Chereads / A Love To Last (DWEIYAH series #1) / Chapter 21 - CHAPTER 20

Chapter 21 - CHAPTER 20

Hanggang sa makauwi ako sa bahay eh tila masiyahin akong gaga na patuloy pa din kinikilig at ang dahilan ng kilig na yun ay walang iba kundi si Eli.

Hayss..

Hindi ko ba alam! Napakaiba talaga ng epekto sa akin ni Eli eh.

Alam niyo yung konting kibot o konting kilos niya eh kikiligin nalang ako bigla?

Siguro kahit murahin ako nitong si Eli eh kikiligin pa din ako? Ganun ka lakas ang epekto niya sa akin.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin na.. Paano kaya kung si Eli ang piliin ko? Edi gaya nga ng sabi ng team Eli na sina Yuwi, Alec at Delancy; edi araw-araw ako kikiligin niyan?

Hoy, Magi! Hindi nakakabuti sa babae ang araw-araw kinikilig! Isipin mo nga, may regla ka tapos kinikilig-kilig ka dyan?! Edi yung regla mo bumulwak?!

Kung sabagay, may point naman ang sinasabi ng utak ko.

Ang panget naman siguro nun diba kung araw-araw akong kikiligin saka feeling ko naman hindi magiging consistent si Eli na mapakilig ako.

Sadyang sa una lang talaga ganito. I mean, sadyang sa una lang nakakakilig pero kapag matagal na kayong nagkakasama eh hindi mo namamalayan na yung gawi niya noon na nakapagpapakilig sayo ay biglang walang epekto nalang sayo ngayon.

At saka isa pa, hindi naman permanente 'yang kilig kilig na 'yan. Hindi magtatagal eh mawawala din 'yan.

Basta ang mahalaga ngayon eh matulog na ako noh? Kasi sa totoo lang, kaninang umaga pa ako antok na antok eh. Hindi lang matuloy-tuloy yung tulog ko dahil sa ang daming umaabala!

Hay—

Napatingin ako sa cellphone ko nang makitang tumatawag sa group chat namin si Julia.

Hay nako! Isa pa 'tong istorbo!

"Ano?" walang gana kong tanong.

Ay waw? Himala yata na sumali sa video call si Delancy. Hindi naman ako na inform na chismosa na din pala si Delancy ngayon.

[Mangangamusta lang kami kung anong nangyari sa date niyo ng manok ko?] excited na tanong ni Delancy.

Napagawi naman ang tingin ko kay Julia na nakabusangot ang mukha. Para siyang nalantang santan.

"Okay naman. Masaya nga kasama si Eli eh saka hindi niya talaga ako nabibigo na mapakilig.

Nagpunta kami kanina sa Creston College and clueless ako nung una kasi bakit kako niya ako dinala dun pero kaya pala niya ako dinala dun kasi sasali kami sa color run ng mga students dun.

Nag enjoy nga ako eh kasi kahit napuno ng kulay yung damit at katawan ko eh at the same time, naging masaya ako na kasama siya."

[Hindi naman obvious na nag enjoy ka.] masungit na sabi ni Julia.

Kanina pa masama mukha n'yan? Bakit kaya?

[Masaya naman kasi kasama si Eli at saka alam mo ba Magi? Ako nag suggest sa kaniya na sa Creston kayo mag date kasi alam mo na, may nakapagsabi sa akin na may magaganap na color run dun nang bandang hapon at may lantern festival sila sa gabi kaya perfect na perfect sa date niyo diba?]

So kay Delancy pala nanggaling ang idea na yun? Kaya pala dun ako dinala ni Eli?

Well, hindi naman na ako nagalit kasi sa totoo nga eh nagustuhan ko talaga na dun ako dinala ni Eli.

[Ang cheap naman ng Eli niyo, well, hintayin niyo dumamoves ang kapatid ko. Nako! Good luck, Magi! Baka himatayin ka sa sobrang kilig!]

[HAHAHAHAHAHA. Nagpapatawa ka ba, Julia? Ni hindi nga kinikilig si Magi sa banat lines ni Dylan kaya aasa ka pa ba na mapapakilig niya si Magi sa date nila?

Alam mo kung ako kay Dylan, hindi nalang ako makikipagdate kay Magi. Kasi sa banat lines pa lang talo na siya ni Eli tapos ngayon pang magdedate na sila? Condolence agad, ha?]

[Ang dami mong kuda! Kapag si Dylan ang sinagot ni Magi, ililibing talaga kita ng buhay! Salbahe na kung salbahe pero sinagad mo na kasi ang pasensya ko Delancy eh!]

[Kapag naman si Eli ang sinagot ni Magi, tatanggalan talaga kita ng obaryo para hindi ka na magkaanak!]

[Sino bang may sabi sayo na may balak akong mag-anak ha? Ang sakit sakit kaya manganak!]

[Edi tatanggalan nalang kita—]

"Hep!" pag-awat ko sa kanilang dalawa.

Jusmiyo marimar!

Hanggang video call ba naman eh nag-aaway pa din sila?!

"Alam niyo kayo, hindi na kayo napagod mag-away. Pati sa video call eh nag-aaway kayo! Inabala niyo ako sa pagtulog ko oh tapos mag-aaway lang kayo sa harapan ko?!"

[Wala kami sa harap mo, Magi. Nasa screen kami ng cellphone mo.]

Dahil sa sinabi ni Julia eh binaba ko na ang tawag.

Ponyeta! May lakas ng loob pa talagang mamilosopo!

Hays.

Makatulog na nga lang!

-

"Hmmmmm."

"Gising na, Magi. May naghahanap sayo sa baba."

"Five min—"

"Hindi!"

Dahil sa ginawang paghatak sa akin ni nay Cora paupo ay naabala tuloy ang maganda kong panaginip.

Ano ba yan?!

"Sino ba kasi yun?" naiinis kong tanong.

Sino ba naman kasi ang hindi maiinis diba? Alas dyes pa lang yata ng umaga tapos may nang-aabala ng tulog ko? Tama ba yun?!

"Hindi ko kilala kaya babain mo na." ani nay Cora saka naglakad na palabas ng kwarto ko.

Hmp!

Bahala siya diyan maghintay kung sino man siya!

Babalik na sana ako sa pagkakahiga nang bumukas muli ang pinto.

"Magi!"

Aysh!

Wala na din akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang kay nay Cora na bumaba.

Nang makababa ay napadpad ang tingin ko sa may dining table at nakita ko si Dylan na sobrang kapal ng mukha na makikain dito!

Mabuti nalang at wala si mommy dito ngayon sa bahay kundi baka nasipa na nun si Dylan palabas.

Alam niyo kasi, magkagalit ang mommy ko at mama nina Julia kaya ayun, hindi sila welcome dito sa bahay pero dahil nga wala si mommy eh nakapasok 'tong patay-gutom na 'to.

"Gumayak ka na, asawa ko. Habang hindi pa ako tapos kumain." aniya at sumenyas pa na bumalik ako sa kwarto para magbihis.

Hays.

"Mag-asawa kayo?" nagtatakang tanong naman ni nay Cora.

"Hindi—"

"MAGIGING asawa pa lang po. Advance po kasi ako mag-isip eh kasi po yung utak ko iniisip agad na asawa ko na si Magi. Pero dun din naman—"

"Ang daldal mo! Kumain ka na lang dyan!" inis kong sabi saka nagmamadaling bumalik sa kwarto.

Nakakainis talaga!

Kung kilig ang nararamdaman ko para kay Eli, inis naman ang para kay Dylan!

Nakakainis talaga siya! Wala yatang araw na hindi ako nainis sa mayabang na yun!

At napakatanga ko nga naman dahil nakalimutan kong ngayong araw pala naka schedule sa akin si Dylan.

Kaya pala siya nandito.

No choice din ako na maligo at mag-ayos nalang kaysa naman kumuda at makipag-away sa kanya dun sa baba.

Sayang lang ang oras.

Mayamaya lang din ay nakagayak na ako at handa ng bumaba kaya lang napadaan ako sa salamin at saglit pinagmasdan ang sarili.

Ang suot ko ay isang floral off shoulder na dress paired with brown doll shoes.

Hindi na ako nag-abala pang mag make-up dahil sino ba siya para paghandaan ko ng bongga diba?

Saka maganda naman na ako kahit walang make-up eh. Baka kapag nagmake-up pa ako eh maubos ang laway ni Dylan sa akin.

HAHAHAHAHA

Ang hangin ko naman. Makababa na nga lang.

Pababa na ako ng hagdan nang makita ko si Dylan na kain pa din ng kain sa dining table namin.

Tanginang 'yan, napakatimawa niya talaga.

Kita ko namang kinalabit siya ni nay Cora at itinuro ang direksyon ko..

Hindi ko alam kung matatawa ako sa itsura niya ngayon kasi ba naman.. Yung tinapay na kagat-kagat niya kanina ay biglang nahulog.

Partida pinulot niya pa yun saka isinubo ulit! Napakadugyot.

"Kanina ka pa kumakain dyan, mauubos mo na pagkain namin ah? Mahiya ka naman." sabi ko pero ang gago, nakatitig pa din sa akin.

Sinampal ko nga pero syempre hindi naman gaano kalakas.

Mabuti nalang at naging sapat yung pagsampal ko sa kaniya para matauhan na din siya sa wakas..

"Sigarilyas o mani.. Sitaw, bataw, patani." aniya.

Hindi ko naman siya nagets at hindi ko din alam ang dahilan kung bakit bigla siyang napakanta ng bahay-kubo?

"Ano? Aalis ba tayo? Baka magbago isip ko sige—"

"Tara na nga, asawa ko. Nagtatampo ka agad eh." aniya saka hinatak ako palabas.

Hindi tuloy ako nakapagpaalam ng maayos kay nay Cora!

Kahit kailan talaga eh napakabastos ng ugali nito!

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang kotse ang dala niya ngayon.

Akala ko kasi ay motor na naman eh.. Yung motor pa nga lang ni Eli eh lulang-lula na ako at muntik pang himatayin sa kaba!

Pero atleast..

Nakahawak ng abs.

Erase, erase!

Nasa kalagitnaan kami ng byahe nang bigla kaming maipit sa sobrang sikip na traffic.

Aysh!

Bakit naman napakatraffic ngayon?

Oo nga pala, linggo pala ngayon kaya hindi na ako magtataka.

"Wrong timing naman nitong bwiset na traffic na 'to!" napatingin naman ako kay Dylan nang sabihin niya yun. "Baka hindi tayo umabot dun sa restaurant na pinagpareserve-an ko! Nakakainis naman! Baka mamaya ibigay nila sa ibang customer yun lalo na at linggo ngayon." dagdag niya pa saka siya napapalo sa manibela ng kotse niya.

Feeling ko ito yata yung unang beses na makita ko siyang mainis.

"May grace time naman siguro silang thirty minutes eh."

"Sa tingin mo ba thirty minutes lang tayo masastock dito sa lecheng traffic na 'to? Tignan mo oh? Ang haba! Dinaig pa haba ng buhok ni Rapunzel eh! Bwiset talaga."

Hindi nalang ako sumagot kasi baka may bigla akong masabi sa kaniya na mas lalong ikainis niya.

Napansin siguro niya yung pananahimik ko kaya nagsalita siya ulit.

"Look, I'm sorry. Gusto ko lang naman na maging perfect itong date natin ngayong araw eh. Gaya nga ng sabi ni Delancy, isang beses lang 'to mangyayari kaya hangga't maaari, gusto ko maging perfect 'to kaya lang mukhang ayaw makisama sa atin ng panahon." aniya at halata kong dismayado talaga siya.

Hayy.

"Hindi ko naman hinihingi sayo na bigyan mo ko ng perfect date ngayon kasi una sa lahat, wala namang tao o bagay o kahit ano pa yan na perpekto. At saka okay lang naman na hindi magiging perfect itong date natin as long as masaya tayo at ma-e-enjoy natin itong araw na 'to. Okay na ko dun, solve na ako." sabi ko at nginitian siya.

Sakto namang gumalaw na yung mga sasakyan na nasa harap namin kaya naman okay na ang lahat, mukhang luluwag na din 'tong traffic eh.

Kaya hindi na kailangan mamroblema ni Dylan kasi alam kong aabot kami—

"Na flat-tan tayo ng gulong." inis na sabi ni Dylan.

Okay?

Bakit nga ba ang malas ng araw na 'to?

Agad naman naming itinabi yung kotse niya para hindi sagabal sa mga nagdadaang sasakyan.

Nang maitabi ay tinawagan yata ni Dylan yung driver nila para kuhanin itong kotse at matapos nun ay pumara nalang kami ng taxi upang makarating sa restaurant na sinasabi niya.

"We're very sorry, sir.. Pero one hour na po kayong late sa reservation kaya ibinigay nalang po namin yung table na nireserve niyo sa ibang customer. Saka sir, punuan po kasi kami ngayon dahil sunday po kasi."

Ang gandang salubong diba?

"Kahit small table, wala kayo? Dalawa lang naman kami eh. Kahit table for two lang? Sige na miss—" hindi ko na pinatapos si Dylan sa sasabihin niya at hinatak na siya palabas dun sa restaurant na yun.

"Okay lang 'yan, hindi mo kailangang malungkot."

"Alam mo bang ipinangako ko sa sarili ko na dadalhin ko sa restaurant na yun someday yung babaeng gusto kong makasama habang buhay? Kaya nga hangga't mapapakiusapan ko yung babae dun eh gagawin ko para lang—"

"Sssh." pagpigil ko sa kaniya. "May next time pa naman para makapunta ulit tayo dun eh. Hindi naman aalis 'yang restaurant na 'yan." sabi ko saka tinapik siya sa balikat niya. "Alam ko na, may naisip na ako kung saan tayo kakain ngayon."

"Saan?"

Hindi ko na siya sinagot pa at dinala ko nalang siya sa lugar na sinasabi ko na kakainan namin.

"Lugaw date? Seryoso ka ba, Magi?" nakabusangot niyang tanong habang pinagmamasdan ako na lagyan ng kalamansi yung lugaw niya.

"Date pa din naman 'to diba? Saka isa pa, hindi lang naman sa restaurant or food chain or amusement park pwede magdate eh. Saka ang sarap kaya ng lugaw dito, ang crunchy pa nung bawang." sabi ko sakaniya saka pinakita sa kaniya yung pagsubo ko ng lugaw na may toppings na bawang sa ibabaw.

Shit.

Ang sarap!

Kita ko namang tinikman niya na din yung kaniya kaya lang lukot pa din yung mukha niya.

"Hindi ba masarap?"

"Masarap naman, kaya lang.." aniya saka saglit na binitawan ang hawak niyang kutsara. "Kaya lang hindi ko maiwasang madismaya sa sarili ko, kasi hindi ko nagawa yung matagal kong pinlano kahapon at pinaghandaan.

Hindi ako pumasok kahapon para lang makapagpareserve ako sa restaurant na 'yun. Napakatagal ng process, akala ko nga nag-a-apply ako ng trabaho eh. Pero ganun kasi dun, may process pang ginagawa para makapagpareserve kasi nga sikat na restaurant kasi yun.

At ngayon na hindi tayo natuloy dun eh hindi ko maiwasang madismaya. Naiinis ako sa sarili ko na sana mas inagahan ko pala ang pagsundo sayo para hindi sana tayo natraffic at na flat-tan ng gulong."

Hala? Heto na naman po siya at dinadamdam yung nangyari. Hindi ba uso sa kaniya ang mag move-on nalang?

"Hindi mo kailangang madismaya sa sarili mo kasi kahit hindi tayo natuloy dun sa restaurant eh atleast dito naman tayo sa lugawan napadpad diba? Baka nga mas masarap pa lugaw ni aling Edna sa soup nila eh!

Saka isipin mo ha? Walang unli sa restaurant pero dito, may unli lugaw ka na, may kwek-kwek at toge pang kasama! Feeling ko mas mabubusog ako dito eh."

Feeling ko dahil sa sinabi ko ay biglang umaliwalas ang mukha niya. Napangiti siya dahil dun at ayan na naman nga yung ngiti niyang nagpapawala sa mata niya.

Napakaganda lang na makitang ganiyan siya kung makangiti palagi.

-

Bandang alas kwatro na siguro ng hapon nang yayain ko si Dylan sa mall para sana magpasamang bumili ng bagong bag kaya lang nung balikan ko yung miniso eh wala pa din silang stock nung bag na gusto ko.

Napakamalas ko diba?

At muli, yung sinadya ko dito sa mall eh out of stock pa din!

Napadpad naman kami sa bench para balikan din yung gusto kong bilhin na oversize tshirt kaya lang kagaya ng sa bag eh out of stock din.

Kaya naman para hindi sayang ang pagpunta namin dito sa mall ay nagtitingin-tingin nalang kami dito ni Dylan ng mga damit nang biglang..

May isang damit ang pumukaw sa aking atensyon.

Nagandahan ako dun sa polo na may print ng iba't ibang cartoon at pinaresan pa ng kulay berdeng pants.

Medyo jejemon lang siyang tignan pero ang cool pa din niya sa mata ko.

Agad kong kinuha yun at pinakita kay Dylan..

"Sukatin mo nga 'to, bilis!" excited kong sabi sa kaniya.

Sinamaan niya lang ako ng mukha at bumalik na sa pagtitingin ng mga damit.

Hinatak ko naman ang manggas ng suot niyang polo.

Hindi ako titigil sa pangungulit hangga't hindi niya ito sinusuot.

"Suotin mo na—"

"Ayoko nga. Ang panget niyan! Gagawin mo ba kong living jejemon, Magi?"

"Jejemon ka naman talaga!"

"Basta, ayoko!"

"Susukatin mo lang naman ah? Bakit ang arte mo?! Hindi ka naman gwapo kaya sukatin mo na bilis!"

"Ayoko nga, Magi! Ikaw nalang magsukat, kaya mo na yan!"

"Wag ka na kaseng maarte! Isukat mo na kasi!"

"Magmumukha nga akong jejemon!"

"Ano namang kajeje-jejemon dito ha?! Napakapintasero mo naman! Hindi mo pa nga nasusukat eh ang dami mo na agad satsat dyan!"

At ayun nga, imbes na pangungulit ang nangyari eh nag-aaway na kami dito.

Ang arte naman kasi!

"Basta ayoko!"

"Tss." sabi ko saka tinalikuran siya. "Buti pa si Eli, lahat ng gusto ko ginagawa niya. Hindi KJ! Hindi tulad ng iba dyan!" pabulong kong sabi pero sinadya kong lakasan yun para madinig niya.

"Nasaan ba yung fitting room?"

🤩

Nagningning na parang star ang mata ko sa narinig at dali-dali siyang hinatak sa fitting room.

HAHAHAHAHA

Excited na akong makita siya!

Mayamaya lang din ay lumabas na siya at..

PFFT!

Nakakatawa ang itsura niya kaya lang pinipigil ko ang tawa ko kasi baka bigla niyang hubarin.

"Bagay ah! Tara, ipakwenta na natin yan." aya ko sa kaniya.

"Hubarin ko lang—"

"Hindi mo huhubarin."

"Lalabas ako ng ganto, Magi?"

"Oo."

"Ayo—"

Hindi na siya natuloy sa pagrereklamo nang hatakin ko na siya patungong counter.

Wala na din naman siyang nagawa kundi ang huwag hubarin yung suot niya pero habang naglalakad kami eh puro siya reklamo sa akin.

"Tignan mo oh? Ang gagara ng mga tingin sa akin ng mga tao!"

"Pinagtatawanan nila ako!"

"Nakakahiya yata yung suot ko, Magi."

"Parang awa mo na, magpapalit na ako ng damit."

"Dodoblehin ko yung binayad mo, pagpalitin mo lang ako ng damit."

"Magi—"

"Malapit ko ng lagyan ng tape 'yang bibig mo para lang tumahimik ka!"

"Hindi talaga ako tatahimik dito hangga't hindi ako nakakapagpalit!"

"Edi magdamag kang mag-ingay! Basta wag lang ngayon na habang kasama mo ako! Nakakarindi ka!"

"Pagpalitin mo na kasi ako!"

"Hindi nga pwede! Ang ganda ganda ng suot mo tapos magpapalit ka?!"

"Anong maganda sa suot ko? Eh nakakatawa nga! Tignan mo yung mga tao oh! Pinagtatawanan ako sa loob loob nila!"

"Ang arte mo talaga! Manahimik ka nalang dy—"

"Excuse me po, hindi po dito ang tamang lugar para mag-away po kayo. Nakakahiya po sa mga dumadaan." sita sa amin nung guard at dun ko lang napansin na nasa loob pa pala kami ng mall habang pinagtitinginan kami ng ibang tao.

Oo nga, nakakahiya!

"Ikaw kasi eh!" pabulong kong sabi kay Dylan saka siya hinatak palabas dun.

-

Matapos makagaling sa mall eh akala ko uuwi na kami ni Dylan kaya lang dinala niya ako dun sa katapat na park nitong mall na pinuntahan namin.

Hindi niya siguro balak mag-abang ng sunset dito gaya ng ginawa namin ni Alec diba kasi una sa lahat eh alas syete na ng gabi, nakababa na ang araw!

"Dito tayo." aniya saka ako pinaupo sa damuhan katabi niya.

Wow.

Ayos ng trip niya ha? Open field film showing..

At leche, ang movie pa na pinapanood ay The Conjuring 2.

Hindi ba siya na inform ni Julia na ayokong nanonood ng horror movie lalo na kapag gabi?

O baka hindi din siya informed na horror ang ipapalabas?

Basta kahit nakakatakot ay nanood nalang ako tutal naman ay marami naman kami ditong nanonood kaya wala naman akong dahilan para matakot.

Na e-enjoy ko na yung movie kasi nasa gitnang part na siya kaya nga lang..

Bigla namang umulan!

Pashneya!

Kaya ayun, lahat ng mga nanonood ay agad nagsialisan dun at nagkani-kaniyang silong habang kami naman ni Dylan ay sumilong muna sa isang malaking puno na dito din sa park na ito nakatayo.

"Hindi ko alam kung may nagawa ba akong kasalanan kasi bakit kailangan kong makaranas ng ganitong kamalasan?" sabi ni Dylan at halatang yamot na yamot na. "Una, natraffic tayo tapos na flat-tan ng gulong. Pangalawa, hindi tayo umabot sa reservation ko dun sa restaurant. Pangatlo, pinasuot mo ako ng panjejemon na damit na 'to tapos ngayon, umulan naman? Ano? May kasunod pa ba 'to?!"

Hindi ko naiwasang tawanan siya na mas lalo niya namang kinainis.

"Alam mo, imbes na mainis ka sa kamalasan na nangyari sa atin eh tawanan mo na lang. Mapapagod din 'yang kamalasan na yan na kumakapit sa atin kapag tinawanan lang natin 'to at hindi pinoproblema!"

"Nauntog ba ulo mo nung baby ka? Malala na yata sayad mo sa utak." nag-init naman ang dugo ko sa sinabi niya.

"Manahimik ka dyan, Dylan! Ako nga hindi ko pinapansin 'yang katangahan at kabaliwan mo eh!"

"Edi pansinin mo, walang pipigil sayo!"

"Nakakainis talaga kayong mga lalaki noh? Wala na yata akong nakilalang matinong lalaki bukod kay Eli!"

Nakita ko namang sumama ang mukha niya nang banggitin ko ang pangalan ni Eli.

"Bakit ba nasali sa usapan 'yung Eli na yun eh wala naman siya dito! Kapag wala dito, hindi dapat pinag-uusapan!"

"Eh sa totoo naman eh! Feeling ko nga mas magiging hayahay ang buhay ko kapag si Eli ang sinagot ko eh!"

Pfft.

Nakakatawa naman ang itsura ni Dylan!

Ewan ko ba kay Mother Earth kung bakit ang saya-saya ko kapag nakikita kong naiinis siya.

Ang sama ko na bang tao?

"Edi dun ka kay Eli mo! Umalis ka na dito! Magpaulan ka na at puntahan mo na 'yang si Eli! Hinding-hindi ako mag-aalala sayo kapag nagkasakit ka!"

"Bakit? Sino bang may sabi sayo na kailangan mong mag-alala sa akin kapag may sakit ako ha? Pakealam ko sayo?!"

"Oo nga, dun ka na nga! Simula sa araw na 'to, wala ng Dylan na manliligaw sayo!"

Dahil sa sinabi niya eh napatigil ako.

Wait? Seryoso ba siya? Dahil lang dun eh titigil na siya sa panliligaw sa akin?

Saka bakit ganito yung nararamdaman ko? Parang nasaktan ako na ewan nung sinabi niyang hindi na siya manliligaw sa akin?

"Naniwala ka naman?" sabi niya saka tumawa ng malakas. "Hindi ako basta basta sumusuko, Magi. Kahit alam kong wala ng pag-asa, mas pipiliin ko pa ding lumaban lalo na kung ikaw naman yung ipaglalaban ko."

Tangina naman neto.

Pinapakaba ako!

"Kung makapagsalita ka, para kang hindi dating chick boy ah?"

"DATI nga diba? Pero ngayon hindi na kasi feeling ko nahanap ko na yung babaeng matagal ko ng gustong mahanap."

Inirapan ko nga.

Napaka korni niya talaga kahit kailan! Sana naman magbago na siya!

"Wag ka ngang magpatawa dyan!"

"Ano bang gusto mong sabihin ko?" aniya saka lumapit sa akin ng bahagya. "Kaming mga lalaki, kapag sinabi namin sa inyong 'ikaw lang' wag ka maniniwala. Ganun ba ha?!"

Pfft.

Natawa naman ako sa kaniya.

"Hindi ba totoo?"

"Wag mong lahatin, Magi! Kawawa naman ako na nadadamay lang sa mga nanggago sayo!"

"At dadagdag ka pa."

"Bakit ba ang sama ng ugali mo sakin? Inaano ba kita ha?! Kapag kay Eli ang sweet sweet mo tapos sa akin—"

"Ang sama kasi ng itsura mo!"

"Bakit? Maganda ka ba?!"

"Wala lang akong make-up ngayon pero wala kang karapatan na laitin ako!"

"At wala ka ding karapatan na sabihan akong panget—"

"Ang sweet nila, papa."  natigil kami sa pag-aaway nang biglang sabihin 'yan nung bata.

Pota!

Asan banda sweet dun?

"Pasensya na kayo sa anak ko. Sige na, ituloy niyo na pag-aaway niyo." aniya pero bago sila umalis ay may sinabi muna siya ulit. "Hindi ko kayo pipigilan na mag-away kasi diyan kami nagsimula ng misis ko."

Luh?

Bakit bigla akong kinilig?

"Awayin mo pa ko, asawa—"

"Tama na, uwi na tayo. Tila na ulan oh?" pagpigil ko sa kaniya at nauna na sa kaniyang maglakad.

Oo eh, no choice kami kundi maglakad kasi nasiraan ng sasakyan eh.

Sa susunod na kanto pa kami makakapagpara ng taxi kaya ayun, lakad muna.

Tahimik lang kaming dalawa na naglalakad dito sa eskinita nang biglang may humatak sa bag ko.

Shit.

Andyan yung mamahalin kong cellphone!

"Hoy!" sigaw ni Dylan saka mabilis na tumakbo para habulin yung magnanakaw.

Agad naman akong sumunod sa kaniya at mabuti nalang nahabol niya pa yung magnanakaw.

Ewan ko pero biglang uminit ang dugo ko kaya naman lumapit ako dun sa magnanakaw at hinampas hampas siya saka sinabunutan.

"Walang hiya ka! Ang kapal ng mukha mo na kuhanin yung bag ko! Alam mo bang mahal pa yan sa buhay mo ha?!" inis kong sabi.

Akmang tatakbo na ito paalis nang hatakin ko siya at hiniga sa kalsada saka siya pinagsasampal sa mukha.

"Tatakas ka pang gago ka? Ha?! Akala mo papalampasin ko ginawa mo? Hindi! Gago, hindi na kita paaabuting buhay sa barangay!"

"Magi, tama na." pag-awat sa akin ni Dylan at saktong dumadating ang mga tanod.

"PASALAMAT KA TALAGA AT NAPIGILAN AKO NI DYLAN KASI KUNG HINDI BAKA KALULUWA KA NALANG NGAYON! GAGO!"

Hinihingal na napaupo ako sa kalsada kasi ba naman, sino ang hindi hihingalin sa ginawa ko?

"Ayos 'tong araw na 'to ah? May tragic, may comedy, may horror tapos ngayon naman, action?" sabi ko at hindi ko maiwasang matawa.

Kita ko namang naupo din sa tabi ko si Dylan.

"Grabe—" natigil ako sa pagsasalita nang pagharap ko sa gawi niya ay malapit na pala ang mukha namin sa isa't isa.

"And now, ending this chapter with a romance."