyo yung feeling na excited kang pumasok pero hindi mo alam ang dahilan kung bakit? Ganun yung feeling ko ngayon!
Hayss.
Bumaba na ako para mag-almusal nang madatnan ko sa dining table sina mommy at Macy na kumakain.
Luh?
Bago 'to ah?
Maaga na pala pumapasok ngayon si Macy? Siguro excited.
Hindi kasi ako sanay na pumapasok siya ng ganyang kaaga kasi noong nasa Italy pa kami nag-aaral eh lagi siyang late pumapasok kaya nga napapagalitan siya lagi ng teacher niya pero si mommy naman eh naiintindihan yun..
Kesyo normal lang daw sa isang tao ang malate? Pero normal pa din ba kung halos araw-araw kang nalelate?
Hayy. Ewan!
Bakit ko ba iniisip yun?
"Sabayan mo na kami dito, Magi." pagtawag sa akin ni mommy kasi siguro napansin niya na nakahinto lang ako dito sa hagdan at pinagmamasdan lang sila kumain.
Hindi sila aware eh na may iniisip akong malalim kaya ako nakatigil.
Hays.
Ito naman kasing utak ko, kung ano-ano iniisip.
Naglakad na ako palapit sa kanila at umupo sa kaliwang side ni mommy habang si Macy naman ay nasa kanang side ni mommy at kasalukuyang kaharap ko siya.
"Tikman mo 'to, niluto ko yan. Ang aga kong gumising para ipagluto ka nito." sabi ni mommy saka nilagyan ang plato ni Macy ng pinakbet. Isa yun sa favorite din naming ulam ni Macy lalo na kapag si mommy ang nagluto. "Kumuha ka nalang dito kapag gusto mong iulam yan." sabi naman sa akin ni mommy saka inilapag sa harap ko yung mangkok na may lamang pinakbet.
Napangiti ako ng mapait dahil dun. Nakakatawa lang na kaya niyang lagyan sa plato si Macy ng pinakbet samantalang ako hindi.
"Nga pala, ako na maghahatid sayo sa school mo para naman masilip ko din yung school na papasukan mo kung maganda ba o hindi." sabi ni mommy kay Macy.
Oo, hindi pa nakakapunta si mommy sa campus kasi una sa lahat, ako naman kasi ang pumili ng campus na yun na papasukan ko at hindi siya. Saka dun nalang din niya inenroll si Macy para daw magkasama kami saka online kasi ang enrollment kaya no need na pumunta sa mismong campus.
Nakakatawa lang na ako nga hindi hinatid ni mommy nung first day ko dun tapos si Macy naman eh ihahatid niya pa?
Ano ba si Macy, bata?
"Sige po." sabi ni Macy saka humarap sa akin. "Sumabay ka na sa amin, Magi--"
"May sarili namang kotse 'yang si Magi kaya sa tingin ko eh kaya na niya ang sarili niya, anak." pagputol ni mommy sa sinasabi ni Macy.
Sus.
Ayaw niya lang ako ihatid, yun yon!
"Mauuna na ako." sabi ko nalang at hindi na tinapos pa ang pag kain ko.
Dahil sa mga naririnig ko eh bigla nalang akong nawalan ng gana.
Kasi sino ba namang hindi, talagang umagang-umaga eh ganun ang maaaabutan ko? Hustisya naman sa isang katulad ko na kulang sa pansin, hindi ba?
Aysh!
Iniling-iling ko ang ulo ko saka ko inumpisahang magmaneho sa kotse ko.
Tama naman si mommy, kaya ko naman na ang sarili ko palibhasa si Macy eh ang tanda-tanda na hindi pa rin marunong magdrive. Tsk!
Mahal ko si Macy dahil kapatid ko siya pero hindi niyo naman siguro ako masisisi kung minsan ganto ko siya pag-isipan diba?
I mean hindi ko syempre maiwasang kainisan siya sa isip ko kasi minsan nakakainis na din kasi ang ugali niya!
*ring*
Nagtataka naman akong napatingin sa cellphone ko nang makitang may tumatawag pero number lang kaya sinagot ko bilang curious ako kung sino yun.
"Hello?"
"Si Yuwi 'to, daanan mo ko dito sa may labas ng subdivision niyo. Makikisabay ako." aniya saka ako binabaan ng tawag.
Tignan niyo nga kung gaano kabastos yung lecheng yun?!
Wag ko kaya siyang daanan?
Kaya lang nang makalabas sa subdivision eh humarang siya sa dadaanan ko kaya naman kaysa makagawa ng krimen eh huminto na lang ako at ang walanghiya, sumakay nalang bigla sa kotse ko.
NAPAKAKAPAL NG MUKHA.
"Pangalawang sakay mo na 'to sa kotse ko, baka naman gusto mong mag-abot kahit pang gas lang?" sarkastiko kong sabi.
"Ang yaman yaman mo tapos hihingan mo ako ng pang gas? Hindi ka ba nahihiya sa akin?" sagot niya at hindi na nag-abala pang tignan ako.
Walanghiya talaga!
"Mukhang sinalo mo lahat nung nagpaulan ng kakapalan ng mukha noh?"
"At ikaw naman, mukhang ipinanganak kang walang utak. Kasi isipin mo, paanong uulan ng kapal ng mukha? Sige nga? Kahit si kuya Kim at mang Tani ang tanungin mo, nako! Baka sabihan ka lang nilang bobo."
Punyeta talaga.
Hindi siya nabibigong inisin ako tuwing magkakausap kami!
"Nagtataka talaga ko kung bakit ang daldal mo ngayon? Alam mo, mas okay yata na maging tahimik ka nalang noh?"
"Edi mapanis laway ko?" aniya.
Inirapan ko nalang siya at hindi na pinansin pa.
Wala akong balak na makipag trashtalk-an dito ngayon dahil hindi pa man nagsisimula eh alam kong talo na ako agad.
Mayamaya lang din ay nakarating na kami sa campus at as expected, hindi man lang siya nagpasalamat sa akin at walang pasabing bumaba agad ng sasakyan ko.
Grabe talaga yung taong yun, hindi marunong tumanaw ng utang na loob.
Naglalakad na ako sa hallway nang makasalubong ko si Lerisse na mukhang galing yata sa cr dito sa first floor.
Hindi ko nalang sana siya papansinin at aakyat nalang sa hagdanan nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko.
"Ayaw mo ba akong kausap, Magi?" aniya saka lumapit sa akin. "Marunong ka na pala ngayong hindi mamansin? Bakit? Malakas na ba ang loob mo porket nililigawan ka na ngayon ng dalawang myembro ng DWEIYAH kaya naman ang laki na niyang ulo mo?!"
Sa totoo lang, hindi ko alam ang mga pinagsasasabi niya at mas lalong hindi ko alam ang dahilan kung bakit niya sa akin sinasabi yan?
Tinopak na naman ba siya?
"Ano na naman bang ipinuputok ng vagina mo? Inaano ka ba ng mga MANLILIGAW ko?" nakangisi kong sabi sa kaniya at ang gaga eh inis na inis akong tinignan.
Hindi na ako magpapatalo sa kaniya. Kung dati hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko sa kaniya, pwes ibahin niya ngayon.
"Wow naman, ang yabang mo naman Magi! Talagang proud na proud ka pang ipangalandakan na may dalawa kang manliligaw?! Talaga nga namang hindi maiiwasan sa tao ang lumaki ang ulo!"
"Inggit ka lang sa akin, Lerisse. Palibhasa walang nanliligaw sayo. Sino ba naman kasing tanga ang manliligaw sayo diba?
Kung ako nagkataong lalaki, hinding-hindi ko din liligawan ang kagaya mong maganda nga wala namang utak.
At saka pwede ba, tantanan mo na ako? Ayoko ng gulo kaya please lang, wag mong umpisahan! Kimkimin mo nalang 'yang inggit mo sa katawan. Wag mo ng hangarin pa si Dylan kasi baka mamaya siya ang sagutin ko para lang mas lalo kang inisin, sige ka."
"Napakalakas naman ng loob mo na saguti-sagutin nalang ako--'
"Yun ay dahil hindi na ako yung Magi na kilala mo noon. Hindi na ako yung Magi na tatameme lang sayo at hahayaang yurakan ang pagkatao ko. Kung dati hindi ko kayang maipagtanggol ang sarili ko, pwes ngayon, kayang-kaya na kitang patumbahin kahit ako lang mag-isa kaya kung ako sayo, mananahimik nalang ako." sabi ko at hindi ko na hinintay pang makasagot siya dahil for sure naman eh wala naman akong mapapala sa sagot niya.
Baka puro katangahan lang ang marinig ko sa bobo niyang bibig.
Dumiretsyo na ako agad sa classroom at dahil nga sa pag-aaway namin ni Lerisse eh naabutan kong marami-rami na ang estudyante dito.
Hindi tuloy ako ang nauna.
HAHAHAHAHHAA char. Hindi naman ako nakikipagkarera noh!
"Uy, Magi! French fries, gusto mo?" alok sa akin ni Israel sa isang cup ng french fries na hawak niya.
Luh?
Ayoko namang isipin na dadagdag siya sa dalawa na manligaw sa akin? Nako, sana naman ay hindi. Sa dalawa pa nga lang eh stress na ako tapos dadagdag pa siya?
Bilang gutom din ako ngayon ay lumapit ako sa kaniya at kumuha ng kaunti sa fries na hawak niya.
Paalis na ako sa upuan nila nang biglang sumingit yung dalawa..
Sino pa ba? Edi si Dylan at Eli!
"Ahh, Magi. Eto oh, panulak." sabi ni Eli sabay abot ng mineral water na hawak niya.
"Eto nalang inumin mo, Magi. May lasa 'to kaysa dyan sa tubig ni Eli." pag-eksena naman ni Dylan saka inabot sa akin ang hawak niyang coke mismo.
Takte, eto na naman sila at nag-uumpisa na naman!
"Wag kang iinom ng soft drinks, Magi. Hindi niyo ba alam na masama sa katawan ng tao ang pag-inom ng soft drinks?
Unang-una, pwedeng makasira ng ngipin ang pag-inom ng soft drinks because of high amount of sugar present in it. Soft drinks also contain filtered H2O, artificial additives and refined sugar. Acids present in them are citric, phosphoric, malic/tartaric acids.
At isa pa, nakakataba ang mga soft drinks na yan. Alam niyo ba na, Aspartame is 200 times sweeter than sugar which is used to sweetened it. This sweeter makes you hungrier and crave (addiction) for food. Kaya nga nakakataba!
Kaya dapat, Magi.. Magtubig ka nalang kasi ang tubig ay may mga health benefits yan kagaya ng; mineral water can help to induce urination, which is one of the best ways to detoxify the body, eliminating excess fats, salts, and toxins. This can also help to reduce strain on the kidneys and metabolism.
Mineral water also contains potassium and sodium; in the best types, the sodium levels are low, while the potassium is high. This is a great way to improve nervous system function and reduce blood pressure, as potassium is a vasodilator. In other words, this carbonated water can also protect cardiovascular health.
Also, drinking mineral waters that have high levels of magnesium can reduce your risk of atherosclerosis and heart attacks.
And last but not the least, some studies have found that consumption of this mineral-based water can protect against certain neurodegenerative diseases, such as dementia.
I'm a human google, Magi. Kaya, ito na ang inomin mo, ayokong magkasakit ka dahil sa pa soft drinks ni Dylan."
Bwiset na Eli 'to, talagang prepared siya ha at nakapag google pa siya para sa mahaba niyang explanation.
"I agree with Eli." sabi ni Delancy saka lumapit sa kinatatayuan ko. "Mineral water is water that emerges from a natural mineral spring, which results in the water being very high in mineral content.
More specifically, this mineral water typically has a higher content of calcium, iron, magnesium, potassium, and sodium than regular water. Every source of natural spring water is slightly different in composition, which may explain the slight difference in taste between the many different brands of mineral water on the market.
Thus, drinking mineral water is a wonderful way to rejuvenate your bodys minerals and improve your overall health."
Ano bang nangyayari? Bakit parang nagdedebate na sila dito?
"Lakas maka english ng team Eli ha palibhasa alagang google." singit naman ni Julia. "Hoy, Dylan. Wag kang papatalo, hindi tayo pinaghirapang iire ng nanay natin para lang maging talunan!"
Pfft.
Hay nako, si Julia talaga!
"Hindi lang kayo ang nakapag google, kala niyo ha?" sabi ni Dylan saka kinuha ang cellphone niya. "Kung may disadvantage ang pag-inom ng soft frinks, syempre may advantage din ito;
The caffeine in some soft drinks can be good for you in small doses. According to the USDA, one can of regular cola contains 33.5 milligrams of caffeine, about three times less than a small cup of coffee.
Low levels of caffeine have been shown to improve brain function, help with focus and make workouts stronger and more effective. A tiny mid-afternoon caffeine boost may help you focus through your remaining hours at work without getting tired." aniya saka saglit natigil. "Yun lang?" inis niyang sabi.
Nakakatawa yung mukha niyang dismayadong-dismayado.
"Tulungan mo ako, Julia." sabi niya kay Julia.
"Hindi naman ako bobo kaya nagtataka talaga ako kung kapatid ba talaga kita.." sabi ni Julia saka lumapit sa akin at bumulong. Yung tipong kaming dalawa lang ang makakarinig. "Actually, wala na akong maidadagdag pa sa sinabi ni Dylan kasi wala din akong alam. Basta yung coke na ni Dylan ang kuhanin mo. Wag ka ng mag-inarte dyan, hindi ka naman maganda!"
Itinulak ko naman siya ng malakas dahil nainis ako sa huli niyang sinabi.
Hmp!
Napakapanget ng ugali niya!
"Wag na kayo mag-away dyan, kain nalang kayo nitong french fries ko. Masarap kahit walang mayonnaise." singit ni Israel saka inalok sa amin yung hawak niyang french fries na paubos na din naman ang laman.
"Napakabastos mo naman, Israel. Kitang may nag-aaway tapos sisingit ka dyan at mang-aalok ka ng french fries mo eh mukhang sayo nga lang eh kulang pa yan eh!" galit na sabi sa kaniya ni Julia.
NAPAKABITTER.
"Hindi naman ikaw ang inaalok ko. Saka bakit niyo ba kailangang mag-away diyan sa soft drinks at tubig na yan? Para walang away, kumain na lang kayo ng french fries. Masarap kahit walang mayo--"
Hindi na natapos sa sasabihin si Israel nang pingutin nina Dylan at Eli ang magkabila nitong tenga saka pinaupo sa upuan nila.
Hindi ko na din kinuha yung coke at tubig na binibigay nila sa akin kanina para wala ng away. Baka mamaya piliin ko yung isa tapos yung isa naman eh magtampo kaya mas maigi siguro na wala nalang akong piliin para wala ng away diba?
"Impernes sa dalawa mong manliligaw, Magi ha? Palaban silang dalawa. Kahit siguro sino sa kanila ang sagutin mo eh hindi ka lugi." sabi ni Delancy. "Pero si Eli talaga ang sagutin mo, hinding-hindi mo talaga mararanasang mahirapan!"
"Si Dylan na ang piliin mo, Magi. Puro sarap lang ang mararanasan mo habang buhay, ayaw mo pa ba ng ganun? Choosy ka pa ba?"
"Magdesisyon ka ng mabuti, Magi. Kung gusto mong mapunta sa tamang tao, si Eli ang piliin mo!"
"May sayad lang sa utak ang kapatid ko minsan pero maniwala ka sa akin, mamahalin ka niya hanggang nabubuhay siya! Hindi--"
Natigil naman sa pag-aaway itong dalawa kong kaibigan nang umeksena si Eli.
"Magi!" tawag sa akin ni Eli na nakatanaw sa akin mula sa upuan niya. "Gusto sana kitang ayain maglaro ng kahit ano pero wag sana tagu-taguan."
Huh?
Dahil curious ay napasagot ako ng bakit.
"Bakit?"
"Kasi a girl like you is hard to find." at dahil pati ang mga kaklase ko eh nakikichismis kaya ayun pati sila nakikisabay na tuksuhin kami.
Hinila naman patalikod ni Dylan ang mukha ni Eli para naman siya na ang magpasikat siguro.
"Kung magkakaroon ako ng sariling planeta, gusto ko ikaw ang axis nito." aniya.
"Bakit?" pagsakay ko sa trip niya.
"Para sayo lang iikot ang mundo ko."
At eto na naman ang mga kaklase ko na nakiki BOOM KILIG kina Julia at Delancy dito.
Gaya ng ginawa ni Dylan kay Eli eh ganun din ang ginawa ni Eli kay Dylan.
"Nakalimutan ko pangalan mo, eh. Pwede bang tawagin na lang kitang akin?" sabi ni Eli.
"Para kang cactus, kasi handa akong masaktan, mayakap ka lang." hirit naman nitong si Dylan.
"Centrum ka ba?" sabi naman ni Eli.
Hindi na ako nagbakit pa dahil alam ko na 'yang gasgas niyang pick-up lines.
"Kasi you make my life complete." sagot ko sa binasag kong pick-up lines niya.
Pfft.
"Gasgas na niyan, Eli. Eto ha, papakitaan kita." pang-aasar sa kaniya ni Dylan. "Taxi ka ba, Magi?"
"Kasi habang patagal ng patagal mas napapamahal ako sayo eh.." sagot ko naman sa banat niya at kagaya ni Eli ay nadismaya din ang mokong.
Ang luluma na kasi!
"Eto na lang para hindi na masira ni Magi." ani Eli. "Natikman ko na lahat ng matatamis, kelan naman kaya ang matamis mong Oo?" hirit naman nitong si Eli.
Pfft.
Ano ba yan?! Kinilig na naman ako!
"Hindi ako papahuli." sabi naman ni Dylan saka hinawi ang napakagwapong mukha ni Eli. "Sana tanong na lang ako para sagutin mo naman ako."
Mas lumakas naman ang kantyawan sa amin ng mga kaklase ko at pati si Mariz na president namin ay nakikikantyaw na.
Hay nako.
At dahil sa ingay namin ay naabutan kami nang ganito ng adviser namin.
Pero imbes na magalit siya sa amin ay nakiusyoso pa talaga kung ano ang pinagkakaguluhan namin dito ngayon.
"Kinikilig po kami sa mga banat nina Dylan at Eli kay Magi, mam." kinikilig na sabi ni Mariz at maski si mam Torres ay kinilig din bigla eh.
"Nakooo. Kayong mga bata kayo, dito pa talaga kayo nagliligawan! Iniinggit niyo naman yung mga kaklase niyong single!" natatawang sabi ni mam Torres.
"Oo nga, mam." natatawang sagot ni Danica.
"Haba nga ng buhok ni Magi, mam! Dinaig pa haba ng buhok ni Rapunzel!" sagot naman nitong si Julia.
"Kanino ka po ba mam, mas boto?" tanong naman ni Delancy kaya naman agad ko siyang siniko.
Gagi, nakakahiya!
"Syempre, ako mam! Mas pogi yata ako dito kay Eli." sabi ni Dylan.
"Mas sweet at romantic naman ako kay Dylan, mam." sagot naman ni Eli.
Hay nako, nag-away pa sila.
"SSSHSHHHHH. Kahit naman sino ang piliin ni Magi, sa tingin ko naman eh sasaya siya. Ang swerte nga ni Magi at may manliligaw siyang kagaya nina Eli at Dylan na kay gagwapo!"
"Tama ka dyan, mam." sabi ni Dylan saka tinignan yung mga kaklase naming lalaki. "Mga par, wag na kayo magselos na kami lang gwapo dito sabi ni mam ha? Bayad namin yan si mam eh."
Gago talaga.
"Oh sya! Tama na, quiet muna." sabi ni mam Torres. Himala at hindi siya masungit ngayong araw ha? "May announcement ako so makinig kayo ng mabuti!
Next next week na magaganap ang ating ORGANIZATION WEEK! So, hindi ba ang magkakasama sa org natin ay BSA, CpE, at kayong educ EN at MT? So kayo lang ang kasali sa org week natin next week. Hiwalay tayo sa org week ng kabila, malamang dahil hindi natin sila ka org.
So ang mangyayari, maraming hinanda ang mga officers ng org natin. Ano-ano yun?
Sa first day, may mga contests na mangyayari at pwede niyo yung salihan. Maghapon yun. At ang mga contests na yun ay;
Spelling bee, ML Tournament, Essay writing, Extemporaneous speech at Chess Tournament.
Tapos meron pa..
May Teaching demo na for educ students only. Meron ding Accounting quiz bee which is for Accountancy students only at Speed typing for Computer engineering students.
Sa second day naman, mayroon tayong team building. Sa team building naman, if I'm not mistaken ay EARTH KINGDOM ang BSED MT. And yes, kayo-kayong educ math ang magkakakampi.
Habang ang BSED EN naman ay WATER TRIBES. Ang BSA naman ay AIR NOMADS at ang CpE naman ay FIRE NATION.
Masaya 'tong team building kaya sure ako na ma-e-enjoy niyo.
Sa third day nman, ball games ang event. Hanggang tanghali lang itong ball games dahil may next event sa hapon kaya ang ginawa ng mga officers ay basketball at volleyball lang ang ball games. Balak kasi nila magdagdag ng soft ball kaso baka kulangin sa oras.
Saka ang basketball ay for boys lang at ang volleyball ay for girls lang para matapos agad.
And ang teams nga pala ay; WATER TRIBES AND FIRE NATION VS. EARTH KINGDOM AND AIR NOMADS. So sana, malinaw okay?
After that, ang sinasabi ko sa inyong next event sa hapon ay magkakaroon tayo ng mini concert at syempre ang magpeperform ay ang mga banda dito sa campus natin. Expect from that event ang HOPE'ers, Mystica, Sweet&Sour, and ang DWEIYAH.
Pagkatapos ng concert, babalik kayo sa gabi to join our most-awaited ORGANIZATION NIGHT! At dun din mangyayari ang awardings bago umpisahan ang pageant.
Yes, may papageant kaya be ready ha?"
Shit, nakaka excite naman.
"May mga booths din pala, sa pagkakatanda ko, ito ay;
Movie booth, Blind date booth, Photobooth at Karaoke booth." dagdag pa niya sa sinabi.
"Excited na kamiiii!"
"Gusto ko na mag next next week!
"I feel the excitement!"
"Ang theme nga pala sa org night ay DENIM. Saka, Mariz." sabi ni mam Torres saka tumingin sa gawi ni Mariz. "Ilista mo na yung mga sasali sa kanila sa mga contests and also sa mga gusto magjoin sa ball games, okay?"
Tinanguan lang siya ni Mariz.
"Yung sa representative natin sa pageant, next meeting na pag-usapan ha? May seminar kasi ako." aniya saka binitbit ang bag. "Class dismiss."
YESSSSSS!
Mabilis akong lumabas sa room para magpuntang cr dahil kanina pa talaga ako naiihi. kanina ko pa 'to pinipigilan talaga eh!
Ilang sandali lang ay natapos na din ako sa pag-ihi at nagmamadali akong tumakbo sa room kasi baka iwan ako nina Delancy at Julia eh.
Kaya lang, papasok na sana ako sa back door ng classroom nang makita ko sa front door si Dylan habang kausap niya si--
Si Macy?
Magkakilala silang dalawa?